Share

Chapter 9

Author: reyvonn
last update Last Updated: 2021-08-02 11:35:36

"Are you out of your mind, Taliyah Lavianna?!" Gulantang na sigaw ni Vicky nang isa-isahin ko sakaniya ang nangyari.

Nag-usap kami ni Davien. And... I gave him another chance. I love him. I think that's enough reason for me to forgive him. Being in a relationship with him for a year now is quite long. He flew all the way from Manila upang kausapin lang ako. Napaaga ang dating niya rito dahil sa nangyari. 

Nasa guestroom ngayon si Davien at marahil ay tulog pa. It's still 5 am. Pagkatapos ng pag-uusap namin kanina, hindi ko na magawang matulog ulit. 

"Vicky, why can't you just be happy for me? You know how much I love him. Everyone deserves a second chance." I sighed and brushed my hair with my fingers. Maging ako man ay napangiwi sa huling sinabi. 

"Gasgas na ang linyang iyan, Talianna. Tanga ka lang talaga!"

Nanlaki ang mga mata ko sakaniyang paratang. She doesn't usually talk like this not unless sagad na ang kaniyang pasensiya.

Umungol pa siya na tila frustrated na sa akin. "Talianna, listen. I'm just worried about you. Paano kung paulit-ulit niyang gawin iyan? Paulit-ulit mo rin siyang pagbibigyan? Nagloko siya! Walang magandang eksplenasyon doon! Hindi ko alam kung paano ka niya binilog at nagpadala ka!"

"I know what I'm doing, Vicky. Kung magloko man siya ulit, there's no way I'll forgive him again," malamig kong sinabi.

"Talaga ba, Talianna?" She snorted.

I lazily rolled my eyes.

"You know what? Bakit hindi na lang si Kuya Trez? He really likes you, Talianna. Nagbabalak nga siyang yayain kang mag-date once na makauwi kami. He doesn't care about Davien. He knows about Davien's reputation when it comes to girls... bitches rather. Handa siyang sulutin ka from him."

Kumunot ang noo ko at bahagyang natawa.

"Sorry. He's way too late now. Nag-fade na ang infatuation ko sakaniya. Last two years ago pa."

"Nakakainis kasi si Kuya! Kung noon ka pa niya pinursue, edi malaki ang tsansa na maging sister in law tayo!" 

"Sorry to burst your bubble but that won't happen. Makuntento ka na lang sa pagiging mag-bestfriends natin."

Humaba nang humaba ang aming usapan hanggang sa natatanaw ko na ang unti-unting pagsikat ng araw mula rito sa balkonahe. The sea looked like a metallic gray, glistening as the light pierced through the clouds and danced over the surface. It is the invitation to a new day. The sun rose like a flower opening, gifting its petals unto the world. A very ordinary yet, extraordinary view.

It was bright and fascinating as if it was inviting me to stare, deep into the horizon.

"Good morning, Ma'am," bati ni Blair pagpasok ko sa dining area. Ngumiti ako sakaniya. Nakabalik na pala siya. Mukhang kadarating niya lang.

"Kumusta ang kapatid mo, Blair?" I asked her. 

"Mabuti na siya, Ma'am. Masigla na. Hindi gaya noong nakaraan na halos hindi na makabangon." Malapad ang kaniyang ngiti habang sinasalinan ng juice ang aking baso. 

"That's good to hear." 

Habang kinakagat ko ang bacon, naramdaman kong may humalik sa aking buhok. Nag-angat ako ng tingin kay Davien. He was smiling at me. Magulo pa ang kaniyang buhok.

"Good morning, babe. How's your sleep?" Malambing niyang sinabi habang paupo sa aking tabi. Sinenyasan niya si Blair na magtimpla ng kape.

"Good." Tipid akong ngumiti.

"What do you want to do today? Babawi ako..." Bulong niya at pinisil ang aking kamay.

Napakurap ako at tumikhim. "Uhm, kumain muna tayo, Davien."

"Alright." He smiled gently.

Marami siyang sinasabi sa gitna ng aming pagkain ngunit tipid lamang ang mga sagot ko. I don't know. I suddenly felt very uncomfortable with him. Maybe the cheating part tainted my opinion of him. I think that's normal. Masyado pang sariwa ang nangyari. Nang umakyat siya upang mag-shower, ako naman ay nagtungo sa dalampasigan upang makalanghap ng sariwang hangin.

And... I was also hoping to see Nabrel dahil alam kong ganitong oras dumadating ang mga mangingisda.

I was wearing my baby blue off-shoulder summer dress. Nang matanaw ko ang ilang mga bangka, nakaramdam ako ng galak. Nagtatawanan sila habang nagbababa ng kani-kanilang mga balde at batsa. Hindi alintana ang pagod dulot ng pangingisda sa laot. I didn't even realize that I was smiling while looking at them. They seemed very happy with their simple lives. Sino nga bang hindi gugustuhin ang mamuhay ng payak at payapa?

And then I saw Nabrel. He was talking to the guy beside him. Tumawa ang kausap niya habang siya naman ay umiling, tila dismayado. Kasama nila ang ilang mga kalalakihan. 

I bit my lower lip and walked towards them. Napabaling sa akin ang kausap niya kanina. And then I noticed one thing about the guy. Halos manlaki pa ang mga mata ko nang matanto kung gaano kalaki ang hawig niya kay Nabrel! But this guy looked younger than him and he also got a pair of green eyes. Mas mahaba ang buhok nito kaysa kay Nabrel. Sumasayaw iyon sa bawat galaw niya. Pareho silang naka-white t-shirt. This must be his brother?

Kitang-kita kong siniko niya si Nabrel. Kumunot ang noo ni Nabrel bago napalingon sa akin. Bahagya pang namilog ang kaniyang mga mata nang matanaw ako. Nakuha ko na rin ang atensiyon ng ibang mga mangingisdang naroon. Ngumiti sa akin ang isang lalaking payat. I almost cringe with the way how he smiled at me. 

Hindi ko siya pinansin at lumingon na lang kay Nabrel. I smiled widely and waved my hand. Kumunot ang kaniyang noo. 

"Hi!" Masigla kong bati.

"Talianna, anong ginagawa mo rito?" Aniya na mukhang gulat pa sa aking presensiya. Pinunasan niya ang kaniyang noo gamit ang maliit na puting tuwalyang nakasabit sakaniyang balikat.

"Nothing. I was just walking around and then I saw you. Hello po!" Ngumiti ako sa ibang mga mangingisdang naroon na nakatingin pa rin sa akin. Nahuli ko ang pagbulong ng isa sakanila sa tabi nito. Tumango ang binulungan nito at muling tumingin sa akin.

Nakangisi ang lalaking kamukha ni Nabrel sa akin. Hinaplos niya ang kaniyang buhok bago nilahad ang kaniyang kamay.

"Magandang umaga. Ako nga pala si Senyel. Ikaw iyong anak ni Lavino Monselorette, hindi ba?" Magiliw niyang sinabi habang nakangisi pa rin. 

Ngumiti ako at tumango. Akmang tatanggapin ko ang kaniyang kamay nang tinampal iyon ni Nabrel.

"Marumi ang kamay mo, Senyel," seryoso niyang sinabi habang matalim ang tingin sakaniyang kapatid. Nagkibit-balikat ito at binaba ang kamay. 

"No, it's fine." I smiled at him. Sumulyap siya sa akin, matalim pa rin ang tingin. 

"Bumalik ka na sa mansiyon ninyo, Talianna. Hindi ka dapat nandito."

Nabura ang ngiti ko at napalitan ng simangot. "What's wrong with you, Nabrel? I just want to talk to them! To you! Bakit mo ba ako pinapaalis ha?"

Umawang ang kaniyang mga labi at sandaling natulala sa akin. Nag-iwas siya ng tingin. Umigting ang kaniyang panga. Nakita ko rin na mukhang nasindak ang ilang mga mangingisda. 

"Abala kami rito. Hindi ka malilibang sa pakikipag-usap sa amin."

"Then let me stay here. Mananahimik na lang ako. I will just watch. I don't want to go back to the mansion." Ngumuso ako.

"Tss. Ang kulit," aniya habang umiiling. Nakasimangot na siya at nag-squat sa harapan ng isang balde. Inabala na lang ang sarili sa mga isdang naroon. Mukhang pinipili niya ang mga malalaki. 

Nilingon ko ang kaniyang kapatid na nakangisi pa rin sa akin. Tinawag siya ng isang mangingisda. He bit his lower lip and shook his head before he turned his back.

"Kuya, ni hindi nga yata kumakain ng isda iyan." Dinig kong sinabi niya bago tuluyang lumayo. 

Ngumuso ako. Tumayo si Nabrel at naglakad palapit sa akin. Matamis akong ngumiti ngunit nanatili lamang nakabusangot ang kaniyang mukha. 

"Are you going to the mansion later, Nabrel?" I bit my lip, realizing what I just said. 

Umiling lamang siya. Akala ko ay sa akin siya patungo ngunit kinuha niya lang pala ang baldeng nasa bandang gilid ko. Punung-puno iyon ng mga isdang hindi ko alam kung ano ang tawag. Walang kahirap-hirap niya iyon inangat at nilipat sa mga nakahilerang balde at batsang naroon. 

Ang ibang mga mangingisdang naroon ay biglang lumayo. Ang isa ay hinila pa ang manggas ng t-shirt na suot ng payat na lalaking naiwan. 

"Uy! Aray, ah!" Gulat pa nitong sinabi ngunit wala nang nagawa kundi ang magpatinaod. 

I ran my fingers through my hair. Amoy na amoy ko ang tubig-alat. Somehow, it soothed my soul. Unti-unti na yata akong nasasanay sa ganitong kapaligiran. Muli kong nilingon si Nabrel na nakatitig lang sa akin. He looked away before he crouched to lift the basin. Napakurap ako bago magsalita. 

"Uhm, I thought pupunta tayo sa isla ni Dad? Kailan iyon, Nabrel? Gusto ko mamaya na. Naiinip ako sa mansiyon," malamig kong sinabi upang makita niyang seryoso ako at hindi handang tumanggap ng pagtanggi. 

Tumuwid siya ng tayo nang mailapag ang balde at nakapamaywang akong hinarap. He licked his lower lip. Sandaling umawang ang kaniyang labi bago magsalita. 

"May trabaho ako mamaya, Talianna," seryoso ang kaniyang tono. 

I swallowed hard. Nakaramdam ako ng panlalamig sa aking tiyan. Hindi ko maintindihan kung bakit...

Kinagat ko ang aking labi at tumango. "Okay. I understand. Pero s-sa Sunday ba? May trabaho ka rin?" Maingat kong sinabi. I was unconsciously playing with my fingers. Kinakabahan ako at hindi ko iyon gusto. 

Nag-iwas siya ng tingin at hinaplos ang kaniyang buhok. "Mayroon din. Umuwi lang ako nang maaga noong nakaraan para samahan ka." 

"Uhm, ganoon ba? It's fine. Sa mansiyon na lang ako kung ganoon. I-I'll just wait kung kailan ka pwede."

Nagbuga siya ng hangin bago ako binalingan. Pumungay ang kaniyang mga mata. "Ayaw kong ikaw ang naghihintay, Talianna. Kaya huwag mong sabihing maghihintay ka sa akin."

I just stared at him. We just stared at each other silently. Those green eyes were piercing mine. And I can swear at this moment he senses the real me. 

Sumayaw ang aking buhok dahil sa pag-ihip ng hangin. Inayos ko iyon at nilagay sa aking kanang balikat. 

Lumagpas ang kaniyang tingin sa aking likuran. Kasabay niyon ang brasong pumulupot sa aking baywang.

Related chapters

  • Plenitude of the Soul   Chapter 10

    Halos mapatalon ako sa gulat nang makita sa tabi ko si Davien. Seryoso lamang siyang nakatingin sa aming harapan, kay Nabrel. "What are you doing here, babe? Who's this guy you're talking to?" Malamig ang kaniyang boses. He kissed my hair. Humigpit ang kaniyang braso sa akin. Nilingon ko si Nabrel. Umigting ang kaniyang panga habang nakatitig sa akin. Bumuka ang aking bibig ngunit nag-iwas na siya ng tingin. Sumikip ang aking dibdib. There was something in my heart. Something strange and heavy. I felt like it was being squeezed. I swallowed the lump in my throat. Pinanood ko siyang tahimik na inaangat ang mga balde, hindi na lumingon pa sa akin. Pumikit ako nang mariin at inalis ang braso ni Davien sa aking baywang. I tried to smile at him. Nakakunot lamang ang kaniyang noo. I noticed that he was wearing a white button down shirt and khaki shorts. Baklas ang tatlong butones niyon. Nasa ulo niya ang kaniyang aviators.&nb

    Last Updated : 2021-08-02
  • Plenitude of the Soul   Chapter 11

    Tumawag nga si Nabrel pasado alas diyes na ng gabi. Iyon daw ang eksaktong labas niya mula sakaniyang trabaho. And I can't believe I really waited for him to call me. Ni hindi ako mapakali sa bawat minutong dumadaan. At nakakairita dahil napakatagal niyang tumawag. Naiintidihan ko naman na bawal ang cellphone sakanila at sumusunod lang siya sa rules. It's just that... naiinis talaga ako. What kind of management is that, right? Paano kung biglang may emergency sa bahay nila? How would he able to know that if he cannot even touch his phone while working? Very irrational and unjustifiable! Ipasara ko kaya ang restaurant na iyon? I told him to free his schedule this coming Sunday. He didn't hesitate to say yes. Ang sabi niya ay may trabaho siya ng Linggo ngunit pumayag naman sa hiling ko. I didn't ask though. I'll pay him kaya hindi naman masasayang ang araw niya. Hindi na bumalik si Davien sa mansiyon. He texted

    Last Updated : 2021-08-03
  • Plenitude of the Soul   Chapter 12

    Maingat ang bawat paghiwa ko sa mga gulay na gagamitin sa pagluluto ng kare-kare. Tagaktak na ang pawis ko. Si Blair ang nagtuturo sa akin ng mga gagawin at pinapanood ang bawat galaw ko. "Ma'am, hindi ganiyan ang paghihiwa sa talong! Naku!" Natataranta niyang sinabi sa gilid ko. Binaba ko ang kitchen knife at tamad siyang nilingon. "Iba man ang pagkakahiwa, iisa pa rin ang lasa, Blair. Talong pa rin iyan. Stop it! Nade-destruct ako." Inirapan ko siya. Napangiwi siya sa akin at nagkamot ng ulo. She didn't say anything after that. Hinayaan na lamang ako sa aking ginagawa. It's Sunday. And Nabrel is gonna be here any minute now. I asked him to be here before lunch. Pinaaga ko dahil gusto kong matikman niya ang iluluto ko. This is his favorite, ayon nga kay Blair. Hindi ko sinabi ang dahilan kung bakit maaga ko siyang pinapapunta. Hindi na rin naman siya nagtanong. Alas singko ang usapan namin na pagpunta sa isla ni Dad. Naisipa

    Last Updated : 2021-08-03
  • Plenitude of the Soul   Chapter 13

    "I'm good. Medyo nalalapit na ang pasukan so... yeah." I smiled at Davien. Kausap ko siya ngayon through video call. He told me about his upcoming birthday. That's two weeks from now. Family dinner lang naman ang gusto niyang mangyari. Of course, kasama ako at si Dad. "Are you sure that you're gonna take Architecture? I thought you wanted to be an attorney?" He asked curiously. Nasa opisina siya. Parte na rin iyon ng kaniyang training sa pamamahala sa De Luxrey. He's still in third year and Tito Darius wanted him to exert time and effort in their company habang maaga pa. "Hmm. I just realized that being an attorney is a tough job. Delikado rin. I heard that Tito Ludwig often receives death threats. Ayoko naman ng ganoon." "You're right. Mahirap magtrabaho kung nasa hukay ang isang paa mo. You wouldn't enjoy it." Ngumuso ako at tinanaw ang malawak na karagatan mula rito sa balkonahe pagkatapos ng tawag. Davien and I... are okay. I guess. Sa loob

    Last Updated : 2021-08-04
  • Plenitude of the Soul   Chapter 14

    Humalukipkip ako at pasimpleng sinulyapan si Nabrel. Naabutan ko ang salubong niyang kilay habang tinatanaw ang aking suot. Isang beses niya pang pinasadahan ang aking suot bago nag-angat ng tingin sa aking mukha. "Kita ang braso mo, Talianna. Ang nipis mo. Malamig na sa labas. Hindi ka magdadala ng jacket?" Komento niya at hinaplos ang kaniyang buhok. Nagtaas ako ng kilay at inirapan siya. "Duh! Iyong girlfriend mo nga kita ang pusod!" maanghang kong sinabi. Kitang-kita kong natigilan siya. Nanliit pa ang kaniyang mga mata. Mas lalo akong napairap. "Sino?" Malamig ang kaniyang boses. Magarbo niya akong tinitigan na tila ba nanghahamon. "Anong sino?!" Napairap ako. Anong ibig niyang sabihin doon? Dapat ba ay kailangan pang pangalanan ang girlfriend niya? Maliban na lang kung hindi nag-iisa! He slowly licked his lower lip and tilted his head. "Wala akong maalalang may girlfriend ako, Talianna.

    Last Updated : 2021-08-04
  • Plenitude of the Soul   Chapter 15

    Hanggang sa makabalik si Nabrel dala ang dalawang platong may lamang pagkain, tulala pa rin ako. Naririnig kong may sinasabi siya ngunit hindi iyon klaro sa aking pandinig. Isang bagay lang ang tumatakbo sa isip ko ngayon... Pasimple kong pinilig ang aking ulo. Pinulot ko ang kubyertos at tinanggal ang nakabalot na tissue roon. Tinusok ko ang karne at sinubo. Pinilit kong malasahan iyon, nagbabakasaling mapawi nito ang tabang sa aking sistema. But... it didn't. Nilingon ko si Nabrel na tahimik lamang kumakain sa aking tabi. Sumulyap siya sa akin nang maramdaman ang titig ko. Bumagal ang kaniyang pagnguya at bumagsak ang tingin sa aking plato. "H-Hindi mo ba gusto ang pagkain?" Marahan niyang sinabi. Kinagat ko ang labi ko at sinubukang ngumiti sakaniya. "Gusto. Masarap," putul-putol ang aking mga salita dahil patuloy na naglalaro sa aking isip ang imahe kanina. Naramdaman ko ang panunuya ng lalamunan ko. Hinablot ko ang bote ng softdrink a

    Last Updated : 2021-08-05
  • Plenitude of the Soul   Chapter 16

    I took a shower and wore a simple pink summer dress. Hindi na ako nag-abala pang patuyuin ang buhok ko at tumulak na pababa. Tanging sina Manang na lang ang naabutan ko sa dining area nang sumilip ako roon. Ngumuso ako nang lumingon sa akin si Manang Fely, nakataas ang kilay. Umiling lamang ako at mabilis na tumalikod. Nang mapadpad ako sa hardin ay doon ko natanaw si Balir na nagwawalis. Dumako ang tingin ko sa isang banda, naroon si Nabrel at kausap si Dad. Tumatango siya sa kung anumang sinasabi ng ama ko sakaniya. Napabaling sa akin si Dad at sinenyasan akong magtungo sakanila. Huling-huli ko pa ang pagnguso ni Nabrel habang pinapanood akong papalapit. He bit his lip and his brows furrowed. Dumungaw siya sakaniyang telepono. Umangat ang kilay ko habang pinapasadahan siya ng tingin. He was wearing a white shirt and gray shorts. Very simple... he looked really fresh everytime I see him. Parang hindi pinapawisan! "Iyan na ba ang suo

    Last Updated : 2021-08-05
  • Plenitude of the Soul   Chapter 17

    "How are you doing in Belleza Eterna, Talianna?"I put down my red wine and smiled at Tito Darius."It's fun. I've actually learned to love Belleza Eterna because honestly, I hate it before. Alam iyan ni Dad. Pero ngayon po ay masasabi kong masaya ako dahil dinala ako roon ni Dad." I chuckled a bit.His wrinkles showed up even more when he smiled widely. But despite of those wrinkles, he was still a good looking man. Walang duda na ama siya ni Davien. They really looked the same.His wife, Tita Lyanov, died because of cancer. Matagal na panahon na iyon. Bata pa kami ni Davien."That's good to hear. Davien is always asking me to let him visit you every once in a while. Hindi kayang malayo ng anak kong iyan sa'yo, Talianna." Humalakhak ang matandang ginoo.I just smiled. Binagsak ko ang tingin sa aking plato. Lumingon ako kay Nalya na na

    Last Updated : 2021-10-19

Latest chapter

  • Plenitude of the Soul   Special Chapter 10

    Hindi ko na siya magawang hawakan at tuluyang lumuhod sa aking harapan. "Patawarin mo ako, Nabrel. Anak... patawad. Sobrang natakot ako para sa amin ng pamilya ko. Alam ng lahat na kilala ang pamilya ng mga De Loughrey bilang makapangyarihan. Gusto ko lang protektahan sina Sandro. Pero walang araw na hindi ako ginugulo ng konsensya ko, Nabrel. Sobrang hirap... hindi ko na kayang manahimik." Nang mga oras na iyon, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman. May halong galit, pangamba, lungkot at iba pang mga bagay na hindi ko mapangalanan. Nabanggit ng matanda ang video na kaniyang nakunan. Buong gabi kong pinanood ang dalawampu't walong segundong video. Paulit-ulit hanggang sa hindi ko na mabilang. Sampung taon na ang video ngunit klaro pa rin ang laman nun. "Iningatan ko 'yan. 'Yan ang bukod tanging iningatan ko sa buong buhay ko, Nabrel. Dahil alam ko na

  • Plenitude of the Soul   Special Chapter 9

    "Naku, toy. Mahirap iyong ganiyan. Kahit sabihin mo pang mahal ka ng babaeng 'yan, maghahanap at maghahanap 'yan ng iba sa labas. Dahil tayong mga narito sa loob, kinakalimutan.""Tama! 'Yong asawa ko, ayun! Buntis na sa ibang lalaki. At alam mo kung anong mas masaklap, toy? Kumpare ko ang nakabuntis. Putangina niyo Corazon at Manoy! Putangina niyong lahat!"Hindi madali ang buhay sa loob. Hindi ko lubos maisip na mararanasan ko ang ganitong klase ng hirap. Inalis ako sa seldang 'yon matapos ang ilang buwan. Noong una ay hindi ko alam kung bakit kailangan ang ganoon. Ngunit unti-unti ko ring nakuha ang dahilan.Malalaking tao ang kasama ko sa nilipatan na selda, punung-puno ng tattoo ang mga katawan. Pagdating ko roon, mainit kaagad ang ulo nila sa akin.Tangina. Alam ko na ang ganito.Hindi ako nagkamali. Halos araw-araw kong tiniis ang hagupit ng kanilang mga kamao. Umabo

  • Plenitude of the Soul   Special Chapter 8

    "Sabihin mo... hindi talaga kayo naghiwalay, 'di ba? Kayo pa rin hanggang ngayon. At kung anuman ang mayroon sa atin... laro lang para sa'yo. Nainip ka at ginusto mong maghanap ng mapaglilibangan habang malayo ka sakaniya.""Ang sama mo! How dare you think of me that way?! How dare you, huh?! Ganiyan ka mag-isip dahil ginagawa mo rin! Ang kapal ng mukha mong sabihin iyan pero ikaw itong lantarang may iba! Two weeks! Two fucking weeks, Nabrel... paano mo ako natiis nang ganoon katagal?""Hindi mo alam ang sinasabi mong tiniis kita..." nanginig ang boses ko."Bakit ka ba nakipag-usap sa akin kung ganito lang din naman? Sana ay hindi ka na nagreply! Sana tuluyan ka nalang hindi nagpakita! I hate you, Nabrel! I hate for accusing me! I hate you for being with Lily! I hate you for hurting me!""I hate you too..." bulong ko ngunit ang tanging gusto ko nalang gawin ay ang hilahin siya at halikan.

  • Plenitude of the Soul   Special Chapter 7

    Ramdam ko ang kaniyang panginginig. Nang masilayan ko ang mga mata niya, doon ako tuluyang nawala.In that moment, I felt that our souls were connected with each other. Her name was already marked on my soul. My whole life was full of shortcomings as I've been chastised by the cruelty of the world but when she came, my soul suddenly boasted a plenitude of tranquility.Buong akala ko ay sa kalmadong karagatan ko lamang makukuha ang ganitong klaseng kapayapaan. Ngunit mayroon palang mas higit pa roon..."Sana madali lang 'to, Talianna. Sana maintindihan mo..."Umiling siya at hinang-hina nang itulak ako."Because you love someone else. Masama ba ako, Nabrel? Naiinggit ako kay Blair. Inggit na inggit ako sakaniya."Pumikit ako ng mariin at tumingala.Bakit hindi niya magawang maintindihan? Akala ba niya ay madali para

  • Plenitude of the Soul   Special Chapter 6

    Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman matapos marinig mula sakaniya ang mga salitang 'yon.Hindi, Nabrel. Masyadong mababaw ang nararamdaman niya sa'yo. Like nga lang, 'di ba? Masyadong pambata kaya bakit ka nagkakaganyan na para bang pagmamahal ang inamin niya?"Talianna, hindi pwede. May... may girlfriend ako."Dahil sa gulo ng isip ko, dahil sa mga bagay na gumugulo sa akin tungkol sa aming dalawa, iyon lang ang tanging naging sagot ko.Inakala ko na iyon ang mas mainam sa aming dalawa. Ano bang mangyayari kung sakaling malaman niya ang nararamdaman ko? Ayaw ko nang malaman. Ayaw ko nang saktan ang sarili ko.Hindi kami pwede at ayaw ko nang kalabanin ang tadhana.Ngumiti siya ngunit alam kong hindi iyon ang ngiti na gusto niyang ipakita sa akin.Hinampas ang puso ko nang makitang namuo ang kaniyang mga luha.

  • Plenitude of the Soul   Special Chapter 5

    "Blair, marami akong responsibilidad sa buhay. Marami akong gustong gawin. At ang pakikipag-relasyon ay hindi kasama roon. Pasensya na pero..." umiling lamang ako. Humiwalay ako sakaniyang pagkakahawak."Hindi! Alam kong hindi 'yan ang dahilan mo, Nabrel. May iba kang nagugustuhan! Alam ko! Nakikita ko! Kitang-kita ko!" sigaw niya na ikinagulat ko. Ngunit hindi ko magawang pabulaanan ang kaniyang sinabi dahil alam ko na bistado na ako.Hindi na dapat ako nagpunta pa rito sa mansyon ng mga Monselorette. Hindi ko inakala na ito pala ang gusto niyang pag-usapan.Tumitingin ako sa paligid dahil baka bigla siyang sumulpot at makita kaming dalawa rito sa hardin. Ayaw kong may iba siyang iniisip sa aming dalawa ni Blair.Tamang hinala pa naman ang isang iyon.Pero ako... malakas lang ang tama pagdating sakaniya."Blair, tsaka na tayo mag-usap kapag kumal

  • Plenitude of the Soul   Special Chapter 4

    Anong ginagawa ng dalawang lalaki? Bakit hindi nila tulungan ang Papa ko? Bakit nanonood lang sila habang sinasaktan ang Papa ko?"Papa..." nanginginig kong bulong habang nakatago."Kung nasa akin pa rin hanggang ngayon si Louisiana, masaya kaming dalawa ngayon! Bakit mo siya pinabayaan?! Huh?! Tinanggap ko! Natuto ko nang tanggapin na hindi ako ang mahal niya! Nagpakasal ako sa iba at bumuo ng pamilya pero siya pa rin! Dapat ay ibinalik mo nalang siya sa'kin kung hindi mo siya kayang alagaan!" kahit punung-puno iyon ng galit, hindi nakatakas sa aking pandinig ang pagkabasag ng boses nito.Hindi ko maintindihan. Sino ang lalaking 'yon? Bakit niya kilala si Mama? Anong sinasabi niya?Nagimbal na lamang buong pagkatao ko nang makitang tinulak ng lalaki ang Papa ko. Mabilis niyang hinablot ang isang bagay na hindi ko maaninag na inabot ng lalaking nasa tabi nito.

  • Plenitude of the Soul   Special Chapter 3

    May parte sa akin na nagdiwang nang masilayan ang mukha niya. Kahit may bahid ng iritasyon doon..."What?" maarte niyang untag at bahagyang nakasimangot. Pansin ko ang pamumula niya. Madali iyon mapansin lalo pa't ang kaniyang puti ay nasa ibang lebel.Ngumuso ako, pinipigilan ang malawak na ngisi. Bakit ang dali niyang mairita? Ganito ba talaga ang mga anak-mayaman?"May gusto pa po ba kayo?" kaswal kong tugon matapos maiabot ang baso.Hindi nagtagal ang tingin niya sa akin at kaagad binalik ang atensyon sa kausap."You can leave now. Thanks," sumulyap siya ulit sa akin ngunit mabilis lamang iyon. Hindi man lang marunong magbigay ng kahit maliit na ngiti.Hindi nagtagal sa isip ko ang maiksing interaksyon na iyon. Marami akong ginagawa at hindi ko na kailangan pa ng karagdagang iisipin. Binuhos ko ang lahat ng oras sa mahahalaga

  • Plenitude of the Soul   Special Chapter 2

    Ang tanging gusto ko lang noon ay maging kumportable ang mga kapatid ko. Hindi ko na inalala ang sarili. Madalas akong hindi pumasok sa eskwelahan dahil hindi ang pakikinig sa guro ang kailangan ko, kundi ang magtrabaho at kumita para sa amin. I grew up with a lot of responsibilities. Halos patayin ko ang sarili sa pagtratrabaho. Pagpasok palang ng panibagong araw, nasa laot na ako kasama ang mga mangingisda. Hindi ko kilala ang pahinga."Limang daan. Pasensya na, Nabrel. Alam mo naman, tumaas ang presyo ng pinagkukunan ko ng mga gulay,"Tumango ako at binigyan ng isang maliit na ngiti si Aling Nora."Naiintindihan ko po," pinunasan ko ang aking noo gamit ang dalang panyo.Mataas ang tirik ng araw. Naisip ko ang kapatid kong si Senyel. Patapos na ang klase nun. Nakapagdala kaya iyon ng payong? Matigas pa naman ang ulo ng isang 'yon at ayaw na nagdadala ng kung ano kaya madalas kong

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status