Share

Chapter 3

"Sinabi niya yun sayo?!" singhal ni Abby.

Tumango si Criselda at tumunga ng beer. "Gusto ko nga siya sipain mula don sa kinauupuan niya," ngiwi niya nang muling naalala ang sinabi ni Iñigo sa kanya.

"Ang mga lalaki talaga, pare-pareho. Gagawa ng kalokohan, tapos sa babae isisi ang ginawa," inis na turan ni Abby at umiling pa.

At katulad ng gusto mangyari ni Iñigo, umakto si Criselda na parang walang nangyari sa kanilang dalawa. He is the boss, and she is just a secretary. Walang kahit anong interaction, bukod sa pagiging secretary niya.

"You have a lunch meeting with Mr. Go today, sir. Nakapag-book na rin ako sa favorite restaurant ni Mr. Go," detalyadong sabi ni Criselda habang hawak-hawak ang ipad at tinitigan ang mga schedule na meron si Iñigo ngayon.

"What about this afternoon?" tanong nito habang inaayos ang butones ng suit. "May free time ba ako ngayong araw?"

Mabilis na pindintot ni Criselda ang ipad, at tumango. "You have, sir. 6pm to 8pm, bukod sa dinner ay wala ka ng ibang gagawin sa oras na yan."

"Arrange a dinner date for me and Erica. Maghanda ka rin ng paborito niyang bulaklak." Naglakad na ito palabas ng office at mabilis naman siyang humabol. Lahat ng nadadaanan nila ay napapayuko o kaya naman ay napapahinto para magbigay galang sa boss nila.

Hinatid sila ng driver ni Iñigo sa restaurant kung saan nila kikirain si Mr. Go. May isang oras pa bago ito dumating kaya nagpaalam muna siya kay Iñigo na mag-ayos sa restroom. Ngunit napahinto siya nang may makita na pamilyar na babae habang kahawak kamay ang isang lalaki.

Tumingin siya sa table nila at nakitang naroon lang si Iñigo, abala sa cellphone. Sinundan niya ang pinuntahan ng babae at humabol sa mga ito para tiyakin kung tama ba ang nakita niya.

"Sabi ko naman sayo, Erica, kung ano ang pinili mo ay parati tayong magkasama. Parati akong may oras sayo," mayabang na sabi ng lalaki at hinalikan ang leeg ng babae habang papasok sa loob ng elevator.

Erica... ang mapapangasawa ni Iñigo. At may kasama itong ibang lalaki. Niloloko nito ang boss niya.

Pero ano namang pakialam niya room? Nagloko rin naman si Iñigo. He slept with her kaya kung magloko man si Erica ay quits na lang sila ni Iñigo.

Bumalik na siya sa table nila at naupo sa harapan ni Iñigo. Nag-angat ito ng tingin sa kanya, at kumunot ang noo.

"What took you so long?" tanong nito at isinandal ang likod sa upuan.

"Maraming tao, sir," pagdadahilan niya.

Nagkibit-balikat si Iñigo at muling ibinalika ng atensyon sa cellphone nito. Mukhang sinusubukan nito kontakin si Erica. Pero ang Erica niya ay may kasamang ibang lalaki at ang nakakatawa pa roon ay nasa iisang lugar lang ang mga ito, pero ang boss niya ay wala man lang alam.

Ilang sandali pa ay dumating na rin si Mr. Go. Nag-order sila ng pagkain habang pinag-uusapan ang lupang pagtatayuan ng bagong building.

"Kaya bilib na bilib ako, Iñigo. Namana mo ang talino at galing sa daddy mo," puri ni Mr. Go, at lumagok ng tubig. Bumaling ito kay Criselda at ngumiti. "Magaling itong secretary mo. I like her, very professional. Bukod doon ay maganda at sexy pa."

Nanlaki ang mga mata ni Criselda at napaiktad sa gulat nang hawakan ni Mr. Go ang balikat niya at hinaplos ito. "Kung may ganito lang ako na klase ng secretary ay hindi ko na ito papakawalan. Malaki ang maiitulong niya sa akin." Bumaba ang kamay ni Mr. Go sa likuran niya, kaya napalunok siya. "Are you single, secretary Cris? May asawa ka ba, o boyfriend?"

Napansin naman ni Iñigo ang pagiging hindi niya komportable, kaya nagpeke ito ng ubo. Pero hindi nasindak si Mr. Go at ipinagpatuloy ang paghaplos ng likuran ni Criselda.

"Indeed, she's very helpful to me, Mr. Go. At kahit ako, hindi ko rin siya papakawalan," may diin na sabi ni Iñigo at umigting ang panga. "Nagbago na rin pala ang isip ko. Narealize ko na hindi maganda ang lokasyon ng lupa mo, kaya hindi ko na ito bibilhin." Itinapon ni Iñigo ang napkin sa lamesa at marahas na tumayo.

Kumabog naman ang dibdib ni Criselda nang lapitan siya nito at hilahin patayo, at ilayo kay Mr. Go.

Nakakaloko na tumawag si Mr. Go at tumagal ang titig sa kamay ni Iñigo na hawak ang kamay ni Criselda. "Tila tunog nagseselos na boyfriend ka, Iñigo? Pag mamay-ari mo ba ang secretary mo? O inangkin mo na—"

Hindi natapos ni Mr. Go ang sasabihin dahil hinila ni Iñigo ang kwelyo nito at akmang susuntukin. Agad namang napigilan ni Criselda ang kamay ni Iñigo at umiling.

Nakakuha ng atensyon mula sa ibang tao ang ginawa ni Iñigo, at tiyak si Criselda na pag-usapan ito bukas sa dyaryo at mga magazine.

"Sir, maraming nakatingin," kinakabahang turan ni Criselda. Binitawan naman ni Iñigo si Mr. Go, at masamang tinapunan ng tingin, bago ito maglakad paalis.

Humabol si Criselda at nagmadaling pumasok sa loob ng sasakyan. Kita niya ang galit pa rin na itsura ni Iñigo mula sa salamin. Nang makita nito na nakatingin siya ay napayuko siya.

Hindi niya alam kung bakit tila lumambot ang puso niya para sa boss. Mukhang mali ata siya ng pagkakakilala rito. Pero iwinaksi niya sa isipan ang mga bagay na iyon.

"May itinatago rin naman pala na kabaitan yang boss mo," natatawang sabi ni Abby nang ikwento niya kinagabihan ang nangyari kanina sa restaurant.

Bigla siyang nakaramdam ng panghihilo. Para siyang masusuka kaya tumakbo siya papunta sa banyo at naupo sa harapan ng inidoro.

"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Abby at sinilip siya.

"Mapait ang karne, hindi ko gusto ang lasa," sagot niya at muling sumuka. Halos kalahating oras siya naroon at patuloy lang pagduwal. Pagod na pagod na ang katawan niya at nanghihina.

"Pumunta na kaya tayo sa hospital? Cris, hindi ka na okay," paghahagod ni Abby ng kanyang likuran. "Imposible naman na dahil yun sa Karne na niluto ko. Paano naman magiging mapait ang tinola?"

"Hindi, huwag na... Dito na lang ako. Mamaya ay magiging okay rin ako," hirap na siyang magsalita. Pawis na pawis na ang buong katawan niya.

"Hindi kaya buntis ka?"

Parang isang pasabog ang tanong ni Abby. Hindi nakasagot si Criselda. Buntis ba siya?

Hindi. Hindi pwedeng mabuntis siya.

Inalala niyang muli ang ginawa nila ni Iñigo noong isang buwan. Bigla na lamang siyang napaiyak nang mapagtanto na wala nga pala silang proteksyon na ginamit.

"Oh my god..." mahina, pero gulat na relasyon ni Abby. "You're pregnant... with your boss..."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status