Share

02

Author: Rose Rontaj
last update Last Updated: 2023-12-03 14:49:06

"Ms. Tina, tulungan niyo po a-ako."

I saw my personal assistant, Mary, standing before me and looking at me with pleading in her eyes. Puno ng mantsa ng dugo ang buong katawan niya.

I felt so terrified as I watched her beg desperately for her life. Just hearing her voice filled with pain was enough to break my heart.

Ramdam ko ang panginginig at ang panlalamig ng buong katawan ko. Malalaki rin ang mga butil ng pawis na tumutulo sa noo ko. Tila mawawalan na lang ako bigla ng malay.

Ngunit mas nilakasan ko ang loob ko. Kahit na walang tigil ang panginginig ng buong katawan ko ay sinubukan ko pa ring iabot ang kamay ko sa kanya.

Pero sa tuwing pinipilit kong abutin ang kamay niya ay palaging bigo ako. Tila ba may humahadlang at pumipigil sa'kin na mahawakan siya. Hanggang sa nahalata kong mas lumalayo ako sa kinatatayuan ni Mary.

I watched her helplessly hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

Kahit alam kong malabong maabot at makita ko pa siya ay hindi ko pa rin ibinababa ang kamay ko. Patuloy sa pag-agos ang mga luha ko.

Ramdam ko ang lamig na dulot ng bawat butil ng pawis sa katawan at mukha ko nang magising ako mula sa bangungot. Naramdaman ko rin ang bigat ng dibdib ko. Pilit kong hinahabol ang aking hininga.

Napansin kong nakataas pa rin 'yong kamay ko na para bang may inaabot pa rin. At pagkatapos ay naramdaman ko ang mainit na likido na walang tigil sa pag-agos sa magkabilang pisngi ko galing sa mga mata ko.

Bigo kong ibinaba ang kamay ko at doon ko pa lang naramdaman ang pananakit ng ulo ko. Mas lumala 'yong sakit nang makita ko ang hindi pamilyar na kisame. Naramdaman ko na ang kaninang kumakalma na puso ay nagsisimula na namang tumibok nang mabilis.

Agad akong bumangon sa pagkakahiga at inilibot ang tingin sa paligid. Mas kinabahan pa ako nang sobra dahil hindi pamilyar sa'kin ang lahat ng nasa silid na 'to.

Wala akong oras na inaksaya pa at hinanap ko na agad ang bag ko para tawagan si Mary o ang mga magulang ko. Nagbabaka-sakali ako na alam nila kung nasa'n ako.

Sa halip na mahanap ang nawawalang bag ay mas napansin ko ang suot kong damit. Hindi ito ang suot ko kanina at mas lalong hindi naman ito mukhang hospital gown.

Napansin ko rin ang nakakabit na swero sa kanang kamay ko. Nakita ko kung paanong nabahiran ng pulang dugo ang malinaw na puting likido dahil sa agresibo kong paggalaw.

Pinilit kong pakalmahin ang sarili dahil nararamdaman ko 'yong pananakit ng kamay ko. Pakiramdam ko ay parang may humihigop ng dugo ko. Mariin akong pumikit nang napagpasyahan kong alisin at hilahin 'yong swero.

Nakaramdam lang ako ng kaunting kirot pero kalaunan ay nawala lang rin. Hindi katulad kanina na tila sumasabay sa bawat pagpitik ng puso ko 'yong sakit.

Naagaw ng malaking window glass ang atensyon ko. Sa hindi kalayuan ay nakikita ko ang malawak at asul na asul na karagatan. May iilang ibon pa na lumilipad sa himpapawid.

Habang nakatitig sa labas ay mabilis na napasapo ako sa ulo ko. Biglang sumagi sa isip ko ang nangyari.

Naalala ko na nasa kotse ako kasama sina Mary at ang driver namin. Papunta kami sa location ng set. Aliw na aliw ako sa binabasang libro. Pagkatapos ay naaksidente kami at nawalan ako ng malay bago pa may dumating na tulong. Si Mary, dugo, usok, libro at ang sirang-sira na kotse ang huli kong nakita bago nagdilim ang paningin ko.

Mahina akong napadaing ng tila binibiyak ang ulo ko sa sakit nang isa-isang pumasok sa isip ko ang bawat imahe ng aksidente.

Narinig ko ang marahang pagpihit ng doorknob sa kwartong 'to na siyang nag-distract sa akin mula sa sakit.

Sa sobrang gulat at takot ay mabilis akong humiga ulit upang magkunwaring tulog. Baka ano pa ang gawin sa'kin ng taong papasok kapag nakita niyang gising na ako. Hindi ko pa naman alam kung sino o anong klaseng tao ang nagdala sa'kin dito.

Hindi ko magawang agad na magtiwala sa taong makikita ko ngayon. Ito ay dahil hindi mukhang ospital itong pinagdalhan niya sa akin kaya naman ay nakapagtataka talaga.

Pagkatapos kong ayusin ang sarili sa pagkakahiga ay tamang-tama rin na narinig ko ang pagbukas ng pinto. Tuluyan nang na-activate ang acting skills ko. Hindi na bago sa'kin ang magtulug-tulugan. Maraming palabas ang may ganitong scenes kaya perpekto at kabisado ko na ito.

Marahan ang paghinga ko. Tila kalmadong natutulog lang pero alerto ang isip at katawan ko habang pinapakiramdaman ko ang paligid.

Ilang segundo lang ang lumipas ay naramdaman ko na mayro'ng papalapit sa kama na kinahihigaan ko ngayon. Mula sa mahihinang yapak ay alam kong hindi siya mag-isa.

"She really looks like her." I heard an unfamiliar voice. It was so cold that it gave me chills.

"How is she? Why is she still unconscious?" sunod nitong ani.

"She's stable now. She only had a few minor injuries, so the healing process will go smoothly. She's just exhausted and taking a rest now," ani ng isang lalaki na halatang may katandaan na ayon sa timbre ng boses nito.

"Make sure she wakes up today. Unless you want to end up taking her place in this bed and never waking up again. You know I am running out of time. Do your f*cking job."

Tila nag-echo sa tainga ko ang mga salita nito. Sa boses pa lang niyang puno ng babala ay ramdam ko na agad kung gaano siya kadelikado.

Nanigas ako sa kinahihigaan nang marinig ang pagtataas niya ng boses. Muntikan pa akong mapaigtad dahil sa gulat. Mabuti na lamang ay agad akong nakabawi.

Sa sobrang lakas ng kabog ng puso, pakiramdam ko ay maririnig na nila. Grabe ang pagpipigil-hinga na ginawa ko para patuloy na makinig sa usapan nila. Subalit lumipas ang ilang minuto ay wala nang nagsalita pa.

Narinig ko ang ingay ng mga footsteps nila. Hindi nagtagal ay sunod kong narinig ang tunog ng pagbukas at pagsara ng pinto.

Minulat ko ang mga mata ko nang masigurado kong wala na talaga sila.

"How weird," I mumbled.

Marahan akong bumangon at napabuntong-hininga na lamang. Sapo ko pa 'yong dibdib ko gamit ang kaliwang kamay ko habang pilit uling pinapakalma ang sarili. Sobrang bilis ng pintig ng puso ko dahil hindi pa rin ako nakaka-get over sa gulat at kaba.

Tiningnan ko ang kanang kamay ko na halos hindi ko maramdaman dahil sa pamamanhid nito.

Nakapagtataka lang dahil hindi man lang nila pinansin 'yong duguang swero sa tabi ko. Hindi rin nila ginamot ang duguan kong kamay. Pero dapat na rin akong matuwa dahil hindi ako nabuking sa pagpapanggap ko. Hindi ko alam kung nasaan ako ngayon pero alam kong hindi ako ligtas dito.

At kanino kaya ang mga boses na narinig ko kanina? Ano ba talaga ang pakay nila sa'kin at bakit nila ako dinala dito?

"I need to get out of here as soon as possible," I murmured.

"So you're awake after all," a voice suddenly said which made me almost jump out of the bed.

Kung hindi lang talaga ito king-sized, baka kanina pa ako nahulog sa gulat.

Hindi ko man lang napansin na mayro'n pa palang tao sa kwarto. The worst part is that I got caught from acting.

Isang matalim na tingin ang sumalubong sa'kin nang subukan kong tingnan ang may-ari ng mapanganib na boses na iyon.

Hindi lang pala boses niya ang may bahid ng panganib. Buong mukha at pangangatawan niya ay sumisigaw rin ng babala na hindi siya dapat banggain.

Mabilis kong iniwas ang tingin sa kaniya at yumuko. Napansin ko agad na nakatambad ang kaunting bahagi ng dibdib ko dahil nagulo ang robang suot ko.

Mabilis ko itong inayos. Pagkatapos ay napakunot ako ng noo dahil naramdaman kong wala akong ibang saplot sa ilalim ng puting robang ito.

To make sure, I tried slightly pulling the hem of my robe. I almost gasped when I felt the soft fabric on my skin. I'm really not wearing anything else aside from the robe!

What the heck?

Sa sobrang gulat ko ay nawala sa isip ko na may tao palang nakatingin sa bawak kilos ko. Mabilis akong tinubuan ng hiya at agad na namula.

"Look at me," malamig ngunit may panganib niyang utos.

Ayaw ko mang gawin ang demanda niya, pero dahil gusto ko pang mabuhay ay marahan akong tumingin sa gawi niya kahit na namumula na ako sa kahihiyan.

Halos mahigit ko pa 'yong hininga ko dahil sa sobrang kakisigan at kagwapuhan nito. Nakasisilaw ang ganda nito pero manyak ata. Major turn off pa naman sa'kin iyon.

Hindi ko alam kung bakit niya ako dinala dito kahit sigurado akong hindi kami magkakilala. Hindi ko pa siya nakikita sa tanang buhay ko. Tanging mayro'ng masasamang balak lang ang gumagawa nito. Sa itsura niya pa lamang ay halata mo na agad na manyakis.

Kahit na sabihin pang 'don't judge a book by its cover' ay hindi pa rin ako magpapaloko dahil lang sa gwapo ito.

I clenched my fist while looking at him intently. I couldn't help but stare at his almost perfect features. He has a button type of nose. Makakapal na kilay. Deep gray eyes. Thin lips that looked naturally tinted with red.

He also has a strong and rectangular jawline. Mas lalo pang dumepina 'yong kagwapuhan niya dahil sa side part na buhok. And lastly, his built was a mesamorph type na halatang alagang gym.

Nasa may kaliwang hita niya nakapatong 'yong kaliwang kamay niya. Habang may bitbit naman 'yong kanang kamay niya ng isang mamahalin na rock glass na may tequila. Ang tapang niya siguro na handa kang ipaglaban sa kahit ano dahil walang yelo-yelo 'yong whiskey niya.

Connect?

I started arguing with my inner self.

"Enjoying the view?" he sarcastically said with a smirk.

"Yes," wala sa isip kong sagot. Pero agad naman akong natauhan at agad na binawi 'yong sagot.

"Where am I?" Pagpapalit ko ng topic.

"House," walang emosyon naman nitong sagot. Hula ko ay pinaglihi ito sa sama ng loob kaya sobrang tipid ng emosyon na ipinapakita.

"Kita ko nga. I mean, bakit nasa bahay mo 'ko or who knows kung kaninong bahay ito? Dapat nasa hospital ako ngayon after the incident. And why I am fully naked?" naguguluhan kong tanong. Pero si kuya niyo, naging mute kasi hindi sumagot.

"....."

Parang ginto naman ang lumalabas na mga salita sa bibig nito kaya siguro maikli parati 'yong sagot.

"Ito na lang. Ano ang ginagawa ko dito?"

Pinipilit kong pahabain ang pasensya ko sa lagay na 'to. Feeling ko kasi sinusubok ako nito.

"You look like her," tipid pa rin nitong sagot.

"Huh?" naguguluhan kong ani habang nakakunot na ang noo.

"Manyak ka ba?" wala sa sarili kong tanong. Kusa kasing lumabas sa bibig ko.

Mabilis kong tinakpan ang bibig ko at takot na tiningnan siya.

"What the fuck?" pagmumura niya at hindi makapaniwala sa narinig.

I saw how he slowly lost his patience. Bahagya niya pang hinilot 'yong sentido niya. Nakita ko rin ang pagsasalubong ng mga kilay niya at matalim na tingin ang ipinukol niya sa akin.

Kung nakamamatay lang talaga ang tingin ay baka kanina pa ako pinaglalamayan.

Related chapters

  • Reincarnated As The Substitute Wife Of A Mafia Boss   03

    "Are you dumb?" nauubusan ng pasensya niyang tanong.Ako pa talaga 'yong dumb. Siya nga 'yong walang kwentang kausap dahil hindi nagsasalita nang maayos. "Hindi. Ikaw nga diyan. Walang kwenta na ngang kausap, manyak pa," mahina kong ani.Tila tuluyan na siyang hindi nakapagtimpi. Biglang may hinigit na lamang siya sa likod niya na agad na nagpanginig ng buong katawan ko.Agad kong itinaas ang dalawang mga kamay ko. Ramdam ko 'yong tumulong pawis sa noo ko kahit malakas naman ang air-conditioning dito."Now tell me if you don't want to live anymore. I'll grant your wish," malamig at nagbabanta niyang ani habang nakatutok pa rin sa akin ang baril.Sa loob ng takot at panginginig ay nakaramdam ako na tila hindi ito ang unang beses na tinutukan niya ako ng baril."No, I'm just kidding. And put that gun down, please. I didn't mean to offend you. I'm just really confused. Why am I here? I'm supposed to be in the hospital. And where's Mary? The driver? Are they still alive?" sunod-sunod kon

    Last Updated : 2023-12-03
  • Reincarnated As The Substitute Wife Of A Mafia Boss   04

    "Now let us humbly invoke God's blessing upon this bride and groom, that in His kindness He may favor with His help those on whom He has bestowed the Sacrament of Matrimony," the priest started his speech.How did I end up in this situation?Hindi ko maiwasang mapatunganga dahil sa bilis ng mga pangyayari. Wala ako sa sarili sa loob ng seremony. Pagkatapos ibigay sa'kin 'yong papel ay napansin ko na lang na nasa isang shotgun wedding na ako."You need to sign here to officially make this contract confidential. If you fail to keep this secret, you will have to pay with your life," walang emosyon habang may pagbabanta niyang sabi kahapon.Nalilito at nangangapa pa nga lang ako ng pwedeng isagot tapos sinabi niya na agad 'yong plano at may halong pagbabanta pa. Akala niya siguro na tatanggapin ko 'yong offer niya."What do you think you're doing? When did I agree to this bullshit agreement?" Sa sobrang kalituhan ay napamura tuloy ako. Stressed na stressed 'yong brain cells ko sa mga na

    Last Updated : 2023-12-07
  • Reincarnated As The Substitute Wife Of A Mafia Boss   05

    "You're always welcome, my only princess. I'll miss you. I can't believe it. Ang araw na kinatatakutan ko ay nangyari na. Iiwan mo na ang tabi ng dad."I could feel the genuine sadness in his voice. After the death of the love of his life, he treasured Rendyl so much, especially because she was the only family he has left.Medyo kinakain ako ng konsensya ko at nasasaktan para sa kaniya tuwing iniisip na darating ang araw na malalaman niya ang totoo. Tuluyan na siyang nawalan ng pamilya. Ang kaisa-isang anak niya ay matagal nang wala at huwad lang ang kasama niya.I can't imagine the pain and grief he will go through after losing his only daughter.I bit my lower lip to stop the urge to apologize to him."I will always be your princess, Papa. And don't worry, I will visit you often. Don't be sad, okay?" Kahit nagpapanggap lang ako ay ramdam ko ang pagmamahal niya para sa anak niya.Lalo na't noong hinatid niya ako papuntang altar ay napansin ko pang napapaluha siya. He was hesitant abo

    Last Updated : 2023-12-07
  • Reincarnated As The Substitute Wife Of A Mafia Boss   06

    Tahimik ko silang sinundan. Sa dami ng pinto na nadaanan namin ay ilang beses akong sumubok na hulaan kung alin ba ang tamang pinto sa magiging silid ko at iyon ngalang ay ilang beses din akong nagkamali. "Ano pala 'yong mga pangalan niyo?" pagbabasag ko ng katahimikan sa aming tatlo.Medyo nakakaramdam na kasi ako ng pagkabagot dahil hindi pa rin kami tumitigil sa isang silid.Natigilan sila sa paglalakad. Mabilis silang humarap sa'kin at yumuko."My apologies, madame. I am Shelley," mabilis na sagot ng short-haired na babae."And I am Jessa, madame," ani naman ng naka-pusod 'yong buhok."Matagal na kayo dito?" pagtatanong ko ulit.Bawal talaga akong binabagot dahil dumadaldal ako. Isali pa na medyo tipsy ako."Ilang taon na kayo?" halata kasi na mas bata sila sa'kin ng ilang taon."Bago lang po kami, madame. I'm 19. Jessa is 21." Si Shelley 'yong sumagot.Ang babata pa nga nila. Mas matanda

    Last Updated : 2023-12-08
  • Reincarnated As The Substitute Wife Of A Mafia Boss   07

    Kulay itim at abo na motif ang tumambad sa'kin pagkarating namin sa dining area.May kahabaan 'yong table at mamahalin 'yong nakahilera na mga gamit sa paligid. From the utensils to the equipments. Mamahalin at maganda rin ang pagkaukit ng disenyo sa mga upuan at mesa. Sumisigaw na mas mahal pa sa buhay ko.Sa haba ng table at maraming upuan, baka kasya pa 'yong buong baranggay.Mayro'ng mga maid na nakatayo sa paligid at nakayuko sa pagpasok namin.Nakita ko agad 'yong gitna ng mesa na may iba't ibang putahe. Hindi lang sumisigaw sa mamahalin 'yong gamit. Pati rin ang mga pagkain ay halatang isang legendary chef ang nagluto.Sinusubukan ko pa na manatiling nakatago ang emosyon ko kahit sobrang tuwa at halos maglaway ako sa mga pagkain na nasa harapan ko. Tiyak na masarap iyon lahat.Umupo sa pinakadulo o reign's chair sa mahabang mesa si Maetel. Habang umupo naman ako sa may right side and one seat apart from him.Ang m

    Last Updated : 2023-12-08
  • Reincarnated As The Substitute Wife Of A Mafia Boss   08

    Malakas na singhap na agad na pinigilan ang gumising sa akin. Hindi ko na ata mabilang kung ilang singhap pa ang maririnig ko.Maaga akong nakatulog kagabi kaya medyo sensitive ang tenga ko ngayon. Konting ingay lang ay nagigising agad ako.Napansin ko na umaga na dahil sa ilaw na nanggagaling sa malaking glass wall na hindi natakpan nang maayos ng kurtina. Tiningnan ko ang nagmamay-ari ng boses na iyon at nakita ko si Shelley. Bakas sa mukha niya ang gulat. Gamit ang dalawa niyang mga kamay ay tinakpan niya ang kanyang bibig.I wasn't fully awake yet when I started to feel a chill on my forehead. It was damp from sweat, and it felt so sticky. Though what was more uncomfortable was the hot breath on the hollow of my neck.Wait, what?!A "hot breath on the hollow of my neck"? I was horrified as I slowly digested this realization. Naramdaman kong kumabog nang malakas ang puso ko. Nararamdaman ko na kasi ang init na dumad

    Last Updated : 2023-12-09
  • Reincarnated As The Substitute Wife Of A Mafia Boss   09

    Nagsimula na akong galawin ang mga pagkain na nakahanda. Wala pa ring imikan ang nagaganap sa aming dalawa.Wala rin naman akong maisip na pwedeng pag-usapan kaya mas inabala ko na lamang ang sarili sa mga pagkain.Habang kumakain ay nakikita ko sa may peripheral vision ko na hindi pa rin siya matigil sa katitingin ng mga papeles.Halos dumikit na ang pagmumukha niya sa mga papel.Kumunot ang noo ko habang tinitingnan siya. Kung hindi rin naman siya matigil sa kakatrabaho, edi sana hindi na siya kamo pumunta dito. Doon na lang siya sa opisina niya.Nakaka-distract pa naman siya ng taong kumakain. Nagmumukha kasi siyang yummy. Ang seryoso kasi ng pagmumukha niya. Tapos ang hunk pa niyang tingnan sa suot niyang kulay puti na long sleeves na nakatupi hanggang bandang siko niya. Mas nadedepina tuloy ang makisig niyang mga braso. May ilang butones ding hindi maayos ang pagkakalagay kaya may nakikita akong konting balat sa may dibdib

    Last Updated : 2023-12-09
  • Reincarnated As The Substitute Wife Of A Mafia Boss   10

    Unti-unti ay nasa ilalim na parte kami ng dagat. Malakas na naka-kapit ako sa braso niya habang pilit parin kumawala sa hawak niya."I swear. If you really put me down!" pagbabala ko sakaniya.Nakita kong tumaas ang sulok ng labi niya na tila ngumingiti ng nakakaloko."Don't you dare, Mr. De Vistal," bawat salita na lumalabas sa bibig ko ay may diin.Tinatamad akong maligo ulit kaya sobrang pagka 'di gusto nalang talaga ang naramdaman ko sa kalokohan niya.Mabilis kong ipinalupot ang mga braso ko sa leeg niya ng maramdaman kong inaakto niya na akong itapon sa tubig.Sa sobrang likot ko habang bitbit niya ay bahagyang na-out balance siya kaya napatili na lamang ako ng natumba kami pareho sa tubig. Malakas akong napatili kaya agad na napasukan ng tubig alat ang bibig ko. Isali pa na nasa sa'kin ang may kabigatan kaya ako 'yong unang lumapat sa tubig.Ang alat!Mabilis niya akong hinila para maka-alis sa kakalunod.

    Last Updated : 2023-12-10

Latest chapter

  • Reincarnated As The Substitute Wife Of A Mafia Boss   BONUS CHAPTER

    “They got your looks, babe. Ang daya, ako 'yong nagdala sakanila ng nine months tapos wala man lang silang nakuha galing sa'kin,” bagnot ang mukha kong sabi. Dahil kamukhang-kamukha talaga ni Maetel ang dalawa. Kahit kulay man lang ng buhok ko o kahit kakapalan na lamang ng buhok ay hindi man lang namana sa'kin sa kambal. Nakakatampo lang rin lalo na't nagsisimula ng nagpapakita ng favoritism 'yong dalawa. Masyadong napaghahalataan na mas malapit pa  ang loob nila kay Maetel kaysa sa'kin. "No, I think they got your gorgeous look," nakangiti naman niyang sagot.Agad kong kinagat ang ibabang labi ko para pigilan na mapangiti."'sus! Nambola pa talaga. E' halata naman na kamukhang-kamukha ka nila," nagkukunwaring mataray na ani ko at bahagya siyang inirapan.Mahina na napatawa naman siya.Austel and Maetina was such a daddy's girl and daddy's boy. Lumalapit lang ang dalawa kapag nagugutom at kailangan kong i-breast feed silang dal

  • Reincarnated As The Substitute Wife Of A Mafia Boss   EPILOGUE II

    Hi! This will be the last chapter of RATSWOAMB's main story. Thanks for reaching this far with me ~-At first marriage will never my thing, but if it's her. I will do everything for her. I will not let her go without carrying my last name, unless she wish that she don't want to change her surname for me. I will respect her own preference.I can feel the anticipation that starting building up inside of me while I was waiting her inside of the church where will be held our solemn wedding. I was sweating colds. Natatakot na baka magbago ang isip niya at makapagdesisyon na hindi na siya tutuloy.She was almost on her 3rd trimester right now, at hindi ko maiwasan na mag-alala para sa kalagayan niya. Gusto ko g i-postpone at pagkatapos na lamang niyang manganak. However, she wished to be wedded with me while pregnant with our children. Her belly were starting to expanded more for our twins who's getting grow.I remember how she cried when she

  • Reincarnated As The Substitute Wife Of A Mafia Boss   EPILOGUE I

    “The enemy is on the move, Boss.” Ron said, one of my men who's occupying the passenger seat.I was clenching my jaw to suppressing the anger. This is starting to getting to my nerves.“You know already what to do,” malamig kong ani.Prente akong naka-upo sa backseat ng sasakyan habang may hawak sa kamay na mga papeles. Mabilis ko itong itinapon sa tabi ng mabasa na puro walang kwenta iyong prino-propose.Damn this all piece of shits! All they want is only to fill and make it more fat their pockets.Bahagya kong minamasahe ang noo ko ng maramdaman ko ang pagsakit nito.Tinignan ko agad ang labas at napansin na wala na masyadong tao ang dinadaanan ng sasakyan.I let a deep sigh.These flies who've been following me intently. They deserve to be mourned today.After we reached from a remote road, the driver stop midway. Later on I heard from Ron that some of my men did a great job from blocking the flies.

  • Reincarnated As The Substitute Wife Of A Mafia Boss   50

    "Don't sleep yet! You're not allowed to sleep! Come on, love. Smile for me. Please don't leave me." basag ang tinig na ani Maetel ng magkaroon ako ng malay.Nakita ko ang puting kisame at maging nakakasilaw na ilaw na nadadaanan namin sa hallway ng Hospital. Nakahiga ako ngayon sa isang stretcher. Nararamdaman ko ang panglalamig sa kamay ni Maetel kaya bahagya ko siyang nginitian para pagaanin ang loob niya kahit nahihirapan parin akong panatilihin nakabukas ang mga mata ko. Ramdam ko ang pamimigat ng mga talukap ng mga mata ko-hanggang sa tuloyan akong kainin ulit ng antok. Ngunit bago pa ako mawalan ng malay ay may ibinilin ako kay Maetel."If t-there's a time that y-you need to chose between me and the baby. P-please chose me. I'm sorry," nanghihina at naluluha kong bulong sakaniya. "Pero gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para pareho kaming makaligtas at makabalik sa mga bisig mo," desidido kong pagdudugtong. -"The veteran actress' Faustina Vill

  • Reincarnated As The Substitute Wife Of A Mafia Boss   49

    WARNING! : This chapter may contains of strong language and uncomfortable scenes.—“HIJA, I cooked some sopas that's good for you after the morning sickness.” Bungad sa'kin ng Ina ni Maetel ng makalabas ako sa banyo pagkatapos kong sumuka.“Thank you, Tita,” nanghihina kong ani.“'lika na, kumain kana habang mainit pa ito,” nakangiti niyang sabi at inakay ako papalapit sa kama. Sa side table nito ay may nakalapag na isang tray na may laman na sopas na niluto niya.Nang maka-upo ako sa kama ay hindi ko mapigilan ang sarili na mapatingin ulit sa oras. Dahil hanggang ngayon ay hindi parin kasi nakakabalik si Maetel.“Careful, medyo mainit pa.”Ngumiti lang ako at tinikman iyong sopas. Hinihipan ko rin ito bago isinubo. Bahagya pa akong napapatango dahil sa nagustohan ko ang pagkaluto nito. Pagkatapos kong kumain ay ininom ko na agad iyong mga vitamins na pinapa-inom ng doctor sa'kin. Napagpasyahan rin namin ng Ina ni

  • Reincarnated As The Substitute Wife Of A Mafia Boss   48

    After I got the news from Lessia, I can't get her out of my mind. Hindi na ako lumalabas ng silid namin ni Maetel, at mabuti nalang talaga ay laging nasa tabi ko si Maetel para i-comfort ako. But today was different, nagpaalam siya na may urgent na gagawin siya sa kompanya kaya isang maid ang naghahatid ng pagkain.I can't help to always overthinking, the fear were consuming me and didn't realize that I was over stressing myself that makes me end up from fainting.The maid saw me laying from the cold tiles on my bathroom when she can't find me from the bedroom. Sabi niya ay hinintay niya akong lumabas ngunit lumipas ang ilang minuto ay wala siyang nakukuhang sagot mula sa'kin at hindi pa ako lumalabas ay doon siya naglakas loob na pumasok para tignan ang kalagayan ko. Kaya mabilis nilang tinawag ang family doctor ni Maetel, maging iyong doctor sa hospital ay pinatawag rin ni Maetel. Nang magising ako ay labis nalang na pangamba ang nararamdaman ko para sa

  • Reincarnated As The Substitute Wife Of A Mafia Boss   47

    Bored na bored akong nakatanaw sa malawak na karagatan. Malamig ang simoy ng hangin at nililipad 'yong buhok ko kaya bahagya ko itong sinakop at inilagay sa kabilang balikat.Linggo na rin ang nakalipas pagkatapos tuloyan na akong makapag-discharged sa hospital.Nakabalik na ulit ako sa Mansion ni Maetel na akala ko'y kahit kailan ay hindi na ako makaka-apak pang muli dito. Gustohin ko man sa condo ko titira ako pero hindi ko magawa lalo na't sa tuwing iniisip ko na doon ako titira ay biglang babalik sa ala-ala ko ang mga nangyari at bumabaliktad ang sikmura ko.Marahan kong tinapik-tapik ang bahagyang dibdib ko para pigilan ang nararamdaman na masuka.Inayos ko na rin yinakap sa sarili ko ang suot kong jacket. Maaga akong nagising and as usual, binungad agad ng morning sickness. Kahit inaantok pa ay nawalan ako ng gana para matulog ulit.Minamasdan ko ang magandang sunrise sa hindi kalayuan. It has a breathtaking beauty. Bahagya akong na

  • Reincarnated As The Substitute Wife Of A Mafia Boss   46

    “Eat more,” he said with his usual cold tone, pero ramdam ko parin ang pagiging malambot nito hindi katulad sa dati na malamig na nga, sumisigaw pa ng ubod ng kaseryosohan.Umismid ako ng hindi magustohan ang pinipilit niya. Busog na busog na busog na ako, tapos isali pa 'yong hindi ako sanay sa pananalita niya at pagsusubo pa sa'kin ng pagkain. May kamay naman ako kaya medyo hindi pa 'ata ako matutunawan sa pinanggagawa niya.“I'm already full, Maetel. H'wag mo nga akong pilitin,” puno ng iritasyon kong ani.Binababa naman niya 'yong disposable spoon na may laman na sopas. Nakikita ko lang ito at naiisip 'yong lasa ay parang bumabaliktad na ang sikmura ko sa sobrang umay na nararamdaman.Medyo hindi parin ako sanay na maraming nakain dahil napag-alaman kong maga-anim na linggo rin ako sa laging matigas na tinapay lang ang kinakain ko sa loob na basement na iyon.“Nga pala, anong nangyari don sa lugar na iyon bago ako mawalan ng malay? Ho

  • Reincarnated As The Substitute Wife Of A Mafia Boss   45

    I was feeling empty and dead inside. Wala na 'ata akong mailu-luha pa sa lagay na ito. Namamanhid rin ang buong katawan ko.Sa madilim na basement na ito, gusto ko nalang maglaho na tila isang bula. I feel so hopeless right now.Walang buhay na ang mga mata ko, mugtong-mugto ito sa kakaiyak at humahapdi na rin. Hindi ko alam kung hanggang saan nalang ang makakaya ko. Dahil lumipas ang oras at maging araw ay hindi ko na kaya.“Arck!” I wipe my mouth using the back of my hand. I can't take this unbearable feeling. I always feel queasy and nauseated. Hindi nakakatulong sa'kin ang pagsusuka at halos nawawalan pa ako ng malay dahil sa sobrang pagkahilo.Pinagpapasalamat ko nalang siguro ngayon dahil ilang araw na ang nakalipas yung huling punta ni Lessia dito. Tanging si Shelley lang rin ang pabalik-balik dito para hatidan ako ng pagkain, iyon ngalang ay ilang oras na ang nakakalipas matapos hatiran niya ako ng pangtanghalian ay hindi na siya nakakabal

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status