Share

Chapter 10

Author: reyvonn
last update Last Updated: 2021-08-02 11:36:11

Halos mapatalon ako sa gulat nang makita sa tabi ko si Davien. Seryoso lamang siyang nakatingin sa aming harapan, kay Nabrel. 

"What are you doing here, babe? Who's this guy you're talking to?" Malamig ang kaniyang boses. He kissed my hair. Humigpit ang kaniyang braso sa akin. 

Nilingon ko si Nabrel. Umigting ang kaniyang panga habang nakatitig sa akin. Bumuka ang aking bibig ngunit nag-iwas na siya ng tingin.

Sumikip ang aking dibdib. There was something in my heart. Something strange and heavy. I felt like it was being squeezed. I swallowed the lump in my throat. 

Pinanood ko siyang tahimik na inaangat ang mga balde, hindi na lumingon pa sa akin. 

Pumikit ako nang mariin at inalis ang braso ni Davien sa aking baywang. I tried to smile at him. Nakakunot lamang ang kaniyang noo. I noticed that he was wearing a white button down shirt and khaki shorts. Baklas ang tatlong butones niyon. Nasa ulo niya ang kaniyang aviators. 

"I'm fine here, Davien. Gusto ko lang makalanghap ng sariwang hangin. Why did you follow me? You should have stayed in the mansion. Hinintay mo na lang dapat ako. Hindi naman ako magtatagal." I said, indirectly telling him to leave. 

"We should go now, Talianna. Hindi ka dapat nakikisalamuha sa mga mangingisda rito," he said coldly and looked at Nabrel. Umawang ang mga labi ko, natulala sakaniya. 

Lumingon ako kay Nabrel. I was sure he heard that! Bumilis ang paghinga ko dahil sa matinding kaba. Naghintay akong lingunin niya ngunit hindi iyon nangyari. Bumalik ang mga kasamahan niya kanina. Kinausap siya ng payat na lalaki, tumatawa ito ngunit tumango lamang siya roon, nanatiling seryoso ang mukha. Ang kaniyang kapatid ay malamig ang tingin sa amin ni Davien.

"Ser, makikiraan po." Dinig kong sinabi ng isang mangingisdang may bitbit na isang balde.

Davien wrinkled his nose and closed his eyes as if he smelled something very unpleasant. Nagtaas siya ng kilay at hinila ako upang tumabi. Umiling siya. 

"We really need to go now, Talianna. Malansa masyado rito. How can you stand the smell here?" His voice was distasteful. He pursed his lips, obviously not pleased with his surrounding. 

"Davien." I gasped. Ang pagkadismaya ko para sakaniya ay hindi ko na maitago. 

"Pasensiya na, ser. Mga lamang-dagat kasi ang hinuhuli namin kaya talagang malansa." Boses iyon ng payat na lalaki. He sounded very sarcastic.

Nagtiim bagang ako at nag-iwas ng tingin. Hinaplos ko ang aking buhok at nagbuga ng hangin.

"Talianna, let's go now," mariing wika ni Davien kasabay ng paghila sa aking braso.

Wala akong nagawa kundi ang hayaan siyang hilahin ako. Lumingon ako sa aking balikat upang tignan si Nabrel. He was already looking at me. He smiled a bit and immediately looked away. Kitang-kita ko ang bahagya niyang pag-iling bago tumalikod.

I bit my lower lip and looked infront of me. I felt the pain in my heart eating me up inside. Kinukurot ang puso ko. Sa bawat pintig niyon, mas tumitindi ang hapdi. Hindi ko maramdaman ang mga paa ko sa bawat paghakbang. Tila isa akong papel na tinatangay ni Davien. Wala ako sa sarili hanggang sa makabalik sa mansiyon. Diretso lamang ako sa hagdan, hindi pinansin ang tawag sa akin ni Davien. 

Hindi ko alam kung ilang oras akong nanatili lamang sa kwarto ko. Kinakatok ako ni Davien ngunit hindi ko siya pinagbuksan. Nagkunwari na lamang akong tulog. Hindi ko nagustuhan ang ginawa niya kanina. Kahit sino ay hindi gugustuhing makakita ng ganoong pagtrato sa ibang tao. Kung ako nga ay nakaramdam ng galit, paano pa kaya para sa mga mangingisdang naroon? 

Lumabas lamang ako ng kwarto nang mag-lunch time. Naabutan ko si Davien sa living room, nanonood ng pelikula. Mabilis siyang tumayo nang makita ako. Nakasuot siya ng isang dark blue polo shirt at dark jeans. Hindi ako umimik nang niyakap niya ako. 

"Uuwi ako sa mansiyon. I'll visit my sister. Hinintay kitang magising bago ako umalis. Do you want to come with me? I'm sure Narvinia misses you so much." He smiled gently. 

Umiling lamang ako. Ni hindi ko magawang ngumiti. 

"Babe, are we good?" Bulong niya. Mariin niya akong tinitigan, tila ba naghahanap ng kung ano sa mga mata ko. 

"Huh? Yeah. Of course. Mag-iingat ka. Anong gagamitin mo papunta roon?" Sobrang peke at tipid ng ngiting binigay ko. Nanatili ang hawak niya sa aking magkabilang balikat.

Ngumuso siya. "Magpapasundo ako kay Manong Renato. Are you sure we're okay? Please. Sabihin mo naman sa akin kung may problema tayo. You look upset. May ginawa ba ako?" 

I sighed. "Wala, Davien. I'm just..." I heaved a deep sigh. "I'm just hungry. Kumain ka na ba? We should eat now." Tinanggal ko ang kaniyang pagkakahawak sa akin at tinalikuran siya ngunit mabilis niyang hinablot ang braso ko. Kunot-noo ko siyang binalingan. Seryoso na ang kaniyang mukha at malamig ang tingin sa akin. 

"Talianna, stop being immature. Galit ka pa rin ba sa ginawa ko? Yes! I cheated! Pero hindi ba't napag-usapan na natin iyon? Hindi ko na nga uulitin, 'di ba? Bakit parang ang laki pa rin ng problema mo sa akin?" Tumaas na ang kaniyang boses at halos mapaatras ako. 

Nahagip ng tingin ko si Blair na papasok sana ngunit hindi natuloy. 

Agresibo kong binawi ang aking braso at matalim siyang tinignan. 

"Sinabi na ngang wala! Hindi ba aalis ka? Bakit hindi ka pa umalis ha?!" 

Napasinghap ako nang marahas at mariin niyang hinawakan ang braso ko. Kitang-kita ko ang nag-aalab na galit sakaniyang mga mata. Matapang kong sinalubong ang kaniyang titig. Napakurap siya at mabilis akong binitawan na tila ba napaso sa akin. Hinaplos niya ang kaniyang buhok. Pumikit siya nang mariin at umiling. Nang tignan niya akong muli ay naglaho na ang galit. 

Mapungay na ang kaniyang mga mata. "I'm sorry, babe. I didn't mean that. D-Did I hurt you?" Nanginig ang kaniyang boses at marahang hinawakan ang aking pisngi habang sinusuri ang braso ko.

Umiwas ako at tinulak ang kaniyang dibdib.

"I–I'll just have my lunch, Davien. Excuse me," bulong ko nang hindi siya tinitignan at mabilis siyang tinalikuran. Sa puntong iyon, hindi na niya ako pinigilan pa.

Lumabas ako at nagtungo sa dalampasigan pagkatapos kumain. Hindi ko na nakita pa si Davien. Sana ay magtuluy-tuloy. I don't want to see him now. Hinihiling ko na sana'y hindi na siya bumalik dito. May parte sa aking hindi mapanatag sa tuwing nandiyan siya. Siguro nga ay hindi ko pa siya tuluyang napapatawad sakaniyang ginawa. May parte rin sa aking bumubulong na kung tama bang binigyan ko pa siya ng pagkakataon.

I love him. I'm sure of that. But I'm also sure that there's something has changed. Normal lang naman siguro iyon. Nabahiran na ang tiwala ko sakaniya. Hindi na iyon buo at alam kong mananatili na iyong may lamat.

Cheating is very devastating. It will surely affect you emotionally and mentally. You'll end up questioning your worth as a person. No matter how much you love your partner, once there's a cheating involved, you'll also end up asking yourself if it's still worth the risk or you're just hurting yourself even more.

Tulala lamang ako habang naka-upo sa ilalim ng malaking puno. Nakapatong ang aking baba sa aking tubod. Wala sa sarili kong pinaglalaruan ang maputi at pinong buhangin, binabato sa kung saan.

Hindi ko namalayan na bumubuhos na ang luha ko. Suminghot ako at binaon ang aking mukha sa tuhod. Ginalaw ko ang mga paa habang nasa ganoong posisyon.

Ilang sandali pa akong nanatili roon bago ko napagpasiyahang bumalik na sa mansiyon. Kinalma ko ang sarili. Pinagpag ko ang aking dilaw na bestida.

Naabutan ko si Blair na nagwawalis sa hardin. Ngumiti siya sa akin nang matanaw ako. I bit my lip and walked towards her. Huminto siya sa ginagawa nang makita ang aking paglapit.

"Uhm, I'm sure may number ka ni Nabrel, right?" I smiled gently.

Sandali siyang natigilan at tumitig lamang sa akin. Walang bakas ng kahit na anong ekspresyon ang kaniyang mukha. Nagtaas ako ng kilay.

Baka naman kung anong iniisip niya. Tingin niya ba ay may binabalak ako sakaniyang boyfriend?

"I'll just inform him tungkol sa pagpunta namin sa isla ni Dad. Gusto kong i-free niya ang schedule niya sa Linggo. But if you want, ikaw na lang ang magsabi. You don't have to give me his number. Yeah. Pwede namang ganoon na lang." Tumango-tango ako at nag-iwas ng tingin. Hinaplos ko ang aking buhok.

"Why am I even asking for his number?" Bulong ko sa aking sarili.

"H-Hindi, Ma'am. Mas magandang kayo na ang magsabi. Ito po. Ibibigay ko. Sandali lang." Kitang-kita ko pa ang pagkataranta niya habang kinakapa ang bulsa ng kaniyang uniporme.

I smiled at her while waiting. Sinave ko ang number ni Nabrel at nagpasalamat kay Blair.

"Uhm, nasa trabaho pa siya ngayon, Ma'am. Hindi pwede ang cellphone doon sa oras ng trabaho," she said gently when she noticed that I was typing.

Nahinto ang pagtitipa ko at nag-angat ng tingin sakaniya. "Oh. Alright. I'm sorry. I'll just, uhm." Tumikhim ako. "I'll just text him later then." 

But when I went to my room, I was looking at my phone every damn second. I want to call him now! Naisip ko na hindi sapat ang text lang. Paano kung tamad pala siya mag-reply? Pero nasa trabaho nga siya, 'di ba? Dinungaw ko ang orasan ng aking telepono. Ala una na ng tanghali. Anong oras ba ang shift niya? Ang alam ko ay tanghali. Anong oras naman ang break nila? Or do they even have a break time?

I'll just try to call him. Kung hindi niya man sagutin, then it's fine with me. Maiintindihan ko naman.

Kinagat ko ang aking labi habang pinapakinggan ang pag-ri-ring ng kabilang linya. Sa ika-apat na ring, doon niya sinagot. Pakiramdam ko nanigas ako bigla.

"Hello? Sino 'to?" Malamig niyang bungad.

Napalunok ako at biglang kinabahan. Akala ko ba bawal ang cellphone doon? Bakit niya sinagot?

"Uhm, Nabrel. It's me. Si Talianna," marahan kong sinabi. I was biting my lip while waiting for his answer. Ilang sandali siyang natahimik sa kabilang linya. May naririnig akong boses. Hindi klaro ngunit sigurado akong boses ng isang babae iyon. 

"Talianna? Bakit ka tumawag? Paano mo nalaman ang number ko?" Aniya sa tonong nagtataka.

"Kay Blair! Duh. Kanino pa ba?" Napairap ako. 

"Bakit ka tumawag?" Ulit niya. 

"Bawal ba? I'm sorry. Sinubukan ko lang. Pero bakit mo sinagot? Ang sabi ni Blair bawal ang cellphone diyan. Are you even at your work, Nabrel?" 

"Shit, Talianna!" Aniya na ikinasindak ko. Bakit siya nagmumura? Minumura niya ako?! 

"What's your problem, Nabrel? Hindi mo ako kailangang murahin! I'm sorry! Bakit mo kasi sinagot kung bawal naman pala?" 

I gritted my teeth. Na-offend ako sakaniyang pagmumura! He could have just told me that he's not allowed to use phone!

"A-Ano? Hindi kita minumura. Hindi lang..." I heard him sighed. "Hindi lang ako makapaniwalang kausap kita ngayon sa telepono." Humina ang kaniyang tono sa dulo. Dinig ko ang mabigat niyang paghinga. 

"What about it? I'm sorry. I'll go now. Mamaya na lang ulit kita tatawagan."

"Ayos lang, Talianna. Kadarating ko lang sa trabaho." Sandali siyang natigilan. "Mamaya na, Amethyst. May kausap pa ako." 

Kumunot ang noo ko. 

Who the hell is Amethyst? Saan ko nga ba narinig ang pangalang iyon? Nakaramdam ako ng iritasyon. Nagloloko ka rin ba, Nabrel? 

"Who's that?" Malamig kong sinabi. 

"Huh?" 

Pumikit ako nang mariin. "Nothing. Bye. I'll call you later. Siguraduhin mo lang na sasagutin mo, Nabrel." 

"Hindi na, Talianna." 

I pursed my lips. Sumabog ang matinding iritasyon sa akin. "Fine! I will never call you again, Nabrel. Makakaasa ka!" 

Dinig ko ang paghugot niya ng malalim na hininga. 

"Hindi ikaw ang tatawag, Talianna. Ako..." Malumanay niyang saad. "Ako ang tatawag sa'yo. Tatapusin ko lang ang trabaho ko rito. Pagkatapos tatawagan na kita..." His voice was a bit cold and husky. 

Bahagya akong natulala, hindi malaman ang sasabihin.

"Tatawag ako, Talianna." he said, like it was a promise. 

Related chapters

  • Plenitude of the Soul   Chapter 11

    Tumawag nga si Nabrel pasado alas diyes na ng gabi. Iyon daw ang eksaktong labas niya mula sakaniyang trabaho. And I can't believe I really waited for him to call me. Ni hindi ako mapakali sa bawat minutong dumadaan. At nakakairita dahil napakatagal niyang tumawag. Naiintidihan ko naman na bawal ang cellphone sakanila at sumusunod lang siya sa rules. It's just that... naiinis talaga ako. What kind of management is that, right? Paano kung biglang may emergency sa bahay nila? How would he able to know that if he cannot even touch his phone while working? Very irrational and unjustifiable! Ipasara ko kaya ang restaurant na iyon? I told him to free his schedule this coming Sunday. He didn't hesitate to say yes. Ang sabi niya ay may trabaho siya ng Linggo ngunit pumayag naman sa hiling ko. I didn't ask though. I'll pay him kaya hindi naman masasayang ang araw niya. Hindi na bumalik si Davien sa mansiyon. He texted

    Last Updated : 2021-08-03
  • Plenitude of the Soul   Chapter 12

    Maingat ang bawat paghiwa ko sa mga gulay na gagamitin sa pagluluto ng kare-kare. Tagaktak na ang pawis ko. Si Blair ang nagtuturo sa akin ng mga gagawin at pinapanood ang bawat galaw ko. "Ma'am, hindi ganiyan ang paghihiwa sa talong! Naku!" Natataranta niyang sinabi sa gilid ko. Binaba ko ang kitchen knife at tamad siyang nilingon. "Iba man ang pagkakahiwa, iisa pa rin ang lasa, Blair. Talong pa rin iyan. Stop it! Nade-destruct ako." Inirapan ko siya. Napangiwi siya sa akin at nagkamot ng ulo. She didn't say anything after that. Hinayaan na lamang ako sa aking ginagawa. It's Sunday. And Nabrel is gonna be here any minute now. I asked him to be here before lunch. Pinaaga ko dahil gusto kong matikman niya ang iluluto ko. This is his favorite, ayon nga kay Blair. Hindi ko sinabi ang dahilan kung bakit maaga ko siyang pinapapunta. Hindi na rin naman siya nagtanong. Alas singko ang usapan namin na pagpunta sa isla ni Dad. Naisipa

    Last Updated : 2021-08-03
  • Plenitude of the Soul   Chapter 13

    "I'm good. Medyo nalalapit na ang pasukan so... yeah." I smiled at Davien. Kausap ko siya ngayon through video call. He told me about his upcoming birthday. That's two weeks from now. Family dinner lang naman ang gusto niyang mangyari. Of course, kasama ako at si Dad. "Are you sure that you're gonna take Architecture? I thought you wanted to be an attorney?" He asked curiously. Nasa opisina siya. Parte na rin iyon ng kaniyang training sa pamamahala sa De Luxrey. He's still in third year and Tito Darius wanted him to exert time and effort in their company habang maaga pa. "Hmm. I just realized that being an attorney is a tough job. Delikado rin. I heard that Tito Ludwig often receives death threats. Ayoko naman ng ganoon." "You're right. Mahirap magtrabaho kung nasa hukay ang isang paa mo. You wouldn't enjoy it." Ngumuso ako at tinanaw ang malawak na karagatan mula rito sa balkonahe pagkatapos ng tawag. Davien and I... are okay. I guess. Sa loob

    Last Updated : 2021-08-04
  • Plenitude of the Soul   Chapter 14

    Humalukipkip ako at pasimpleng sinulyapan si Nabrel. Naabutan ko ang salubong niyang kilay habang tinatanaw ang aking suot. Isang beses niya pang pinasadahan ang aking suot bago nag-angat ng tingin sa aking mukha. "Kita ang braso mo, Talianna. Ang nipis mo. Malamig na sa labas. Hindi ka magdadala ng jacket?" Komento niya at hinaplos ang kaniyang buhok. Nagtaas ako ng kilay at inirapan siya. "Duh! Iyong girlfriend mo nga kita ang pusod!" maanghang kong sinabi. Kitang-kita kong natigilan siya. Nanliit pa ang kaniyang mga mata. Mas lalo akong napairap. "Sino?" Malamig ang kaniyang boses. Magarbo niya akong tinitigan na tila ba nanghahamon. "Anong sino?!" Napairap ako. Anong ibig niyang sabihin doon? Dapat ba ay kailangan pang pangalanan ang girlfriend niya? Maliban na lang kung hindi nag-iisa! He slowly licked his lower lip and tilted his head. "Wala akong maalalang may girlfriend ako, Talianna.

    Last Updated : 2021-08-04
  • Plenitude of the Soul   Chapter 15

    Hanggang sa makabalik si Nabrel dala ang dalawang platong may lamang pagkain, tulala pa rin ako. Naririnig kong may sinasabi siya ngunit hindi iyon klaro sa aking pandinig. Isang bagay lang ang tumatakbo sa isip ko ngayon... Pasimple kong pinilig ang aking ulo. Pinulot ko ang kubyertos at tinanggal ang nakabalot na tissue roon. Tinusok ko ang karne at sinubo. Pinilit kong malasahan iyon, nagbabakasaling mapawi nito ang tabang sa aking sistema. But... it didn't. Nilingon ko si Nabrel na tahimik lamang kumakain sa aking tabi. Sumulyap siya sa akin nang maramdaman ang titig ko. Bumagal ang kaniyang pagnguya at bumagsak ang tingin sa aking plato. "H-Hindi mo ba gusto ang pagkain?" Marahan niyang sinabi. Kinagat ko ang labi ko at sinubukang ngumiti sakaniya. "Gusto. Masarap," putul-putol ang aking mga salita dahil patuloy na naglalaro sa aking isip ang imahe kanina. Naramdaman ko ang panunuya ng lalamunan ko. Hinablot ko ang bote ng softdrink a

    Last Updated : 2021-08-05
  • Plenitude of the Soul   Chapter 16

    I took a shower and wore a simple pink summer dress. Hindi na ako nag-abala pang patuyuin ang buhok ko at tumulak na pababa. Tanging sina Manang na lang ang naabutan ko sa dining area nang sumilip ako roon. Ngumuso ako nang lumingon sa akin si Manang Fely, nakataas ang kilay. Umiling lamang ako at mabilis na tumalikod. Nang mapadpad ako sa hardin ay doon ko natanaw si Balir na nagwawalis. Dumako ang tingin ko sa isang banda, naroon si Nabrel at kausap si Dad. Tumatango siya sa kung anumang sinasabi ng ama ko sakaniya. Napabaling sa akin si Dad at sinenyasan akong magtungo sakanila. Huling-huli ko pa ang pagnguso ni Nabrel habang pinapanood akong papalapit. He bit his lip and his brows furrowed. Dumungaw siya sakaniyang telepono. Umangat ang kilay ko habang pinapasadahan siya ng tingin. He was wearing a white shirt and gray shorts. Very simple... he looked really fresh everytime I see him. Parang hindi pinapawisan! "Iyan na ba ang suo

    Last Updated : 2021-08-05
  • Plenitude of the Soul   Chapter 17

    "How are you doing in Belleza Eterna, Talianna?"I put down my red wine and smiled at Tito Darius."It's fun. I've actually learned to love Belleza Eterna because honestly, I hate it before. Alam iyan ni Dad. Pero ngayon po ay masasabi kong masaya ako dahil dinala ako roon ni Dad." I chuckled a bit.His wrinkles showed up even more when he smiled widely. But despite of those wrinkles, he was still a good looking man. Walang duda na ama siya ni Davien. They really looked the same.His wife, Tita Lyanov, died because of cancer. Matagal na panahon na iyon. Bata pa kami ni Davien."That's good to hear. Davien is always asking me to let him visit you every once in a while. Hindi kayang malayo ng anak kong iyan sa'yo, Talianna." Humalakhak ang matandang ginoo.I just smiled. Binagsak ko ang tingin sa aking plato. Lumingon ako kay Nalya na na

    Last Updated : 2021-10-19
  • Plenitude of the Soul   Chapter 18

    Pagtuntong ng hapon, inabala ko na lang ang sarili sa panonood ng movie sa aking laptop. Naubos ko yata ang limang episode hanggang sa magsawa. Pagdungaw ko sa bintana ay madilim na. Bumaba ako upang kumuha ng maiinom. Hindi na siguro ako kakain ng hapunan dahil busog pa ako sa kinain kong tortilla at ice cream habang nanonood."Nasaan si Blair?" Untag ko nang sina Manang lang ang naabutan ko sa dining area. Hindi ko naman siya nakasalubong habang patungo ako rito."Nasa labas. Nagpaalam na kakausapin saglit si Nabrel. Kakain ka na ba, Talianna? Ipaghahanda na kita." Si manang Fely ang sumagot.Kumunot ang noo ko. I pursed my lips to hide my annoyance. Anong dapat nilang pag-usapan sa gabing ito? Hindi ba dapat ay nakauwi na si Nabrel ngayon galing trabaho? Bakit pa nila kailangang mag-usap ngayon? Talagang pinuntahan niya pa rito!Tinaas ko ang manggas ng aking pulang sweater

    Last Updated : 2021-10-19

Latest chapter

  • Plenitude of the Soul   Special Chapter 10

    Hindi ko na siya magawang hawakan at tuluyang lumuhod sa aking harapan. "Patawarin mo ako, Nabrel. Anak... patawad. Sobrang natakot ako para sa amin ng pamilya ko. Alam ng lahat na kilala ang pamilya ng mga De Loughrey bilang makapangyarihan. Gusto ko lang protektahan sina Sandro. Pero walang araw na hindi ako ginugulo ng konsensya ko, Nabrel. Sobrang hirap... hindi ko na kayang manahimik." Nang mga oras na iyon, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman. May halong galit, pangamba, lungkot at iba pang mga bagay na hindi ko mapangalanan. Nabanggit ng matanda ang video na kaniyang nakunan. Buong gabi kong pinanood ang dalawampu't walong segundong video. Paulit-ulit hanggang sa hindi ko na mabilang. Sampung taon na ang video ngunit klaro pa rin ang laman nun. "Iningatan ko 'yan. 'Yan ang bukod tanging iningatan ko sa buong buhay ko, Nabrel. Dahil alam ko na

  • Plenitude of the Soul   Special Chapter 9

    "Naku, toy. Mahirap iyong ganiyan. Kahit sabihin mo pang mahal ka ng babaeng 'yan, maghahanap at maghahanap 'yan ng iba sa labas. Dahil tayong mga narito sa loob, kinakalimutan.""Tama! 'Yong asawa ko, ayun! Buntis na sa ibang lalaki. At alam mo kung anong mas masaklap, toy? Kumpare ko ang nakabuntis. Putangina niyo Corazon at Manoy! Putangina niyong lahat!"Hindi madali ang buhay sa loob. Hindi ko lubos maisip na mararanasan ko ang ganitong klase ng hirap. Inalis ako sa seldang 'yon matapos ang ilang buwan. Noong una ay hindi ko alam kung bakit kailangan ang ganoon. Ngunit unti-unti ko ring nakuha ang dahilan.Malalaking tao ang kasama ko sa nilipatan na selda, punung-puno ng tattoo ang mga katawan. Pagdating ko roon, mainit kaagad ang ulo nila sa akin.Tangina. Alam ko na ang ganito.Hindi ako nagkamali. Halos araw-araw kong tiniis ang hagupit ng kanilang mga kamao. Umabo

  • Plenitude of the Soul   Special Chapter 8

    "Sabihin mo... hindi talaga kayo naghiwalay, 'di ba? Kayo pa rin hanggang ngayon. At kung anuman ang mayroon sa atin... laro lang para sa'yo. Nainip ka at ginusto mong maghanap ng mapaglilibangan habang malayo ka sakaniya.""Ang sama mo! How dare you think of me that way?! How dare you, huh?! Ganiyan ka mag-isip dahil ginagawa mo rin! Ang kapal ng mukha mong sabihin iyan pero ikaw itong lantarang may iba! Two weeks! Two fucking weeks, Nabrel... paano mo ako natiis nang ganoon katagal?""Hindi mo alam ang sinasabi mong tiniis kita..." nanginig ang boses ko."Bakit ka ba nakipag-usap sa akin kung ganito lang din naman? Sana ay hindi ka na nagreply! Sana tuluyan ka nalang hindi nagpakita! I hate you, Nabrel! I hate for accusing me! I hate you for being with Lily! I hate you for hurting me!""I hate you too..." bulong ko ngunit ang tanging gusto ko nalang gawin ay ang hilahin siya at halikan.

  • Plenitude of the Soul   Special Chapter 7

    Ramdam ko ang kaniyang panginginig. Nang masilayan ko ang mga mata niya, doon ako tuluyang nawala.In that moment, I felt that our souls were connected with each other. Her name was already marked on my soul. My whole life was full of shortcomings as I've been chastised by the cruelty of the world but when she came, my soul suddenly boasted a plenitude of tranquility.Buong akala ko ay sa kalmadong karagatan ko lamang makukuha ang ganitong klaseng kapayapaan. Ngunit mayroon palang mas higit pa roon..."Sana madali lang 'to, Talianna. Sana maintindihan mo..."Umiling siya at hinang-hina nang itulak ako."Because you love someone else. Masama ba ako, Nabrel? Naiinggit ako kay Blair. Inggit na inggit ako sakaniya."Pumikit ako ng mariin at tumingala.Bakit hindi niya magawang maintindihan? Akala ba niya ay madali para

  • Plenitude of the Soul   Special Chapter 6

    Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman matapos marinig mula sakaniya ang mga salitang 'yon.Hindi, Nabrel. Masyadong mababaw ang nararamdaman niya sa'yo. Like nga lang, 'di ba? Masyadong pambata kaya bakit ka nagkakaganyan na para bang pagmamahal ang inamin niya?"Talianna, hindi pwede. May... may girlfriend ako."Dahil sa gulo ng isip ko, dahil sa mga bagay na gumugulo sa akin tungkol sa aming dalawa, iyon lang ang tanging naging sagot ko.Inakala ko na iyon ang mas mainam sa aming dalawa. Ano bang mangyayari kung sakaling malaman niya ang nararamdaman ko? Ayaw ko nang malaman. Ayaw ko nang saktan ang sarili ko.Hindi kami pwede at ayaw ko nang kalabanin ang tadhana.Ngumiti siya ngunit alam kong hindi iyon ang ngiti na gusto niyang ipakita sa akin.Hinampas ang puso ko nang makitang namuo ang kaniyang mga luha.

  • Plenitude of the Soul   Special Chapter 5

    "Blair, marami akong responsibilidad sa buhay. Marami akong gustong gawin. At ang pakikipag-relasyon ay hindi kasama roon. Pasensya na pero..." umiling lamang ako. Humiwalay ako sakaniyang pagkakahawak."Hindi! Alam kong hindi 'yan ang dahilan mo, Nabrel. May iba kang nagugustuhan! Alam ko! Nakikita ko! Kitang-kita ko!" sigaw niya na ikinagulat ko. Ngunit hindi ko magawang pabulaanan ang kaniyang sinabi dahil alam ko na bistado na ako.Hindi na dapat ako nagpunta pa rito sa mansyon ng mga Monselorette. Hindi ko inakala na ito pala ang gusto niyang pag-usapan.Tumitingin ako sa paligid dahil baka bigla siyang sumulpot at makita kaming dalawa rito sa hardin. Ayaw kong may iba siyang iniisip sa aming dalawa ni Blair.Tamang hinala pa naman ang isang iyon.Pero ako... malakas lang ang tama pagdating sakaniya."Blair, tsaka na tayo mag-usap kapag kumal

  • Plenitude of the Soul   Special Chapter 4

    Anong ginagawa ng dalawang lalaki? Bakit hindi nila tulungan ang Papa ko? Bakit nanonood lang sila habang sinasaktan ang Papa ko?"Papa..." nanginginig kong bulong habang nakatago."Kung nasa akin pa rin hanggang ngayon si Louisiana, masaya kaming dalawa ngayon! Bakit mo siya pinabayaan?! Huh?! Tinanggap ko! Natuto ko nang tanggapin na hindi ako ang mahal niya! Nagpakasal ako sa iba at bumuo ng pamilya pero siya pa rin! Dapat ay ibinalik mo nalang siya sa'kin kung hindi mo siya kayang alagaan!" kahit punung-puno iyon ng galit, hindi nakatakas sa aking pandinig ang pagkabasag ng boses nito.Hindi ko maintindihan. Sino ang lalaking 'yon? Bakit niya kilala si Mama? Anong sinasabi niya?Nagimbal na lamang buong pagkatao ko nang makitang tinulak ng lalaki ang Papa ko. Mabilis niyang hinablot ang isang bagay na hindi ko maaninag na inabot ng lalaking nasa tabi nito.

  • Plenitude of the Soul   Special Chapter 3

    May parte sa akin na nagdiwang nang masilayan ang mukha niya. Kahit may bahid ng iritasyon doon..."What?" maarte niyang untag at bahagyang nakasimangot. Pansin ko ang pamumula niya. Madali iyon mapansin lalo pa't ang kaniyang puti ay nasa ibang lebel.Ngumuso ako, pinipigilan ang malawak na ngisi. Bakit ang dali niyang mairita? Ganito ba talaga ang mga anak-mayaman?"May gusto pa po ba kayo?" kaswal kong tugon matapos maiabot ang baso.Hindi nagtagal ang tingin niya sa akin at kaagad binalik ang atensyon sa kausap."You can leave now. Thanks," sumulyap siya ulit sa akin ngunit mabilis lamang iyon. Hindi man lang marunong magbigay ng kahit maliit na ngiti.Hindi nagtagal sa isip ko ang maiksing interaksyon na iyon. Marami akong ginagawa at hindi ko na kailangan pa ng karagdagang iisipin. Binuhos ko ang lahat ng oras sa mahahalaga

  • Plenitude of the Soul   Special Chapter 2

    Ang tanging gusto ko lang noon ay maging kumportable ang mga kapatid ko. Hindi ko na inalala ang sarili. Madalas akong hindi pumasok sa eskwelahan dahil hindi ang pakikinig sa guro ang kailangan ko, kundi ang magtrabaho at kumita para sa amin. I grew up with a lot of responsibilities. Halos patayin ko ang sarili sa pagtratrabaho. Pagpasok palang ng panibagong araw, nasa laot na ako kasama ang mga mangingisda. Hindi ko kilala ang pahinga."Limang daan. Pasensya na, Nabrel. Alam mo naman, tumaas ang presyo ng pinagkukunan ko ng mga gulay,"Tumango ako at binigyan ng isang maliit na ngiti si Aling Nora."Naiintindihan ko po," pinunasan ko ang aking noo gamit ang dalang panyo.Mataas ang tirik ng araw. Naisip ko ang kapatid kong si Senyel. Patapos na ang klase nun. Nakapagdala kaya iyon ng payong? Matigas pa naman ang ulo ng isang 'yon at ayaw na nagdadala ng kung ano kaya madalas kong

DMCA.com Protection Status