Share

Pranking the Businessman
Pranking the Businessman
Author: CoronLass

CHAPTER 1

Author: CoronLass
last update Huling Na-update: 2022-07-26 20:03:17

Gara's Point of View

Lumipad patungo sa States ang boyfriend ko para tuparin ang pangarap niya na maging abogado anim na buwan na ang nakakalipas. Doon muna siya mag-aaral. Parang mas nanlamig na siya magmula noong araw na umalis siya sa Pilipinas.

Dahil lang kaya iyon sa lamig doon?

Halos hindi na rin siya nagpaparamdam pero pilit kong pinapaniwala ang sarili ko na wala lang iyon. Na baka busy lang. Wala ni isang text o tawag man lang. Hindi niya rin sinasagot ang mga text at tawag ko.

Baka sobrang busy talaga.

Tinatatagan ko nalang ang loob ko at pinanghahawakan ang matagal naming pinagsamahan. Bago pa man siya umalis ramdam ko na ang panlalamig niya pero hindi ko nalang ginawang big deal dahil baka nagkakamali lang ako. Hindi ko nalang din pinansin ang sinabi ni Ida na baka kaya raw pumunta sa States ang boyfriend ko ay para mag-abog*go. Tutal magkatunog naman daw.

Gara Villareal Andrade, twenty-three years old, 5'6 ang height, maganda naman, at mapagmahal naman.

Habang lumilipad at naglalakbay ang aking diwa ay todo pala ang tingin sa akin ng kaibigan kong si Ida o Merrida Gomez Sandoval, she is my bestfriend for eight years.

"Ida?" sambit ko.

"What?"

"Sa tingin mo ba naaalala ako ni Tary at mahal niya pa rin ako kahit nasa malayo na siya?" Si Tary, ang boyfriend ko. My first ever boyfriend and hoping that he will be the last.

"Hindi ako mapatingin, Gara."

"Sa palagay mo ba okay lang siya roon at wala siyang ibang babae sa America? Hindi na kasi siya nagpaparamdam."

"Hindi ako mapalagay, girl!" natatawang sambit ni Ida. Aba naman! Napakapasaway niyang babae.

"Nang-aasar ka, girl? Seryoso ako rito ah. Iiyak ako, sige ka!" Imbes na kaawaan ako ay tinawanan niya pa ako lalo. Nice, right? Napaka-supportive niyang kaibigan. Find a friend like Ida. She is supportive for real, madalas nga lang nanti-trip.

"Kung talagang sapat ang pagmamahal niya sa'yo ay hindi iyon makaka-isip na mambabae," seryosong sambit niya. Parang love guru kung magsalita eh. Ang kaninang tumatawa kong kaibigan ay naka-poker face na ngayon.

"Sa tingin mo ba sapat ang pagmamahal niya sa akin?"

"Ikaw, ano sa tingin mo?" Sabi na nga ba ibabalik niya sa akin ang tanong na iyon. Sabagay, tama naman na ako ang sumagot dahil ako ang mas nakakaalam. Hot seat!

"Sapat! Naniniwala ako," matapang kong sambit. Alam kong mahal na mahal ako ni Tary at mahal na mahal ko rin siya. Nagmamahalan kaming dalawa. Mahal ko siya.

"That's it! I guess we're done here. Punta tayong Mall, Gara!"

"Sige-sige. Tutal lagi nalang tayong nandito sa bahay. Nakakasawa na ring tumitig sa kisame, panooring gumapang ang mga langgam, lumanghap ng alikabok, at titigan ang mukha mo HAHAHA!"

"Ang dami mong sinabi. Eng-eng ka talagang babae ka!"

"Hoy! Hindi ako engot, 'no!"

"Naku, itatanggi mo pa e kinakausap mo nga iyong alaga mong isda na si Tilaffy at marami ka pang ginagawang ka-elyenan lalo na kapag bored ka."

"Ases, oo na lang HAHA!"

"Magbihis na nga tayo at nang maka-alis na tayo agad."

Kung tatanungin ninyo kung sino ang pinakamatagal mag-ayos ng sarili sa aming dalawa ni Ida ay siya iyon. Light and simple make up lang ay sapat na sa akin plus simple outfits lang din.

Oversized t-shirt na kulay violet na may minimal print malapit sa may dibdib at pants lang ang suot ko.

Nang nasa mall na kami ay naglibot-libot muna kami dahil hindi namin talaga alam kung ano ang bibilhin namin. Napadaan kami sa store ng mga bags at hinila talaga ako ni Ida para pumasok sa loob.

"Look, Gara! Ang gaganda! Waaa!" masiglang sambit niya sabay sipat-sipat sa bawat bag na matapunan niya ng pansin. She really likes bags while ako hindi mahilig.

"Mas maganda roon sa kabilang store," bulong ko sa kaniya. Bulong lang baka kasi may makarinig.

Matapos ang ilang minuto ay napilit ko na rin si Ida na lumipat kami sa ibang store.

"Kainis ka naman! Mas magaganda roon sa unang store na pinuntahan natin, eh!" sambit ni Ida na medyo naiinis na sa akin.

"S'yempre joke lang iyong kanina hehe. May mga stuff toys kasi rito kaya gusto kong lumipat tayo."

"Sabi na nga ba eh!"

"Sorry na po, madam."

"I understand you. Pasaway ka talaga."

"Yey! Sabi na nga ba't hindi mo ako matitiis eh!" Niyakap ko siya para makabawi at niyakap niya rin ako. Para kaming tangang nagyayakapan sa loob ng store habang marami ang namimili.

"Sige na, pumunta ka na roon sa mga stuff toy at pipili na rin ako ng bags na bibilhin ko." Naghiwalay muna kami ng landas pansamantala.

Sobrang tuwang-tuwa ako sa mga human-sized teddy bear na nakikita ko at sobrang hirap pumili ng bibilhin. Lahat ay cute at adorable! Kahit papaano ay bahagyang natutuon sa iba ang atensiyon ko at hindi ko na masiyadong naiisip si Tary. Deserve ko rin naman ng break kahit papaano.

"Hoy! Ang tagal mo bumili, inday. Well, tama ka naman na mas magaganda ang mga bags dito. I bought two oh and I really loved it!" may pagmamalaking sambit niya at ipinakita pa ang mga bags na binili niya. Ang gaganda nga ng nabili niya at for sure maganda rin ang presyo.

"Baka matagalan pa ako. Hindi ako makapili eh."

"Sige, antayin kita sa isang coffee shop. Medyo sumama kasi ang sikmura ko at kailangan kong maka-inom nang medyo mainit-init. Te-text ko nalang sa iyo ang name ng coffee shop ah."

"Sige-sige. Susunod ako agad."

"Bye muna." Masayang ngumiti muna si Ida bago na lumakad papalayo.

Nakapaganda talaga ng kaibigan ko! Ida has short hair, parang hair ni Dora na kulay uling. Pero ang pinagkaiba lang kay Dora ay kulot ang buhok ni Ida. Parang curly spaghetti ang hair niya pero hindi iyon nakabawas sa kagandahan niya. Maputi rin siya at makinis ang balat. Kaya nga lang ay manipis ang kilay niya kaya ako ang madalas na nagkikilay sa kaniya para magmukhang makapal din. She is NBSB (No Boyfriend Since Birth) at SSB (Single Since Birth) dahil wala sa isip niya ang pagbo-boyfriend haha. Masaya raw kasing maging single. Malaya.

Nang makapili at makabili na ako ng regular-sized teddy bear ay pumunta na ako sa coffee shop kung saan naroon si Ida. Ang cute ng name ng coffee shop kung nasaan siya.

Nasa malayo palang ako ay agad na akong nakita ni Ida kaya naman kumaway-kaway pa siya habang ang lawak ng ngiti sa mga labi niya. Lumilitaw ang mga biloy niya lalo.

"Wow! Violet ah," sambit ni Ida nang makita niya ang bitbit kong teddy bear habang papalapit ako sa kinaroroonan niya.

"S'yempre naman. Violet is my favorite color." Pangpatay daw na kulay ang violet pero para sa akin ay hindi. For me, unique ang kulay na violet dahil iilan lang ang nakaka-appreciate rito. Saka malapit sa puso ko ang violet. Sobrang lapit.

"I know, dear. Umupo ka muna at ako na ang mag-o-order ng kape mo. Anong gusto mo?" Mabait talaga si Ida, sobrang caring na kaibigan. Kaibigan na hindi ka hahayaang mag-isa at palaging nandiyan kapag kailagan mo ng karamay.

"A cup of Cappuccino lang."

Tumayo na siya. "Okay, wait for me here. Mag-o-order lang ako sa counter."

"Thanks, Ida!" nakangiti kong sambit.

Habang wala pa si Ida ay binuksan ko muna ang bag ko para sana kunin ang librong binabasa ko. Pag-angat ko ng libro ay may biglang nahulog at nilipad ito ng hangin na nagmumula sa malapit na stand fan sa may table namin ni Ida.

Medyo malayo-layo ang narating nito kaya kinailangan kong tumayo at maglakad para kunin ito. "Ba't kasi iyon pa ang nahulog? Sana itong bente pesos ko nalang," pabulong kong tanong sa sarili ko habang papalapit na sa larawang nilipad ng hangin.

Akmang pupulutin ko na ito nang bigla kong nasagi ang isang table kung nasaan naka-upo ang isang lalaki na akmang hihigop ng kape. Dahil sa nasagi ko ang table ay umurong ito nang bahagya kaya nasagi rin ang kamay ng lalaki at napatakan ng kape ang kaniyang suot. "Patay!" agad kong nasambit. "Gosh. Sorry!"

"You're so clumsy, miss. Look what you did!" Itinuro niya ang suot niyang polo shirt na may stain na ng kape.

Tsk, ang suplado. Nag-sorry na nga eh.

Hindi ko muna siya pinansin bagkus ay pinulot ko muna ang larawan ng boyfriend ko. Matapos ko itong pulutin ay muli ko siyang hinarap.

"Sorry lang ho! Tao lang din po ako, nakakasagi rin minsan. Napaka-arte mo ho."

"Talk to yourself, miss. You're not worth it to argue with." Agad na siyang tumayo at tumalikod na ni hindi man lang ako hinayaang makapagsalita pa.

Napakayabang!

Pinanood ko nalang siya habang lumalakad papalayo. Balak ko pa sana siyang sigawan kaso nahiya na ako dahil kami na pala ang center of attraction. Nakakahiya.

Matangkad siyang lalaki at maputi ang balat, kapara ng ulap sa mainit na tanghali. Sobrang tangos ng ilong niya, parang ilong ng Amerikano! Naalala ko tuloy ang Mt. Everest dahil sa ilong niya. Matipuno ang katawan, halatang nag-gi-gym. Makapal ang kilay niya, kakulay ng uling ang buhok niyang clean cut ang gupit na maayos ang pagkakasuklay. Mukha siyang anak ng milyonaryo! Mukha lang naman. Pero nakakainis pa rin siya!

"Gara? Ano 'yong eksena niyo kanina rito ha? Mala-teleserye ah. Isang g'wapo at magandang nilalang encounter sa coffee shop. Just wow!" Hindi ko alam kung nang-iinis ba itong si Ida o kung ano.

"G'wapo ba kamo? Saan naman banda? Sa dulo ng buhok niya?"

"Ases, g'wapo naman talaga iyong si kuya ah."

"Ah, wala akong pakialam."

"Oh, ayan na ang kape mo." Inilapag na ng isang staff ang kape sa table namin pero wala na ako sa mood na magkape pa. Buwisit na suplado na iyon talaga.

"Tara na, Ida. Uwi na tayo."

"Oh, bilis naman? Pero sige, tara na. Halatang wala ka na sa mood na maglibot-libot pa." Iniligpit namin ang mga gamit namin at iniwan nalang ang kape sa table.

Aalis na sana kami sa coffee shop nang bigla kong nakita ang mga fruit na nasa counter.

"Are you selling these fruits?" tanong ko sa babaeng nasa counter.

"Yes, ma'am."

"Give me an apple and two oranges. How much?" Hindi ko na tinanong si Ida kung gusto niya dahil hindi naman siya mahilig sa prutas, ni hindi nga siya kumakain. Ang alien niya sa part na iyon.

"One hundred pesos, ma'am." Inilagay niya na ang apple at oranges sa isang paper bag at iniabot sa akin, nakangiti ko naman itong kinuha.

Matapos kong magbayad ay tuluyan na kaming umalis sa coffee shop. Nasa labas na kami ng mall nang may nakita akong engot na nakatalikod sa may parking lot, may kausap yata sa cellphone. Bigla nalang may pumasok na kalokohan sa isipan ko kaya naman...

"Tara takbo!" mahina kong sambit at hinila si Ida para tumakbo papalayo.

Nang nasa kalayuan na kami ay huminto na rin kami para makapagpahinga muna.

"Ano ka ba, Gara?! Ba't mo siya binato ng mansanas, huh?" seryosong tanong ni Ida habang pinupunasan ang butil-butil niyang pawis. Buti nalang pala at sapatos ang suot namin dahil kung hindi ay baka hindi ko nabato ng mansanas ni Eba ang lalaking iyon. Dahil mahihirapan kaming tumakbo kapag nagkataon. Nakikisama pa rin ang pagkakataon.

"He deserved it. Napakayabang niya. Napakasuplado pa!"

"Kahit na. Hindi mo dapat ginawa iyon. Natamaan siya ng apple na ibinato mo. Alam mo lagot ka kapag nalaman niyang ikaw ang bumato sa kaniya. Pasalamat ka dahil hindi agad siya nakalingon kanina nang binato mo siya."

"Huwag mo ako konsiyensyahin, Ida. Hindi naman siguro masakit iyon at hindi naman siguro siya mababalian dahil sa pagbato ko."

"Hindi mo ba narinig sinabi niya kanina?"

"Ano raw ba?"

"You'll pay for this no matter who you are raw."

"Ases, iyon ba? Para namang natatakot ako sa kaniya."

"Napakatapang mo rin talaga eh, 'no?"

"Oo naman. Hindi ang katulad niya ang makakapagpatiklop sa isang katulad kong maganda."

"Taas din ng self-confidence, 'te."

"Of course. Tara na't bumalik na tayo sa parking lot, for sure wala na ang bakulaw na iyon."

***

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Kaugnay na kabanata

  • Pranking the Businessman    CHAPTER 2

    CLOUD'S POVI still could not forget my encounter with that woman. She has this special power that makes me irritated, like iyong presence niya palang nakakainit na ng dugo. She looks like isip-bata than a matured one. The way she acts? Clumsy! Hindi ko alam kung bakit ba naisipan ko pa na pumunta sa coffee shop kanina samantalang wala naman akong importanteng gagawin doon. That coffee shop is ours. My family loves coffee that is why we decided to have a business related to coffee, so we come up to a coffee shop. We have other businesses like resorts and restaurants too. I went there before 9 a.m. and decided to have a cup of coffee na rin habang tumatambay doon. Marami ring customers ang nandoon, some were having their coffees while some were just eating cakes and some sweets. "Good morning, Sir Cloud!" sabay-sabay nilang bati. We have ten staffs there at lahat sila ay talagang friendly. Well, they should be. "Good morning too!" casual kong sagot. "A cup of Hot Americano.""Sure

    Huling Na-update : 2022-07-26
  • Pranking the Businessman    CHAPTER 3

    Sai's Point of ViewParty-party wooo! Well, the party is actually done and it went well. Sa aming magkakaibigan ay ako ang pinakamatagal malasing at si Cloud naman ang pinakamabilis, siguro ay dahil sa bihira lang siya uminom ng alak. Mahirap siyang gisingin kapag talagang lasing na at madalas talaga ay hindi na niya alam ang nangyayari sa paligid niya kapag sobra na ang alak sa katawan niya. Iyong tipong black out talaga lahat at wala siyang maaalala pagkatapos niya makatulog o kaya ay mawalan ng malay. Kapag knock out na kumbaga. May minsan nga na hinila nalang namin siya para mailipat namin sa isang kuwarto para makapagpahinga siya roon mag-isa dahil lasing na rin kami at hirap na magbuhat ng isa pang lasing. Kinaumagahan tinanong namin siya kung paano siya nakarating sa kuwartong iyon at ang sagot niya ay hindi niya raw alam. Creepy, right? May minsan din na kinurot ko siya, ang sagot niya naman nang tinanong ko siya kung may naramdaman ba siyang masakit nang tulog na siya dah

    Huling Na-update : 2022-07-26
  • Pranking the Businessman    CHAPTER 4

    "Iinom-inom ka kasi tapos hindi mo rin pala kaya ang sarili mo. Shame on you, Cloud Corpuz Mendes!" Ano ba itong si Sandy?! Kung hindi niya naman birthday ay hindi rin naman ako iinom."Kailangan talaga sabihin full name ko ha, Sandy? Problemado na nga ako oh!""Oh, chill lang. Ikaw kasi eh. Nag-aalala lang din ako sa'yo.""Sandy, malulusutan ko ito kung sakali mang may mabuo dahil sa nangyari kagabi," sambit ko para mabawasan man lang ang pag-aalala niya sa mga posibleng mangyari. "Sana kasi pinigilan niyo ako kagabi para hindi na natuloy ang nangyari.""Mahirap ka kayang pigilan. Okay na iyon. Handa naman akong maging ninong ng baby eh," pangiti-ngiting sambit ni Sai. Si Sandy sobrang concern sa akin samantalang itong si Sai nakukuha pang mang-asar. May saltik talaga siya minsan! He is getting into my nerves!"Sige lang, Sai. Ninong-ninong ka riyan! Magkatotoo lang talaga iyon, malalagot ka talaga sa akin! Kilala niyo ba ang babae? Anong pangalan niya? What she looks like? Is she muk

    Huling Na-update : 2022-07-26
  • Pranking the Businessman    CHAPTER 5

    Cloud Mendes You're not friends on F******k 9:23 PM "Hoy, lalaki! Ikaw na lalaki ka talaga ha! Alam mo bang nabuntis mo ako ha? Isang beses lang pero nabuo. May nabuo! Harapin mo ang responsibilities mo sa amin ng anak mo! Kailangan mo itong panagutan dahil itatakwil ako ni daddy pati na rin ang anak mo, gusto mo ba iyon ha?!"9:33 PM "Sabihin mo nga kung paano kita nabuntis! Bilis!" Tse! Seryoso ba siya sa reply niya? Luh, baka nga nakabuntis siya! Lagot ka sa akin ngayon haha. I will use this opportunity to make my prank a successful one dahil iyon naman dapat ang ending ng prank eh, dapat maging successful.9:39 PM "Sa bar. Sa bar nagsimula ang lahat then dinala mo ako sa hotel at siyempre may nangyari sa atin kaya nga ako nabuntis. Lasing na lasing ka na nga that time! You don't have the right to just walk away from your baby... from our baby!"Mabilis kong pinindot ang send button pagkatapos ko i-type ang reply ko sa kaniya. Mukhang bossy siyang tao kaya mas hindi ako na-gu

    Huling Na-update : 2022-07-26
  • Pranking the Businessman    CHAPTER 6

    Cloud's Point of View I was busy reading the sales and forecast report of the coffee shop when I decided to visit my Messenger to see if there were some messages from some clidents of our other businesses kanina. There was a message request so I opened it casually. And the content shocked me to the Moon and back!"What the h*ck, dude?" bigla kong nasambit.Ang laman pa naman ng message ay ito: "Hoy, lalaki! Ikaw na lalaki ka talaga ha! Alam mo bang nabuntis mo ako ha? Isang beses lang pero nabuo. May nabuo! Harapin mo ang responsibilities mo sa amin ng anak mo! Kailangan mo itong panagutan dahil itatakwil ako ni daddy pati na rin ang anak mo, gusto mo ba iyon ha?!"Talagang napanganga ako sa nabasa ko at sobrang hindi ako makapaniwala. Ang una kong tanong sa isip ko ay kung siya ba ang babaeng tinutukoy ni Sai at Sandy na nakasama ko sa hotel last time na nalasing ako. Yes, tama ang nabasa niyo dahil hindi pa ako umiinom ulit matapos ang gabing iyon, ang kasumpa-sumpang gabing iyon.H

    Huling Na-update : 2022-09-11
  • Pranking the Businessman    CHAPTER 7

    Bago ako mag-breakfast ay nag-send ako ng message kay Mr. Abs na huwag na huwag siyang aalis sa meeting place habang hindi pa kami dumarating dahil magagalit talaga si daddy sa kaniya. Siguradong nakabusangot ang mukha niya after niyang mabasa ang content ng message ko hahaha! Narito na ako malapit sa Mi Amore Coffee Shop dahil 7:00 a.m. na pero nagtatago ako para hindi agad ako makita ng supladong iyon kapag dumating na siya. Ang plano ko kasi ay pag-antayin siya muna. After two hours bago ako magpapakita sa kaniya. Let us see kung ano ang gagawin niya, kung kaya niya bang mag-antay kahit na walang kasiguraduhan o aalis nalang siya dahil pakiramdam niya ay wala namang pakialam sa kaniya ang taong nakipagkasundo sa kaniya. Ano raw, self? Ang gulo mo rin eh. Akala ko ba bawal ma-late? Hindi ko pa nasisilayan ang anino niya ah. Sa meet up may batas, bawal ma-late. Sus, bigay-bigay siya ng time tapos siya pala itong mali-late ngayon. Filipino time pa more. Ten minutes late na siya.

    Huling Na-update : 2022-09-11
  • Pranking the Businessman    CHAPTER 8

    "You know what hindi ko alam kung bakit ikaw pa ang nabuntis ko at hindi ka lang pala OA, mataray ka pa," pagsu-suplado niya. Napakasuplado talaga ng buwis*t na lalaking ito. Buti nalang walang nakakarinig sa amin dito dahil kami-kami lang ang nandito sa coffee shop ngayon. Pinaalis niya muna ang mga staffs at ang ibang nandito kanina pero narinig nila ang unang pag-uusap nitong si Mr. Abs at ni tito. "Siya nga pala, this coffee shop is mine kaya huwag kang magtaka kung bakit tayo lang ang nandito ngayon at kung bakit napaalis ko sila kanina." Ang yabang din? Ede wow? Clap-clap? Pero maganda talaga ang coffee shop na ito. May mga fresh flower dito sa loob at environment friendly ang ibang gamit nila rito, gumagamit sila ng wooden spoons kaysa sa stainless or plastic spoons. Nagsi-sell din sila ng mga smoothie, tea, cake, cupcake, sandwich, etc. "Wala akong pakialam kung bakit hindi mo alam kung bakit ako ang nabuntis mo kahit maraming chixxx diyan sa tabi-tabi. Opsss! Kasalanan ko

    Huling Na-update : 2022-09-11
  • Pranking the Businessman    CHAPTER 9

    CLOUD'S POV"Bakit ba kasi papakasalan ang lumabas sa bibig ko kanina?! Bakit kasi iyon ang nasabi ko?"Kainis naman kasi na-pressure ako roon sa daddy ng babaeng iyon, grabe rin kasi ang facial expression ng daddy niya kanina dahil parang mangangain ng buhay. Isa pa iyong nakakairitang babaeng iyon! Akala niya ba panalo na siya? Mali siya dahil nagsisimula palang ang laban at asahan niyang hindi ako magiging mabait sa kaniya. Pasalamat siya dahil sinabihan ko ang mga staffs ko na maging mabait sa kaniya. Nakauwi na ako sa bahay, nasa kuwarto ako ngayon specifically, at nag-iisip kung paano ko papakasalan ang babaeng iyon. I need to talk to daddy and mommy first. Nasa sala silang dalawa, si mommy ay nanonood ng favorite show niya samantalang nagbabasa naman ng newspaper si daddy. I will talk to them later. I just need to change my clothes and fix myself para naman presentable ako kapag hinarap ko sila. Formality pa rin. Hoping to come up with a good plan for the wedding with the

    Huling Na-update : 2022-09-11

Pinakabagong kabanata

  • Pranking the Businessman    CHAPTER 35

    “Nandito ka lang palang bata ka, kanina ka pa hinahanap ng parents mo.”“Tito, nagpaalam naman ako sa kanila.”“Puntahan mo muna parents mo, Tintine.”“Okay po.”Hinawakan ni Tintine ang kamay ko. “Miss Ara, bye po muna, ah.”Ngumiti ako sa kaniya. “It’s okay, Tintine. Bye.”Patakbo na siyang umalis na tila nagmamadali matapos naming mag-usap. Naiwan kami ng tito niya.“Sorry if Tintine has disturbed your ’me time’ ha,” sabi niya.“No, it’s okay. Sit down, please.” Kanina pa kasi siya nakatayo.Umupo siya. “Madaldal talaga ang batang ‘yon.”“Ah, oo. Mabait din siya.” Medyo nakaka-ilang makipag-usap sa kaniya. “Ano palang name mo?” tanong ko.“I’m Kian Roser. Older brother of Kino Roser, the owner of this resort. Ang papa naman ni Tintine ay bunso naming kapatid. His name is Kun Roser.”Ah, kapatid niya pala si Kino, ‘yung guy na una kong nakilala dito sa resort.“You can call me “Ara”. Na-meet ko na ‘yung brother mo na si Kino.”Nakatingin lang kami sa dagat. Paminsan-minsan naman ay

  • Pranking the Businessman    CHAPTER 34

    GARA’S POV Isang buwan na ang nakalipas at gusto ko nalang kalimutan ang lahat kahit na sobrang hirap gawin ng bagay na iyon. Wala na akong balita kay Cloud. He blocked me sa lahat ng social media accounts na mayroon siya. Hindi ko na rin ipipilit ang sarili ko. Sure naman akong may bago na siya. Madali lang naman para sa mga lalaki ang makahanap ng iba. Hindi ko alam kung nasa Pilipinas pa siya o pumunta na ng ibang bansa, ni hindi man lang niya ako hinanap o kinausap man lang. Puwede pala talaga iyon, ‘no. Kahit gaano kayo ka-close puwede talagang dumating kayo sa punto na hindi na kayo magpapansinan. Gano’n siguro talaga at wala na tayong magagawa doon. Move forward nalang. “Hi, are you new here?” Inangat ko ang tingin ko para makita ang mukha niya. Oh, a man. Bakit kaya ako kinakausap nito? “Uh, yeah.” Pinagmamasdan ko lang siya. Isa siyang bakasyonista if I am not mistaken. Guwapo siya at maganda ang built ng katawan. Ewan, bakit physical appearance niya ang napansin

  • Pranking the Businessman    CHAPTER 33

    CLOUD'S POV Nakakagalit talaga! Akala ko magkakaanak na ako, akala ko daddy na ako! Puro kasinungalingan lang pala iyon! Ang bobo ko rin talaga sa part na hindi ko man lang siya hiningian ng proofs na magpapatunay na buntis talaga siya. "T*nga mo, Cloud!" Hindi ko man lang ginamit ang utak ko! Ipakausap ka ba naman sa daddy niya na terror, hindi ka pa ba mapapaniwala na buntis talaga siya? Daddy niya naman iyon sa pagkakaalam ko dahil may mga pictures sila sa timeline niya. I just never thought that it would happen at all! That this is possible! She is indeed a self-proclaimed prankster na wala lang magawa sa buhay! Isa pa itong si Yvo, bumalik na siya. Bumalik siya kung kailan hindi ko na siya mahal, kung kailan naka-move on na ako. Ang komplikado na tuloy! Si Yvo ang unang humalik sa akin kanina, malas pa na saktong naabutan kami sa akto. Kitang-kita ko ang inis sa mukha niya kanina nang makita kaming naghahalikan ni Yvo pero nakaramdam ako ng tuwa dahil pakiramdam ko nasak

  • Pranking the Businessman    CHAPTER 32

    "Ang shunga! Naiwan mo mga gamit mo sa bahay niya!" Bahagya kong nasapo ang sintido ko pero hindi na ako nagsayang ng oras at pumihit na agad pabalik kung nasaan banda ang bahay niya. Magkahalong inis at sakit ang nararamdam ko ngayon pero pilit kong pinupunasan ang mga luha ko para hindi mahalata ni Ulap na sobrang umiyak ako. Ayaw kong kaawaan niya ako! Ito naman ang pride ko. Nakakainis na talaga! "I super miss you, baby loves! Super-super! As in super talaga! I missed that lips. That voice. That face. That stare. Arggg! I missed everything about my baby loves! How about you, did you miss me ba?" Kahit hindi pa ako nakakapasok sa bahay ay rinig ko na ang litanya niya. Kailan pa nagkaroon ng haliparot sa bahay na ito?! Ang arte magsalita! Dali-dali akong pumasok para makuha na ang mga gamit ko para tuluyan na akong mawala sa buhay niya! Bilis-bilisan mong maglaho, Gara! Huwag kang makupad! Hindi na ako nagulat na may kasama siyang babae pero ang ikinagulat ko ay ang paghahalikan

  • Pranking the Businessman    CHAPTER 31

    GARA'S POVSince Saturday ngayon ay dito lang kami sa bahay mag-i-stay, pati Sunday free day para sa amin. Monday to Friday lang ang office day namin. Kagagaling ko lang sa second floor, kagigising ko lang din kasi at 7:00 a.m. na ako bumangon. Kinukusot ko pa ang mga mata ko habang nagtitimpla ng gatas. Dapat daw kasi uminom ako ng gatas every morning sabi ni Ulap. Katatapos ko lang ilagay ang mainit na tubig sa baso nang may nag-doorbell. "Manang, pasuyo naman po. Pakitignan naman po kung sino ang nag-doorbell, papasukin niyo na rin po. Salamat po!" Nasa sala kasi si Manang, pinapakain niya si Tilaffy. "Sige. Ako na ang titingin kung sino iyon." Lumabas na agad si Manang para tignan kung sino ang nag-doorbell. "Wala naman kaming ini-expect na bisita ah."Matapos kong humigop ng gatas ay may narinig ako na pamilyar na boses na nanggagaling sa labas kaya mabilis akong lumabas ng bahay. Hindi nga ako nagkamali kung sino siya. Bakit ngayon pa, tadhana?! Parang bumigat ang pakiramd

  • Pranking the Businessman    CHAPTER 30

    "Bawal ko ba yakapin ang asawa kong maganda?" Agad niya akong pinakawalan mula sa mahigpit niyang yakap bago bahagyang tumawa. "Na-carried away lang. Sorry." "Tongeks, okay lang. Huwag ka ngang mag-sorry diyan. Alam ko namang natuwa ka lang kaya mo ako niyakap. Binibiro lang din kita na bawal though bawal naman talaga HAHA!" Nanood na siya ulit pero alam kong pinapakinggan niya lang ako. Ang ganda ng movie kaso distracted na ako dahil nasimulan ko nang mag-ingay. Kahit kailan talaga itong bibig ko! Hanggang sa matapos ang movie ay hindi na ako nagsalita pa ulit. Mabuti nalang naintindihan ko rin ang buong concept ng movie kahit na may mga hindi akong napanood na part dahil sa pagtatanong ko kay Ulap. Naging bata ang isang goldfish sa movie na pinanood namin, medyo magical ang ibang mga bagay-bagay. May point na naaalala ko si Tilaffy habang nanunood ako, naisip ko rin na baka maging bata rin si Tilaffy pero imposible ang iniisip ko HAHA! Weirdo. In-off na ni Ulap ang laptop. "Saba

  • Pranking the Businessman    CHAPTER 29

    GARA'S POVThese past few days hindi ko na inasar si Cloud dahil baka magkatampuhan lang kami. Hindi ko naman gustong mag-aalala siya nang pumunta ako sa bahay ng parents niya, sadyang nag-worry lang talaga siya. Days without asaran seem so boring to me. Feeling ko napaka-plain ng araw kapag hindi ko naaasar si Cloud. Pero ayaw ko namang mag-away kami ulit. Hindi deserve ni Cloud na mag-alala at mainis ulit nang dahil lang sa katulad ko. Ayaw ko na gumawa ng mga bagay na ikakasama ng loob niya. Lalayo ako kaagad kapag nalaman niya na ang kasalanan ko, ayaw ko na siyang saktan muli. Kapag nabunyag na ang kasinungalingang nagko-connect sa amin ay mami-miss ko talaga ang pang-aasar ko sa kaniya at ang pag-aasar niya sa akin. Nakakalungkot lang na isipin na maghihiwalay din kami one of these days. Mabilis na lumilipas ang mga araw, hindi ko maitatangging napapalapit na ako sa kaniya at nasasanay na ako sa presence niya. Sobrang malulungkot talaga ako kapag dumating na ang araw na hindi

  • Pranking the Businessman    CHAPTER 28

    Pinagloloko yata talaga ako ni Cloud eh! Siya ba talaga ang babae niya? Bumalik agad ako sa office ni Cloud matapos ko silang makitang nag-uusap dahil mahirap na kapag nahuli niya akong sumisilip. Mag-iisang oras na akong nag-iisa rito sa office niya, naglinis-linis nalang muna ako dahil hindi ko pa alam ang mga puwede kong maitulong sa kaniya at ayaw ko ring pakialaman ang mga bagay-bagay dito. "Narito ka na pala." Mukhang good mood siya dahil ngumingiti-ngiti pa siya matapos magsalita at maaliwalas ang mukha niya. Epekto ba ito ng babae niya? "Yep-yep, Ulap." "Ulap?" May pagtataka sa mukha at napawi na rin ang ngiti sa mga labi niya. "Tagalog ng Cloud ay ulap kaya ikaw si ulap. Huwag slow, translation lang iyan ng pangalan mo." Pangiti-ngiti pa ako matapos kong mag-explain. "Ayaw kong tawagin mo akong ulap." Sumimangot na siya. Ang arte-arte akala mo kina-guwapo niya. "And why?" Naisip ko lang na ibahin ang tawag sa kaniya since halos lahat ay tinatawag siya na Cloud. Gusto k

  • Pranking the Businessman    CHAPTER 27

    Nasulit ang mga oras ko kasama si Manang Lea kahapon at marami pa siyang naikuwento sa akin patungkol sa buhay niya. Bale nag-aayos na ako ngayon dahil ngayon na raw ako sasama kay Cloud sa office nila. Hindi totoo iyong magluluto ako ng pinakbet para sa babae niya. Joke ko lang iyon dahil baka maging mapait pa ang lasa. I applied simple make up lang, bale manipis na blush on lang, light lipstick, at bawi nalang sa kilay dahil ang bongga talaga ng kilay ko ngayon. Cloud prepared the clothes that I am wearing right now. White shirt for the inside of a black coat and a formal black skirt. We actually have the same color of clothes, parang couple outfits. Parang ipinasadya. Pagkababa ko sa first floor ay nag-aantay na siya sa akin kaya sabay na kaming lumabas ng bahay matapos makapagpaalam kay Manang Lea. Na-expectation versus reality talaga ako nang marating namin ang office nila. Sumakay pa kami ng kotse samantalang puwede naman palang lakarin dahil nasa labas lang ng village ang

DMCA.com Protection Status