“Anak pakigising mo na nga yung kambal at tanghali na. Male-late na ang mga iyon sa eskuwelahan.” bungad sa akin ni Mama na kalalabas lang ng kanilang kuwarto. Nakasunod sa kaniyang likuran si Papa na napipikit-pikit pa at panay ang hikab.
Umangat ang sulok ng labi ko sabay turo sa ginagawa ko. Nagluluto kasi ako ng itlog at tocino para agahan namin. Ako ang nagluluto tuwing umaga dahil ako naman ang pinakamaagang nagigising sa pamilyang ito.
“Ikaw nalang ‘Ma, kita mo namang nagluluto ako eh.” reklamo ko sa kaniya. Pero imbes na pakinggan ang sinasabi ko ay agad niyang kinuha sa kamay ko ang siyansi at tinulak ako papalabas ng kusina.
“Kita mo namang ikaw lang ang pinakikinggan ng kambal na iyon. Sige na, gisingin mo na. Paniguradong babangon ang mga iyon kapag ikaw ang gumising sa kanila.”
Napabuntong-hininga ako saka bumaling kay Papa para humingi ng tulong. Pero isang marahang tango lang ang ibinigay niya sa akin bago ito naglakad malapit kay Mama para magtimpla ng kaniyang kape.
Inis na nagmartsa ako palabas ng kusina at padabog na binuksan ang pinto ng kuwarto ng kambal.
“Mga senorito, bangon na ho. Mag-aalas siete na ng umaga.” saad ko habang parehong naka-ekis ang aking magkabilang braso sa harapan ng aking dibdib.
Double deck ang kama na hinihigaan ng mga kapatid ko. Nasa itaas si Kier, na naunang lumabas sa sinapupunan ng aming ina, samantalang sa ibabang bahagi naman ng double deck nakahiga ang kambal nitong si Kyle. Sabay na nag-inat ang dalawa at halos sabay din ang mga ito na nagtalukbong ng kumot.
“Ang aga pa, Ate.” reklamo ni Kier.
Inalis ko sa pagkaka-ekis ang aking braso.
“Okay, wala kayong matatanggap na baon sa akin ngayong araw ha.” sabi ko saka naglakad palabas ng kanilang kuwarto.
At gaya ng nakasanayan, dinig ko ang kanilang pagkukumahog para lang makababa sa kama. Muntik pa akong ma-outbalance nang dumaan sila sa harapan ko para mag-unahan sa banyo.
“Kapag ako talaga natumba rito!” sigaw ko sa kanila.
Huminto naman sila at humarap sa akin.
“Sorry ate.” alanganin nilang sambit.
“Ikaw kasi eh!”
“Ikaw kaya!”
Mataman lang akong nakatingin sa kanila habang pinagmamasdan ang kanilang pag-aaway. Humugot ako ng malalim na hininga para kontrolin ang aking emosyon.
Kalma ka lang, Leah. Hindi nakakabuti ang pagiging badtrip sa umaga. Baka layuan ka ng suwerte. Kailangan mo pa namang kumita ng malaki ngayong buwan dahil napakaraming bayarin na naghihintay sa’yo. Kalma lang.
“Bilisan niyong maligo.” sabi ko nalang saka naglakad patungo sa aking kuwarto.
Pagpasok ko roon ay agad kong kinuha ang backpack ko na ginagamit sa trabaho. Dalawa ang trabaho ko sa umaga. Part time janitress sa isang kumapanya mula alas otso hanggang alas alas onse. Barista naman sa isang sikat na coffee shop pagpatak ng ala una hanggang alas siete ng gabi. Hindi lang iyon. Pag sumapit naman ang gabi ay umeextra rin ako bilang isang bar waitress sa isang high end bar para sa mga mayayaman.
Inayos ko ang pagkakasalansan ng aking mga gamit sa bag para masigurong hindi magugusot ang mga uniporme ko na inilagay roon. Lumabas akong muli sa aking kuwarto para bumalik sa kusina. Dahil nakaayos na ang lamesa, umupo na ako roon at nagsimulang sumandok ng makakain.
Napahinto naman ako sa aking ginagawa nang makita ang aking mga magulang na nakatitig sa akin.
“Bakit po?” tanong ko dahil sa kursiyusidad.
Humugot ng malalim na hininga si Mama bago ito nagsalita.
“Anak, bakit kaya hindi ka nalang bumalik sa trabaho mo sa kumapanya?”
Nabitawan ko ang aking hawak na kutsara at tumingin sa kanilang dalawa.
“Gustuhin ko man, pero alam nating hindi puwede. Ang dami nating ginagastusan buwan-buwan, ‘Ma. Hindi naman sasapat yung sahod ko sa pagpasok sa opisina para doon. Sa tuition palang ng kambal, ubos na ang sahod ko eh. Tapos ang mga gastusin pa rito sa bahay.”
Napatingin ako kay Papa nang hawakan niya ang kamay ko.
“Kaya nga ‘di ba, ilang ulit na namin sinasabi ng Mama mo na tutulong kami sa gastos. Pero lagi ka namang tumatanggi sa amin.”
Tumingin ako kay Papa at tipid na ngumiti.
“Hindi naman na ho kailangan. Yung kinikita niyo sa pagtitinda ng isda sa palengke, ipambili niyo nalang ho ng gamot niyo, Pa. Mas kailangan niyo iyon. Kaya ko pa naman po ang trabaho ko. Malakas kaya ako. Manang-mana sa inyong dalawa.” saad ko saka ngumisi.
Sabay silang bumuntong-hininga. Nagkunwari na lamang akong hindi iyon narinig. Ipinagpatuloy ko na ang aking pagkain. Kailangan ko ring magmadali, dahil pagkatapos ng kambal, ako naman ang susunod na maliligo.
Ikalawang linggo ko palang sa pagtatrabaho sa kumpanya bilang janitress kaya hindi ako puwedeng ma-late. Mahirap na baka matanggal pa ako roon. Ang laki pa naman ng pasahod doon.
Pagkapasok ng kambal sa kusina ay agad akong lumabas para magtungo na sa banyo. I took a quick bath at saka nagmadali na rin sa pagbibihis. Simpleng t-shirt, pantalon, rubber shoes at sumbrerong kulay itim lang ang usual outfit ko. Para sa akin kasi, mas madali akong makakakilos kapag kumportable ako sa suot ko.
“Baon niyo.” saad ko sa kambal sabay lapag ng pera sa lamesa.
“Ate ah, pumunta ka sa school mamayang 3 pm.”
Tumango na lamang ako sa mga kapatid ko kahit ang totoo ay hindi ko pa iyon sigurado. Kailangan ko pa kasing magpaalam sa Chief namin sa coffee shop. Nakadepende pa rin dito kung makakapunta ako o hindi. Inayos ko pa ang pagkakatali ng sintas ng sapatos ko bago muling bumaling sa mga magulang ko.
“Alis na ako ‘Ma, ‘Pa.”
Hindi ko na hinintay pa ang kanilang sasabihin dahil tumutunog na ang cellphone ko. Habang tumatakbo ako palabas ng bahay ay sinagot ko na ito.
“Felize!” bungad ko sa kausap.
“Ano na ‘te? Kanina pa ako nabubulok kahihintay sa’yo rito sa kanto. Bilisan mo naman, baka mahuli tayo niyan.” reklamo nito sa kabilang linya.
“Sorry na, ito na nga oh, tumatakbo na ako. Wait mo ako ha.”
Pinatay ko agad ang tawag at mabilis na inilagay sa bulsa ng aking pantalon ang phone ko. Hinigpitan ko rin ang strap ng suot kong backpack bago tumakbo nang mabilis. Pagdating ko sa kanto ay nakasimangot na ang kaibigan ko na kasa-kasama ko sa mga raket ko. Kasama nito ang kapatid nitong nagtatrabaho rin sa kumpanyang pinasapukan namin bilang isang professional employee.
“Felize, William, good morning.” bati ko sa kanila.
Napakapit pa ako sa aking tuhod dahil sa labis na pagkahingal.
“Ikaw ha, kapag tayo na-late sa trabaho natin, sasamain ka sa akin.”
Napanguso naman ako sa kaniya.
“Minsan lang eh.”
Pinagtaasan niya ako ng kilay saka nauna nang naglakad. Sumabay naman sa akin ang kaniyang nakatatandang kapatid na si William. Naging kaklase ko iyon sa isa sa mga subjects noong college pa kami sa UP. Akala ko ay kaedad ko lang ito, pero mas matanda pala siya sa amin ng isang taon. Kung si Felize ay labis ang pagiging masungit, ito namang kapatid niya ay ubod ng bait. Pati yata mga aso sa mga kalye ay binibigyan nito ng pagkain sa sobrang bait nito.
“Pagpasensiyahan mo na iyang kapatid ko ha. May dalaw yata kaya mainit ang ulo.”
Tumawa ako sa sinabi ni William.
“Araw-araw namang mainit ang ulo ng babaeng iyan. Sa ilang taon naming pagkakaibigan, kilalang-kilala ko na ‘yan.” saad ko saka tinapik siya sa balikat.
Mabilis akong naglakad para habulin si Felize. Ilang beses ko pa itong kinulit sa biyahe para lang pansinin ako nito. Pagbaba namin sa jeep ay muli ko siyang hinabol. Nang maalalang may chocolate bar ako sa bag ay agad ko itong kinuha. Kinalabit ko naman siya dahilan para huminto siya sa paglalakad at kunot-noong bumaling sa kaniya.
“Psst, ganda. Bati na tayo please.” pagkasabi ko noon ay agad kong inilahad sa kaniya nag chocolate bar at matamis na ngumiti.
Humugot siya ng malalim na hininga at saka kinuha ang chocolate sa kamay ko.
“Huwag mo nang uulitin. Naku sinasabi ko sa’yo, kapag tayo napatalsik sa trabahong ito, matitiris kita.”
“Yes, Ma’am.” sabi ko sa umayos nang tayo at sumaludo pa sa kaniya.
Naiiling na muli siyang humarap sa daan. Nakita ko si William sa isang tabi na nakangiti. Nagkibit-balikat ako sa kaniya kaya mas lalo siyang natawa. Patakbo akong sumunod kay Felize para mahabol ito.
Pagkarating namin sa quarter ng mga janitress ay agad kaming nagpalit ng uniporme. Habang nag-aayos kami ng aming mga sarili ay biglang pumasok ang dalawang janitress na naka-assign sa fourth at fifth floor.
“Grabe, totoo pala yung sabi-sabi na ang guwapo ng anak ng may-ari nitong kumpanyang pinapasukan natin.”
Tahimik kong inayos ang pagkakasuot ng ID ko para mapakinggan ang mga pinag-uusapan ng mga ito. Kinalabit ko pa si Felize at sinenyasang tumahimik ito. Nang lumapit sa amin ang dalawang janitress ay agad nitong tinapik ang balikat ko.
“Leah, ikaw diba ang naka-assign sa sixth floor? Ikaw rin ang naglilinis ng opisina ni Boss diba?”
Ngumiti ako sa mga ito at marahang tumango.
“Bakit, Ate Jill?” tanong ko sa babaeng kumakausap sa akin.
“Naku ang suwerte mo. Bali-balita pa noong nakaraang linggo ang pagdating ng kaniyang anak na lalaki. Iyong panganay ni Boss na nag-aral ng master’s degree nito sa London. Naku, nakita ko kanina kaso side view lang. Pero grabe, side profile palang, ang guwapo na, paano pa kaya kung kabuuang mukha na.”
Napangiwi ako nang makita ang ekspresyon nito na para bang labis na kinikilig.
“Oh ate, tubig oh. Mukhang uhaw lang ‘yang nararamdaman mo.” saad ni Felize.
Mahina akong natawa.
“Huwag kayong nagkukuwento kay Leah ng ganiyan, alam niyo namang kahit gaano pa kaguwapo ang isang lalaki, hindi bumibigay itong best friend ko. Manhid na ‘to.”
Inis na pinalo ko si Felize sa braso dahil sa sinabi niya.
“Malay mo diba, si Sir Leander na iyong makakapagpabago sa kaniya.”
Mas lalo akong napangiwi sa sinabi ni Ate Jill. Naiiling na lang na lumabas ako ng quarter habang bitbit ang mop at timba na lalagyan ng tubig.
“Bakit ba naman kasi ang hilig ng mga tao sa pogi?” walang ganang tanong ko sa aking sarili habang naglalakad patungo sa elevator.
“Ewan ko ba, bakit nga kaya?”
Awtomatikong kumunot ang noo ko nang makita ang isang lalaki na tumapat sa tabi ko. Nakasuot ito ng sunglasses na kulay itim at may bitbit na kape sa kaliwang kamay nito. Base sa hitsura ng suot nito ay mayaman ito.
Nang alisin nito ang salamin na suot nito ay pakiramdam ko huminto sandali ang pagtibok ng puso ko.
“Hi, I’m Levi. Levi Estrada.”
“Hi, I’m Levi Estrada.” pakilala nito sa akin. Umayos naman ako sa pagtayo at alanganing bumati rito. Umiwas naman ako agad ng tingin dito. Nang gawin ko iyon ay narinig ko ang mahinang pagtawa nito. “You looked so cute. I didn’t know that we have a janitress like you. Bukod sa maganda, mukhang masipag pa.” I tried my best not to roll my eyeballs at him. Muntik ko na pa naman siyang maging crush, tapos malalaman kong ganito siya makipag-usap sa taong bagong kilala niya lang. Halatang playboy kaya ekis agad. “Responsibilidad naman po naming maging masipag, Sir. Trabaho po namin ang maglinis.” sagot ko sa kaniya. Akmang magsasalita pa sana siya nang biglang bumukas ang pinto ng elevator. Pagkababa ng mga empleyado na sakay nito ay agad akong pumasok at pinindot ang sixth floor. “Oh, sixth floor ka rin?” Tumango naman ako. Pumuwesto ako sa pinakalikuran ng elevator dahil alam kong may mga hahabol na empleyado sa pag
03 “Oh, bakit nakasimangot ang pinakamagandang part-time barista ng Starbucks?” bungad sa amin ng isa sa mga kasama naming barista na si Dennis. Ang kaibahan naming sa kaniya, full-time barista siya. Kaya magmula umaga hanggang gabi ay narito siya. Hindi ko siya pinansin nang dumaan ako sa kaniyang harapan. Pumunta agad ako sa staff room para makapagpalit ng damit. Ilang minuto nalang kasi ay magsisimula na ang shift namin. Narinig ko ang pagsunod sa akin ni Felize. Nagbihis din ito agad. Paglabas namin ay muling lumapit sa akin si Dennis at nameywang sa harapan ko. “Ano ngang nangyari?” I just rolled my eyeballs at him. Muli ay hindi ko siya pinansin. Wala talaga akong gana makipag-usap ngayon. Nakita kong lumapit sa kaniya at Felize. “Huwag mong kausapin niyan kung ayaw mong masama sa mga kapeng gigilingin niya ngayong araw.” mahinang sambit ni Felize sa kaniya. May mga pinag-usapan pa silang dalawa pero hindi na ako
Hindi lang ako ang nagulat sa nagawa ko, pati na rin mismo ang lalaking nasuntok ko na nagngangalang Leander. Mas lalo akong nagulat nang ma-realize na ito ring yung taong nakita ko kaninang umaga at taong pinatid ko kanina. Huh! In all fairness, maganda ang pangalan niya at mukha rin siyang mayaman dahil na-afford niyang pumunta rito sa bar at uminom ng mamahaling alak. Pero kahit na. Maganda nga ang pangalan niya at mayaman siya pero yung ugali niya naman ay walang kasing pangit. Hindi bale nalang.Bahagya akong napaatras nang makitang humakbang siya palapit sa akin. Hindi ako takot sa kaniya sa kung anong puwede niyang gawin sa akin. Pero dumudugo ang kaniyang labi at takot ako sa dugo. Bata palang ako ay may hemophobia na ako. Kaya naman ay pasimple kong iniwas ang aking paningin sa kaniya. Through my peripheral, nakita kong marahan niyang pinahid iyon gamit ang kaniyang hinlalaki at masamang tumingin sa akin.“You!”Tum
Pagkatapos ng trabaho ko sa bar ay agad akong nagpaalam para umuwi. Mas matagal ako ngayon sa trabaho dahil maraming costumer sa bar. Mag-aalas onse na nang makalabas ako roon.“Ingat, Miss Leah.” saad ng isa sa mga bouncer na naroon pa rin.“Salamat po. Kayo rin, ingat mamaya sa pag-uwi.” sabi ko sabay sumaludo pa sa kanilang dalawa.Nang makalayo ako sa entrance ay saka lang ako bumuntong-hininga. Ramdam na ng katawan ko ang pagkaantok. Sa ilang araw na pagtatrabaho ko rito, ngayon ko lang naranasan na magtagal doon. Understandable naman dahil maraming costumers. Sabi ni Sarah, warm up palang raw iyon. Asahan ko na raw na mas marami pang mga costumer sa mga susunod na araw. Nang makaramdam ako ng antok ay umupo muna ako sa tabing daan sandali.Ilang minuto palang ako naroon at muntik na akong mapatalon nang may sasakyan na biglang bumusina sa harapan ko. What the hell?Mula sa sasakyan na iyon a
“Hello, Miss waitress. What a pleasant morning to see you here!” huminto si Leander sa pagsasalita at pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa. He smirked as he directly looked into my eyes.Naramdaman ko ang pagkalabit sa akin ni Felize kaya bumaling ako sa kaniya sandali.“Iyan diba yung pogi na bumusina sa atin kahapon? Omg, bakit kaya siya nandito?”I scoffed when I heard Felize’s tone of voice changes. Felize isn’t like this normally. This is not my friend. Kaya ang ginawa ko ay pinalo ko siya nang malakas sa braso para magising siya sa katotohanan na hindi naman guwapo ang lalaking ito. Antipatiko! Iyon ang mas tamang term na gamitin. At higit sa lahat, mayabang at peste sa buhay.Humarap ako kay Leander na nakadungaw sa bintana at nginitian nang ubod nang peke.“It’s nice to see you too. You’re working here?” tanong niya sabay turo sa building ng kompanyang pinapasu
“Ang ganda mo sana ano? Kung hindi ka lang maldita at palaban. Alam mo pakiramdam ko talaga kahit sino kaya mong patumbahin sa isang suntok lang.”Mabilis akong napahinto sa paglalakad patungo sa locker nang marinig ko ang isang pamilyar na boses. Agad na naningkit ang aking mga mata nang makita si Leander na nakaupo sa maliit na couch ng staff room.“Anong ginagawa mo rito? Staff room ‘to. Bawal ka rito.” matapang na sambit ko sa kaniya.Tumaas ang kilay niya at nginisihan ako. Tumayo siya at naglakad palapit sa akin. Hindi ko naman kayang itanggi sa sarili ko na hindi ako kinakabahan. Lalo na kami lang dalawa rito ngayon. Baka kung ano pa ang gawin nito sa akin.“Baka nakakalimutan mo, ako ang may-ari ng kompanyang ito. Kaya kahit saang parte ng buong lugar na ito ay puwede kong puntahan.”Tsk. Ang yabang! Ang pangit naman ng accent niya kapag nagtatagalog. Nagtutunog conyo hindi naman taga-
Napatanga nalang ako sa harapan niya nang marinig ko ang kaniyang sinabi.“Sana okay ka lang.” naiiling na sagot ko naman sa kaniya. Tumalikod na ako saka ginawa ang kapeng order niya pagkatapos ay maingat na inilapag ko ito sa kaniyang harapan. Kahit sa totoo ay gusto ko na itong isaboy sa kaniyang pagmumukha.“Sir Leander! Omg! Sir Leander, napadaan ho kayo.”I automatically rolled my eyeballs when I heard Felize’s voice. Heto na naman si Felize na kaibigan ko raw pero sa tuwing nakikita si Leander ay walang ibang ginawa kundi purihin ito. Alam na nga niyang naiinis ako sa lalaking ito pero ganiyan pa rin ang trato niya. Nilabag niya ang friendship rule number 6 namin.“Ang kinaiinisan ko ay dapat kinaiinisan mo rin.”Lumapit sa akin si Felize at pasimple ako nitong siniko sa tagiliran.“Magpakabait ka, kung ayaw mong masisante ka dahil sa kagaspangan ng ugali mo.
Pinunasan ko ang luha na tumulo sa aking pisngi at naghilamos ako bago ako lumabas ng banyo. Saktong paglabas ko ay nakita ko si Leander na nakasandal sa pader ng banyo sa labas. Huminto ako sandali at bumaling sa kaniya. I bit my lower lip because I’m still hesitating if I’m going to thank him or not. Aaminin ko, kung hindi siya dumating baka nabastos na ako nang tuluyan kanina. Pero hindi ko alam kung bakit simpleng thank you lang hindi ko pa masabi sa kaniya.“Okay ka na?” tanong niya sa akin.Yumuko naman ako sandali at muling nag-angat nang tiningin bago tumango sa kaniya.“Did you cry?” he asked. Ang kaniyang atensiyon ay nakabaling sa aking mga mata.Umiling naman ako.“No. Hindi. Naghilamos lang ako.” sagot ko naman saka umiwas nang tingin.Tumango naman siya at saka tumalikod na. Ang buong akala ko ay aalis na siya pero bahagya akong nagulat nang makitang naghanap l
Magkasabay kaming naglakad ni Liam patungo sa kusina. Tahimik lang siya habang naglalakad. Pagkapasok namin sa loob, agad na tumayo si Felize. “Kuya, gusto mo bang kumain?” alanganing tanong ni Felize sa kaniya. Kay Leander unang dumapo ang tingin ni Liam. He gave him a light nod before looking at my parents. Lumapit siya sa mga ito at nagmano sa mga magulang ko. Dumaan din siya sa likuran ng mga kapatid ko para tapikin ang mga balikat ng mga ito. “Kuya, kumain ka na ba? Sumabay ka na sa amin. May isa pang bakanteng upuan oh. Mukhang nakatadhana talaga para sa’yo.” Tipid na ngumiti si Liam sa mga kapatid ko at tumango. Marahan siyang naglakad patungo sa bakanteng upuan saka umupo rito. Nakasunod lang ang tingin ko sa kaniya, pinagmamasdan ang reaksiyon at galaw niya. Baka kasi napipilitan lang siya. “Mabuti naman at naisipan mo nang dumalaw rito, William,” sambit ni Mama sa kaniya. Simpleng ngiti lang ang isinagot ni Lia
“Kumusta ka?”Ngumiti ako sa unang tanong niya sa akin. Pagkatapos naming mamili, nagtungo kaming dalawa ni Felize sa isang malapit na fast food chain. I felt the awkwardness the moment we sat on the chair. Nang magkatinginan kami kanina ay sabay pa kaming umiwas nang tingin sa isa’t-isa. I thought she won’t speak at all. But here she is, asking me if how am I.“Sa tingin ko, okay naman ako.”Napansin ko ang pagtaas ng isang kilay niya sa sinabi ko. I knew she would react that way.“Leah, I…” she trailed off.Yumuko siya. Nararamdaman kong nag-aalangan pa siyang magsalita kaya hinintay ko siya. That’s what I’m good at. Waiting.“Leah, I want to say sorry for the things I’ve done to you in the past months. For not listening to you. For shoving you off. For not showing up whenever you’re at our house.”I keep on listening.&ld
“How are you feeling?” tanong ni Leander pagkatapos niya akong abutan ng isang basong tubig.Halos sabay lang kami nakauwi ng kaniyang condo. And as expected, maraming nakaabang na press sa labas ng building. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kanina. Sa totoo lang, takot ang nanaig sa akin. Wala akong ibang problema. Kung masira man ako sa tao, ayos lang iyon. Huwag lang sana madamay ang pamilya ko at ibang tao na malalapit sa akin.The moment the news come out, mabilis akong nagtungo sa bahay namin. Walang pasok ang mga kapatid ko noong araw na iyon, hindi rin pumunta ang mga magulang ko sa palengke para magtinda. Pagpasok ko sa loob ng bahay, mabilis akong sinalubong ng mga kapatid ko at yumakap sa akin. They know that the circulating wrong information on the internet could give me a huge backlash. Honestly, it doesn’t matter to me anymore. What I want to know if they’re mad at me. Natatakot ako na baka magalit sa akin ang mga
“Pinayagan ka niyang tawagin siyang Papa?” hindi makapaniwalang tanong ko kay Leander pagpasok namin sa kaniyang condo. Nilingon niya ako, tipid siyang ngumiti bago tumango nang marahan.“Paano mo iyon ginawa?”Nagkibit-balikat naman siya.“He asked me few questions. I answered him with all honesty. That’s it.”Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. I don’t believe him. Kilala ko si Papa. Hindi iyon ganoon. Bata pa lang ako, ang sabi niya sa akin, lahat ng lalaking manliligaw sa akin ay dadaan sa mahigpit niyang pagbubusi. Kaya nga si Liam lang ang nakapasa sa standards niya. Dahil si Liam ay matagal niya nang kilala.“Kidding aside. Tinanong niya kung may plano ba akong pakasalan ka at sinabi kong oo.”My eyes widened in his revelation. Lumapit ako sa kaniya at inis na hinampas siya sa balikat. Napa-aray naman siya. Mabilis siyang umatras palayo sa akin pero sinundan ko s
Matagal akong natulala sa sinabi ni Felize. Kung hindi pa lumapit sa akin si Mama para hawakan ang braso ko at tanungin kung ayos lang ba ako, ay hindi ako matatauhan.“Anak, totoo ba ‘yong narinig namin? Totoo bang hindi ka na tutuloy sa America?”Nang bumaling ako sa pintuan ng aking kuwarto ay nakita kong naroon si Papa at ang dalawa kong kapatid na nakatanaw sa akin mula sa labas.“Ma, puwede po bang mamaya ko na kayo kausapin? Uunahin ko lang po muna si Felize. Kung ayos lang po iyon sa inyo?” pakiusap ko sa kaniya.Nang makita kong tumango si Mama, mabilis akong naglakad palabas ng bahay. Hahabulin ko si Felize. Kakausapin ko siya at ipaiintindi ko sa kaniya ang lahat.Paglabas ko sa gate ng aming bakuran, tumakbo na ako patungo sa kaniya. Mabilis ang kaniyang mga hakbang.“Felize!” pagtawag ko sa kaniyang pangalan. Huminto siya sandali at bumaling sa akin.Nang makita niya
“Leah, hindi naman sa nangingialam ako sa mga desisyon mo, pero sigurado ka na ba sa mga gusto mong mangyari sa buhay mo? Nakausap mo na ba si Liam? Hindi ba parang masyado namang mabilis ang ginawa mong pag-ca-cancel sa plano niyo na magtrabaho sa America? Have you considered Kuya Liam’s reaction before you ended up with this decision?”Humugot ako ng malalim na hininga bago humarap kay Felize. Kasalukuyan akong nasa aking kuwarto, nag-aayos ng mga gamit ko. Kauuwi lang namin ni Leander galing sa El Nido. Mas napaaga kumpara sa plano naming mag-iisang linggo kami roon. Parang kahapon lang ay nakaharap namin ang kaniyang ama. Tapos ngayon, narito na ulit kami sa Metro Manila. Our decision going back to the city in no time happened last night. Halos hindi rin kaming nakatulog dalawa ni Leander dahil sa dami naming pinag-usapan. Tungkol sa pagiging CEO niya ng kumpanya na pag-aari ng kaniyang ama. At tungkol sa pag-alis ko papuntang America.
Kinabukasan nang magising ako ay agad kong napansing wala sa tabi ko si Leander. Hindi ko mawari sa aking sarili kung bakit ako nakaramdam ng kaba. Agad akong bumangon sa kama at nagtungo sa kitchenette pero wala siya roon. Wala rin siya sa shower room at lalong wala sa balcony.Ilang beses kong inikot ang buong suite pero wala talaga siya. Gustong-gusto ko nang lumabas sa suite para hanapin siya, pero bago ko ginawa iyon ay naghilamos muna ako at nagsipilyo. Nagpalit na rin ako ng damit. Mas conservative ang pananamit ko ngayon kaysa sa mga nakalipas na araw.I’m wearing one of his shirts and a denim tokong the reaches the middle of my knees.The first place that I went to is in the gym. Naisip ko, baka nag-g gym siya. Pero wala siya roon. The next place I went was the play area, still there is no sign of him being there. Bigla ko namang naalala ang Misto. Right. Maybe he is there, having chitchats with his cousin, Vin.Nasa bun
Isang marahang katok sa labas ng suite na tinutuluyan namin ang kumuha sa aming atensiyon. Nagkatinginan kami saglit ni Leander. Mayamaya ay bumuntong-hininga siya.“Sino ba itong istorbo?” naiinis na sambit niya. Tinawanan ko siya sa kaniyang reaksiyon. Normally, hindi talaga mainitin ang ulo niya. Pero ngayon, kitang-kita sa kaniyang hitsura na nainis siya.“Hey, love birds. It’s time to go outside of your nest and feel the beach air.”Nang marinig ko ang boses ni Vin ay agad akong napatayo sa kama at napatakbo patungo kay Leander. Sa likuran niya ako pumuwesto dahil wala akong suot na bra at the moment. I held Leander’s arm. Naramdaman ko naman ang pagharang niya sa akin. He’s covering my body so that Vin won’t see it.“So possessive,” pang-aasar nito sa kaniya. Inirapan niya naman ang kaniyang pinsan.“I’m just protecting my girl.”Vin nodde
Maganda ang buong kuwarto. Halos pinagsamang laki ito ng tatlong kuwarto namin sa bahay. Mayroong balcony sa labas. Nang magtungo ako sa banyo, nakita ko ang bathtub at ang shower room. Grabe, siguro yung gastos dito ni Leander ay kasing laki na ng tatlong buwan na trabaho ko.“Bakit naman ganito kalaking kuwarto ang kinuha mo? Dalawa lang naman tayo. Ang lawak ng espasyo, oh.”He smiled at me and put both of his hands on my shoulder.“Hindi ba sabi ko huwag mo nang problemahin kung magkano ang ibinayad ko rito. Bakasyon ito, Leah. Bakasyon natin. Mas gusto ko kampante ka. Gusto ko mae-enjoy mo ang paligid, kabilang ang kuwarto na tutuluyan natin.”“Kaya ganito kalaki ang kinuha mong kuwarto para makampante ako? Seryoso ka bas a sinasabi mo? You know I—”Napahinto ako sa pagsasalita nang halikan niya ako sa labi. Binigyan niya ako ng isang marahang halik bago mabilis na lumayo sa akin.