ALFA CRUZ POINT OF VIEW Nakakalito ang mundo sa paligid ko, puno ng mga panaginip na dulot ng lagnat at sakit ng ulo. Ang huling bagay na naalala ko ay ang patuloy na pag-vibrate ng aking telepono, isang text mula sa isang taong nagngangalang "Xander" na nagtatanong kung okay lang ako. Hindi ko man lang namalayan na may sakit pala ako hanggang sa hindi ko na kinaya ang sakit ng aking ulo. At doon siya, si Xander. Isang lubos na estranghero, na siyang nagmalasakitsa akin, at inaalagaan ako na para bang matagal na naming kilala ang isa't isa. Nagdala siya ng sopas, mga gamot, at isang tahimik at nakakagaan na presensya na kaiba sa ingay ng aking lagnat na isipan. Hindi niya ako itinuring na mahina o walang kakayahan, kundi bilang isang taong nangangailangan ng kaunting dagdag na alaga. Siya ay mahinahon sa aking mga walang kabuluhang pag-uusap, tumatawa sa aking walang kabuluhang mga biro, at kahit nagawa pa niyang patawanin ako kahit na ako ay parang nalulunod sa aking kalungkuta
Pumasok si Alfa sa room 202 dala ang mga gamit na panlinis na nasa trolly. Pinagbigyan niya ang pakiusap ni Geneva na magpalit sila ng kwartong lilinisin dahil gusto niyang mapalapit ang loob nito sa kaniya bilang lagi siya nitong sinusungitan Walang ideya si Alfa kung sino ang guest sa naturang kwarto. Dahil may note ito na pumasok na lamang sa loob kaya pumasok na nga siya at hindi na nag-doorbell. Tulak-tulak niya ang trolly papasok habang hinahanap ng kaniyang mata ang nasabing guest. Wala siyang nakitang tao roon maliban sa napakaraming linisin. Maraming kalat sa sahig at gulo-gulo ang higaan. Naisip ni Alfa na pagdadamputin muna ang napakaraming kalat sa sahig. Medyo Hilo pa siya ng bahagya dahil hindi pa siya tuluyan na magaling. Pinilit lang ni Alfa na gawin ng maayos ang trabaho niya at nagagawa naman niya ito ng maayos. Matapos niyang damputin ang mga kalat ay isinaksak naman niya ang vaccium. Tahimik lang siyang naglilinis hanggang may narinig siyang tunog na pagbu
"Tama na! Ano ba kayo? sa tingin niyo, sa ginagawa niyong 'yan, hindi ako mapapahamak? Nagtratrabaho ako ng maayos dito tapos issue pa sa inyo ang kung sino o kanino ako dapat na maglinis?" Galit na pagsaway ni Alfa sa dalawang nagpapalabasan ng tapang sa harap niya. Mga seryoso nang nagkakasakitan. Mabuti at mga natigil ang mga ito matapos na sumigaw ni Alfa. Nakukuha ni Alfa na ang dalawang ito ay gustong mapalapit sa kaniya dahil nangyari nga na 'kamukha niya daw' ang isang babaeng nagngangalang Alfa na siyang malapit sa dalawang ito. Dalawang guwapong nagpapatayan para lang ipaglinis niya ng kwarto. Naiintindihan din ni Alfa na hindi lang basta paglilinis ang pinag-aawayan ng mga ito kung hindi ang atensyon niya. Pareho itong gustong mapalapit sa kaniya. Hindi alam ni Alfa kung dapat niya ba itong ikatuwa. Dalawang makisig at guwapong lalaki ang gustong pumasok sa buhay niya. Hindi niya akalain na ganito pala siya kaganda para pag-agawan ng dalawa. "Umalis ka na, Xander!
Hindi mapakali si Xander habang naiisip niya na nariyan lang si Andrei sa tabi at nagpapakita ng mga aksyon nang paghadlang sa kaniyang mithiin. Mula pa noon hanggang ngayon ay si Andrei ang nagiging sagabal sa mga plano niya. Ang kinaiinis lang ni Xander ay kung bakit ganoon na lang ang takot niya gayong parehas naman silang walang karapatan sa babaeng ginugusto nila ngayon. Kung si Xander lang ang tatanungin, ayaw na niyang daanin sa santong usapan. Natatakot siyang maunahan kaya naman naisip niyang daanin na sa santong paspasan. "Hindi mo naman siguro tatanggihan ang isang katulad kong guwapo na, mayaman pa. Halos nasa akin na ang lahat at ikaw na lang ang kulang." wika ni Xander sa harap ng salamin. Katatapos niya lang na maligo at nakasuot lamang siya ng itim na boxer shorts at puting t-shirt. Kampante si Xaner na darating ngayon si Alfa kaya naman nag-ayos siya ng sarili. Maya maya lang ay may kumatok na at alam ni Xander na si Alfa na iyon. "s-sir? maglilinis na po,"
"Saan niyo 'ko dadalhin? i did None of any from your accusation. We have an Affair and whats wrong with that? don't touch me. i will call my attorney!" "Sa presinto na lang po kayo magpaliwanag!" Dahil sa ginawa ni Xander ay kailangan niyang napilitan na gumawa ng aksyon ang management ng nasabing hotel. Dinala siya sa Police station upang kaharapin ang patong-patong na reklamo. Samantala si Alfa naman ay dinala na sa kaniyang kwarto. Takot na takot pa rin ay walang tigil sa pagluha. Naroon ang kaniyang TL at sinasamahan siya. Hindi pa rin nawawala ang panginginig ni Alfa. Si Andrei naman ay ang pinaka nag-aalala sa lahat. Gustong-gusto niyang puntahan si Alfa sa kwarto nito at tanungin kung okay na ba ito o ano kaso pinili na lang niya na huwag na munang pumunta dahil alam niyang mas lalala pa ang sitwasyon. Sila kasi ni Xander ay mga lalaking bigla na lang dumating sa buhay ni Alfa at ginulo ang tahimik nitong mundo. Pareho silang gustong mapalapit dito dahil sa kadahila
Labag man sa loob ni Andrei ngunit kinailangan na niyang umalis sa nasabing hotel dahil maraming obligasyon at trabaho na nag-aantay sa kaniya. Bukod pa doon ay kailangan niyang tanggapin sa sarili niya na iba si Alfa at iba ang Alfa na kamakailan ay nakilala niya. Magkaibang tao sila at unfair naman sa babaeng kamukha ni Alfa kung ipagpipilitan niya ang sarili niya dito dahil lang sa may kamukha ito. Andrei focused on his company. Ginawa niyang abala ang sarili sa pagtratrabaho. Andrei did this for his self. to heal his inner being. Naisip niya na kailangan niyang magpatuloy sa buhay at the same time ay mag-move on na mula sa pagkawala ng kaniyang mga magulang at minamahal na babae. Nagdesisyon siya na buksan ang puso para sa iba. Para naman makawala na ang matagal na niyang itinatago na pag-ibig sa yumaong si Alfa. Hindi na siya nakipagbalikan kay Cassidy dahil kahit anong pilit niya ay hindi niya ito magawang mahalin. He is willing to go on date with random Girls. Nilibang n
"Kilala mo ako?" tanong tuloy ni Alfa. Sa pagkakatanda niya ay wala siyang kilala na babaeng may malaking peklat sa mukha. "Oo naman. Kilalang kilala!" Mala-demonyong pagngiti ni Chloie. Ang tagal niyang hinintay ang araw na magkita silang muli. Ilang taon din nagpagaling si Chloie mula sa sugat ng nakaraan na kagagawan ni Andrei. "P-pasensya ka na, ha! Hindi kita kasi talaga maalala. Naaksidente ako dati at hanggang ngayon ay wala pang bumabalik sa mga alaala ko. Kaibigan ba kita dati?" pagpapaliwanag ni Alfa. "Ganun? edi mas mainam pala. Oo, kaibigan mo ako. Super close kaya natin dati." pagsisinungaling ni Chloie. Bagamat Naguguluhan siya dahil ang alam niya ay kasama si Alfa sa pagsabog ng eroplano. Ngunit si Chloie ay kumbinsido na si Alfa nga itong kaharap niya dahil sa maliit na peklat nito sa may kilay na si Chloie ang may gawa. Kung matatandaan ay binugbog ng grupo ni Chloie si Alfa noon kaya alam niyang nagkasugat ito sa mukha. May bakas ng sugat na malalim pero ma
ANDREI AVENDAÑO POINT OF VIEW May mga bagay pala na nariyan lang sa tabi ko o sa gilid gilid na hindi ko nabibigyan ng pansin. Mga magandang bagay na hindi ko nakikita dahil masyado akong naging abala sa pagtingin sa itaas. Sa paghahanap o pangangarap ng mga bagay na malabong mangyari. Hindi ko pala napapansin na may mga taong nag-iintay lang na ako ay yumuko para sila ay aking mapansin. Si Melissa, siya ay aking secretary na nagpapakita ng pagkagusto sa akin. Minsan, labas na sa trabaho niya ang ginagawa niyang pag-eeffort sa akin. She's sweet and extrang caring to me. Hindi ko ito napapansin noon dahil busy ako sa maraming bagay. But lately, nakita ko ang kagandahan niya at ang busilak niyang puso. Isang gabi noon kung saan ay sobrang lungkot ko, siya ang dumating para samahan ako. Nakinig siya sa mga hinanaing ko at nakuha niya akong patawanin sa mga simpleng bagay na ikinekwento niya sa akin. Actually, narealize ko na palagi siyang dumadating kapag kailangan ko ng makakaus
- "The hardest thing about loving someone from afar is knowing that they are close enough to touch, but far enough to never feel." Nakahiga na sa ngayon niyang tutulugan si Dianne habang Yakap-yakap ang picture frame kung saan ay naroon ang larawan nila ng asawang si Andrei. Masaya siya na malungkot. Masaya dahil mabuti na ang kalagayan ni Andrei at the same time ay nalulungkot din siya dahil narito lang nga ang kaniyang asawa ngunit hindi naman niya ito o mayakap o maiparamdam man lang ang labis niyang pagmamahal dito. Ang hindi alam ni Dianne ay naroon lang si Andrei sa may pinto, nakatayo, at tahimik siyang pinanonood na umiiyak. Naguguluhan si Andrei sa mga nalaman mula sa mayordoma. Ang babae kasing nagpakilala na kaibigan 'daw' niya ay siya pala niyang asawa at nagdadalang tao sa kaniyang anak. Hindi malaman ni Andrei ang dahilan nito kung bakit inililihim pa sa kaniya nito ang tunay na katauhan. (biglang lumangitngit ang pinto) Biglang napapahid ng luha si Dia
ANDREI AVENDAÑO POINT OF VIEW. ITS GOOD TO BE BACK. Sa wakas ay nakauwi na rin ako sa mansyon. Iba pa rin talaga kapag bahay mo na ang inuwian mo. Maraming gumugulo at katanungan sa isipan ko pero iba pa rin sa pakiramdam na makita at makauwi sa bahay mo. Maswerte akong nakaligtas mula sa isang malagim na aksidente. Ayaw ng mga Doktor ko na pag-usapan pa ang nangyari noong araw na iyon dahil makakasama daw sa mental health ko. Pero paano kaya yon? Paano ko malalaman ang rason kung paano kami naaksidente. Hindi ko kasi maalala kung paano kami nabangga. Ang tanging naaalala ko lang ay yung si Alfa. Si Alfa na mahal na mahal ko. Hindi ko na lubos na maalala kung ano ba ang mga nangyari noong araw bago ako naaksidente basta ang naaalala ko lang ay kumain kami ng Lunch ni Alfa at the rest is blangko na. Naaalala ko naman ang lahat. Itong bahay na ito, ang pangalan ko, at kung sino ako. Ako si Andrei Avendaño known as a youngest billionaire in the country. Naaalala ko pa kung anong k
Araw, linggo, buwan ang lumipas at naghihintay pa rin si Dianne sa hudyat ng Doktor kung kailan siya ulit p-pwedeng makadalaw sa kaniyang asawa. Matatandaan na nagising nga si Andrei pero hindi naman siya nito matandaan. Ang pangalang binabanggit nito ay iba. Anong sakit iyon para kay Dianne. Nagising na nga at lahat-lahat ang asawa niya pero hindi siya nakikilala nito. Ngunit dahil sa dami na ng pagsubok na kanilang pinagdaanan, hindi na para sumuko pa si Dianne. Kahit Miss na Miss na niya ang asawa at para bang nakukulangan na siya ng pag-asa, naniniwala pa rin siya na hindi sa pangalan o mukha , ang pusong nagmamahal ay hindi nakakalimot sa taong tunay na tinitibok nito. Kaya naman laking tuwa n> Dianne ng tawagan siya ng Doktor ni Andrei at sinasabing okay na ito at pwede nang ilabas ng ospital. Sobrang saya ni Dianne sa magandang balita na iyon. Excited siyang nagtungo sa ospital kahit na walang ligo. Bago niya pwedeng ilabas si Andrei ay pinatawag muna siya ng Doktor para ka
Grabe ang takot ko matapos akong maalarma sa pagtunog ng mga aparato na nakakabit sa asawa ko. Hindi pwede! hindi siya pwedeng mamatay. Hindi ko kaya. Nagmadali akong tumawag ng mga Doktor. Halos mahulog ang puso ko. Hindi ako alam kung paano ang gagawin kong takbo mapuntahan lamang ang Doktor ng asawa ko. Sakto naman din at nakasalubong ko siya. Papunta rin pala siya sa asawa ko para tignan. Hindi ko na kayang kumalma sa mga oras na ito kaya hinila ko na siya patungo sa ICU kung saan nandoon ang asawa ko. "Dok ano pong nagyayari?" nag-aalala kong tanong. Patuloy pa rin sa pagtunog ang Machine at diretso pa rin ang linya. Gusto ko nang umiyak ng malakas. "misis relax." Ito lang ang sagot sa akin ng Doktor. kalmado niyang tinignan ang pasyente. "Paano po akong magrerelax? nasa peligro na po ang buhay ng asawa ko." sabi ko naman habang nakasunod sa kaniya. Hindi ko maintindihan kung paano niya nasasabi na irelax ko ang sarili ko. "Hindi po misis. Ang aparato po na tumutunog
Mas lalong nagkaroon ng rason si Dianne para tatagan ang loob. Hindi lang siya ang nag-aantay ngayon kay Andrei kung hindi dalawa na sila. Hindi madali sa kalagayan niya pero lumalaban siya. Kailangan niyang ilaban ang pananampalataya niya na magkakaroon ng himala. Ngunit talagang sinusubukan siya ng Diyos. Ayon sa mga Doktor ay hindi nila masasabi kung kailan magigising si Andrei o kung may tsansa pa ba ito na gumaling. Tinapat na siya ng Doktor na 50/50 na si Andrei at himala na lamang kung babalik pa ito sa dati. Bilang asawa ay napakahirap nitong tanggapin. Ngayon pa na magkakaanak na sila. Kahit anong utos ni Dianne sa kaniyang utak na tatagan ang loob ay hindi niya rin masunod dahil hindi biro ang sitwasyon na mayroon sila ngayon. Ang malamig at puting pader ng silid ng ospital ay tila sumasakal sa kanya, pinipigilan siya ng kanilang malamig at matigas na presensya. Ang kanyang mga daliri, payat na dahil sa pag-aalala, ay mahigpit na nakahawak sa mga rosaryo, ang makini
Lalo lang nadagdagan ang pag-aalala ni Dianne. Buong araw hanggang gabi siya iyak nang iyak. Halos walong oras ginamot si Andrei sa loob ng Emergency room bago ito inilipat sa ICU. Hindi pa niya pwedeng lapitan ang asawa dahil ayon sa mga doktor ay maselan ang kalagayan pa nito at under observation pa ito. Inilabas ito sa Emergency room ng walang malay. Samantala ang babaeng tinutukoy ng mga pulis na kasama nito ay inilabas ng E.R. na nakatalukbong na ng kumot. Dalawa lang naman ang nasa ER kaya naisip ni Dianne na tignan kung ito nga ang sinasabing babaeng kasamang naaksidente ng kaniyang asawa. "Saglit po, kilala ko po siya, maaari ko po bang sulyapan ang aking pinsan kahit na sa huling sandali?" pagsisinungaling ni Dianne sa mga nurse. "Okay pero saglit na saglit lang, ha?" sagot naman sa kaniya ng mga ito bilang pagpayag. "Hindi ba kinaya ng pasyente. Kung ikaw pala ang pinsan niya, ikaw na lang din ang pumirma para sa release paper niya para mamaya." Dahil inakala ng mga
MRS. DIANNE AVENDAÑO POINT OF VIEW. Hindi pa man din ay parang matutumba na ako. Yung tipong sana, sana panaginip na lang ito. Itong nangyari. Hindi ko kasi lubos na maisip na ngayon pa ito mangyayari. Bakit? bakit? bakit kung kailan maayos na ang lahat sa amin? bakit kung kailan nakamit na namin ang inaasam namin na kaligayahan? bakit? Masaya pa kaming nagtanghalian kanina. Sobrang saya niya at panay pa nga ang sabi niya ng "Mahal kita!" hinatid niya pa ako sa bahay namin at nangakong maaga uuwi para sabay kaming maghapunan. Ang sabi niya ss akin ay babalik siya sa office, bakit? ano ang nangyari? Sobrang nablablanko ang isipan ko ngayon at hindi malaman kung paano ko kakayanin na makita ang asawa ko na nasa kritikal na kalagayan. Panay ang hagod sa aking likod ng kasam bahay na isinama ko para alalayan ako. "Señorita, lakasan niyo po ang loob niyo. May awa po ang Diyos. Huwag po sana kayong panghinaan ng loob. Ang importante po ay buhay si Sir at magkakasama pa kayo." paulit-u
Baliw sa pag-ibig na nararamdaman at nilamon na ng matinding pagnanasa si Xander to the point na malaki na ang kaniyang pinagbago. Hindi ganito si Xander pero dahil nga sa labis na pagmamahal niya sa dalagang si Alfa ay tuluyan na siyang nag-iba. Talagang inabangan ni Xander ang opisina ni Andrei dahil malakas ang hinala niya na dito ito pupunta pagkatapos na tumakas mula sa kamay niya. Nang makita niya na nagtungo si Alfa sa opisina nito ay labis siyang nanggalaiti sa galit. Gumawa siya ng paraan para sirain ang pagsasama ng dalawa. Iniisip ni Xander na poprotektahan ito ni Andrei mula sa kaniya kaya inunahan na niya ito. Pinasok niya ang kotse nito nang walang nakakakita. Nagtago sa likod at nag-antay ng tamang pagkakataon bago umatake. Isang oras mahigit din siya nag-antay sa loob ng nasabing kotse. nagtiis sa init at kulang na bentilasyon ss loob. Hindi iyon ininda ni Xander bagkus ang tanging nasa isip niya ay mabawi si Alfa at patayin si Andrei. Oo. umabot na talaga siya
ANDREI AVENDAÑO POINT OF VIEW. Hindi ko alam na darating pala ang araw na ito, ang kamumuhian ko ang mukhang ito. Ang mukha ni Alfa na buong buhay kong minahal. Wala na itong dating sa akin ngayon dahil hindi naman talaga ang mukha niya ang minahal ko kung hindi ang pagkatao ni Alfa na siyang si Dianne na ngayon. At itong kayakap ko ngayon, isa siyang impostor. Ang akala niya siguro ay mapapaniwala niya ako. Huwag niya ako itulad sa iba. Hindi ako tanga. Alam kong peke siya dahil asawa ko na ngayon ang taong may ari ng mukha na iyan. Gusto ko siyang itulak at sitahin. Gusto ko siyang takutin hanggang sa mapaamin. Alam kong hindi naman mangyayari yon dahil hindi siya aamin. Nagawa niya ngang gumaya ng mukha na siyang nakababahala sa tahimik namin na pagsasama ni Dianne. Alam kong paghihiganti ang motibo ng taong ito at kung totoo ang hinala ko, hindi ko siya mapapayagan. "Andrei... Andrei, I Miss you so much! "I'm sorry, Andrei. I'm sorry kung bakit ngayon lang ako dumating. Ma