Share

Chapter 15

Author: reyvonn
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Hanggang sa makabalik si Nabrel dala ang dalawang platong may lamang pagkain, tulala pa rin ako. Naririnig kong may sinasabi siya ngunit hindi iyon klaro sa aking pandinig. Isang bagay lang ang tumatakbo sa isip ko ngayon... 

Pasimple kong pinilig ang aking ulo. Pinulot ko ang kubyertos at tinanggal ang nakabalot na tissue roon. Tinusok ko ang karne at sinubo. Pinilit kong malasahan iyon, nagbabakasaling mapawi nito ang tabang sa aking sistema. But... it didn't. 

Nilingon ko si Nabrel na tahimik lamang kumakain sa aking tabi. Sumulyap siya sa akin nang maramdaman ang titig ko. Bumagal ang kaniyang pagnguya at bumagsak ang tingin sa aking plato.

"H-Hindi mo ba gusto ang pagkain?" Marahan niyang sinabi.

Kinagat ko ang labi ko at sinubukang ngumiti sakaniya. "Gusto. Masarap," putul-putol ang aking mga salita dahil patuloy na naglalaro sa aking isip ang imahe kanina. Naramdaman ko ang panunuya ng lalamunan ko. Hinablot ko ang bote ng softdrink at sumimsim sa straw. Nilapag ko iyon pagkatapos.

Napansin kong nakatitig pa rin sa akin si Nabrel. Tuluyan siyang tumigil sa pagkain. Seryoso lamang ang kaniyang mukha.

I smiled a bit. "Sino iyong kanina? Iyong... Hailey? Tsaka iyong kasama niya," may pag-iingat kong isinatinig. I couldn't even look at him. My eyes were focused on my plate. Wala sa sarili kong pinaglalaruan ang kanin.

"Kababata ko iyon. Boyfriend niya iyong kasama niya," tugon niya.

Natigilan ako at napabaling sakaniya.

"Boyfriend?"

Kumunot ang noo niya. "Oo. Boyfriend ni Hailey iyon," mas lalong umukit ang pagtataka sakaniyang mukha.

"Bakit mo tinatanong? Interesado ka ba sa lalaking kasama niya?" Nahimigan ko ang akusasyon sakaniyang tono. Umawang ang mga labi ko at mabilis na umiling. 

"No. I mean... si Hailey may boyfriend? So... siya iyong sinasabi mong crush mo na may boyfriend?" Dahan-dahan ang bawat pagbitaw ko sa mga salita. Nagtaas ako ng kilay nang nanatili lamang siyang nakatitig sa akin. 

I smiled. "She's... pretty. I like her dress," napapaos kong sinabi at binagsak na lamang ang tingin sa aking plato. 

Natahimik kami habang kumakain. Sumusulyap ako sakaniya ngunit abala lamang siya sa kaniyang plato, hindi ako nililingon kahit alam kong ramdam niyang nakatingin ako. Umingay lamang ang mesa namin nang nakisali sa amin sina Kaloy at ang dalawang kalalakihan. 

"Amethyst! Uy! Dito!" Sigaw ni Kaloy at inangat ang kamay.

Nabrel never left my side. Kumakaway sakaniya ang ibang nasa mesa at siya'y pinapupunta ngunit umiiling lamang siya at ngumingiti sa mga ito.

Nahagip ko sa gilid ng aking mga mata na tila may sinesenyas siya at nang lingunin ko, pumormal siya bigla at nag-angat ng kilay sa akin. His arm was rested on the backrest of my seat. Tumatapik ang kaniyang mga daliri sa mesa. Panaka-naka rin ang pagtatanong niya kung gusto ko nang umuwi. Ni hindi pa nga kami nangangalahating oras dito. We just finished our food.

Natanaw ko ang babaeng papalapit sa aming mesa na tinawag ni Kaloy. Naka-ponytail ang buhok at suot ang isang maong na jacket. Sa loob ay ang kaniyang puting t-shirt. Maiksi ang kaniyang maong shorts. She looked like... a rockstar. A very pretty rockstar. 

The girl was smiling while walking towards us. Saglit siyang tumigil sa isang mesa at nakipagtawanan bago nagpatuloy.

"Happy birthday, Kaloy! Ilang taon ka na? Kuwarenta?" She was so energetic. I could say that. Malakas ang kaniyang boses at dinig na dinig sa kabila ng maingay na karaoke.

"Gago! Bente dos! Umuwi ka na nga! Dapat sa'yo hindi iniimbita, e!" Sumimangot si Kaloy ngunit humalakhak lamang ang babaeng nagngangalang Amethyst at lumingon bigla kay Nabrel na tila ba iyon talaga ang pakay ngunit nauna lang binati si Kaloy. 

Ito ba iyong Amethyst na narinig ko noong nakaraan?

Bahagyang lumiit ang kaniyang ngiti nang makita ako. I smiled a bit and immediately looked away.

"Nabrel, sino iyan? Saan mo napulot, ha? Nagtataksil ka sa akin?"

Humalakhak si Nabrel. "Umupo ka na, Amethyst," malamig niyang sinabi habang natatawa.

Nanliit ang mga mata ni Amethyst nang suriin ako. Inokupa niya ang upuang nasa harapan ko. Nanatili ang hilaw kong ngiti sakaniya. This girl is creeping me out.

"Uhm, hi? You look great! I'm Talianna, by the way." I tried to sound friendly and offered my hand. Mabilis niya iyon tinanggap. Nakahinga ako nang maluwag dahil inakala kong matatagalan pa bago niya tanggapin.

"Amethyst Ysabel Veronica Jane B. Mendoza. Amethyst na lang." Nagkibit-balikat siya.

Naglapag ng mga beer sa aming mesa ang dalawang batang lalaki. Kumuha ng tig-iisang bote ang mga kasama namin bukod kay Nabrel. Napansin iyon ni Amethyst kaya nagtaas siya ng kilay.

"Oh? Ayaw mo? Pati iyang kasama mo, ayaw din? Tss! Bawal maarte rito, Miss." Umirap siya ngunit natatawa. I pursed my lips, slightly offended by her remarks. 

"Hindi na muna ako ngayon, Amy. Ihahatid ko pa si Talianna." Tipid na ngumiti si Nabrel. Nararamdaman ko ang pagsagi ng kaniyang braso sa aking likod.

"Sus! Kaloy! Pagsabihan mo nga iyan. Hindi daw iinom, oh! Birthday mo pa naman!" Ibinagsak niya ang kaniyang likod sa upuan. Hinila niya ang tali ng kaniyang buhok at bumagsak iyon. 

"Hindi ka ba umiinom, Talianna? Baka naman sa mga imported na alak lang hiyang ang panlasa mo. Naku! Ito lang ang mayroon. Wala kami nung Jack Daniel's, Jeam Bean tsaka iyong... Paul Walker ba iyon, brad?" Kumunot ang noo ni Kaloy at humarap sa katabi niya. 

"Bobo! Johnnie Walker!" Humalakhak ito. 

I chuckled a bit. 

"No. I don't actually drink. I'm barely 18." I said. 

Nahuli ko ang pagtaas ng kilay ni Amethyst. "Menor de edad ka lang? Hoy, Nabrel!" Aniya habang nanlalaki ang mga matang humarap sa tabi ko.

I looked at Nabrel who was just laughing and shaking his head. "Tumigil ka nga, Amethyst. Hindi 'yan tulad ng iniisip mo."

Nanood lamang ako sa tawanan nila habang nilalagok ang kani-kanilang mga bote. Amethyst was the one who often jokes around among the group. Natatawa na lang din ako sakaniya kahit hindi naman ako kasali sa usapan. 

"Why don't you get yourself a beer, Nabrel? Ayaw mo ba talagang uminom?" Bulong ko sakaniya.

Umiling lamang siya. "Ayos lang. Tsaka wala ako sa mood uminom." He smirked at me. 

Ngumuso ako at nagkibit-balikat na lamang.

"Gusto mo na bang umuwi?" He looked at his phone. "Alas nuebe na. Halika na, Talianna. Ihahatid na kita." Kumunot ang noo niya at tumayo, talagang determinado nang maihatid ako. 

Nilingon ko ang mga kasama namin sa mesa. Nakakunot ang noo ni Amethyst at nagtataka sa pagtayo ni Nabrel.

"Aalis ka na nga? Bakit kasi nagsama ka pa ng alagain! Hindi tuloy tayo makapag-enjoy," iritadong tinig ni Amethyst.

Bahagya akong natigilan sa pagtayo. Napakurap ako at natulala sakaniya. Matalim ang mga mata niya nang mag-angat ng tingin sa akin. I could tell that she was already drunk. Tantsa ko ay naka-tatlong bote na siya.

"Hindi mo ba kayang umuwing mag-isa? Nabrel, hayaan mo na 'yan! Ipahatid mo na lang kay Tidong. Dumito ka muna." Tumayo siya at hinila ang braso ni Nabrel.

Kinagat ko ang labi ko, bahagyang nakaramdam ng hiya sa sarili. She has got a point. Kung hindi sana ako dumalo, malamang ay nagsasaya silang magkakaibigan ngayon.

E, hindi ko naman pinipigilan si Nabrel na makisaya kasama ang mga kaibigan niya! Ano bang magagawa ko kung ayaw niyang uminom?

Tumayo na rin si Kaloy at hinila ang jacket ni Amethyst. "Uy! Hayaan mo na! Gabi na rin. Kailangan nang umuwi ni Talianna. Baka magalit ang ama niyan." 

"Tss! Makakauwi naman 'yan mag-isa!" Lumingon sa akin si Amethyst, namumungay na ang kaniyang mga mata. "'Di ba? Makakauwi ka naman? Uwi na! Hayaan mo si Nabrel dito." Nanatili siyang nakakapit sa braso ni Nabrel at hinihila pa ito. 

"Amethyst," may diin sa tono ni Nabrel at sapilitang tinanggal ang pagkakahawak nito sakaniya. "Kaloy, ihatid niyo na. Lasing na 'to. Mauuna na kami ni Talianna."

Inabot niya ang aking kamay at naramdaman ko ang pagpisil niya roon. 

Kinuha niya ang kaniyang motor sa bahay nila. Malapit lamang iyon kina Kaloy. Siguro ay limang bahay lamang ang pagitan. Hindi ko na nasilip ang loob ng bahay nila dahil mabilis lamang niyang kinuha ang motor. It was a single-storied house with a sloping roof, surrounded by wide veranda. Simple mula sa labas at payapa kung titignan. 

"Sa susunod na lang kita iimbitahan sa loob, Talianna. Kailangan mo nang makauwi," aniya habang inaabot sa akin ang helmet. Nakasakay na siya sa motor habang ako ay nanatiling nakatayo sa tabi. 

"Okay. Uhm, iyong sa'yo?" Untag ko nang mapansing ako lang ang may helmet. 

Umiling lamang siya. "Ayos lang ako. Isuot mo na." 

Hindi na ako umimik pa at isinuot na ang helmet. Nang makasakay sa likod niya, I immediately wrapped my arms around his waist. Sinandal ko ang aking pisngi sakaniyang likod. 

"Higpitan mo, Talianna. Iyan na ba ang pinakamahigpit?" Dinig kong sinabi niya sa tonong nanunuya. 

"Fine! You're enjoying this, aren't you?" Sigaw ko habang hinihigpitan ang kapit sakaniya.

"Hinigpitan naman niya! Mapagsamantala ka, ah?" Humalakhak siya kaya hinampas ko ang kaniyang braso. 

"Just drive, Nabrel!" Kahit umiirap ako ay hindi ko pa rin mapigilan ang ngiti.

Nanatili akong walang imik habang nakayakap sakaniya sa aming biyahe. Kinagat ko ang labi ko upang pigilan ang pagtratraydor nito sa ambang pag-angat. 

Dinadamdam ko ang malamig na hampas ng hangin sa aking balat. Ang init ng kaniyang katawan at ang lamig ng hangin ay perpekto para sa akin. 

Maaga ang gising ko nang sumunod na araw. I did a full-body work out. I wore my usual workout outfit. An athletic shorts and sports bra. I do 60 minutes or more of physical activity every day. Most of that are moderate to vigorous aerobic activity. 

Nagulat ako nang marinig ang boses ni Nabrel mula sa dining area. I also heard Dad's voice. Hindi pa ako nakapagpalit at balak ko lang naman kumuha ng oat bread at pagkatapos ay aakyat na. Tumuloy na ako sa pagpasok, umaktong hindi alintana ang kaniyang presensiya. Binati ko ang ama ko at hinalikan ang kaniyang pisngi. 

"Oh. Work out?" Nagtaas ng kilay si Dad nang suriin ang aking suot. Nagkibit-balikat lamang ako at isang beses na napasulyap kay Nabrel na nakatitig sa akin. Ngumuso siya at biglang ibinagsak ang tingin sa tasang nasa kaniyang harapan. Napansin ko sa kaniyang gilid ang nakatayong si Blair. 

"Blair, get me a green tea. Ihatid mo sa kwarto ko," malamig kong sinabi at hindi na hinintay pa ang kaniyang sasabihin. Dahil wala naman siyang choice kundi ang sumunod. 

At anong tinatayo-tayo niya sa tabi ni Nabrel? Mukha siyang tanga roon. 

"Oh, by the way, hija." 

Napabaling ako kay Dad habang patungo ako sa fridge upang kumuha ng oat bread. 

"Yes, Dad?" Untag ko habang hinahanap ang tinapay. 

"Sumabay ka na kina Nabrel mamaya. Ongoing na ang enrollment sa Tucson." 

Mabilis akong napabaling sakaniya. Hindi ko maitago ang sindak sa aking mukha. Napakurap ako habang nakatitig sa aking ama. 

"Dad? Are you really serious that you're gonna let me study here?" Gulantang ang tono ko.

Noon ay parang hindi ko pa sineseryoso ang kaniyang desisyon ngunit ngayong talagang may enrollment na siyang nabanggit... pakiramdam ko ngayon lang talaga tuluyang nanunuot sa akin ang katotohanang iyon. Hindi pa rin pala talaga ako handang iwan ang Maynila. 

Kumunot ang noo niya at tila dismayado sa nakuhang reaksiyon mula sa akin. Sinapo ko ang aking noo. Hawak ko pa ang handle ng fridge at hindi alintana ang lumalabas na lamig mula roon. 

"Kaya nga kita dinala rito 'di ba upang dito na mag-aral? Bakit parang kinukwestiyon mo pa rin? May I remind you, Talianna, you pushed me to do this. Pabaya ka sa Maynila." 

I can't believe he was scolding me in front of these people! In front of Blair! In front of Nabrel! 

Napasulyap ako kay Nabrel na hinahaplos ang kaniyang noo habang nakatukod ang siko sa mesa, hindi ako magawang tignan na tila ba siya ang nahihiya para sa akin. Tinikom ko na lamang ang aking bibig at padabog na sinara ang fridge. 

Hindi ko na nakuha pa ang oat bread sa sobrang irita kay Dad. Mabibigat ang bawat hakbang ko palabas ng dining area. 

"Goodness. Magaling lang iyan sa pagdadabog," dinig ko pang dismayadong tono ng aking ama. 

Napairap na lamang ako. Nang makarating sa kwarto ay ilang sandali lang din nang kumatok si Blair dala ang green tea. 

"Thanks," I said before slamming the door between us. Yes! I slammed the door in front of her!

Isa pa iyon! Hindi naman pala siya girlfriend pero daig pa niya ang asawa kung makadikit kay Nabrel! Obviously, she likes him! Hindi ako naniniwalang kaibigan lang ang turing niya kay Nabrel at sigurado ako roon!

Related chapters

  • Plenitude of the Soul   Chapter 16

    I took a shower and wore a simple pink summer dress. Hindi na ako nag-abala pang patuyuin ang buhok ko at tumulak na pababa. Tanging sina Manang na lang ang naabutan ko sa dining area nang sumilip ako roon. Ngumuso ako nang lumingon sa akin si Manang Fely, nakataas ang kilay. Umiling lamang ako at mabilis na tumalikod. Nang mapadpad ako sa hardin ay doon ko natanaw si Balir na nagwawalis. Dumako ang tingin ko sa isang banda, naroon si Nabrel at kausap si Dad. Tumatango siya sa kung anumang sinasabi ng ama ko sakaniya. Napabaling sa akin si Dad at sinenyasan akong magtungo sakanila. Huling-huli ko pa ang pagnguso ni Nabrel habang pinapanood akong papalapit. He bit his lip and his brows furrowed. Dumungaw siya sakaniyang telepono. Umangat ang kilay ko habang pinapasadahan siya ng tingin. He was wearing a white shirt and gray shorts. Very simple... he looked really fresh everytime I see him. Parang hindi pinapawisan! "Iyan na ba ang suo

  • Plenitude of the Soul   Chapter 17

    "How are you doing in Belleza Eterna, Talianna?"I put down my red wine and smiled at Tito Darius."It's fun. I've actually learned to love Belleza Eterna because honestly, I hate it before. Alam iyan ni Dad. Pero ngayon po ay masasabi kong masaya ako dahil dinala ako roon ni Dad." I chuckled a bit.His wrinkles showed up even more when he smiled widely. But despite of those wrinkles, he was still a good looking man. Walang duda na ama siya ni Davien. They really looked the same.His wife, Tita Lyanov, died because of cancer. Matagal na panahon na iyon. Bata pa kami ni Davien."That's good to hear. Davien is always asking me to let him visit you every once in a while. Hindi kayang malayo ng anak kong iyan sa'yo, Talianna." Humalakhak ang matandang ginoo.I just smiled. Binagsak ko ang tingin sa aking plato. Lumingon ako kay Nalya na na

  • Plenitude of the Soul   Chapter 18

    Pagtuntong ng hapon, inabala ko na lang ang sarili sa panonood ng movie sa aking laptop. Naubos ko yata ang limang episode hanggang sa magsawa. Pagdungaw ko sa bintana ay madilim na. Bumaba ako upang kumuha ng maiinom. Hindi na siguro ako kakain ng hapunan dahil busog pa ako sa kinain kong tortilla at ice cream habang nanonood."Nasaan si Blair?" Untag ko nang sina Manang lang ang naabutan ko sa dining area. Hindi ko naman siya nakasalubong habang patungo ako rito."Nasa labas. Nagpaalam na kakausapin saglit si Nabrel. Kakain ka na ba, Talianna? Ipaghahanda na kita." Si manang Fely ang sumagot.Kumunot ang noo ko. I pursed my lips to hide my annoyance. Anong dapat nilang pag-usapan sa gabing ito? Hindi ba dapat ay nakauwi na si Nabrel ngayon galing trabaho? Bakit pa nila kailangang mag-usap ngayon? Talagang pinuntahan niya pa rito!Tinaas ko ang manggas ng aking pulang sweater

  • Plenitude of the Soul   Chapter 19

    I grabbed my chiffon cover up and immediately followed them to the guestroom. Nanginginig pa rin ako at hindi matigil sa pagbuhos ang luha ko dahil masyado akong natakot sa nangyari. I don't think I would be able to sleep tonight.Nilapag ni Nabrel si Blair sa kama na kapwa basang-basa pa rin. I stood behind Nabrel. I bit my lower lip while contemplating the right words to say. Suminghot ako at pinalis ang luha sa aking pisngi. I glanced at my Dad who was looking at me with his cold eyes while crossing his arms. He pursed his lips and cleared his throat.Nag-iwas ako ng tingin. Masyado akong nagui-guilty sa nangyari. Matindi ang pagsisisi ko. I probably look stupid now."Blair, I think you need to change your clothes first. Take a shower. Magpahinga ka na muna rito at ipagpaliban mo muna ang pag-alis," Dad announced.Si Nabrel ay nakaupo lamang sa kama, tulala kay Blair na nak

  • Plenitude of the Soul   Chapter 20

    I just spent my remaining summer vacation days in our mansion. Nabrel accepted the offer to be my driver. Inasahan ko na rin naman iyon.As I stared myself in the mirror, it felt so freakish to think that this is actually happening. Unang araw ng pasukan at halos hindi pa rin ako makapaniwalang nandito na talaga ako. Parang last minute nang naintindihan ng sistema ko ang katotohanan.In my entire seventeen years of existence, nasanay na ako sa mga nagtatayugang gusali sa siyudad. At ang mabuhay sa lugar na tanging napapalibutan ng karagatan ay ibang-iba sa aking nakasanayan.Ang pangingisda na pinagkukunan ng kabuhayan ng mga tao rito ay nakakamangha para sa akin. Siguro para sa mga lokal dito, ang hampas ng alon ang pinakamagandang tunog na maririnig. Hindi rin siguro nila maiintindihan ang isang taong hindi gusto ang dagat. Marahil ay para sakanila, para na rin sinabi nitong ayaw nitong huminga. And maybe..

  • Plenitude of the Soul   Chapter 21

    Tipikal na unang araw ng pasukan. I was just silent here in my seat, sa bandang likod. Kakaunti pa lang ang mga nasa room. Sampu pa lang yata kami at ang nasa tabi ko ay kanina ko pa napapansing pasulyap-sulyap sa aking bag. Tinaasan ko siya ng kilay bilang tahimik na pagtatanong sakaniyang panaka-nakang sulyap."Uhm, ang ganda ng bag mo. Givenchy iyan, 'di ba? At mukhang legit! Mahal iyan, ah!" eksahadera niyang sinabi. Napalingon pa sa aming banda ang ilang naroon."Hmmm... mura lang. Hundred thousand." I shrugged.Nalaglag ang panga niya at namilog pa ang mga mata. "Grabe! Napakamahal pala talaga. Limang taon ko ng allowance iyon, ah."Her wavy shoulder length hair emphasized her small face. May kaunting bangs. She looked like a Korean. She's kinda cute.I just smiled at her."Uhm, Camille nga pala. Mukhang hindi ka rito

  • Plenitude of the Soul   Chapter 22

    "Sigurado na ba iyong ala una, Talianna? Hindi ba natin pwedeng agahan. Mga before lunch?" si Kennedy.Iritado pa ako dahil kay Leigh kaya iritado rin ang tono kong nasagot si Kennedy."Kayong bahala. Maghihintay lang naman ako. Kayo nang bahalang magdesisyon tungkol diyan. Kay Leigh kayo magtanong. Siya ang leader."I shrugged about that at hinablot na ang aking bag."T-Teka lang, Talianna."Nilingon ko muli si Kennedy. Binigyan ko siya ng pagod na tingin. Kumurap siya at inayos ang kaniyang salamin."Kapag hindi sila pumayag sa mas maagang oras, p-pwede bang mas maaga akong magpunta?"I tilted my head. Mukhang naasiwa siya sa aking reaksiyon kaya mabilis siyang nangapa ng sasabihin."Kasi! K-kasi ano... wala naman akong gagawin bukas. Para sana masimulan na natin nang mas ma

  • Plenitude of the Soul   Chapter 23

    Nakatanggap ako ng mensahe galing kay Kennedy alas dies ng umaga. Aniya ay mas maaga raw siyang darating. Hindi kasi pumayag ang mga ka-grupo namin na dumating nang mas maaga sa ala una. Malamang ay tinatamad pa ang mga iyon."Nariyan na iyong isang kaklase mo, Ma'am. Kennedy daw ang pangalan," si Manang Josefa nang katukin ako sa aking kwarto. I nodded and asked her to offer Kennedy a snack.Katatapos ko lang maligo at pumili na lamang ako ng isang puting oversized shirt at athletic shorts. Pagbaba ko ay naabutan ko si Kennedy na nakaupo sa couch. Hindi niya pinakialaman ang sandwich na nasa kaniyang harapan ngunit ang orange juice ay nangalahati na."Uhm, simulan na ba natin, Talianna? Dala ko na ang laptop ko," salubong niya sa akin at tumayo.Ngumuso ako at tumango na lamang."Sige. Akyat lang ulit ako. I forgot to bring my laptop. Paki-text mo sila at

Latest chapter

  • Plenitude of the Soul   Special Chapter 10

    Hindi ko na siya magawang hawakan at tuluyang lumuhod sa aking harapan. "Patawarin mo ako, Nabrel. Anak... patawad. Sobrang natakot ako para sa amin ng pamilya ko. Alam ng lahat na kilala ang pamilya ng mga De Loughrey bilang makapangyarihan. Gusto ko lang protektahan sina Sandro. Pero walang araw na hindi ako ginugulo ng konsensya ko, Nabrel. Sobrang hirap... hindi ko na kayang manahimik." Nang mga oras na iyon, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman. May halong galit, pangamba, lungkot at iba pang mga bagay na hindi ko mapangalanan. Nabanggit ng matanda ang video na kaniyang nakunan. Buong gabi kong pinanood ang dalawampu't walong segundong video. Paulit-ulit hanggang sa hindi ko na mabilang. Sampung taon na ang video ngunit klaro pa rin ang laman nun. "Iningatan ko 'yan. 'Yan ang bukod tanging iningatan ko sa buong buhay ko, Nabrel. Dahil alam ko na

  • Plenitude of the Soul   Special Chapter 9

    "Naku, toy. Mahirap iyong ganiyan. Kahit sabihin mo pang mahal ka ng babaeng 'yan, maghahanap at maghahanap 'yan ng iba sa labas. Dahil tayong mga narito sa loob, kinakalimutan.""Tama! 'Yong asawa ko, ayun! Buntis na sa ibang lalaki. At alam mo kung anong mas masaklap, toy? Kumpare ko ang nakabuntis. Putangina niyo Corazon at Manoy! Putangina niyong lahat!"Hindi madali ang buhay sa loob. Hindi ko lubos maisip na mararanasan ko ang ganitong klase ng hirap. Inalis ako sa seldang 'yon matapos ang ilang buwan. Noong una ay hindi ko alam kung bakit kailangan ang ganoon. Ngunit unti-unti ko ring nakuha ang dahilan.Malalaking tao ang kasama ko sa nilipatan na selda, punung-puno ng tattoo ang mga katawan. Pagdating ko roon, mainit kaagad ang ulo nila sa akin.Tangina. Alam ko na ang ganito.Hindi ako nagkamali. Halos araw-araw kong tiniis ang hagupit ng kanilang mga kamao. Umabo

  • Plenitude of the Soul   Special Chapter 8

    "Sabihin mo... hindi talaga kayo naghiwalay, 'di ba? Kayo pa rin hanggang ngayon. At kung anuman ang mayroon sa atin... laro lang para sa'yo. Nainip ka at ginusto mong maghanap ng mapaglilibangan habang malayo ka sakaniya.""Ang sama mo! How dare you think of me that way?! How dare you, huh?! Ganiyan ka mag-isip dahil ginagawa mo rin! Ang kapal ng mukha mong sabihin iyan pero ikaw itong lantarang may iba! Two weeks! Two fucking weeks, Nabrel... paano mo ako natiis nang ganoon katagal?""Hindi mo alam ang sinasabi mong tiniis kita..." nanginig ang boses ko."Bakit ka ba nakipag-usap sa akin kung ganito lang din naman? Sana ay hindi ka na nagreply! Sana tuluyan ka nalang hindi nagpakita! I hate you, Nabrel! I hate for accusing me! I hate you for being with Lily! I hate you for hurting me!""I hate you too..." bulong ko ngunit ang tanging gusto ko nalang gawin ay ang hilahin siya at halikan.

  • Plenitude of the Soul   Special Chapter 7

    Ramdam ko ang kaniyang panginginig. Nang masilayan ko ang mga mata niya, doon ako tuluyang nawala.In that moment, I felt that our souls were connected with each other. Her name was already marked on my soul. My whole life was full of shortcomings as I've been chastised by the cruelty of the world but when she came, my soul suddenly boasted a plenitude of tranquility.Buong akala ko ay sa kalmadong karagatan ko lamang makukuha ang ganitong klaseng kapayapaan. Ngunit mayroon palang mas higit pa roon..."Sana madali lang 'to, Talianna. Sana maintindihan mo..."Umiling siya at hinang-hina nang itulak ako."Because you love someone else. Masama ba ako, Nabrel? Naiinggit ako kay Blair. Inggit na inggit ako sakaniya."Pumikit ako ng mariin at tumingala.Bakit hindi niya magawang maintindihan? Akala ba niya ay madali para

  • Plenitude of the Soul   Special Chapter 6

    Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman matapos marinig mula sakaniya ang mga salitang 'yon.Hindi, Nabrel. Masyadong mababaw ang nararamdaman niya sa'yo. Like nga lang, 'di ba? Masyadong pambata kaya bakit ka nagkakaganyan na para bang pagmamahal ang inamin niya?"Talianna, hindi pwede. May... may girlfriend ako."Dahil sa gulo ng isip ko, dahil sa mga bagay na gumugulo sa akin tungkol sa aming dalawa, iyon lang ang tanging naging sagot ko.Inakala ko na iyon ang mas mainam sa aming dalawa. Ano bang mangyayari kung sakaling malaman niya ang nararamdaman ko? Ayaw ko nang malaman. Ayaw ko nang saktan ang sarili ko.Hindi kami pwede at ayaw ko nang kalabanin ang tadhana.Ngumiti siya ngunit alam kong hindi iyon ang ngiti na gusto niyang ipakita sa akin.Hinampas ang puso ko nang makitang namuo ang kaniyang mga luha.

  • Plenitude of the Soul   Special Chapter 5

    "Blair, marami akong responsibilidad sa buhay. Marami akong gustong gawin. At ang pakikipag-relasyon ay hindi kasama roon. Pasensya na pero..." umiling lamang ako. Humiwalay ako sakaniyang pagkakahawak."Hindi! Alam kong hindi 'yan ang dahilan mo, Nabrel. May iba kang nagugustuhan! Alam ko! Nakikita ko! Kitang-kita ko!" sigaw niya na ikinagulat ko. Ngunit hindi ko magawang pabulaanan ang kaniyang sinabi dahil alam ko na bistado na ako.Hindi na dapat ako nagpunta pa rito sa mansyon ng mga Monselorette. Hindi ko inakala na ito pala ang gusto niyang pag-usapan.Tumitingin ako sa paligid dahil baka bigla siyang sumulpot at makita kaming dalawa rito sa hardin. Ayaw kong may iba siyang iniisip sa aming dalawa ni Blair.Tamang hinala pa naman ang isang iyon.Pero ako... malakas lang ang tama pagdating sakaniya."Blair, tsaka na tayo mag-usap kapag kumal

  • Plenitude of the Soul   Special Chapter 4

    Anong ginagawa ng dalawang lalaki? Bakit hindi nila tulungan ang Papa ko? Bakit nanonood lang sila habang sinasaktan ang Papa ko?"Papa..." nanginginig kong bulong habang nakatago."Kung nasa akin pa rin hanggang ngayon si Louisiana, masaya kaming dalawa ngayon! Bakit mo siya pinabayaan?! Huh?! Tinanggap ko! Natuto ko nang tanggapin na hindi ako ang mahal niya! Nagpakasal ako sa iba at bumuo ng pamilya pero siya pa rin! Dapat ay ibinalik mo nalang siya sa'kin kung hindi mo siya kayang alagaan!" kahit punung-puno iyon ng galit, hindi nakatakas sa aking pandinig ang pagkabasag ng boses nito.Hindi ko maintindihan. Sino ang lalaking 'yon? Bakit niya kilala si Mama? Anong sinasabi niya?Nagimbal na lamang buong pagkatao ko nang makitang tinulak ng lalaki ang Papa ko. Mabilis niyang hinablot ang isang bagay na hindi ko maaninag na inabot ng lalaking nasa tabi nito.

  • Plenitude of the Soul   Special Chapter 3

    May parte sa akin na nagdiwang nang masilayan ang mukha niya. Kahit may bahid ng iritasyon doon..."What?" maarte niyang untag at bahagyang nakasimangot. Pansin ko ang pamumula niya. Madali iyon mapansin lalo pa't ang kaniyang puti ay nasa ibang lebel.Ngumuso ako, pinipigilan ang malawak na ngisi. Bakit ang dali niyang mairita? Ganito ba talaga ang mga anak-mayaman?"May gusto pa po ba kayo?" kaswal kong tugon matapos maiabot ang baso.Hindi nagtagal ang tingin niya sa akin at kaagad binalik ang atensyon sa kausap."You can leave now. Thanks," sumulyap siya ulit sa akin ngunit mabilis lamang iyon. Hindi man lang marunong magbigay ng kahit maliit na ngiti.Hindi nagtagal sa isip ko ang maiksing interaksyon na iyon. Marami akong ginagawa at hindi ko na kailangan pa ng karagdagang iisipin. Binuhos ko ang lahat ng oras sa mahahalaga

  • Plenitude of the Soul   Special Chapter 2

    Ang tanging gusto ko lang noon ay maging kumportable ang mga kapatid ko. Hindi ko na inalala ang sarili. Madalas akong hindi pumasok sa eskwelahan dahil hindi ang pakikinig sa guro ang kailangan ko, kundi ang magtrabaho at kumita para sa amin. I grew up with a lot of responsibilities. Halos patayin ko ang sarili sa pagtratrabaho. Pagpasok palang ng panibagong araw, nasa laot na ako kasama ang mga mangingisda. Hindi ko kilala ang pahinga."Limang daan. Pasensya na, Nabrel. Alam mo naman, tumaas ang presyo ng pinagkukunan ko ng mga gulay,"Tumango ako at binigyan ng isang maliit na ngiti si Aling Nora."Naiintindihan ko po," pinunasan ko ang aking noo gamit ang dalang panyo.Mataas ang tirik ng araw. Naisip ko ang kapatid kong si Senyel. Patapos na ang klase nun. Nakapagdala kaya iyon ng payong? Matigas pa naman ang ulo ng isang 'yon at ayaw na nagdadala ng kung ano kaya madalas kong

DMCA.com Protection Status