I feel weak. My throat felt dry. And my wrist felt sore. Ganoon pa man ay pilit kong iminulat ang mga mata ko.Puting kisami. Mahinang tunog ng kamay ng orasan. Amoy ng kung anu-anong gamot. At ang apat na sulok ng puting silid. "Tangina nasa langit na ba ako?" nagtatakang tanong ko sa aking sarili.Nang bahagya kong ikiling ang aking ulo ay napansin ko ang nakayukong ulo rito sa kinahihigaan ko. Ito na ba si San Pedro?Kahit na nananakit ang pulsuhan ko sa kung ano mang dahilan ay marahan kong sinuklay ng daliri ko ang buhok ni San Pedro. Pasalamat na rin ako na sa langit ako napunta sa kabila ng lahat ng kasalanan ko. Mabuti na lang tinanggap nila ako rito. Mababa lang pala ang standard nila para makaakyat sa langit, pumasa ako e."Hey, gising ka na pala." Nangunot ang noo ko at ilang beses ikinurap ang mga mata. "How are you feeling?" Ang kulay abo niyang mga mata ay malamlam na nakatuon sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang magtaka kung bakit pati siya ay narito?"Nico?" halos pabulo
WHAT THE HELL!Anong pinagsasabi ng baliw na 'to?! Sinong nagkalat ng tsismis na buntis ako? At paano naman nangyaring siya ang ama aber? Yes, we did fuck before. But that doesn't mean I could get pregnant at just one time!"Hindi naman nakakagulat na mabuntis ka. I'm healthy, and of course-""At sino naman ang nagsabi sayo niyan?" putol ko sa kanya. "Ginagago mo ba ako o sadyang gago ka lang talaga!""No..." Dahan-dahan niyang kinalas ang bendang nakabalot sa katawan ko habang mariing nakatitig sa akin. "The doctor told me about your pregnancy a while ago Lenny, and I believed what that doctor found out. She's a doctor and capable of telling me your situation after all.""No! That's not true!" "Which one? Na buntis ka-""Na Ikaw ang ama!" muli kong putol sa kanya.Sa pagkakataong ito ay siya naman ang natigagal. Nagtatanong ang mga matang nakatitig lang siya sa akin. Sa totoo lang ay hindi rin ako sigurado, pero kung sasabihin kong siya nga talaga ay mas lalong magiging komplikado.
"Fuck!" Kahit Hindi ko nakikita ay alam kong nagtatagis ang bagang ni Nico habang marahang tinatanggal ang benda sa katawan ko. "Hindi na tao ang gumawa sa 'yo nito!" aniya pa.Binalik ko kasi ang bendang nakabalot sa akin kanina upang lumabas at bumili nang pagkain sa labas. Ngayo'y heto, muling tinatanggal ni Nico para raw magamot niya. Akala ko ay wala na siya pagbalik ko rito sa unit, pero nandito pa rin ang baliw na to."Masakit ba?" tanong niya na inilingan ko lang. Baliwala na sa akin ang bagay na ito. Sanay na ako. Kung hapdi at kirot lang din naman, I over the top if ten was the highest.Hindi nga makatarungan ang panglalatigo sa akin ni Daddy mula noon hanggang ngayon, pero hindi ko rin magawang isuplong siya. Dahil tulad nga rin ng sinabi ni Mama, binihisan nila ako, pinakain, ibinigay ang lahat ng gusto at kinupkop kahit hindi nila ako tunay na anak.Hindi ko man naramdaman na mahal nila o kung minahal ba nila ako, at least sa loob ng ilang taon sila ang naging pamilya ko.
Pagkarating ko sa ospital ay kaagad akong lumapit kay Blue. Aminado akong napakasaya ko ngayong gising na siya. Ngunit ganoon na lang din ang pagkagulat namin ng biglang lumabas sa bibig niya ang hindi namin inaasahang salita."Sino ka?" tanong niya kay Pauline. Lumukob sa akin ang labis na lungkot at pag-aalala ng makita ko ang sakit sa mga mata ni Pauline.I was shocked! Is he trying to make fun of us? No, his not! Hindi si Blue ang klase ng taong paglalaruan ang damdamin ng isang tao. But how the hell happened that he doesn't know who is Pauline?Of all people... bakit si Pauline pa? Bakit hindi niya maalala si Pauline? Puwede namang ako o kaya kahit na sino sa aming narito... pero bakit si, Pauline?Narito ang mga kaibigan namin ngunit wala ang taong gusto kong makita ng ilibot ko ang paningin ko sa apat na sulok ng kuwarto. Wala si Nico. Hindi ko alam kung alam niya bang gising na si Blue o hindi pa. O baka naman tulad ng hiniling ko sa kaniya, tuluyan na nga siyang lumayo."Hind
It was Sunday and today was Zafy and Justine's son's christening. Dahil malapit lang naman ang Rancho namin kila Zafy ay hindi na ako sumamang umuwi sa Manila noong nakaraang linggo.And yes, I stayed in our Ranch with my Mom and Dad. Hindi naman nila ako pinalayas. Hindi rin ako nakatikim ng latigo kay Dad lalo na ng malaman niyang officially in a relationship na kami ni Blue. Naging masaya pa nga siya, sino naman kasi ang hindi? E 'yon nga ang misyon niya na sa akin niya ipinapagawa. Dad treats me like a real princess now. Halos lahat ay idunog niya sa akin. Kandarapa naman ang mga kasambahay namin upang asikasuhin ako na siyang utos ni Daddy. He was happy... but I'm not.Lahat ng plano niya ay unti-unti niya nang nakakamit sa pamamagitan ko. Unti-unti na rin akong nagiging successful.Kaya lang marami ang naging kapalit. Tulad ng panlalamig sa akin ni Zafy. Ang pag-iwas ng iba naming mga kaibigan sa amin ni Blue. Seyempre pa kasama na rin doon si Nico na matagal na nga akong hindi
"How are you and Blue?" kaagad na bungad sa akin ni Daddy ng makauwi kami ni Ara sa bahay. "Fine Dad," baliwalang sagot ko at akmang magtutuloy-tuloy na sanang umakyat papunta sa silid ko."Stay for a while, let's talk." Natigilan ako.Minsan lang ganito si Daddy. Bihira pa sa eclipse kung yayain niya akong kausapin siya na para bang seryoso at kailangang makipag-heart to heart talk. Kaya naman kahit wala sa mood at talagang iniinda ko ang sampal na natamo ko kay Pauline ay tinabihan ko siya sa sofa."What do you want us to talk about, Dad?" Tumikhim na muna siya at walang emosyon na tinitigan ako."You need to marry Blue as soon as possible." Hindi na bago sa akin 'yon at inaasahan ko na talaga na 'yon ang sasabihin niya. "My company is going down. Habang ang mga Alejandro ay ginigipit naman ako. I wanted to massacre that Alejandro family kung hindi ka lang tumupad sa usapan."Natigilan ako at nanlamig ang katawan ngunit hindi ko pinahalata sa kaniya. Hanggang ngayon pala ay galit p
"S-Sa Steves Hotel ako," halos pabulong kong sabi ng dire-diretso lang sa pagmamaneho si Nico. Kung sa condo niya siya uuwi, baka doon din ang punta niya dahil magkatabi lang ang unit namin.Gaya noong nakaraang gabi, galing ulit ako sa Macho Gwapito Subdivision. At gaya pa rin noong nakaraang gabi, umuwi ulit ako at naglakad palabas ngunit muling naisakay ni Nico. Kasama niya ulit si Ely, ang babaeng kasama niya rin dati na ngayon ay masarap ulit ang tulog sa likuran.Hindi naman ako pinansin ni Nico o tinapunan man lang ng tingin pero ng tignan ko siya ay maya't maya kung tumingin siya sa salamin. Tinitignan niya si Ely mula sa salamin na ngayon ay mahimbing pa rin na natutulog. Hindi ko na siya kinausap pa at muling bumaling sa bintana ng sasakyan. Kahit na mangalay ang leeg ko'y ayos lang, ang awkward naman kasi. Lagi na lang ganito, sa oras ng kagipitan nasasalubong ko siya sa daan."Bakit hindi ka hinatid ng boyfriend mo? Hindi ba siya aware na gabi na at naglalakad kang mag is
SUNDAY…I was staring at my reflection in the mirror just to admire the beautiful white wedding gown that I wore. Yes, it was indeed beautiful and elegant. And yes... today is my wedding day.Pinilit kong ngumiti at umaktong masaya kahit na halatang-halata sa mga mata ko ang lungkot. Halatang hindi ako masaya, at halata rin na napipilitan lang. Sinong tanga ang magpapakasal ng hindi niya naman gusto? Edi ako! Sino pa nga ba?I've been always dreaming to be married to Blue... noon. Noong panahong akala ko ay siya ang gusto kong makasama hanggang sa dulo. At ngayon nga'y heto na... pero bakit hindi ako masaya? Bakit para akong kinakabahan at sa tingin ko ay may hindi magandang mangyayari? Hindi ako kampante."Ang ganda-ganda mo cousin," nakangiting usal ni Zafy na ngayon ay nasa tabi ko na rin. "Hindi ako makapaniwalang sa simbahan din pala ang bagsak niyo ni Blue," aniya pa.Kahit ako ay hindi makapaniwala. Pero bakit ganito? Bakit ngayon, iba ang pakiramdam ko? Bakit parang may mali?