MAYA POVMasaya ako sa proposal ni Drake. Ang saya na makita siyang nakaluhod, hawak ang isang singsing na tila simbolo ng panibagong simula. Pero kahit anong pilit kong ngumiti, napansin niya agad ang lungkot sa mga mata ko."Maya," tanong niya, puno ng pag-aalala, "handa akong makinig sa gusto mong sabihin?"Hindi ko alam kung paano sisimulan. Pero alam kong hindi na maaaring manatili sa akin ang bigat ng nakaraan. Kailangang malaman niya ang totoo.Tahimik lang akong nakaupo sa harap ni Drake. Ang bawat pintig ng puso ko'y parang martilyong humahampas sa dibdib ko. Alam kong wala nang atrasan ito. Kailangan kong sabihin ang totoo, kahit pa nangangamba ako kung matatanggap niya ako pagkatapos ng lahat.Huminga ako nang malalim, pilit pinapakalma ang sarili bago ko simulang ibuhos ang lahat."Drake... ayokong naka oo nga ako sayo pero may lihim naman na hindi ko pa nasasabi sayo" mahina kong bungad, iniwasan ko ang tingin niya. "Tungkol ito sa nakaraan ko... at kay Erwin."Napatingin
DRAKE POVSa totoo lang kanina habang nananahimik ako sa harapan niya ang daming naglaro sa isip ko. Hindi ako makapaniwala sa lahat ng sinabi ni Maya. Parang isang bahagi ng mundo ko ang biglang bumaligtad nang marinig ko ang mga lihim na itinago niya sa loob ng mga panahong magkasama kami. Ang daming bagay na hindi ko kailanman inakala na magiging bahagi ng buhay ko, mga bagay na tila mahirap paniwalaan, pero sa kabila ng lahat, hindi ko magawang talikuran siya.Nakatayo kami sa loob ng maliit niyang apartment, tahimik na nagpapakiramdaman. Nakayuko siya, halatang hindi makatingin sa akin nang diretso. Para bang naghihintay siya na husgahan ko siya, na talikuran ko siya tulad ng ginawa ng iba sa kanya noon. Pero iba ako. Alam kong iba ako.“Maya…” tinawag ko siya, at dahan-dahan siyang napatingin sa akin. Nakita ko ang kaba sa mga mata niya, pero kasabay niyon ay ang pag-asa na baka, sa pagkakataong ito, hindi siya tuluyang nag-iisa."Drake... wala akong ideya kung paano kita pasasa
Habang abala kami sa ngiti at pag-uusap, biglang nag-ring ang cellphone ko. Napaangat ako at agad itong kinuha mula sa gilid ng kama. Naka-display ang pangalan ng ospital, at biglang bumigat ang pakiramdam ko. Natigilan ako, at napansin ni Drake ang pagbabago sa ekspresyon ko.“Maya, sagutin mo,” mahina niyang sabi, mahigpit na hawak ang kamay ko bilang suporta.Dahan-dahan kong sinagot ang tawag. “Hello?”Isang malamig at pormal na boses ang sumagot mula sa kabilang linya. “Hello, si Ms. Maya po ba ito? Ako po si Dr. Mendez mula sa ospital kung saan naka-confine ang Mama niyo.”Ramdam ko ang bigat ng kaba sa dibdib ko. “Opo, ako nga po,” sagot ko, pilit na pinipigilan ang panginginig ng boses ko. “Bakit po kayo tumawag?”Narinig ko ang mahinang paghinga ng doktor, at bawat segundo ng katahimikan ay parang bumibigat sa akin. “Ms. Maya,” mahinahon ngunit seryoso niyang sabi, “I’m sorry to inform you, pero ang Mama niyo po is pronounce dead. Nagkaroon ng komplikasyon ang sitwasyon niya
AFTER FEW HOURS SA LOOB NG OSPITAL “Anong nangyari? Akala ko okay na si Mama Selya? Bakit biglang wala na siya?” humahagulgol kong tanong kay Drake. Mahigpit niya akong niyakap, hinayaan akong ilabas ang lahat ng sakit at hinanakit na nararamdaman ko. “Huwag kang mag-alala, Maya,” mahina ngunit matatag ang tono ng boses niya. “Sisiguraduhin kong mananagot ang may kagagawan nito. Hindi ko hahayaang makalusot ang sinuman na responsable sa krimen na ito.” Sa kanyang mga mata, kitang-kita ko ang determinasyon. Alam kong gagawin niya ang lahat para makamit namin ang hustisya. Ngunit sa kabila ng lahat, alam kong walang sinuman ang makakapuno sa kawalan ng isang ina sa buhay ko. Hindi man siya ang nagsilang sakin pero kay Mama Selya ko nakita ang buhay na nuon pa man ay pinagkait na sa akin. Pagkatapos ng libing ni Mama, para bang nag-iba na ang lahat. Ang makulay na mundo ko noon ay biglaang naging madilim at tahimik muli. Wala akong makita ni kaunting liwanag ng pag-asa. Nandiya
Isang araw, nakatanggap kami ng tawag mula sa ospital. Nalaman naming may mga empleyadong natanggal dahil sa mga pagkukulang nila noong araw na iyon. Unti-unti kaming nakakakuha ng mga sagot, at ramdam ko ang bahagyang kaginhawaan kahit papaano. Matapos ang ilang buwan ng pakikibaka at paghahanap ng hustisya, unti-unti kong naramdaman ang mas magaan na pakiramdam. Alam kong hindi na maibabalik si Mama, pero ang pagkamit ng hustisya ay tila pag-ahon ko mula sa sakit. “Drake, salamat sa lahat ng ginawa mo para sa akin. Kung wala ka, baka hindi ko makakayang lampasan ang lahat ng ito,” sabi ko sa kanya habang magkasama kaming nakaupo sa paborito naming lugar sa parke. Tumingin siya sa akin at ngumiti, “Maya, hindi mo kailangang magpasalamat. Ginawa ko ito dahil mahal kita, at gusto kong makita kang ngumingiti ulit. Alam kong si Mama, masaya siya dahil natutunan mo nang bumangon muli.” Habang nakaupo kami sa ilalim ng mga bituin, naramdaman kong unti-unti nang naghilom ang mga sug
“Mas malalim na pagsusuri?” tanong ko nang malamig. “Hanggang kailan niyo gagawin yan? Ilang buhay pa ang kailangang mawala bago kayo magising at kumilos?” Hindi makasagot si Dr. Mendoza. Halatang alam niyang may punto ako. Nakita ko rin ang ibang miyembro na tila nahihiya sa sitwasyon. “Ang gusto ko ay aksyon, hindi pangako. Kung wala kayong kongkretong plano para ayusin ang problema sa ospital na ito, walang patutunguhan ang mga sinasabi niyo. At kung hindi ako makakakita ng resulta, hindi lang tayo sa pag-uusap na ito matatapos,” patuloy ko. Nagkatinginan muli ang mga direktor. Ilang sandali ang lumipas bago may sumagot. Si Dr. Hernandez, isa pang opisyal ng ospital, ang naglakas-loob na magsalita. “May mga hakbang na kaming ginagawa, Mr. Drake,” sabi niya, halatang pilit pinapakalma ang sarili. “Inatasan na namin ang ilang staff na sumailalim sa masusing pagsasanay at pagsusuri. Alam naming hindi sapat ang magbigay lang ng paliwanag, kaya gagawin namin ang lahat para mapan
DRAKE POV Buong araw akong nakatalungko sa lamesa ng aking opisina, lumulutang ang aking isip sa pag-iisip ng paraan kung paano mapapabilis ang pagkahuli sa may sala sa nangyaring pagkamatay ng Mama ni Maya. Ilang araw na akong halos hindi makatulog, patuloy na iniisip kung paano ito nangyari at kung sino ang dapat managot. Ang bigat ng sitwasyon ay lalong dumadagdag sa pasaning nararamdaman ko, lalo na’t si Maya ay patuloy na naghahanap ng sagot at hustisya para sa kaniyang ina. Naputol ang aking pagmumuni-muni nang biglang nag-ring ang cellphone ko. Mabilis kong tinignan ang screen at lumitaw ang pangalan ni General. Huminga ako nang malalim bago sinagot ang tawag. Sa loob-loob ko, umaasa akong may magandang balita siyang dala, pero hindi ko rin maiwasan ang kaba—ano kaya ang nadiskubre nila? “Drake,” bungad niya, seryoso ang kaniyang tono. “May lead na kami. Isang empleyado ng ospital ang tahasang umamin sa krimen na kaniyang ginawa. Siya raw ang dahilan ng kapabayaang nangya
Biglang tumayo si General mula sa kinauupuan nito, halatang hindi na rin napigilan ang galit. “Simple? Alam mo bang namatay ang pasyente dahil sa kapabayaan mo? Hindi ito basta-bastang pagkakamali, Jorge! Paano mo nagawang hindi i-check ng mabuti ang gamot na ibibigay mo?” Bawat salita ng General ay tumatama sa akin na parang kutsilyo. “Ilang pamilya pa ang sasabihan mo ng ganyan? Si Ms. Selya nga lang ba ang natatanging biktima sa karumal-dumal na krimen mong ginawa?” Sa halip na makonsensya, ngumisi lamang si Jorge. May kung anong kasamaan sa kanyang mga mata na lalong nagpapainit sa ulo ko. “Sir, wala akong ibang nagawang pagkakamali kahit itanong niyo pa sa management,” aniya, kaswal pa rin ang tono. “Pero kagaya ng sinasabi ko, hindi ko sinasadya, okay? Masyadong maraming trabaho sa ospital. Wala na akong oras para ulit-ulitin ang pag-check sa nakalagay sa kanilang listahan.” Muli siyang tumawa, isang tunog na tila sumasalamin sa kawalan niya ng pagsisisi. Ang tunog na iyon
Sa totoo lang nainis ako sa mga sinabi niya kaya sinagot ko din sila ng nararapat na sagot.“Teka lang huh…Una sa lahat ang obligasyon namin si Papa, at FYI nagbibigay kami ng pang gastos ni Papa.Pangalawa, hindi niyo nga ako tinuring na anak niyo, ngayon kung maka-asta ka akala mo ay talagang ulirang ina ka?At pangatlo, bakit hindi niyo pag-trabahuhin yang si Ate Leonor. Hindi yung aasa lang siya sa binibigay namin kay Papa. Kung tutuusin siya ang pinaka-matanda sa amin pero siya ang pinaka-walang pinagka-katandaan.” agad na napa-ismid si Tita Mylene pero nagmatigas siyang umalis ng kusa.Napaisip ako, ngayon lang ako nakakita na niyawyawan ng kaniyang mapang-aping madrasta sa sarili nitong bahay, pagka bukas na pagkabukas pa lang ng pinto. ANo pa nga bang magagawa ko, kung palalayasin ko sila malamang na gagawan nila ito ng malaking issue kaya naman hinayaan ko na lang silang pumasok. Inalok ko na lang sila ng juice. Alam kong may naglalaro na naman sa isip ng mga ito kaya nand
Kagaya ng hindi ko pagyayabang, bumungad sa kanila ang isang mala mansyong bahay na tinitirahan namin ni Arthur. Hindi ko kailanman flinex sa aking social media account ang aming bahay dahil hindi naman ito sa akin. “Tang in*! Frances, ito ang bahay niyo?!” sigaw ng kasamahan kong bakla na halos ikahulog ko na sa golf cart sa sobrang pagkagulat.Napakamot ako ng ulo at napabuntong-hininga. “Bwisit ka bakla, gulat na gulat ako sayo!, oo ito yung bahay namin.” Ngunit hindi agad sila gumalaw. Nakabuka ang mga bibig nila, tila hindi pa rin makapaniwala sa nakikita nila sa kanilang harapan. Si Kristal, na kanina ay puro kayabangan ngayon ay halatang hindi makasabay sa pangyayari. Kahit na inaatake siya ng pride niya dahil sa dami ng paninirang sinasabi niya sa akin sa opisina ay hindi rin maipagkailang namangha din siya sa bahay na tinutuluyan namin ni Arthur. “Frances… ito ba talaga ang bahay mo?” tanong ng isa na hindi pa rin makapaniwala.“Hindi. Trip ko lang pumasok para sa staycat
FRANCES’ POV Pagdating ng Sabado, maaga akong nagbihis ng komportableng damit at tumungo sa tagpuan kung saan ko sasalubungin ang mga kasama ko sa trabaho. Isa-isa na silang dumating, at agad akong binati ng ilan sa kanila. “Congratulations sa promotion mo, girl!” sigaw ni Mary, sabay tapik sa balikat ko. Ngumiti ako at isa-isang nagpasalamat. Habang naghihintay pa sa iba, naisipan kong bumili ng maiinom sa mini-store sa kanto. Tahimik lang ang paligid nang biglang dumating si Kristal, ang babaeng kilalang mahilig mambara at laging may masasabi tungkol sa iba. “Oh, dito ba ‘yung inyo?” tanong niya, sabay irap sa mumurahing apartment sa harapan namin. “Anong apartment number ‘yung bahay niyo?” Bago pa ako makasagot, sumabat na ang isa pang kasamahan namin na malapit kay Kristal. “Oo nga, Ma’am! Dapat sa susunod lumipat ka na ng mas magandang apartment. Hindi bagay sa isang aviation manager ang nakatira sa ganitong klaseng bahay!” Napataas ang kilay ko at napatingin kay Ella. Hin
[Gusto ko lang magtanong, may boyfriend na nga ba talaga si Miss Frances?] Matapos ang maanghang na akusasyon laban kay Frances , ngayon lahat ay pumabor sa kaniya. Napapangiti naman si Mr. Rivera sa kaniya.Kagaya ng orihinal na dahilan kung bakit nagpunta si Frances sa restaurant ay nagsimula ang kanilang meeting. Ilang discussiona ng naganap sa pagitan nila at hindi din nagtagal ang meeting na iyon. Bumalik siya sa opisina. Nagulat siya ng salubungin siya ng kaniyang mga kasamahan.“Frances, congratulations!”“Frances, treat mo kami this time!”“Tama, Frances, weekends naman sa susunod na araw, mas okay siguro kung sa bahay niyo tayo mag-celebrate. Para makatipid at double celebration na din tayo. Ang pagkaka promote sayo officially at ang kasal mo.”Hindi naman kaagad nakasagot si Frances. Sa kalagitnaan ng pangungulit ng mga kasamahan niya ay biglang tumunog ang kaniyang cellphone. “Hello!”“Love, mukhang pagod ka? Hindi mo ata hiyang ang magpanggabi. Dibale malapit na din n
Pagkatapos sabihin ni Mr. Rivera ay naglakad na sila pabalik sa loob ng restaurant. Ngunit napansin ni Frances na mula sa di kalayuan ay may nagkakagulong mga tao at kumakapal na kamera na nagmumula sa mga vloggers, isang babae ang napansin nilang nagpunta sa isang sulok. Halata ang pagkabalisa sa kanyang mukha, at tila gusto niyang maglaho na lang sa hangin.Pero hindi nagtagal, agad siyang pinalibutan ng mga vloggers."Ikaw ang may pakana ng lahat ng ito! Sabi mo may relasyon si Mr. Rivera at Frances! Ng dahil sayo muntik pa akong makasuhan" singhal ng isang lalaki habang nakatutok ang camera sa kanya.“Oo nga, hayop ka. Mali-mali ang mga impormasyong sinasabi mo samin!”“Kaya nga pahamak ka!” "Ano ang masasabi mo na nalantad na ang totoo?" sigaw naman ng isa pa.Napayuko ang babae at hindi niya alam kung paano ipagtanggol ang kaniyang sarili. Pero wala na siyang lusot. Nalantad na ang katotohanan, ang mga maling ipinakakalat niya dahil sa galit kay Frances ay nalantad na. Si Al
“Nakakatawa ka naman, hindi mo pa rin alam ang bigat ng kasong kakaharapin mo ng dahil sa pambibintang mo?” mahinahong sabi ni Mr. Rivera.Lingid sa kaalaman nila na sa mga oras na yun, ay grabe na ang pag-aatake ng mga inggiterang kababaihan laban kay Frances online. [naku naman napakalandi][ano? Ayan na yung babaeng napili ni Mr. Rivera!][grabe naman hindi naman pala maganda si ate girl!][Patawarin nawa ang mga babaeng gagawin ang lahat alang-alang sa posisyon!]Lalong dumami ang mga mini vlogger na dumating sa lugar at nagsimulang mag-live broadcast sa sitwasyon. Nahirapan na din sila Frances basta maka-alis dahil napalibutan na sila ng mga ito. Ayaw naman nilang ipagtabuyana ng mga ito dahil baka lalo lang lumala ang sitwasyon.“Anong klaseng babae ang basta na lamang kakapit sa patalim para lang makuha ang gusto niyang posisyon sa kompanya? Ako si Maris, wag niyong kalimutan i hit ang like, share , comment at i click niyo ang notification bell para updated kayo sa mga latest
Agad siyang sumakay sa isang taxi na nakaparada sa gilid ng kalsada. Ngunit bago pa siya tuluyang makapasok sa sasakyan, napansin siya ng ilang tao mula sa mga grupo ng vloggers na nag-re-repost ng mga videos na kumakalat."Tingnan niyo! Hindi ba siya yung babaeng kasama ni Mr. Rivera?""Oo, siya nga yun!"Agad na lumapit ang ilang vloggers na may hawak na kanilang mga cellphone, parang nakakita ng pagkakataong makakuha ng daan-daang libong views. Nakakairita ang pangungulit ng mga ito para kay Frances."Miss Frances, saan ka papunta ngayon?""Miss Frances, nakita mo na ba yung video na kumakalat?""May kumakalat na balita online na sinadya mo daw lapitan si Mr. rivera para sa posisyon!""Hindi ka ba nahihiyang kaya mo makukuha ang posisyon mo ay dahil sa ginawa mong pang-aakit kay Mr. Rivera?""Alam na ba ito ng boyfriend mo?"Walang pakielam na sunod-sunod na nagtaning kay Frances ng matitinding katanungan ang mga social media influences na ito. Hindi na rin alintana ng mga ito na
Nagpatuloy ito sa pang-aasar. "Haist ewan ko ba naman kasi sayo! Gwapo ka! Mayaman! Edukado! Mula sa kinikilalang pamilya!Kung hindi mo lang sana binaliwala ang anak ko? Hindi naman tayo aabot sa ganito! Isa pa haharang-harang ka sa dadaanan ko!Kailangan mawala ni Frances hindi lang sa landas ko, kundi pati sa landas mo!” Bago pa nito matapos ang sinasabi ay humalakhak na si Arthur!."Too soon para magdiwang!Hindi ko kasalanan kung walang magkagusto sa anak mo!Tumawag lang ako para ipaalam sayo, ang tungkol sa Jackson Pyramiding?”Biglang natigilan si Nancy. Hindi siya nakaimik at nagngitngit sa galit. Ang pyramiding company na iyon ay ang lihim na negosyo ng kaniyang pamilya. Maraming nahikayat ang kumpanyang ito para mag invest pero pagdating sa itaaas ay wala ng nakakarating hanggang sa makapag pay out sila. Dahil dito naging maugong ang balita na mabilis ding napapatay ng kaniyang pamilya ang issue dahil sa pagbabayad ng ibang tao. Hindi maitatagong kinabahan si Nancy dahi
[nakita niyo ba yung vidoe? Nakakadiri noh? Talagang siya pa ang dumidikit kay boss?][tama! Alam mo na kapit sa patalim si ateng! hahaha][Nakakasuka! Hindi dapat yana ng naging aviation manager, mabuti pang si Kristal na lang][Tama! Dapat yun na lang! Yung kapatid ng sekretary][Hayop na babae yan! Mamatay na sana ang malalandi sa mundo!]Malalim na huminga si Frances upang pakalmahin ang sarili. Alam niyang malulupit magsalita ang mga tao, pero hindi niya inaasahan na ganito ito kasama!Kahit pa sabihan siya ng kaniyang mga kaibigan na kung gusto niya ay lumipat na lang siya ng kumpanya tutal ay may ibang offer pa naman siya ay hindi siya nagpatinag. Para sa kaniya hindi dapat tinatakbuhan ang ganuong klaseng iskandalo dahil parang pinapatunayan na lang niya na tama ang mga ito sa kanilang iniisip tungkol sa kaniya. Ang pinakamagandang tugon ay manahimik at hayaan na lang ito sa kamay ng kaniyang asawa. Napasandal na lang si Frances, nagulat siya ng tumunog na naman ang cellpho