I took a shower and wore a simple pink summer dress. Hindi na ako nag-abala pang patuyuin ang buhok ko at tumulak na pababa.
Tanging sina Manang na lang ang naabutan ko sa dining area nang sumilip ako roon. Ngumuso ako nang lumingon sa akin si Manang Fely, nakataas ang kilay. Umiling lamang ako at mabilis na tumalikod.
Nang mapadpad ako sa hardin ay doon ko natanaw si Balir na nagwawalis. Dumako ang tingin ko sa isang banda, naroon si Nabrel at kausap si Dad. Tumatango siya sa kung anumang sinasabi ng ama ko sakaniya. Napabaling sa akin si Dad at sinenyasan akong magtungo sakanila.
Huling-huli ko pa ang pagnguso ni Nabrel habang pinapanood akong papalapit. He bit his lip and his brows furrowed. Dumungaw siya sakaniyang telepono. Umangat ang kilay ko habang pinapasadahan siya ng tingin. He was wearing a white shirt and gray shorts. Very simple... he looked really fresh everytime I see him. Parang hindi pinapawisan!
"Iyan na ba ang suot mo papuntang eskwelahan, Talianna?" Si Dad nang makalapit ako.
I sighed. "Ngayon na ba talaga? Hindi ba pwedeng next week na lang, Dad? Tatlong linggo pa ang bakasyon," walang lakas ang boses ko.
"Medyo nahuhuli na tayo sa totoo lang, Talianna. Marami nang nakapag-enrol nang mas maaga pa," malamig na tinig ni Nabrel kaya napasulyap ako sakaniya.
Napairap ako. "Fine! I'll just change my clothes."
Tumalikod na ako at napahinto lang nang marinig muli si Nabrel.
"Eskwelahan ang tungo natin, Talianna. Maraming tao. Huwag kang magsuot ng maiksi. Bawal ang ganoon doon."
I smiled at him sarcastically. "Sure. I'll wear a long skirt and a longsleeves. Ano pa? Baka naman required ding magsuot ng belo?"
"Hindi naman. Pero kung gusto mo, wala namang problema." Ngumisi siya ngunit may nakita akong iritasyon sakaniyang mukha.
"Don't worry. Pati kuko babalutan ko," gigil na gigil kong saad.
"Mabuti kung ganoon," seryoso lamang siyang tumango, tila ba hindi alintana ang pagiging sarkastiko ng tono ko. I can't help but roll my eyes. Nahihilo talaga ako sa tuwing kausap si Nabrel. Palaging umiikot ang mga mata ko sakaniya! Pasalamat siya at... nevermind!
I chose to wear high-waisted gray checkered skirt tucked in my white longsleeves button down shirt. Naalala ko kasi bigla na naka-white rin si Nabrel. I wore a black pointed toe heels to complete the outfit. Hinablot ko na rin ang aking Chopard sunglasses upang panangga sa mainit na panahon.
Pagbaba ko ay nag-aabang na sina Nabrel at Blair. Kitang-kita ko ang pagkunot ng noo ni Nabrel sa aking kasuotan. Kulang na lang ay makitaan ko ng malaking "what the fuck" ang kaniyang noo.
Matino naman ang pananamit ko. Well, bahagyang nagkulang sa tela ang skirt ko pero hindi naman ganoon kalala!
"Let's go," taas noo kong sinabi at nilampasan sila habang sinusuot ang aking sunglasses.
Dala namin ang Alphard. Si Nabrel ang nagmaneho. Hindi ko akalain na marunong siyang mag-drive. Buong akala ko ay tanging bangka lang ang kaya niyang paandarin. Pati nga pala motor.
I was sitting at the back habang si Blair ay siyang naroon sa front seat. Tahimik lamang ako at matalim ang tingin sa bintana habang naririnig ang pag-uusap nila na nahahaluan pa ng mahihinang halakhak. Para bang silang dalawa lang ang narito. Para bang walang kwenta ang presensiya ko.
Mga walang modong alipin!
"Makikita mo na naman si Sir Morales. Hindi ba paborito mong prof iyon?" Humalakhak si Nabrel.
"Tss. Hindi ko pa talaga nakakalimutan iyong araw na pinunit niya ang papel ko. Tapos noong nalaman niyang si Glaiza talaga ang bumubulong, nag-sorry!"
"Binigyan ka naman ng dagdag na puntos. Pampalubag loob daw."
"Masamang-masama na ang loob ko noon, Nabrel! Wala na akong pakialam sa plus points niya."
Nakakairita. Nakakabwisit. Ang sarap magsisante ng kasambahay!
"Will you please shut up? Nakakarindi! Mamaya na kayo magkwentuhan!" Hindi ko na napigilan pang punahin ang pag-uusap nilang nakakasira ng araw.
Nahagip ng tingin ko ang pagsulyap ni Nabrel sa rear view mirror. Umirap ako sakaniya at tumingin na lang muli sa bintana.
"S-Sorry, Ma'am," ani Blair sa maliit na boses. Inirapan ko ang buhok niyang tanging natatanaw ko mula rito sa likod.
"Init naman ng ulo. May tampuhan yata kayo ng boyfriend mo at nakasimangot ka." Nahimigan ko ang panunuya sa tono ni Nabrel. Matalim ko siyang tinignan. Isang beses niya akong sinulyapan bago lumingon muli sa harapan.
"Shut up, Nabrel. Magmaneho ka na lang diyan."
"Nagmamaneho naman ako."
"Then shut up."
"Suplada mo naman." Humalakhak muli siya.
Nagbuga ako ng hangin at pinilit na manahimik na lang. Bakit hindi ko naman nakikitang binubuwisit niya si Blair nang ganito? Bakit palaging ako na lang? Ano? Takot siya? Ayaw niyang napipikon si Blair sakaniya?
Hindi nagbago ang mood ko hanggang sa huminto ang sasakyan sa harapan ng isang malaking arko na may nakaukit na Tucson State University. Natatanaw ko mula rito sa bintana ang mga gusali sa loob. Marami ring naglalabas-masok na may bitbit na brown envelope.
"Blair, mauna ka nang bumaba. Ipaparada ko lang ang sasakyan," si Nabrel ngunit hindi ko na nilingon dahil abala akong tinatanaw ang mga taong pumapasok.
Wala akong kakilala ni isa rito. Panigurado na ang bawat estudyante rito ay may kakilala kahit first year pa lang. Taga-rito sila! At hindi ako taga-rito! Salta lang ako rito. Tinapon lang ako rito ng ama ko dahil isa raw akong suwail na anak ayon sakaniya.
"Sige. Ma'am, halika na. Hintayin na lang natin si Nabrel sa registrar," ani Blair na binalewala ko. Nanatili akong nakaupo, walang balak na kahit na ano.
"Kami na ang magsasabay, Blair. Mauna ka na sa loob."
Hindi niya ako nilingon. Hinintay niya lang ang pagbaba ni Blair. Humalukipkip ako at pumikit na lang habang nakahilig sa upuan.
Hindi ako kumilos nang lumabas na siya ng sasakyan. Nasa parking lot na kami at iilan lang ang mga sasakyang nakaparada roon. Hinila ko pababa sa aking mga mata ang sunglasses na nasa ulo ko. Pinanood ko siyang umikot patungo sa pintuan sa aking gilid. Binuksan niya iyon at mabilis akong bumaba, hindi tinanggap ang kamay niyang nakalahad. Nauna na akong maglakad. Taas-noo kong binabagtas ang parking lot nang marinig ko siyang nagsalita
"Parang alam na alam, ah? Dito ka nga!" Huminto ako at matalim siyang tinignan sa likod ng aking salamin. Wala akong nagawa kundi ang maglakad pabalik sakaniya. Umiling siya habang tinatanaw ang palda ko at nanguna na sa paglalakad. Nilakihan ko ang aking mga hakbang at hinablot ang kaniyang braso.
"Nabrel naman! Kita mo nang naka-heels ako! Walk slowly! Ano ba?!" Sigaw ko sakaniya.
Nagtaas siya ng kilay sa akin nang lingunin ako.
"Mag-eenrol ka lang, Talianna. Bakit ka pa nagsuot ng ganiyan?" His eyes narrowed and his teeth clenched together. He was completely irritated.
Napakurap ako at bahagyang natulala sa kaniyang iritadong ekspresyon.
"N-Nakakahiya naman kasi sainyo ni Blair! Masyado akong maliit kumpara sa inyo!"
Ngumuso siya, salubong pa rin ang kilay. Bumagsak ang tingin niya sa kamay kong nakahawak sa kaniyang braso kaya mabilis ko iyon pinakawalan. I stepped backward and looked away.
"Halika na," marahan niyang sinabi at nagpatuloy sa paglalakad. This time, mabagal na. Iyong sakto lang upang makasabay ako.
Napansin ko na halos makasalubong namin ay binabati siya. Mapa-babae man o lalaki. Ang ilan pa sa mga iyon ay hinihintuan niya at nag-uusap ng ilang sandali. Nakatayo lamang ako sa tabi niya, pigil ang inis habang nakahalukipkip sa tuwing may kinakausap siya. Ang kapal ng mukha niya!
"Uy! Girlfriend mo?" Tinuro pa ako ng isang lalaking nakasalubong namin. Tinaasan ko siya ng kilay. Hinila ko pataas ang sunglasses ko patungo sa aking ulo. Nakangisi ito sa akin, hindi alintana ang simangot ko.
"Hindi, ah. Kakilala lang. Sige na!" Nabrel laughed before continued walking.
"Sino iyong kasama ni Nabrel? Artista ba iyon?"
"Ang kinis, ah!"
"Girlfriend niya iyan panigurado!"
"Mukhang may perang pangpa-derma. Ganda naman!"
"Nabrel! Jowa mo? Pang-ilan na iyan, ah!"
Kung sinu-sino ang mga naririnig kong nagkokomento. I pretended that I didn't hear anything. I just walked gracefully with my head held high, beside Nabrel. Mukhang ganoon lang din ang ginagawa niya. Binabalewala ang mga naririnig.
Sinuyod ko ng tingin ang mga gusaling may limang palapag. Pinaghalong abo at puti ang kulay ng tatlong building na natatanaw ko. Malawak din ang lakaran at may nagtatayugang mga puno na siyang nagbibigay ng preskong hangin.
Mahaba ang pila sa registrar. Kahit naka-aircon, maanlisangan pa rin. Nakita ko si Blair na nakapila na rin kausap ang dalawang babae. Lumingon siya sa amin at ngumiti. I didn't smiled back. Why would I? Nagkunwari akong hindi napansin ang ngiti niya.
Matagal pa kami maghihintay dahil medyo nasa dulo kami ng pila.
"Diyan ka lang, Talianna. Mabilis lang ako. Huwag kang aalis," si Nabrel at bago pa ako makasagot, nakaalis na siya.
Napairap ako. Talagang iniwan niya ako rito para mapuntahan ang mga kaibigan niya? Baka naman hindi kaibigan! Baka babae niya sa ekswelahan na ito!
But he was true to his words. Ilang sandali lang din nang makabalik siya. May bitbit na bottled water at brown paper bag na tingin ko'y tinapay ang laman. Medyo hinihingal pa siya nang inabot niya iyon sa akin. Kumunot ang noo ko.
"Uminom ka muna, Talianna. At may cheese bread din diyan. Mukhang matatagalan tayo..." aniya at sumulyap sa harapan.
"Uhm, I'll pay for this," wika ko at akmang bubuksan ang aking bag nang marinig ko ang kaniyang pag-alma. I looked at him. Nakasimangot na siya sa akin.
"Huwag na. Mura lang naman iyan," malamig niyang sinabi.
"Uhm..." kinagat ko ang labi ko bago tinanggap iyon. "T-Thanks. Share tayo," bulong ko at ngumiti. Kahit papaano ay nabawasan ang iritasyon ko.
Ilang sandali siyang tumitig sa akin. Umigting ang panga niya at nag-iwas ng tingin. Hinaplos niya ang kaniyang buhok.
"Ayos lang ako, Talianna. Sa 'yo 'yan."
"How are you doing in Belleza Eterna, Talianna?"I put down my red wine and smiled at Tito Darius."It's fun. I've actually learned to love Belleza Eterna because honestly, I hate it before. Alam iyan ni Dad. Pero ngayon po ay masasabi kong masaya ako dahil dinala ako roon ni Dad." I chuckled a bit.His wrinkles showed up even more when he smiled widely. But despite of those wrinkles, he was still a good looking man. Walang duda na ama siya ni Davien. They really looked the same.His wife, Tita Lyanov, died because of cancer. Matagal na panahon na iyon. Bata pa kami ni Davien."That's good to hear. Davien is always asking me to let him visit you every once in a while. Hindi kayang malayo ng anak kong iyan sa'yo, Talianna." Humalakhak ang matandang ginoo.I just smiled. Binagsak ko ang tingin sa aking plato. Lumingon ako kay Nalya na na
Pagtuntong ng hapon, inabala ko na lang ang sarili sa panonood ng movie sa aking laptop. Naubos ko yata ang limang episode hanggang sa magsawa. Pagdungaw ko sa bintana ay madilim na. Bumaba ako upang kumuha ng maiinom. Hindi na siguro ako kakain ng hapunan dahil busog pa ako sa kinain kong tortilla at ice cream habang nanonood."Nasaan si Blair?" Untag ko nang sina Manang lang ang naabutan ko sa dining area. Hindi ko naman siya nakasalubong habang patungo ako rito."Nasa labas. Nagpaalam na kakausapin saglit si Nabrel. Kakain ka na ba, Talianna? Ipaghahanda na kita." Si manang Fely ang sumagot.Kumunot ang noo ko. I pursed my lips to hide my annoyance. Anong dapat nilang pag-usapan sa gabing ito? Hindi ba dapat ay nakauwi na si Nabrel ngayon galing trabaho? Bakit pa nila kailangang mag-usap ngayon? Talagang pinuntahan niya pa rito!Tinaas ko ang manggas ng aking pulang sweater
I grabbed my chiffon cover up and immediately followed them to the guestroom. Nanginginig pa rin ako at hindi matigil sa pagbuhos ang luha ko dahil masyado akong natakot sa nangyari. I don't think I would be able to sleep tonight.Nilapag ni Nabrel si Blair sa kama na kapwa basang-basa pa rin. I stood behind Nabrel. I bit my lower lip while contemplating the right words to say. Suminghot ako at pinalis ang luha sa aking pisngi. I glanced at my Dad who was looking at me with his cold eyes while crossing his arms. He pursed his lips and cleared his throat.Nag-iwas ako ng tingin. Masyado akong nagui-guilty sa nangyari. Matindi ang pagsisisi ko. I probably look stupid now."Blair, I think you need to change your clothes first. Take a shower. Magpahinga ka na muna rito at ipagpaliban mo muna ang pag-alis," Dad announced.Si Nabrel ay nakaupo lamang sa kama, tulala kay Blair na nak
I just spent my remaining summer vacation days in our mansion. Nabrel accepted the offer to be my driver. Inasahan ko na rin naman iyon.As I stared myself in the mirror, it felt so freakish to think that this is actually happening. Unang araw ng pasukan at halos hindi pa rin ako makapaniwalang nandito na talaga ako. Parang last minute nang naintindihan ng sistema ko ang katotohanan.In my entire seventeen years of existence, nasanay na ako sa mga nagtatayugang gusali sa siyudad. At ang mabuhay sa lugar na tanging napapalibutan ng karagatan ay ibang-iba sa aking nakasanayan.Ang pangingisda na pinagkukunan ng kabuhayan ng mga tao rito ay nakakamangha para sa akin. Siguro para sa mga lokal dito, ang hampas ng alon ang pinakamagandang tunog na maririnig. Hindi rin siguro nila maiintindihan ang isang taong hindi gusto ang dagat. Marahil ay para sakanila, para na rin sinabi nitong ayaw nitong huminga. And maybe..
Tipikal na unang araw ng pasukan. I was just silent here in my seat, sa bandang likod. Kakaunti pa lang ang mga nasa room. Sampu pa lang yata kami at ang nasa tabi ko ay kanina ko pa napapansing pasulyap-sulyap sa aking bag. Tinaasan ko siya ng kilay bilang tahimik na pagtatanong sakaniyang panaka-nakang sulyap."Uhm, ang ganda ng bag mo. Givenchy iyan, 'di ba? At mukhang legit! Mahal iyan, ah!" eksahadera niyang sinabi. Napalingon pa sa aming banda ang ilang naroon."Hmmm... mura lang. Hundred thousand." I shrugged.Nalaglag ang panga niya at namilog pa ang mga mata. "Grabe! Napakamahal pala talaga. Limang taon ko ng allowance iyon, ah."Her wavy shoulder length hair emphasized her small face. May kaunting bangs. She looked like a Korean. She's kinda cute.I just smiled at her."Uhm, Camille nga pala. Mukhang hindi ka rito
"Sigurado na ba iyong ala una, Talianna? Hindi ba natin pwedeng agahan. Mga before lunch?" si Kennedy.Iritado pa ako dahil kay Leigh kaya iritado rin ang tono kong nasagot si Kennedy."Kayong bahala. Maghihintay lang naman ako. Kayo nang bahalang magdesisyon tungkol diyan. Kay Leigh kayo magtanong. Siya ang leader."I shrugged about that at hinablot na ang aking bag."T-Teka lang, Talianna."Nilingon ko muli si Kennedy. Binigyan ko siya ng pagod na tingin. Kumurap siya at inayos ang kaniyang salamin."Kapag hindi sila pumayag sa mas maagang oras, p-pwede bang mas maaga akong magpunta?"I tilted my head. Mukhang naasiwa siya sa aking reaksiyon kaya mabilis siyang nangapa ng sasabihin."Kasi! K-kasi ano... wala naman akong gagawin bukas. Para sana masimulan na natin nang mas ma
Nakatanggap ako ng mensahe galing kay Kennedy alas dies ng umaga. Aniya ay mas maaga raw siyang darating. Hindi kasi pumayag ang mga ka-grupo namin na dumating nang mas maaga sa ala una. Malamang ay tinatamad pa ang mga iyon."Nariyan na iyong isang kaklase mo, Ma'am. Kennedy daw ang pangalan," si Manang Josefa nang katukin ako sa aking kwarto. I nodded and asked her to offer Kennedy a snack.Katatapos ko lang maligo at pumili na lamang ako ng isang puting oversized shirt at athletic shorts. Pagbaba ko ay naabutan ko si Kennedy na nakaupo sa couch. Hindi niya pinakialaman ang sandwich na nasa kaniyang harapan ngunit ang orange juice ay nangalahati na."Uhm, simulan na ba natin, Talianna? Dala ko na ang laptop ko," salubong niya sa akin at tumayo.Ngumuso ako at tumango na lamang."Sige. Akyat lang ulit ako. I forgot to bring my laptop. Paki-text mo sila at
Bigla akong napa-angat ng tingin kay Kennedy at nahuling nakatutok sa aking banda ang kaniyang cellphone. Mabilis niya iyong binaba. Napakurap siya at tumikhim. Inayos niya ang kaniyang salamin at muling hinarap ang kaniyang laptop. Kumunot ang noo ko."Are you taking a picture of me?" Umangat ang kilay ko at ngumiti.Nanlaki ang mga mata niya nang nag-angat ng tingin sa akin. Kitang-kita ko pa ang pamumula niya. Naging dahilan iyon ng aking marahang pagtawa."H-Hindi! May nag-text kasi. S-Si Erus." Halos hindi niya ako matignan at paulit-ulit na inayos ang kaniyang salamin.Nagkibit na lamang ako ng balikat at muling hinarap ang laptop. Gusto ko na itong matapos kahit halos wala pa akong nasisimulan.Seryoso akong nagbabasa nang mapansin ko na namang nakatutok sa akin ang cellphone ni Kennedy. Hindi ko iyon pinansin at palihim na lamang na natawa. Kinukuhanan n
Hindi ko na siya magawang hawakan at tuluyang lumuhod sa aking harapan. "Patawarin mo ako, Nabrel. Anak... patawad. Sobrang natakot ako para sa amin ng pamilya ko. Alam ng lahat na kilala ang pamilya ng mga De Loughrey bilang makapangyarihan. Gusto ko lang protektahan sina Sandro. Pero walang araw na hindi ako ginugulo ng konsensya ko, Nabrel. Sobrang hirap... hindi ko na kayang manahimik." Nang mga oras na iyon, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman. May halong galit, pangamba, lungkot at iba pang mga bagay na hindi ko mapangalanan. Nabanggit ng matanda ang video na kaniyang nakunan. Buong gabi kong pinanood ang dalawampu't walong segundong video. Paulit-ulit hanggang sa hindi ko na mabilang. Sampung taon na ang video ngunit klaro pa rin ang laman nun. "Iningatan ko 'yan. 'Yan ang bukod tanging iningatan ko sa buong buhay ko, Nabrel. Dahil alam ko na
"Naku, toy. Mahirap iyong ganiyan. Kahit sabihin mo pang mahal ka ng babaeng 'yan, maghahanap at maghahanap 'yan ng iba sa labas. Dahil tayong mga narito sa loob, kinakalimutan.""Tama! 'Yong asawa ko, ayun! Buntis na sa ibang lalaki. At alam mo kung anong mas masaklap, toy? Kumpare ko ang nakabuntis. Putangina niyo Corazon at Manoy! Putangina niyong lahat!"Hindi madali ang buhay sa loob. Hindi ko lubos maisip na mararanasan ko ang ganitong klase ng hirap. Inalis ako sa seldang 'yon matapos ang ilang buwan. Noong una ay hindi ko alam kung bakit kailangan ang ganoon. Ngunit unti-unti ko ring nakuha ang dahilan.Malalaking tao ang kasama ko sa nilipatan na selda, punung-puno ng tattoo ang mga katawan. Pagdating ko roon, mainit kaagad ang ulo nila sa akin.Tangina. Alam ko na ang ganito.Hindi ako nagkamali. Halos araw-araw kong tiniis ang hagupit ng kanilang mga kamao. Umabo
"Sabihin mo... hindi talaga kayo naghiwalay, 'di ba? Kayo pa rin hanggang ngayon. At kung anuman ang mayroon sa atin... laro lang para sa'yo. Nainip ka at ginusto mong maghanap ng mapaglilibangan habang malayo ka sakaniya.""Ang sama mo! How dare you think of me that way?! How dare you, huh?! Ganiyan ka mag-isip dahil ginagawa mo rin! Ang kapal ng mukha mong sabihin iyan pero ikaw itong lantarang may iba! Two weeks! Two fucking weeks, Nabrel... paano mo ako natiis nang ganoon katagal?""Hindi mo alam ang sinasabi mong tiniis kita..." nanginig ang boses ko."Bakit ka ba nakipag-usap sa akin kung ganito lang din naman? Sana ay hindi ka na nagreply! Sana tuluyan ka nalang hindi nagpakita! I hate you, Nabrel! I hate for accusing me! I hate you for being with Lily! I hate you for hurting me!""I hate you too..." bulong ko ngunit ang tanging gusto ko nalang gawin ay ang hilahin siya at halikan.
Ramdam ko ang kaniyang panginginig. Nang masilayan ko ang mga mata niya, doon ako tuluyang nawala.In that moment, I felt that our souls were connected with each other. Her name was already marked on my soul. My whole life was full of shortcomings as I've been chastised by the cruelty of the world but when she came, my soul suddenly boasted a plenitude of tranquility.Buong akala ko ay sa kalmadong karagatan ko lamang makukuha ang ganitong klaseng kapayapaan. Ngunit mayroon palang mas higit pa roon..."Sana madali lang 'to, Talianna. Sana maintindihan mo..."Umiling siya at hinang-hina nang itulak ako."Because you love someone else. Masama ba ako, Nabrel? Naiinggit ako kay Blair. Inggit na inggit ako sakaniya."Pumikit ako ng mariin at tumingala.Bakit hindi niya magawang maintindihan? Akala ba niya ay madali para
Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman matapos marinig mula sakaniya ang mga salitang 'yon.Hindi, Nabrel. Masyadong mababaw ang nararamdaman niya sa'yo. Like nga lang, 'di ba? Masyadong pambata kaya bakit ka nagkakaganyan na para bang pagmamahal ang inamin niya?"Talianna, hindi pwede. May... may girlfriend ako."Dahil sa gulo ng isip ko, dahil sa mga bagay na gumugulo sa akin tungkol sa aming dalawa, iyon lang ang tanging naging sagot ko.Inakala ko na iyon ang mas mainam sa aming dalawa. Ano bang mangyayari kung sakaling malaman niya ang nararamdaman ko? Ayaw ko nang malaman. Ayaw ko nang saktan ang sarili ko.Hindi kami pwede at ayaw ko nang kalabanin ang tadhana.Ngumiti siya ngunit alam kong hindi iyon ang ngiti na gusto niyang ipakita sa akin.Hinampas ang puso ko nang makitang namuo ang kaniyang mga luha.
"Blair, marami akong responsibilidad sa buhay. Marami akong gustong gawin. At ang pakikipag-relasyon ay hindi kasama roon. Pasensya na pero..." umiling lamang ako. Humiwalay ako sakaniyang pagkakahawak."Hindi! Alam kong hindi 'yan ang dahilan mo, Nabrel. May iba kang nagugustuhan! Alam ko! Nakikita ko! Kitang-kita ko!" sigaw niya na ikinagulat ko. Ngunit hindi ko magawang pabulaanan ang kaniyang sinabi dahil alam ko na bistado na ako.Hindi na dapat ako nagpunta pa rito sa mansyon ng mga Monselorette. Hindi ko inakala na ito pala ang gusto niyang pag-usapan.Tumitingin ako sa paligid dahil baka bigla siyang sumulpot at makita kaming dalawa rito sa hardin. Ayaw kong may iba siyang iniisip sa aming dalawa ni Blair.Tamang hinala pa naman ang isang iyon.Pero ako... malakas lang ang tama pagdating sakaniya."Blair, tsaka na tayo mag-usap kapag kumal
Anong ginagawa ng dalawang lalaki? Bakit hindi nila tulungan ang Papa ko? Bakit nanonood lang sila habang sinasaktan ang Papa ko?"Papa..." nanginginig kong bulong habang nakatago."Kung nasa akin pa rin hanggang ngayon si Louisiana, masaya kaming dalawa ngayon! Bakit mo siya pinabayaan?! Huh?! Tinanggap ko! Natuto ko nang tanggapin na hindi ako ang mahal niya! Nagpakasal ako sa iba at bumuo ng pamilya pero siya pa rin! Dapat ay ibinalik mo nalang siya sa'kin kung hindi mo siya kayang alagaan!" kahit punung-puno iyon ng galit, hindi nakatakas sa aking pandinig ang pagkabasag ng boses nito.Hindi ko maintindihan. Sino ang lalaking 'yon? Bakit niya kilala si Mama? Anong sinasabi niya?Nagimbal na lamang buong pagkatao ko nang makitang tinulak ng lalaki ang Papa ko. Mabilis niyang hinablot ang isang bagay na hindi ko maaninag na inabot ng lalaking nasa tabi nito.
May parte sa akin na nagdiwang nang masilayan ang mukha niya. Kahit may bahid ng iritasyon doon..."What?" maarte niyang untag at bahagyang nakasimangot. Pansin ko ang pamumula niya. Madali iyon mapansin lalo pa't ang kaniyang puti ay nasa ibang lebel.Ngumuso ako, pinipigilan ang malawak na ngisi. Bakit ang dali niyang mairita? Ganito ba talaga ang mga anak-mayaman?"May gusto pa po ba kayo?" kaswal kong tugon matapos maiabot ang baso.Hindi nagtagal ang tingin niya sa akin at kaagad binalik ang atensyon sa kausap."You can leave now. Thanks," sumulyap siya ulit sa akin ngunit mabilis lamang iyon. Hindi man lang marunong magbigay ng kahit maliit na ngiti.Hindi nagtagal sa isip ko ang maiksing interaksyon na iyon. Marami akong ginagawa at hindi ko na kailangan pa ng karagdagang iisipin. Binuhos ko ang lahat ng oras sa mahahalaga
Ang tanging gusto ko lang noon ay maging kumportable ang mga kapatid ko. Hindi ko na inalala ang sarili. Madalas akong hindi pumasok sa eskwelahan dahil hindi ang pakikinig sa guro ang kailangan ko, kundi ang magtrabaho at kumita para sa amin. I grew up with a lot of responsibilities. Halos patayin ko ang sarili sa pagtratrabaho. Pagpasok palang ng panibagong araw, nasa laot na ako kasama ang mga mangingisda. Hindi ko kilala ang pahinga."Limang daan. Pasensya na, Nabrel. Alam mo naman, tumaas ang presyo ng pinagkukunan ko ng mga gulay,"Tumango ako at binigyan ng isang maliit na ngiti si Aling Nora."Naiintindihan ko po," pinunasan ko ang aking noo gamit ang dalang panyo.Mataas ang tirik ng araw. Naisip ko ang kapatid kong si Senyel. Patapos na ang klase nun. Nakapagdala kaya iyon ng payong? Matigas pa naman ang ulo ng isang 'yon at ayaw na nagdadala ng kung ano kaya madalas kong