I had a good sleep din dito sa hotel na tinuluyan ko pansamantala, ayaw kong mang-istorbo ng mga tao kaya pinili ko nalang na sa hotel nalang na ito magpalipas ng gabi. All my things are already here na rin sa kuwarto at kagigising ko lang ngayon. In-on ko ang cellphone ko para malaman kung anong oras na at alas-sais na pala ng umaga. Naki-connect ako sa Wi-Fi rito sa hotel para tumingin ng mga message sa Messenger. "Susunduin kita sa inyo at 7:00 a.m. and wear a white formal dress or any white clothes." The message was sent 2 hours ago pero online rin siya ngayon. Friends na rin kami sa Facebook, siya ang nag-add. Nag-reply ako na wala ako sa bahay namin kaya tinanong niya ako kung nasaan ako, binigay ko ang name at address ng hotel sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Dapat hindi ko na dinaragdagan ang kasalanan ko pero ito parang mas pinapalaki ko pa ang problema. Nagpaluto nalang ako ng pagkain bago naghanap ng formal white dress or something na puwede isuot. After 6:30 a.m.
CLOUD'S POVPabalik na ako sa hotel niya para kunin ang mga gamit, nagrenta na rin ako ng tatlong taxi para mailipat na sa bahay ang mga gamit niya.May kakaiba sa kaniya ngayong araw, hindi ako sanay na ang tamlay niya at medyo tahimik. Parang may dinaramdam siya at pinapasan na mabigat na problema na ayaw niya lang sabihin sa akin. Sabagay sino ba naman ako para sabihan niya ng mga problema sa buhay dahil ikinasal lang naman kami kasi may anak kami at hindi dahil mahal namin ang isa't isa.Baka nagulat din dahil biglaan ang kasal namin na ni hindi man lang siya napasabihan. Minabuti na naming hindi nalang sabihin sa kaniya para hindi na siya makialam pa saka para hindi niya na rin isipin pa o kaya ay para hindi na dumagdag sa mga problema niya.My friends helped me to set up everything.Akala ko hindi ako susuportahan ng parents ko but in the end they did, napagdesisyunan din namin na civil wedding nalang para hindi komplikado ang preparations. Sa tulong naman ng connections nila ay
GARA'S POVIpinakilala ako ni Mommy Mona sa mga bisita na pumunta rito sa bahay nila. May mga politiko, may career sa showbiz, businessmen and businesswomen, etc. Nakakapagod din makipag-usap sa kanila at ang iba pa sa kanila ay spokening dollars, muntik-muntik na akong ma-nosebleed. Biro lang. Fluent naman ako sa pagsasalita gamit ang English language. Katatapos ko lang kausapin ang uncle ng asawa ko at isa siyang engineer, mga 40 years old na siya ngayon. Ma-kwento siya about sa mga pinagdaanan niya bago siya naging engineer at ipinagmalaki niya si Cloud sa akin, proud na proud siya dahil mabait at matalino daw si Cloud. Tanging ngiti at pagtango lang ang madalas na tugon ko sa mga sinasabi niya dahil hindi ko pa lubusang kilala ang pamangkin niya. Papakilala na naman sana ako ni Mommy Mona sa iba nang may lumapit na lalaki sa amin. Matangkad siya, mga kasing-height ko rin. Chinito, maputi, matangos ang ilong at medyo maalon-alon ang maiitim niyang buhok. "Hi, tita! Puwede ko po
"Maaga pa naman," sambit ni Cloud habang nakatingin sa akin na para bang hindi sigurado kung sasama na ba sa akin o iinom pa. Huwag ka nang mag-isip pa. Tara na! "Anong maaga pa ha? Tara na! Can't you see na buntis ako? Hindi ako dapat nahahamugan at hindi ka dapat umiinom dahil dumadagdag ka pa sa alalahanin ko!" Ramdam ko na gumuhit ang inis sa mukha ko pero alalay lang ako sa lakas ng boses ko para hindi nakaka-iskandalo. Tahimik lang ang mga kainuman niya, mabuti nalang walang umangal sa kanila dahil kung meron man ay hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko sa kanila. "Dudes, mauna na ako ah. I need to go home na. My wife needs me there in the house so gotta go," pagpapaalam niya sa kanila. Buti naman uuwi na siya. Huwag na huwag niya akong pahihirapan dahil itatapon ko siya sa dagat kapag nagpasaway siya tapos kakainin siya ng mga pating at kapag nangyari iyon ang mababawasan na ang mga suplado sa mundo. Ayos iyon kapag nagkataon. "Sige, dude.""Ingat, dude.""Take care, m
GARA'S POVTuwang-tuwa siguro siya dahil nainis ako kanina dahil sa ginawa niya pero okay lang dahil nakaganti naman ako sa kaniya, nakaligo tuloy siya nang wala sa oras. Tse. Pumapatol ako sa alien na galing sa Mars kaya wala siyang kawala sa akin. Matapos niyang maligo ay sa sala nalang siya pumirme at nanood nalang ng basketball sa television. Feel na feel niya ang panonood samantalang wala kaming pansinan, walang pakialaman. Pero baka kaya nanahimik e baka kasi may pinagpaplanuhan siya. Ayusin niya lang dahil handa ako kahit ano pa ang iniisip o pinaplano niya laban sa akin dahil hindi ako magpapatalo sa kaniya. Never! Medyo madilim na sa labas dahil pasado alas-sais na ng gabi. "Kain na, kamahalan." Kagagaling niya lang sa second floor at mukhang bihis na bihis siya ngayon. Himalang pumunta pa siya rito sa kusina kung may lakad naman pala siya. Dapat lumayas na lang siya agad. Saan kaya ang punta ng feeling single kong asawa? Tumingin siya sa akin nang deretso samantalang ti
Bubuksan ko na sana ang kuwarto niya nang bigla siyang lumabas mula sa guest room habang tumatawa.Anong ibigsabihin nito?! Bakit siya tumatawa?! Naka-drugs ba siya?!"IZZA PRANK HAHAHA! Iyakin ka pala e HAHAHA! Nandito lang ako oh!" May gana pa talaga siyang tawanan ako. She is definitely crazy! The h*ll! Tuwang-tuwa pa siya!"Anong ibigsabihin nito ha?! Niloko mo lang ako?!" Pakiramdam ko ay biglang natuyo ang mga luha ko dahil sa tindi ng galit na bumabalot sa sistema ko ngayon. "This is unforgivable!""Oh? Haha joke lang iyong text ko sa'yo." Pahawak-hawak pa siya sa tummy niya dahil sumakit siguro sa sobrang pagtawa niya. Isip-bata!Tawang-tawa siya samantalang hindi na siya nakakatuwa. "Come on, let me take a picture of a crying dada!" Kinuha niya ang cellphone niya mula sa bulsa ng pants niya at akmang lalapitan ako pero hindi niya na natuloy dahil..."Ikaw! Ano ba talaga ang gusto mo ha? Ang pag-trip-an ako? P'wes, back off dahil wala akong panahon na makipaglokohan sa'yo! Munt
Ilang oras lang ang tulog ko pero ayos na rin na kahit papaano ay nakatulog ako. Alas-sais na ng umaga at sobrang antok na antok pa ako. Kumusta na kaya siya? Sisilip muna ako sa kuwarto niya.Pagsilip ko sa kuwarto niya ay wala siya roon. Bumaba ako sa first floor pero ni anino niya ay hindi ko nasilayan. Nasaan kaya siya? Magluluto at maglilinis nalang muna ako. May sari-saring gulay dito kaya pinakbet nalang ang iluluto ko. Nagsaing muna ako bago nagluto ng ulam, kumain na rin agad ako para may energy para sa mga gagawin ko pa ngayong araw. Nagwalis-walis ako pagkatapos kumain, nagligpit ng mga ililigpit, at naglinis ng mga lilinisin. Gusto ko kasi na laging malinis at maaliwalas ang bahay dahil nakagagaan kasi ng pakiramdam at para na rin mas maka-attract ng good vibes. Kasalukuyan akong nagliligpit ng mga iilang kalat sa backyard nang may narinig akong nag-uusap sa loob ng bahay. Boses niya at boses ni? Nang pumasok na ako sa loob ng bahay ay hindi ko sila nakita sa first f
"Pero huwag mo ring kalimutan na may mga bituin. Isa ako sa mga bituin mo, Gara. Lagi lang akong nandito para sa'yo. Isipin mo nalang na hindi siya kawalan dahil siya ang nawalan. Huwag kang manghinayang sa taong ikaw mismo ang sinayang. Know your worth. You are precious as gems.""Salamat ah. Pinapalakas mo ang loob ko, Ida. Bye na muna. Iiyak ko nalang ito ngayon para bukas medyo magaanna ang pakiramdam ko. Ingat ka lagi. I love you!""Welcome, Gara. Tawag ka lang anytime." "Noted. Thanks. I miss you so much. Bye." In-end ko na ang call kasabay nang pangyakap sa akin ng matinding pighati. Mukhang hindi na naman ako makakatulog nito! IDA'S POVAwang-awa ako kay Gara, ramdam ko sa bawat paghagulhol niya ang sakit na nararamdam niya kanina. How I wished I was there in the Philippines to give her a warm hug. Hindi ko alam kung tatawagan niya ba si Tary o magmumukmok nalang sa isang tabi. Ang sama ni Tary! Kung alam ko lang na nasasaktan niya si Gara ede sana pala hindi ko na sana s
“Nandito ka lang palang bata ka, kanina ka pa hinahanap ng parents mo.”“Tito, nagpaalam naman ako sa kanila.”“Puntahan mo muna parents mo, Tintine.”“Okay po.”Hinawakan ni Tintine ang kamay ko. “Miss Ara, bye po muna, ah.”Ngumiti ako sa kaniya. “It’s okay, Tintine. Bye.”Patakbo na siyang umalis na tila nagmamadali matapos naming mag-usap. Naiwan kami ng tito niya.“Sorry if Tintine has disturbed your ’me time’ ha,” sabi niya.“No, it’s okay. Sit down, please.” Kanina pa kasi siya nakatayo.Umupo siya. “Madaldal talaga ang batang ‘yon.”“Ah, oo. Mabait din siya.” Medyo nakaka-ilang makipag-usap sa kaniya. “Ano palang name mo?” tanong ko.“I’m Kian Roser. Older brother of Kino Roser, the owner of this resort. Ang papa naman ni Tintine ay bunso naming kapatid. His name is Kun Roser.”Ah, kapatid niya pala si Kino, ‘yung guy na una kong nakilala dito sa resort.“You can call me “Ara”. Na-meet ko na ‘yung brother mo na si Kino.”Nakatingin lang kami sa dagat. Paminsan-minsan naman ay
GARA’S POV Isang buwan na ang nakalipas at gusto ko nalang kalimutan ang lahat kahit na sobrang hirap gawin ng bagay na iyon. Wala na akong balita kay Cloud. He blocked me sa lahat ng social media accounts na mayroon siya. Hindi ko na rin ipipilit ang sarili ko. Sure naman akong may bago na siya. Madali lang naman para sa mga lalaki ang makahanap ng iba. Hindi ko alam kung nasa Pilipinas pa siya o pumunta na ng ibang bansa, ni hindi man lang niya ako hinanap o kinausap man lang. Puwede pala talaga iyon, ‘no. Kahit gaano kayo ka-close puwede talagang dumating kayo sa punto na hindi na kayo magpapansinan. Gano’n siguro talaga at wala na tayong magagawa doon. Move forward nalang. “Hi, are you new here?” Inangat ko ang tingin ko para makita ang mukha niya. Oh, a man. Bakit kaya ako kinakausap nito? “Uh, yeah.” Pinagmamasdan ko lang siya. Isa siyang bakasyonista if I am not mistaken. Guwapo siya at maganda ang built ng katawan. Ewan, bakit physical appearance niya ang napansin
CLOUD'S POV Nakakagalit talaga! Akala ko magkakaanak na ako, akala ko daddy na ako! Puro kasinungalingan lang pala iyon! Ang bobo ko rin talaga sa part na hindi ko man lang siya hiningian ng proofs na magpapatunay na buntis talaga siya. "T*nga mo, Cloud!" Hindi ko man lang ginamit ang utak ko! Ipakausap ka ba naman sa daddy niya na terror, hindi ka pa ba mapapaniwala na buntis talaga siya? Daddy niya naman iyon sa pagkakaalam ko dahil may mga pictures sila sa timeline niya. I just never thought that it would happen at all! That this is possible! She is indeed a self-proclaimed prankster na wala lang magawa sa buhay! Isa pa itong si Yvo, bumalik na siya. Bumalik siya kung kailan hindi ko na siya mahal, kung kailan naka-move on na ako. Ang komplikado na tuloy! Si Yvo ang unang humalik sa akin kanina, malas pa na saktong naabutan kami sa akto. Kitang-kita ko ang inis sa mukha niya kanina nang makita kaming naghahalikan ni Yvo pero nakaramdam ako ng tuwa dahil pakiramdam ko nasak
"Ang shunga! Naiwan mo mga gamit mo sa bahay niya!" Bahagya kong nasapo ang sintido ko pero hindi na ako nagsayang ng oras at pumihit na agad pabalik kung nasaan banda ang bahay niya. Magkahalong inis at sakit ang nararamdam ko ngayon pero pilit kong pinupunasan ang mga luha ko para hindi mahalata ni Ulap na sobrang umiyak ako. Ayaw kong kaawaan niya ako! Ito naman ang pride ko. Nakakainis na talaga! "I super miss you, baby loves! Super-super! As in super talaga! I missed that lips. That voice. That face. That stare. Arggg! I missed everything about my baby loves! How about you, did you miss me ba?" Kahit hindi pa ako nakakapasok sa bahay ay rinig ko na ang litanya niya. Kailan pa nagkaroon ng haliparot sa bahay na ito?! Ang arte magsalita! Dali-dali akong pumasok para makuha na ang mga gamit ko para tuluyan na akong mawala sa buhay niya! Bilis-bilisan mong maglaho, Gara! Huwag kang makupad! Hindi na ako nagulat na may kasama siyang babae pero ang ikinagulat ko ay ang paghahalikan
GARA'S POVSince Saturday ngayon ay dito lang kami sa bahay mag-i-stay, pati Sunday free day para sa amin. Monday to Friday lang ang office day namin. Kagagaling ko lang sa second floor, kagigising ko lang din kasi at 7:00 a.m. na ako bumangon. Kinukusot ko pa ang mga mata ko habang nagtitimpla ng gatas. Dapat daw kasi uminom ako ng gatas every morning sabi ni Ulap. Katatapos ko lang ilagay ang mainit na tubig sa baso nang may nag-doorbell. "Manang, pasuyo naman po. Pakitignan naman po kung sino ang nag-doorbell, papasukin niyo na rin po. Salamat po!" Nasa sala kasi si Manang, pinapakain niya si Tilaffy. "Sige. Ako na ang titingin kung sino iyon." Lumabas na agad si Manang para tignan kung sino ang nag-doorbell. "Wala naman kaming ini-expect na bisita ah."Matapos kong humigop ng gatas ay may narinig ako na pamilyar na boses na nanggagaling sa labas kaya mabilis akong lumabas ng bahay. Hindi nga ako nagkamali kung sino siya. Bakit ngayon pa, tadhana?! Parang bumigat ang pakiramd
"Bawal ko ba yakapin ang asawa kong maganda?" Agad niya akong pinakawalan mula sa mahigpit niyang yakap bago bahagyang tumawa. "Na-carried away lang. Sorry." "Tongeks, okay lang. Huwag ka ngang mag-sorry diyan. Alam ko namang natuwa ka lang kaya mo ako niyakap. Binibiro lang din kita na bawal though bawal naman talaga HAHA!" Nanood na siya ulit pero alam kong pinapakinggan niya lang ako. Ang ganda ng movie kaso distracted na ako dahil nasimulan ko nang mag-ingay. Kahit kailan talaga itong bibig ko! Hanggang sa matapos ang movie ay hindi na ako nagsalita pa ulit. Mabuti nalang naintindihan ko rin ang buong concept ng movie kahit na may mga hindi akong napanood na part dahil sa pagtatanong ko kay Ulap. Naging bata ang isang goldfish sa movie na pinanood namin, medyo magical ang ibang mga bagay-bagay. May point na naaalala ko si Tilaffy habang nanunood ako, naisip ko rin na baka maging bata rin si Tilaffy pero imposible ang iniisip ko HAHA! Weirdo. In-off na ni Ulap ang laptop. "Saba
GARA'S POVThese past few days hindi ko na inasar si Cloud dahil baka magkatampuhan lang kami. Hindi ko naman gustong mag-aalala siya nang pumunta ako sa bahay ng parents niya, sadyang nag-worry lang talaga siya. Days without asaran seem so boring to me. Feeling ko napaka-plain ng araw kapag hindi ko naaasar si Cloud. Pero ayaw ko namang mag-away kami ulit. Hindi deserve ni Cloud na mag-alala at mainis ulit nang dahil lang sa katulad ko. Ayaw ko na gumawa ng mga bagay na ikakasama ng loob niya. Lalayo ako kaagad kapag nalaman niya na ang kasalanan ko, ayaw ko na siyang saktan muli. Kapag nabunyag na ang kasinungalingang nagko-connect sa amin ay mami-miss ko talaga ang pang-aasar ko sa kaniya at ang pag-aasar niya sa akin. Nakakalungkot lang na isipin na maghihiwalay din kami one of these days. Mabilis na lumilipas ang mga araw, hindi ko maitatangging napapalapit na ako sa kaniya at nasasanay na ako sa presence niya. Sobrang malulungkot talaga ako kapag dumating na ang araw na hindi
Pinagloloko yata talaga ako ni Cloud eh! Siya ba talaga ang babae niya? Bumalik agad ako sa office ni Cloud matapos ko silang makitang nag-uusap dahil mahirap na kapag nahuli niya akong sumisilip. Mag-iisang oras na akong nag-iisa rito sa office niya, naglinis-linis nalang muna ako dahil hindi ko pa alam ang mga puwede kong maitulong sa kaniya at ayaw ko ring pakialaman ang mga bagay-bagay dito. "Narito ka na pala." Mukhang good mood siya dahil ngumingiti-ngiti pa siya matapos magsalita at maaliwalas ang mukha niya. Epekto ba ito ng babae niya? "Yep-yep, Ulap." "Ulap?" May pagtataka sa mukha at napawi na rin ang ngiti sa mga labi niya. "Tagalog ng Cloud ay ulap kaya ikaw si ulap. Huwag slow, translation lang iyan ng pangalan mo." Pangiti-ngiti pa ako matapos kong mag-explain. "Ayaw kong tawagin mo akong ulap." Sumimangot na siya. Ang arte-arte akala mo kina-guwapo niya. "And why?" Naisip ko lang na ibahin ang tawag sa kaniya since halos lahat ay tinatawag siya na Cloud. Gusto k
Nasulit ang mga oras ko kasama si Manang Lea kahapon at marami pa siyang naikuwento sa akin patungkol sa buhay niya. Bale nag-aayos na ako ngayon dahil ngayon na raw ako sasama kay Cloud sa office nila. Hindi totoo iyong magluluto ako ng pinakbet para sa babae niya. Joke ko lang iyon dahil baka maging mapait pa ang lasa. I applied simple make up lang, bale manipis na blush on lang, light lipstick, at bawi nalang sa kilay dahil ang bongga talaga ng kilay ko ngayon. Cloud prepared the clothes that I am wearing right now. White shirt for the inside of a black coat and a formal black skirt. We actually have the same color of clothes, parang couple outfits. Parang ipinasadya. Pagkababa ko sa first floor ay nag-aantay na siya sa akin kaya sabay na kaming lumabas ng bahay matapos makapagpaalam kay Manang Lea. Na-expectation versus reality talaga ako nang marating namin ang office nila. Sumakay pa kami ng kotse samantalang puwede naman palang lakarin dahil nasa labas lang ng village ang