Chapter: Chapter 3“Ruyi!" nakangiting bati ni Mage nang buksan nito ang pintuan at si Ruyi ang bumungad sa harapan. She was happy to see him and didn’t even bother hiding it. She knew it was wrong to be in love with a married man, but Ruyi loved her first and if it wasn’t for his persistent father, they would have gotten married.“Can we talk, if you don’t mind?” Napasabunot sa buhok si Ruyi at stress na nagbuntong-hininga. Hanggang ngayon ay natatamaan pa rin niya ang galit kay Joshua. Naiinis siya rito, lalong-lalo na sa mga pinagsasabi nito sa kanya."Oo naman!" Mabilis na hinila ni Mage si Ruyi sa loob at dinala sa sala. Napahinto ito nang makita ang sugat sa labi, may kaunti pa roon na dugo. "Anong nangyari? Sino ang may gawa sayo niyan? Napaaway ka ba? Bakit? Ruyi, tell me, please?" sunod-sunod nitong tanong. A frown appeared on her face. “Did Irene do something?”Itinapon ni Ruyi ang sarili sa sofa at sumansal sa upuan. Ipinikit niya ang mga mata at tinabihan naman siya ni Mage. “She cheated on
Last Updated: 2024-09-23
Chapter: Chapter 2Ginusumot ni Irene ang pregnancy test result na nasa envelope. Hindi niya ipapaalam kay Ruyi ang tungkol sa pagbubuntis niya. Wala itong karapatan sa bata. Not after he had hurt her. She knew so well that Ruyi didn’t love her but they were friends. Bakit napakadali para rito ang itapon siya na parang isang basura?Pinahid niya ang mga luha at dahan-dahang tumayo mula sa sahig. Nang mag-angat siya ng tingin ay nakita niya ang ilang mga kasambahay na nagbubulung-bulangan. Agad na tumalikod ang mga ito at bumalik sa kani-kanilang mga trabaho.Mabilis siya pumanhik ng hagdan at tinungo ang kwarto nila ni Ruyi. She took a look at herself in the full length mirror and a chuckle escaped her lips. Her face was stained with tears and her eyes had bags around them. Due to her mental stress, she was getting skinnier by the day. Wala na ang bakas ng dating Irene na kinaiinggitan ng lahat ng babae.“Look how pathetic you’ve become, Irene," bulong niya sa sarili at muli na namang naiyak.Maraming l
Last Updated: 2024-09-23
Chapter: Chapter 1"Sign this divorce paper!" Pabalag na itinapon ng asawa ni Irene na si Ruyi ang divorce paper. Dahan-dahan namang kumunot ang noo ni Irene sa narinig at mabilis na tumayo. "Mag-impake ka na rin at umalis dito sa bahay ko!"Irene had just come back from the hospital and was about to share the good news with him. In her hand was the result of her pregnancy test and as she expected, she was pregnant. It came as a shock to her especially since she and Ruyi had only spent one night together which was a mistake. Not that it mattered to Irene. To her, this was a way of sealing their loveless marriage. “D-Divorce...? Anong sinasabi mo, Ruyi?" Irene's voice broke and her voice was unstable. "Bakit tayo maghihiwalay?" She couldn’t believe her ears. Why now? Why was he suddenly bringing this up? Sarkastikong natawa si Ruyi at napailing kay Irene. "You think I wouldn't know that you've sleeping with my brother? Sa tingin mo ba talaga ay hindi ko malalaman ang panloloko mo sa akin? Alam ko na a
Last Updated: 2024-09-22
Chapter: Chapter 4Buntis siya. Iyon ang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ni Criselda habang nakatingin sa apat na pregnancy test na binili ni Abby para kanya.Nagbunga ang nangyari ng ginawa nila ni Iñigo. Pero anong gagawin niya? Engaged na si Iñigo at sigurado siya na hindi aakuuin ng boss niya ang bata na nasa tiyan niya. Hindi niya naman gusto ipalaglag ang bata, pero paano siya magpapalaki ng bata na hindi pa handa?"Sshh... huwag ka na umiyak. Nandito naman ako, kung hindi ka papanagutan ni Iñigo ay nandito ako para damayan ka," pang-aalo ni Abby sa kanya at niyakap siya.Hindi niya ginusto ang nangyari, pero hindi na niya maibabalik pa. Wala na siyang ibang magagawa kundi ang tanggapin na lang ang sitwasyon niya ngayon.Hindi niya alam kung anong oras na siya nakatulog sa kakaiyak. Nagising na lang siya kinabukasan na wala na si Abby, pero may nakahanda na almusal sa lamesa. Nang tingnan niya ang cellphone ay nakita niya na puno ang missed calls at text mula sa manager at mga katrabaho niya, tin
Last Updated: 2024-09-25
Chapter: Chapter 3"Sinabi niya yun sayo?!" singhal ni Abby.Tumango si Criselda at tumunga ng beer. "Gusto ko nga siya sipain mula don sa kinauupuan niya," ngiwi niya nang muling naalala ang sinabi ni Iñigo sa kanya."Ang mga lalaki talaga, pare-pareho. Gagawa ng kalokohan, tapos sa babae isisi ang ginawa," inis na turan ni Abby at umiling pa.At katulad ng gusto mangyari ni Iñigo, umakto si Criselda na parang walang nangyari sa kanilang dalawa. He is the boss, and she is just a secretary. Walang kahit anong interaction, bukod sa pagiging secretary niya."You have a lunch meeting with Mr. Go today, sir. Nakapag-book na rin ako sa favorite restaurant ni Mr. Go," detalyadong sabi ni Criselda habang hawak-hawak ang ipad at tinitigan ang mga schedule na meron si Iñigo ngayon."What about this afternoon?" tanong nito habang inaayos ang butones ng suit. "May free time ba ako ngayong araw?"Mabilis na pindintot ni Criselda ang ipad, at tumango. "You have, sir. 6pm to 8pm, bukod sa dinner ay wala ka ng ibang g
Last Updated: 2024-09-25
Chapter: Chapter 2Parang binibiyak ang ulo ni Criselda nang magising siya kinabukasan. Nahihilo pa siya at gusto niya pa matulog ulit. Hinila niya ang kumot nang naramdaman ang lamig sa buong silid. Pero dahan-dahang kumunot ang noo niya nang mapagtanto kung bakit biglang lumamig ang kanyang silid.Napahinto siya sandali, at maya-maya'y nanlaki ang mga mata nang makita na wala siyang suot na damit mula sa ilalim ng kumot. Nilingon niya ang tabi niya nang marinig ang mahinang hilik, at halos malaglag ang panga niya nang makita kung sino ang nasa tabi niya."S-Sir Iñigo..." tawag niya sa boss na mahimbing na natutulog. Napatakip siya ng kamay sa bibig niya, gulat na gulat.Shit. Ano ba itong pinasok niya.Inalala niya ang mga nangyari kagabi at gusto na lamang niya sapakin ang sarili. Ang tanga niya. Siya pa ang unang humalik sa boss nila. Paano na ngayon yan? Paano niya haharapin ito pagkatapos ng nangyari gabi? Baka tanggalin siya nito dahil sa ginawa niya!Pero gumanti rin naman si Iñigo sa halik niya
Last Updated: 2024-09-25
Chapter: Chapter 1Nilagok ni Criselda ang pang-apat na baso ng wine. Hindi niya alam kung bakit required pang dumalo sa party na ito, eh hindi rin naman sila kailangan dito.Celebration ng ika-78th anniversary ng kompanya na pinagtatrabahunan niya. Wala naman talaga siyang balak pumunta rito. Ang plano niya ay matulog nang maaga ngayong gabi. Pero ang antipatiko nilang boss ay hindi pumayag na hindi sila dumalo. Ang hindi raw dadalo ay walang matatanggap na Christmas bonus."Ma'am, kulang pa?" tanong ng waiter sa kanya at handa na siyang abutan ng panibagong tray ng wine.Mabilis na tumango si Criselda at inagaw ang tray para siya na mismo ang kumuha ng mga wine. "Gusto ko pa! Bigyan mo pa ako. Bilis, bilis!"Ilang minuto pa ang lumipas ay nararamdaman na niya na parang umiikot ang paningin niya at parang nasusuka. Mabilis siyang tumayo at pasuray-suray na tinungo ang restroom ng hotel. Naririnig niyang tinatawag ng ilang mga katrabaho ang pangalan niya mula doon sa sa may stage, pero hindi niya ang mg
Last Updated: 2024-09-24