Share

Kabanata 205

Author: Roxxy Nakpil
last update Last Updated: 2025-01-25 11:40:17

AFTER FEW HOURS

SA LOOB NG OSPITAL

“Anong nangyari? Akala ko okay na si Mama Selya? Bakit biglang wala na siya?” humahagulgol kong tanong kay Drake.

Mahigpit niya akong niyakap, hinayaan akong ilabas ang lahat ng sakit at hinanakit na nararamdaman ko. “Huwag kang mag-alala, Maya,” mahina ngunit matatag ang tono ng boses niya. “Sisiguraduhin kong mananagot ang may kagagawan nito. Hindi ko hahayaang makalusot ang sinuman na responsable sa krimen na ito.”

Sa kanyang mga mata, kitang-kita ko ang determinasyon. Alam kong gagawin niya ang lahat para makamit namin ang hustisya. Ngunit sa kabila ng lahat, alam kong walang sinuman ang makakapuno sa kawalan ng isang ina sa buhay ko. Hindi man siya ang nagsilang sakin pero kay Mama Selya ko nakita ang buhay na nuon pa man ay pinagkait na sa akin.

Pagkatapos ng libing ni Mama, para bang nag-iba na ang lahat. Ang makulay na mundo ko noon ay biglaang naging madilim at tahimik muli. Wala akong makita ni kaunting liwanag ng pag-asa. Nandiya
Locked Chapter
Continue Reading on GoodNovel
Scan code to download App

Related chapters

  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 206

    Isang araw, nakatanggap kami ng tawag mula sa ospital. Nalaman naming may mga empleyadong natanggal dahil sa mga pagkukulang nila noong araw na iyon. Unti-unti kaming nakakakuha ng mga sagot, at ramdam ko ang bahagyang kaginhawaan kahit papaano. Matapos ang ilang buwan ng pakikibaka at paghahanap ng hustisya, unti-unti kong naramdaman ang mas magaan na pakiramdam. Alam kong hindi na maibabalik si Mama, pero ang pagkamit ng hustisya ay tila pag-ahon ko mula sa sakit. “Drake, salamat sa lahat ng ginawa mo para sa akin. Kung wala ka, baka hindi ko makakayang lampasan ang lahat ng ito,” sabi ko sa kanya habang magkasama kaming nakaupo sa paborito naming lugar sa parke. Tumingin siya sa akin at ngumiti, “Maya, hindi mo kailangang magpasalamat. Ginawa ko ito dahil mahal kita, at gusto kong makita kang ngumingiti ulit. Alam kong si Mama, masaya siya dahil natutunan mo nang bumangon muli.” Habang nakaupo kami sa ilalim ng mga bituin, naramdaman kong unti-unti nang naghilom ang mga sug

    Last Updated : 2025-01-25
  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 207

    “Mas malalim na pagsusuri?” tanong ko nang malamig. “Hanggang kailan niyo gagawin yan? Ilang buhay pa ang kailangang mawala bago kayo magising at kumilos?” Hindi makasagot si Dr. Mendoza. Halatang alam niyang may punto ako. Nakita ko rin ang ibang miyembro na tila nahihiya sa sitwasyon. “Ang gusto ko ay aksyon, hindi pangako. Kung wala kayong kongkretong plano para ayusin ang problema sa ospital na ito, walang patutunguhan ang mga sinasabi niyo. At kung hindi ako makakakita ng resulta, hindi lang tayo sa pag-uusap na ito matatapos,” patuloy ko. Nagkatinginan muli ang mga direktor. Ilang sandali ang lumipas bago may sumagot. Si Dr. Hernandez, isa pang opisyal ng ospital, ang naglakas-loob na magsalita. “May mga hakbang na kaming ginagawa, Mr. Drake,” sabi niya, halatang pilit pinapakalma ang sarili. “Inatasan na namin ang ilang staff na sumailalim sa masusing pagsasanay at pagsusuri. Alam naming hindi sapat ang magbigay lang ng paliwanag, kaya gagawin namin ang lahat para mapan

    Last Updated : 2025-01-25
  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 208

    DRAKE POV Buong araw akong nakatalungko sa lamesa ng aking opisina, lumulutang ang aking isip sa pag-iisip ng paraan kung paano mapapabilis ang pagkahuli sa may sala sa nangyaring pagkamatay ng Mama ni Maya. Ilang araw na akong halos hindi makatulog, patuloy na iniisip kung paano ito nangyari at kung sino ang dapat managot. Ang bigat ng sitwasyon ay lalong dumadagdag sa pasaning nararamdaman ko, lalo na’t si Maya ay patuloy na naghahanap ng sagot at hustisya para sa kaniyang ina. Naputol ang aking pagmumuni-muni nang biglang nag-ring ang cellphone ko. Mabilis kong tinignan ang screen at lumitaw ang pangalan ni General. Huminga ako nang malalim bago sinagot ang tawag. Sa loob-loob ko, umaasa akong may magandang balita siyang dala, pero hindi ko rin maiwasan ang kaba—ano kaya ang nadiskubre nila? “Drake,” bungad niya, seryoso ang kaniyang tono. “May lead na kami. Isang empleyado ng ospital ang tahasang umamin sa krimen na kaniyang ginawa. Siya raw ang dahilan ng kapabayaang nangya

    Last Updated : 2025-01-26
  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 209

    Biglang tumayo si General mula sa kinauupuan nito, halatang hindi na rin napigilan ang galit. “Simple? Alam mo bang namatay ang pasyente dahil sa kapabayaan mo? Hindi ito basta-bastang pagkakamali, Jorge! Paano mo nagawang hindi i-check ng mabuti ang gamot na ibibigay mo?” Bawat salita ng General ay tumatama sa akin na parang kutsilyo. “Ilang pamilya pa ang sasabihan mo ng ganyan? Si Ms. Selya nga lang ba ang natatanging biktima sa karumal-dumal na krimen mong ginawa?” Sa halip na makonsensya, ngumisi lamang si Jorge. May kung anong kasamaan sa kanyang mga mata na lalong nagpapainit sa ulo ko. “Sir, wala akong ibang nagawang pagkakamali kahit itanong niyo pa sa management,” aniya, kaswal pa rin ang tono. “Pero kagaya ng sinasabi ko, hindi ko sinasadya, okay? Masyadong maraming trabaho sa ospital. Wala na akong oras para ulit-ulitin ang pag-check sa nakalagay sa kanilang listahan.” Muli siyang tumawa, isang tunog na tila sumasalamin sa kawalan niya ng pagsisisi. Ang tunog na iyon

    Last Updated : 2025-01-26
  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 210

    Halos sumabog ang dibdib ko sa galit. “Pasensya? Yun lang ang sasabihin mo? Pano kung sabihin kong pasensya na napatay ka ng mga kapit ko sa loob at hindi ko sinasadya? Pati ang pamilya mo sa labas lahat ay pupulbusin ko may magagawa ka?!” Tinitigan niya ako, pero hindi na siya sumagot. Tila nasiyahan pa siya sa galit ko. Hinila siya ng mga pulis papunta sa selda, pero nanatili akong nakatayo doon, pinapanood siya hanggang sa tuluyan siyang naipasok sa loob ng kulungan. Nang maisara na ang pinto ng selda, doon ko lang naramdaman ang bahagyang ginhawa. Alam kong hindi pa tapos ang laban, pero kahit papaano, ang makita siyang nakakulong ay nagbibigay sa akin ng kaunting hustisya. Pero hindi pa ito sapat. Kailangang makasigurado akong mananagot siya sa batas at hindi na makakapanakit pa ng iba. Habang pauwi, dala ko pa rin ang bigat ng galit sa puso ko, pero isang bagay lang ang tiyak: hindi ako titigil hanggang sa makuha namin ang hustisya para sa Mama ni Maya. Pagkalabas ni

    Last Updated : 2025-01-26
  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 211

    MAYA POV Simula nang mawala si Mama Selya, pakiramdam ko'y nawala na rin ang direksyon ng buhay ko. Parang may malaking puwang sa puso ko na kahit anong gawin ko, hindi mapunan. Kahit pilitin kong ngumiti, ramdam ko pa rin ang lungkot. Mabuti na lang at palaging nandiyan si Drake laging nakasuporta, laging maaasahan. Minsan ay naiisip ko ng bumalik sa tunay kong pamilya, pinapangako ko sa sarili ko na tatapusin ko muna ang kasong ito. Pagkatapos ng lahat ng ito, isa-isa kong haharapin ang dati kong buhay. Ngunit nitong mga nakaraang linggo, napansin kong mas nagiging abala si Drake sa kaniyang negosyo . Madalas, wala siya sa bahay, at kung andito man siya, parang malayo ang iniisip niya. Naiintindihan ko naman; alam kong marami rin siyang kailangang asikasuhin. Pero hindi ko maalis ang bigat na nararamdaman ko. Isang araw, habang abala akong nagluluto ng inimbento kong bagong recipe para sa maliit na restaurant na plano kong simulan, napansin ko si Drake. Nakasandal siya sa may pi

    Last Updated : 2025-01-27
  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 212

    Niyakap ko siya nang mahigpit. “Salamat, Drake. Salamat sa lahat ng ginagawa mo. Alam kong hindi madali ang lahat ng ito, pero alam kong ginagawa mo ito hindi lang para sa akin, kundi para rin kay Mama.” Hinaplos niya ang buhok ko, at ramdam ko ang init ng kanyang pagmamahal. “Mahal kita, Maya. Gagawin ko ang lahat para manatili kang ligtas at masaya. At higit sa lahat, gagawin ko ang lahat para makamit natin ang hustisya para sa Mama mo.” Hindi ko napigilan ang pag-agos ng mga luha ko. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi na lang ito luha ng sakit o galit, kundi pasasalamat at pagmamahal sa lalaking nasa harapan ko. Habang niyayakap niya ako nang mahigpit, tahimik akong nanalangin. Sana, makamit namin ang hustisya. Sana, matapos na ang ganitong mga trahedya. At sana, makapagsimula kami ng bagong kabanata ng buhay namin, kasama ang aking anak na nawalay sa akin. Ang anak kong hindi ko man lang nakita ang mukha. Kahit na iyak nito ay hindi ko man lang narinig. Malabo na ang lahat ng

    Last Updated : 2025-01-27
  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 213

    “Okay, next guess,” sabi niya, tumatawa pa rin habang pinupunasan ang gilid ng mata niya. “Baka naman mafia ka? Tipong boss ng isang malaking grupo.” Halos hindi siya makahinga sa kakatawa. “Mafia? Maya, kung mafia ako, dapat may tattoo ako dito sa braso,” sabi niya, itinuro ang sariling braso na malinaw namang walang kahit anong marka. Natawa na rin ako. “O sige, seryoso na. Baka naman may koneksyon ka sa gobyerno? Tipong mataas na opisyal o may mataas na ranggo.” “Hmmm,” sabi niya, kunwaring nag-iisip habang hawak ang baba. “Malay mo, malapit-lapit ka na diyan.” Bigla akong natigilan at napatingin nang seryoso sa kanya. “Drake, seryoso ba ’yan? May koneksyon ka talaga sa gobyerno?” Nakangiti pa rin siya, pero halatang hindi niya sasagutin nang direkta ang tanong. “Ang mahalaga lang, kaya kong gawin ang mga kailangan kong gawin para sa’yo. ’Yun ang dapat mong tandaan.” “Drake, bakit parang ang hirap mong intindihin minsan?” sabi ko, naiiling habang natatawa nang bahagya.

    Last Updated : 2025-01-27

Latest chapter

  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 293

    Bahagyang inayos ni Arthur ang kanyang salamin sa ilong at ngumiti ng bahagya: "Itutuwid ko lang ang , ako ang pumatong sa kama ni Frances. Hindi siya ang pumatong sa akin"Nagulat si Ethan at mabilis na sinampal ang sarili "Oo, oo, hindi ko lang maayos na naipaliwanag. Hindi ko alam na ikinasal na si Frances sa iyo..." Hindi pa siya natatapos magsalita nang hindi na nakayanan ni Mr. Reyes. Hinablot niya si Ethan sa kwelyo at itinulak ito palayo! "Lumayas ka nga! At wag na wag mong istorbohin si Mr. Salvador ng katangahan mo! Hindi ka na nahiya, manang mana ka sa nanay mong walang kwenta. Dahil sa pangmamaliit niyo sa magkapatid na ito , hindi mo man lang alam kung sino ang napang-asawa ng kapatid mo, at ikaw pa talaga bilang kapatid ang may lakas ng loob na maliitin ang sarili mong kapatid! Nakakahiya ka!"Nang makita niyang wala nang pag-asa ang kasunduan ng kasal, tumigil si Ethan sa pagsasabi ng magagandang salita, itinuwid ang likod, at nagsalita nang may prangka "Tito, paalal

  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 292

    "naku pasensya ka na Arthur, nakaharang kasi itong madaldal na batang ito kaya hindi kita kagad napansin. Patawarin mo sana ako!." Nakayuko pa rin nitong sabiMagaan na sumagot si Arthur, "okay lang Mr. Reyes, hindi naman big deal sakin.” Tumingin si Ethan kay Mr. Reyes, na kilala bilang isang higante sa mundo ng negosyo, at laking gulat niya nang makita itong magalang yumuko para sa isang ordinaryong tao lamang. Hindi siya makapaniwala. Samantalang si Frank ay panay ang pag ngiti sa gilid habang nanunuod ng mga eksena. "Tito?... bakit ka yumuyuko sa kaniya.?""Ang kapal ng mukha mo!" Isang malakas na sampal ang tumama sa mukha ni Ethan mula kay Mr. Reyes. "Sino sa Manila ang may lakas ng loob na bastusin si Arthur Salvador!""Salvador... Arthur Salvador?"Hawak-hawak ni Ethan ang kanyang namamanhid na mukha at hindi makapaniwala habang nakatingin kay Mr. Reyes. Sa buong Manila, iisa lang ang kilalang Arthur Salvador! Siya ang taong kilabot na may hawak ng lahat ng mga malalaking n

  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 291

    Matalim siyang tinignan ni Reina at itinulak palayo si Ethan. “Ewan ko kung bakit ang kitid ng utak mo! Mukhang hindi mo pa rin naiintindihan kung saan ka nagkamali? Sige, huwag na nating pag-usapan ang pagkatao ni Frances. Kahit na gusto niyang pumasok sa kama ng ibang lalaki, iyon ay desisyon niya! Katawan niya iyon, at may karapatan siyang magdesisyon para sa sarili niya! Pero ikaw, ginawa mo ang desisyon para sa kanya, pinuwersa mo siya, at pinagplanuhan pa siya, alam mo bang krimen iyon! Ethan, bilang isang kapatid sabihin man nating step sister mo siya, ibinigay mo siya sa isang lalaking hindi niya gusto, at ngayon nagagawa mo pang sabihing mabuting buhay iyon? Wala ka bang konsensya?"Sa galit ni Reina ay sinipa niya nang malakas ang binti ni Ethan. "Hindi ko maintindihan, kung bakit tingin niyo kay Leonor, ay parang isang kayamanan na magdadala sa pamilya ninyo ng ginto! Lahat ba kayo, baliw?"Napangiwi si Ethan sa sakit at halos hindi makatayo habang nakasandal sa isang pa

  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 290

    Matapos marinig ang lahat ay kalmado lang na tumingin si Reina kay Ethan. “Tapos na siyang magsalita. Ngayon, ikaw naman ang magpaliwanag.” “Ano...kasi…” Matapos ang saglit na pagkataranta, kalmadong ipinaliwanag ni Ethan ang kaniyang side, “okay sige…Dahil wala nang hiya ang kapatid ko, mabuti pang sabihin ko na ang totoo. Hindi gusto ng Mommy at kapatid ni Andrew si Frances, kaya gusto ng pamilya namin na si Leonor ang makatuluyan ni Andrew. Wala naman akong magagawa dahil opinyon iyon ni Daddy!” Tumango si Reina. “Sige, opinyon ng Daddy mo yan kaya wala akong pakialam diyan.” Nakangiti si Ethan, ngunit narinig niya muli ang kalmadong boses ni Reina. “Pero gusto kitang tanungin, kayo ba ang nagplano para i-frame up si Frances at itulak siya kay Aljur?”“Ah...” Napalunok si Ethan, halatang naipit sa sitwasyon, ngunit nilapitan niya si Reina, marahang hinawakan ang mga braso nito, at nagpaliwanag, “Reina my loves, komplikado talaga ang bagay na ito. Bukod pa riyan, hindi rin nama

  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 289

    Napaatras si Ethan ng dalawang hakbang, ngunit agad naman akong lumapit ng dalawang hakbang. “Kanina sinasabi mo na hindi ako karapat-dapat para kay Andrew, at si Leonor lang ang bagay sa kanya, kaya lagi mo akong sinisiraan at iniintriga! Pero ngayong araw, iniisip ko pa rin na hindi ka bagay kay Reina, kaya sasabihin ko sa kanya ang totoo tungkol sa’yo. Ethan, huwag mo akong kamuhian, ginagawa ko lang ito para sa ikabubuti mo! Kasi, ang mga taong may magkaibang pananaw sa buhay ay hindi kailanman magiging masaya at walang patutunguhan ang pagsasama nila. Sa ganitong klaseng baluktot na pag-uugali, kahit anong pagpapanggap mo para mapalapit kay Reina, hindi rin ito magtatagal! Dahil isa kang duwag, gaya ng sabi ni Daddy kapag nalagay ka sa alanganin, lalabas ang tunay mong kulay! Hindi mo kayang magpanggap nang matagal sa harap ni Reina!”Namumula ng bahagya ang mga mata ko habang mariing nakatitig kay Ethan, kasabay ng mga salitang binibitawan ko ay tuwa dahil gusto kong ibalik a

  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 288

    Habang sinasabi niya iyon ay lumapit pa ng ilang hakbang si Ethan kay Arthur. “Sorry Kuya Frank ah pero itong inutil na asawa nitong si Frances na akala mo porke’t nagpapalipad ng eroplano ay kung sino na. Alam kong magkaibigan kayo Kuya pero wala siyang karapatan na sigaw-sigawan ako?! Isa pa dahil sa ginawa niya kay Aljur, ano ng mangyayari ngayon sa pamilya natin? Sigurado akong babalikan siya ni Aljur! Gayundin din si Frances at worst siguradong dadanak ang dugo!” Biglang ngumiti si Ethan na parang may naalala. “Haist! Hindi na ako magtataka ngayon kung bakit ikaw ang pinatulan ni Frances! Pero pasensya na, alam mo ba ang lihim ni Frances at bakit parang sobrang mahal na mahal mo ang siter-in-law kong iyan.” [Hindi umiimik si Frank dahil wala din siyang alam, at napag-usapan na nila ni Arthur na hindi siya mangingielam kahit na anong mangyari sa banggaang ito nila ni Ethan.]Alam ko na kung ano ang sasabihin ni Ethan, kaya agad na nagbago ang ekspresyon ng aking mukha. Nang mak

  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 287

    Habang nagsasalita, tumulo ang laway niya, na mukhang kaawa-awa. Lumapit ako sa kaniya at ibinaba ko ang aking tingin sa kaniyang mga hita. Tinapunan ko siya ng isang ngiting hindi niya makakalimutan. “Anong sabi mo kanina? Gusto mong dito umupo ang asawa ko?” Nang magtama ang aming mga mata, pinaramdam ko kay Aljur ang malamig kong titig. Hindi kasinlamig ng ngiting rumarehistro sa aking mukha . “Hindi…..” Bago pa siya matapos, kinuha ko ang kumukulong tansong kaldero sa tabi ko at ipinatong iyon sa hita niya. Sa isang malakas na “sssssss” na tunog, sumingaw sa hangin ang amoy ng sunog na laman. “Aaaah! Hayop ka ipatatangal kita bilang Piloto!” Sigaw ni Aljur .Sa sobrang lakas ng kanyang pagsigaw, lalong nahila ang kanyang nadislocate na panga, halos himatayin siya sa sakit. “Sino ba naman kasing nagsabing bully-hin niyo si Arthur? Nakakatawa kayo” napalailing si Frank habang sinasabi iyon “sorry Frank! Hindi ko naman ginusto ito. Si Ethan ang may pakana ng lahat”

  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 286

    ARTHUR POV Isa talaga sa nagustuhan ko kay Frances ang pagiging simple niya sa mga bagay-bagay. Hindi siya kagaya ng ibang babae na hihingi ng hihingi kahit pa noong kasama siya ni Frank sa baha. Nakita ko kung gaano siya ka disiplina . Namimiss ko na ang masiglahing Frances na nangungulit sa akin noon. Siya ang tipo ng babaeng papangarapin mo hindi lang dahil sa sex kundi dahil sa kabutihan ng puso niya! Talagang kakaiba siya sa karaniwang kababaihan! Pagkatapos ng ilang minuto, biglang dumating si Atty. Joey na nakatanggap ng message mula sa akin. kagaya ng pinag-utos ko kanina, sinabi niya ang eksaktong nasa message ko. “Arthur good morning mukhang wrong timing ata ako kaya lang may ilang mga kasosyo niyo sa airline ang narito at gustong makipagkita sa iyo para daw sa bagong proyekto na ila-launch” Bago pa makapagsalita ako makasagot ay mahinahong na ding nagsalita si Frances, “okay lang, pumunta ka na. Ako na lang ang maglilibot sa mall at uuwi na lang ako mag-isa,

  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 285

    Pagkatapos magsalita ng kaniyang kumare ay nagmamadali itong tumakbo palabas ng banyo, tuwang tuwa niyang hinila ang mga kasamahan niyang naghihintay sa kanila at sinabi ang nangyari sa loob ng banyo. Agad namang tumugon ang mga tao sa grupo.“Hay naku talaga ba mare?! Yan kasing si Nancy ubod ng yabang , hindi na makain ang mga sinasabi sa kayabangan. Wag kasing kumain ng hindi naman kayang lunukin!” “Talaga? Nakakahiya naman sa halagang 300 thousand lang nagpakilala na siya kagad! Tapos sasabihin niya na may unlimited credit card siya”“Susme, akala mo kung sinong mayaman, palaging ipagyayabang ang mga gamit niya. Na kesyo milyon ang bili ko sa bag na to , ung bagong sasakyan na nabili niya, ung alahas na binigay sa kaniya ng asawa niya. Kahit hindi tanungin laging pabida, yun pala utang ang iba. Hahaha. hambugera” malakas na nagtawanan ang mga ito.“At ang pinaka-nakakatawa ay siya na mismo ang tumatawag sa sarili niya na siya ang unang asawa na nagmula sa pinakamayang pamilya, n

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status