I just spent my remaining summer vacation days in our mansion. Nabrel accepted the offer to be my driver. Inasahan ko na rin naman iyon.
As I stared myself in the mirror, it felt so freakish to think that this is actually happening. Unang araw ng pasukan at halos hindi pa rin ako makapaniwalang nandito na talaga ako. Parang last minute nang naintindihan ng sistema ko ang katotohanan.
In my entire seventeen years of existence, nasanay na ako sa mga nagtatayugang gusali sa siyudad. At ang mabuhay sa lugar na tanging napapalibutan ng karagatan ay ibang-iba sa aking nakasanayan.
Ang pangingisda na pinagkukunan ng kabuhayan ng mga tao rito ay nakakamangha para sa akin. Siguro para sa mga lokal dito, ang hampas ng alon ang pinakamagandang tunog na maririnig. Hindi rin siguro nila maiintindihan ang isang taong hindi gusto ang dagat. Marahil ay para sakanila, para na rin sinabi nitong ayaw nitong huminga. And maybe... they can’t imagine living anywhere else. They may leave for a while, but they will surely be back. They always come back...
Sa dalawang buwang pananatili ko rito, unti-unti ko na rin sigurong nakikita ang taglay na kagandahan ng Belleza Eterna na hindi ko kailanman nakita noon. Siguro ay dahil walang mall, walang nagkalat na mga coffee shop o bar. Ang buong paniniwala ko para sa lugar na ito ay simple, walang gayak at walang dating.
Kung naghahanap ka ng night club hopping or casino action, hindi mo iyon matatagpuan dito. Belleza Eterna is not a place to go if you are looking for night life or even fancy restaurants. This is a quiet island but definitely and surely, it has alot to offer for those who want to be adventurous.
There are some nice restos but the best food was found at the small stands along the side of the road na malayo-layo pa sa mansiyon.
Ang mga maliliit na market ay kaunti ang mga ibinebente. Halos puro packaged junk foods at ilang gulay lamang. You have to go to the big grocery stores for almost everything at ang mga kailangan ko ay wala pa roon! I have to order my skincare products and hair products from Manila. At mas lalo akong nas-stress dahil paubos na ang paborito kong perfume na Lancome La Vie Est Belle at hindi pa ako naka-order online!
I really need to ask my Dad to construct a mall here. Pero masyadong matagal ang 2-5 years na pagtatayo ng isang mall!
It was already 5:30 AM. Alas siyete ang pasok ko at ngayon ay pumipili na ako ng aking maisusuot. Wala naman sigurong masyadong gagawin ngayon tutal ay first day pa lang?
Wala pa akong uniporme at baka next week ko pa lang iyon makukuha. I just grabbed a blush pink off shoulder chiffon crop top and high waisted jeans and paired it with my heels in a neutral color.
Habang nginunguya ko ang aking oat bread, natanaw ko bigla ang pagpasok ni Nabrel na nasa likod ni Manang Josefa, ang ina ni Blair. Halos mabulunan pa ako dahil sa pagkasindak! Driver ko nga pala ito!
Hell! Ang hot naman ng driver ko in his uniform, huh?!
Dark blue polo shirt and slacks. Sa bandang kaliwang dibdib ng kaniyang polo ay may naka-embroid na TSU.
Edi siya nang gwapo sa simpleng uniporme na iyan!
Pairap akong nag-iwas ng tingin sakaniya. Inabala ko na lang kunwari ang aking sarili sa pags-scroll sa aking socia media account.
"Nariyan na ang sundo mo, Ma'am. Kumain ka na ba, Nabrel? Gusto mo ng kape?" Si manang Josefa, his future mother-in-law.
"Hindi na po, Tita. Ayos lang. Kumain na po ako sa bahay. Nagluto si Senyel ng sinangag at daing."
Daing? I've never heard of that.
Pasimple akong muling sumulyap sakaniya ngunit mabilis ding binawi nang makitang nakatingin siya sa akin.
"Iyan lang ba ang kakainin mo, Senyorita?"
Sa puntong iyon, matapang na akong tumingin sakaniya.
"Oo, bakit?" Nagtaas ako ng kilay. Ngumuso lamang siya at umiling bago kinausap si Manang Josefa tungkol sa batsang hiniram daw niya.
Tahimik kong nilisan ang dining area pagkatapos kumain. Mukhang malapit talaga sina Nabrel at Manang Josefa sa isa't-isa, ah? Napairap na lang ako at umakyat na patungo sa aking kwarto upang magsipilyo muli.
I grabbed my Givenchy black antigona bag and went out of my room pagkatapos kong mag-toothbrush. Sa bawat hakbang ko sa hagdan, tumutunog ang takong ko at dahil doon, napa-angat ang tingin sa akin ni Nabrel na naghihintay sa couch.
Bumagsak ang tingin niya sa aking sapatos. Kumunot ang noo niya at pinisil ang kaniyang ilong.
Tumaas ang kilay ko dahil kitang-kita kong mayroon siyang gustong sabihin. "What?"
"Ang taas ng sapatos mo, Talianna," may diin niyang wika.
I rolled my eyes at his annoying utterance.
"Sanay ako sa ganito, Nabrel. Tatlong pulgada lang ang taas nito. God! Lahat na lang pinapakialaman mo! May driver bang ganiyan? Sabihin mo kung naiinggit ka lang at gusto mong magsuot ng ganito? I have a lot of these in my walk-in closet upstairs! Iba't ibang disenyo at kulay." Nagpamaywang ako at tinagilid ang aking ulo. Pinaningkitan ko siya ng mga mata.
Pumalatak siya. Kunot na kunot ang kaniyang noo. Madilim na ang titig sa akin. Ngumuso ako at halos bumunghalit na sa pagtawa dahil sakaniyang reaksiyon.
"Papasok lang nakaganiyan pa. Bahala ka na talaga," aniya sa tonong tila nauubusan ng pasensiya at pinamunuan na ang paglalakad palabas.
Nabrel was just silent while driving. Nakaupo ako rito sa back seat dahil bakit ako uupo sa harapan? Driver siya at tama lang na rito ako pumwesto. Sinuot ko ang aking sunglasses upang malaya ko siyang matitigan mula sa rear view mirror. Seryoso at bahagyang nakakunot ang kaniyang noo habang tutok sa kalsada. Para bang may hindi siya magandang nakikita roon.
Nahigit ko ang aking paghinga nang biglang nagtama ang aming tingin sa salamin. Hindi ako nakagalaw. Kahit na sigurado naman akong hindi niya napapansin na kanina pa ako nakatitig sakaniya dahil madilim ang suot kong sunglasses.
Kumalabog ang puso ko. Pasimple akong tumikhim at itinagilid ang aking ulo paharap sa bintana.
Biglang may narinig akong tumunog na cellphone. Hindi naman iyon sa akin kaya malamang ay kay Nabrel iyon. Hindi ko siya nilingon nang marinig kong sagutin niya ang tawag. Nanatili akong nakatitig lang sa bintana.
"Blair. Medyo malayo pa. Oo, bibili ako mamaya at ihahatid ko sainyo... sige, walang problema."
"Psh," bulong ko at pinaikot ang mga mata.
"Pasensiya na. Nakalimutan ko, Blair... oo baka nga... talaga?" at humalakhak pa!
Iritado kong hinubad ang aking sunglasses at napaahon mula sa pagkakasandal. Matalim ko siyang tinignan sa salamin. Napasulyap siya roon.
"Stop answering phone calls when you're driving, Nabrel! Ipapahamak mo pa ako. Magkikita naman kayo mamaya ni Blair! Hindi makapaghintay? Sabik na sabik lang?" Hindi ko na mapigilan pang pagtaasan siya ng boses.
Naiirita talaga ako kay Nabrel. Nakakairita siya! Silang dalawa ni Blair! Walang mapagsidlan ang nararamdamang lamig sa puso ko ngayon. Kinuyom ko ang aking kamay na nanginginig.
Ibinaba niya ang kaniyang telepono at naramdaman ko ang biglang pagbagal ng takbo ng sasakyan. Matalim pa rin ang tingin ko sakaniya.
"Pasensiya na. May tinanong lang si Blair," kalmado ang kaniyang boses.
"I don't care! Kapag oras ng trabaho, trabaho lang, Nabrel! Wala munang girlfriend. Do you get me? Wala munang Blair. Ako muna. Dinig mo ba?" Wika ko sa maanghang na tono.
Nagkatitigan kaming dalawa sa salamin. Malamig ang kaniyang titig at mariin. Matapang kong sinalubong ang titig niyang unti-unting nagpapahina sa aking sistema. Pakiramdam ko bawat segundong lumilipas, sumisikip ang aking paghinga dahil sa mga mata niya.
Hindi siya sumagot at itinuon na lamang ang atensiyon sa pagmamaneho. Nanghihina kong binagsak ang aking likod sa sandalan at natulala sa bintana.
Malayu-layo ang TSU kaya mahaba ang biyahe namin. Pareho kaming nanatiling tahimik. Inaliw ko na lamang ang aking sarili sa panonood sa mga nadaraanang bukirin at ilang maliliit na establisyemento habang nakikinig sa musika gamit ang aking earphones. Halos apatnapung minuto ang biyahe patungo sa eskwelahan.
Hinintay kong pagbuksan ako ni Nabrel. Nasa parking lot na kami. Kakaunti lang ang mga sasakyang narito. Tinanggal ko ang aking sunglasses at ipinasok iyon sa aking bag.
Nakangiti kong tinanggap ang nakalahad niyang kamay. Nakakunot lamang ang kaniyang noo sa kabila ng matamis kong ngiti. Hinawi ko ang aking buhok at hinintay siyang itulak pasara ang pintuan ng sasakyan.
"Halika na, Talianna."
He asked for my schedule so I gave it to him. Seryoso niyang sinuri iyon habang naglalakad kami. He took a picture of my schedule bago niya iyon inabot sa akin.
Ngumuso ako nang tanggapin iyon. Hindi na ako nagtanong pa kung bakit kailangan niyang picturan.
"Tiyak na walang gagawin ngayon. Assembly lang pero hindi pa pwedeng umuwi," aniya.
"And why? Hindi ba dapat umuwi na kung wala namang gagawin? Ano? Maghihintay ako hanggang ala una nang walang ginagawa?"
"Hindi pwede, Talianna. Pwede mong libutin ang eskwelahan. Magiging abala ako ngayon kahit unang araw. Pupuntahan kita mamaya sa oras ng lunch break. Sabay tayong kakain," determinado niyang sinabi.
Umamba akong sasagot ngunit natigilan nang may napansing grupo ng kalalakihan na papalapit. They were smirking at us. Palipat-lipat ang mga mata nila sa aming dalawa ni Nabrel.
Umangat ang kilay ko.
"Tara na, Nabrel! Tagal mo. Hinahanap ka na ni coach," wika ng isang lalaki ngunit ang tingin ay nasa akin.
"Ihahatid ko lang ang kasama ko. Susunod na lang ako. Saan ba?" ani Nabrel sa tonong iritado. His dark eyebrows were currently furrowed in a frown.
"Magkita na lang daw sa court. Bilisan mo, ah! Naghihintay din si Lily."
"Oo na," tamad na tugon ni Nabrel at marahang hinila ang aking braso upang makalayo sa grupong iyon.
Hanggang sa huminto kami sa isang room ay hindi niya pinakawalan ang braso ko. Para akong papel na tinatangay-tangay lang niya.
"Ano ba, Nabrel! I'm wearing a goddamn heels. Can't you see? Dahan-dahan naman," reklamo ko at pinilit bawiin ang aking braso. Huminto siya sa paglalakad at pagod akong hinarap.
"Ginusto mo iyan, 'di ba? At ngayon sinasabi mong nahihirapan ka sa paglalakad? Sa susunod, ayaw ko nang makitang nagsusuot ka ng ganiyan. Hindi party ang pupuntahan mo, Talianna. Eskwelahan ito," pangaral pa niya na para bang wala akong muwang sa mundo!
Porket!
Porket bagay sakaniya ang uniporme niya!
Inirapan ko na lamang siya.
"Tss," he shook his head before he continued walking.
Tipikal na unang araw ng pasukan. I was just silent here in my seat, sa bandang likod. Kakaunti pa lang ang mga nasa room. Sampu pa lang yata kami at ang nasa tabi ko ay kanina ko pa napapansing pasulyap-sulyap sa aking bag. Tinaasan ko siya ng kilay bilang tahimik na pagtatanong sakaniyang panaka-nakang sulyap."Uhm, ang ganda ng bag mo. Givenchy iyan, 'di ba? At mukhang legit! Mahal iyan, ah!" eksahadera niyang sinabi. Napalingon pa sa aming banda ang ilang naroon."Hmmm... mura lang. Hundred thousand." I shrugged.Nalaglag ang panga niya at namilog pa ang mga mata. "Grabe! Napakamahal pala talaga. Limang taon ko ng allowance iyon, ah."Her wavy shoulder length hair emphasized her small face. May kaunting bangs. She looked like a Korean. She's kinda cute.I just smiled at her."Uhm, Camille nga pala. Mukhang hindi ka rito
"Sigurado na ba iyong ala una, Talianna? Hindi ba natin pwedeng agahan. Mga before lunch?" si Kennedy.Iritado pa ako dahil kay Leigh kaya iritado rin ang tono kong nasagot si Kennedy."Kayong bahala. Maghihintay lang naman ako. Kayo nang bahalang magdesisyon tungkol diyan. Kay Leigh kayo magtanong. Siya ang leader."I shrugged about that at hinablot na ang aking bag."T-Teka lang, Talianna."Nilingon ko muli si Kennedy. Binigyan ko siya ng pagod na tingin. Kumurap siya at inayos ang kaniyang salamin."Kapag hindi sila pumayag sa mas maagang oras, p-pwede bang mas maaga akong magpunta?"I tilted my head. Mukhang naasiwa siya sa aking reaksiyon kaya mabilis siyang nangapa ng sasabihin."Kasi! K-kasi ano... wala naman akong gagawin bukas. Para sana masimulan na natin nang mas ma
Nakatanggap ako ng mensahe galing kay Kennedy alas dies ng umaga. Aniya ay mas maaga raw siyang darating. Hindi kasi pumayag ang mga ka-grupo namin na dumating nang mas maaga sa ala una. Malamang ay tinatamad pa ang mga iyon."Nariyan na iyong isang kaklase mo, Ma'am. Kennedy daw ang pangalan," si Manang Josefa nang katukin ako sa aking kwarto. I nodded and asked her to offer Kennedy a snack.Katatapos ko lang maligo at pumili na lamang ako ng isang puting oversized shirt at athletic shorts. Pagbaba ko ay naabutan ko si Kennedy na nakaupo sa couch. Hindi niya pinakialaman ang sandwich na nasa kaniyang harapan ngunit ang orange juice ay nangalahati na."Uhm, simulan na ba natin, Talianna? Dala ko na ang laptop ko," salubong niya sa akin at tumayo.Ngumuso ako at tumango na lamang."Sige. Akyat lang ulit ako. I forgot to bring my laptop. Paki-text mo sila at
Bigla akong napa-angat ng tingin kay Kennedy at nahuling nakatutok sa aking banda ang kaniyang cellphone. Mabilis niya iyong binaba. Napakurap siya at tumikhim. Inayos niya ang kaniyang salamin at muling hinarap ang kaniyang laptop. Kumunot ang noo ko."Are you taking a picture of me?" Umangat ang kilay ko at ngumiti.Nanlaki ang mga mata niya nang nag-angat ng tingin sa akin. Kitang-kita ko pa ang pamumula niya. Naging dahilan iyon ng aking marahang pagtawa."H-Hindi! May nag-text kasi. S-Si Erus." Halos hindi niya ako matignan at paulit-ulit na inayos ang kaniyang salamin.Nagkibit na lamang ako ng balikat at muling hinarap ang laptop. Gusto ko na itong matapos kahit halos wala pa akong nasisimulan.Seryoso akong nagbabasa nang mapansin ko na namang nakatutok sa akin ang cellphone ni Kennedy. Hindi ko iyon pinansin at palihim na lamang na natawa. Kinukuhanan n
I pushed Davien using my free hand. Hindi niya iyon inasahan kaya napabitiw siya sa akin at napaatras nang bahagya. Numipis ang mga labi niya dahil sa matinding iritasyon.Mabilis ang aking paghinga. Lumayo ako sakaniya habang ang mga mata ko'y nanatiling madilim at matalim."Fuck you!" nanginginig kong sigaw at dinuro siya. "Don't fucking threaten me like that, Davien. Wala kang pakialam kung may iba man ako. We're done. I'm fucking done with you. Huwag kang umasta na para bang ikamamatay mo kung mawala ako sa'yo dahil ikaw ang puno't dulo ng lahat! Can you please leave?! Fucking leave now!"He smirked and stepped forward. Nanliit ang mga mata niya at tinagilid ang kaniyang ulo. His eyes flashed with indignance and anger. I watched as the whites in his eyes almost turned a pure black. I couldn't recognize him anymore. The boy I used to know was gone.Isang walang kwentang lalaki na
"Ano ba naman iyan, Talianna?! Iyon na nga lang ang trabaho mo, hindi mo pa nagawa? Kung sa inyo prinsesa ka, pwes dito pantay-pantay tayong lahat! Ano nang gagawin natin niyan? Kung gusto mong bumagsak, huwag mo na sana kaming idamay pa! Palibhasa wala kang pakialam!"Pumikit ako at hinaplos ang aking buhok. I don't know what to do now. Galit na galit sa akin si Leigh dahil hindi ko nagawa ang parte ko para sa isang presentation ngayon. Pagdating ko sa room ay sinalubong niya ako upang itanong ang tungkol doon ngunit ngayon ay binubugahan niya na ako ng apoy.Noong Miyerkules pa iyon binigay at Biyernes na ngayon. Iba pa iyong presentation na ginawa namin noong nakaraan. Sobrang tanga ko para makalimutan ang tungkol doon!Puro drafting kasi ang nasa utak ko at nag-review ako kagabi para sa long quiz namin ngayon sa isang major subject."I'm sorry, Leigh. I-I'll try to finish it. May two hours
Nanatili lamang ako sa library. Hindi ko maiwasang kabahan kahit na mukhang sigurado naman si Nabrel na papayag nga si Sir Deterio. Hindi ako mapakali sa bawat segundong lumilipas.Ilang sandali lang din nang bumalik si Nabrel. Tumitig lamang ako sakaniya hanggang sa makaupo siya sa aking tabi.Kinagat niya ang kaniyang labi at tinaasan ako ng kilay. "Simulan na natin."Ngumuso ako at nilingon ang mga nabasang papel. "Pumayag siya?" marahan kong sinabi."Oo naman. Kaya nasaan na nang masimulan na natin. Hanggang bukas ang binigay niya.""G-Ganoon ba? Thank you." Kinagat ko ang aking labi. I'm really grateful. Siya talaga ang maituturing kong hulog ng langit. Totoo pala ang ganoon? Ngayon ay naniniwala na ako.Narinig kong tumunog ang kaniyang cellphone mula sa bulsa ng slacks niya. Hinugot niya iyon at kunot ang noong binab
Bakit hindi niya sinabi?! At base sa reaksiyon ni Blair, mukhang hindi siya pabor sa ginawa ni Nabrel. Kahit siguro ako ay hindi papayag na tulungan niya kung alam ko namang may mas mahalaga pa siyang kailangang gawin!"Why didn't you tell me, Nabrel? Ang sabi mo wala ka ng klase kanina! You lied!" Madrama kong sinabi.God! Na-guilty tuloy ako bigla. Mas gugustuhin ko pang bumagsak na lang kaysa ilagay sa alanganin si Nabrel. Hindi ito kinakaya ng konsensiya ko. He should have told me about that!Nabrel clicked his tongue and frustratingly ran his fingers through his hair. "Hindi naman iyon mahalaga, Talianna." May iritasyon sakaniyang tono."No! Importante 'yon, Nabrel! Alam mo sa sarili mo na importante 'yon kaya hindi ko talaga makuha kung bakit sinasabi mo 'yan!" Humahampas na sa ere ang aking kamay dahil sa frustration. I can't believe this man!Hindi ko alam kung makakatulo
Hindi ko na siya magawang hawakan at tuluyang lumuhod sa aking harapan. "Patawarin mo ako, Nabrel. Anak... patawad. Sobrang natakot ako para sa amin ng pamilya ko. Alam ng lahat na kilala ang pamilya ng mga De Loughrey bilang makapangyarihan. Gusto ko lang protektahan sina Sandro. Pero walang araw na hindi ako ginugulo ng konsensya ko, Nabrel. Sobrang hirap... hindi ko na kayang manahimik." Nang mga oras na iyon, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman. May halong galit, pangamba, lungkot at iba pang mga bagay na hindi ko mapangalanan. Nabanggit ng matanda ang video na kaniyang nakunan. Buong gabi kong pinanood ang dalawampu't walong segundong video. Paulit-ulit hanggang sa hindi ko na mabilang. Sampung taon na ang video ngunit klaro pa rin ang laman nun. "Iningatan ko 'yan. 'Yan ang bukod tanging iningatan ko sa buong buhay ko, Nabrel. Dahil alam ko na
"Naku, toy. Mahirap iyong ganiyan. Kahit sabihin mo pang mahal ka ng babaeng 'yan, maghahanap at maghahanap 'yan ng iba sa labas. Dahil tayong mga narito sa loob, kinakalimutan.""Tama! 'Yong asawa ko, ayun! Buntis na sa ibang lalaki. At alam mo kung anong mas masaklap, toy? Kumpare ko ang nakabuntis. Putangina niyo Corazon at Manoy! Putangina niyong lahat!"Hindi madali ang buhay sa loob. Hindi ko lubos maisip na mararanasan ko ang ganitong klase ng hirap. Inalis ako sa seldang 'yon matapos ang ilang buwan. Noong una ay hindi ko alam kung bakit kailangan ang ganoon. Ngunit unti-unti ko ring nakuha ang dahilan.Malalaking tao ang kasama ko sa nilipatan na selda, punung-puno ng tattoo ang mga katawan. Pagdating ko roon, mainit kaagad ang ulo nila sa akin.Tangina. Alam ko na ang ganito.Hindi ako nagkamali. Halos araw-araw kong tiniis ang hagupit ng kanilang mga kamao. Umabo
"Sabihin mo... hindi talaga kayo naghiwalay, 'di ba? Kayo pa rin hanggang ngayon. At kung anuman ang mayroon sa atin... laro lang para sa'yo. Nainip ka at ginusto mong maghanap ng mapaglilibangan habang malayo ka sakaniya.""Ang sama mo! How dare you think of me that way?! How dare you, huh?! Ganiyan ka mag-isip dahil ginagawa mo rin! Ang kapal ng mukha mong sabihin iyan pero ikaw itong lantarang may iba! Two weeks! Two fucking weeks, Nabrel... paano mo ako natiis nang ganoon katagal?""Hindi mo alam ang sinasabi mong tiniis kita..." nanginig ang boses ko."Bakit ka ba nakipag-usap sa akin kung ganito lang din naman? Sana ay hindi ka na nagreply! Sana tuluyan ka nalang hindi nagpakita! I hate you, Nabrel! I hate for accusing me! I hate you for being with Lily! I hate you for hurting me!""I hate you too..." bulong ko ngunit ang tanging gusto ko nalang gawin ay ang hilahin siya at halikan.
Ramdam ko ang kaniyang panginginig. Nang masilayan ko ang mga mata niya, doon ako tuluyang nawala.In that moment, I felt that our souls were connected with each other. Her name was already marked on my soul. My whole life was full of shortcomings as I've been chastised by the cruelty of the world but when she came, my soul suddenly boasted a plenitude of tranquility.Buong akala ko ay sa kalmadong karagatan ko lamang makukuha ang ganitong klaseng kapayapaan. Ngunit mayroon palang mas higit pa roon..."Sana madali lang 'to, Talianna. Sana maintindihan mo..."Umiling siya at hinang-hina nang itulak ako."Because you love someone else. Masama ba ako, Nabrel? Naiinggit ako kay Blair. Inggit na inggit ako sakaniya."Pumikit ako ng mariin at tumingala.Bakit hindi niya magawang maintindihan? Akala ba niya ay madali para
Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman matapos marinig mula sakaniya ang mga salitang 'yon.Hindi, Nabrel. Masyadong mababaw ang nararamdaman niya sa'yo. Like nga lang, 'di ba? Masyadong pambata kaya bakit ka nagkakaganyan na para bang pagmamahal ang inamin niya?"Talianna, hindi pwede. May... may girlfriend ako."Dahil sa gulo ng isip ko, dahil sa mga bagay na gumugulo sa akin tungkol sa aming dalawa, iyon lang ang tanging naging sagot ko.Inakala ko na iyon ang mas mainam sa aming dalawa. Ano bang mangyayari kung sakaling malaman niya ang nararamdaman ko? Ayaw ko nang malaman. Ayaw ko nang saktan ang sarili ko.Hindi kami pwede at ayaw ko nang kalabanin ang tadhana.Ngumiti siya ngunit alam kong hindi iyon ang ngiti na gusto niyang ipakita sa akin.Hinampas ang puso ko nang makitang namuo ang kaniyang mga luha.
"Blair, marami akong responsibilidad sa buhay. Marami akong gustong gawin. At ang pakikipag-relasyon ay hindi kasama roon. Pasensya na pero..." umiling lamang ako. Humiwalay ako sakaniyang pagkakahawak."Hindi! Alam kong hindi 'yan ang dahilan mo, Nabrel. May iba kang nagugustuhan! Alam ko! Nakikita ko! Kitang-kita ko!" sigaw niya na ikinagulat ko. Ngunit hindi ko magawang pabulaanan ang kaniyang sinabi dahil alam ko na bistado na ako.Hindi na dapat ako nagpunta pa rito sa mansyon ng mga Monselorette. Hindi ko inakala na ito pala ang gusto niyang pag-usapan.Tumitingin ako sa paligid dahil baka bigla siyang sumulpot at makita kaming dalawa rito sa hardin. Ayaw kong may iba siyang iniisip sa aming dalawa ni Blair.Tamang hinala pa naman ang isang iyon.Pero ako... malakas lang ang tama pagdating sakaniya."Blair, tsaka na tayo mag-usap kapag kumal
Anong ginagawa ng dalawang lalaki? Bakit hindi nila tulungan ang Papa ko? Bakit nanonood lang sila habang sinasaktan ang Papa ko?"Papa..." nanginginig kong bulong habang nakatago."Kung nasa akin pa rin hanggang ngayon si Louisiana, masaya kaming dalawa ngayon! Bakit mo siya pinabayaan?! Huh?! Tinanggap ko! Natuto ko nang tanggapin na hindi ako ang mahal niya! Nagpakasal ako sa iba at bumuo ng pamilya pero siya pa rin! Dapat ay ibinalik mo nalang siya sa'kin kung hindi mo siya kayang alagaan!" kahit punung-puno iyon ng galit, hindi nakatakas sa aking pandinig ang pagkabasag ng boses nito.Hindi ko maintindihan. Sino ang lalaking 'yon? Bakit niya kilala si Mama? Anong sinasabi niya?Nagimbal na lamang buong pagkatao ko nang makitang tinulak ng lalaki ang Papa ko. Mabilis niyang hinablot ang isang bagay na hindi ko maaninag na inabot ng lalaking nasa tabi nito.
May parte sa akin na nagdiwang nang masilayan ang mukha niya. Kahit may bahid ng iritasyon doon..."What?" maarte niyang untag at bahagyang nakasimangot. Pansin ko ang pamumula niya. Madali iyon mapansin lalo pa't ang kaniyang puti ay nasa ibang lebel.Ngumuso ako, pinipigilan ang malawak na ngisi. Bakit ang dali niyang mairita? Ganito ba talaga ang mga anak-mayaman?"May gusto pa po ba kayo?" kaswal kong tugon matapos maiabot ang baso.Hindi nagtagal ang tingin niya sa akin at kaagad binalik ang atensyon sa kausap."You can leave now. Thanks," sumulyap siya ulit sa akin ngunit mabilis lamang iyon. Hindi man lang marunong magbigay ng kahit maliit na ngiti.Hindi nagtagal sa isip ko ang maiksing interaksyon na iyon. Marami akong ginagawa at hindi ko na kailangan pa ng karagdagang iisipin. Binuhos ko ang lahat ng oras sa mahahalaga
Ang tanging gusto ko lang noon ay maging kumportable ang mga kapatid ko. Hindi ko na inalala ang sarili. Madalas akong hindi pumasok sa eskwelahan dahil hindi ang pakikinig sa guro ang kailangan ko, kundi ang magtrabaho at kumita para sa amin. I grew up with a lot of responsibilities. Halos patayin ko ang sarili sa pagtratrabaho. Pagpasok palang ng panibagong araw, nasa laot na ako kasama ang mga mangingisda. Hindi ko kilala ang pahinga."Limang daan. Pasensya na, Nabrel. Alam mo naman, tumaas ang presyo ng pinagkukunan ko ng mga gulay,"Tumango ako at binigyan ng isang maliit na ngiti si Aling Nora."Naiintindihan ko po," pinunasan ko ang aking noo gamit ang dalang panyo.Mataas ang tirik ng araw. Naisip ko ang kapatid kong si Senyel. Patapos na ang klase nun. Nakapagdala kaya iyon ng payong? Matigas pa naman ang ulo ng isang 'yon at ayaw na nagdadala ng kung ano kaya madalas kong