ANDREI AVENDAÑO POINT OF VIEW Hindi ko napigilan na hindi maging emosyonal nang makita ko ang bagong mukha ni Alfa. Naiiyak ako sa tuwa dahil naging matagumpay ang kaniyang operasyon ngunit malayong malayo na ang mukha niya ngayon. Hindi nagawang ibalik sa dati ang kaniyang mukha dahil sa tindi ng naging pinsala. Para tuloy siyang ibang tao na ngayon. Malayong malayo na siya sa dating Alfa. Nakita ko naman na sumaya siya pagkakita ng dati niyang mukha. Ewan ko pero mas naging masaya ako. Iniisip ko na pabor pa rin sa akin ang nangyari dahil dahil iba na ang mukha niya, ibang tao na ang makikita sa kaniya ng mga tao at hindi na siya ang kapatid ko. Ang nakakatawa sa akin ay hindi pa rin. agbago ang pagmamahal ko sa kaniya kahit pa naiba na ang kaniyang mukha. Kahit hindi na si Alfa ang nakikita ko sa kaniya ay naroon pa rin ang pagmamahal ko. Nakipaghiwalay ako kay Melissa para makapag-focus ako sa kaniya. Ang daming taon na nasayang at gustong gusto kong bawiin iyon. Gusto
Andrei felt sorry for Melissa. Hindi niya intensyon na saktan ito. Totoong binigyan niya ng puwang si Melissa sa kaniyang puso. Hindi niya ginustong paasahin lang ito at saktan. Actually, he started to like melissa but when Alfa came back to his life, napatunayan ni Andrei na isang babae lang talaga ang nagmamay-ari ng puso niya. Iba ng mukha pero iisang tao lang ang nasa loob. Sometimes the greatest journeys are the ones we take within ourselves. And sometimes, the greatest love stories are the ones we write with our own hearts. Samantala, Ngayong araw ay isang napakasayang araw para kay Andrei dahil nandito na sa mansyon si Alfa at sa tinagal-tagal ay ngayon lang sila muli magsasabay na kumain. Si Andrei mismo ang namili at naghanda ng lulutuin. Ganadong ganado niyang prinipare ang mga lulutuin. Pasipol sipol pa siya habang nagluluto. Napansin ng mga kasambahay ang kakaibang sigla ni Andrei. Ito ang unang pagkakataon na nakita nila ito na nakikialam sa kusina. Naintriga tu
Ganap na Ganap si Andrei sa kalokohan niya na kunwari ay may lakad talaga sila nung Dianne. Ang totoo, may lakad naman talaga siya, yun nga lang ay hindi Dianne ang pangalan ng imi-meet niya. Papunta si Andrei ngayon sa isang taong pinagkakatiwalaan niya. Ang taong napag-utusan niya na gumawa ng mga papeles at dokumento sa isang taong nagngangalang Dianne. Gusto na kasi niyang Ganap na pangatawanan na ibang tao na si Alfa. Ginagawa ito ni Andrei para sa malaking pangarap niya para sa kanila ng babaeng minamahal na tinatawag na niya ngayon na Dianne at iyon ay si Alfa. Samantala, walang kaalam-alam si Alfa na siya yung tinutukoy ni Andrei. Paniwalang-paniwala siya na may ibang babae na itong tinitignan at hindi na siya. Nalungkot si Alfa dahil kung kailan naman tama na ang oras at pagkakataon para sa kanila ni Andrei ay saka naman ito nakahanap ng iba. Maliwanag na ibang tao si Alfa sa buhay ni Andrei. Hindi sila tunay na magkapatid at hindi na rin siya ang mahal nito. Naisip ni
Magkasabay na naglalakad ngayon si Andrei at Alfa papasok ng Kompanya. Nasa Entrance pa lamang ay niyuyukuan na ng mga tao ang guwapong CEO na si Andrei. Si Andrei ay Dire-diretso lang ba naglalakad. May ilang pamilyar na mukha si Alfa na nakita na mga matagal ng empleyado ng kompanya. Noong buhay pa sina Derie at Stefano ay nakasanayan na ni Alfa na batiin ang mga ito at ngitian. Ngitian ni Alfa ang mga ito ngunit hindi siya nakakuha ng ngiti pabalik. Naalala ni Alfa na ibang mukha na pala ang gamit niya kaya ibang tao na rin ang tingin sa kaniya ng mga ito. Nanatili na lang sa pagsunod si Alfa kay Andrei. Animo siyang anino na nakabuntot lang lagi dito. Naisip no Alfa na ito talaga siya, ibang tao naman na talaga kaya dapat ay hindi na siya dapat masaktan kapag naaalala niya ang nakaraan. Oo medyo malungkot pero wala naman siyang ibang pagpipilian kung hindi ang tanggapin na lang. Ang importante ay maayos pa rin ang pakikitungo sa kaniya ni Andrei. Samantala, pagdating nila s
Love is in the air Inside the office. The CEO is madly inlove to his secretary. Everybody noticed it. The way he looks at Dianne, the way they talk, kitang-kita na inlove talaga sila sa isa't isa. Maraming napapasana-all kay Dianne at marami rin namang nagtataas ng kilay. "Why she looks so perfect? hindi kaya operada?" aniya ng ilan sa kanilang mga isipan. Para kasing ginastusan talaga ang ganda. . Ang hindi nila alam ay maraming pinagdaanan ang mukha na iyon bago maging isang ganap na Dianne. Na kung ano man ang tinatamasa nito ngayon ay deserve lang niya sa dami ng pagsubok ng kaniyang pinagdaanan. Kaya naman itong si Mr. CEO ay extra loving and caring talaga lalo na sa puso ng babaeng mahal niya. Buong maghapon sila magkasama sa office at ang hindi alam ng mga tao ay sa iisang bahay lang umuuwi ang dalawa. Whats exciting here now is sa iisang kwarto na sila matutulog ngayon dahil itong si Mr. CEO ay nagbabawi talaga ng oras at panahon na nasayang sa kanila. Speaking
"Dianne, no! please stop. Hindi pa pwede!" Kahit dalang na darang na ay nagpigil pa rin si Andrei. Gustong-gusto niya si Dianne ngunit pinahahalagahan niya ito. As long as he baduy wants, he can't. Si Andrei yung tipo ng lalaki na naniniwala sa salitang kasal. He waited for so long para makapiling ang babae ba gusto niya ano ba naman kung mag-intay pa siya para makapiling ang nobya sa kama. Makulit si Dianne pero dala lang iyon ng kaniyang nainom. Hindi naman nagtagal at hindi na ito naghumarot. Nakadukdok lang ito kay Andrei habang pinaliliguan. Nakita na si Andrei ang lahat-lahat sa kaniya ngunit naroon pa rin ang salitang respeto. Hanggang matapos niyang paliguan ang dalaga ay wala siyang ibang ginawa dito kundi bihisan at tabihan sa pagtulog. Pagkahiga na pagkahiga pa lang ni Andrei ay niyakap na kaagad siya nang nakapikit na si Dianne. Napaka sarap lang nilang tignan lalo na sa mga taong nakakaalam ng kanilang istorya. That true love waits and love is Magical. Wala naman ta
DIANNE SO POINT OF VIEW. Pagkalapag na paglalapag pa lang ng chopper ay namangha na kaagad ako sa ganda ng isla na pinuntahan namin. It was my first time to go in a place like this. The place was really Amazing and na-inlove agad ako sa dagat. Gustong-gusto ko na nga talagang magtampisaw sa tubig pero itong babe ko hiniling na matulog daw muna kami dahil Puyat daw siya at kulang pa sa tulog. Kaya naman pinagbigyan ko na muna siya. Tutal kako ay nandito lang naman ang isla at marami oa kaming oras na ilalagi dito. Alam mo yung isa pang na-eenjoy ng mata ko? itong Villa na tutuluyan namin. Lakas maka-aesthetic. Damang-dama mo talaga yung Island vibes. Yung theme na white at kahoy? very calming sa mata. Napansin ko lang na mukha talagang pagod si Andrei sa biyahe at halatang antok na antok. Dumiretso kaagad kami sa kwarto na tutuluyan b namin at hinila niya agad ako sa kama para matulog. Hindi naman ako inaantok. Gusto ko sanang ayusin ang mga gamit namin habang siya ay natutu
"Sa wakas matatawag na rin kitang akin!" masayang wika ni Andrei pagkatapos nilang ikasal ni Dianne. Masaya niyang binuhat ang kaniya na ngayong asawa at dinala sa nakahintong yate na sa kanila ay nag-aantay. Ito ang sasakyan nila sa kanilang unang gabi bilang mag-asawa. Syempre, gaya ni Andrei ay masayang-masaya si Dianne. Hanggang ngayon ay hindi pa mag-sink in sa kaniya ang lahat. Isa na sila ngayong ganap na mag-asawa at hindi niya akalain na darating ang araw na ganito. "I love you, babe!" Anas ni Andrei nang makarating na sila sa pinaka deck ng yate. Panay ang halik niya sa labi ni Dianne na para bang hindi na makapag-intay at gusto nang hilahin ang oras para mag gabi na kaagad. "I love you too, babe! Ikaw, ha, ang dami mong pa-surpresa! akala ko sa isla tayo mag-hohoneymoon hindi pala." Sagot naman ni Dianne. "Umm... sa isla din naman. kaya lang ang gusto ko sa first night natin, dito tayo sa yate. Sa dagat para very memorable. Dito natin gagawin ang first baby natin a