CHAPTER 25 NAPAPANGITI sya habang ka-chat ang asawa, pagkatapos ng kanyang meeting bigla nyang naisip ang kanyang eto, kinuha nya ang kanyang cellphone at balak sana nyang tawagan ngunit bigla nyang naisip na mag online, lately kase nakikita nya ang asawa na kung ano-anong kinakalikot sa social media nito, palihim nya etong tini-tingnan. Hinanap nya ang profile ng asawa tamang-tama naman na nakita nya na may bagong upload na profile picture, nakaramdam sya ng selos sa mga nakita nyang comment na nila-like ng asawa. Nagsend sya ng request dito, naiinip sya dahil ang tagal nitong i-accept ang friend request. Nakaguhit pa sa mga labi nya ang ngiti ng biglang tumunog ang kanyang cellphone. MAMA CALLING... Agad nya etong sinagot sa pag-aakalang baka may nangyari sa kanyang papa. “Hello, Ma!” sagot nya. “Son, galing kami sa bayan ni Olivia, dadaan kami dyan sa office mo!” “Ma!-” “Malapit ng umalis si Olivia kaya naisip nya na mag unwind muna dyan sa resort!” Napabuntunghininga sya
CHAPTER 26 NAGKATINGINAN silang mag-asawa ng umalis ang dalawa. Panunumbat ang nasa mga mata ni Justine ng tumingin sya kay Richel. “Kaya ba pinapunta mo ako dito?” “Hey, of course not!” hindi maintindihan ni Richel kung bakit gusto nyang kumbinsihin ang kanyang asawa para hindi eto magalit. “What a nice surprise, huh?!” sabi pa nito. Tinangka nya etong hawakan ngunit umilag lang eto, umalis eto sa pagkakaupo sa kanyang upuan, at lumakad papuntang sofa at dun eto pasalampak na umupo habang nanunulis ang nguso. Lihim syang napangiti sa hitsura nito. Dimampot nito ang mga magazine at nagbubuklat, ng maramdaman nyang tila wala etong balak kausapin sya, umupo na sya sa kanyang upuan at nagsimula ng magtrabaho. Pasulyap-sulyap sya sa asawa na ngayon ay nakahiga na sa sofa habang nagbabasa, nakasimangot pa rin ang mukha nito. “She look good on my sofa bed” naisip nya habang nakatingin dito, naaaliw nyang pinagmasdan eto na komportableng nakahilata sa sofa. Maya-maya pa narinig nyang b
CHAPTER 27 Mabilis silang nakarating sa cabin na hindi sya kinikibo ng asawa, nitong mga nakaraang araw napapansin nya ang madalas nitong pagsusungit na hindi naman nito ginagawa dati, hindi na lang nya masyadong pinapansin dahil baka nag-a-adjust pa sa bago nilang buhay. Pinagmasdan nya eto habang naglalakad, hindi eto mahirap mahalin, bukod sa hindi papahuli ang ganda nito sa mga babaeng nalink sa kanya at kay … Aime! Mabigat syang napabuntunghininga, Malaki ang sugat na iniwan sa kanya ni Amie, sinikap nyang ibaling sa iba ang pagtingin upang mabawasan ang sakit ngunit pagtataksil din ang kanyang napala at hindi nya alam kung maghihilom ang sakit na nilikha ng mga pangyayari. Naisip nyang bigla si Olivia, aaminin nyang nagamit nya ang babae sa panahon na nagluluksa sya dahil sa pang-iiwan sa kanya ni Amie, pero mas matinding sakit ang ibinigay nito. Naipilig nya ang kanyang ulo. Nakita nyang huminto eto at lumingon sa kanya, napakunot noo sya dahil ang putla-putla ng mukha nit
Chapter 28DUMIRETSO na sila ng ospital Pagkatapos nilang kumain, nag text sya sa kanyang step-father na parating sya, kahit masama ang loob nya dito nagpasalamat pa rin sya dahil hindi nito pinababayaan ang kanyang ina. Hindi naman nya eto masisisi at wala syang magagawa kung hindi sya nito matanggap-tanggap bilang anak.Mahinang katok ang ginawa nya bago binuksan ang pinto. Mukha ng kanyang step-father ang nabungaran nya.“Justine!” tawag nito sa kanya.“Kumusta po si Mama?” tanong nya dito.“Mabuti naman sya ngayon, kaso kailangan nyang maoperahan sa lalong madaling panahon para maalis ang bara sa kanyang puso,” malungkot na saad nito.“God!” mahina nyang sambit.“Nagising sya kanina at hinahanap ka nya,” imporma nito.Tumango sya ng bahagya, minasdan nya ang hapis na mukha ng kanyang ina at hinawakan ang kamay nito. “Kailan pa sya may sakit?” tanong nya dito habang sa kanyang ina pa rin nakatingin.“Matagal na, kaso aayaw nyang ipaalam sayo dahil baka mag-alala ka,”Ilang sandali
Chapter 29 Dere-deretso syang pumasok sa kanyang opisina, tila kakapusin sya ng hininga sa emosyon na nararamdaman nya. Nilampasan nya ang ilang empleyado nya na hindi pinapansin ang pagbati ng mga eto. Sandali syang huminto sa tapat ng table ng kanyang secretary. “I don't want to receive any calls.” sab nya dito. “How about Ms Olivia-” “I said, Any calls! is that so hard to understand?” sigaw nya dito na ikinagulat nito, never pa syang nagtaas ng boses dito ngayon lang. Mabilis nya etong tinalikuran at pumasok sa opisina nya. “Y-yes sir!” sagot nito. “Don’t disturb me!” pahabol nya dito. Napaupo sya sa kanyang swivel chair pagkapasok pa lang nya ng opisina. Itinukod nya ang kanyang dalawang siko sa table at yumuko bago humawak sa kanyang batok. Ilang sandali sya sa ganun posisyon bago tumayo at bumuntunghinga, napaharap sya sa bintana na nakaharap sa dagat. Naalala nya ng hitsura ni Justine, puno ng hinanakit ang mata nito na tumalikod sa kanya. Hindi nya mapigilang maawa sa da
Chapter 30 MINABUTI ni Justine na manatili na lang muna sa apartment, nakapagdesisyon na sya na kalimutan ang lalaki, pinipilit nyang mging normal muli ang buhay nya kahit mahirap. Araw ng Linggo naisipan nyang mamalengke dahil paubos na ang supplies nya, tamang-tama kase makakadaan na rin sya sa simbahan. Nawili sya sa pamimili ng mga prutas at gulay dahil napakamura at sariwa kumpara sa lungsod kaya hindi nya napansin ang isang sasakyan na huminto malapit sa kinatatayuan nya. “Justine?” Mabilis syang napalingon sa boses na tumawag sa kanya. Nanlaki ang mata nya ng makilala eto. “Lemar!?” malalaki ang hakbang na nilapitan sya ng lalaki. “What are you doing here?” “Namimili ako ng supplies” nakita nya na umiling eto. “Hindi yan ang ibig kong malaman, Bakit wala ka sa Hermano?” tahimik syang napayuko. “Hindi na ako nagta-trabaho dun” sagot nya dito, tumitig eto sa kanya na tila nakikisimpatya sa kanya. “Let’s have coffee” aya nito sa kanya na mabilis nyang sinang-ayunan, um
Chapter 31MAGANDA ang ayos ng simbahan dahil araw ng kasal ng isang Hermano, isa sa pinakamaimpuwensyang pamilya sa bayang yun. Ngunit eto ang araw ng pagluluksa ng puso ni Justine, Hindi sya lumalabas ng bahay dahil bawat sulok yata ng bayang yun ay ang kasal nina Richel at Olivia ang bukang bibig ng mga tao. Kung gaano daw kaganda ang bride at bagay na bagay daw silang dalawa. Nakabandera sa buong social media ang kasalan pati sa social media page ng Resort.Lemar Calling….“Where are you?” bungad nito ng sagutin nya ang tawag.“Home” walang gana nyang sagot.“Where?” “Sa apartment” maiksi nyang muling sagot.Tila natahimik ang kabilang linya.“Are you okay?”“O-Of course!” sagot nya. Napalatak naman ang binata sa sagot nya.“I’m so stupid! Of course your not!” na pa-tsk pa eto.‘Where are you?” tanong nya sa lalaki.“Church! I’m so bored!” sabi nito.Napatawa sya ng mahina.“I miss that!”“Miss what?”“Your laugh, you must do that more often!” sabi ng binata bago bumuntunghininga
Chapter 32 KULAY puting kisame ang sumalubong sa kanyang ng magmulat sya ng mata, iginala nya ang paningin sa loob ng silid, napakuntot ang kanyang noo ng makita ang isang babaeng nakayupyop sa gilid ng kanyang kama. Tila pamilyar sa kanya ang bulto nito ngunit nais nyang makasiguro kaya niyugyog nya ang balikat nito. Bahagyang umungol eto bago pabalikwas etong tumunghay sa kanya. “Jill?” nasorpresa nyang bulalas. “Thank God, you’re awake!” “B-bakit-, P-paanong-?” hindi nya maapuhap ang sasabihin. “Tumawag sakin ang staff ng ospital para maipaalam ang nangyari sayo, kung hindi pa meron mangyayari sayong masama hindi ko pa malalaman?” sa himig nito ang pagtatampo. Sumagi sa isip nya na ang kaibigan nga pala ang nakalagay na contact nya in case of emergency, eto kase ang pinakamalapit sa kanya sa kanilang magkakaibigan. Wala naman syang planong ilagay ang kahit sino sa mga magulang nya dahil may mga kanya-kanya na etong buhay. Bigla nyang naalala ang nangyari sa kanya kanina kaya