DRAKE POV Buong araw akong nakatalungko sa lamesa ng aking opisina, lumulutang ang aking isip sa pag-iisip ng paraan kung paano mapapabilis ang pagkahuli sa may sala sa nangyaring pagkamatay ng Mama ni Maya. Ilang araw na akong halos hindi makatulog, patuloy na iniisip kung paano ito nangyari at kung sino ang dapat managot. Ang bigat ng sitwasyon ay lalong dumadagdag sa pasaning nararamdaman ko, lalo na’t si Maya ay patuloy na naghahanap ng sagot at hustisya para sa kaniyang ina. Naputol ang aking pagmumuni-muni nang biglang nag-ring ang cellphone ko. Mabilis kong tinignan ang screen at lumitaw ang pangalan ni General. Huminga ako nang malalim bago sinagot ang tawag. Sa loob-loob ko, umaasa akong may magandang balita siyang dala, pero hindi ko rin maiwasan ang kaba—ano kaya ang nadiskubre nila? “Drake,” bungad niya, seryoso ang kaniyang tono. “May lead na kami. Isang empleyado ng ospital ang tahasang umamin sa krimen na kaniyang ginawa. Siya raw ang dahilan ng kapabayaang nangya
Biglang tumayo si General mula sa kinauupuan nito, halatang hindi na rin napigilan ang galit. “Simple? Alam mo bang namatay ang pasyente dahil sa kapabayaan mo? Hindi ito basta-bastang pagkakamali, Jorge! Paano mo nagawang hindi i-check ng mabuti ang gamot na ibibigay mo?” Bawat salita ng General ay tumatama sa akin na parang kutsilyo. “Ilang pamilya pa ang sasabihan mo ng ganyan? Si Ms. Selya nga lang ba ang natatanging biktima sa karumal-dumal na krimen mong ginawa?” Sa halip na makonsensya, ngumisi lamang si Jorge. May kung anong kasamaan sa kanyang mga mata na lalong nagpapainit sa ulo ko. “Sir, wala akong ibang nagawang pagkakamali kahit itanong niyo pa sa management,” aniya, kaswal pa rin ang tono. “Pero kagaya ng sinasabi ko, hindi ko sinasadya, okay? Masyadong maraming trabaho sa ospital. Wala na akong oras para ulit-ulitin ang pag-check sa nakalagay sa kanilang listahan.” Muli siyang tumawa, isang tunog na tila sumasalamin sa kawalan niya ng pagsisisi. Ang tunog na iyon
Halos sumabog ang dibdib ko sa galit. “Pasensya? Yun lang ang sasabihin mo? Pano kung sabihin kong pasensya na napatay ka ng mga kapit ko sa loob at hindi ko sinasadya? Pati ang pamilya mo sa labas lahat ay pupulbusin ko may magagawa ka?!” Tinitigan niya ako, pero hindi na siya sumagot. Tila nasiyahan pa siya sa galit ko. Hinila siya ng mga pulis papunta sa selda, pero nanatili akong nakatayo doon, pinapanood siya hanggang sa tuluyan siyang naipasok sa loob ng kulungan. Nang maisara na ang pinto ng selda, doon ko lang naramdaman ang bahagyang ginhawa. Alam kong hindi pa tapos ang laban, pero kahit papaano, ang makita siyang nakakulong ay nagbibigay sa akin ng kaunting hustisya. Pero hindi pa ito sapat. Kailangang makasigurado akong mananagot siya sa batas at hindi na makakapanakit pa ng iba. Habang pauwi, dala ko pa rin ang bigat ng galit sa puso ko, pero isang bagay lang ang tiyak: hindi ako titigil hanggang sa makuha namin ang hustisya para sa Mama ni Maya. Pagkalabas ni
MAYA POV Simula nang mawala si Mama Selya, pakiramdam ko'y nawala na rin ang direksyon ng buhay ko. Parang may malaking puwang sa puso ko na kahit anong gawin ko, hindi mapunan. Kahit pilitin kong ngumiti, ramdam ko pa rin ang lungkot. Mabuti na lang at palaging nandiyan si Drake laging nakasuporta, laging maaasahan. Minsan ay naiisip ko ng bumalik sa tunay kong pamilya, pinapangako ko sa sarili ko na tatapusin ko muna ang kasong ito. Pagkatapos ng lahat ng ito, isa-isa kong haharapin ang dati kong buhay. Ngunit nitong mga nakaraang linggo, napansin kong mas nagiging abala si Drake sa kaniyang negosyo . Madalas, wala siya sa bahay, at kung andito man siya, parang malayo ang iniisip niya. Naiintindihan ko naman; alam kong marami rin siyang kailangang asikasuhin. Pero hindi ko maalis ang bigat na nararamdaman ko. Isang araw, habang abala akong nagluluto ng inimbento kong bagong recipe para sa maliit na restaurant na plano kong simulan, napansin ko si Drake. Nakasandal siya sa may pi
Niyakap ko siya nang mahigpit. “Salamat, Drake. Salamat sa lahat ng ginagawa mo. Alam kong hindi madali ang lahat ng ito, pero alam kong ginagawa mo ito hindi lang para sa akin, kundi para rin kay Mama.” Hinaplos niya ang buhok ko, at ramdam ko ang init ng kanyang pagmamahal. “Mahal kita, Maya. Gagawin ko ang lahat para manatili kang ligtas at masaya. At higit sa lahat, gagawin ko ang lahat para makamit natin ang hustisya para sa Mama mo.” Hindi ko napigilan ang pag-agos ng mga luha ko. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi na lang ito luha ng sakit o galit, kundi pasasalamat at pagmamahal sa lalaking nasa harapan ko. Habang niyayakap niya ako nang mahigpit, tahimik akong nanalangin. Sana, makamit namin ang hustisya. Sana, matapos na ang ganitong mga trahedya. At sana, makapagsimula kami ng bagong kabanata ng buhay namin, kasama ang aking anak na nawalay sa akin. Ang anak kong hindi ko man lang nakita ang mukha. Kahit na iyak nito ay hindi ko man lang narinig. Malabo na ang lahat ng
“Okay, next guess,” sabi niya, tumatawa pa rin habang pinupunasan ang gilid ng mata niya. “Baka naman mafia ka? Tipong boss ng isang malaking grupo.” Halos hindi siya makahinga sa kakatawa. “Mafia? Maya, kung mafia ako, dapat may tattoo ako dito sa braso,” sabi niya, itinuro ang sariling braso na malinaw namang walang kahit anong marka. Natawa na rin ako. “O sige, seryoso na. Baka naman may koneksyon ka sa gobyerno? Tipong mataas na opisyal o may mataas na ranggo.” “Hmmm,” sabi niya, kunwaring nag-iisip habang hawak ang baba. “Malay mo, malapit-lapit ka na diyan.” Bigla akong natigilan at napatingin nang seryoso sa kanya. “Drake, seryoso ba ’yan? May koneksyon ka talaga sa gobyerno?” Nakangiti pa rin siya, pero halatang hindi niya sasagutin nang direkta ang tanong. “Ang mahalaga lang, kaya kong gawin ang mga kailangan kong gawin para sa’yo. ’Yun ang dapat mong tandaan.” “Drake, bakit parang ang hirap mong intindihin minsan?” sabi ko, naiiling habang natatawa nang bahagya.
SA PARKDRAKE POVMasaya akong makita si Maya na muling nakangiti. Ang bigat ng mga nakaraang linggo ay unti-unting gumagaan habang pinagmamasdan ko siyang masaya at kumportable.Sa gitna ng park, sinenyasan ko ang mga tauhan ko na manatiling nasa di kalayuan. Ayokong maramdaman ni Maya na may nagbabantay sa amin; gusto ko siyang bigyan ng normal na araw. Minessage ko rin si Benie na huwag kaming lalapitan kahit anong mangyari, maliban na lang kung may seryosong problema.Pagdating namin sa puwesto, inilabas ni Maya ang mga pagkaing inihanda niya. Habang inaayos niya ito, panay ang tukso niya sa akin, tipikal niyang paraan para pagaanin ang mood.“Drake, thank you for today?! Salamat sa lahat ng ginagawa mo para sakin. Bukod kay Mama Selya , ikaw lang ang pangalawang taong tumanggap sakin sa kabila ng madilim kong nakaraan “ malambing niyang sabi. Tila naman na touch ako sa sinabi niya.“Maya, diba napagkasunduan na natin to. Mas mag focus na lang muna tayo sa kaso ng mama mo.” Sabi k
Malakas na naghalakhakan ang mga ito “Ano ka ngayon? Hah?!” sigaw ng lider, galit na galit.Hindi ko na sinagot. Sa halip, itinaas ko ang kamay ko isang simpleng senyales.Mula sa iba’t ibang bahagi ng park, naglabasan si Benie at ang ibang mga tauhan ko na nakapalibot sa amin. Lahat sila ay armado, tahimik na tumayo sa likuran ko. Ang dating malakas na yabang ng grupo ay napalitan ng matinding takot.“Putang ina, sino ’to?” tanong ng isa sa kanila, nanginginig ang boses.Biglang dumating ang founder ng kanilang grupo, isang matandang lalaki. Agad itong sumigaw samga bagong tubong miyembro. “Mga gago! Hindi niyo ba nakilala kung sino ang tinarget niyo?!”“Pasensya na, founder,” sabi ng isa, nanginginig. “Sino ba siya?”“Istupido!” Sigaw ng founder nila, sabay suntok sa isa sa mga tauhan niya. Lumapit siya sa akin, yumuko, at halatang takot na takot.“boss Drake, patawarin mo na ang mga tangang ’to. Ako na ang bahalang kumastigo sa kanila,” sabi niya, halos hindi makatingin sa akin. S
SA OPISINANakahinga ng maluwag si Ella nang matiyak niyang alam ni Arthur na ngayong araw ay birthday ni Frances. Pagdating ng oras ng tanghalian, hinanap niya si Frances para mag-lunch.FRANCES POVBinuksan ko ang cellphone ko at tiningnan ito, at naalala ko na iniiwasan ako ni Arthur kaninang umaga kahit pa alam kong mag flight siya ngayon, kaya't bigla akong tumango ng malungkot.Pero dahil kilala ako ni Ella, alam niyang may hindi okay na nangyayari sa akin. Kinuha niya ang cellphone ko at tinignan ang mga message ko.Sa huli, nagbiro na lang si Ella sa akin "Baka gusto ka niyang sorpresahin ka. Pinipigilan niya lang ngayon at hindi ka pinapansin, tapos bibigyan ka ng sorpresa pagkatapos ng trabaho. Para maging emosyonal ka at ma touch ka!” Tumingin ako kay Ella at ngumiti "Saan mo na naman natutunan lahat ng 'yan?"Itinaas ni Ella ang kanyang baba nang may kumpiyansa, "Maghintay ka lang!"Pagdating namin sa canteen, tinawagan ko iba pa naming mga kasamahan at trineat ko sila
FRANCES POVKinabukasan, nagising ako ng maaga para magluto ng almusal, gusto ko sanang magka-ayos kami ng aking asawa sa aming alitan nitong nakaraang gabi. Halos hindi kasi niya ako pinapansin, sa di ko malamang dahilan. Masaya naman kami noong nakaraang araw pero biglang nagbago ang mood niya kagabi.Marahan akong kumatok sa pinto ng guest room pero walang Arthur na sumagot mula sa kabilang bahagi ng kwarto kaya naman nagdesisyon na akong pumasok na.Habang naglalakad, hindi maipinta ang mukha ko, kakaibang kalungkutan ang bumabalot sa aking katauhan.Pagdating ko sa pintuan ng Office ko ay biglang nanakbo si , Ella papunta sa akin at sinadya akong banggain, kinuha niya ang isang regalo at inabot sa akin . "Frances, Happy Birthday!"Sandali akong napatigil, at saka ko lang naalala na birthday ko pala ngayong araw. Magmula naman kasi ng mamatay si Mama, kinalimutan ko ng mag celebrate ng birthday. Para sakin ang araw sa buong taon ay normal lang. Kinuha ko ang regalo at walang gan
Sa totoo lang nainis ako sa mga sinabi niya kaya sinagot ko din sila ng nararapat na sagot.“Teka lang huh…Una sa lahat ang obligasyon namin si Papa, at FYI nagbibigay kami ng pang gastos ni Papa.Pangalawa, hindi niyo nga ako tinuring na anak niyo, ngayon kung maka-asta ka akala mo ay talagang ulirang ina ka?At pangatlo, bakit hindi niyo pag-trabahuhin yang si Ate Leonor. Hindi yung aasa lang siya sa binibigay namin kay Papa. Kung tutuusin siya ang pinaka-matanda sa amin pero siya ang pinaka-walang pinagka-katandaan.” agad na napa-ismid si Tita Mylene pero nagmatigas siyang umalis ng kusa.Napaisip ako, ngayon lang ako nakakita na niyawyawan ng kaniyang mapang-aping madrasta sa sarili nitong bahay, pagka bukas na pagkabukas pa lang ng pinto. ANo pa nga bang magagawa ko, kung palalayasin ko sila malamang na gagawan nila ito ng malaking issue kaya naman hinayaan ko na lang silang pumasok. Inalok ko na lang sila ng juice. Alam kong may naglalaro na naman sa isip ng mga ito kaya nand
Kagaya ng hindi ko pagyayabang, bumungad sa kanila ang isang mala mansyong bahay na tinitirahan namin ni Arthur. Hindi ko kailanman flinex sa aking social media account ang aming bahay dahil hindi naman ito sa akin. “Tang in*! Frances, ito ang bahay niyo?!” sigaw ng kasamahan kong bakla na halos ikahulog ko na sa golf cart sa sobrang pagkagulat.Napakamot ako ng ulo at napabuntong-hininga. “Bwisit ka bakla, gulat na gulat ako sayo!, oo ito yung bahay namin.” Ngunit hindi agad sila gumalaw. Nakabuka ang mga bibig nila, tila hindi pa rin makapaniwala sa nakikita nila sa kanilang harapan. Si Kristal, na kanina ay puro kayabangan ngayon ay halatang hindi makasabay sa pangyayari. Kahit na inaatake siya ng pride niya dahil sa dami ng paninirang sinasabi niya sa akin sa opisina ay hindi rin maipagkailang namangha din siya sa bahay na tinutuluyan namin ni Arthur. “Frances… ito ba talaga ang bahay mo?” tanong ng isa na hindi pa rin makapaniwala.“Hindi. Trip ko lang pumasok para sa staycat
FRANCES’ POV Pagdating ng Sabado, maaga akong nagbihis ng komportableng damit at tumungo sa tagpuan kung saan ko sasalubungin ang mga kasama ko sa trabaho. Isa-isa na silang dumating, at agad akong binati ng ilan sa kanila. “Congratulations sa promotion mo, girl!” sigaw ni Mary, sabay tapik sa balikat ko. Ngumiti ako at isa-isang nagpasalamat. Habang naghihintay pa sa iba, naisipan kong bumili ng maiinom sa mini-store sa kanto. Tahimik lang ang paligid nang biglang dumating si Kristal, ang babaeng kilalang mahilig mambara at laging may masasabi tungkol sa iba. “Oh, dito ba ‘yung inyo?” tanong niya, sabay irap sa mumurahing apartment sa harapan namin. “Anong apartment number ‘yung bahay niyo?” Bago pa ako makasagot, sumabat na ang isa pang kasamahan namin na malapit kay Kristal. “Oo nga, Ma’am! Dapat sa susunod lumipat ka na ng mas magandang apartment. Hindi bagay sa isang aviation manager ang nakatira sa ganitong klaseng bahay!” Napataas ang kilay ko at napatingin kay Ella. Hin
[Gusto ko lang magtanong, may boyfriend na nga ba talaga si Miss Frances?] Matapos ang maanghang na akusasyon laban kay Frances , ngayon lahat ay pumabor sa kaniya. Napapangiti naman si Mr. Rivera sa kaniya.Kagaya ng orihinal na dahilan kung bakit nagpunta si Frances sa restaurant ay nagsimula ang kanilang meeting. Ilang discussiona ng naganap sa pagitan nila at hindi din nagtagal ang meeting na iyon. Bumalik siya sa opisina. Nagulat siya ng salubungin siya ng kaniyang mga kasamahan.“Frances, congratulations!”“Frances, treat mo kami this time!”“Tama, Frances, weekends naman sa susunod na araw, mas okay siguro kung sa bahay niyo tayo mag-celebrate. Para makatipid at double celebration na din tayo. Ang pagkaka promote sayo officially at ang kasal mo.”Hindi naman kaagad nakasagot si Frances. Sa kalagitnaan ng pangungulit ng mga kasamahan niya ay biglang tumunog ang kaniyang cellphone. “Hello!”“Love, mukhang pagod ka? Hindi mo ata hiyang ang magpanggabi. Dibale malapit na din n
Pagkatapos sabihin ni Mr. Rivera ay naglakad na sila pabalik sa loob ng restaurant. Ngunit napansin ni Frances na mula sa di kalayuan ay may nagkakagulong mga tao at kumakapal na kamera na nagmumula sa mga vloggers, isang babae ang napansin nilang nagpunta sa isang sulok. Halata ang pagkabalisa sa kanyang mukha, at tila gusto niyang maglaho na lang sa hangin.Pero hindi nagtagal, agad siyang pinalibutan ng mga vloggers."Ikaw ang may pakana ng lahat ng ito! Sabi mo may relasyon si Mr. Rivera at Frances! Ng dahil sayo muntik pa akong makasuhan" singhal ng isang lalaki habang nakatutok ang camera sa kanya.“Oo nga, hayop ka. Mali-mali ang mga impormasyong sinasabi mo samin!”“Kaya nga pahamak ka!” "Ano ang masasabi mo na nalantad na ang totoo?" sigaw naman ng isa pa.Napayuko ang babae at hindi niya alam kung paano ipagtanggol ang kaniyang sarili. Pero wala na siyang lusot. Nalantad na ang katotohanan, ang mga maling ipinakakalat niya dahil sa galit kay Frances ay nalantad na. Si Al
“Nakakatawa ka naman, hindi mo pa rin alam ang bigat ng kasong kakaharapin mo ng dahil sa pambibintang mo?” mahinahong sabi ni Mr. Rivera.Lingid sa kaalaman nila na sa mga oras na yun, ay grabe na ang pag-aatake ng mga inggiterang kababaihan laban kay Frances online. [naku naman napakalandi][ano? Ayan na yung babaeng napili ni Mr. Rivera!][grabe naman hindi naman pala maganda si ate girl!][Patawarin nawa ang mga babaeng gagawin ang lahat alang-alang sa posisyon!]Lalong dumami ang mga mini vlogger na dumating sa lugar at nagsimulang mag-live broadcast sa sitwasyon. Nahirapan na din sila Frances basta maka-alis dahil napalibutan na sila ng mga ito. Ayaw naman nilang ipagtabuyana ng mga ito dahil baka lalo lang lumala ang sitwasyon.“Anong klaseng babae ang basta na lamang kakapit sa patalim para lang makuha ang gusto niyang posisyon sa kompanya? Ako si Maris, wag niyong kalimutan i hit ang like, share , comment at i click niyo ang notification bell para updated kayo sa mga latest
Agad siyang sumakay sa isang taxi na nakaparada sa gilid ng kalsada. Ngunit bago pa siya tuluyang makapasok sa sasakyan, napansin siya ng ilang tao mula sa mga grupo ng vloggers na nag-re-repost ng mga videos na kumakalat."Tingnan niyo! Hindi ba siya yung babaeng kasama ni Mr. Rivera?""Oo, siya nga yun!"Agad na lumapit ang ilang vloggers na may hawak na kanilang mga cellphone, parang nakakita ng pagkakataong makakuha ng daan-daang libong views. Nakakairita ang pangungulit ng mga ito para kay Frances."Miss Frances, saan ka papunta ngayon?""Miss Frances, nakita mo na ba yung video na kumakalat?""May kumakalat na balita online na sinadya mo daw lapitan si Mr. rivera para sa posisyon!""Hindi ka ba nahihiyang kaya mo makukuha ang posisyon mo ay dahil sa ginawa mong pang-aakit kay Mr. Rivera?""Alam na ba ito ng boyfriend mo?"Walang pakielam na sunod-sunod na nagtaning kay Frances ng matitinding katanungan ang mga social media influences na ito. Hindi na rin alintana ng mga ito na