Sinasabi ko na nga ba at nasa hayop na iyon ang singsing!" Nangangalit ang ngipin ni Fausto at gustong sakalin ang pinsan kung nasa harapan lang. "Ano na po ang plano niyo ngayon, Senyor?" tanong ni Leonard sa ginoo.Ngumisi si Fausto habang pinakatitigan si Charles na nasa video. Pinapahanga na talaga siya ng lalaki. Hindi niya akalaing malaman nito ang tungkol sa singsing na pinahahanap niya. "Nasaan na ang apo ko?""Kasama niya po ngayon ang anak niya at doon siya matutulog.""Gusto kong makausap si Charles ngayon din.""Right away, senyor!" Agad na hinugot ni Leonard ang cellphone na nasa pocket ng suot na coat.Napangisi si Charles nang makita kung sino ang tumatawag. Inaasahan na niya iyon. Kahit gabi na ay pinatawag pa rin siya ng matanda at hindi makapaghintay ng bukas. Hindi pa rin naman siya nakapagbihis. Nagsuot lang siya ng jacket at nagpasyang umalis.Pagdating niya sa mansyon ay nasa sala na ang matanda at hinihintay siya. Gumala ang tingin niya sa paligid at hinahanap
Sapat na ang narinig ni Charles mula sa matanda. Tumayo siya at nagpaalam na. "Hindi na ako magtatagal kung ganoon. Pero asahan kong hindi niyo na patatagalin ang lahat at ayaw kong malaki na ang tiyan ng babaing pakasalan ko pagharap sa altar.""What?" Parang nabingi si Fausto sa narinig."Isa pa ay kumikilos na ngayon ang pinsan mo upang humina ang kapit mo sa mga board member and director.""I know about that pero ang tungkol sa pagbubuntis ng apo ko?" Dinuro niya ang binata. "Huwag kang lumagpas sa limit mo, Charles!" banta niya sa binata."Akin siya noon at gagawin ko ang lahat upang maging akin siyang muli ngayon, Don Fausto." Seryusong na rin ang binata at hindi nagpatinag sa banta ng matanda."Get out!" Galit na angil ni Fausto sa binata na parang isang lobo.Walang salitang tumalikod si Charles at lumabas na ng mansyon. Pagkalulan ng sasakyan ay ngumiti siya bago nagsindi ng sigarilyo. Tumingin siya sa malaking bahay at nag isip ng malalim bago pinaandar ang makina ng sasakya
Si Diana na rin ang nagbayad ng order na para kay Sophie. Masaya siya dahil mukhang gusto siyang maging kaibigan nito kahit nakita ang hindi niya magandang pakitungo kay Stella noon."Sophie, sa tingin ko ay mapadalas na ang pagkikita natin mula ngayon dahil sa pinsan at kapatid mo. Hindi magtatagal ay maging mag asawa na silang dalawa."Ngumiti si Sophie sa kausap at nagagalak dahil magkakasundo ang dalawang pamilya. "Sa tingin mo, wala nang maging balakid sa kanilang dalawa?"Natigilan si Diana at umaktong nag iisip. Pagkalipas ng ilang sengundo ay ginagap ang likod ng palad ni Sophie na nakapatong sa lamesa. "Sa tingin ko naman ay wala na as long na walang sekrito ang bawat isa sa kanila, lalo na ang taong malapit sa kanilang dalawa."Napalunok ng sariling laway si Sophie at siya naman ang natigilan. Iniisip ang sekrito niyang kinatatakutan na malaman ng kapatid niya. "Sa tingin ko naman ay hindi makakaapikto sa kanilang dalawa ang itinatago ko.""Depende."Napamulagat si Sophie na
"Mahal mo pa rin ba ang lalaking iyon?" tanong ni Fausto sa apo habang nang aarok ang tingin dito.Nakagat ni Stella ang loob ng gilid ng labi at hindi masalubong ang tingin ng abuelo.Napabuntonghininga si Fausto at dumukwang upang maabot ang apo. Magaan na inilapat ang kanang palad sa balikat nito at pinisil iyon. "Apo, huwag mo akong alalahanin. Mahalaga pa rin sa akin ang damdamin mo sa maging asawa. Kung mahal mo pa rin siya ay madaliin ko na ang kasal ninyong dalawa.""Pero paano po si Mauro?" nakukunsemsya si Stella para sa binata. Parang pinaasa niya lang kasi ito na dito niya gustong magpakasal."Hindi na importante ang bagay na iyan sa ngayon. Hawak ni Charles ang singsing at alam mo kung gaano kahalaga iyon sa akin."Nakakaunawang tumango si Stella sa abuelo. Nababahala rin siya sa kompanya at baka pumanig na lahat sa side ng pinsan ng abuelo ang mga board of directors. Kaya naman niyang pamahalaan ang kompanya at lumaban ngunit sadyang mahina ang tingin sa kaniya ng karam
Kahit papaano ay gumaan ang loob ni Mauro kahit nasasaktan ang puso. Tinapik-tapik niya sa likod ang dalaga at hinayaan lang itong nakayakap sa kaniya. "Alam na ba niya?" Tukoy niya kay Charles.Bumitaw siya sa pagkayakap sa binata bago umiling. "Sobrang possessive at agresibo si Charles. Natatakot pa akong ipakilala sa publiko ang anak ko dahil hindi pa nalulutas ang kaso ng ama ko. Kapag nalaman niya ang tungkol kay Zion ay tiyak na kukunin niya agad ang bata.""Nice name."Napalabi si Stella at mas pinagtuunan ni Mauro ng pansin ang pangalan ng anak niya. Totoong napangiti na si Mauro at naaliw sa dalaga. Inalalayan niya itong bumalik sa upuan nito at pinaupo. Nanatili siya sa likod nito at ipinatong ang mga kamay sa magkabila nitong balikat. "Kung ano man ang maging desisyon mo ay nandito lang ako at handang suportahan ka."Masaya at maganang ipinagpatuloy nila ang pagkain. Nabawasan na ang bigat na dinadala niya sa dibdib dahil magkaibigan pa rin sila ni Mauro. Ang problema na l
Muling napatingin si Stella sa kaniyang cellphone. Dalawang araw na ang nakalipas at hindi nagpaparamdam sa kaniya si Charles. "That jerk, ano na naman ang drama niya? Porke ba hawak niya ang heirloom ng pamilya ko ay nagpapa-importante na siya?" inis na kausap ni Stella sa sarili."Balita ko ay madalas na pumunta si Diana sa mansyon nila Charles at naging close friend na si Sophie."Gulat na napalingon si Stella sa nagsalita. Nakalimutan niyang kasama nga pala niya si Rachel sa loob ng opisina niya. Alam niya ang tungkol sa pakipagkaibigan ng pinsan sa pamilya ni Charles. Kaya nga hindi siya mapakali at naiinis sa binata. Mukhang gusto nito ngayon ay siya ang maghahabol dito at ayain nang magpakasal."Nakausap ko nga po pala si Roy kagabi."Tumikwas ang kilay ni Stella sa narinig at nang aarok ang tingin sa kaibigan. Napangisi siya nang mamula ang pisngi nito at umiwas ng tingin sa kaniya."Hey, magkaibigan lang kami at siya ang unang nag message sa akin." Defensive na paliwanag n
Tumikhim si Charles nang mapansin ang palitan ng tingin ng dalawang babae. Nang tumingin sa kaniya si Stella ay nag iwas siya ng tingin. "Importante ba ang kailangan mo sa akin, Ms. Stella?""Sa tingin ko ay hindi ka available mamayang gabi." Nangunot ang noo ni Charles sa tinuran ni Stella. Si Diana ay natigilan at nagtatanong din ang tingin sa pinsan nito. "Stella, pumayag na si Charles. Kung may balak ka ring anyayahan siya ay puwedeng sa ibang araw na at—""Puwede mo ba kaming iwan muna?" Putol ni Charles sa pagsasalita ni Diana.Sandaling natigilan si Diana at saka nagsalita." Asahan ko ang pagdating mo mamaya, Charles." Ngumiti siya sa binata bago lumabas ng opisina.Nang magsara ang pintuan ay saka hinarap ni Charles si Stella. Bago pa niya maibuka ang bibig ay nagsalita na ito."Kung ano man ang iniisip mo tungkol sa larawan namin ni Mauro ay nagkamali ka."Nangunot ang noo ni Charles at nagtaka kung paano nalaman ng dalaga ang tungkol doon."Alam kong may palihim na sumusun
"Sir, kanina pa po kayo hinihintay ni Senyor." Salubong ni Rhea kay Charles. Tumingin muna si Charles sa suot na relo bago tinanaw ang silid ng abuelo. Wala sana siyang balak umuwi ngayon dahil iniiwasan niyang mapag usapan si Stella. Ngunit napilitan siya ngayon umuwi dahil ayaw umano uminum ng gamot ng matanda.Matigas ang anyo na nilingon ni Ramon ang apo. Tama nga si Stella, halatang ilang gabing walang tulog ang apo niya at nagmukha na namang ermitanyo."Lolo, ano ang problema at ayaw niyo pong uminum ng gamot?" mahinahon na tanong ni Charles sa abuelo."Ano ang ginagawa mo at napapabayaan mo na naman ang sarili mo?" galit na sita ni Ramon habang sinusuri ng tingin ang kabuuhan ni Charles. Mukhang pagod na umupo si Charles at ipinikit ang mga mata. "Lolo, hindi po ako magtatagal at may dinner meeting ako ngayon."Umingos si Ramon at pinagulong ang wheelchair na kinaupuan palapit sa apo. "Meeting o date?"Nagmulat siya ng mga mata at sinalubong ang nang-aarok na tingin ng abuelo