STEFANO AVEDAÑO POINT OF VIEW Habang tumatagal ay palala na nang palala ang sitwasyon. Naiiipit na ako sa gulo na ako mismo ang gumawa. Now, I have to choose which one will i choose. Isa lang naman kasi ang alam kong sagot sa gulong ito. Ang mamili kung sino sa dalawa. Hindi kasi madali sa akin ang mamili. Kung ang nararamdaman ko ngayon ang pakikinggan ko, si Derie ang pipiliin ko. Kasal kami at siya na ang itinitibok ng puso ko kaya lang ay may batang nabuo sa sinapupunan ni Cassandra. Ang bata na sarili kong dugo at laman. Ang Batang siyang naging dahilan kung bakit hindi ko pwedeng iwanan si Cassandra. Hindi ko kayang talikuran ang obligasyon ko. Ang responsibilidad ko bilang ama niya. Naiinis ako sa sarili kung bakit hinayaan kong maging ganito kakumplikado. lalo pa ngayon, lantaran nang ipinapakita ni Bryce ang pagkagusto niya kay Derie. I can't do anything. He's using what he knows to scare me so he can freely move on from taking Derie. I have no choice but to follow wh
DERIE MAY VEGAZ POINT OF VIEW Hindi talaga ako convinced na bukal sa loob ang pagpunta namin ni Stefano sa bahay ni Bryce. After ng lahat ng pag-amin ni Stefano na kinaseselosan niya ito ng husto. Si Bryce ang naging dahilan ng madalas naming hindi pagkakaintindihan lately kaya naman nagihiwagaan talaga ako sa nangyayari. Why all of a sudden ay okay na agad sila? Why do i have this kind of feeling na hindi totoo si Stefano sa pakikipaglapit kay Bryce. I noticed it. Every time na mahuhuli niyang nakatingin sa akin si Bryce ay saka naman niya ako aakbayan. Saka siya magiging sweet sa akin. Feel ko naroroon pa rin ang pagseselos niya kaya naman sinisigurado ko na nagiging maingat ako sa mga pakikipag-usap ko kay Bryce. Mabait talaga si Bryce at napatunayan ko yon lalo ngayon. Nagpahanda siya ng dinner para sa amin at hindi lang iyon, may inimbitahan pa siyang kaibigan na kung saan ay inilapit niya kay Stefano para matulungan. Si Cassandra. Actually, parang nakita ko na siya dati.
Hindi ns talaga mapipigilan pa ni Stefano si Cassandra mula sa pagbawi sa kaniya mula kay Derie. Wala itong takot na baka makahalata si Derie o mahuli sila sa akto. Sa tulong ni Bryce ay naging madali kay Cassandra ang lahat. Si Bryce ang tumutulong ngayon kay Cassandra para mabawi si Stefano mula kay Derie. Kagaya ngayon, tahasang pumunta si Cassandra sa mansyon bitbit ang resume niya kunwari. Dire-diretso siyang pumasok sa mansyon at pumasok sa kwarto ng mag-asawa. Wala siyang pakialam sa iisipin ni Derie. Pumasok pa rin siya kahit na kabastusan itong maituturing para sa mag-asawa. Pagpasok niya sa loob nadatnan niya na nakayakap si Stefano kay Derie at nakasubsob ang mukha sa leeg. Agad na nakaramdam ng selos si Cassandra dahil hindi ganito ang pinag-usapan nila ni Stefano. Hindi kasama ang paggamit nito sa kama. Agad na tumulo ang luha niya ng dahil ang tanga siya sa part na naniwala siya sa mga sinasabi ni Stefano. Lalo pang nakapagpasakit sa kaniya ay nang makita niya ang
Everything is falling into places. Masaya ako dahil okay na ang lahat. Nakuha na ng asawa ko ang lahat ng kaniyang hinahangad at maging ang mapayapang buhay ay aming nakakamtan na unti-unti. Talagang marunong ang Diyos sa lahat dahil nakikita niya ang tunay na kabaitan ng aking asawa kaya naman lahat ng pagpapala ay ibinuhos niya. lahat ng hinihiling ni Stefano ay nakamtan na niya. Isang bagay nga lang ang aking napansin. Stefano looks unhappy after the goodnews. Napansin ko iyon. imbes na mag-celebrate kami ay parang madalas nang uminit ang kaniyang ulo. Dalawang araw buhat ng malaman niya na nakuha na niya ang mana niya ay bigla na lang siyang nag-iba. Kung kailan kako nadagdagan na ang assistant niya ay saka naman siya parang mas naging busy pa. Pagkagaling niya sa office ay dederetso na siya sa library at doon nag-sstay ng nasa dalawang oras at pagkatapos naman doon ay iinom naman sa labas. "Pupunta ka ng library?" tanong ko sa newly hired niyang si Cassandra. Personal As
Stefano rushed Derie to the hospital. He make sure na magagamot agad ang paa ni Derie. Nakita ni Derie kung gaano siya alagaan ng asawa, kung gaano ito nag-aalala. Hindi naman sila nagtagal sa ospital dahil ayon sa doktor ay pwede naman daw sa bahay na lang maggamot. Although, third degree burn ang nangyari ay sa bahay na lang magpapagaling si Derie. Habang nasa sasakyan, tinatanya ni Derie ang asawa niya. "P-pasensiya ka na kung naabala ka pa." "Sa susunod kasi mag-iingat ka." Sagot naman ni Stefano sa kaniya pero ss mahinahon na boses. "Nag-alala ako, derie. Bakit ka ba kasi napaso?" "Pinagluto kasi kita ng paborito mong nilaga..." "Well, you should be careful next time, Huh?" "Oo." at dahil mahinahon sa kaniya ngayon si Stefani ay sinamantala na ni Derie ang pagkakataon na ito para tanungin ang asawa. "Okay ka na ba?" "Anong okay na? bakit?" napalingon sa kaniya si Stefano. "These past few days napansin ko na parang laging mainit ang ulo mo. Baka kako stress ka sa c
"Cassandra!!! Come back! Cassandra!" Stefano cried with so much frustration. He felt guilty for what happened. Nasabi na niya ang lahat ng gusto niyang sabihin at hindi naging madali sa kaniya iyon. Kahit na hindi niya na mahal si Cassandra ay ito pa rin ang magiging ina ng magiging anak niya. Sa nangyari, nalulungkot siya dahil tiyak na hindi na niya makikita pa si Cassandra at ang anak niya. Wala naman siyang pinili. Sadyang sinagot lamang niya ang tanong ni Cassandra. Matapang niyang inamin na wala na siyang nararamdaman para rito. Masakit, oo. Pero atleast hindi na niya kailangang magpanggap at magsinungaling. Pagdating ni Stefano sa kwarto ay niyakap niya ang asawang si Derie. Wala itong kamuwang-muwang sa mga nangyari sa paligid. But Atleast, stefano did the right thing. Samantala, sakay ng kotse niya, hindi malaman ni Cassandra kung saan siya pupunta. Puno ng galit at poot ang puso niya ngayon. Puno nang pagsisisi. Sa nangyari, pakiramdam niya ay siya ang pinaka lugi.
BRYCE VICENTE POINT OF VIEW "SER!!! SER, YUNG BISITA NIYO PO--- 'YUNG BISITA NIYO PO SIGAW NANG SIGAW SA TAAS!" Humahangos na wika sa akin ni manang Celia na mayordoma dito sa mansyon. "Bakit daw? papaanong sigaw ba?" Tanong ko na wala pang kagana-gana dahil kagigising ko lang at kulang pa sa tulog dahil may biglaang transaksiyon sa kuta kagabi. As I step out into my room, narinig ko na ang sinasabi ni Manang Celia na sigaw. Si Cassandra nga! At sa dinig dinig ko ay humihingi ito ng tulong. Agad akong nagtatakbo patungo sa guest room kung saan ko siya pinatuloy. Pagdating dating ko roon nakita ko agad ang duguan na si Cassandra. Sanay akong makakita ng dugo pero sa pagkakataong ito ay kinabahan ako. Ang dugo na iyon ay umaagos sa kaniyang hita at sa tingin ko ay..... "Fuvk! Dinudugo ka?" wika ko sa kaniya. Sapo sapo niya ang kaniyang pagkababae. kita sa mga mata niya ang matinding takot. she's panicking. "Bryce tulungan mo ako... Ang baby ko...." Hinang-hina ang itsura niy
STEFANO AVEDAÑO POINT OF VIEW Akala ko kapag maamin ko na kay Cassandra ang totoo ay mapapanatag na ako. Na makakahinga na ako ng maluwag. Hindi pala ganoong kadali na matulog ng mahimbing knowing na may tao akong nasaktan. Kahit paano ko isipin ako talaga ang may mali. Selfish ako at hindi nag-iisip. Matagal ko ng alam na wala na akong feelings para kay Cassandra pero anong ginawa ko? Sinamantala ko ang kahinaan niya bilang babae. Binuntis ko pa siya Without thinking na kawawa ang magiging anak namin. Kawawa siya dahil nagkaroon siya ng ama na duwag. Gusto kong parusahan ang sarili ko. Kung hindi lang nabuntis si Cassandra ay maayos na sana ang lahat. Wala na sana akong iintindihin kung hindi ang mahalin si Derie. Pero gago ako! hindi ako nag-ingat at nag-iisip. Ngayon ayaw akong patulugin ng konsensiya ko. Iniisip ko si Cassandra at ang magiging anak namin. Galing na ako sa apartment at sinubukan ko rin na tawagan si Bryce. Alam kong alam niya kung nasaan si Cassandra pero ayaw
- "The hardest thing about loving someone from afar is knowing that they are close enough to touch, but far enough to never feel." Nakahiga na sa ngayon niyang tutulugan si Dianne habang Yakap-yakap ang picture frame kung saan ay naroon ang larawan nila ng asawang si Andrei. Masaya siya na malungkot. Masaya dahil mabuti na ang kalagayan ni Andrei at the same time ay nalulungkot din siya dahil narito lang nga ang kaniyang asawa ngunit hindi naman niya ito o mayakap o maiparamdam man lang ang labis niyang pagmamahal dito. Ang hindi alam ni Dianne ay naroon lang si Andrei sa may pinto, nakatayo, at tahimik siyang pinanonood na umiiyak. Naguguluhan si Andrei sa mga nalaman mula sa mayordoma. Ang babae kasing nagpakilala na kaibigan 'daw' niya ay siya pala niyang asawa at nagdadalang tao sa kaniyang anak. Hindi malaman ni Andrei ang dahilan nito kung bakit inililihim pa sa kaniya nito ang tunay na katauhan. (biglang lumangitngit ang pinto) Biglang napapahid ng luha si Dia
ANDREI AVENDAÑO POINT OF VIEW. ITS GOOD TO BE BACK. Sa wakas ay nakauwi na rin ako sa mansyon. Iba pa rin talaga kapag bahay mo na ang inuwian mo. Maraming gumugulo at katanungan sa isipan ko pero iba pa rin sa pakiramdam na makita at makauwi sa bahay mo. Maswerte akong nakaligtas mula sa isang malagim na aksidente. Ayaw ng mga Doktor ko na pag-usapan pa ang nangyari noong araw na iyon dahil makakasama daw sa mental health ko. Pero paano kaya yon? Paano ko malalaman ang rason kung paano kami naaksidente. Hindi ko kasi maalala kung paano kami nabangga. Ang tanging naaalala ko lang ay yung si Alfa. Si Alfa na mahal na mahal ko. Hindi ko na lubos na maalala kung ano ba ang mga nangyari noong araw bago ako naaksidente basta ang naaalala ko lang ay kumain kami ng Lunch ni Alfa at the rest is blangko na. Naaalala ko naman ang lahat. Itong bahay na ito, ang pangalan ko, at kung sino ako. Ako si Andrei Avendaño known as a youngest billionaire in the country. Naaalala ko pa kung anong k
Araw, linggo, buwan ang lumipas at naghihintay pa rin si Dianne sa hudyat ng Doktor kung kailan siya ulit p-pwedeng makadalaw sa kaniyang asawa. Matatandaan na nagising nga si Andrei pero hindi naman siya nito matandaan. Ang pangalang binabanggit nito ay iba. Anong sakit iyon para kay Dianne. Nagising na nga at lahat-lahat ang asawa niya pero hindi siya nakikilala nito. Ngunit dahil sa dami na ng pagsubok na kanilang pinagdaanan, hindi na para sumuko pa si Dianne. Kahit Miss na Miss na niya ang asawa at para bang nakukulangan na siya ng pag-asa, naniniwala pa rin siya na hindi sa pangalan o mukha , ang pusong nagmamahal ay hindi nakakalimot sa taong tunay na tinitibok nito. Kaya naman laking tuwa n> Dianne ng tawagan siya ng Doktor ni Andrei at sinasabing okay na ito at pwede nang ilabas ng ospital. Sobrang saya ni Dianne sa magandang balita na iyon. Excited siyang nagtungo sa ospital kahit na walang ligo. Bago niya pwedeng ilabas si Andrei ay pinatawag muna siya ng Doktor para ka
Grabe ang takot ko matapos akong maalarma sa pagtunog ng mga aparato na nakakabit sa asawa ko. Hindi pwede! hindi siya pwedeng mamatay. Hindi ko kaya. Nagmadali akong tumawag ng mga Doktor. Halos mahulog ang puso ko. Hindi ako alam kung paano ang gagawin kong takbo mapuntahan lamang ang Doktor ng asawa ko. Sakto naman din at nakasalubong ko siya. Papunta rin pala siya sa asawa ko para tignan. Hindi ko na kayang kumalma sa mga oras na ito kaya hinila ko na siya patungo sa ICU kung saan nandoon ang asawa ko. "Dok ano pong nagyayari?" nag-aalala kong tanong. Patuloy pa rin sa pagtunog ang Machine at diretso pa rin ang linya. Gusto ko nang umiyak ng malakas. "misis relax." Ito lang ang sagot sa akin ng Doktor. kalmado niyang tinignan ang pasyente. "Paano po akong magrerelax? nasa peligro na po ang buhay ng asawa ko." sabi ko naman habang nakasunod sa kaniya. Hindi ko maintindihan kung paano niya nasasabi na irelax ko ang sarili ko. "Hindi po misis. Ang aparato po na tumutunog
Mas lalong nagkaroon ng rason si Dianne para tatagan ang loob. Hindi lang siya ang nag-aantay ngayon kay Andrei kung hindi dalawa na sila. Hindi madali sa kalagayan niya pero lumalaban siya. Kailangan niyang ilaban ang pananampalataya niya na magkakaroon ng himala. Ngunit talagang sinusubukan siya ng Diyos. Ayon sa mga Doktor ay hindi nila masasabi kung kailan magigising si Andrei o kung may tsansa pa ba ito na gumaling. Tinapat na siya ng Doktor na 50/50 na si Andrei at himala na lamang kung babalik pa ito sa dati. Bilang asawa ay napakahirap nitong tanggapin. Ngayon pa na magkakaanak na sila. Kahit anong utos ni Dianne sa kaniyang utak na tatagan ang loob ay hindi niya rin masunod dahil hindi biro ang sitwasyon na mayroon sila ngayon. Ang malamig at puting pader ng silid ng ospital ay tila sumasakal sa kanya, pinipigilan siya ng kanilang malamig at matigas na presensya. Ang kanyang mga daliri, payat na dahil sa pag-aalala, ay mahigpit na nakahawak sa mga rosaryo, ang makini
Lalo lang nadagdagan ang pag-aalala ni Dianne. Buong araw hanggang gabi siya iyak nang iyak. Halos walong oras ginamot si Andrei sa loob ng Emergency room bago ito inilipat sa ICU. Hindi pa niya pwedeng lapitan ang asawa dahil ayon sa mga doktor ay maselan ang kalagayan pa nito at under observation pa ito. Inilabas ito sa Emergency room ng walang malay. Samantala ang babaeng tinutukoy ng mga pulis na kasama nito ay inilabas ng E.R. na nakatalukbong na ng kumot. Dalawa lang naman ang nasa ER kaya naisip ni Dianne na tignan kung ito nga ang sinasabing babaeng kasamang naaksidente ng kaniyang asawa. "Saglit po, kilala ko po siya, maaari ko po bang sulyapan ang aking pinsan kahit na sa huling sandali?" pagsisinungaling ni Dianne sa mga nurse. "Okay pero saglit na saglit lang, ha?" sagot naman sa kaniya ng mga ito bilang pagpayag. "Hindi ba kinaya ng pasyente. Kung ikaw pala ang pinsan niya, ikaw na lang din ang pumirma para sa release paper niya para mamaya." Dahil inakala ng mga
MRS. DIANNE AVENDAÑO POINT OF VIEW. Hindi pa man din ay parang matutumba na ako. Yung tipong sana, sana panaginip na lang ito. Itong nangyari. Hindi ko kasi lubos na maisip na ngayon pa ito mangyayari. Bakit? bakit? bakit kung kailan maayos na ang lahat sa amin? bakit kung kailan nakamit na namin ang inaasam namin na kaligayahan? bakit? Masaya pa kaming nagtanghalian kanina. Sobrang saya niya at panay pa nga ang sabi niya ng "Mahal kita!" hinatid niya pa ako sa bahay namin at nangakong maaga uuwi para sabay kaming maghapunan. Ang sabi niya ss akin ay babalik siya sa office, bakit? ano ang nangyari? Sobrang nablablanko ang isipan ko ngayon at hindi malaman kung paano ko kakayanin na makita ang asawa ko na nasa kritikal na kalagayan. Panay ang hagod sa aking likod ng kasam bahay na isinama ko para alalayan ako. "Señorita, lakasan niyo po ang loob niyo. May awa po ang Diyos. Huwag po sana kayong panghinaan ng loob. Ang importante po ay buhay si Sir at magkakasama pa kayo." paulit-u
Baliw sa pag-ibig na nararamdaman at nilamon na ng matinding pagnanasa si Xander to the point na malaki na ang kaniyang pinagbago. Hindi ganito si Xander pero dahil nga sa labis na pagmamahal niya sa dalagang si Alfa ay tuluyan na siyang nag-iba. Talagang inabangan ni Xander ang opisina ni Andrei dahil malakas ang hinala niya na dito ito pupunta pagkatapos na tumakas mula sa kamay niya. Nang makita niya na nagtungo si Alfa sa opisina nito ay labis siyang nanggalaiti sa galit. Gumawa siya ng paraan para sirain ang pagsasama ng dalawa. Iniisip ni Xander na poprotektahan ito ni Andrei mula sa kaniya kaya inunahan na niya ito. Pinasok niya ang kotse nito nang walang nakakakita. Nagtago sa likod at nag-antay ng tamang pagkakataon bago umatake. Isang oras mahigit din siya nag-antay sa loob ng nasabing kotse. nagtiis sa init at kulang na bentilasyon ss loob. Hindi iyon ininda ni Xander bagkus ang tanging nasa isip niya ay mabawi si Alfa at patayin si Andrei. Oo. umabot na talaga siya
ANDREI AVENDAÑO POINT OF VIEW. Hindi ko alam na darating pala ang araw na ito, ang kamumuhian ko ang mukhang ito. Ang mukha ni Alfa na buong buhay kong minahal. Wala na itong dating sa akin ngayon dahil hindi naman talaga ang mukha niya ang minahal ko kung hindi ang pagkatao ni Alfa na siyang si Dianne na ngayon. At itong kayakap ko ngayon, isa siyang impostor. Ang akala niya siguro ay mapapaniwala niya ako. Huwag niya ako itulad sa iba. Hindi ako tanga. Alam kong peke siya dahil asawa ko na ngayon ang taong may ari ng mukha na iyan. Gusto ko siyang itulak at sitahin. Gusto ko siyang takutin hanggang sa mapaamin. Alam kong hindi naman mangyayari yon dahil hindi siya aamin. Nagawa niya ngang gumaya ng mukha na siyang nakababahala sa tahimik namin na pagsasama ni Dianne. Alam kong paghihiganti ang motibo ng taong ito at kung totoo ang hinala ko, hindi ko siya mapapayagan. "Andrei... Andrei, I Miss you so much! "I'm sorry, Andrei. I'm sorry kung bakit ngayon lang ako dumating. Ma