"Kilala mo ako?" tanong tuloy ni Alfa. Sa pagkakatanda niya ay wala siyang kilala na babaeng may malaking peklat sa mukha. "Oo naman. Kilalang kilala!" Mala-demonyong pagngiti ni Chloie. Ang tagal niyang hinintay ang araw na magkita silang muli. Ilang taon din nagpagaling si Chloie mula sa sugat ng nakaraan na kagagawan ni Andrei. "P-pasensya ka na, ha! Hindi kita kasi talaga maalala. Naaksidente ako dati at hanggang ngayon ay wala pang bumabalik sa mga alaala ko. Kaibigan ba kita dati?" pagpapaliwanag ni Alfa. "Ganun? edi mas mainam pala. Oo, kaibigan mo ako. Super close kaya natin dati." pagsisinungaling ni Chloie. Bagamat Naguguluhan siya dahil ang alam niya ay kasama si Alfa sa pagsabog ng eroplano. Ngunit si Chloie ay kumbinsido na si Alfa nga itong kaharap niya dahil sa maliit na peklat nito sa may kilay na si Chloie ang may gawa. Kung matatandaan ay binugbog ng grupo ni Chloie si Alfa noon kaya alam niyang nagkasugat ito sa mukha. May bakas ng sugat na malalim pero ma
ANDREI AVENDAÑO POINT OF VIEW May mga bagay pala na nariyan lang sa tabi ko o sa gilid gilid na hindi ko nabibigyan ng pansin. Mga magandang bagay na hindi ko nakikita dahil masyado akong naging abala sa pagtingin sa itaas. Sa paghahanap o pangangarap ng mga bagay na malabong mangyari. Hindi ko pala napapansin na may mga taong nag-iintay lang na ako ay yumuko para sila ay aking mapansin. Si Melissa, siya ay aking secretary na nagpapakita ng pagkagusto sa akin. Minsan, labas na sa trabaho niya ang ginagawa niyang pag-eeffort sa akin. She's sweet and extrang caring to me. Hindi ko ito napapansin noon dahil busy ako sa maraming bagay. But lately, nakita ko ang kagandahan niya at ang busilak niyang puso. Isang gabi noon kung saan ay sobrang lungkot ko, siya ang dumating para samahan ako. Nakinig siya sa mga hinanaing ko at nakuha niya akong patawanin sa mga simpleng bagay na ikinekwento niya sa akin. Actually, narealize ko na palagi siyang dumadating kapag kailangan ko ng makakaus
"Naalala ko na ang lahat!" Kusang bumalik ang mga alaala ni Alfa ngayong nasa peligro ang buhay niya. Ang kaniyang nakaraan, ang kaniyang totoong pagkatao, pati na rin ang mga taong kumupkop ang nagmahal sa kaniya. Ngayon ay bumalik lahat sa kaniyang isipan ang nakaraan. Lalo na ang pinaka importanteng tao sa kaniyang puso. Si Andrei. Nagsisisi siya dahil hindi bumalik agad ang alaala niya ng minsang ngtagpo ang landas nila. Ku g sana ay noon pa bumalik ang mga alaala niya ay wala nang magiging problema. Ngayong pati si Chloie ay nakikilala na niya at naalala na niya, naiintindihan na niya kung. Saan ito nanggagaling at bakit abot langit ang galit sa kaniya nito. Naaalala na niya ang malaking atraso nila dito. "Chloie, maawa ka naman sa akin. Magpatawaran na lang tayo tutal ay matagal na namang nakalipas iyon. Chloie, hindi ba at magkaibigan naman tayo dati. Please, kalimutan na lang----" Isang malakas na sampal ang inabot ni Alfa kay Chloie. Halos tumabingi ang mukha niya. Naka
ANDREI AVENDAÑO POINT OF VIEW Hindi ko napigilan na hindi maging emosyonal nang makita ko ang bagong mukha ni Alfa. Naiiyak ako sa tuwa dahil naging matagumpay ang kaniyang operasyon ngunit malayong malayo na ang mukha niya ngayon. Hindi nagawang ibalik sa dati ang kaniyang mukha dahil sa tindi ng naging pinsala. Para tuloy siyang ibang tao na ngayon. Malayong malayo na siya sa dating Alfa. Nakita ko naman na sumaya siya pagkakita ng dati niyang mukha. Ewan ko pero mas naging masaya ako. Iniisip ko na pabor pa rin sa akin ang nangyari dahil dahil iba na ang mukha niya, ibang tao na ang makikita sa kaniya ng mga tao at hindi na siya ang kapatid ko. Ang nakakatawa sa akin ay hindi pa rin. agbago ang pagmamahal ko sa kaniya kahit pa naiba na ang kaniyang mukha. Kahit hindi na si Alfa ang nakikita ko sa kaniya ay naroon pa rin ang pagmamahal ko. Nakipaghiwalay ako kay Melissa para makapag-focus ako sa kaniya. Ang daming taon na nasayang at gustong gusto kong bawiin iyon. Gusto
Andrei felt sorry for Melissa. Hindi niya intensyon na saktan ito. Totoong binigyan niya ng puwang si Melissa sa kaniyang puso. Hindi niya ginustong paasahin lang ito at saktan. Actually, he started to like melissa but when Alfa came back to his life, napatunayan ni Andrei na isang babae lang talaga ang nagmamay-ari ng puso niya. Iba ng mukha pero iisang tao lang ang nasa loob. Sometimes the greatest journeys are the ones we take within ourselves. And sometimes, the greatest love stories are the ones we write with our own hearts. Samantala, Ngayong araw ay isang napakasayang araw para kay Andrei dahil nandito na sa mansyon si Alfa at sa tinagal-tagal ay ngayon lang sila muli magsasabay na kumain. Si Andrei mismo ang namili at naghanda ng lulutuin. Ganadong ganado niyang prinipare ang mga lulutuin. Pasipol sipol pa siya habang nagluluto. Napansin ng mga kasambahay ang kakaibang sigla ni Andrei. Ito ang unang pagkakataon na nakita nila ito na nakikialam sa kusina. Naintriga tu
Ganap na Ganap si Andrei sa kalokohan niya na kunwari ay may lakad talaga sila nung Dianne. Ang totoo, may lakad naman talaga siya, yun nga lang ay hindi Dianne ang pangalan ng imi-meet niya. Papunta si Andrei ngayon sa isang taong pinagkakatiwalaan niya. Ang taong napag-utusan niya na gumawa ng mga papeles at dokumento sa isang taong nagngangalang Dianne. Gusto na kasi niyang Ganap na pangatawanan na ibang tao na si Alfa. Ginagawa ito ni Andrei para sa malaking pangarap niya para sa kanila ng babaeng minamahal na tinatawag na niya ngayon na Dianne at iyon ay si Alfa. Samantala, walang kaalam-alam si Alfa na siya yung tinutukoy ni Andrei. Paniwalang-paniwala siya na may ibang babae na itong tinitignan at hindi na siya. Nalungkot si Alfa dahil kung kailan naman tama na ang oras at pagkakataon para sa kanila ni Andrei ay saka naman ito nakahanap ng iba. Maliwanag na ibang tao si Alfa sa buhay ni Andrei. Hindi sila tunay na magkapatid at hindi na rin siya ang mahal nito. Naisip ni
Magkasabay na naglalakad ngayon si Andrei at Alfa papasok ng Kompanya. Nasa Entrance pa lamang ay niyuyukuan na ng mga tao ang guwapong CEO na si Andrei. Si Andrei ay Dire-diretso lang ba naglalakad. May ilang pamilyar na mukha si Alfa na nakita na mga matagal ng empleyado ng kompanya. Noong buhay pa sina Derie at Stefano ay nakasanayan na ni Alfa na batiin ang mga ito at ngitian. Ngitian ni Alfa ang mga ito ngunit hindi siya nakakuha ng ngiti pabalik. Naalala ni Alfa na ibang mukha na pala ang gamit niya kaya ibang tao na rin ang tingin sa kaniya ng mga ito. Nanatili na lang sa pagsunod si Alfa kay Andrei. Animo siyang anino na nakabuntot lang lagi dito. Naisip no Alfa na ito talaga siya, ibang tao naman na talaga kaya dapat ay hindi na siya dapat masaktan kapag naaalala niya ang nakaraan. Oo medyo malungkot pero wala naman siyang ibang pagpipilian kung hindi ang tanggapin na lang. Ang importante ay maayos pa rin ang pakikitungo sa kaniya ni Andrei. Samantala, pagdating nila s
Love is in the air Inside the office. The CEO is madly inlove to his secretary. Everybody noticed it. The way he looks at Dianne, the way they talk, kitang-kita na inlove talaga sila sa isa't isa. Maraming napapasana-all kay Dianne at marami rin namang nagtataas ng kilay. "Why she looks so perfect? hindi kaya operada?" aniya ng ilan sa kanilang mga isipan. Para kasing ginastusan talaga ang ganda. . Ang hindi nila alam ay maraming pinagdaanan ang mukha na iyon bago maging isang ganap na Dianne. Na kung ano man ang tinatamasa nito ngayon ay deserve lang niya sa dami ng pagsubok ng kaniyang pinagdaanan. Kaya naman itong si Mr. CEO ay extra loving and caring talaga lalo na sa puso ng babaeng mahal niya. Buong maghapon sila magkasama sa office at ang hindi alam ng mga tao ay sa iisang bahay lang umuuwi ang dalawa. Whats exciting here now is sa iisang kwarto na sila matutulog ngayon dahil itong si Mr. CEO ay nagbabawi talaga ng oras at panahon na nasayang sa kanila. Speaking