Share

Chapter 14

Author: reyvonn
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Humalukipkip ako at pasimpleng sinulyapan si Nabrel. Naabutan ko ang salubong niyang kilay habang tinatanaw ang aking suot.

Isang beses niya pang pinasadahan ang aking suot bago nag-angat ng tingin sa aking mukha. 

"Kita ang braso mo, Talianna. Ang nipis mo. Malamig na sa labas. Hindi ka magdadala ng jacket?" Komento niya at hinaplos ang kaniyang buhok. 

Nagtaas ako ng kilay at inirapan siya. "Duh! Iyong girlfriend mo nga kita ang pusod!" maanghang kong sinabi. 

Kitang-kita kong natigilan siya. Nanliit pa ang kaniyang mga mata. Mas lalo akong napairap. 

"Sino?" Malamig ang kaniyang boses. Magarbo niya akong tinitigan na tila ba nanghahamon. 

"Anong sino?!" Napairap ako. Anong ibig niyang sabihin doon? Dapat ba ay kailangan pang pangalanan ang girlfriend niya? Maliban na lang kung hindi nag-iisa! 

He slowly licked his lower lip and tilted his head. "Wala akong maalalang may girlfriend ako, Talianna." 

"Ha! I can't believe you're denying this, Nabrel. Ganiyan ka palang boyfriend." I snorted. 

Pumikit siya at marahang umiling. "Ano bang sinasabi mo?" Marahang sambit niya at patuloy akong tinitigan. Kitang-kita ko sa mga mata niyang natutuwa siya sa usapan na ito.

"Whatever. Hindi ko alam kung bakit kailangan mo pang itanggi."

"Talagang itatanggi ko dahil hindi naman totoo. Sino bang girlfriend ang tinutukoy mo, Talianna?"

Natigilan ako at sandaling tumitig sakaniya. Nag-angat siya ng kilay.

"Hindi mo ba... girlfriend... ang kasambahay kong si Blair?" Punung-puno ng pagdududa ang tono ko.

He bit his lip, obviously suppressing a smile. Ngumuso siya, titig na titig pa rin sa akin. Nakaramdam ako ng kiliti sa aking sistema kasabay ng matinding kalabog ng dibdib ko. Para bang may nagdiriwang doon. Hindi ko matanto kung para saan ang pagdiriwang na iyon. May mga munting nilalang na naghahari roon...

"Wala akong girlfriend. Hindi ko alam kung bakit mo naisip iyan. Parang... gago lang, Talianna," bulong niya sa huli at umiling.

Nag-iwas ako ng tingin at napalunok. Pinuno ko ng hangin ang aking baga. Hindi ko namalayan na napigil ko ang aking paghinga.

"Tss. I don't believe you..." I whispered. 

I heard him chuckled softly. Mas tumindi ang kaba ko. 

"Iyong crush ko kasi may boyfriend. Hinihintay ko pa ang paghihiwalay nila."

Nilingon ko siya. His face was serious but he immediately gave me a weak smile. Naiwan ang tingin ko sakaniyang mukha nang tinanaw niya ang hagdan.

"Tara na, Blair?" Aniya at doon lamang ako lumingon sa aking likuran.

Tipid ang ngiti ni Blair. Lumingon siya sa akin at bahagyang nagtagal sa akin ang tingin niya. "Hindi na pala ako sasama, Nabrel. May pinapagawa si Sir Lavino. Uhm, enjoy na lang kayo. Ako nang magpapaliwanag kay Kaloy kung bakit hindi ako makakadalo. Maiintindihan niya naman siguro.

Nanatili lamang akong nakatingin sakaniya. Ngumiti siya at bahagyang tumango sa akin.

"Ganoon ba? Mauuna na kami kung ganoon. I-text mo na kaagad si Kaloy. Baka magtampo iyon." Nabrel chuckled a bit. 

"Oo nga, e. Maayos naman ang paalam ko kanina kay Sir Lavino. Nakapagtataka lang na nagbago bigla ang isip niya," aniya at lumingon sa akin ngunit mabilis ding umiwas. "Sige. Mag-iingat kayo," may lumbay sa tinig niya. Nag-iwas ako ng tingin dahil baka makita niya sa mga mata kong ako ang nasa likod ng lahat. Mukhang gustung-gusto niyang dumalo. Pasensiya na, Blair. Maglinis ka na lang diyan. Tutal iyon naman ang trabaho mo. 

"What?! Maglalakad lang tayo?!" Bayolente kong sinabi paglabas namin. Buong akala ko ay dala niya ang kaniyang motor! At medyo malayo raw ang kanila. 

"Hindi ka ba marunong maglakad, Senyorita?" Inosente niya pang sambit na halatang nang-iinis. 

Humalukipkip ako at tumigil. Bitbit niya ang mga pulutan na pinabili ko sa driver. Nagulat pa siya kanina nang sabihin kong nagpabili talaga ako. Aniya ay hindi naman daw kailangan dahil may pagkain naman sa handaan ngunit nagpumilit pa rin akong dalhin iyon. Nabili ko na, e. Alangan naman iwan ko pa sa mansiyon? E, binili ko naman talaga iyon para kay Kaloy. 

"Biro lang. Sasakay tayo ng tricycle." Tamad siyang napailing at nanguna na sa paglalakad.

Naglakad kami ng ilang sandali hanggang sa may nakita siyang dumaang tricycle at pinara iyon.

"Nabrel! Iuuwi mo na ba iyan?" Humalakhak ang tricycle driver nang makita ako. Nagtaas ako ng kilay sakaniya kahit alam kong hindi niya makikita dahil medyo madilim dito sa pwesto amin.

Tumawa lang si Nabrel at sinenyasan na akong pumasok. Naramdaman ko ang marahan niyang paghawak sa aking likod. Nagtaka ako nang hindi siya pumasok. Yumuko lang siya at tinanaw ako mula sa loob.

"Ayos ka lang ba riyan? Doon na ako sa likod," aniya.

"What? Bakit sa likod ka? May space pa naman dito!" Nilakasan ko ang aking boses dahil sa ingay ng tunog na hatid ng tricycle.

Ilang sandali siyang natigilan at napakurap. "Sigurado ka?" Aniya sa tonong nagtataka.

Umirap ako. "Of course! Pumasok ka na."

Umusog ako sa gilid nang umamba siyang papasok. Nakayuko siya dahil tumatama ang ulo niya sa bubong ng tricycle. Umatake sa aking ilong ang amoy niya. He smelled really good. No traces of any expensive perfume but completely masculine scent. Nagtatama ang aming mga braso.

Nakatanaw lang siya sa labas. Ngumiti ako at dahan-dahang ipinasok ang aking braso sa pagitan ng kaniyang tagiliran. Mabilis siyang napalingon sa akin at kitang-kita ko pa ang pagkunot ng kaniyang noo. Nanatili lamang ang aking matamis na ngiti habang tinititigan siya. I rested my chin against his arm. 

A quiet contentment spread through me. I felt dizzy with excitement. It was... very strange. It was so intense and it scared me.

Bakit may ganito? Marahas ang bawat pagtambol ng puso ko...

"I just want to do this. Big deal ba?" I whispered to him. Kahit sa dilim, nakita kong umigting ang kaniyang panga habang nakatitig sa akin.

Ramdam ko ang mainit niyang hininga na tumatama sa aking mukha. Napapikit ako ng dahil doon. 

Nanatili lamang siyang madilim ang titig sa akin. He pursed his lips, a slight furrow between his brows as he stared pointedly at me with an icy coldness. He was... I could tell... annoyed. 

I bit my lower lip and slowly pulled myself away from him. Tinanggal ko rin ang braso ko sakaniya. Nag-iwas ako ng tingin. Itinuon ko na lamang ang mga mata ko sa harapan, kahit wala namang interesante roon. Ramdam ko ang matinding init sa aking pisngi. What the hell am I doing... 

Halos sampung minuto ang biyahe namin hanggang sa marinig ko siyang pinapatabi ang tricycle. Nagkunwari akong balewala lang ang lahat ngunit sa aking kaloob-looban ay labis na ang kahihiyang nararamdaman. 

Inilahad niya ang kaniyang kamay nang ako na ang lalabas. Walang pagdadalawang-isip ko iyon tinanggap. I smiled at him and uttered a thank you in a small voice. Nakakunot lamang ang kaniyang noo, hindi sumagot at nag-iwas ng tingin. Kinagat ko ang aking labi at nanahimik na lamang sakaniyang gilid. Halos makalimutan ko pang kailangan pala namin magbayad. Naalala ko lang bigla nang makita kong nag-abot siya ng pera sa tricycle driver na nakatingin sa akin. He was smirking at me then he turned to Nabrel. 

"Grabe, Nabrel! Saludo talaga ako sa'yo." Humalakhak siya. 

Ngumuso ako at nilingon si Nabrel. Umiling lamang siya habang nakangisi.

"Salamat, Jason. Ingat," aniya at nauna nang maglakad. Sumunod ako sakaniya habang tinatanaw ang paligid. Simple ang mga bahay at magkakatabi talaga. Karamihan sa mga iyon ay gawa sa kahoy ngunit halatang matibay ang pagkakagawa. 

Tumigil din ako sa paglalakad nang tumigil si Nabrel. He offered his hand and I immediately held it. Mukhang nababagalan siya sa pagsunod ko. Dinig ko ang pagbati sakaniya ng ilang mga nakakasalubong namin. Tumatango siya ngunit hindi na tumitigil upang pahabain pa ang usapan. Nakikita ko pa ang tingin ng mga taong nakakasalubong namin. 

"Senyorita!" It was Kaloy. Malaki ang kaniyang ngiti at nakalahad pa ang mga braso na tila ba nag-aabang ng yakap. Sa likuran niya ay ang tingin ko'y kanilang bahay. Nakikita ko mula rito ang mga plastic na mesa at upuan. May mga bisita nang nakaupo roon. At may naririnig din akong lalaking kumakanta sa karaoke. 

Bumitaw ako mula kay Nabrel at lumapit kay Kaloy. I was about to give him a hug but Nabrel immediately pulled Kaloy's sleeve away from me.

"Oh! 'To na ang sisig at letson kawali mo. Ilagay mo na ito roon at uupo na kami ni Talianna. At tigilan mo ang pagtawag ng senyorita sakaniya. Hindi porket birthday..." Humina at dumiin ang kaniyang tono sa dulo. Nagkamot ng ulo si Kaloy at tinanggap na lamang ang mga plastic mula kay Nabrel. 

"Naku! Tinotoo mo nga, Senyo- Talianna! Salamat dito, ah. Halina kayo. Pasok na at nang matikman niyo ang luto ni Inay," he said cheerfully. I noticed that he was wearing a semi-formal outfit, a red polo shirt and a pair of dark jeans. Of course. It was his birthday. 

Umupo kami ni Nabrel sa isang bilugang mesa. Kami lang ang naroon. Lumilinga ako sa paligid habang nakaupo kami. Nakita ko ang nakababata niyang kapatid na kasama sa isang mesa ang ibang mga kalalakihan. They had a bottle of beers in front of them. I remembered his name. Senyel. Napansin ko rin na halos lahat ng mga mata ay nasa aming banda. I awkwardly smiled at them. Nilingon ko si Nabrel sa aking tabi na nakatitig lang din sa akin. 

Ngumuso siya. "Ayos ka lang? Hindi ka ba... naninibago? Ganito talaga kapag may okasyon sa lugar namin. Sa bahay madalas ginaganap. Tiyak na sa mga function hall ka sanay." 

Kumunot ang noo ko. Bakit parang nagpapaliwanag pa siya? I admit it. Kahit kailan ay hindi pa ako nakapunta sa mga okasyong ganito. Iyong sa bahay lang ang selebrasyon. But it was fine with me. Bakit naman hindi magiging okay sa akin ang ganito? 

"I could say that this is fun. Aren't we gonna eat yet? I'm starving. Hindi ako kumain sa mansiyon, Nabrel," I said, dismissing the topic.

Kinagat niya ang kaniyang labi at marahang tumango. "Hintayin mo ako rito. Ikukuha kita ng pagkain. Kumakain ka ba ng ube-halaya? Gawa iyon ng nanay ni Kaloy." He smiled gently.

"Uhm, sure," sagot ko kahit hindi naman ako pamilyar sa binanggit niyang pagkain. 

Kitang-kita ko ang pagtaas ng kilay niya. "Alam mo ba kung ano ang ube-halaya, Talianna?"

"Kung anuman iyan, I'm sure it tastes good. Matamis iyan, right? You said it's ube."

"Gawa iyon sa ube na may bagoong. Naglalaban ang tamis at alat kaya talagang masarap." Ngumisi siya. 

Kumunot ang noo ko. Bagoong at ube? 

"I didn't know na pwede iyon. Hindi kaya sumakit ang tiyan ko, Nabrel?" I pouted.

"Hindi naman siguro. Ikukuha na kita." Umamba siyang tatayo kaya mabilis kong hinawakan ang kaniyang braso. Nilingon niya iyon kaya mabilis kong binitawan. 

"Uhm, sasama ako." 

Umiling siya at hinaplos ang kaniyang buhok. "Huwag na. Diyan ka nalang. Sandali lang ako." Habang nagsasalita siya ay may nakaagaw ng kaniyang atensiyon. Ngumiti siya sa kung sinumang nakita niya. Sinundan iyon ng mga mata ko at natanaw ang isang magandang babaeng nakadilaw na dress. Sa tabi niya ay isang lalaki. Nakahawak ang lalaki sa baywang nito.

Morena ang babae at matangkad. She looked like a beauty queen. Maiksi ang buhok nito. I pursed my lips when she hugged Nabrel. Pagkatapos ay tinanguan ng kasama nitong lalaki si Nabrel. 

"Ang sabi ni Kaloy, hindi ka raw pupunta! Niloloko ako ng gunggong na iyon!" She pouted.

Ngumiti si Nabrel. And... I saw how his eyes twinkled. His face was lit up bright and he had that soft look on his face. Tila ba wala siyang ibang nakikita kundi ang babaeng kaharap. Wala ang lahat. Tanging silang dalawa lang. 

"Alam mo naman ang pinsan mong iyan, Hailey. Tsaka hindi pwedeng hindi ako dumalo. Ang lapit lang ng bahay."

"Bibigwasan ko talaga ang Kaloy na iyon! Teka lang, ha? Babatiin ko lang siya at bibigwasan na rin. Love, halika na. Puntahan natin si Kaloy." Pumulupot ang braso niya sa braso ng kaniyang kasamang lalaki.

Nagpaalam sila sa isa't isa bago tuluyang maglakad papasok ng bahay. Si Nabrel ay nanatiling nakatitig sa babaeng papalayo. Napakurap ako at nag-iwas ng tingin.

Tumango lamang ako nang magpaalam siya upang kumuha ng pagkain.

Nang maiwan akong mag-isa, doon ko naramdaman ang panlalamig. Para bang ngayon lang nanuot sa akin ang nangyari. Para akong nahihilo... ramdam ko ang panghihina ng tuhod ko kahit na nakaupo.

Related chapters

  • Plenitude of the Soul   Chapter 15

    Hanggang sa makabalik si Nabrel dala ang dalawang platong may lamang pagkain, tulala pa rin ako. Naririnig kong may sinasabi siya ngunit hindi iyon klaro sa aking pandinig. Isang bagay lang ang tumatakbo sa isip ko ngayon... Pasimple kong pinilig ang aking ulo. Pinulot ko ang kubyertos at tinanggal ang nakabalot na tissue roon. Tinusok ko ang karne at sinubo. Pinilit kong malasahan iyon, nagbabakasaling mapawi nito ang tabang sa aking sistema. But... it didn't. Nilingon ko si Nabrel na tahimik lamang kumakain sa aking tabi. Sumulyap siya sa akin nang maramdaman ang titig ko. Bumagal ang kaniyang pagnguya at bumagsak ang tingin sa aking plato. "H-Hindi mo ba gusto ang pagkain?" Marahan niyang sinabi. Kinagat ko ang labi ko at sinubukang ngumiti sakaniya. "Gusto. Masarap," putul-putol ang aking mga salita dahil patuloy na naglalaro sa aking isip ang imahe kanina. Naramdaman ko ang panunuya ng lalamunan ko. Hinablot ko ang bote ng softdrink a

  • Plenitude of the Soul   Chapter 16

    I took a shower and wore a simple pink summer dress. Hindi na ako nag-abala pang patuyuin ang buhok ko at tumulak na pababa. Tanging sina Manang na lang ang naabutan ko sa dining area nang sumilip ako roon. Ngumuso ako nang lumingon sa akin si Manang Fely, nakataas ang kilay. Umiling lamang ako at mabilis na tumalikod. Nang mapadpad ako sa hardin ay doon ko natanaw si Balir na nagwawalis. Dumako ang tingin ko sa isang banda, naroon si Nabrel at kausap si Dad. Tumatango siya sa kung anumang sinasabi ng ama ko sakaniya. Napabaling sa akin si Dad at sinenyasan akong magtungo sakanila. Huling-huli ko pa ang pagnguso ni Nabrel habang pinapanood akong papalapit. He bit his lip and his brows furrowed. Dumungaw siya sakaniyang telepono. Umangat ang kilay ko habang pinapasadahan siya ng tingin. He was wearing a white shirt and gray shorts. Very simple... he looked really fresh everytime I see him. Parang hindi pinapawisan! "Iyan na ba ang suo

  • Plenitude of the Soul   Chapter 17

    "How are you doing in Belleza Eterna, Talianna?"I put down my red wine and smiled at Tito Darius."It's fun. I've actually learned to love Belleza Eterna because honestly, I hate it before. Alam iyan ni Dad. Pero ngayon po ay masasabi kong masaya ako dahil dinala ako roon ni Dad." I chuckled a bit.His wrinkles showed up even more when he smiled widely. But despite of those wrinkles, he was still a good looking man. Walang duda na ama siya ni Davien. They really looked the same.His wife, Tita Lyanov, died because of cancer. Matagal na panahon na iyon. Bata pa kami ni Davien."That's good to hear. Davien is always asking me to let him visit you every once in a while. Hindi kayang malayo ng anak kong iyan sa'yo, Talianna." Humalakhak ang matandang ginoo.I just smiled. Binagsak ko ang tingin sa aking plato. Lumingon ako kay Nalya na na

  • Plenitude of the Soul   Chapter 18

    Pagtuntong ng hapon, inabala ko na lang ang sarili sa panonood ng movie sa aking laptop. Naubos ko yata ang limang episode hanggang sa magsawa. Pagdungaw ko sa bintana ay madilim na. Bumaba ako upang kumuha ng maiinom. Hindi na siguro ako kakain ng hapunan dahil busog pa ako sa kinain kong tortilla at ice cream habang nanonood."Nasaan si Blair?" Untag ko nang sina Manang lang ang naabutan ko sa dining area. Hindi ko naman siya nakasalubong habang patungo ako rito."Nasa labas. Nagpaalam na kakausapin saglit si Nabrel. Kakain ka na ba, Talianna? Ipaghahanda na kita." Si manang Fely ang sumagot.Kumunot ang noo ko. I pursed my lips to hide my annoyance. Anong dapat nilang pag-usapan sa gabing ito? Hindi ba dapat ay nakauwi na si Nabrel ngayon galing trabaho? Bakit pa nila kailangang mag-usap ngayon? Talagang pinuntahan niya pa rito!Tinaas ko ang manggas ng aking pulang sweater

  • Plenitude of the Soul   Chapter 19

    I grabbed my chiffon cover up and immediately followed them to the guestroom. Nanginginig pa rin ako at hindi matigil sa pagbuhos ang luha ko dahil masyado akong natakot sa nangyari. I don't think I would be able to sleep tonight.Nilapag ni Nabrel si Blair sa kama na kapwa basang-basa pa rin. I stood behind Nabrel. I bit my lower lip while contemplating the right words to say. Suminghot ako at pinalis ang luha sa aking pisngi. I glanced at my Dad who was looking at me with his cold eyes while crossing his arms. He pursed his lips and cleared his throat.Nag-iwas ako ng tingin. Masyado akong nagui-guilty sa nangyari. Matindi ang pagsisisi ko. I probably look stupid now."Blair, I think you need to change your clothes first. Take a shower. Magpahinga ka na muna rito at ipagpaliban mo muna ang pag-alis," Dad announced.Si Nabrel ay nakaupo lamang sa kama, tulala kay Blair na nak

  • Plenitude of the Soul   Chapter 20

    I just spent my remaining summer vacation days in our mansion. Nabrel accepted the offer to be my driver. Inasahan ko na rin naman iyon.As I stared myself in the mirror, it felt so freakish to think that this is actually happening. Unang araw ng pasukan at halos hindi pa rin ako makapaniwalang nandito na talaga ako. Parang last minute nang naintindihan ng sistema ko ang katotohanan.In my entire seventeen years of existence, nasanay na ako sa mga nagtatayugang gusali sa siyudad. At ang mabuhay sa lugar na tanging napapalibutan ng karagatan ay ibang-iba sa aking nakasanayan.Ang pangingisda na pinagkukunan ng kabuhayan ng mga tao rito ay nakakamangha para sa akin. Siguro para sa mga lokal dito, ang hampas ng alon ang pinakamagandang tunog na maririnig. Hindi rin siguro nila maiintindihan ang isang taong hindi gusto ang dagat. Marahil ay para sakanila, para na rin sinabi nitong ayaw nitong huminga. And maybe..

  • Plenitude of the Soul   Chapter 21

    Tipikal na unang araw ng pasukan. I was just silent here in my seat, sa bandang likod. Kakaunti pa lang ang mga nasa room. Sampu pa lang yata kami at ang nasa tabi ko ay kanina ko pa napapansing pasulyap-sulyap sa aking bag. Tinaasan ko siya ng kilay bilang tahimik na pagtatanong sakaniyang panaka-nakang sulyap."Uhm, ang ganda ng bag mo. Givenchy iyan, 'di ba? At mukhang legit! Mahal iyan, ah!" eksahadera niyang sinabi. Napalingon pa sa aming banda ang ilang naroon."Hmmm... mura lang. Hundred thousand." I shrugged.Nalaglag ang panga niya at namilog pa ang mga mata. "Grabe! Napakamahal pala talaga. Limang taon ko ng allowance iyon, ah."Her wavy shoulder length hair emphasized her small face. May kaunting bangs. She looked like a Korean. She's kinda cute.I just smiled at her."Uhm, Camille nga pala. Mukhang hindi ka rito

  • Plenitude of the Soul   Chapter 22

    "Sigurado na ba iyong ala una, Talianna? Hindi ba natin pwedeng agahan. Mga before lunch?" si Kennedy.Iritado pa ako dahil kay Leigh kaya iritado rin ang tono kong nasagot si Kennedy."Kayong bahala. Maghihintay lang naman ako. Kayo nang bahalang magdesisyon tungkol diyan. Kay Leigh kayo magtanong. Siya ang leader."I shrugged about that at hinablot na ang aking bag."T-Teka lang, Talianna."Nilingon ko muli si Kennedy. Binigyan ko siya ng pagod na tingin. Kumurap siya at inayos ang kaniyang salamin."Kapag hindi sila pumayag sa mas maagang oras, p-pwede bang mas maaga akong magpunta?"I tilted my head. Mukhang naasiwa siya sa aking reaksiyon kaya mabilis siyang nangapa ng sasabihin."Kasi! K-kasi ano... wala naman akong gagawin bukas. Para sana masimulan na natin nang mas ma

Latest chapter

  • Plenitude of the Soul   Special Chapter 10

    Hindi ko na siya magawang hawakan at tuluyang lumuhod sa aking harapan. "Patawarin mo ako, Nabrel. Anak... patawad. Sobrang natakot ako para sa amin ng pamilya ko. Alam ng lahat na kilala ang pamilya ng mga De Loughrey bilang makapangyarihan. Gusto ko lang protektahan sina Sandro. Pero walang araw na hindi ako ginugulo ng konsensya ko, Nabrel. Sobrang hirap... hindi ko na kayang manahimik." Nang mga oras na iyon, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman. May halong galit, pangamba, lungkot at iba pang mga bagay na hindi ko mapangalanan. Nabanggit ng matanda ang video na kaniyang nakunan. Buong gabi kong pinanood ang dalawampu't walong segundong video. Paulit-ulit hanggang sa hindi ko na mabilang. Sampung taon na ang video ngunit klaro pa rin ang laman nun. "Iningatan ko 'yan. 'Yan ang bukod tanging iningatan ko sa buong buhay ko, Nabrel. Dahil alam ko na

  • Plenitude of the Soul   Special Chapter 9

    "Naku, toy. Mahirap iyong ganiyan. Kahit sabihin mo pang mahal ka ng babaeng 'yan, maghahanap at maghahanap 'yan ng iba sa labas. Dahil tayong mga narito sa loob, kinakalimutan.""Tama! 'Yong asawa ko, ayun! Buntis na sa ibang lalaki. At alam mo kung anong mas masaklap, toy? Kumpare ko ang nakabuntis. Putangina niyo Corazon at Manoy! Putangina niyong lahat!"Hindi madali ang buhay sa loob. Hindi ko lubos maisip na mararanasan ko ang ganitong klase ng hirap. Inalis ako sa seldang 'yon matapos ang ilang buwan. Noong una ay hindi ko alam kung bakit kailangan ang ganoon. Ngunit unti-unti ko ring nakuha ang dahilan.Malalaking tao ang kasama ko sa nilipatan na selda, punung-puno ng tattoo ang mga katawan. Pagdating ko roon, mainit kaagad ang ulo nila sa akin.Tangina. Alam ko na ang ganito.Hindi ako nagkamali. Halos araw-araw kong tiniis ang hagupit ng kanilang mga kamao. Umabo

  • Plenitude of the Soul   Special Chapter 8

    "Sabihin mo... hindi talaga kayo naghiwalay, 'di ba? Kayo pa rin hanggang ngayon. At kung anuman ang mayroon sa atin... laro lang para sa'yo. Nainip ka at ginusto mong maghanap ng mapaglilibangan habang malayo ka sakaniya.""Ang sama mo! How dare you think of me that way?! How dare you, huh?! Ganiyan ka mag-isip dahil ginagawa mo rin! Ang kapal ng mukha mong sabihin iyan pero ikaw itong lantarang may iba! Two weeks! Two fucking weeks, Nabrel... paano mo ako natiis nang ganoon katagal?""Hindi mo alam ang sinasabi mong tiniis kita..." nanginig ang boses ko."Bakit ka ba nakipag-usap sa akin kung ganito lang din naman? Sana ay hindi ka na nagreply! Sana tuluyan ka nalang hindi nagpakita! I hate you, Nabrel! I hate for accusing me! I hate you for being with Lily! I hate you for hurting me!""I hate you too..." bulong ko ngunit ang tanging gusto ko nalang gawin ay ang hilahin siya at halikan.

  • Plenitude of the Soul   Special Chapter 7

    Ramdam ko ang kaniyang panginginig. Nang masilayan ko ang mga mata niya, doon ako tuluyang nawala.In that moment, I felt that our souls were connected with each other. Her name was already marked on my soul. My whole life was full of shortcomings as I've been chastised by the cruelty of the world but when she came, my soul suddenly boasted a plenitude of tranquility.Buong akala ko ay sa kalmadong karagatan ko lamang makukuha ang ganitong klaseng kapayapaan. Ngunit mayroon palang mas higit pa roon..."Sana madali lang 'to, Talianna. Sana maintindihan mo..."Umiling siya at hinang-hina nang itulak ako."Because you love someone else. Masama ba ako, Nabrel? Naiinggit ako kay Blair. Inggit na inggit ako sakaniya."Pumikit ako ng mariin at tumingala.Bakit hindi niya magawang maintindihan? Akala ba niya ay madali para

  • Plenitude of the Soul   Special Chapter 6

    Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman matapos marinig mula sakaniya ang mga salitang 'yon.Hindi, Nabrel. Masyadong mababaw ang nararamdaman niya sa'yo. Like nga lang, 'di ba? Masyadong pambata kaya bakit ka nagkakaganyan na para bang pagmamahal ang inamin niya?"Talianna, hindi pwede. May... may girlfriend ako."Dahil sa gulo ng isip ko, dahil sa mga bagay na gumugulo sa akin tungkol sa aming dalawa, iyon lang ang tanging naging sagot ko.Inakala ko na iyon ang mas mainam sa aming dalawa. Ano bang mangyayari kung sakaling malaman niya ang nararamdaman ko? Ayaw ko nang malaman. Ayaw ko nang saktan ang sarili ko.Hindi kami pwede at ayaw ko nang kalabanin ang tadhana.Ngumiti siya ngunit alam kong hindi iyon ang ngiti na gusto niyang ipakita sa akin.Hinampas ang puso ko nang makitang namuo ang kaniyang mga luha.

  • Plenitude of the Soul   Special Chapter 5

    "Blair, marami akong responsibilidad sa buhay. Marami akong gustong gawin. At ang pakikipag-relasyon ay hindi kasama roon. Pasensya na pero..." umiling lamang ako. Humiwalay ako sakaniyang pagkakahawak."Hindi! Alam kong hindi 'yan ang dahilan mo, Nabrel. May iba kang nagugustuhan! Alam ko! Nakikita ko! Kitang-kita ko!" sigaw niya na ikinagulat ko. Ngunit hindi ko magawang pabulaanan ang kaniyang sinabi dahil alam ko na bistado na ako.Hindi na dapat ako nagpunta pa rito sa mansyon ng mga Monselorette. Hindi ko inakala na ito pala ang gusto niyang pag-usapan.Tumitingin ako sa paligid dahil baka bigla siyang sumulpot at makita kaming dalawa rito sa hardin. Ayaw kong may iba siyang iniisip sa aming dalawa ni Blair.Tamang hinala pa naman ang isang iyon.Pero ako... malakas lang ang tama pagdating sakaniya."Blair, tsaka na tayo mag-usap kapag kumal

  • Plenitude of the Soul   Special Chapter 4

    Anong ginagawa ng dalawang lalaki? Bakit hindi nila tulungan ang Papa ko? Bakit nanonood lang sila habang sinasaktan ang Papa ko?"Papa..." nanginginig kong bulong habang nakatago."Kung nasa akin pa rin hanggang ngayon si Louisiana, masaya kaming dalawa ngayon! Bakit mo siya pinabayaan?! Huh?! Tinanggap ko! Natuto ko nang tanggapin na hindi ako ang mahal niya! Nagpakasal ako sa iba at bumuo ng pamilya pero siya pa rin! Dapat ay ibinalik mo nalang siya sa'kin kung hindi mo siya kayang alagaan!" kahit punung-puno iyon ng galit, hindi nakatakas sa aking pandinig ang pagkabasag ng boses nito.Hindi ko maintindihan. Sino ang lalaking 'yon? Bakit niya kilala si Mama? Anong sinasabi niya?Nagimbal na lamang buong pagkatao ko nang makitang tinulak ng lalaki ang Papa ko. Mabilis niyang hinablot ang isang bagay na hindi ko maaninag na inabot ng lalaking nasa tabi nito.

  • Plenitude of the Soul   Special Chapter 3

    May parte sa akin na nagdiwang nang masilayan ang mukha niya. Kahit may bahid ng iritasyon doon..."What?" maarte niyang untag at bahagyang nakasimangot. Pansin ko ang pamumula niya. Madali iyon mapansin lalo pa't ang kaniyang puti ay nasa ibang lebel.Ngumuso ako, pinipigilan ang malawak na ngisi. Bakit ang dali niyang mairita? Ganito ba talaga ang mga anak-mayaman?"May gusto pa po ba kayo?" kaswal kong tugon matapos maiabot ang baso.Hindi nagtagal ang tingin niya sa akin at kaagad binalik ang atensyon sa kausap."You can leave now. Thanks," sumulyap siya ulit sa akin ngunit mabilis lamang iyon. Hindi man lang marunong magbigay ng kahit maliit na ngiti.Hindi nagtagal sa isip ko ang maiksing interaksyon na iyon. Marami akong ginagawa at hindi ko na kailangan pa ng karagdagang iisipin. Binuhos ko ang lahat ng oras sa mahahalaga

  • Plenitude of the Soul   Special Chapter 2

    Ang tanging gusto ko lang noon ay maging kumportable ang mga kapatid ko. Hindi ko na inalala ang sarili. Madalas akong hindi pumasok sa eskwelahan dahil hindi ang pakikinig sa guro ang kailangan ko, kundi ang magtrabaho at kumita para sa amin. I grew up with a lot of responsibilities. Halos patayin ko ang sarili sa pagtratrabaho. Pagpasok palang ng panibagong araw, nasa laot na ako kasama ang mga mangingisda. Hindi ko kilala ang pahinga."Limang daan. Pasensya na, Nabrel. Alam mo naman, tumaas ang presyo ng pinagkukunan ko ng mga gulay,"Tumango ako at binigyan ng isang maliit na ngiti si Aling Nora."Naiintindihan ko po," pinunasan ko ang aking noo gamit ang dalang panyo.Mataas ang tirik ng araw. Naisip ko ang kapatid kong si Senyel. Patapos na ang klase nun. Nakapagdala kaya iyon ng payong? Matigas pa naman ang ulo ng isang 'yon at ayaw na nagdadala ng kung ano kaya madalas kong

DMCA.com Protection Status