Home / Romance / Pretty You / Chapter 5

Share

Chapter 5

Author: Iya Perez
last update Last Updated: 2022-01-23 17:49:12

Pagkatapos ng trabaho ko sa bar ay agad akong nagpaalam para umuwi. Mas matagal ako ngayon sa trabaho dahil maraming costumer sa bar. Mag-aalas onse na nang makalabas ako roon.

“Ingat, Miss Leah.” saad ng isa sa mga bouncer na naroon pa rin.

“Salamat po. Kayo rin, ingat mamaya sa pag-uwi.” sabi ko sabay sumaludo pa sa kanilang dalawa.

Nang makalayo ako sa entrance ay saka lang ako bumuntong-hininga. Ramdam na ng katawan ko ang pagkaantok. Sa ilang araw na pagtatrabaho ko rito, ngayon ko lang naranasan na magtagal doon. Understandable naman dahil maraming costumers. Sabi ni Sarah, warm up palang raw iyon. Asahan ko na raw na mas marami pang mga costumer sa mga susunod na araw. Nang makaramdam ako ng antok ay umupo muna ako sa tabing daan sandali.

Ilang minuto palang ako naroon at muntik na akong mapatalon nang may sasakyan na biglang bumusina sa harapan ko. What the hell?

Mula sa sasakyan na iyon ay bumaba ang isang lalaki na kahit hindi ko pa nakikita ang mukha ay kilala ko. Who else would do this to me aside from this guy? Inis na tumayo ako sa daan. Pangalawang beses niya na akong binusinahan ngayong araw, wala yatang ibang alam ito kundi bumusina nalang eh.

“You’re alone.” he said while one of his brows is raised.

Umismid naman ako.

“Hindi, actually may kasama ako. Heto oh!” saad ko saka nagkunwari pa akong may tinuturo sa aking tabi.

“Huh?”

“Ang sabi ko, may kasama akong multo sa tabi ko. Hindi mo ba nakikita?”

Napansin ko ang paglaho ng ngisi sa kaniyang mukha. Bumaling siya sa paligid at bahagyang napalunok. I scoffed in front of him.

“Huwag mo sabihing takot ka sa multo?”

Mas lalo naman siyang naging alerto sa paligid. Masama ang tingin na ibinigay niya sa akin.

“Huwag mo ring sabihin na totoo yung sinasabi mo?”

Kumunot ang noo ko at hindi mapigilan ang aking sariling matawa. Seryoso ba siya? Humugot ako ng malalim na hininga at napailing. Ilang sandali lang ay umayos naman siya sa pagkakatayo. Napairap ako. Kalalaking tao, takot sa multo.

“Huwag mo akong pagtawanan, baka nakakalimutan mo, malaki ang kasalanan mo sa akin.”

“Anong kasalanan? Yung nasuntok kita nang hindi ko sinasadya?” taas-kilay kong tanong.

“Na-uh~ Iyong pagpatid mo sa akin kanina sa university. Baka nakakalimutan mo, kasalanan mo iyon sa akin.” nakangising sambit niya.

Natahimik naman ako bigla. He’s right, kasalanan nga iyong ginawa ko sa kaniya. Pero kasalanan ko ba kung badtrip ako sa tuwing nakikita ko ang pagmumukha niya?

“Bagay lang iyon sa’yo. Binusinahan mo kami ng kaibigan ko kaninang umaga.”

He scoffed.

“Kita mo, talagang hahanap ka ng paraan para maabsuwelto ka sa sarili mong kasalanan ‘no?”

Inismiran ko lang siya sa tumalikod na at nagsimulang maglakad palayo sa kaniya. Hindi ako makakahanap ng sasakyan sa ganitong oras at makakauwi nang maaga kung makikipag-usap pa ako sa lalaking iyon.

“Hoy!” sigaw nito.

Hindi ko ito pinansin. Mas binilisan ko pa ang paglalakad ko. Nang makita ko itong sumakay ng kaniyang sasakyan ay tumakbo na ako. Wala akong pakialam kung inaantok ako, ang kailangan kong gawin ay tumakbo palayo sa lalaking iyon.

Nang mayroon akong makitang taxi ay nagmadali akong pinara ito. Pagkahinto nito sa aking tapat ay nagmadali akong pumasok sa loob nito. Nagulat pa ang taxi driver sa pagmamadali ko.

“Ma’am ayos lang po kayo?” tanong nito.

Alanganing ngiti lang ang ibinigay ko rito at isang simpleng pagtango.

“Kuya, puwede ho bang pakibilisan niyo? Dadagdagan ko ho ang bayad ko basta bilisan niyo lang ho ang takbo ng taxi.”

“May humahabol ba sa inyo, Ma’am?” nag-aalala nitong tanong.

“Meron po. Yung ex ko na gustong makipagbalikan sa akin. Ayaw ko na talagang makita ang pagmumukha niya, ang kapal ng mukha na magpakita sa akin eh halos ilang beses niya naman akong niloko.” pagsisinungaling ko naman dito.

Nag-aalalang bumaling sa akin ang driver. Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang pagbilis ng takbo nito. Muli akong lumingon sa aming likuran. Nang makita kong malayo na kami sa sasakyan nung Leander na iyon ay saka ako sumandal nang maayos sa backrest ng backseat.

“Salamat, Manong.” sabi ko rito pagkatapos kong magbayad. Gaya nang sinabi ko sa driver kanina, dinagdagan ko nga ang bayad ko sa kaniya. Ilang beses naman itong nagpasalamat sa akin bago umalis.

“Ate!” sabay na tawag sa akin ng kambal pagkapasok ko sa loob ng bahay.

Kumunot ang aking noon ang makita kong nakakalat sa sala ang mga math books nila. Ang mga hitsura ng mga ito ay tila ba pinagbagsakan ng langit at lupa. Lumapit sa akin si Kyle para yumakap.

“Ang hirap talaga nitong assignment namin sa Analytic Geometry. Hindi namin pareho makuha. Kahit si Papa, hindi niya rin kaya.”

Napabuntong-hininga ako bago ibinaba ang aking bag sa sofa.

“Hindi na-solve ito ni Papa?” kunot-noong tanong ko.

Hindi man nakapagtapos si Papa sa kurso niyang engineering noong kolehiyo, pero magaling naman siya mag-solve ng mga math equations. Siya nga ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay paborito ko pa rin ang subject na math. Nang tingnan ko ang pinapasagutang assignment sa kanila ay ilang minuto ko pa na-figure out kung paano ito i-solve.

Kapag may mga ganitong pangyayari, hindi puwedeng hindi ko ipaliwanag sa kanila kung paano iyon nakuha. Halos thirty minutes ko ring ipinaliwanag sa kanila para makuha nila iyon. Pagkatapos namin sa kanilang assignment ay nauna nang natulog ang dalawa. Ako naman ay kailangan pang maligo kahit na antok na.

Paghiga ko sa aking kama ay napatitig nalang ako sa aking kisame. Bukas pa rin ang ilaw ng aking kuwarto, ang totoo, hindi talaga ako natutulog nang hindi bukas ang ilaw. Kaya ngayon, nakatingin lang ako sa nag-iisang butiki na kinakain yung maliliit na gamu-gamo. Bigla namang dumaan sa isip ko si Leander. Kung mamalasin nga naman ako, tatlong beses ko pa talaga siya nakita sa isang buong araw. Wala akong ibang dalangin kundi sana hindi ko na siya makita kahit kailan. Humugot ako ng malalim na hininga bago pumikit.

Isang malakas na sigaw ng kapatid ko ang nagpagising sa akin sa pagkakahimbing. Dali-dali akong bumangon. Doon ko lang napansin na medyo maliwanag na sa labas. Narinig kong muli ang pagtawag nito sa akin kaya naman nagmadali sa pagtungo sa banyo kung saan ito naroon.

“Anong nangyari?” tanong ko nang makita kong hawak niya ang balde at tabo.

Sumimangot ito.

“Wala na namang tubig, ate. Paano na kami niyan maliligo?” reklamo nito. Nagpapadyak pa ito nang ilang beses at walang ganang ibinaba sa sahig ng banyo ang balde.

Napahilamos ako ng gamit ang aking palad dahil sa frustrasyon.

“Wala tayong ibang magagawa kundi pumila sa labas, at makiigib sa poso ng kapitbahay.” Saad ko.

“Kunin niyo na iyong tatlong balde at maaga tayong lalabas.”

Akmang magrereklamo pa ang isa kong kapatid pero agad itong kumilos nang pinanlakihan ko ito ng mata. Dahil hindi pa gaanong maliwanag, konti pa lang ang nakapila sa labas. Sakto namang napadaan si William na mukhang kagagaling lang sa may panaderya. Umayos naman ako sa pagkakatayo, inayos ko na rin ang aking buhok para hindi ako magmukhang bruha sa harapan niya.

“Oh, Leah. Bakit kayo nakikipila rito?” tanong agad nito pagkahinto sa tapat naming magkakapatid.

Lumapit si Kier at Kyle rito para makipag-fist bump.

“Eh kuya, wala na naman kaming tubig. Kaya napabangon si Ate nang maaga para samahan kaming mag-igib dito sa kapitbahay.” paliwanag ni Kier.

Tumingin sa akin si William, bakas ang pag-aalala niya sa dalawa kong kapatid.

“Gusto niyo bang sa bahay nalang kayo maligo? Doon, marami kaming tubig. Kahit mag-isang oras pa kayo sa banyo.” Saad naman nito sa mga kapatid ko.

“Pati ikaw na rin, Leah.”

Agad naman akong umiling.

“Naku, hindi na. Masyado pang maaga para manggulo kami sa inyo.”

Tumawa naman ito.

“Ano ka ba, kilalang-kilala ka na ng mga magulang ko. Halos anak na nga ang turing ng mga iyon sa iyo, tapos mahihiya ka pa?”

Napansin ko naman ang kakaibang tingin sa akin ng mga kapatid ko. Simpleng tingin lang iyon pero halatang nang-aasar. Inis na sinamaan ko naman nang tingin ang dalawa.

“Sige na, ate. Panigurado matutuwa na naman sina Tita Mila kapag nakita ka noon, alam mo namang ikaw ang paborito niyang kaibigan ni Ate Felize eh.”

Tumawa ako.

“Eh ako lang naman ang kaibigan ni Felize.” sagot ko sa kapatid ko.

Bumaling naman ako kay William. Nito ko lang napansin ang kaniyang suot, t-shirt at jersy shorts lang naman iyon pero bakit ang guwapo niya sa paningin ko ngayon? Ngayon lang naman. Hindi naman palagi. Wala naman kasi akong pakialam sa mga lalaki.

“Sigurado ka bang hindi kami makakaabala kung sakali?” paninigurado ko.

Umiling naman siya. Ngumiti ako sa kaniya at nagpaalam sandali para kumuha ng tuwalya at ng damit na aming susuotin. Naabutan namin sina Mama at Papa na nag-aasikaso na ng pagkain namin. Nagtanong pa ito sa amin kung saan kami pupunta. Nang sabihin naming makikiligo kami kina William ay pumayag naman ito.

“Wala pa ba talagang tubig?” tanong ko kay Papa.

Nang umiling siya ay wala akong nagawa kundi sumunod sa mga kapatid ko.

Ang bahay nila William ay hindi gaano kalayo sa amin, pero kumpara sa exact area ng tinitirahan namin, yung kanila ay mas malapit sa labasan. Subdivision kasi ito kung saan lahat ng bahay ay halos pare-pareho ng disenyo. Yung kanila lang talaga ang naiiba. Mas maganda kumpara sa karamihan.

Kagigising lang ni Felize nang dumating kami sa kanila. Nagulat pa nga ito nang makita kami ng mga kapatid ko. Nang malaman nitong nawalan na naman kami ng tubig ay umiling lang ito at sinabing dapat daw ay i-report na namin iyon.

Mabilis lang sumikat ang araw. Kaya kailangan naming magmadali. Mabuti nalang at sa kuwarto ni William naligo ang kambal habang ako naman ay kay Felize.

“Siya nga pala, nabanggit sa akin ng isa sa mga janitress ng kompanya na ngayon daw pormal na ipapakilala ni Boss ang anak niyang galing sa London.”

Napatingin ako kay Felize na kasalukuyang nagsusuklay ng kaniyang basang buhok sa harapan ng kaniyang salamin.

“Oh? Talaga? Edi masaya. Baka may pakain mamaya si Boss.”

“Kaya kailangan mong magmadali.” saad niya sa akin at pinagtaasan ako ng kilay.

Paglabas ko ay nakita kong nakabihis na ang mga kapatid ko. Agad naman kaming nagpaalam sa dalawang magkapatid. Halos tumakbo na ako pabalik ng bahay para lang makaasikaso nang mabilis. Dahil sigurado akong mag-iinarte na naman si Felize kapag nagtagal ako.

“Oh, anak. Hindi ka na ba kakain?”

Umiling ako kay Papa habang isinusuot ko ang aking bag. Hinayaan ko lang ang mahaba kong buhok na nakababa dahil basa pa naman ito. Bago ako umalis ay h*****k muna ako sa pisngi ng kambal at nag-mano sa mga magulang ko.

***

“Balita ko pogi raw yung anak ni Boss.” ani Felize habang naglalakad kami sa malawak na grounds sa labas ng building ng kumpanya.

Sumimangot naman ako.

“Kahit kamukha pa niya si Tom Cruise, wala akong pakialam.”

Hinawakan ko si Felize para tumawid sa kabilang parte ng daan nang biglang may bumusina na naman sa amin na sasakyan. Handa na akong awayin ang driver nito nang biglang bumukas ang bintana ng sasakyan at bumungad sa akin ang mukha ng lalaking sa buong buhay ko ay hindi ko pinangarap makitang muli.

Related chapters

  • Pretty You   Chapter 6

    “Hello, Miss waitress. What a pleasant morning to see you here!” huminto si Leander sa pagsasalita at pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa. He smirked as he directly looked into my eyes.Naramdaman ko ang pagkalabit sa akin ni Felize kaya bumaling ako sa kaniya sandali.“Iyan diba yung pogi na bumusina sa atin kahapon? Omg, bakit kaya siya nandito?”I scoffed when I heard Felize’s tone of voice changes. Felize isn’t like this normally. This is not my friend. Kaya ang ginawa ko ay pinalo ko siya nang malakas sa braso para magising siya sa katotohanan na hindi naman guwapo ang lalaking ito. Antipatiko! Iyon ang mas tamang term na gamitin. At higit sa lahat, mayabang at peste sa buhay.Humarap ako kay Leander na nakadungaw sa bintana at nginitian nang ubod nang peke.“It’s nice to see you too. You’re working here?” tanong niya sabay turo sa building ng kompanyang pinapasu

    Last Updated : 2022-01-26
  • Pretty You   Chapter 7

    “Ang ganda mo sana ano? Kung hindi ka lang maldita at palaban. Alam mo pakiramdam ko talaga kahit sino kaya mong patumbahin sa isang suntok lang.”Mabilis akong napahinto sa paglalakad patungo sa locker nang marinig ko ang isang pamilyar na boses. Agad na naningkit ang aking mga mata nang makita si Leander na nakaupo sa maliit na couch ng staff room.“Anong ginagawa mo rito? Staff room ‘to. Bawal ka rito.” matapang na sambit ko sa kaniya.Tumaas ang kilay niya at nginisihan ako. Tumayo siya at naglakad palapit sa akin. Hindi ko naman kayang itanggi sa sarili ko na hindi ako kinakabahan. Lalo na kami lang dalawa rito ngayon. Baka kung ano pa ang gawin nito sa akin.“Baka nakakalimutan mo, ako ang may-ari ng kompanyang ito. Kaya kahit saang parte ng buong lugar na ito ay puwede kong puntahan.”Tsk. Ang yabang! Ang pangit naman ng accent niya kapag nagtatagalog. Nagtutunog conyo hindi naman taga-

    Last Updated : 2022-02-01
  • Pretty You   Chapter 8

    Napatanga nalang ako sa harapan niya nang marinig ko ang kaniyang sinabi.“Sana okay ka lang.” naiiling na sagot ko naman sa kaniya. Tumalikod na ako saka ginawa ang kapeng order niya pagkatapos ay maingat na inilapag ko ito sa kaniyang harapan. Kahit sa totoo ay gusto ko na itong isaboy sa kaniyang pagmumukha.“Sir Leander! Omg! Sir Leander, napadaan ho kayo.”I automatically rolled my eyeballs when I heard Felize’s voice. Heto na naman si Felize na kaibigan ko raw pero sa tuwing nakikita si Leander ay walang ibang ginawa kundi purihin ito. Alam na nga niyang naiinis ako sa lalaking ito pero ganiyan pa rin ang trato niya. Nilabag niya ang friendship rule number 6 namin.“Ang kinaiinisan ko ay dapat kinaiinisan mo rin.”Lumapit sa akin si Felize at pasimple ako nitong siniko sa tagiliran.“Magpakabait ka, kung ayaw mong masisante ka dahil sa kagaspangan ng ugali mo.

    Last Updated : 2022-02-01
  • Pretty You   Chapter 9

    Pinunasan ko ang luha na tumulo sa aking pisngi at naghilamos ako bago ako lumabas ng banyo. Saktong paglabas ko ay nakita ko si Leander na nakasandal sa pader ng banyo sa labas. Huminto ako sandali at bumaling sa kaniya. I bit my lower lip because I’m still hesitating if I’m going to thank him or not. Aaminin ko, kung hindi siya dumating baka nabastos na ako nang tuluyan kanina. Pero hindi ko alam kung bakit simpleng thank you lang hindi ko pa masabi sa kaniya.“Okay ka na?” tanong niya sa akin.Yumuko naman ako sandali at muling nag-angat nang tiningin bago tumango sa kaniya.“Did you cry?” he asked. Ang kaniyang atensiyon ay nakabaling sa aking mga mata.Umiling naman ako.“No. Hindi. Naghilamos lang ako.” sagot ko naman saka umiwas nang tingin.Tumango naman siya at saka tumalikod na. Ang buong akala ko ay aalis na siya pero bahagya akong nagulat nang makitang naghanap l

    Last Updated : 2022-02-02
  • Pretty You   Chapter 10

    “I’m glad you’re safe.” aniya saka marahan akong binitawan.Nang bumaling ako sa lalaking humablot ng phone ko ay nakita ko itong nakadapa na sa sahig habang pinoposasan ng mga guwardiya ng Mall.“Ano ba naman ‘yan. Nakakatakot, kahit sa loob ng mall mayroong snatcher.” dinig kong sabi ng isa sa mga costumer ng mall. Ang ilan naman ay ilag na ilag na mapadaan sa kinaroroonan ng lalaki dahil sa takot dito.Nasapo ko ang aking noo ng aking palad at napapikit nang mariin dahil nakaramdam ako ng hilo. Hinawakan naman ni Leander ang braso ko para maalalayan ako.“Are you okay?”Kahit na hindi ako okay ay nagawa ko pa ring tumango sa kaniya.“You’re lying.”Nag-angat ako nang tingin at tumitig sa kaniya. Bakit nga ba siya nandito? Paano niya ako nakita? At isa pa, bakit niya ako niligtas? Nagkataon lang ba ang lahat?“Ate!”

    Last Updated : 2022-02-02
  • Pretty You   Chapter 11

    “I’m not joking, Leah.”Natigilan naman ako sa pagtawa sa sinabi ni Leander. Matagal akong napatitig sa kaniya at ganoon din siya sa akin. Kung hindi ko pa narinig na tumikhim si Papa ay hindi pa ako mag-iiwas ng tingin.“Ah, anak. Hindi pa ba tayo kakain?” alanganing tanong sa akin ni Papa.Si Leander naman ay agad na bumati kay Papa nang makita niya itong nakadungaw sa pintuan ng kusina.“Naku, pasensiya na po sa abala sa inyo. May ibinalik lang po ako kay Leah. Aalis na rin po ako.”Umayos naman ako sa pagkakatayo at ngumiti kay Papa at tumango. Naroon naman sina Mama at mga kapatid ko sa kaniyang likuran, pare-parehong nakasilip ang mga ito sa amin.“Aalis? Walang aalis.” ani Papa saka naglakad patungo sa amin. Lumapit ito sa akin at agad akong inakbayan.“Gabi na hijo at maghahapunan na kami. Dito ka nalang kumain tutal narito ka na rin at isa pa, marami-ra

    Last Updated : 2022-02-02
  • Pretty You   Chapter 12

    “Problema mo?” curious na tanong sa akin ni Felize habang naglalakad kami patungong labasan. Buong akala ko ay siya lang ang nakatingin sa akin habang panay ako sa pagsipa ng mga bato sa daan. Si William din pala ay kanina pa nakamasid sa akin at sa ginagawa ko.Nang tumingin ako sa kanilang dalawa ay agad akong ngumiti.“Wala naman akong problema. Bored lang.”Napataas naman ang isang kilay ni Felize nang marinig ang sagot ko. Habang si William ay bahagyang natawa.“Bored? Hindi ko alam na nag-e exist pala iyang word na ‘yan sa vocabulary mo.” ani William saka umiling.“Sa dami mong trabaho, may gana ka pa talagang ma-bored ha.”Nagkibit-balikat naman ako. As the one who mastered the art of lying, siyempre hindi talaga iyon ang nararamdaman ko. Kaya ako nagkakaganito ay dahil hanggang ngayon, malinaw pa rin sa isipan ko ang sinabi ni Leander sa akin noong Sabado ng gabi. Lu

    Last Updated : 2022-02-03
  • Pretty You   Chapter 13

    “Grabe, sis! Totoo ba?” hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Felize.I rolled my eyes at her and nodded for the third time.“Gagi, seryoso nga?”Sa pagkakataong iyon ay inirapan ko na siya. Paulit-ulit lang? Kanina ko pa sinabi sa kaniya pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala. Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat. Sinamaan ko naman siya nang tingin. Pero hindi naman siya natinag sa ginawa. Inalog pa niya ang katawan ko.“Ano ba?!” reklamo ko saka mabilis na hinawi ang kaniyang dalawang braso na nakahawak sa akin.“Sis, sinusubukan ko lang na alugin ang utak mo kasi baka nananaginip ka lang.” seryosong sambit niya.Muli ay sinamaan ko siya nang tingin. Ginawa pa ako nitong sinungaling. Ikinuwento ko kasi sa kaniya ang tungkol sa pagbabalak na panliligaw sa akin ni Leander. Wala talaga sa plano ko ang sabihin sa kaniy

    Last Updated : 2022-02-15

Latest chapter

  • Pretty You   Chapter 79

    Magkasabay kaming naglakad ni Liam patungo sa kusina. Tahimik lang siya habang naglalakad. Pagkapasok namin sa loob, agad na tumayo si Felize. “Kuya, gusto mo bang kumain?” alanganing tanong ni Felize sa kaniya. Kay Leander unang dumapo ang tingin ni Liam. He gave him a light nod before looking at my parents. Lumapit siya sa mga ito at nagmano sa mga magulang ko. Dumaan din siya sa likuran ng mga kapatid ko para tapikin ang mga balikat ng mga ito. “Kuya, kumain ka na ba? Sumabay ka na sa amin. May isa pang bakanteng upuan oh. Mukhang nakatadhana talaga para sa’yo.” Tipid na ngumiti si Liam sa mga kapatid ko at tumango. Marahan siyang naglakad patungo sa bakanteng upuan saka umupo rito. Nakasunod lang ang tingin ko sa kaniya, pinagmamasdan ang reaksiyon at galaw niya. Baka kasi napipilitan lang siya. “Mabuti naman at naisipan mo nang dumalaw rito, William,” sambit ni Mama sa kaniya. Simpleng ngiti lang ang isinagot ni Lia

  • Pretty You   Chapter 78

    “Kumusta ka?”Ngumiti ako sa unang tanong niya sa akin. Pagkatapos naming mamili, nagtungo kaming dalawa ni Felize sa isang malapit na fast food chain. I felt the awkwardness the moment we sat on the chair. Nang magkatinginan kami kanina ay sabay pa kaming umiwas nang tingin sa isa’t-isa. I thought she won’t speak at all. But here she is, asking me if how am I.“Sa tingin ko, okay naman ako.”Napansin ko ang pagtaas ng isang kilay niya sa sinabi ko. I knew she would react that way.“Leah, I…” she trailed off.Yumuko siya. Nararamdaman kong nag-aalangan pa siyang magsalita kaya hinintay ko siya. That’s what I’m good at. Waiting.“Leah, I want to say sorry for the things I’ve done to you in the past months. For not listening to you. For shoving you off. For not showing up whenever you’re at our house.”I keep on listening.&ld

  • Pretty You   Chapter 77

    “How are you feeling?” tanong ni Leander pagkatapos niya akong abutan ng isang basong tubig.Halos sabay lang kami nakauwi ng kaniyang condo. And as expected, maraming nakaabang na press sa labas ng building. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kanina. Sa totoo lang, takot ang nanaig sa akin. Wala akong ibang problema. Kung masira man ako sa tao, ayos lang iyon. Huwag lang sana madamay ang pamilya ko at ibang tao na malalapit sa akin.The moment the news come out, mabilis akong nagtungo sa bahay namin. Walang pasok ang mga kapatid ko noong araw na iyon, hindi rin pumunta ang mga magulang ko sa palengke para magtinda. Pagpasok ko sa loob ng bahay, mabilis akong sinalubong ng mga kapatid ko at yumakap sa akin. They know that the circulating wrong information on the internet could give me a huge backlash. Honestly, it doesn’t matter to me anymore. What I want to know if they’re mad at me. Natatakot ako na baka magalit sa akin ang mga

  • Pretty You   Chapter 76

    “Pinayagan ka niyang tawagin siyang Papa?” hindi makapaniwalang tanong ko kay Leander pagpasok namin sa kaniyang condo. Nilingon niya ako, tipid siyang ngumiti bago tumango nang marahan.“Paano mo iyon ginawa?”Nagkibit-balikat naman siya.“He asked me few questions. I answered him with all honesty. That’s it.”Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. I don’t believe him. Kilala ko si Papa. Hindi iyon ganoon. Bata pa lang ako, ang sabi niya sa akin, lahat ng lalaking manliligaw sa akin ay dadaan sa mahigpit niyang pagbubusi. Kaya nga si Liam lang ang nakapasa sa standards niya. Dahil si Liam ay matagal niya nang kilala.“Kidding aside. Tinanong niya kung may plano ba akong pakasalan ka at sinabi kong oo.”My eyes widened in his revelation. Lumapit ako sa kaniya at inis na hinampas siya sa balikat. Napa-aray naman siya. Mabilis siyang umatras palayo sa akin pero sinundan ko s

  • Pretty You   Chapter 75

    Matagal akong natulala sa sinabi ni Felize. Kung hindi pa lumapit sa akin si Mama para hawakan ang braso ko at tanungin kung ayos lang ba ako, ay hindi ako matatauhan.“Anak, totoo ba ‘yong narinig namin? Totoo bang hindi ka na tutuloy sa America?”Nang bumaling ako sa pintuan ng aking kuwarto ay nakita kong naroon si Papa at ang dalawa kong kapatid na nakatanaw sa akin mula sa labas.“Ma, puwede po bang mamaya ko na kayo kausapin? Uunahin ko lang po muna si Felize. Kung ayos lang po iyon sa inyo?” pakiusap ko sa kaniya.Nang makita kong tumango si Mama, mabilis akong naglakad palabas ng bahay. Hahabulin ko si Felize. Kakausapin ko siya at ipaiintindi ko sa kaniya ang lahat.Paglabas ko sa gate ng aming bakuran, tumakbo na ako patungo sa kaniya. Mabilis ang kaniyang mga hakbang.“Felize!” pagtawag ko sa kaniyang pangalan. Huminto siya sandali at bumaling sa akin.Nang makita niya

  • Pretty You   Chapter 74

    “Leah, hindi naman sa nangingialam ako sa mga desisyon mo, pero sigurado ka na ba sa mga gusto mong mangyari sa buhay mo? Nakausap mo na ba si Liam? Hindi ba parang masyado namang mabilis ang ginawa mong pag-ca-cancel sa plano niyo na magtrabaho sa America? Have you considered Kuya Liam’s reaction before you ended up with this decision?”Humugot ako ng malalim na hininga bago humarap kay Felize. Kasalukuyan akong nasa aking kuwarto, nag-aayos ng mga gamit ko. Kauuwi lang namin ni Leander galing sa El Nido. Mas napaaga kumpara sa plano naming mag-iisang linggo kami roon. Parang kahapon lang ay nakaharap namin ang kaniyang ama. Tapos ngayon, narito na ulit kami sa Metro Manila. Our decision going back to the city in no time happened last night. Halos hindi rin kaming nakatulog dalawa ni Leander dahil sa dami naming pinag-usapan. Tungkol sa pagiging CEO niya ng kumpanya na pag-aari ng kaniyang ama. At tungkol sa pag-alis ko papuntang America.

  • Pretty You   Chapter 73

    Kinabukasan nang magising ako ay agad kong napansing wala sa tabi ko si Leander. Hindi ko mawari sa aking sarili kung bakit ako nakaramdam ng kaba. Agad akong bumangon sa kama at nagtungo sa kitchenette pero wala siya roon. Wala rin siya sa shower room at lalong wala sa balcony.Ilang beses kong inikot ang buong suite pero wala talaga siya. Gustong-gusto ko nang lumabas sa suite para hanapin siya, pero bago ko ginawa iyon ay naghilamos muna ako at nagsipilyo. Nagpalit na rin ako ng damit. Mas conservative ang pananamit ko ngayon kaysa sa mga nakalipas na araw.I’m wearing one of his shirts and a denim tokong the reaches the middle of my knees.The first place that I went to is in the gym. Naisip ko, baka nag-g gym siya. Pero wala siya roon. The next place I went was the play area, still there is no sign of him being there. Bigla ko namang naalala ang Misto. Right. Maybe he is there, having chitchats with his cousin, Vin.Nasa bun

  • Pretty You   Chapter 72

    Isang marahang katok sa labas ng suite na tinutuluyan namin ang kumuha sa aming atensiyon. Nagkatinginan kami saglit ni Leander. Mayamaya ay bumuntong-hininga siya.“Sino ba itong istorbo?” naiinis na sambit niya. Tinawanan ko siya sa kaniyang reaksiyon. Normally, hindi talaga mainitin ang ulo niya. Pero ngayon, kitang-kita sa kaniyang hitsura na nainis siya.“Hey, love birds. It’s time to go outside of your nest and feel the beach air.”Nang marinig ko ang boses ni Vin ay agad akong napatayo sa kama at napatakbo patungo kay Leander. Sa likuran niya ako pumuwesto dahil wala akong suot na bra at the moment. I held Leander’s arm. Naramdaman ko naman ang pagharang niya sa akin. He’s covering my body so that Vin won’t see it.“So possessive,” pang-aasar nito sa kaniya. Inirapan niya naman ang kaniyang pinsan.“I’m just protecting my girl.”Vin nodde

  • Pretty You   Chapter 71

    Maganda ang buong kuwarto. Halos pinagsamang laki ito ng tatlong kuwarto namin sa bahay. Mayroong balcony sa labas. Nang magtungo ako sa banyo, nakita ko ang bathtub at ang shower room. Grabe, siguro yung gastos dito ni Leander ay kasing laki na ng tatlong buwan na trabaho ko.“Bakit naman ganito kalaking kuwarto ang kinuha mo? Dalawa lang naman tayo. Ang lawak ng espasyo, oh.”He smiled at me and put both of his hands on my shoulder.“Hindi ba sabi ko huwag mo nang problemahin kung magkano ang ibinayad ko rito. Bakasyon ito, Leah. Bakasyon natin. Mas gusto ko kampante ka. Gusto ko mae-enjoy mo ang paligid, kabilang ang kuwarto na tutuluyan natin.”“Kaya ganito kalaki ang kinuha mong kuwarto para makampante ako? Seryoso ka bas a sinasabi mo? You know I—”Napahinto ako sa pagsasalita nang halikan niya ako sa labi. Binigyan niya ako ng isang marahang halik bago mabilis na lumayo sa akin.

DMCA.com Protection Status