Share

harassment

Hindi mapakali si Xander habang naiisip niya na nariyan lang si Andrei sa tabi at nagpapakita ng mga aksyon nang paghadlang sa kaniyang mithiin. Mula pa noon hanggang ngayon ay si Andrei ang nagiging sagabal sa mga plano niya.

Ang kinaiinis lang ni Xander ay kung bakit ganoon na lang ang takot niya gayong parehas naman silang walang karapatan sa babaeng ginugusto nila ngayon.

Kung si Xander lang ang tatanungin, ayaw na niyang daanin sa santong usapan. Natatakot siyang maunahan kaya naman naisip niyang daanin na sa santong paspasan.

"Hindi mo naman siguro tatanggihan ang isang katulad kong guwapo na, mayaman pa. Halos nasa akin na ang lahat at ikaw na lang ang kulang." wika ni Xander sa harap ng salamin. Katatapos niya lang na maligo at nakasuot lamang siya ng itim na boxer shorts at puting t-shirt.

Kampante si Xaner na darating ngayon si Alfa kaya naman nag-ayos siya ng sarili. Maya maya lang ay may kumatok na at alam ni Xander na si Alfa na iyon.

"s-sir? maglilinis na po,"
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Rhu
next chapter pls
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status