Biglang nagising si Czariyah, kinabahan naman sya ng pagmulat nya at hindi pamilyar na silid ang kinaroroonan nya. Agad naman syang kumalma ng maalala na nasa loob sya ng bago nyang silid. Kanina lang ay isinama na silang mag ina ni Tito Damien. Medyo nagulat pa sya ng makarating sila sa bahay ng bagong asawa ng kanyang ina dahil simula pa lang sa labas ng bahay nito ay halata mo ng mayaman talaga ang nakatira.
Alam nyang mayaman ang Tito Damien nya ngunit nabigla pa din sya ng mapagtanto nya kung gaano talaga ito kayaman. Sa labas pa lang ay halos magpalinga linga na sya sa paligid. Namamangha sya sa nakikita dito. May mga iba't ibang klase ng halaman sa nadadaanan nila. May isang parte pa nga na may fountain na napapalibutan din ng bulaklak. May iilang mga upuan din na makikita na pwedeng tambayan kung gusto mong magpalipas oras. May kaya din naman sila ng konti pero medyo malayo sa yaman na mayroon ang step father nya. Pagkapasok naman nila sa loob ng malaking bahay ay agad na sinalubong sila ng mga kasambahay. Talagang mga nakauniform pa ang mga ito maliban kay Manang Linda ang mayordoma. Nilibot nya naman ang paningin at nakita ang mga iba't ibang display na alam nyang mamahalin din. Nang matapos silang ipakilalang mag ina ni Tito Damien sa mga katiwala sa bahay niya ay sakto namang nagawi ang tingin nya sa bandang hagdan kung saan may isang lalaki na pababa do'n. Hindi nya alam pero parang bigla syang hindi mapakali kahit na hindi pa naman nakakalapit sa kanila ng tuluyan ang lalaki. Dito lang nakatuon ang paningin nya hanggang sa makalapit ito sa gawi kung saan sila nakapwesto. Nang huminti ito malapit sa kanila ay hindi nya maiwasang pagmasdan ang lalaking nasa harapan nila. Matangkad ang lalaki parang hanggang balikat lang sya nito sa tantya nya. Nakasuot lang ito ng plain black shirt at cargo shorts pero sobrang lakas na agad ng dating nito. Kung iba ang may suot nun ay hindi manlang sya mamamangha, ngunit iba ang lalaking ito. Hindi nya din mapigilang pagmasdan ang kabuuan ng mukha nito. Medyo mapula ang mga labi nito na may kanipisan din, matangos din ang ilong nito. Ngunit ang nakaagaw ng pansin nya sa lahat ay ang mga mata nitong kulay brown, pansin na pansin ang kulay nito kahit di pa man nasisinagan ng liwanag. Ito na yata ang pinakamagandang matang nakita nya. "Ito naman ang anak ng tita Zanya mo. Czariyah, ito ang bago mong kapatid. You can call him Kuya Damon.", boses iyon ni Tito Damien na na nagpabalik sa kanya sa realidad. Hindi na pala nya namalayan na pinapakilala na sa kanilang mag ina ang lalaking nasa harapan nila. Shit! "Hello po, Kuya Damon. Nice meeting you po", pagbati na lang nya sa lalaki. Naknang! Ito pala ang anak na naikukwento ni Tito sa kanila ng kanyang ina. Napatingin naman sya ng bahagya itong lumapit sa kanya at naglahad ng kamay. "Nice meeting you, my baby sister", wika nito. Wait, what? Tinawag nya ba akong baby sister? Mas okay sana 'yun kung baby na lang walang sister. Nakakaloka ka self, kapatid mo na yan. Bahagya nya namang ipinilig ang ulo dahil sa naiisip. Tinanggap na lang nya ang pakikipagkamay nito at parang may kung anong init syang naramdaman sa paglalapat ng kamay nilang dalawa. Nahihiya syang tumingin sa lalaki, pakiramdam nya ay namumula na din sya kaya nag iwas na lang sya ng tingin dito. Saka mabilis na binawi dito ang kamay nya. Napansin nya naman na medyo parang napangiti ito dahil sa ginawa nya. Ang gwapo nya talaga. Shit. Erase erase! Nang matapos silang kumain ng lunch ay sila na lang ni Kuya Damon nya ang magkasamang tunguhin ang bago nyang magiging silid. Ang mga magulang kasi nila ay maglilibot libot muna sa buong mansyon. Sya naman ay mas gustong magpahinga, medyo nararamdaman na din kasi nya ang pagod dahil sa byahe kanina. Nauunang maglakad ang kuya Damon nya papunta sa kanyang magiging kwarto. Sya naman ay nakasunod lamang dito dahil hindi din naman nya alam kung saang parte ang magiging silid nya. Hindi nya naman maiwasang pagmasdan ang nakatalikod na lalaki. Umagaw ng atensyon nya ang malapad nitong mga likod, halatang alaga nito ang katawan. Medyo napansin nya din na may tattoo ito sa isa nitong braso hindi nya lang masyadong makita ng buo dahil natatakpan na ng manggas ng t-shirt nito ang ibang bahagi. Naputol lang ang pag iisip nya ng biglang huminto sila sa harap ng isang pintuan. Agad namang binuksan ng lalaki ang pintuan saka ipinasok ang dala nitong mga gamit nya. "Dito ang magiging kwarto mo simula ngayon baby sister, ang kwarto ko ay nasa katabi nito. Pag may kailangan ka ay pwede mo akong puntahan doon", wika ng lalaki habang nakaharap sa kanya. Napatingin naman sya dito ng bahagya. Ayan na naman sa baby sister. "Opo, Kuya. Magsasabi po ako pag may kailangan ako. Salamat po ulit", sagot nya naman dito. Hindi nya alam kung namalimata lang ba sya dahil medyo napansin nya na nagbago ang ekpresyon ng mukha nito ngunit ng tingnan nya naman ng ayos ay bumalik naman sa maaliwalas na mukha ang lalaki. Nang tuluyan ng magpaalam at lumabas ng silid ang Kuya Damon nya ay nilibot nya naman ang paningin sa kabuuan ng kwarto kung saan sya naroroon. May kalakihan ang kwarto, kasing laki na ng isang normal na bahay. All white ang kulay sa loob ng kwarto, napakalinis sa tingnan. Ang kama naman ay may kalakihan din pwedeng magtabi ang apat na tao sa pagtulog dito. White and grey ang kulay nito. Tingin pa lang din dito ay mukhang malabot na at masarap tulugan, hindi nga sya nagkamali ng tinry nyang higaan ito. Habang nakahiga ay napansin nya din ang isang modern design na ilaw sa kisame ng kwarto nya. Bahagya naman syang umupo sa kama at napangiti sya ng makita ang bookshelf malapit sa vanity table. Gusto nyang magpasalamat sa kung sino mang nakaisip maglagay ng ganito doon. Hindi sya mahihirapang mag isip kung saan ilalagay ang mga libro na dala nya. Matapos nyang magmuni muni at pagmasdan ang buong silid ay agad naman nyang inayos ang iba nyang gamit. Gusto na nya sanang magpahinga agad ngunit hindi naman sya matali na hindi ayos ang gamit sa loob ng kwarto nya. Inutay nya munang iayos ang mga damit nya sa cabinet. Medyo may kalakihan ito kaya hindi sya masyadong nahirapan sa paglalagay ng mga damit nya. Ang mga essentials nya naman tulad ng mga lotion at make up ay iniayos nya sa vanity table para hindi na din kalat kalat at hindi sya mahirapang hanapin paggagamitin nya. Ang mga body wash, shampoo ay inilagay nya naman sa bathroom, may mga stock na din naman dito pero ayos na din na nagdala sya dahil hindi sya pamilyar sa mga brand na andun. Mukha lang mas mamahalin kesa sa mga ginagamit nya. Nang matapos nang mag ayos ng silid si Czariyah ay napagpasyahan nya ng maligo para naman ay fresh sya bago tuluyang humiga sa malambot nyang kama. Hindi nya namalayan na napahaba ang tulog nya. Medyo kinabahan pa ng sa hindi pamilyar na silid sya nagising. Agad namang rumehistro sa utak nya kung nasaan sya kaya nakahinga sya ng maluwag. Hindi pa man sya tuluyang nakakabangon ay narinig nya ang katok at boses ng step brother nya. Hindi nya alam kung talagang naninibago lang sya sa mga nangyayari o talagang iba ang epekto sa kanya ng bago nyang kapatid. "Baby, gising ka na ba? Sumabay ka ng kumain sa akin", boses ng lalaki mula sa labas ng silid nya. Wha? Did he just call me baby? agad nya namang ipinilig ang ulo nya dahil baka nalulutang pa sya dahil nga bagong gising lang sya. Agad naman syang bumangon at saglit tiningnan ang sarili sa salamin. Nang masigurado na ayos na ang hitsura nya ay kaagad nyang binuksan ang pinto. Halos mapasinghap naman sya ng makita na nasa labas pa din ng pinto nya si Damon. Muntik pa syang mapasubsob sa dibdib nito. Akala nya naman kasi ay umuna na itong bumaba at doon na lang sya hihintayin. Infairness ang gwapo na ang bango pa. Huyy anteh! Iwinaksi nya ang sinasabi ng parteng iyon ng isip nya. "Okay ka lang?", baritonong boses ni Damon na nagpabalik sa kanya sa tamang wisyo. "Ah..eh..opo kuya. Ayos lang po ako, medyo nagulat lang", mahinang boses na sagot nya. "Sorry kung nagulat kita, naisip ko lang na hintayin na kita para sabay na tayong bumaba", wika nito, sya naman ay hindi makatingin sa lalaki. Diretso lang ang mata nya sa parteng dibdib nito. "Okay lang kuya, tara na baba na po tayo", magiliw nyang pagyaya dito. Hindi nya tiningnan ang mukha nito dahil hindi nya talaga kaya. Nahihiya sya dito, pakiramdam nya ay mawawalan sya ng malay pagtinitingnan sya nito. Nauna na syang maglakad pababa ng hagdan papunta sa kusina, ramdam nya naman na nakasunod sa kanya ang lalaki. Wala silang imik hanggang makarating sa kusina. Tamang tama naman na nakapaghain na ng pagkain si Nay Linda. "Buti at andito na kayo, sya maiwan ko na kayo para kumain. May aasikasuhin lang ako, iwan nyo na lang ang pinagkainan dyan pagtapos na kayo", wika ni Nay Linda bago tuluyang lumabas ng kusina. "Upo ka na dito", napatingin naman sya sa gawi ng kapatid. Hinila pa talaga nito ang upuan kung saan sya pinapaupo. Agad naman syang lumapit at umupo para makakain na din sila. Itatanong sana nya kay Damon kung bakit silang dalawa lang ang magkasabay kumain ngunit naunahan na sya nito sa pagsasalita. Parang alam nito ang nasa isip nya. "Nauna na sina papa na kumain", wika nito. "Hindi na tayo inistorbo sa pagpapahinga", sunod pa nitong sabi. "Napasarap din kasi ang tulog ko kanina", sagot nya dito. "Ayos lang, di ko din naman namalayan ang oras. Nakatulog din ako", pagpapaliwanag nito habang kumakain sila. Ngumiti na lang sya ng bahagya sa lalaki. Nahihiya syang makipag usap ng matagal dito. "Gusto mong mamasyal sa farm bukas?", biglang tanong nito. "Farm? Farm nyo?", namamangha nyang tanong. "Yup! So ano? Sama ka?", nakangiti nitong tanong ulit. Ang buong atensyon nito ay nasa kanya, hinihintay ang sagot nya. Sa ganda ng ngiti nito ay parang hindi nya kayang humindi dito. "S-sige, sama ako", masaya nyang sagot dito. "Ayan, good girl. Maaga tayo bukas ha?", pagpapaalala nito. "Hmmm", pagtugon nya saka tumango pa dito. Medyo napansin nya na napatitig ng matagal ang lalaki sa kanya. Nang mapansin nito na nakatingin sya dito ay binawi naman nito agad ang tingin sa kanya. Nang matapos silang kumain ay niligpit na nila ang pinagkainan nila. Sya na dapat ang maghuhugas kaya lang ay sakto na dumating si Nay Linda kaya hindi na sya nagpumilit na maghugas. Bumalik na lang silang dalawa ni Damon sa kani kanilang kwarto. "See you bukas, goodnight baby", wika ng ni Damon. "Goodnight", sagot nya naman bago tuluyang pumasok sa kanyang silid. Pilit nyang inalis sa isip nya ang pagtawag nito sa kanya ng 'baby'. Baka talagang ganun lang ito dahil mas bata sya dito. Naghalf bath muna sya bago humiga sa kama. Iniisip pa din nya ang pagpasyal nila ni Damon sa farm bukas. Hindi nya maiwasang maexcite dahil first time nyang makakapasyal sa farm ng mga ito. May kahalong kaba naman dahil kasama nya ang lalaki, iba pa naman ang epekto ng lalaki sa kanya tuwing ito lang ang kasama nya. Ito ang iniisip nya bago sya tuluyang hilahin ng antok.Kinabukasan ay maagang nagising si Czariyah, hindi mawala ang ngiti sa labi nya dahil naalala nyang ipapasyal sya ni Damon sa farm ng mga ito. Natutuwa sya dahil mukhang magkakasundo naman sila ng lalaki. Maayos ang pakikitungo nito sa kanya mula pagdating kahapon. Mukha din itong mabait at matino kaya wala syang reklamo sa stepbrother nya. "Good morning, Nay Linda!", bati nya ng madatnan ang mayordoma sa kusina. Mukhang naghahanda na din ito ng pang breakfast nila. "Magandang umaga din, iha", nakangiting balik bati nito sa kanya. "Napaaga yata ang gising mo.", wika pa nito. "Opo, ipapasyal daw po ako ni Kuya Damon sa farm ngayong araw", magiliw nyang sagot sa mayordoma. Ng pumayag sya na sumama kay Damon sa pagpasyal sa farm ay sinabi din nito kagabi na maaga silang aalis para daw makapasyal sila ng ayos at hindi sila mabitin sa pag uuli sa lugar. "Mabuti naman para hindi ka masyadong mainip dito sa bahay", nakangiting wika naman ng mayordoma. Sya din naman ay napangiti sa babae.
Abala ang mga kasambahay nina Damon ng magising s'ya. Pababa pa lang s'ya ng hagdan ay rinig na sya ang utos ng kanilang mayordoma na si Manang Linda. Hindi na sya nagtataka kung bakit ganito kaabala ang lahat. Nabanggit na sa kanya ng kanyang ama na ngayon darating ang bago nitong asawa. Ito din ang dahilan kung bakit sya pinauwi nito sa kanilang bahay. Para kasama s'ya sa pagsalubong sa mga ito, tama dalawa ang taong sasalubungin nila. Napag alaman nya kagabi lang na may anak na din ang bagong asawa ng kanyang ama. Wala namang problema ito sa kanya, kahit pa nga biglaan na nagpakasal ang mga ito. Matagal na din naman kasing mag isa ang kanyang ama simula ng mamatay ang kanyang ina. Basta nakikita nya na masaya ito ay masaya na din sya. Hindi naman ito nagpabaya sa kanya simula noong nawala ang kanyang ina, ginugol nito ang buong oras sa kanya. Kaya ngayong gusto nitong maging masaya ulit ay wala naman syang tutol. "Magandang umaga, Señorito", pagbati ni Manang Linda ng makababa sy
Kinabukasan ay maagang nagising si Czariyah, hindi mawala ang ngiti sa labi nya dahil naalala nyang ipapasyal sya ni Damon sa farm ng mga ito. Natutuwa sya dahil mukhang magkakasundo naman sila ng lalaki. Maayos ang pakikitungo nito sa kanya mula pagdating kahapon. Mukha din itong mabait at matino kaya wala syang reklamo sa stepbrother nya. "Good morning, Nay Linda!", bati nya ng madatnan ang mayordoma sa kusina. Mukhang naghahanda na din ito ng pang breakfast nila. "Magandang umaga din, iha", nakangiting balik bati nito sa kanya. "Napaaga yata ang gising mo.", wika pa nito. "Opo, ipapasyal daw po ako ni Kuya Damon sa farm ngayong araw", magiliw nyang sagot sa mayordoma. Ng pumayag sya na sumama kay Damon sa pagpasyal sa farm ay sinabi din nito kagabi na maaga silang aalis para daw makapasyal sila ng ayos at hindi sila mabitin sa pag uuli sa lugar. "Mabuti naman para hindi ka masyadong mainip dito sa bahay", nakangiting wika naman ng mayordoma. Sya din naman ay napangiti sa babae.
Biglang nagising si Czariyah, kinabahan naman sya ng pagmulat nya at hindi pamilyar na silid ang kinaroroonan nya. Agad naman syang kumalma ng maalala na nasa loob sya ng bago nyang silid. Kanina lang ay isinama na silang mag ina ni Tito Damien. Medyo nagulat pa sya ng makarating sila sa bahay ng bagong asawa ng kanyang ina dahil simula pa lang sa labas ng bahay nito ay halata mo ng mayaman talaga ang nakatira. Alam nyang mayaman ang Tito Damien nya ngunit nabigla pa din sya ng mapagtanto nya kung gaano talaga ito kayaman. Sa labas pa lang ay halos magpalinga linga na sya sa paligid. Namamangha sya sa nakikita dito. May mga iba't ibang klase ng halaman sa nadadaanan nila. May isang parte pa nga na may fountain na napapalibutan din ng bulaklak. May iilang mga upuan din na makikita na pwedeng tambayan kung gusto mong magpalipas oras. May kaya din naman sila ng konti pero medyo malayo sa yaman na mayroon ang step father nya. Pagkapasok naman nila sa loob ng malaking bahay ay agad na
Abala ang mga kasambahay nina Damon ng magising s'ya. Pababa pa lang s'ya ng hagdan ay rinig na sya ang utos ng kanilang mayordoma na si Manang Linda. Hindi na sya nagtataka kung bakit ganito kaabala ang lahat. Nabanggit na sa kanya ng kanyang ama na ngayon darating ang bago nitong asawa. Ito din ang dahilan kung bakit sya pinauwi nito sa kanilang bahay. Para kasama s'ya sa pagsalubong sa mga ito, tama dalawa ang taong sasalubungin nila. Napag alaman nya kagabi lang na may anak na din ang bagong asawa ng kanyang ama. Wala namang problema ito sa kanya, kahit pa nga biglaan na nagpakasal ang mga ito. Matagal na din naman kasing mag isa ang kanyang ama simula ng mamatay ang kanyang ina. Basta nakikita nya na masaya ito ay masaya na din sya. Hindi naman ito nagpabaya sa kanya simula noong nawala ang kanyang ina, ginugol nito ang buong oras sa kanya. Kaya ngayong gusto nitong maging masaya ulit ay wala naman syang tutol. "Magandang umaga, Señorito", pagbati ni Manang Linda ng makababa sy