Napatanga nalang ako sa harapan niya nang marinig ko ang kaniyang sinabi.
“Sana okay ka lang.” naiiling na sagot ko naman sa kaniya. Tumalikod na ako saka ginawa ang kapeng order niya pagkatapos ay maingat na inilapag ko ito sa kaniyang harapan. Kahit sa totoo ay gusto ko na itong isaboy sa kaniyang pagmumukha.
“Sir Leander! Omg! Sir Leander, napadaan ho kayo.”
I automatically rolled my eyeballs when I heard Felize’s voice. Heto na naman si Felize na kaibigan ko raw pero sa tuwing nakikita si Leander ay walang ibang ginawa kundi purihin ito. Alam na nga niyang naiinis ako sa lalaking ito pero ganiyan pa rin ang trato niya. Nilabag niya ang friendship rule number 6 namin.
“Ang kinaiinisan ko ay dapat kinaiinisan mo rin.”
Lumapit sa akin si Felize at pasimple ako nitong siniko sa tagiliran.
“Magpakabait ka, kung ayaw mong masisante ka dahil sa kagaspangan ng ugali mo.
Pinunasan ko ang luha na tumulo sa aking pisngi at naghilamos ako bago ako lumabas ng banyo. Saktong paglabas ko ay nakita ko si Leander na nakasandal sa pader ng banyo sa labas. Huminto ako sandali at bumaling sa kaniya. I bit my lower lip because I’m still hesitating if I’m going to thank him or not. Aaminin ko, kung hindi siya dumating baka nabastos na ako nang tuluyan kanina. Pero hindi ko alam kung bakit simpleng thank you lang hindi ko pa masabi sa kaniya.“Okay ka na?” tanong niya sa akin.Yumuko naman ako sandali at muling nag-angat nang tiningin bago tumango sa kaniya.“Did you cry?” he asked. Ang kaniyang atensiyon ay nakabaling sa aking mga mata.Umiling naman ako.“No. Hindi. Naghilamos lang ako.” sagot ko naman saka umiwas nang tingin.Tumango naman siya at saka tumalikod na. Ang buong akala ko ay aalis na siya pero bahagya akong nagulat nang makitang naghanap l
“I’m glad you’re safe.” aniya saka marahan akong binitawan.Nang bumaling ako sa lalaking humablot ng phone ko ay nakita ko itong nakadapa na sa sahig habang pinoposasan ng mga guwardiya ng Mall.“Ano ba naman ‘yan. Nakakatakot, kahit sa loob ng mall mayroong snatcher.” dinig kong sabi ng isa sa mga costumer ng mall. Ang ilan naman ay ilag na ilag na mapadaan sa kinaroroonan ng lalaki dahil sa takot dito.Nasapo ko ang aking noo ng aking palad at napapikit nang mariin dahil nakaramdam ako ng hilo. Hinawakan naman ni Leander ang braso ko para maalalayan ako.“Are you okay?”Kahit na hindi ako okay ay nagawa ko pa ring tumango sa kaniya.“You’re lying.”Nag-angat ako nang tingin at tumitig sa kaniya. Bakit nga ba siya nandito? Paano niya ako nakita? At isa pa, bakit niya ako niligtas? Nagkataon lang ba ang lahat?“Ate!”
“I’m not joking, Leah.”Natigilan naman ako sa pagtawa sa sinabi ni Leander. Matagal akong napatitig sa kaniya at ganoon din siya sa akin. Kung hindi ko pa narinig na tumikhim si Papa ay hindi pa ako mag-iiwas ng tingin.“Ah, anak. Hindi pa ba tayo kakain?” alanganing tanong sa akin ni Papa.Si Leander naman ay agad na bumati kay Papa nang makita niya itong nakadungaw sa pintuan ng kusina.“Naku, pasensiya na po sa abala sa inyo. May ibinalik lang po ako kay Leah. Aalis na rin po ako.”Umayos naman ako sa pagkakatayo at ngumiti kay Papa at tumango. Naroon naman sina Mama at mga kapatid ko sa kaniyang likuran, pare-parehong nakasilip ang mga ito sa amin.“Aalis? Walang aalis.” ani Papa saka naglakad patungo sa amin. Lumapit ito sa akin at agad akong inakbayan.“Gabi na hijo at maghahapunan na kami. Dito ka nalang kumain tutal narito ka na rin at isa pa, marami-ra
“Problema mo?” curious na tanong sa akin ni Felize habang naglalakad kami patungong labasan. Buong akala ko ay siya lang ang nakatingin sa akin habang panay ako sa pagsipa ng mga bato sa daan. Si William din pala ay kanina pa nakamasid sa akin at sa ginagawa ko.Nang tumingin ako sa kanilang dalawa ay agad akong ngumiti.“Wala naman akong problema. Bored lang.”Napataas naman ang isang kilay ni Felize nang marinig ang sagot ko. Habang si William ay bahagyang natawa.“Bored? Hindi ko alam na nag-e exist pala iyang word na ‘yan sa vocabulary mo.” ani William saka umiling.“Sa dami mong trabaho, may gana ka pa talagang ma-bored ha.”Nagkibit-balikat naman ako. As the one who mastered the art of lying, siyempre hindi talaga iyon ang nararamdaman ko. Kaya ako nagkakaganito ay dahil hanggang ngayon, malinaw pa rin sa isipan ko ang sinabi ni Leander sa akin noong Sabado ng gabi. Lu
“Grabe, sis! Totoo ba?” hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Felize.I rolled my eyes at her and nodded for the third time.“Gagi, seryoso nga?”Sa pagkakataong iyon ay inirapan ko na siya. Paulit-ulit lang? Kanina ko pa sinabi sa kaniya pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala. Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat. Sinamaan ko naman siya nang tingin. Pero hindi naman siya natinag sa ginawa. Inalog pa niya ang katawan ko.“Ano ba?!” reklamo ko saka mabilis na hinawi ang kaniyang dalawang braso na nakahawak sa akin.“Sis, sinusubukan ko lang na alugin ang utak mo kasi baka nananaginip ka lang.” seryosong sambit niya.Muli ay sinamaan ko siya nang tingin. Ginawa pa ako nitong sinungaling. Ikinuwento ko kasi sa kaniya ang tungkol sa pagbabalak na panliligaw sa akin ni Leander. Wala talaga sa plano ko ang sabihin sa kaniy
“Alam mo, mag-drive ka nalang. Bilisan mo, dahil male-late na ako.”I can’t deny the fact that my heart reacted the way I shouldn’t be. Kung bakit ba naman kasi biglang tumitibok nang ganito kalakas ang puso ko. Nakakainis. Pakiramdam ko tuloy crush ko siya kaya ganito ako mag-react ang puso ko.“Think about it, Leah.”Pilit akong ngumiti sa kaniya at saka umirap.“Bigyan mo ako ng oras, huwag kang nagmamadali.”“Valid for seven days lang ang offer ko sa’yo.”Tumaas ang kilay ko. Ano ‘yon, load na valid for seven days? Seryoso ba siya? Ngayon lang ako nakarinig ng ganoong offer.“Eh kung nagmamadali ka naman pala, edi sana naghanap ka nalang ng ibang papasok sa’yo bilang sekretarya.”“I might. Masyado nang maraming trabaho na nakabinbin sa opisina ko. Kailangan ko na nang makakatulong sa pag-aasikaso ng mga iyon at isa
“Hindi mo naman sinabing may admirer ka palang naghahabol sa’yo.” ani Leander habang nagmamaneho siya ng kaniyang sasakyan.Akala ko ay mananatili siyang tahimik sa buong biyahe. Magmula kasi nang umalis kami sa bar ay hindi na siya nagsalita pa. For some reason, I felt a little uncomfortable a while ago, but when he talked again, gumaan ang pakiramdam ko. At least alam kong hindi siya galit sa akin. Honestly, hindi ko rin alam kung bakit inaalala ko kung galit siya. What I’m feeling right now is really weird. Ano namang pakialam ko sa nararamdaman niya?Humugot ako ng malalim na hininga at pinanatili ang tingin sa daan.“Hindi ko siya admirer.” I said as a matter of fact.“Eh ano lang? Ex-boyfriend?”Nahimigan ko sa kaniyang tono ang pang-aasar. Inis na bumaling ako sa kaniya. Napansin ko agad ang kaniyang nakakunot na noo. Hindi ko maiwasang matawa nang mahina. Siya lang yung nakilala
Dahil sa ginawa niya at mabilis ko siyang naitulak palayo sa akin. Nakita ko naman sa kaniyang mga mata ang pagkailang sa bagay na siya mismo ang gumawa kaya hindi pinagtaasan ko siya ng kilay.“Bakit ka nangyayakap? Katatanggap ko lang ng offer mo, minamanyak mo na ako agad.”Pinagpag ko ang aking suot na damit na para bang nag-aalis ng dumikit na alikabok.“Hindi kita minamanyak ‘no! Dapat nga mag-thank you ka sa akin dahil niyakap pa kita. Bihira kaya ang mga taong nayayakap ko.”Ha! Utang na loob ko pa ‘yon sa kaniya? Kakaiba! Dahil sa sinabi niya ay inis akong natawa.“Kung ikaw rin lang ang yayakap sa akin, dibale nalang ‘no!”He crossed his arms and gave me a scrutinizing look na para bang pinag-aaralan niyang mabuti ang reaksiyon ng aking mukha.“Let me clarify things for you, Leah. Hindi ako manyak.”Alam ko naman iyon. Sinabi ko lang iyon
Magkasabay kaming naglakad ni Liam patungo sa kusina. Tahimik lang siya habang naglalakad. Pagkapasok namin sa loob, agad na tumayo si Felize. “Kuya, gusto mo bang kumain?” alanganing tanong ni Felize sa kaniya. Kay Leander unang dumapo ang tingin ni Liam. He gave him a light nod before looking at my parents. Lumapit siya sa mga ito at nagmano sa mga magulang ko. Dumaan din siya sa likuran ng mga kapatid ko para tapikin ang mga balikat ng mga ito. “Kuya, kumain ka na ba? Sumabay ka na sa amin. May isa pang bakanteng upuan oh. Mukhang nakatadhana talaga para sa’yo.” Tipid na ngumiti si Liam sa mga kapatid ko at tumango. Marahan siyang naglakad patungo sa bakanteng upuan saka umupo rito. Nakasunod lang ang tingin ko sa kaniya, pinagmamasdan ang reaksiyon at galaw niya. Baka kasi napipilitan lang siya. “Mabuti naman at naisipan mo nang dumalaw rito, William,” sambit ni Mama sa kaniya. Simpleng ngiti lang ang isinagot ni Lia
“Kumusta ka?”Ngumiti ako sa unang tanong niya sa akin. Pagkatapos naming mamili, nagtungo kaming dalawa ni Felize sa isang malapit na fast food chain. I felt the awkwardness the moment we sat on the chair. Nang magkatinginan kami kanina ay sabay pa kaming umiwas nang tingin sa isa’t-isa. I thought she won’t speak at all. But here she is, asking me if how am I.“Sa tingin ko, okay naman ako.”Napansin ko ang pagtaas ng isang kilay niya sa sinabi ko. I knew she would react that way.“Leah, I…” she trailed off.Yumuko siya. Nararamdaman kong nag-aalangan pa siyang magsalita kaya hinintay ko siya. That’s what I’m good at. Waiting.“Leah, I want to say sorry for the things I’ve done to you in the past months. For not listening to you. For shoving you off. For not showing up whenever you’re at our house.”I keep on listening.&ld
“How are you feeling?” tanong ni Leander pagkatapos niya akong abutan ng isang basong tubig.Halos sabay lang kami nakauwi ng kaniyang condo. And as expected, maraming nakaabang na press sa labas ng building. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kanina. Sa totoo lang, takot ang nanaig sa akin. Wala akong ibang problema. Kung masira man ako sa tao, ayos lang iyon. Huwag lang sana madamay ang pamilya ko at ibang tao na malalapit sa akin.The moment the news come out, mabilis akong nagtungo sa bahay namin. Walang pasok ang mga kapatid ko noong araw na iyon, hindi rin pumunta ang mga magulang ko sa palengke para magtinda. Pagpasok ko sa loob ng bahay, mabilis akong sinalubong ng mga kapatid ko at yumakap sa akin. They know that the circulating wrong information on the internet could give me a huge backlash. Honestly, it doesn’t matter to me anymore. What I want to know if they’re mad at me. Natatakot ako na baka magalit sa akin ang mga
“Pinayagan ka niyang tawagin siyang Papa?” hindi makapaniwalang tanong ko kay Leander pagpasok namin sa kaniyang condo. Nilingon niya ako, tipid siyang ngumiti bago tumango nang marahan.“Paano mo iyon ginawa?”Nagkibit-balikat naman siya.“He asked me few questions. I answered him with all honesty. That’s it.”Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. I don’t believe him. Kilala ko si Papa. Hindi iyon ganoon. Bata pa lang ako, ang sabi niya sa akin, lahat ng lalaking manliligaw sa akin ay dadaan sa mahigpit niyang pagbubusi. Kaya nga si Liam lang ang nakapasa sa standards niya. Dahil si Liam ay matagal niya nang kilala.“Kidding aside. Tinanong niya kung may plano ba akong pakasalan ka at sinabi kong oo.”My eyes widened in his revelation. Lumapit ako sa kaniya at inis na hinampas siya sa balikat. Napa-aray naman siya. Mabilis siyang umatras palayo sa akin pero sinundan ko s
Matagal akong natulala sa sinabi ni Felize. Kung hindi pa lumapit sa akin si Mama para hawakan ang braso ko at tanungin kung ayos lang ba ako, ay hindi ako matatauhan.“Anak, totoo ba ‘yong narinig namin? Totoo bang hindi ka na tutuloy sa America?”Nang bumaling ako sa pintuan ng aking kuwarto ay nakita kong naroon si Papa at ang dalawa kong kapatid na nakatanaw sa akin mula sa labas.“Ma, puwede po bang mamaya ko na kayo kausapin? Uunahin ko lang po muna si Felize. Kung ayos lang po iyon sa inyo?” pakiusap ko sa kaniya.Nang makita kong tumango si Mama, mabilis akong naglakad palabas ng bahay. Hahabulin ko si Felize. Kakausapin ko siya at ipaiintindi ko sa kaniya ang lahat.Paglabas ko sa gate ng aming bakuran, tumakbo na ako patungo sa kaniya. Mabilis ang kaniyang mga hakbang.“Felize!” pagtawag ko sa kaniyang pangalan. Huminto siya sandali at bumaling sa akin.Nang makita niya
“Leah, hindi naman sa nangingialam ako sa mga desisyon mo, pero sigurado ka na ba sa mga gusto mong mangyari sa buhay mo? Nakausap mo na ba si Liam? Hindi ba parang masyado namang mabilis ang ginawa mong pag-ca-cancel sa plano niyo na magtrabaho sa America? Have you considered Kuya Liam’s reaction before you ended up with this decision?”Humugot ako ng malalim na hininga bago humarap kay Felize. Kasalukuyan akong nasa aking kuwarto, nag-aayos ng mga gamit ko. Kauuwi lang namin ni Leander galing sa El Nido. Mas napaaga kumpara sa plano naming mag-iisang linggo kami roon. Parang kahapon lang ay nakaharap namin ang kaniyang ama. Tapos ngayon, narito na ulit kami sa Metro Manila. Our decision going back to the city in no time happened last night. Halos hindi rin kaming nakatulog dalawa ni Leander dahil sa dami naming pinag-usapan. Tungkol sa pagiging CEO niya ng kumpanya na pag-aari ng kaniyang ama. At tungkol sa pag-alis ko papuntang America.
Kinabukasan nang magising ako ay agad kong napansing wala sa tabi ko si Leander. Hindi ko mawari sa aking sarili kung bakit ako nakaramdam ng kaba. Agad akong bumangon sa kama at nagtungo sa kitchenette pero wala siya roon. Wala rin siya sa shower room at lalong wala sa balcony.Ilang beses kong inikot ang buong suite pero wala talaga siya. Gustong-gusto ko nang lumabas sa suite para hanapin siya, pero bago ko ginawa iyon ay naghilamos muna ako at nagsipilyo. Nagpalit na rin ako ng damit. Mas conservative ang pananamit ko ngayon kaysa sa mga nakalipas na araw.I’m wearing one of his shirts and a denim tokong the reaches the middle of my knees.The first place that I went to is in the gym. Naisip ko, baka nag-g gym siya. Pero wala siya roon. The next place I went was the play area, still there is no sign of him being there. Bigla ko namang naalala ang Misto. Right. Maybe he is there, having chitchats with his cousin, Vin.Nasa bun
Isang marahang katok sa labas ng suite na tinutuluyan namin ang kumuha sa aming atensiyon. Nagkatinginan kami saglit ni Leander. Mayamaya ay bumuntong-hininga siya.“Sino ba itong istorbo?” naiinis na sambit niya. Tinawanan ko siya sa kaniyang reaksiyon. Normally, hindi talaga mainitin ang ulo niya. Pero ngayon, kitang-kita sa kaniyang hitsura na nainis siya.“Hey, love birds. It’s time to go outside of your nest and feel the beach air.”Nang marinig ko ang boses ni Vin ay agad akong napatayo sa kama at napatakbo patungo kay Leander. Sa likuran niya ako pumuwesto dahil wala akong suot na bra at the moment. I held Leander’s arm. Naramdaman ko naman ang pagharang niya sa akin. He’s covering my body so that Vin won’t see it.“So possessive,” pang-aasar nito sa kaniya. Inirapan niya naman ang kaniyang pinsan.“I’m just protecting my girl.”Vin nodde
Maganda ang buong kuwarto. Halos pinagsamang laki ito ng tatlong kuwarto namin sa bahay. Mayroong balcony sa labas. Nang magtungo ako sa banyo, nakita ko ang bathtub at ang shower room. Grabe, siguro yung gastos dito ni Leander ay kasing laki na ng tatlong buwan na trabaho ko.“Bakit naman ganito kalaking kuwarto ang kinuha mo? Dalawa lang naman tayo. Ang lawak ng espasyo, oh.”He smiled at me and put both of his hands on my shoulder.“Hindi ba sabi ko huwag mo nang problemahin kung magkano ang ibinayad ko rito. Bakasyon ito, Leah. Bakasyon natin. Mas gusto ko kampante ka. Gusto ko mae-enjoy mo ang paligid, kabilang ang kuwarto na tutuluyan natin.”“Kaya ganito kalaki ang kinuha mong kuwarto para makampante ako? Seryoso ka bas a sinasabi mo? You know I—”Napahinto ako sa pagsasalita nang halikan niya ako sa labi. Binigyan niya ako ng isang marahang halik bago mabilis na lumayo sa akin.