"Sir, nandito na po tayo."Napatingin si Rafael sa mataas na gate ng bahay nila Jenny. Ilang sandali pa ay bumukas ang gate at pinapasok na sila ng guard."Hijo, napadalaw ka?" bati ni Stella sa binata. Tama lang din nakakauwi nila ng anak niya."Magandang hapon po, ma'am, susunduin ko lang po si Jenny at sa bahay siya maghahapunan."Napangiti si Stella, alam niya ang lakad ng mga ito ngayon na ang akala ng anak ay hindi matuloy. Isa iyon sa ikinamamaktol ng anak kanina pa. "Sandali, hijo, at tatawagin ko siya."Nanatiling nakatayo si Rafael kahit pinauupo muna siya ng ginang. Naiinip siyang hinintay niya ang dalaga.Pagpasok ni Stella sa silid ng anak at nakasimangot itong nakatingin sa sarili at nagkalat ang pinamili sa sahig at kama. Mukhang lahat na ay sinusukat."Mom, hindi ba ako mukhang pokpok sa suot kong ito?" Idinipa pa ni Jenny ang mga kamay at humarap sa ina. Napangiti si Stella at nilapitan ang anak. "Anak, lahat ay bagay sa iyo. Saka iyang suot mo ay ang sexy mong tin
Mabilis na tumuwid ang tingin ni Roger nang tumingin sa kaniya ang amo. Hindi naman talaga siya tumitingin kay Jenny mula nang sumakay ang mga ito sa sasakyan. Mahirap na, baka matusok ng amo ang mga mata niya. Mabilis na hinubad ni Rafael ang suot na coat at ipinatong sa hita ng dalaga. Hindi naman nakikitaan o ganaong maiksi ang dress, pero hindi niya gustong lantad ang hita nito lalo na at may ibang lalaki silang kasama.Napanguso si Jenny, para namang kadiri tingnan ang hita niya at ayaw iyon makita ng binata. Sumama siya dito pero hindi pa rin niya kakausapin. Parang si Roger ang nabibingi sa katahimikan ng dalawang sakay niya. Ang dalaga ay abala sa cellphone nitong bago samantalang ang amo niya nakapikit at mukhang nagpapanggap na tulog. Nang may madaanang flower shop ay siya na ang kusang tumigil roon.Nagmulat ng mga mata si Rafael nang maramdamang tumigil ang sasakyan. Pagtingin niya kay Jenny ay abala pa rin sa cellphone. Nagtatanong ang tinging ipinukol niya kay Roger
Nakahinga nang maluwag si Roger nang makitang ok na ang dalawa. Nakapagmaneho na siya na walang kaba sa dibdib. Pagkatigil ng sasakyan sa garahe ng bahay ni Rafael ay nakita niya si Tanya na nakatayo sa labas ng pintuan. Mukhang asawa na nanghihintay sa pagdating ni Rafael. Mabilis niyang kinuha ang bulaklak at chocolate. Hinintay niya ring pagbuksan siya ng pintuan ni Rafael. Unti-unting nabura ang ngiti sa labi ni Tanya nang makitang binuksan ni Rafael ang pintuan ng sasakyan at lumabas doon si Jenny. Lalong nasira ang mood niya nang makita ang hawak nito. Ngumiti si Jenny kay Tanya nang makalapit dito. Nakipagbeso-beso pa siya bago bumulong, "tapos ka na bang magluto? Gutom na kasi ako. Ang ganda pa ng flowers na bigay sa akin ni Rafael." Mariing naglapat ang mga labi ni Tanya at pingilan ang sariling itulak ang babae at nandidiri siyang magkipagbeso dito. Kung makatanong ay para bang katulong siya nito. Iniinggit pa siya sa dala nitong bulaklak. Mayroon din siyang ganoon kanin
"Ako na riyan, ang pinggan na lang ang dalhin mo sa dining room at baka mapaso ka pa rito ay ako ang masisi." Mataray na sita ni Alice sa dalaga.Inirapan lang ni Jenny ang matanda. Pagtingin niya kay Tanya ay mukhang kakainin siya kung maningin. "Mukha ba akong masarap na ulam at ganiyan ka kung maningin?" "Alam mo bang lahat ng niluto ko ay paborito ni Rafael?" nagyayabang na ani Tanya."Alam ko! Eh alam mo rin bang ako ang unang babaeng hinayaan niyang makapasok sa bahay na ito at pad niya?" nang aasar niyang sagot kay Tanya.Tumalim ang tingin ni Tanya kay Jenny at kulang na lang ay sabunutan ito. "Huwag kang magmalaki dahil kung hindi ako umalis noon ay ako ang unang nakaapak sa bahay na ito.""Kaya nga sorry ka na lang at hindi ka na nagawang hintayin ni Rafael dahil natagpuan na niya ang tunay na pagmamahal sa piling ko.""Tanya, huwag kang makinig sa babaeng iyan dahil hindi totoong mahal siya ni Rafael." Pang aalo ni Alice sa dalaga."Sige, paasahin mo pa nang husto ang pabo
"What's wrong?" nag-aalalang tanong ni Rafael kay Jenny nang makitang hawak nito ang leeg at mukhang sinasakal ito. "Ma-my medicine!" Nahihirapan niyang utos kay Rafael bago sunod-sunod na napaubo. Kinakabahang tumayo na rin si Tanya nang makitang hindi lang nagda-drama ang babae at nilapitan ito. Namumula na rin ang pisngi nito. Tarantang nagsalin ng tubig si Alice sa baso at pinaiinum si Jenny ngunit umiiling ito at panay singhap. Pagkakuha ng bag ni Jenny mula sa sala ay patakbo siyang bumalik sa dining room. Halos ibalabas na niya ang lahat ng laman ng bag nito dahil sa pagmamadaling mahanap ang gamot. "Relax, huminga ka nang malalim then inumin mo itong gamot."Mahinahon niyang kausap sa dalaga pero halos manginig ang kamay niyang may hawak na gamot at isinubo iyon sa bibig ni Jenny. "Rafael, let me help you." Tangkang hawakan ni Tanya sa balikat si Jenny ngunit hindi naituloy dahil sa galit na boses ng binata. "Stay away and don't touch her!" Parehong napatda sa kina
Ang sarap ng pakiramdam ni Jenny habang buhat siya ng binata in bridal style. Mula sa pagkapatong ng ulo sa braso ni Rafael ay sinilip niya ang dalawa. Halos umusok na ang ilong ng mga ito habang nakasunod ang tingin sa kanila. Ngumisi siya sa mga ito upang lalong galitin. "Bakit mo ako pinigilan, hija? Nakita mo iyon? Hindi totoong nahirapan siyang huminga kanina at siya ang nagpahamak sa sarili niya kaya nagkaroon ng mani ang pagkain niya!" Nanggigil na turan ni Alice."Manang, lalo ka lang mapasama sa mga mata ni Rafael kapag sinabi mo ang katotohanan. Hindi siya maniniwalang ang babaeng iyon mismo ang naglagay ng peanut sa pagkain upang ipahamak ang sarili!"Mukhang natauhan si Alice at unti-unting kumalma. "Tama ka, ang salbahe talaga ng babaeng iyon! Katulad noong una, ikinalahat niya ang basura sa kusina at pinadulas ang sarili sa sahig upang mapagalitan ako ni Rafael!"Naaawang niyakap ni Tanya ang ginang. Naunawaan niya ito dahil tulad ng ginang ay galit siya kay Jenny. Ngun
Hindi sila naghintay nang matagal at mabilis na dumating ang pagkain in-order ni Rafael para kay Jenny. Nakaalalay pa rin sa kaniya si Rafael pabalik sa loob ng dining room. Pagbukas ng box na pinaglagyan ny pagkain ay personal na rin inayos ni Rafael at ayaw mahawakan kay Alice. Naaawang tingin ang ipinukol niya sa ginang na alam niyang nasaktan sa malamig nang pakitungo ng binata."Rafael, ito ang paborito mong pagkain." Ipinagsandok ni Tanya ng ulam si Rafael.Nang makita ni Jenny na nilagyan ni Tanya ng ulam ang plato ng binata ay mabilis niyang sinubuan si Rafael. "Mahal, try mo itong order mong pagkain para sa akin at ang sarap."Walang pagdalawang isip na ibinuka ni Rafael ang bibig habang inaayos ang pagkain sa plato ni Jenny.Napahigpit ang hawak ni Tanya sa kutsara at parang sasabog ang dibdib niya dahil sa galit at selos na nadarama. Kung asikasuhin ni Rafael ang babae ay parang baby nito. Hindi manlang naiisip na naroon siya at maaring masaktan.Hinawakan ni Alice ang kam
"Rafael, may dala nga pala akong alak galing sa Italy at alam kong paborito mo iyon. Puwede bang buksan natin ngayon at mag inum tayo ng kahit kaunti?" Tumikwas ang kilay ni Jenny nang marinig ang sinabi ni Tanya sa binata. Binagalan niya ng hakbang upang marinig ang isasagot ni Rafael. Galing kasi siya sa banyo at mukhang sinamantala ni Tanya habang solo ang binata.Napatingin si Rafael sa suot na relo bago tumingin kay Tanya. "Hindi ako puwedeng malasing ngayon at kailangan ko pa ring ma monitor si Jenny."Pinigilan ni Tanya ang mapasimangot. Pilit siyang ngumiti at pinakita sa binata na naunawaan niya. "Nag alala din ako sa kaniya, kung gusto mo ay samahan ko siya sa kaniyang silid mamayang pagtulong upang—""Thanks, pero huwag na at ako ang katabi niya sa pagtulog kapag nasa poder ko siya." Putol ni Rafael sa pagsasalita ni Tanya habang nakatutok ang tingin sa laptop.Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Tanya at hindi makapaniwalang nakatitig kay Rafael. Hindi niya akalaing nagtata