Share

Chapter 3

“Ruyi!" nakangiting bati ni Mage nang buksan nito ang pintuan at si Ruyi ang bumungad sa harapan. She was happy to see him and didn’t even bother hiding it. She knew it was wrong to be in love with a married man, but Ruyi loved her first and if it wasn’t for his persistent father, they would have gotten married.

“Can we talk, if you don’t mind?” Napasabunot sa buhok si Ruyi at stress na nagbuntong-hininga. Hanggang ngayon ay natatamaan pa rin niya ang galit kay Joshua. Naiinis siya rito, lalong-lalo na sa mga pinagsasabi nito sa kanya.

"Oo naman!" Mabilis na hinila ni Mage si Ruyi sa loob at dinala sa sala. Napahinto ito nang makita ang sugat sa labi, may kaunti pa roon na dugo. "Anong nangyari? Sino ang may gawa sayo niyan? Napaaway ka ba? Bakit? Ruyi, tell me, please?" sunod-sunod nitong tanong. A frown appeared on her face. “Did Irene do something?”

Itinapon ni Ruyi ang sarili sa sofa at sumansal sa upuan. Ipinikit niya ang mga mata at tinabihan naman siya ni Mage. “She cheated on me. She's having an affair with my stepbrother."

“A-Ano...?!" Mage's hand clamped on her mouth in shock. Kunwari ay nagulat ito sa nalaman, pero ang totoo ay hindi. Alam ni Mage na hindi magagawang lokohin ni Irene si Ruyi at hindi iiwanan ni Ruyi ang asawa kahit pa hindi mahal ni Ruyi si Irene.

Kaya naman ginawa ni Mage ang lahat para maghiwalay ang dalawa. Nag-hire siya ng magaling na photo editor para gumawa ng mga pekeng larawan at isabotahe ang marriage nina Ruyi at Irene. At ngayong narito si Ruyi kay Mage, pakiramdam ni Mage ay tagumpay ang plano.

"With... Kyler? Nagawa ni Irene yun sayo?" Mage's eyes went wide at his statement and a smirk made its way to her face, but it quickly disappeared as soon as Ruyi raised his face to her. "Siguro ka ba? Hindi ba, nagkakamali ka lang? Did you confront Kyler about this?"

Ruyi groaned, lowering his head as he rested it in the palm of his hand. Joshua's speech continuously replayed in his head and he was starting to question himself. His mind was in a mess. 

“Hindi ko na kailangan pa tanungin ang bastardo kong kapatid. Katulad ni Irene ay alam kong itatanggi niya rin ang relationship nilang dalawa at pagtatakpan ang isa't-isa. May ibedensya ako na nagpapatunay na niloloko nila ako, Mage. Siguro ako at sapat na yun," malamig nitong sabi, nanlilisik ang mga mata.

"I'm so sorry to hear that. You don't deserve this." Umusog si Mage at inilagay ang kamay sa bewang ni Ruyi. Nang hindi mag-react si Ruyi ay mas hinigpitan pa ni Mage ang kapit sa bewang ni Ruyi. "I understand how you feel, Ruyi. Ginawa mo ang lahat at sumunod sa gusto ng daddy mo na pakasalan si Irene. Nagsakripisyo ka para sa pamilya mo at tumira sa iisang bubong kasama si Irene, pero nagawa ka pa rin lokohin ng babaeng yun. I’m only happy she’s the one who cheated. Your father won’t be able to blame you kapag nakipaghiwalay ka na. Magiging malaya ka na kay Irene, finally." Mage stopped to look into Ruyi's eyes, her tone changing to a caring one and her eyes softening. “I support your decision, kung ano pa man yan. I always will, as long as it makes you happy. Nandito ako parati sa tabi mo. Hindi na ako aalis."

This was exactly why Ruyi enjoyed being around Mage. Parating pumapanig si Mage kay Ruyi, tama man o mali si Ruyi. She was a good listener. Ruyi met her in London while studying. They belonged to the same study group and shared a lot in common. They attended the same lectures and both lived off campus. Hanggang sa lumipat si Mage ng dorm, katabi ni Ruyi kaya mas lalo pa sila naging close. Pakiramdam ni Ruyi ay tadhana na pinaglalapit sila, kaya inaya niya ito makipag-date. Pagkatapos ng tatlong date ay naging official boyfriend and girlfriend sila.

Kapag kasama ni Ruyi si Mage ay nakakalimutan ni Ruyi noon na si Irene ang babaeng kailangan niya pakasalan at makakasama habang buhay. Pero habang palapit nang palapit ang graduation niya ay parati rin pinapaalala ng daddy niya na kailangan na nila ikasal ni Irene.

Dinala niya ng Pilipinas si Mage para ipakikala na girlfriend, hindi dahil ito ang nakikita ni Ruyi na gusto niyang pakasalan. Gusto niya si Mage, pero hindi rin ito ang babaeng nakikita niya na magiging asawa. She used Mage para gamitin ito sa mga magulang niya at sa pamilya ni Irene, nagbabaka sakali siya na kapag nakita ng mga ito na may iba siyang gusto ay I-cancel ang wedding nila ni Irene.

Pero sa huli, kay Irene pa rin siya bumagsak. Iniwan siya ni Mage, pero hindi naman siya ganon nasaktan. Ni hindi rin niya hinahanap si Mage o sinubukan pa kontakin. Pero noong nakaraang buwan lang ay muling nagtagpo ang mga landas nila at si Mage ang nagiging taga pakinig siya kapag may problema siya. Alam na alam din ni Mage kung kailan gusto ni Ruyi maglaro sa kama at kung ano ang gagawin.

“It’s late, Ruyi. Spend the night," malanding sabi ni Mage at pinagapang ang daliri sa dibdib ni Ruyi. "I brought a new sexy outfit for you."

"I can't. I need to..." Ruyi wanted to decline her offer, kailangan niya tingnan kung nakaalis na ba ng mansyon si Irene. Ang sabi sa kanya ng isa sa mga kasambahay nila ay hindi raw ito lumalabas ng kwarto, dalawang araw na. But Ruyi found himself nodding his head. He just needed a place to sleep and he wasn’t ready to drive back to his hotel.

Marahas na itinulak ni Ruyi si Mage sa sofa at tumayo para kalagin ang suot na belt. Napahagikhik naman si Mage dahil alam na nito kung ano ang gusto ni Ruyi at mabilis na hinubad ang suot na panty at tumuwad kay Ruyi.

**

Binuksan ni Irene ang pintuan ng mansyon kung saan siya lumaki. Their family mansion na ngayon ay isang abandunado na lang. Buhay prinsesa siya noon nang nabubuhay pa ang parents niya. Lahat ng hilingin niya sa mga magulang ay ibinibigay ng mga ito sa kanya. Kaya hindi siya nahirapan na makuha si Ruyi.

Pero ngayon, wala na sa kanya si Ruyi. Nawalan siya ng asawa, pati na rin ang magiging anak niya ay walang ama.

Her phone beeped, mabilis iyong kinuha ni Irene para tingnan kung sino ang nag-text. She was expecting her attorney-client message, but her heart beat frantically when she was her husband's name. Binuksan niya ang mensahe na napawang ang bibig nang makita ang natutulog na si Ruyi, wala itong damit pang itaas at natatakpan naman ng kumot ang ibabang babae ng katawan. Beside him is a woman, smiling from to ear na para bang nagwagi sa isang patimpalak at nakakuha ng medalya.

"M-Mage..." bulalas ni Irene at kinain ng galit.

Ruyi is unfair to her. Nag-file ito ng divorce dahilan sa mga fake na larawan, pero ang totoo ay gusto lang pala nito makawala sa kanya para maging malaya ito kasama si Mage. Iyon ang totoo. Dinungisan nito ang pangalan niya at gumawa ng kwento na manloloko siya.

Ikinuyom ni Irene ang kamao habang mariin ang hawak sa cellphone at titig na titig sa picture nina Ruyi at Mage. No, hindi siya papayag na magdusa sa sakit ng ginawa ni Ruyi, habang si Ruyi ay nagpapakasaya.

Naglakad palabas si Irene ng mansyon at pumasok sa loob ng kotse niya. She needs to see someone at kausapin ito bago tuluyang magrant ang divorce nila ni Ruyi. Hindi niya bibigyan ng kapayapaan silang dalawa ni Mage.

After 30 minutes of driving, huminto si Irene sa malaking gate na puro kalawang na kalumaan. Nakabukas ng bahagya ang gate kaya itinulak niya iyon para makapasok ang kotse niya sa loob.

Malaki ang lugar, pero magulo iyon. Kabila't kanan ang mga nagkalat na dayami sa buong lugar, maingay ang paligid ay maririnig mo ang atungal ng mga kabayo.

Mula sa dulo roon sa kwadra ay nakita ni Irene ang taong hinahanap niya. Nang makita siya nito ay napahinto ito at kumunot ang noo.

"Irene?" bakas sa mukha nito ang bahagyang gulat, or maybe surprise  Tumingin ito sa likuran niya na para bang may hinahanap. "Mag-isa kang pumunta rito?"

"You're brother is not sweet as you think para dalawin ka rito, Kyler," sarkastiko niyang bungad at natawa naman ito sa kanya. Agad itong naghugas ng kamay at braso para salubungin siya.

"Anong ipinunta mo rito?" curious nitong tanong sa kanya. "Hindi mo rin ako dadalawin kung wala kang importante na sasabihin."

Binuksan ni Irene ang handbag niya at kinuha roon ang napakaraming fake niyang larawan kasama si Kyler. Inabot niya yun kay Kyler at dahan-dahang nagsalubong ang mga kilay nito. Tumingin sa kanya, at ibinalik ang tingin sa mga larawan.

Natatawa itong umiling. "Ano ito? This is me, right? At... ikaw ito?"

"That's not me," mabilis na tanggi ni Irene kaya mas lalong natawa si Kyler sa reaksyon niya.

"I know, I know. Ang ibig ko sabihin, tayo ito... Pero talaga ito tayo. These are all fake."

Exactly. Fake ang mga larawan. Si Ruyi lang naman ang tanga na maniniwala na totoo ang mga iyon para gamitin sa kanya na hiwalayan siya.

"What are these all about?" dagdag pa ni Kyler at napailing.

"May nagpadala kay Ruyi ng mga larawan na yan. Gusto niya akong sirain sa asawa ko at palabasin na matagal na tayong may relasyon." Pero sa kabilang banda, naiisip ni Irene na baka si Ruyi lang din ang gumawa ng mga fake photo.

"What? Sino naman ang gagawa non? Tatlong taon na kayo kasal, ngayon pa lang kayo sisirain?"

Nagbuntong-hininga si Irene. Kung sino Ruyi man or kahit sino pa ang may gawa non ay wala na siyang pakialam don. Alam niyang hindi na magbabago pa ang desisyon ni Ruyi kaya iyon ang haharapin niya.

"Makikipaghiwalay sa akin si Ruyi." Sinalubong ni Irene ang mga tingin ni Kyler. Mukha namang naiintindihan nito ang mga sinasabi niya, pero hindi pa rin maunawaan ang lahat. "I need you to marry me."

Hindi agad nakapag-react si Kyler. Nakatingin lang ito sa kanya na para bang tinatanto kung tama ang narinig. Maya-maya pa ay humagalpak na ito ng tawa.

"Irene, are you hearing yourself?" iling nito at ayaw paawat sa pagtawa. "He's my bother—"

"Hindi ka niya tinuturing na kapatid," putol niya sa sasabihin nito. Biglang sumeryoso si Kyler at nagkrus ang mga kamay sa dibdib. "If you marry me, you'll get everything you deserve. Pera ng pamilya ko ang nagpapatakbo ng kompanya ng pamilya niyo. You are part of their family, sa ayaw man nila o gusto kaya may karapatan ka sa kung ano ang meron sila."

Tuluyan na hindi nakapagsalita si Kyler. Tinamaan ito sa mga sinabi ni Irene.

"Kung papakasalan mo ako ay mapupunta sayo ang 40% ng share ng kompanya, Ikaw ang magiging pangalawa, kasunod ni Ruyi sa pinakamalaking may share. Mapapatunayan mo sa daddy mo na kaya mo rin at hindi lang si Ruyi ang kaya magpatakbo ang kompanya," pagpapatuloy ni Irene habang seryosong nakikinig si Kyler. "Gusto mo bang habang buhay ka na lang narito at nagpapakain ng mga kabayo?"

Nakita ni Irene ang pag-igting ng panga ni Kyler, akma itong tatalikod pero mabilis na hinila ni Irene pabalik.

"Marry me and I'll help you to get everything you deserve, Kyler," tunog nangungumbinsi na may kasamang pakiusap na ang tono ni Irene. Kailangan niya si Kyler ngayon para payanigin ang mundo ni Ruyi.

"You're going to use me," hindi iyon tanong. That's a statement. "Gagamitin mo ako para gantihan si Ruyi."

"It's a win-win situation," Irene shot back. Kaya niya kunin ang meron si Ruyi, pero gusto niya iyong gawin sa masakit na paraan. Mas magiging masakit Kay Ruyi kung si Kyler ang kukuha ng mga pinaghirapan nito. Dahan-dahang niyang hinaplos ang kamay sa tiyan niya. "And I'm pregnant... Hindi pwedeng malaman ni Ruyi na may anak kami. I need a father for my child."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status