Pagtuntong ng hapon, inabala ko na lang ang sarili sa panonood ng movie sa aking laptop. Naubos ko yata ang limang episode hanggang sa magsawa. Pagdungaw ko sa bintana ay madilim na. Bumaba ako upang kumuha ng maiinom. Hindi na siguro ako kakain ng hapunan dahil busog pa ako sa kinain kong tortilla at ice cream habang nanonood.
"Nasaan si Blair?" Untag ko nang sina Manang lang ang naabutan ko sa dining area. Hindi ko naman siya nakasalubong habang patungo ako rito.
"Nasa labas. Nagpaalam na kakausapin saglit si Nabrel. Kakain ka na ba, Talianna? Ipaghahanda na kita." Si manang Fely ang sumagot.
Kumunot ang noo ko. I pursed my lips to hide my annoyance. Anong dapat nilang pag-usapan sa gabing ito? Hindi ba dapat ay nakauwi na si Nabrel ngayon galing trabaho? Bakit pa nila kailangang mag-usap ngayon? Talagang pinuntahan niya pa rito!
Tinaas ko ang manggas ng aking pulang sweater at nagmartsa palabas ng dining area.
And then I saw them. Nakaupo sa bench na naroon sa hardin. Napaatras pa ako dahil nakaramdam ako ng munting kaba. Ito na naman iyong pakiramdam na para bang nanghihimasok ako sakanilang dalawa. Why do I feel this way? It's not like I care about them. I just came here to call Blair and tell her to get inside dahil may trabaho pa siyang naghihintay. Hindi ito ang oras upang makipagkamustahan o kung anuman!
They can't see me from here dahil natatabunan ako ng isang halamang nasa isang malaking paso. Nagmumukha akong stalker dito. I should leave now. Siguro naman ay papasok na si Blair pagkatapos ng pag-uusap na iyan?
Nakikita ko ang pagbuka ng kanilang bibig ngunit hindi na umaabot pa sa pandinig ko ang kanilang sinasabi dahil medyo malayo na.
I was about to walk away but I froze when I saw them suddenly kissed.
Natulala na lamang ako. Biglang hindi ko na alam kung paano igalaw ang aking mga paa. Ngunit pinilit ko. Mabilis ang mga hakbang ko papasok ng mansiyon. Ramdam ko pa ang panginginig ng mga kamay ko.
Fucking liar.
Sinabi niya na hindi niya girlfriend si Blair. Sinabi niyang may iba siyang gusto. Ano iyon? Dalawa silang gusto niya? At may Amethyst pa siya!
Sa hardin pa talaga namin! Sa hardin ko! Dito pa talaga nila naisipang magtagpo! Ang kapal kapal ng pagmumukha nilang dumihan ang lugar na ito!
Bakit hindi na lang sa dalampasigan para mas romantic naman? Napaka-cheap ng dalawang iyon! Lalo na si Nabrel! Panghardin lang pala ang halik niya. Napaka-cheap! Sa sobrang cheap, nakakasuka!
Hanggang sa pagtulog ko ay iyon ang naglalaro sa isip ko! Wala akong problema sa paghahalikan nila! Ang pinoproblema ko... ang problema rito ay sa hardin pa nila ginawa!
Pakiramdam ko ay mas tumindi ang negatibong nararamdaman ko nang matanaw ko si Blair na nagluluto ng almusal.
Ngumiti pa siya sa akin at binati ako. I didn't respond. Tahimik lamang akong umupo habang mariing pinapanood ang bawat galaw niya. Nakatalikod siya sa akin habang binubuhos ang mixture ng pancake sa pan.
Sinong may sabing gusto ko ng pancake sa umagang ito?
"Blair, gusto ko ng nutella toast with strawberries. Hindi 'yan ang gusto ko," malamig kong utos habang dumudungaw sa aking cellphone.
"P-Po? May pancake, Ma'am. Ayaw niyo ba nito? Ang bilin niyo po kasi kahapon, pancake ang gusto niyo para sa almusal."
Sumulyap ako sakaniya at matalim siyang tinignan. Sinabi ko nga 'yon pero masyado niyang pinapainit ang ulo ko ngayong umaga kaya wala akong pakialam!
Nakakunot lang ang noo niya sa akin.
"Nagbago ang isip ko. Ayaw ko na niyan. Bakit? Sinusuway mo 'ko?" mahina ngunit may diin sa tono ko.
Napakurap siya at nag-iwas ng tingin.
"H-Hindi po. Pero s-sayang naman ito, Ma'am. Marami na akong nailuto," aniya sa tonong mariin.
"Then throw it away! Lamunin mo kung gusto mo! I told you to cook something for me! Pinapangunahan mo ako, Blair!" Tumaas na ang boses ko dahil sa iritasyon. Ano bang mahirap sa utos ko? Ang dami niya pang sinasabi! Nagrereklamo pa!
Kitang-kita kong tumapang ang kaniyang mukha. Lalo lamang akong nanggigil nang makita ang pagbabago ng kaniyang ekspresiyon. Pinigilan ko na lamang ang sarili na tumayo at sugurin siya.
Nagbuga siya ng hangin.
"Pasensya na, Ma'am," she sounded very careful.
Pinanood ko ang kaniyang pagtalikod upang sundin ang aking utos. Inirapan ko siya at tinuon na lang ang atensiyon sa cellphone.
Pinipigilan ko ang sarili kong tanungin ang kasambahay kong si Blair tungkol sa isang bagay habang kumakain ng nutella toast. Ano bang pakialam ko kung sila nga, 'di ba? Ano bang pakialam ko sakanilang dalawa? Wala akong pakialam! Ang hinihiling ko lang sana ay huwag nilang dalhin dito ang personal nilang gawain! Doon sila sa labas! Sa gitna ng karagatan!
Isang beses kong inirapan ang nakatalikod na si Blair bago ako tumulak palabas ng dining area. Gusto kong magpalamig! Pakiramdam ko bawat himaymay ng pagkatao ko ay kumukulo ngayon.
I wore my off white buckle bikini. Pinatungan ko ito ng chiffon cover up bago bumaba. Magbababad na lang muli ako sa pool. Halos dalawang buwan na akong narito sa Belleza Eterno ngunit hindi pa rin ako nakakapagdesisyong mag-aral lumangoy.
Natigilan ako sa huling baitang ng hagdanan nang matanaw ko si Nabrel na kausap si Dad sa tabi ng sofa. Nang magtama ang tingin namin ay napairap na lamang ako bago magpatuloy. Huling-huli ko pa ang pagpasada ng mga mata niya sa aking kasuotan.
Ano? Affected ka, Nabrel? Walang ganito si Blair?
Taas-noo ko silang nilagpasan patungo sa pool area. Hinubad ko ang aking cover up at tinapon iyon sa sun lounger. Nilapag ko rin ang aking cellphone doon.
Nilubog ko ang aking katawan sa tubig. Nalingunan ko pa ang paglabas ni Blair mula sa sliding doors. She was not wearing the maid's uniform. Nakaputing blouse siya at shorts. Napa-angat ang kilay ko. Saan na naman ang lakad nito? Kaya ba narito si Nabrel dahil sinusundo siya? May date sila kung ganoon? At saan naman sila magda-date? Sa bangka?
"Ma'am, magpapaalam lang po sana ako," marahan niyang wika.
Kumunot ang noo ko at naglakad nang bahagya sa tubig upang makalapit sakaniya.
"What? Aalis ka?"
She smiled a bit. Hinaplos niya ang kaniyang nakalugay na buhok.
"Last day ko na po ngayon dahil may pasok na next week. Babalik na rin mamaya si Mama."
I raised my eyebrow. "Okay. Ingat ka."
Napakurap siya at ngumiti muli.
"Gusto ko rin po sanang magpasalamat sa inyo, Ma'am Talianna. Sa loob ng maikling panahong paninilbihan ko, naging mabuti po kayong amo." She smiled a bit while I remained serious.
Tumalikod na siya ngunit mabilis ko siyang tinawag.
"Bago ka umalis, kuhanan mo muna ako ng picture. Nariyan ang cellphone ko." Itinuro ko ang sun lounger. Tumango siya at nagtungo roon.
Pumwesto ako sa gilid ng pool. Hanggang sa baywang ko umabot ang tubig. I turned my face towards the camera and lift my shoulders a little. Matagal na rin akong hindi nakakapag-post sa aking social media account.
Nang maka ilang pose ako, umahon ako sa pool upang kumuha ng ibang anggulo. Pumwesto ako sa may hawakan, pinili ko roon sa may malalim na parte dahil mas maganda ang view doon. Kitang-kita ang mga pine trees. Tumayo ako roon.
I bended my leg and my opposite arm. Asymmetric lines make the picture more lively and natural.
Makailang ulit akong nag-pose. Dapat ay nakaalis na si Blair ngayon kung hindi ko siya inutusang gawin ito.
"Okay. Thanks, Blair! Ayos na siguro iyan!" I smiled at her. Tumango siya at ngumiti rin habang inaabot sa akin ang cellphone.
I stared at her and smiled evilly. Hindi ko man lang yata nakita itong lumangoy sa swimming pool. Hindi naman namin ipinagbabawal sa mga kasambahay na gamitin ang pool. She should try it before she leaves.
Nakatayo kami mismo sa gilid ng pool, doon mismo sa may malalim na parte at isang tulak ko lang sakaniya, babagsak siya. Marunong naman siguro itong lumangoy. So I did it. I pushed her and she landed on the water. Napapikit pa ako dahil tumalsik sa mata ko ang tubig.
"Enjoy, Blair! Farewell gift ko na iyan sa'yo before you leave!" I giggled.
Ngunit natulala ako nang makita siyang nagpupumiglas sa tubig. I could see that she was struggling to get out of the water.
"Blair!" Umusbong ang matinding kaba sa aking dibdib. Napakabilis ng kalabog nito. Nanlamig ang buong katawan ko.
"Oh my God! Blair! Help! Dad! Si Blair!" Sigaw ko at napaiyak na lamang habang nakikita siyang patuloy na nahihirapan sa tubig. Nanginginig ako dala ng matinding takot.
"Blair! Tangina! Blair!" Dinig ko ang boses ni Nabrel.
I was crying so hard when I looked at him. Kasunod niya si Dad at sina Manang. Tumakbo siya at walang pag-aalinlangang tinalon ang tubig. Hindi niya na nagawang hubarin ang kaniyang damit.
Pinanood ko siyang ilapag si Blair sa gilid ng pool. Blair was not moving at all. Hindi ko na mailarawan ang matinding takot at panghihina ko ngayon.
Oh my god...
Did I kill her...
"I-I'm sorry, Blair. I... I didn't know," nanginig ang boses ko at ni hindi ko magawang lumapit. Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Manang Fely.
Lumuhod si Nabrel sa tabi niya. Napaatras ako nang mag-angat siya ng tingin sa akin. Fires of fury and hatred were smoldering in his eyes. His face was like thunder. Dumoble ang lamig na nararamdaman ko. I dropped my gaze to the floor. Kitang-kita ko ang matinding galit niya.
"Anong nangyari, ha?" Narahang sinabi ni Manang Fely na hindi ko magawang sagutin.
Nabrel tilted Blair's chin and her head backwards. He leaned over her and placed his cheek near her mouth. Umiling siya. Paulit-ulit na umigting ang kaniyang panga. Suddenly, he pinched her nose, keeping her head tilted back as he breathe into her mouth. He took a deep breath in between each one. He used his both hands together, one on top of the other. He pushed down right in the center of her chest firmly with his arms straight. Tuluy-tuloy niyang ginawa iyon hanggang sa napaubo ng tubig si Blair.
Halos mapaupo ako sa ginhawang naramdaman.
"Dalhin mo siya sa guestroom, Nabrel. She needs to rest for awhile," malamig na bilin ni Dad at nangunang maglakad.
Mabilis na binuhat ni Nabrel si Blair sakaniyang bisig. Naglakad ako palapit upang sana'y humingi muli ng tawad nang banggain niya ang aking balikat. Napasinghap ako at halos bumagsak sa sahig.
"Tumabi ka," aniya bago makalayo. There was a hard edge to his voice. Tulala lamang ako habang patuloy na bumubuhos ang luha ko, nakatanaw sakaniyang likod... habang buhat si Blair sakaniyang mga bisig na puno ng pag-iingat.
I grabbed my chiffon cover up and immediately followed them to the guestroom. Nanginginig pa rin ako at hindi matigil sa pagbuhos ang luha ko dahil masyado akong natakot sa nangyari. I don't think I would be able to sleep tonight.Nilapag ni Nabrel si Blair sa kama na kapwa basang-basa pa rin. I stood behind Nabrel. I bit my lower lip while contemplating the right words to say. Suminghot ako at pinalis ang luha sa aking pisngi. I glanced at my Dad who was looking at me with his cold eyes while crossing his arms. He pursed his lips and cleared his throat.Nag-iwas ako ng tingin. Masyado akong nagui-guilty sa nangyari. Matindi ang pagsisisi ko. I probably look stupid now."Blair, I think you need to change your clothes first. Take a shower. Magpahinga ka na muna rito at ipagpaliban mo muna ang pag-alis," Dad announced.Si Nabrel ay nakaupo lamang sa kama, tulala kay Blair na nak
I just spent my remaining summer vacation days in our mansion. Nabrel accepted the offer to be my driver. Inasahan ko na rin naman iyon.As I stared myself in the mirror, it felt so freakish to think that this is actually happening. Unang araw ng pasukan at halos hindi pa rin ako makapaniwalang nandito na talaga ako. Parang last minute nang naintindihan ng sistema ko ang katotohanan.In my entire seventeen years of existence, nasanay na ako sa mga nagtatayugang gusali sa siyudad. At ang mabuhay sa lugar na tanging napapalibutan ng karagatan ay ibang-iba sa aking nakasanayan.Ang pangingisda na pinagkukunan ng kabuhayan ng mga tao rito ay nakakamangha para sa akin. Siguro para sa mga lokal dito, ang hampas ng alon ang pinakamagandang tunog na maririnig. Hindi rin siguro nila maiintindihan ang isang taong hindi gusto ang dagat. Marahil ay para sakanila, para na rin sinabi nitong ayaw nitong huminga. And maybe..
Tipikal na unang araw ng pasukan. I was just silent here in my seat, sa bandang likod. Kakaunti pa lang ang mga nasa room. Sampu pa lang yata kami at ang nasa tabi ko ay kanina ko pa napapansing pasulyap-sulyap sa aking bag. Tinaasan ko siya ng kilay bilang tahimik na pagtatanong sakaniyang panaka-nakang sulyap."Uhm, ang ganda ng bag mo. Givenchy iyan, 'di ba? At mukhang legit! Mahal iyan, ah!" eksahadera niyang sinabi. Napalingon pa sa aming banda ang ilang naroon."Hmmm... mura lang. Hundred thousand." I shrugged.Nalaglag ang panga niya at namilog pa ang mga mata. "Grabe! Napakamahal pala talaga. Limang taon ko ng allowance iyon, ah."Her wavy shoulder length hair emphasized her small face. May kaunting bangs. She looked like a Korean. She's kinda cute.I just smiled at her."Uhm, Camille nga pala. Mukhang hindi ka rito
"Sigurado na ba iyong ala una, Talianna? Hindi ba natin pwedeng agahan. Mga before lunch?" si Kennedy.Iritado pa ako dahil kay Leigh kaya iritado rin ang tono kong nasagot si Kennedy."Kayong bahala. Maghihintay lang naman ako. Kayo nang bahalang magdesisyon tungkol diyan. Kay Leigh kayo magtanong. Siya ang leader."I shrugged about that at hinablot na ang aking bag."T-Teka lang, Talianna."Nilingon ko muli si Kennedy. Binigyan ko siya ng pagod na tingin. Kumurap siya at inayos ang kaniyang salamin."Kapag hindi sila pumayag sa mas maagang oras, p-pwede bang mas maaga akong magpunta?"I tilted my head. Mukhang naasiwa siya sa aking reaksiyon kaya mabilis siyang nangapa ng sasabihin."Kasi! K-kasi ano... wala naman akong gagawin bukas. Para sana masimulan na natin nang mas ma
Nakatanggap ako ng mensahe galing kay Kennedy alas dies ng umaga. Aniya ay mas maaga raw siyang darating. Hindi kasi pumayag ang mga ka-grupo namin na dumating nang mas maaga sa ala una. Malamang ay tinatamad pa ang mga iyon."Nariyan na iyong isang kaklase mo, Ma'am. Kennedy daw ang pangalan," si Manang Josefa nang katukin ako sa aking kwarto. I nodded and asked her to offer Kennedy a snack.Katatapos ko lang maligo at pumili na lamang ako ng isang puting oversized shirt at athletic shorts. Pagbaba ko ay naabutan ko si Kennedy na nakaupo sa couch. Hindi niya pinakialaman ang sandwich na nasa kaniyang harapan ngunit ang orange juice ay nangalahati na."Uhm, simulan na ba natin, Talianna? Dala ko na ang laptop ko," salubong niya sa akin at tumayo.Ngumuso ako at tumango na lamang."Sige. Akyat lang ulit ako. I forgot to bring my laptop. Paki-text mo sila at
Bigla akong napa-angat ng tingin kay Kennedy at nahuling nakatutok sa aking banda ang kaniyang cellphone. Mabilis niya iyong binaba. Napakurap siya at tumikhim. Inayos niya ang kaniyang salamin at muling hinarap ang kaniyang laptop. Kumunot ang noo ko."Are you taking a picture of me?" Umangat ang kilay ko at ngumiti.Nanlaki ang mga mata niya nang nag-angat ng tingin sa akin. Kitang-kita ko pa ang pamumula niya. Naging dahilan iyon ng aking marahang pagtawa."H-Hindi! May nag-text kasi. S-Si Erus." Halos hindi niya ako matignan at paulit-ulit na inayos ang kaniyang salamin.Nagkibit na lamang ako ng balikat at muling hinarap ang laptop. Gusto ko na itong matapos kahit halos wala pa akong nasisimulan.Seryoso akong nagbabasa nang mapansin ko na namang nakatutok sa akin ang cellphone ni Kennedy. Hindi ko iyon pinansin at palihim na lamang na natawa. Kinukuhanan n
I pushed Davien using my free hand. Hindi niya iyon inasahan kaya napabitiw siya sa akin at napaatras nang bahagya. Numipis ang mga labi niya dahil sa matinding iritasyon.Mabilis ang aking paghinga. Lumayo ako sakaniya habang ang mga mata ko'y nanatiling madilim at matalim."Fuck you!" nanginginig kong sigaw at dinuro siya. "Don't fucking threaten me like that, Davien. Wala kang pakialam kung may iba man ako. We're done. I'm fucking done with you. Huwag kang umasta na para bang ikamamatay mo kung mawala ako sa'yo dahil ikaw ang puno't dulo ng lahat! Can you please leave?! Fucking leave now!"He smirked and stepped forward. Nanliit ang mga mata niya at tinagilid ang kaniyang ulo. His eyes flashed with indignance and anger. I watched as the whites in his eyes almost turned a pure black. I couldn't recognize him anymore. The boy I used to know was gone.Isang walang kwentang lalaki na
"Ano ba naman iyan, Talianna?! Iyon na nga lang ang trabaho mo, hindi mo pa nagawa? Kung sa inyo prinsesa ka, pwes dito pantay-pantay tayong lahat! Ano nang gagawin natin niyan? Kung gusto mong bumagsak, huwag mo na sana kaming idamay pa! Palibhasa wala kang pakialam!"Pumikit ako at hinaplos ang aking buhok. I don't know what to do now. Galit na galit sa akin si Leigh dahil hindi ko nagawa ang parte ko para sa isang presentation ngayon. Pagdating ko sa room ay sinalubong niya ako upang itanong ang tungkol doon ngunit ngayon ay binubugahan niya na ako ng apoy.Noong Miyerkules pa iyon binigay at Biyernes na ngayon. Iba pa iyong presentation na ginawa namin noong nakaraan. Sobrang tanga ko para makalimutan ang tungkol doon!Puro drafting kasi ang nasa utak ko at nag-review ako kagabi para sa long quiz namin ngayon sa isang major subject."I'm sorry, Leigh. I-I'll try to finish it. May two hours
Hindi ko na siya magawang hawakan at tuluyang lumuhod sa aking harapan. "Patawarin mo ako, Nabrel. Anak... patawad. Sobrang natakot ako para sa amin ng pamilya ko. Alam ng lahat na kilala ang pamilya ng mga De Loughrey bilang makapangyarihan. Gusto ko lang protektahan sina Sandro. Pero walang araw na hindi ako ginugulo ng konsensya ko, Nabrel. Sobrang hirap... hindi ko na kayang manahimik." Nang mga oras na iyon, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman. May halong galit, pangamba, lungkot at iba pang mga bagay na hindi ko mapangalanan. Nabanggit ng matanda ang video na kaniyang nakunan. Buong gabi kong pinanood ang dalawampu't walong segundong video. Paulit-ulit hanggang sa hindi ko na mabilang. Sampung taon na ang video ngunit klaro pa rin ang laman nun. "Iningatan ko 'yan. 'Yan ang bukod tanging iningatan ko sa buong buhay ko, Nabrel. Dahil alam ko na
"Naku, toy. Mahirap iyong ganiyan. Kahit sabihin mo pang mahal ka ng babaeng 'yan, maghahanap at maghahanap 'yan ng iba sa labas. Dahil tayong mga narito sa loob, kinakalimutan.""Tama! 'Yong asawa ko, ayun! Buntis na sa ibang lalaki. At alam mo kung anong mas masaklap, toy? Kumpare ko ang nakabuntis. Putangina niyo Corazon at Manoy! Putangina niyong lahat!"Hindi madali ang buhay sa loob. Hindi ko lubos maisip na mararanasan ko ang ganitong klase ng hirap. Inalis ako sa seldang 'yon matapos ang ilang buwan. Noong una ay hindi ko alam kung bakit kailangan ang ganoon. Ngunit unti-unti ko ring nakuha ang dahilan.Malalaking tao ang kasama ko sa nilipatan na selda, punung-puno ng tattoo ang mga katawan. Pagdating ko roon, mainit kaagad ang ulo nila sa akin.Tangina. Alam ko na ang ganito.Hindi ako nagkamali. Halos araw-araw kong tiniis ang hagupit ng kanilang mga kamao. Umabo
"Sabihin mo... hindi talaga kayo naghiwalay, 'di ba? Kayo pa rin hanggang ngayon. At kung anuman ang mayroon sa atin... laro lang para sa'yo. Nainip ka at ginusto mong maghanap ng mapaglilibangan habang malayo ka sakaniya.""Ang sama mo! How dare you think of me that way?! How dare you, huh?! Ganiyan ka mag-isip dahil ginagawa mo rin! Ang kapal ng mukha mong sabihin iyan pero ikaw itong lantarang may iba! Two weeks! Two fucking weeks, Nabrel... paano mo ako natiis nang ganoon katagal?""Hindi mo alam ang sinasabi mong tiniis kita..." nanginig ang boses ko."Bakit ka ba nakipag-usap sa akin kung ganito lang din naman? Sana ay hindi ka na nagreply! Sana tuluyan ka nalang hindi nagpakita! I hate you, Nabrel! I hate for accusing me! I hate you for being with Lily! I hate you for hurting me!""I hate you too..." bulong ko ngunit ang tanging gusto ko nalang gawin ay ang hilahin siya at halikan.
Ramdam ko ang kaniyang panginginig. Nang masilayan ko ang mga mata niya, doon ako tuluyang nawala.In that moment, I felt that our souls were connected with each other. Her name was already marked on my soul. My whole life was full of shortcomings as I've been chastised by the cruelty of the world but when she came, my soul suddenly boasted a plenitude of tranquility.Buong akala ko ay sa kalmadong karagatan ko lamang makukuha ang ganitong klaseng kapayapaan. Ngunit mayroon palang mas higit pa roon..."Sana madali lang 'to, Talianna. Sana maintindihan mo..."Umiling siya at hinang-hina nang itulak ako."Because you love someone else. Masama ba ako, Nabrel? Naiinggit ako kay Blair. Inggit na inggit ako sakaniya."Pumikit ako ng mariin at tumingala.Bakit hindi niya magawang maintindihan? Akala ba niya ay madali para
Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman matapos marinig mula sakaniya ang mga salitang 'yon.Hindi, Nabrel. Masyadong mababaw ang nararamdaman niya sa'yo. Like nga lang, 'di ba? Masyadong pambata kaya bakit ka nagkakaganyan na para bang pagmamahal ang inamin niya?"Talianna, hindi pwede. May... may girlfriend ako."Dahil sa gulo ng isip ko, dahil sa mga bagay na gumugulo sa akin tungkol sa aming dalawa, iyon lang ang tanging naging sagot ko.Inakala ko na iyon ang mas mainam sa aming dalawa. Ano bang mangyayari kung sakaling malaman niya ang nararamdaman ko? Ayaw ko nang malaman. Ayaw ko nang saktan ang sarili ko.Hindi kami pwede at ayaw ko nang kalabanin ang tadhana.Ngumiti siya ngunit alam kong hindi iyon ang ngiti na gusto niyang ipakita sa akin.Hinampas ang puso ko nang makitang namuo ang kaniyang mga luha.
"Blair, marami akong responsibilidad sa buhay. Marami akong gustong gawin. At ang pakikipag-relasyon ay hindi kasama roon. Pasensya na pero..." umiling lamang ako. Humiwalay ako sakaniyang pagkakahawak."Hindi! Alam kong hindi 'yan ang dahilan mo, Nabrel. May iba kang nagugustuhan! Alam ko! Nakikita ko! Kitang-kita ko!" sigaw niya na ikinagulat ko. Ngunit hindi ko magawang pabulaanan ang kaniyang sinabi dahil alam ko na bistado na ako.Hindi na dapat ako nagpunta pa rito sa mansyon ng mga Monselorette. Hindi ko inakala na ito pala ang gusto niyang pag-usapan.Tumitingin ako sa paligid dahil baka bigla siyang sumulpot at makita kaming dalawa rito sa hardin. Ayaw kong may iba siyang iniisip sa aming dalawa ni Blair.Tamang hinala pa naman ang isang iyon.Pero ako... malakas lang ang tama pagdating sakaniya."Blair, tsaka na tayo mag-usap kapag kumal
Anong ginagawa ng dalawang lalaki? Bakit hindi nila tulungan ang Papa ko? Bakit nanonood lang sila habang sinasaktan ang Papa ko?"Papa..." nanginginig kong bulong habang nakatago."Kung nasa akin pa rin hanggang ngayon si Louisiana, masaya kaming dalawa ngayon! Bakit mo siya pinabayaan?! Huh?! Tinanggap ko! Natuto ko nang tanggapin na hindi ako ang mahal niya! Nagpakasal ako sa iba at bumuo ng pamilya pero siya pa rin! Dapat ay ibinalik mo nalang siya sa'kin kung hindi mo siya kayang alagaan!" kahit punung-puno iyon ng galit, hindi nakatakas sa aking pandinig ang pagkabasag ng boses nito.Hindi ko maintindihan. Sino ang lalaking 'yon? Bakit niya kilala si Mama? Anong sinasabi niya?Nagimbal na lamang buong pagkatao ko nang makitang tinulak ng lalaki ang Papa ko. Mabilis niyang hinablot ang isang bagay na hindi ko maaninag na inabot ng lalaking nasa tabi nito.
May parte sa akin na nagdiwang nang masilayan ang mukha niya. Kahit may bahid ng iritasyon doon..."What?" maarte niyang untag at bahagyang nakasimangot. Pansin ko ang pamumula niya. Madali iyon mapansin lalo pa't ang kaniyang puti ay nasa ibang lebel.Ngumuso ako, pinipigilan ang malawak na ngisi. Bakit ang dali niyang mairita? Ganito ba talaga ang mga anak-mayaman?"May gusto pa po ba kayo?" kaswal kong tugon matapos maiabot ang baso.Hindi nagtagal ang tingin niya sa akin at kaagad binalik ang atensyon sa kausap."You can leave now. Thanks," sumulyap siya ulit sa akin ngunit mabilis lamang iyon. Hindi man lang marunong magbigay ng kahit maliit na ngiti.Hindi nagtagal sa isip ko ang maiksing interaksyon na iyon. Marami akong ginagawa at hindi ko na kailangan pa ng karagdagang iisipin. Binuhos ko ang lahat ng oras sa mahahalaga
Ang tanging gusto ko lang noon ay maging kumportable ang mga kapatid ko. Hindi ko na inalala ang sarili. Madalas akong hindi pumasok sa eskwelahan dahil hindi ang pakikinig sa guro ang kailangan ko, kundi ang magtrabaho at kumita para sa amin. I grew up with a lot of responsibilities. Halos patayin ko ang sarili sa pagtratrabaho. Pagpasok palang ng panibagong araw, nasa laot na ako kasama ang mga mangingisda. Hindi ko kilala ang pahinga."Limang daan. Pasensya na, Nabrel. Alam mo naman, tumaas ang presyo ng pinagkukunan ko ng mga gulay,"Tumango ako at binigyan ng isang maliit na ngiti si Aling Nora."Naiintindihan ko po," pinunasan ko ang aking noo gamit ang dalang panyo.Mataas ang tirik ng araw. Naisip ko ang kapatid kong si Senyel. Patapos na ang klase nun. Nakapagdala kaya iyon ng payong? Matigas pa naman ang ulo ng isang 'yon at ayaw na nagdadala ng kung ano kaya madalas kong