Share

Chapter 4

Buntis siya. Iyon ang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ni Criselda habang nakatingin sa apat na pregnancy test na binili ni Abby para kanya.

Nagbunga ang nangyari ng ginawa nila ni Iñigo. Pero anong gagawin niya? Engaged na si Iñigo at sigurado siya na hindi aakuuin ng boss niya ang bata na nasa tiyan niya. Hindi niya naman gusto ipalaglag ang bata, pero paano siya magpapalaki ng bata na hindi pa handa?

"Sshh... huwag ka na umiyak. Nandito naman ako, kung hindi ka papanagutan ni Iñigo ay nandito ako para damayan ka," pang-aalo ni Abby sa kanya at niyakap siya.

Hindi niya ginusto ang nangyari, pero hindi na niya maibabalik pa. Wala na siyang ibang magagawa kundi ang tanggapin na lang ang sitwasyon niya ngayon.

Hindi niya alam kung anong oras na siya nakatulog sa kakaiyak. Nagising na lang siya kinabukasan na wala na si Abby, pero may nakahanda na almusal sa lamesa. Nang tingnan niya ang cellphone ay nakita niya na puno ang missed calls at text mula sa manager at mga katrabaho niya, tinatanong kung nasaan na siya.

Itinapon niya ang cellphone sa kama at tumayo para maghilamos. Malaking gulo ang mangyayari kapag nalaman ng mga katrabaho niya na buntis siya. Kaya ngayon pa lang ay kailangan na niya mag-resign at mahanap ng ibang trabaho. Ayaw niya magpiestahan siya at may masabi na masama tungkol sa kanya.

Matapos niyang kumain ay gumawa siya ng resignation letter para i-send iyon sa email ng manager nila. Sunod-sunod na tawag na naman ang natanggap niya, pero ni isa ay wala siyang sinagot doon.

Kakailanganin niya ng malaking pera para sa gastusin ng bata, at ngayong nagdesisyon na siya na umalis sa trabaho kung saan malaki ang kinikita niya, ay tiyak siya na kakailanganin niya magdoble kayod.

Nag-research siya sa internet ng mga trabaho na tumatanggap ng work from home at kaagad na nagpasa ng resume. Bandang hapon naman ay nag-text sa kanya si Abby na gaganihan ito ng uwi kaya noodle na lang ang kinain niya.

Pero maya-maya lang ay nakarinig siya ng katok sa pintuan. Wala naman siyang inaasahan na bisita kaya iniisip niya na hindi natuloy ang date ni Abby sa manliligaw nito.

Binuksan niya ang pinto, at napako sa kinatatayuan nang makita si Iñigo.

"S-Sir..." bulalas niya. "Anong... Anong ginagawa mo rito?" Nagdadalawang-isip pa siya kung papapasukin niya ito, pero sa uli ay inanyayahan din sa loob. "Pasok ka. Pasensya na, hindi ako nakapagluto. Wala akong maiaalok sayo—"

"What's the sudden resignation?" putol nito sa kanya at hindi na nagpaligoy-ligoy pa. "Magreresign ka dahil hindi ka na masaya sa trabaho mo?"

Hindi niya ito sinagot. Kumuha siya ng baso at nagsalin ng tubig. Bakit pa ba ito pumunta rito? Ano naman ngayon kung magresign siya? For sure naman na mabilis itong makakahanap ng kapalit niya.

"Criselda," mariing tawag nito sa kanya para kunin ang atensyon niya.

Kinagat niya ang ibabaw labi, at humugot ng hininga bago siya humarap. "Hindi ko na kaya ang workload, sir," panibagong dahilan ulit.

"Babawasan ko ang mga trabaho mo. Kung napapagod ka sa dami ng mga ipinagagawa ko sayo, then fine... hindi na kita uutusan nang sunod-sunod."

Napatitig si Criselda kay Iñigo sa mga sinabi nito. Ayaw niyang bigyan ng malisya ang pagpipigil nito na umalis siya, pero bakit ba ayaw nito?

"N-Nakapagdesisyon na ako, sir... Hindi na talaga ako babalik sa trabaho. Tatapusin ko na lang ang mga kailangan ko tapusin hanggang sa susunod na linggo, para kapag nakahanap na kayo ng kapatid ko ay hindi siya mahihirapan sa transition—"

"I'll double your salary!" tunog desperado ito. "Paid vacation leave every month. Kahit ano, sabihin mo ang kondisyon mo."

Umiling siya. She was about to open her mouth, pero bumaliktad na naman ang sikmura niya. Tumakbo siya papunta sa banyo at sumuka roon.

"What happened to you?" tanong ni Iñigo at pumasok na rin sa loob ng banyo. "Are you sick or what?"

Tinabig niya ang kamay nito at itinulak palayo, tuloy lang sa pagduwal. "No, I'm not. Don't mind me."

"You're not okay. Look at yourself, nangingitim ang mga mata mo, parang hindi ka natulog." Pagalit na sabi niya, parang tatay na nagsesermon sa anak.

"Ayos lang ako, sir, umuwi ka na." Baka kapag nagtagal pa ito rito ay malaman nito ang dahilan kung bakit ba talaga siya nag-resign. "Tutulong din ako sa paghahanap ng kapalit ko, kung yun ang iniisip mo. I can assure you na maasahan mo rin siya sa lahat ng bagay na ipag-uutos mo."

Hindi sumagot si Iñigo, kaya nilingon niya ito. Sunod-sunod siyang napamura sa isip niya nang makita si Iñigo na hawak-hawak ang apat na pregnancy test na ginamit niya kagabi. Ipinatong niya lamang ang mga iyon dito sa ibaba ng cabinet at nakalimutan na itago.

"H-Huwag... mong hawakan yan," matigas niyang sabi. Nanginginig ang kamay niyang inagaw ang pregnancy test at ipinasok iyon sa loob ng cabinet. "Padating na ang best friend ko, kailangan mo na umalis dito. Ayaw niya na nagpapapasok ako ng lalaki rito."

"Sayo... yun?" mahinang tanong nito. "You're pregnant?"

Pakiramdam niya ay hihimatayin siya sa kaba. Hindi alam kung ano ang isasagot. Sa oras na ibuka niya ang bibig niya ay baka may pagsisihan na naman siyang desisyon.

"Is that the reason why you wanted to resign? Dahil buntis ka?" Hinawakan nito ang magkabila niyang balikat para tumingin siya sa mga mata nito. "Tell me... Is that... mine? Ako ba ang ama ng ipinagbubuntis mo?"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status