EliezahISA lang ang masasabi ko sa pagkain ng restaurant ni Joyce. Napakasarap. Pang world class ang dating. "Okay lang ba ang pagkain?" Tanong niya ng nasa kalagitnaan na kami sa pagkain. "Yes. Siya ba ang nagluto nito?" "Oo knowing na nandito ako. She barely cook. She only cook for her family pero sa iba ay nag-ha-hire siya ng international chef para roon to make sure that the food is not contaminated. Nong bata kasi iyon ay nakakain siya ng kontaminadong pagkain at muntik niya ng ikamatay iyon." Sagot niya. Tumango ako. "She's thoughtful for her family." Sambit ko at nagpatuloy sa pagkain. "She is." Sang ayon niya. Nang matapos kami sa pagkain ay namataan ko si Joyce na naglalakad papunta sa gawi namin. "Joyce's coming," usal ko habang nakatingin palagpas sa kanya. Lumingon siya at pinindot ang button sa may armrest niya. Dahan dahang bumaba ang tabing sa taas namin na siyang pagdating naman ni Joyce sa table namin. Nakangiti siya. "Pwede ba akong maupo? Or nakaka-istorb
EliezahILANG araw ang nagdaan magmula ng mamatay ang lalaking impostor ay naglabas na ng resulta ang mga taga Forensic affairs. At base sa resulta sa isinagawang pagsusuri ay lason ang ikinamatay nito. May nakuha sila mula sa katawan ng bangkay na parang isang karayom na isang pulgada lang taas at sadyang napakaliit nito na maihahalintulad sa buhok. Kung hindi susuriing mabuti ay hindi makikita ang naturang bagay na sadyang nakakapagtaka. Bakit siya may ganon? At sino ang gumawa no'n sa kanya? Ayon sa Forensic ay inilubog sa lason ang naturang bagay at maaring ibinaril iyon ng suspek sa biktima. At ang spekulasyon na iyon ang labis na nakakapagtaka dahil sino ang maaring gumawa ng bagay na iyon gayong mahigpit ang security sa building ng NBI. Paano nakalusot ang suspek sa mga security na nagbabantay? Isa kaya sa tauhan ni Fergie Morgan ang pumatay sa biktima? O isa sa kasamahan namin sa ahensya? Pero bakit naman gagawin ng kasamahan namin ang krimen na iyon? Anong makukuha niya?
EliezahNAGISING ako bandang mga alas tres ng madaling araw. Inikot ko ang paningin ko at nandito na ako sa kwarto ko. Naalala ko ang nangayari kagabi. Bumangon ako at nakita ko si Mr. Willis na nakaupo sa love seat sa may malapit sa bintana habang nakapikit ang mga mata. Nakatulog yata siya sa pagbabantay sa'kin matapos akong mahimatay sa bisig niya kagabi. Nagtataka rin ako kung bakit ako nahimatay kagabi. Kumuha ako ng kumot sa tokador ko at marahan na kinumutan si Mr. Willis na naka-cross-arms. Matapos ko siyang kumutan ay inikot ko ang paningin ko. Nagugutom ako dahil wala akong dinner kagabi at sigurado akong wala nang bukas na tindahan ngayon kasi madaling araw pa. Nahagip ng mata ko ang isang paper bag na may tatak ng MCDONALD. Linapitan ko ang paper bag at tiningnan ang laman niyon at ng makitang may pagkain sa loob ay nilabas ko ang mga ito at kinain. Gutom na gutom na ako. Pagkatapos kung kumain ay niligpit ko ang mga pinagkainan ko at itinapon ang basura sa trashbin. U
EliezahPAGKATAPOS namin sa arcades ay nanood kami ng sine. Nakipagbangayan pa siya sa'kin kung alin sa dalawa ang panonoorin namin. Romantic ba o action. And of coarse, ako yung nasunod. Marvels ang napili ko. Natawa nalang ako sa busangot niyang mukha. Nakanguso at salubong ang kilay habang pinapanood akong nag-e-enjoy sa palabas. "Ang saya mo," bulong niya sa tabi ko. "Alam mo, kung hindi mo gusto ang palabas pwede ka namang sa kabila ka manood. I won't mind. " I answered without looking at him. "Tss." Umayos siya ng upo at nagpokos sa palabas. Wala na kaming kibo hanggang sa matapos ang palabas. Hindi niya ako pinapansin kahit nong nakalabas na kami sa sinehan. Nauna siyang naglakad kaya patakbo akong humabol at hinila ang kamay niya sabay takbo papunta sa booth ng ticket na gusto niyang palabas. "Dalawa po." Bumili ako ng ticket. Nang makuha ko na ang ticket ay humarap ako sa kanya. "Bibili ka bang popcorn or ano?" Tanong ko sa kanya. Umismid muna siya bago tumingin doon
EliezahNAGISING ako na sobrang sakit ang likod ko at ang balikat ko. Mabigat ang pakiramdam ko. Iminulat ko ang mata ko at unang nakita ko ang puting kisame. Inaaninaw ko ang paligid. Akmang hahawakan ko ang ulo ko ng mapaigik ako sa sakit. Ibinaba ko ang tingin ko sa kamay ko. Nakacast ang kamay ko. Gumala ang tingin ko sa paligid. Walang tao sa loob ng kwarto. Inalala ko ang nangyari. Nabaril nga pala ako at nahimatay ako sa bisig ni Mr. Willis. Lumipad ang tingin ko sa pinto ng biglang bumukas ito. Mula roon ay pumasok si Mr. Willis kasama ang doktor. Nang makita ako ni Mr. Willis na gising na ay agad siyang dumalo sa'kin. "Elie! Oh God! Thank God you're finally awake!" Napaigik ako ng niyakap niya ako. "Zykiel, masakit..." Bulong ko. "Ow sorry! Masaya lang ako na nagising ka na!" Sagot niya. "Doc," bumaling siya sa doctor. Lumapit ang doctor at sinuri ako at wala na naman daw akong iba pang injury maliban sa natamo ko pero kailangan pa nila akong i-undergo ng iilan pang
Eliezah"Z-ZYKIEL..." saway ko pero naging iba ang tunog niyon. Inilayo ko ang mukha ko pero hinabol niya ang labi ko at mas pinalalim pa ang halik na sinimulan niya. "Zykiel, s-stop it..." Saway ko ng sandaling nagkahiwalay ang labi namin. "Your lips is like a heroin. I can't get enough with it." Mahina niyang sambit habang namumungay ang mga matang nakatingin sa'kin. "T-tumigil ka n-na..." iniwas ko ang mukha ko ng akma na naman siyang lalapit. Ngumiti siya at tumango tango. "Okay, di na." Dumistansya na siya sa'kin pero nanatili ang kamay niya sa bewang. Bahagya siyang tumayo at sinapo ang dalawang hita ko at marahan na ini-angat ulit. Medyo naka-slant na kasi ang pagkakasandal ko sa headboard. Matapos niya akong i-angat ay inayos niya ang kumot ko tapos ay umupo siya sa gilid ng kama. "Namamanhid parin ba ang balikat mo?" Tanong niya kapagkuwan."Hindi na masyado." Tumango siya. "Magpahinga ka na muna. Don't worry, hindi ako pupunta kay Nayla." Ngumisi siya pagkatapos. Si
EliezahMATAPOS akong kunan ng blood tests ay naghintay kami ng isang araw para sa results ng tests at ng wala na naman daw na dapat pang ipag-alala. Kinabukasan ay lumabas na kami sa hospital. At dumiretso kami sa bahay ko. "Are you sure kaya mong maglakad?" Tanong ni Zykiel habang inalalayan akong makababa sa sasakyan. Inirapan ko siya. "Kaya ko, Zykiel. Hindi ako lumpo.""Alright." Dahan dahan akong naglakad papasok sa loob ng bahay. Sa bukana ng pinto ay naroon ang pamangkin ni Manong Jorgie na binubuksan ang pinto. "Hello po ate Elie! Welcome back po!" Nakangiti na bati niya. Ngumiti ako. "Hello din."Lumabas si Manong Jorgie mula sa kusina. "Elie! Ngayon na pala ang labas mo? Bakit di ka tumawag, nasundo ko sana kayo sa hospital." Sabi niya at inalalayan akong makapasok sa bahay. "Okay lang po. May sasakyan naman si Zykiel kaya hindi na namin kayo inabala. Alam ko pong busy kayo rito." Sagot ko. "Hay, ikaw talagang bata ka!" sabi nalang ni Manong Jorgie. Ngumiti lang ak
EliezahMATAPOS kung hugasan ang pinagkainan ko ay lumabas na ako sa kusina at pinatay ang ilaw roon. Humugot ako ng hininga at malumanay na ibinuga ito. Umakyat ako sa hagdanan at bumalik sa kwarto ko. Tahimik ang buong bahay at ang tanging maririnig ay ang aircon na mahinang bumubuga ng malamig na hangin. Binuksan ko ang pinto ng verandah. Alas otso pasado na ng gabi at malamig na ang simoy ng hangin lalo pa't Ber Months na. Preskong presko ang hangin na umiihip. Mayamaya pa ay pumasok ako at kinuha ang first aid kit ko na nasa drawer at pagkatapos ay pumasok sa banyo. Nahirapan akong hubarin ang t-shirt ko at ilang segundo din akong nag-struggle sa pagtanggal nito. Nang sa wakas ay natanggal na. Tiningnan ko ang sugat ko sa likod na nakabenda paikot sa katawan ko. Puno na ng dugo ang benda sa likod ko at umabot pa nga ito sa pantalon na suot ko. Pati ang brassier na kulay violet ay naging kulay itim na. "Shit!" Nagsimula kong tanggalin ang benda. May narinig akong kumatok. Kinuha
Eliezah"EZEKIEL!" napasigaw ako dahil sa sobrang gulat. Nagdidilig ako ng mga halaman nang bigla nalang akong nabasa. Nanggigil akong humarap sa anak ko na may hawak na water gun. Ayoko pa sanang maligo dahil malamig ang klima pero heto ako at basang basa na dahil sa kagagawan ng dalawa. Mukhang nagba-baril barilan na naman sila ng kakambal niya at ako ang natamaan dahil nakita ko si Ace na dumaan sa harap ko kanina bago ako mabasa. Namilog ang mata niya at nakangiwi. Nag-peace sign pa siya pero nanggigil talaga ako dahil sobrang lamig ng tubig na bumasa sa'kin. "Sorry Mommy!" Sigaw niya at mabilis na tumakbo dahil handa na akong itutok sa kaniya ang hose ng tubig. "Grrrr!!" Hinabol ko siya pero bago pa ako makalayo ay may kamay na yumakap sa bewang ko at binuhat ako. "Zykiel! Ibaba mo 'ko!" Sigaw ko dahil hinalik-halikan niya ako. "Hmm... Bakit parang galit na galit ka?" Tanong niya habang pinapaliguan parin ako ng halik."Yung mga anak mo! Binasa ako! Ayoko pa naman sanang ma
EliezahISANG LINGGO pagkatapos ay nakalabas narin ako sa hospital. At tuwang tuwa ang mga kapatid ko sa dalawang anghel sa bahay namin. Salitan nga sila sa pagbabantay kaya gabi ko na masisilayan ang mga anak ko dahil busy rin naman ako sa preparations para sa nalalapit na kasal namin ni Zykiel. It is just a simple garden wedding with our closed relatives on. Since narito na ang kambal ay saka nalang kami magpapakasal ni Zykiel sa simbahan kapag medyo malaki na ang mga anak namin. I want them to be the ring bearer for us when we get married. "Hello little Ace!" hinawakan ko ang maliit na kamay ni Ace na tulog na tulog. Ngumisi ako at hinalik-halikan ang kamay nito pati ang matambok nitong pisngi. Nang marinig ko ang mahinang hikbi ni Ezekiel ay lumipat ako sa crib nito. Natutulog naman ito pero humihikbi ang maliit at mapulang labi nito. "Shh!!" Tinapik tapik ko ang gilid nito at hinalikan sa noo. Mukhang naramdaman yata niya ang presence ko at agad naman itong bumalik sa banayad n
EliezahILANG BUWAN ang lumipas at dumating na ang araw ng kabuwanan ko. Napahawak ako sa tiyan ko ng bigla nalang itong humilab. Ang sabi ng doctor ko ay isa sa mga araw na ito ay manganganak na ako lalo pa at lumagpas na ako sa due date ko. Dalawang araw na ang lumipas. Ngumiwi ako ng mas lalo pang sumakit ang tiyan ko. Owshit! Hindi ko maintindihan ang sakit. Parang kumakalat na ewan. Dahan dahan akong humakbang palapit sa kama ko para doon maupo. Kakaligo ko lang at marahil nagkakabag ako. Inabot ko ang Alcamporado oil sa ibabaw ng nightstand at saka naglagay sa kamay bago ipinahid sa tiyan.Pero ilang saglit pa ay mas lalo lang itong sumakit at parang hindi ko na kaya. Tumayo ako pero natigilan rin ng bigla nalang may bumasa sa ibaba ko. Ano 'to? Naihi ako? Kahit masakit ay pinilit kong lakarin ang distansya ng pinto at ng kama ko. Katabi lang naman ng kwarto ko ang kwarto ni Stephanie. "Stephanie!" namimilipit na sigaw ko. Humawak ako sa hamba ng pinto bilang suporta. Nang wa
EliezahHINDI ko rin natiis si Zykiel at kinabukasan ay umaga palang ay naroon na ako. Maaga akong nagluto at nagpahatid sa kulungan. Sabay kami na nag-agahan roon. Umalis rin naman ako kaagad kasi sinundo na ako ni Stephanie at ni Steve. Halos ganun ang routine ko araw araw sa loob ng ilang buwan. Natigil lang noong magsimula na ang hearing ni Fergie Morgan. Nakalabas narin naman siya sa hospital at medyo maayos na naman siya. Ipinagpapasalamat ko nalang na inamin niya na ang mga kasalanan niya. Sa dami ng kasalanan niya. Pati si Tito Gaell at ang kambal. Naawa ako kanila. "Anong ginagawa mo rito, Elie? You shouldn't be here. It's dangerous." Sabi ni Kieron ng lapitan ko siya sa mesa niya. Hindi pa nagsisimula ang hearing at hinihintay pa si Fergie Morgan at si Zykiel. "I have my bodyguards, Kieron." Nginitian ko siya. "How are you?""Ok lang. Repenting my mistakes." Nagkibit siya ng balikat ang nag-iwas ng tingin.I pursed my lips before I spoke. "How I wish, it didn't came this
ELIEZAH"GENERAL?" Natigilan ako at dahan dahang napalingon sa likod ko. Katulad ko ay namilog rin ang mga mata niya at tumigil sa paghakbang. Bumaba ang tingin ko sa kamay niya. Nakaposas. Kumurap siya ng ilang beses bago nagpatuloy sa paghakbang. Tumayo ako and meet him halfway. I immediately wrap my hands around him. I miss him so much. I miss him. I felt him stiffened."E-elie...""I miss you. We miss you very much..." I whispered and hugged him even more kahit pa hindi siya makagalaw dahil nakaposas siya. Isinubsob niya ang mukha sa leeg ko. "I miss you too, babe. Miss na miss na kita." Bulong niya. Narinig ko ang paghikbi niya dahilan para mapahikbi rin ako. Suminghot singhot ako nang bahagya siyang lumayo kaya bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya. I cupped his face and looked at him painfully. A lot of emotion showed up in his face while our gaze are locked to each other. "Your plan always hurt me..." mahinang sambit ko habang nakatingin parin sa kanya. Nagbaba siya ng tin
ELIEZAHNAPAHAWAK ako sa balakang ko ng biglang sumakit ito. Marahan akong naglakad palapit sa couch at doon naupo. Hinimas ko ang tiyan ko na halata na. Nang magising ako ay sinabi ng doktor na kambal ang ipinagbubuntis ko. Sobrang saya ko nong mga oras na iyon pero naglaho ang saya ko ng hanapin ko ang ama ng mga anak ko. Hindi ko siya makita. Kahit anong tanong ko sa mga taong nasa paligid ko ay wala silang sinasabi sa akin. Hindi nila ako sinasagot. Tikom lahat ang bibig nila na sobra kong ikina-inis. Kinakabahan ako kung ano na kaya ang nangyari sa kanya pero noong nagkaroon ako ng hint na maaaring nakulong siya ay hindi na ako nagtanong pa. Kung ayaw niyang ipa-alam sa akin ay hindi ko siya pipilitin. Alam kong pinoprotektahan niya ako at idagdag pa na hindi pa natuluyan ang matandang demonyo! Hayun at humihinga parin sa tulong ng makinarya. This must be crazy to think that he is the father of the father of my children but what he did to me is beyond forgivable. I don't know if
Zykiel"I DON'T CARE." sagot ko kay Steve. Nabuhay pa pala talaga siya. Tunay ngang matagal mamatay ang masamang damo. "But...the doctor still couldn't determine when will he wake up... it's seems like, without the machine, he'll be dead." dagdag ni Steve. Masama ko siyang tiningnan. "Why are you saying these to me?" Namulsa siya at yumuko pagkatapos ay tumanaw ulit sa kwarto ng kapatid. "Because he's still your father?" I smiled without humor. "Like what I've said, I don't care. If possible, pull that fucking machine out of him!" Hindi na nagsalita si Steve. Si Stephanie naman ay nagpa-alam na pupuntahan ang ama ni Elie sa ika-pitong palapag. "Anong nangyari kay General Gaell? At sa mga anak niya?" Tanong ko matapos pakalmahin ang sariling galit. "Their on jail. General Constantine personally put handcuffs to him. I've heard that their case were unbailable. Well, they deserve it, anyway." Tugon ni Steve at huminga ng malalim. Tapos na. Tapos na ang paghihirap ni Elie mula s
Zykiel"No! No! No!" Sigaw ko habang inaalalayan si Elie sa bisig ko na unti unting nanghihina. Sumuka siya ng dugo. No! Hindi! Hindi maaari! May nakapa akong basa sa likod niya at parang nawalan ng kulay ang mukha ko ng makita ang kulay pulang likido sa palad ko. Nanginig ang buong katawan ko at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Parang biglang tumigil sa paggana ang utak ko. . Ang mahal ko! Galit akong tumingin sa ama ko na nagulat rin sa nangyari. Pati ang mga kapatid ni Elie ay hindi rin makagalaw dahil sa gulat Pare-pareho silang nakanganga at nanlalaki ang mga mata. Ang bilis ng pangyayari! "Ha!!!!" Sigaw ko at kinalabit ang gatilyo ng baril ko at binaril siya ng ilang beses. Hinagis ko ang baril ko at binuhat si Elie. "Babe! Hold on! Please! Maawa ka sa anak natin! Please hindi ko kaya!" Paulit ulit kong sambit habang nagmamadaling tinatahak ang daan palabas ng bodega. Narinig ko ang tawag nina Steve at Stephanie pero hindi ko na sila pinansin. Paglabas ko ay siya ring
EliezahPAGAPANG akong sumunod sa matanda. Huminga ako ng malalim bago ako bumulusok pababa sa mismong harap niya. Dahil hindi niya inaasahan ang pagdating ko ay nagulat siya at hindi nakakilos agad kaya inatake ko agad siya. Mabilis naman niyang nasangga ang mga atake ko. Nagtagisan kami ng nalalaman hanggang sa nakarating kami sa mismong ground ng bodega. Sa bawat atake niya ay siya namang iwas ko at ganun rin siya sa atake ko. Gusto ko siyang bugbugin at pahirapan. Gustuhin ko man siyang patayin na agad ay parang napakadali naman niyon. Gusto ko iyong mahihirapan muna siya hanggang sa siya na mismo ang kikitil sa sarili niyang buhay. "Hindi mo ako kaya, agent 00013! You're too weak for me!" Sabi niya at humalakhak. Pinatayan ko rin ang halakhak niya. "Talaga ba? Tingnan lang natin." Sa isang kilos ko ay nahagip ng suot kong stilettos na may maliit na kutsilyo sa dulo ang tiyan niya dahilan para magkaroon iyon ng malaking tabas at umagos ang sariwang dugo roon. Nginisihan ko s