Share

Check in

ALFA POINT OF VIEW.

LIMANG TAON. Limang taon na rin ang nakalilipas buhat nang mangyari ang pagkabangga sa akin ng kotse na nagdulot sa akin ng malaking pinsala. Tatlong buwan akong namali sa Ospital upang magpagaling ng mga nabali kong buto pero ang higit na napinsala sa akin ay ang aking mga alaala. Buhat kasi nang gumaling ako mula sa aksidente ay wala na akong maalala sa tunay na pagkakakilanlan ko. Ni hindi ko nga masagot ang doktor kung saan ako nakatira o ano ba ang pangalan ko.

Ang sabi naman ng mga nagsugod sa akin sa Ospital ay isa daw akong pulubi na pagala gala sa daan. Sa kalye lang daw nila akong nakikitang natutulog. Ibig sabihin, wala akong pamilya at wala rin pa lang kwenta ang buhay ko dati kaya parang ayoko na rin pa lang alalahanin.

Kaya naman nahabag sa akin ang mga doktor na tumingin sa akin. Tinulungan nila akong magkaroon ng maginhawang buhay. Inirekomenda nila ako sa isang kakilala at ipinasok bilang tagalinis. Sa Grand Manila Hotel. Nakiusap na rin ako
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status