Abala ang mga kasambahay nina Damon ng magising s'ya. Pababa pa lang s'ya ng hagdan ay rinig na sya ang utos ng kanilang mayordoma na si Manang Linda. Hindi na sya nagtataka kung bakit ganito kaabala ang lahat. Nabanggit na sa kanya ng kanyang ama na ngayon darating ang bago nitong asawa. Ito din ang dahilan kung bakit sya pinauwi nito sa kanilang bahay. Para kasama s'ya sa pagsalubong sa mga ito, tama dalawa ang taong sasalubungin nila. Napag alaman nya kagabi lang na may anak na din ang bagong asawa ng kanyang ama.
Wala namang problema ito sa kanya, kahit pa nga biglaan na nagpakasal ang mga ito. Matagal na din naman kasing mag isa ang kanyang ama simula ng mamatay ang kanyang ina. Basta nakikita nya na masaya ito ay masaya na din sya. Hindi naman ito nagpabaya sa kanya simula noong nawala ang kanyang ina, ginugol nito ang buong oras sa kanya. Kaya ngayong gusto nitong maging masaya ulit ay wala naman syang tutol. "Magandang umaga, Señorito", pagbati ni Manang Linda ng makababa sya kanilang hagdan. "Magandang umaga din po, Manang", pagbati din nya dito. Matagal nang naninilbihan sa pamilya nila si Manang Linda kaya parang kamag anak na din ang turing nila dito. "Ipaghahanda ko na ho kayo ng agahan", wika nito sabay lakad papunta sa kanilang kusina. Agad namang sumunod si Damon dito dahil medyo nakaramdam na din sya ng gutom. Medyo tinanghali na din sya ng gising dahil din siguro sa pagod ng mga nagdaang araw. Ngayon na lang s'ya nakapagpahinga ng walang masyadong istorbo. Tinawagan nya din kagabi ang kaibigang si Luke para ihabilin muna ang kanyang kompanya. Dahil baka manatili muna sya sa bahay ng kanyang ama. Alam nyang hindi sya basta basta papayagan nito na umalis agad. "Pasensya na ho kayo Señorito, medyo abala lang po kami ngayon kaya hindi agad naihanda ang inyong umagahan", pagpapaliwanag ni Manang Linda ng makarating sila sa Kusina. Inilapag naman nito agad sa harap n'ya ang kanyang magiging almusal. Lalo syang nagutom ng makita ang inihanda nito. Fried rice at tocino, ito ang paborito nyang agahan simula bata pa lang. "Okay lang ho Nay Linda, importante din naman ho na maayos ang lahat bago dumating ang bagong asawa at anak ni papa", kalmado nyang sagot sa matanda. "Ikaw ba iho? Ayos lang ba sa iyo na may bagong asawa na ang iyong ama?", paniniguradong tanong ni Manang Linda. Bumuntong hininga si Damon bago sumagot. "Ayos lang ho, medyo nabigla lang ako ng sinabi sa akin ni Papa, ang mahalaga ho sa akin ay maging masaya sya.", sagot nya dito. "Sana lang ho ay matino ang bago nyang asawa para walang maging problema", pahabol pa nya bago tuluyang ipagpatuloy ang pagkain ng agahan. Habang kumakain sya ay biglang pasok naman ng kanyang ama sa kusina kung nasan siya. "Good morning, anak!", masiglang bati ng ama sa kanya. Halatang masaya ang awra nito kahit hindi masyadong halata sa ekspresyon nito. "Morning, pa.", tugon nya dito habang kumakain pa din. Tumango lang ito bago bahagyang ngumiti bago bumaling ang tingin kay Manang Linda. "Manang Linda, maayos na po ba ang lahat?", tanong ng kanyang ama sa mayordoma nila. "Ayos na Damien, sigurado akong wala ng magiging aberya pagdating ng iyong asawa", nakangiti namang tugon ng matanda sa ama nya. Lalong umaliwalas ang mukha ng ama, matagal na din bago nya huling makita na ganito kasaya ang ama. Simula ng mawala ang kanyang ina ay bihira na lang itong ngumiti. Nakita nya kung gaano nito kamahal ang kanyang ina noong nabubuhay pa ito, kaya alam nya kung gaano ito nalungkot ng mawala ito sa kanila. "Mabuti naman po at wala ng magiging problema", magiliw na sagot ng ama nya. "O sya pa'no ako ay aalis na para sunduin sila. Damon, anak, magready ka na din para maipakilala kita ng ayos sa kanila mamaya", wika ng ama nya bago tuluyang umalis. Agad namang tinapos ni Damon ang pagkain bago tuluyang bumalik ulit sa silid nya. Kailangan na nyang mag ayos at baka mabilis makarating ang kanyang ama kasama ang bago nitong asawa at anak. Pagkatapos nyang makapag ayos ng sarili ay nanatili muna sya sa kwarto nya. Inayos nya ang ibang documents na kailangan nyang maisend sa kaibigan nyang si Luke. Ayaw nya namang iasa na lang sa kaibigan ang mga bagay na iyon. Madami din itong iniitindi at buti na lang ay pumayag sa pakiusap nya dito. Matapos ang halos isang oras ay sa wakas natapos na din ni Damon ang mga kailangan nyang gawin. Agad nyang sinend kay Luke ang mga documents. Kasabay naman noon ang pagkatok naman ni Manang Linda sa pinto ng kanyang silid. "Señorito, nakarating na po ang inyong ama kasama ang asawa nito at anak", pagsasalita nito sa labas ng kanyang silid. "Sige ho Nay Linda, susunod na po ako", sagot nya dito saka mabilis na iniligpit ang laptop na ginamit nya kanina. Isang buntong hininga ang ginawa nya bago lumabas ng kwarto nya. Pababa pa lang sya ng hagdan ay naririnig na nya ang ama na pinapakilala sa iba nilang kasambahay at katiwala ang bago nitong asawa at anak. Kitang kita nya kung saan nakapwesto ang mga ito. Isang medyo maedad na babae ang katabi ng kanyang ama, nasisiguro nyang ito ang bagong asawa nito. Sa katabi naman ng ginang ay isa pang babae na alam nyang bata pa, mas bata pa sa kanya sa tingin nya. Hindi nya alam pero parang may sariling isip ang paa nya, na halos magmadali na makarating kung saan naroon ang mga ito. "O anak, mabuti at andito ka na", magiliw na wika ng ama ng makalapit na sya sa pwesto ng mga ito. Tumango lang sya at saka bumaling ang atensyon sa dalawang babae na katabi nito. "Ah sya nga pala ito ang nag iisa kong anak. Damon, ito ang tita Zanya mo", pagpapakilala ng ama nya sa ginang na katabi nito. Agad naman syang lumapit at nakipagkamay dito bago magbeso sa kanya ang ginang. Mukhang mabait naman ito, simple lang din tingnan. "Nice to finally meeting you, tita Zanya", pagbati nya naman dito. "Natutuwa din akong makilala ka iho", ngumiti ito ng bahagya. "Ito naman ang anak ng tita Zanya mo. Czariyah, ito ang bago mong kapatid. You can call him Kuya Damon.", Pagpapakilala ng kanyang ama sa babaeng anak ni Tita Zanya. Tumingin si Damon sa gawi ng babae. Matiim nya itong tiningnan, ito na yata ang pinakamagandang babae na nakita nya. Halata na medyo bata ito sa kanya, nakatingin din ito sa kanya. Ang kulay tsokolate nitong mata ay parang hinihipnotismo sya, ang ilong nito ay tama lang ang tangos. Ang mga labi naman nito ay may natural na pagkapula. Wala pa itong make up pero talagang maganda na. My innocent baby girl. Sa isip isip nya. "Hello po, Kuya Damon. Nice meeting you po", wika ni Czariyah sa isang malamyos na boses. Music to my ears. Napangiti naman sya ng marinig ang maamong boses nito, tugmang tugma sa hitsura nito ang boses ng babae. "Nice meeting you, my baby sister", magiliw nyang pagbati sa babae. Bago makipagkamay dito, napakalambot ng mga palad nito. Parang may kakaibang kuryente naman ang dumaloy sa paglalapat ng kanilang kamay. Hindi naman nakatakas sa paningin nya ang medyo pamumula ng mukha nito at pag iwas ng tingin sa kanya. Cute girl. Bumitaw na agad ito sa kamay nya na lalo nyang ikinangiti. "Masaya ho ako na may bagong dagdag na sa pamilya namin", nakangiti nyang wika. "Salamat naman iho", sagot ni Tita Zanya. "Ang katunayan ay kinakabahan kami ng sabihin ng iyong ama na ipapakilala na kami sa nag iisa nyang anak", pahabol pa nito habang nakatingin sa kanya at hinawakan naman ng kanyang ama ang mga kamay nito. "No worries po Tita, basta masaya si Papa ay masaya na din ako.", magiliw pa din nyang tugon sa babae. Magaan ang loob nya sa ginang, siguro ay dahil halata sa pagkilos at pananalita nito na matino ito. Parang katulad lang din ng kanyang ina. I really miss my mom. Napabaling naman ang tingin nya sa bago nyang kapatid. Nahuli nya naman itong nakatitig sa kanya at binawi lang ang tingin ng makitang nakatingin sya dito. Nginitian nya na lang ito para hindi naman masyadong mailang sa kanya. Pag katapos ng pagpapakilala ay agad naman silang nagtungo sa hapagkainan para kumain na. Lampas lunch na din kasi kaya medyo nagutom na din ang lahat. Habang kumakain sila ay abala naman sa pag uusap ang kanyang ama at Tita Zanya. Sya naman ay maya't maya napapatingin sa direksyon kung saan nakaupo ang kanyang magandang kapatid. Ewan ba nya pero parang lalo syang kumakalma pag nakikita ang mukha nito. Sumusulyap din naman ito sa kanya at nginingitian nya naman baka kasi hindi ito komportable mga kaganapan ngayon. Nang matapos sila kumain ay agad na nagsalita ang kanyang ama. "Czariyah, iha gusto mo na bang magpahinga muna?", tanong ng ama nya sa babae. "Ah..opo, medyo naubos na po kasi ang energy ko sa byahe papunta dito", sagot naman nito. Nginitian naman ito ng ama bago bumaling ang tingin sa kanya. "Damon, ikaw na ang maghatid sa kapatid papunta sa kanyang magiging silid. Sasamahan ko lang ang Tita mo na mag uli-uli sa buong kabahayan", wika ng ama na ikinatuwa naman nya. Kahit hindi sabihin ng ama ay gugustuhin nya talagang sya ang sumama sa bago nyang kapatid. "Sige pa, ako na ang bahala sa kanya", sabay baling nya sa direksyon nito. Kita nya naman na parang nahihiya ito. Pagkatapos noon ay tinulungan nya ang babae na bitbitin ang iba nitong gamit para dalhin sa silid nito. Nakasunod lang ito sa kanya dahil sya ang may alam kung saan ang silid nito. Huminto sila sa harap ng isang pinto, katabi ng kwarto nya. Binuksan nya ang pinto nito, saka ipinasok ang mga gamit na dala nya. Nakasunod pa din sa kanya ang babae pagpasok. "Dito ang magiging kwarto mo simula ngayon baby sister, ang kwarto ko ay nasa katabi nito. Pag may kailangan ka ay pwede mo akong puntahan doon", wika nya dito. Ito naman ay nakatingin sa kanya na talagang pinapakinggan ang sinasabi nya. "Opo, Kuya. Magsasabi po ako pag may kailangan ako. Salamat po ulit", sagot nito sa kanya. Hindi nya alam kung maiirita o matutuwa sya sa pagtawag nito sa kanya ng Kuya. Pero binalewala nya na lang iyon at tinanguan ang babae bago sya tuluyang lumabas ng kwarto nito at sinara ang pinto. Nang makalabas ng kwarto nito ay agad syang dumiretso ng pasok sa kwarto si Damon. Napabuga sya ng hangin bigla. Hindi nya alam pero parang may kakaiba syang nararamdaman pag kasama nya ang bago nyang kapatid. Kung ano man 'yun ay kailangan nya iyong mapigilan lalo na at anak ito ng asawa ng ama nya. Hindi sila legal na magkapatid pero ganun na din iyon. Hindi pwedeng magkaroon sya ng gusto sa babae. Tama nagandahan lang sya siguro dito kaya ganun ang naging reaksyon nya kanina. Para mawala ang isipin nyang iyon ay naisipan nyang tawagan ang kaibigang si Luke. "Hello, brute.", ito ang unang bati sa kanya ng lalaki sa kabilang linya. "Hey, kumusta na ang kompanya ko?", may halong pang aasar ang tanong nya dito. "G*go, iisang araw ka pa lang nawawala kung makatanong ka sa akin ng ganyan ay parang isang buwan ka ng nawala dito", sagit nito na ikinatawa naman nya. "Magsabi ka lang pag hindi mo na kaya", sagot nya dito na halos ikatawa nya ng marinig ang pag alma nito. "Tigilan mo ako, Hidalgo! Baka magbago ang isip ko at pabayaan ko itong kompanya mo!", wika nito na halatang napipikon. Sa lahat ng kaibigan nila ay ito ang madaling maasar. Kaya halos lahat sila ng iba nyang kaibigan ay laging si Luke ang napapagdiskitahan. "Titigil na, binibiro lang kita g*go", sagot nya dito. "Nga pala, kumusta naman ang bagong asawa at anak ni Tito?", biglang tanong nito. Nabanggit nya kasi sa mga kaibigan nya ang tungkol sa bagong pamilya ng kanyang ama. "Ayos lang, mukha naman silang mababait", tugon nya dito. "Yung bago mong kapatid na babae, maganda ba?", wika ni Luke na halos ikainis nya. Wala namang mali sa tanong ng kaibigan pero parang gusto nyang ipagdamot dito ang kapatid. "Oo maganda, hindi ka magugustuhan", sagot nya dito. Narinig nya ang malakas na pagtawa nito sa kabilang linya. "Relax, Hidalgo. Tinatanong ko lang", tawang tawa pa din ang g*go. Ano kayang nakakatawa dun. Nag usap pa sila ng ilang minuto ni Luke bago tuluyang tapusin ang tawag. Napagpasyahan naman ni Damon na magpahinga na muna sandali. Nasa isip nya ang magandang mukha ng kapatid bago tuluyang dalawin ng antok.Biglang nagising si Czariyah, kinabahan naman sya ng pagmulat nya at hindi pamilyar na silid ang kinaroroonan nya. Agad naman syang kumalma ng maalala na nasa loob sya ng bago nyang silid. Kanina lang ay isinama na silang mag ina ni Tito Damien. Medyo nagulat pa sya ng makarating sila sa bahay ng bagong asawa ng kanyang ina dahil simula pa lang sa labas ng bahay nito ay halata mo ng mayaman talaga ang nakatira. Alam nyang mayaman ang Tito Damien nya ngunit nabigla pa din sya ng mapagtanto nya kung gaano talaga ito kayaman. Sa labas pa lang ay halos magpalinga linga na sya sa paligid. Namamangha sya sa nakikita dito. May mga iba't ibang klase ng halaman sa nadadaanan nila. May isang parte pa nga na may fountain na napapalibutan din ng bulaklak. May iilang mga upuan din na makikita na pwedeng tambayan kung gusto mong magpalipas oras. May kaya din naman sila ng konti pero medyo malayo sa yaman na mayroon ang step father nya. Pagkapasok naman nila sa loob ng malaking bahay ay agad na
Kinabukasan ay maagang nagising si Czariyah, hindi mawala ang ngiti sa labi nya dahil naalala nyang ipapasyal sya ni Damon sa farm ng mga ito. Natutuwa sya dahil mukhang magkakasundo naman sila ng lalaki. Maayos ang pakikitungo nito sa kanya mula pagdating kahapon. Mukha din itong mabait at matino kaya wala syang reklamo sa stepbrother nya. "Good morning, Nay Linda!", bati nya ng madatnan ang mayordoma sa kusina. Mukhang naghahanda na din ito ng pang breakfast nila. "Magandang umaga din, iha", nakangiting balik bati nito sa kanya. "Napaaga yata ang gising mo.", wika pa nito. "Opo, ipapasyal daw po ako ni Kuya Damon sa farm ngayong araw", magiliw nyang sagot sa mayordoma. Ng pumayag sya na sumama kay Damon sa pagpasyal sa farm ay sinabi din nito kagabi na maaga silang aalis para daw makapasyal sila ng ayos at hindi sila mabitin sa pag uuli sa lugar. "Mabuti naman para hindi ka masyadong mainip dito sa bahay", nakangiting wika naman ng mayordoma. Sya din naman ay napangiti sa babae.
Kinabukasan ay maagang nagising si Czariyah, hindi mawala ang ngiti sa labi nya dahil naalala nyang ipapasyal sya ni Damon sa farm ng mga ito. Natutuwa sya dahil mukhang magkakasundo naman sila ng lalaki. Maayos ang pakikitungo nito sa kanya mula pagdating kahapon. Mukha din itong mabait at matino kaya wala syang reklamo sa stepbrother nya. "Good morning, Nay Linda!", bati nya ng madatnan ang mayordoma sa kusina. Mukhang naghahanda na din ito ng pang breakfast nila. "Magandang umaga din, iha", nakangiting balik bati nito sa kanya. "Napaaga yata ang gising mo.", wika pa nito. "Opo, ipapasyal daw po ako ni Kuya Damon sa farm ngayong araw", magiliw nyang sagot sa mayordoma. Ng pumayag sya na sumama kay Damon sa pagpasyal sa farm ay sinabi din nito kagabi na maaga silang aalis para daw makapasyal sila ng ayos at hindi sila mabitin sa pag uuli sa lugar. "Mabuti naman para hindi ka masyadong mainip dito sa bahay", nakangiting wika naman ng mayordoma. Sya din naman ay napangiti sa babae.
Biglang nagising si Czariyah, kinabahan naman sya ng pagmulat nya at hindi pamilyar na silid ang kinaroroonan nya. Agad naman syang kumalma ng maalala na nasa loob sya ng bago nyang silid. Kanina lang ay isinama na silang mag ina ni Tito Damien. Medyo nagulat pa sya ng makarating sila sa bahay ng bagong asawa ng kanyang ina dahil simula pa lang sa labas ng bahay nito ay halata mo ng mayaman talaga ang nakatira. Alam nyang mayaman ang Tito Damien nya ngunit nabigla pa din sya ng mapagtanto nya kung gaano talaga ito kayaman. Sa labas pa lang ay halos magpalinga linga na sya sa paligid. Namamangha sya sa nakikita dito. May mga iba't ibang klase ng halaman sa nadadaanan nila. May isang parte pa nga na may fountain na napapalibutan din ng bulaklak. May iilang mga upuan din na makikita na pwedeng tambayan kung gusto mong magpalipas oras. May kaya din naman sila ng konti pero medyo malayo sa yaman na mayroon ang step father nya. Pagkapasok naman nila sa loob ng malaking bahay ay agad na
Abala ang mga kasambahay nina Damon ng magising s'ya. Pababa pa lang s'ya ng hagdan ay rinig na sya ang utos ng kanilang mayordoma na si Manang Linda. Hindi na sya nagtataka kung bakit ganito kaabala ang lahat. Nabanggit na sa kanya ng kanyang ama na ngayon darating ang bago nitong asawa. Ito din ang dahilan kung bakit sya pinauwi nito sa kanilang bahay. Para kasama s'ya sa pagsalubong sa mga ito, tama dalawa ang taong sasalubungin nila. Napag alaman nya kagabi lang na may anak na din ang bagong asawa ng kanyang ama. Wala namang problema ito sa kanya, kahit pa nga biglaan na nagpakasal ang mga ito. Matagal na din naman kasing mag isa ang kanyang ama simula ng mamatay ang kanyang ina. Basta nakikita nya na masaya ito ay masaya na din sya. Hindi naman ito nagpabaya sa kanya simula noong nawala ang kanyang ina, ginugol nito ang buong oras sa kanya. Kaya ngayong gusto nitong maging masaya ulit ay wala naman syang tutol. "Magandang umaga, Señorito", pagbati ni Manang Linda ng makababa sy