Share

CHAPTER 5

Author: CoronLass
last update Last Updated: 2022-07-26 20:14:46

Cloud Mendes

You're not friends on F******k

9:23 PM

"Hoy, lalaki! Ikaw na lalaki ka talaga ha! Alam mo bang nabuntis mo ako ha? Isang beses lang pero nabuo. May nabuo! Harapin mo ang responsibilities mo sa amin ng anak mo! Kailangan mo itong panagutan dahil itatakwil ako ni daddy pati na rin ang anak mo, gusto mo ba iyon ha?!"

9:33 PM

"Sabihin mo nga kung paano kita nabuntis! Bilis!"

Tse! Seryoso ba siya sa reply niya? Luh, baka nga nakabuntis siya! Lagot ka sa akin ngayon haha. I will use this opportunity to make my prank a successful one dahil iyon naman dapat ang ending ng prank eh, dapat maging successful.

9:39 PM

"Sa bar. Sa bar nagsimula ang lahat then dinala mo ako sa hotel at siyempre may nangyari sa atin kaya nga ako nabuntis. Lasing na lasing ka na nga that time! You don't have the right to just walk away from your baby... from our baby!"

Mabilis kong pinindot ang send button pagkatapos ko i-type ang reply ko sa kaniya. Mukhang bossy siyang tao kaya mas hindi ako na-guilty na pagtripan siya. Mas naging target ko pa siya na inisin lalo dahil sa way niya ng pag-respond.

9:41 PM

"Wala akong maalala, miss."

Again, seryoso ba siya? Wala siyang maalala? Bakit wala siyang maalala? Parang impossible naman yata iyon ah. Super impossible talaga. Itutuloy ko pa ba? Singkamas, bakit ako nagdadalawang isip ngayon? Pero itutuloy ko ito.

9:51 PM

"Hindi ka p'wedeng tumakas sa responsibilidad mo dahil ipapalagl*g ko ang bata kapag hindi mo kami pinanagutang dalawa o kaya'y waw*kasan ko ang buhay ko! Galit na galit din si daddy sa akin at kapag daw hindi pinanagutan ng ama niya itong batang dinadala ko ay palalayasin niya ako. Wala akong mapupuntahan!"

Tuloy ang laban HAHA. Masiyado pang maaga para tapusin ang prank na ito. Saka natatawa ako sa kaniya, isa siyang dakilang uto-uto of the year.

Ma-stalk nga siya sa F******k. I opened my F******k app and account to stalk him. Sino ka kaya, Mr. Abs? Pag-scroll ko sa timeline niya ay tumambad sa aking ang isang pamilyar na mukha. Kamatis! Totoo ba ito?! Medyo namutla ako sa nakita ko dahil si Mr. Abs at ang lalaking nakasagupa ko sa coffee shop sa Mall nakaraan ay iisa. Coincidence lang ba ito? O itinadhana?

Ngayon ay buo na ang desisyon ko na talagang i-push through itong prank na ito. Tutal mukhang may nagawang kababalaghan naman itong mokong na ito ay sasakyan ko nalang ang pagkakataong ito.

Makakaganti na ako sa kasupladuhan niya! Supladong tao eh.

Daming niyang shared post about business things. Baka businessman ang nilalang na walang maalala. Mas gagalingan ko pa ang pangpa-prank dahil bigatin pala itong victim ko plus napakayabang pa. Dapat mas may thrill pa lalo!

9:53 PM

"Sa tingin ko kaya mo naman siyang buhaying mag-isa, miss. Hindi mo na ako kailangan pa."

Is he insane? Ang tapang ng apog ng lalaking ito ah. Hahayaan ka ba namang palakihin mag-isa ang batang dinadala mo? Is he irresponsible enough to abandon his child kahit wala siyang maalala? Papatulan ko na talaga itong lalaking ito ngayon. Nakakainis ang response niya sa prank ko at kung paano niya haharapin ang mga responsibilidad niya kung sakali mang totoo na nakabuntis siya. Minsan talaga may mga malalaman ka dahil sa pangpa-prank eh pero dapat ay hindi deadly ang prank mo. Hindi naman deadly itong prank na ito kaya push!

9:58 PM

"Sige, ikaw ang bahala basta huwag kang iiyak-iyak kapag nabalitaan mo nalang na may isang babaeng na winak*san ang buhay niya sa Quezon City ah at huwag na huwag kang hahagulgol kapag nalaman mong w*la na kami ng anak mo!"

Kailangan ko siyang mapaniwala. Sana magtagumpay ako na mapaniwala siya.

10:00 PM

"Wait!"

10:01 PM

"Bakit?"

10:04 PM

"Don't do that! Magkita tayo bukas sa Mall kung nasaan ang Mi Amore Coffee Shop at exactly 7:00 a.m. at bawal ma-late. My time is very precious to be wasted of an alien like you. Aantayin kita roon. Pag-uusapan natin nang harapan kung ano ang mangyayari sa magiging anak ko."

Yikes! Precious daw ang time niya at alien daw ako. Baka siya ang alien sa aming dalawa! Huwag ako ang subukan niya. At sa coffee shop pa talaga kung saan kami nagkasagupaan, favorite coffee shop niya siguro HAHA!

10:06 PM

"Sige, pupunta ako. Huwag na huwag kang magkakamali na mang-Indian dahil itutuloy ko talaga ang plano ko kapag hindi mo kami pinanagutan ng anak mo dahil kayang-kaya kong ituloy ang banta ko!"

Medyo scary na rin hindi ba? Sapat na siguro iyan para hindi niya na maisipan na hindi sumipot bukas dahil ayaw ko namang magmukhang tanga sa kaaantay sa hindi naman pala tutupad sa usapan at sa hindi naman pala darating.

10:08 PM

"Pupunta ako kaya huwag kang paranoid diyan. Huwag kang OA."

Paranoid at OA raw ako? Humanda ka talaga sa akin bukas!

10:12 PM

"That's good. Nagkakaintindihan tayo. Pero huwag na huwag mong sasabihing paranoid ang mommy ng anak mo dahil hindi ako paranoid at mas lalong hindi ako OA! Ikaw kaya ang magbuntis dito. Palit kaya tayo ng sitwasyon tapos ikaw ang palalayasin ng daddy ko! Aber, sige nga."

10:15 PM

"Stop your nonsense, miss. Pananagutan ko ang anak ko pero hindi ikaw. Bukas nalang."

Mukhang mag-o-offline na siya ah. Ay oo nga pala, precious pala ang time niya. Muntik kong makalimutan na nasasayang ang precious time niya dahil sa kare-reply niya sa akin. Sorry naman ho, nahiya naman ako sa precious time niya. Tinignan ko ang wall clock ko at bago ko lang napagtanto na pasado alas-dyes na ng gabi.

10:18 PM

"Sleep well, daddy ni baby ko! 😘 See you! ❤❤❤"

Nakuha ko pang asarin siya pero nang-seen nalang siya.

Isinara ko na rin ang cellphone ko para maghanda upang makatulog na ako dahil maaga pa ang business ko bukas. Buti nalang pala nag-request iyong isa kong babaeng friend na may lahing Korean na siya muna i-profile picture ko for a week at three days palang since picture niya ang i-profile picture ko sa F******k.

For sure hindi ako nakilala ni Mr. Abs dahil sure ako na hindi niya in-stalk ang F******k account ko, halata namang wala siyang pakialam at precious ang time niya hindi ba?

About pala sa profile picture ni Mr. Abs, kaniya pala talagang abs iyon. Nagwo-work out siya base sa mga nakita ko sa F******k account niya nang nag-scroll ako sa timeline niya. It means na hindi siya poser, wrong assumption ko lang pala iyon. Kaloka dahil meron siyang anim na pandesal! Pero those did not make him look attractive sa paningin ko, abs lang naman iyon eh.

But there was something in his smiles that captured some parts of my heart.

Naku! I forgot something pala. I need to call Mr. Ponciano Andrade, ang nag-iisang kapatid ng daddy kong si Paulo Andrade. I will call him through phone lang, sana gising pa siya.

Calling Tito Pong...

"Hello, Gara? This is your Tito Pong, your dearest poging tito." Sa totoo lang ay pareho kami ni Tito Pong na madalas malakas mang-asar. He is not like daddy na sobrang seryoso, halos hindi marunong mag-joke si daddy eh. Kaya si Tito Pong ang isasama ko para iharap kay Mr. Abs bukas ng umaga para mas convincing haha. Sana pumayag si tito waaa!

"Alam ko naman pong ikaw iyan, tito," sambit ko habang pinipigilan na matawa sa sinabi niya haha.

"Hahaha! Anong kailangan ng paborito kong pamangkin ha?" Mukhang good mood si tito base sa napaka-energetic niyang boses at mukhang right timing ito para humingi ng favor sa kaniya.

"Tito Pong?"

"Oh ano? Sabihin mo na agad para malaman ko kung papayag ba ako o hindi haha." Mukhang may idea na agad siya na may kalokohan na naman ako. Sa tuwing tatawag kasi ako sa kaniya ay it is either mangungumusta lang ako o kaya naman ay may kalokohan akong nagawa o may gagawin palang.

"P'wede mo po ba akong samahan sa Mall bukas? May pagti-trip-an po tayo pero no worries dahil harmless po ang meet up na mangyayari. G ka po ba?" Mahahalatang nahihiya ako habang binibigkas ang bawat salita pero sana pumayag talaga si tito.

"Naku." Rinig kong napabuntong-hininga si tito sa kabilang linya, mukhang may something yata.

"Luh, hindi ka p'wede, tito?" Bahagya akong nalungkot kasi feeling ko ay hindi niya ako masasamahan. Hindi yata puwede si tito bukas.

"Joke lang haha. G ako bukas! Text mo lang ang address ng Mall at kung anong oras." Nabuhayan ako ng loob matapos madinig na sasamahan ako ni tito bukas. Waaa! Tiyak na magiging bongga ang meet up bukas hahaha!

"Talaga, tito? For real na?"

"Oo ah. Iyon lang ba, pamangkin?"

"Opo, iyon lang. Waaa! Na-excite na ako for tomorrow!"

"Me too, dear!"

"Salamat, tito kong pogi! Mwaaa."

"Napakabolera mo talagang pamangkin haha. O siya bukas nalang. I need to sleep na rin kasi. Bye, pamangkin!"

"Good night, Tito Pong! I love you!"

"Good night and I love you too, pamangkin ko." Nag-end na ang call at sobrang saya ko talaga waaa!

I am really so lucky to have Uncle Pong in my life. He is super supportive and a very kindhearted being.

Lagi niya rin akong nililibre ng pagkain haha. Minsan nga nagugulat nalang ako dahil may nagde-deliver ng foods dito sa bahay kahit na hindi kami nag-o-order tapos malalaman naming siya pala ang nagpa-deliver and it was all free. Lagi rin akong binibigyan ng cash para pang-shopping ko raw, madalas ko nga ring tanggihan kaso sobrang mapilit si tito tapos magtatampo kapag hindi ko naman tinanggap kaya tinatanggap ko nalang kaysa naman magtampo pa dahil ang hirap suyuin niyan ni tito.

Wala kasing anak si Tito Pong at ang asawa niya kaya ganun nalang siguro ang pagtrato niya sa akin, itinuturing niya talaga akong tunay na anak. Kaya siguro madalas niya ako i-spoil sa mga bagay-bagay pero hindi naman ako abusado ah dahil marunong din akong mahiya at tumanggi kapag alam kong sobra na ang mga ibinibigay niya sa akin.

I love my tito at ayaw kong abusuhin ang kabaitan niya sa akin. I love my tito hindi dahil sa mga naibibigay niya. I love my tito dahil tito ko siya, I love him for who he truly is. I promised to myself na I would make him proud someday pati na rin sila mommy at daddy. I really love my family.

Oras na para matulog ang babaeng maganda este oras na para matulog na ako. Ipinikit ko na ang mga mata ko dahil handa na akong matulog ngayon.

Ano kaya ang mangyayari bukas?

Related chapters

  • Pranking the Businessman    CHAPTER 6

    Cloud's Point of View I was busy reading the sales and forecast report of the coffee shop when I decided to visit my Messenger to see if there were some messages from some clidents of our other businesses kanina. There was a message request so I opened it casually. And the content shocked me to the Moon and back!"What the h*ck, dude?" bigla kong nasambit.Ang laman pa naman ng message ay ito: "Hoy, lalaki! Ikaw na lalaki ka talaga ha! Alam mo bang nabuntis mo ako ha? Isang beses lang pero nabuo. May nabuo! Harapin mo ang responsibilities mo sa amin ng anak mo! Kailangan mo itong panagutan dahil itatakwil ako ni daddy pati na rin ang anak mo, gusto mo ba iyon ha?!"Talagang napanganga ako sa nabasa ko at sobrang hindi ako makapaniwala. Ang una kong tanong sa isip ko ay kung siya ba ang babaeng tinutukoy ni Sai at Sandy na nakasama ko sa hotel last time na nalasing ako. Yes, tama ang nabasa niyo dahil hindi pa ako umiinom ulit matapos ang gabing iyon, ang kasumpa-sumpang gabing iyon.H

    Last Updated : 2022-09-11
  • Pranking the Businessman    CHAPTER 7

    Bago ako mag-breakfast ay nag-send ako ng message kay Mr. Abs na huwag na huwag siyang aalis sa meeting place habang hindi pa kami dumarating dahil magagalit talaga si daddy sa kaniya. Siguradong nakabusangot ang mukha niya after niyang mabasa ang content ng message ko hahaha! Narito na ako malapit sa Mi Amore Coffee Shop dahil 7:00 a.m. na pero nagtatago ako para hindi agad ako makita ng supladong iyon kapag dumating na siya. Ang plano ko kasi ay pag-antayin siya muna. After two hours bago ako magpapakita sa kaniya. Let us see kung ano ang gagawin niya, kung kaya niya bang mag-antay kahit na walang kasiguraduhan o aalis nalang siya dahil pakiramdam niya ay wala namang pakialam sa kaniya ang taong nakipagkasundo sa kaniya. Ano raw, self? Ang gulo mo rin eh. Akala ko ba bawal ma-late? Hindi ko pa nasisilayan ang anino niya ah. Sa meet up may batas, bawal ma-late. Sus, bigay-bigay siya ng time tapos siya pala itong mali-late ngayon. Filipino time pa more. Ten minutes late na siya.

    Last Updated : 2022-09-11
  • Pranking the Businessman    CHAPTER 8

    "You know what hindi ko alam kung bakit ikaw pa ang nabuntis ko at hindi ka lang pala OA, mataray ka pa," pagsu-suplado niya. Napakasuplado talaga ng buwis*t na lalaking ito. Buti nalang walang nakakarinig sa amin dito dahil kami-kami lang ang nandito sa coffee shop ngayon. Pinaalis niya muna ang mga staffs at ang ibang nandito kanina pero narinig nila ang unang pag-uusap nitong si Mr. Abs at ni tito. "Siya nga pala, this coffee shop is mine kaya huwag kang magtaka kung bakit tayo lang ang nandito ngayon at kung bakit napaalis ko sila kanina." Ang yabang din? Ede wow? Clap-clap? Pero maganda talaga ang coffee shop na ito. May mga fresh flower dito sa loob at environment friendly ang ibang gamit nila rito, gumagamit sila ng wooden spoons kaysa sa stainless or plastic spoons. Nagsi-sell din sila ng mga smoothie, tea, cake, cupcake, sandwich, etc. "Wala akong pakialam kung bakit hindi mo alam kung bakit ako ang nabuntis mo kahit maraming chixxx diyan sa tabi-tabi. Opsss! Kasalanan ko

    Last Updated : 2022-09-11
  • Pranking the Businessman    CHAPTER 9

    CLOUD'S POV"Bakit ba kasi papakasalan ang lumabas sa bibig ko kanina?! Bakit kasi iyon ang nasabi ko?"Kainis naman kasi na-pressure ako roon sa daddy ng babaeng iyon, grabe rin kasi ang facial expression ng daddy niya kanina dahil parang mangangain ng buhay. Isa pa iyong nakakairitang babaeng iyon! Akala niya ba panalo na siya? Mali siya dahil nagsisimula palang ang laban at asahan niyang hindi ako magiging mabait sa kaniya. Pasalamat siya dahil sinabihan ko ang mga staffs ko na maging mabait sa kaniya. Nakauwi na ako sa bahay, nasa kuwarto ako ngayon specifically, at nag-iisip kung paano ko papakasalan ang babaeng iyon. I need to talk to daddy and mommy first. Nasa sala silang dalawa, si mommy ay nanonood ng favorite show niya samantalang nagbabasa naman ng newspaper si daddy. I will talk to them later. I just need to change my clothes and fix myself para naman presentable ako kapag hinarap ko sila. Formality pa rin. Hoping to come up with a good plan for the wedding with the

    Last Updated : 2022-09-11
  • Pranking the Businessman    CHAPTER 10

    GARA'S POVThis is the second time na ang aga ko na naman nagising. It is just 4:00 in the morning pero ayon mulat na mulat na ang mga mata ko. That is very unusual dahil 7:00 to 8:00 a.m. talaga ang usual na gising ko. "Something is bothering me."Kitang-kita ko na madilim pa sa labas nang sumilip ako sa glass window ng kuwarto ko. Hindi ko maikakailang liwanag ang hatid ng mga bituin sa madilim na langit at nakakabighani silang pagmasdan. Naniniwala ako na laging may pag-asa at malalampasan ko rin ang problemang ito na ako mismo ang nagsimula. Iniisip ko si Tary dahil hindi pa rin siya nagpaparamdan at hindi pa kami nakakapag-usap. Ano kayang mangyayari kapag nalaman niyang ikakasal na ako? Pero hindi niya muna puwedeng malaman para hindi kami magkalabuang dalawa. Gagawa ako ng paraan para malusutan ko ito. Matagal pa naman ang balik ni Tary dito sa Pilipinas kaya alam kong maaayos ko ang problemang ito bago siya makabalik dito. Pero bakit kaya hindi umalma si Mr. Abs nang sinab

    Last Updated : 2022-09-11
  • Pranking the Businessman    CHAPTER 11

    "Good morning, sir and ma'am." Napaka-welcoming naman ng dalawang security guards dito. "Good morning too!" nakangiting sambit ko. Samantalang tahimik lang ang bayawak at tuloy-tuloy lang sa paglalakad papasok sa bahay nila. Sumusunod lang ako sa kaniya habang sinusubukan kong pagmasdan ang kabuuan ng bahay. Ang laki ng bahay nila. Ang pinagkaiba lang sa bahay namin ay hanggang third floor ang amin. Kasya na yata ang limang pamilya sa kalakihan ng bahay na ito. "Try mo umayos kapag kaharap mo na sila." Grabe rin talaga siya. Masiyado niya yata akong minamaliit. "Ano ang tingin sa akin hindi maayos ha? Sa'yo lang naman ako masama dahil ang sama mo rin kaya fair lang iyon." Mahina lang ang pagkakasabi ko pero may diin ang bawat salita dahil nakakainis siya. Ayaw ko namang mag-ingay dito dahil nakakahiya naman. "Whatever. Shut up nakatingin na sila sa atin." Pasalamat siya na hindi na ako nakahirit pa dahil malapit na kami sa sala kung saan naghihintay ang parents niya at totoong na

    Last Updated : 2022-09-11
  • Pranking the Businessman    CHAPTER 12

    I had a good sleep din dito sa hotel na tinuluyan ko pansamantala, ayaw kong mang-istorbo ng mga tao kaya pinili ko nalang na sa hotel nalang na ito magpalipas ng gabi. All my things are already here na rin sa kuwarto at kagigising ko lang ngayon. In-on ko ang cellphone ko para malaman kung anong oras na at alas-sais na pala ng umaga. Naki-connect ako sa Wi-Fi rito sa hotel para tumingin ng mga message sa Messenger. "Susunduin kita sa inyo at 7:00 a.m. and wear a white formal dress or any white clothes." The message was sent 2 hours ago pero online rin siya ngayon. Friends na rin kami sa Facebook, siya ang nag-add. Nag-reply ako na wala ako sa bahay namin kaya tinanong niya ako kung nasaan ako, binigay ko ang name at address ng hotel sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Dapat hindi ko na dinaragdagan ang kasalanan ko pero ito parang mas pinapalaki ko pa ang problema. Nagpaluto nalang ako ng pagkain bago naghanap ng formal white dress or something na puwede isuot. After 6:30 a.m.

    Last Updated : 2022-09-11
  • Pranking the Businessman    CHAPTER 13

    CLOUD'S POVPabalik na ako sa hotel niya para kunin ang mga gamit, nagrenta na rin ako ng tatlong taxi para mailipat na sa bahay ang mga gamit niya.May kakaiba sa kaniya ngayong araw, hindi ako sanay na ang tamlay niya at medyo tahimik. Parang may dinaramdam siya at pinapasan na mabigat na problema na ayaw niya lang sabihin sa akin. Sabagay sino ba naman ako para sabihan niya ng mga problema sa buhay dahil ikinasal lang naman kami kasi may anak kami at hindi dahil mahal namin ang isa't isa.Baka nagulat din dahil biglaan ang kasal namin na ni hindi man lang siya napasabihan. Minabuti na naming hindi nalang sabihin sa kaniya para hindi na siya makialam pa saka para hindi niya na rin isipin pa o kaya ay para hindi na dumagdag sa mga problema niya.My friends helped me to set up everything.Akala ko hindi ako susuportahan ng parents ko but in the end they did, napagdesisyunan din namin na civil wedding nalang para hindi komplikado ang preparations. Sa tulong naman ng connections nila ay

    Last Updated : 2022-09-11

Latest chapter

  • Pranking the Businessman    CHAPTER 35

    “Nandito ka lang palang bata ka, kanina ka pa hinahanap ng parents mo.”“Tito, nagpaalam naman ako sa kanila.”“Puntahan mo muna parents mo, Tintine.”“Okay po.”Hinawakan ni Tintine ang kamay ko. “Miss Ara, bye po muna, ah.”Ngumiti ako sa kaniya. “It’s okay, Tintine. Bye.”Patakbo na siyang umalis na tila nagmamadali matapos naming mag-usap. Naiwan kami ng tito niya.“Sorry if Tintine has disturbed your ’me time’ ha,” sabi niya.“No, it’s okay. Sit down, please.” Kanina pa kasi siya nakatayo.Umupo siya. “Madaldal talaga ang batang ‘yon.”“Ah, oo. Mabait din siya.” Medyo nakaka-ilang makipag-usap sa kaniya. “Ano palang name mo?” tanong ko.“I’m Kian Roser. Older brother of Kino Roser, the owner of this resort. Ang papa naman ni Tintine ay bunso naming kapatid. His name is Kun Roser.”Ah, kapatid niya pala si Kino, ‘yung guy na una kong nakilala dito sa resort.“You can call me “Ara”. Na-meet ko na ‘yung brother mo na si Kino.”Nakatingin lang kami sa dagat. Paminsan-minsan naman ay

  • Pranking the Businessman    CHAPTER 34

    GARA’S POV Isang buwan na ang nakalipas at gusto ko nalang kalimutan ang lahat kahit na sobrang hirap gawin ng bagay na iyon. Wala na akong balita kay Cloud. He blocked me sa lahat ng social media accounts na mayroon siya. Hindi ko na rin ipipilit ang sarili ko. Sure naman akong may bago na siya. Madali lang naman para sa mga lalaki ang makahanap ng iba. Hindi ko alam kung nasa Pilipinas pa siya o pumunta na ng ibang bansa, ni hindi man lang niya ako hinanap o kinausap man lang. Puwede pala talaga iyon, ‘no. Kahit gaano kayo ka-close puwede talagang dumating kayo sa punto na hindi na kayo magpapansinan. Gano’n siguro talaga at wala na tayong magagawa doon. Move forward nalang. “Hi, are you new here?” Inangat ko ang tingin ko para makita ang mukha niya. Oh, a man. Bakit kaya ako kinakausap nito? “Uh, yeah.” Pinagmamasdan ko lang siya. Isa siyang bakasyonista if I am not mistaken. Guwapo siya at maganda ang built ng katawan. Ewan, bakit physical appearance niya ang napansin

  • Pranking the Businessman    CHAPTER 33

    CLOUD'S POV Nakakagalit talaga! Akala ko magkakaanak na ako, akala ko daddy na ako! Puro kasinungalingan lang pala iyon! Ang bobo ko rin talaga sa part na hindi ko man lang siya hiningian ng proofs na magpapatunay na buntis talaga siya. "T*nga mo, Cloud!" Hindi ko man lang ginamit ang utak ko! Ipakausap ka ba naman sa daddy niya na terror, hindi ka pa ba mapapaniwala na buntis talaga siya? Daddy niya naman iyon sa pagkakaalam ko dahil may mga pictures sila sa timeline niya. I just never thought that it would happen at all! That this is possible! She is indeed a self-proclaimed prankster na wala lang magawa sa buhay! Isa pa itong si Yvo, bumalik na siya. Bumalik siya kung kailan hindi ko na siya mahal, kung kailan naka-move on na ako. Ang komplikado na tuloy! Si Yvo ang unang humalik sa akin kanina, malas pa na saktong naabutan kami sa akto. Kitang-kita ko ang inis sa mukha niya kanina nang makita kaming naghahalikan ni Yvo pero nakaramdam ako ng tuwa dahil pakiramdam ko nasak

  • Pranking the Businessman    CHAPTER 32

    "Ang shunga! Naiwan mo mga gamit mo sa bahay niya!" Bahagya kong nasapo ang sintido ko pero hindi na ako nagsayang ng oras at pumihit na agad pabalik kung nasaan banda ang bahay niya. Magkahalong inis at sakit ang nararamdam ko ngayon pero pilit kong pinupunasan ang mga luha ko para hindi mahalata ni Ulap na sobrang umiyak ako. Ayaw kong kaawaan niya ako! Ito naman ang pride ko. Nakakainis na talaga! "I super miss you, baby loves! Super-super! As in super talaga! I missed that lips. That voice. That face. That stare. Arggg! I missed everything about my baby loves! How about you, did you miss me ba?" Kahit hindi pa ako nakakapasok sa bahay ay rinig ko na ang litanya niya. Kailan pa nagkaroon ng haliparot sa bahay na ito?! Ang arte magsalita! Dali-dali akong pumasok para makuha na ang mga gamit ko para tuluyan na akong mawala sa buhay niya! Bilis-bilisan mong maglaho, Gara! Huwag kang makupad! Hindi na ako nagulat na may kasama siyang babae pero ang ikinagulat ko ay ang paghahalikan

  • Pranking the Businessman    CHAPTER 31

    GARA'S POVSince Saturday ngayon ay dito lang kami sa bahay mag-i-stay, pati Sunday free day para sa amin. Monday to Friday lang ang office day namin. Kagagaling ko lang sa second floor, kagigising ko lang din kasi at 7:00 a.m. na ako bumangon. Kinukusot ko pa ang mga mata ko habang nagtitimpla ng gatas. Dapat daw kasi uminom ako ng gatas every morning sabi ni Ulap. Katatapos ko lang ilagay ang mainit na tubig sa baso nang may nag-doorbell. "Manang, pasuyo naman po. Pakitignan naman po kung sino ang nag-doorbell, papasukin niyo na rin po. Salamat po!" Nasa sala kasi si Manang, pinapakain niya si Tilaffy. "Sige. Ako na ang titingin kung sino iyon." Lumabas na agad si Manang para tignan kung sino ang nag-doorbell. "Wala naman kaming ini-expect na bisita ah."Matapos kong humigop ng gatas ay may narinig ako na pamilyar na boses na nanggagaling sa labas kaya mabilis akong lumabas ng bahay. Hindi nga ako nagkamali kung sino siya. Bakit ngayon pa, tadhana?! Parang bumigat ang pakiramd

  • Pranking the Businessman    CHAPTER 30

    "Bawal ko ba yakapin ang asawa kong maganda?" Agad niya akong pinakawalan mula sa mahigpit niyang yakap bago bahagyang tumawa. "Na-carried away lang. Sorry." "Tongeks, okay lang. Huwag ka ngang mag-sorry diyan. Alam ko namang natuwa ka lang kaya mo ako niyakap. Binibiro lang din kita na bawal though bawal naman talaga HAHA!" Nanood na siya ulit pero alam kong pinapakinggan niya lang ako. Ang ganda ng movie kaso distracted na ako dahil nasimulan ko nang mag-ingay. Kahit kailan talaga itong bibig ko! Hanggang sa matapos ang movie ay hindi na ako nagsalita pa ulit. Mabuti nalang naintindihan ko rin ang buong concept ng movie kahit na may mga hindi akong napanood na part dahil sa pagtatanong ko kay Ulap. Naging bata ang isang goldfish sa movie na pinanood namin, medyo magical ang ibang mga bagay-bagay. May point na naaalala ko si Tilaffy habang nanunood ako, naisip ko rin na baka maging bata rin si Tilaffy pero imposible ang iniisip ko HAHA! Weirdo. In-off na ni Ulap ang laptop. "Saba

  • Pranking the Businessman    CHAPTER 29

    GARA'S POVThese past few days hindi ko na inasar si Cloud dahil baka magkatampuhan lang kami. Hindi ko naman gustong mag-aalala siya nang pumunta ako sa bahay ng parents niya, sadyang nag-worry lang talaga siya. Days without asaran seem so boring to me. Feeling ko napaka-plain ng araw kapag hindi ko naaasar si Cloud. Pero ayaw ko namang mag-away kami ulit. Hindi deserve ni Cloud na mag-alala at mainis ulit nang dahil lang sa katulad ko. Ayaw ko na gumawa ng mga bagay na ikakasama ng loob niya. Lalayo ako kaagad kapag nalaman niya na ang kasalanan ko, ayaw ko na siyang saktan muli. Kapag nabunyag na ang kasinungalingang nagko-connect sa amin ay mami-miss ko talaga ang pang-aasar ko sa kaniya at ang pag-aasar niya sa akin. Nakakalungkot lang na isipin na maghihiwalay din kami one of these days. Mabilis na lumilipas ang mga araw, hindi ko maitatangging napapalapit na ako sa kaniya at nasasanay na ako sa presence niya. Sobrang malulungkot talaga ako kapag dumating na ang araw na hindi

  • Pranking the Businessman    CHAPTER 28

    Pinagloloko yata talaga ako ni Cloud eh! Siya ba talaga ang babae niya? Bumalik agad ako sa office ni Cloud matapos ko silang makitang nag-uusap dahil mahirap na kapag nahuli niya akong sumisilip. Mag-iisang oras na akong nag-iisa rito sa office niya, naglinis-linis nalang muna ako dahil hindi ko pa alam ang mga puwede kong maitulong sa kaniya at ayaw ko ring pakialaman ang mga bagay-bagay dito. "Narito ka na pala." Mukhang good mood siya dahil ngumingiti-ngiti pa siya matapos magsalita at maaliwalas ang mukha niya. Epekto ba ito ng babae niya? "Yep-yep, Ulap." "Ulap?" May pagtataka sa mukha at napawi na rin ang ngiti sa mga labi niya. "Tagalog ng Cloud ay ulap kaya ikaw si ulap. Huwag slow, translation lang iyan ng pangalan mo." Pangiti-ngiti pa ako matapos kong mag-explain. "Ayaw kong tawagin mo akong ulap." Sumimangot na siya. Ang arte-arte akala mo kina-guwapo niya. "And why?" Naisip ko lang na ibahin ang tawag sa kaniya since halos lahat ay tinatawag siya na Cloud. Gusto k

  • Pranking the Businessman    CHAPTER 27

    Nasulit ang mga oras ko kasama si Manang Lea kahapon at marami pa siyang naikuwento sa akin patungkol sa buhay niya. Bale nag-aayos na ako ngayon dahil ngayon na raw ako sasama kay Cloud sa office nila. Hindi totoo iyong magluluto ako ng pinakbet para sa babae niya. Joke ko lang iyon dahil baka maging mapait pa ang lasa. I applied simple make up lang, bale manipis na blush on lang, light lipstick, at bawi nalang sa kilay dahil ang bongga talaga ng kilay ko ngayon. Cloud prepared the clothes that I am wearing right now. White shirt for the inside of a black coat and a formal black skirt. We actually have the same color of clothes, parang couple outfits. Parang ipinasadya. Pagkababa ko sa first floor ay nag-aantay na siya sa akin kaya sabay na kaming lumabas ng bahay matapos makapagpaalam kay Manang Lea. Na-expectation versus reality talaga ako nang marating namin ang office nila. Sumakay pa kami ng kotse samantalang puwede naman palang lakarin dahil nasa labas lang ng village ang

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status