Edward POV Bago magsimula ang seremonyas ay inilibot ko ang aking mata sa buong paligid ng simbahan. Nabilib ako kay Claire sa nagung resulta ng kanilang mga hinanda para sa big day naming ito. Ang bawat detalye ay perpektong inayos. May mga nakasabit na puting bulaklak na bumabalot sa bawat poste, habang ang mga ilaw mula sa malalaking chandelier ay nagbibigay ng mainit at magarang liwanag sa buong simbahan. Sa gilid ng mga bangko ay may mga ribbon na kulay ginto at puti. Ang altar ay napapalamutian ng mga puting rosas at kandila, wala akong masabi kundi WOW. Tumayo ako sa harap, sa gilid malapit sa tabi ng pari, habang hinihintay namin ang pagdating ni Claire. Naramdaman ko ang mabilis na pintig ng puso ko, may kaba, pero higit sa lahat, may kasabikan. Ang araw na ito ang pinakamatagal kong hinintay, ang araw na tatawagin kong “asawa ko.” Si Claire. Biglang nagbago ang tugtugon. Naging isang malambing na awit ng piano ay nagsimulang tumugtog sa simbahan. Ang bawat tao’y napali
AFTER 15 YEARS CLAIRE POV Malalaman mo na lang talaga pag nasa pinas ka na dahil sa init ng hangin na binubuga habang papalabas kami sa waiting area ng departure lounge. Pagod ako mula sa mahabang flight at sunod-sunod na meetings sa US, pero ang ideya ng makikita ko na ang kambal ko at si Edward ay nagbibigay ng kakaibang enerhiya para sa akin. Sa wakas, makakauwi na rin ako sa bahay, sa piling ng pamilyang binuo namin ni Edward sa loob ng isang linggong pagkawala ko. Pagkatapos ng kasal namin ni Edward nagbunga ang pagmamahalan namin ng kambal na babaeng anak. Although identical twins sila pero habang lumalaki ay nakikitaan namin ng kaibahan ng ugali ang magkapatid. Si Kerry ay masunurin, matalino, malambing at mabait na anak samantalang ang kakambal niyang si Tara habang tumatagal ay lumalayo ang loob sa amin. Matalino, noon ay okay na okay naman siya hindi ko alam ang dahilan kung bakit biglang nagbago siya ng pakikitungo samin. Nawala na ang malambing na Tara na kilaa ko. S
KERRY POV Nagulat ako sa biglaang sigawan muk sa canteen. Nasa gitna ako ng pagkain nang makita kong tumatakbo ang kaibigan kong si Charm, halos hinihingal habang sinasabi, “Kerry! Si Tara! Nakikipagrambulan na naman!” Parang bumagsak ang puso ko sa kaba. Iniwan ko agad ang kinakain ko at mabilis na tumakbo papunta sa canteen. Pagdating ko doon, nakita ko si Tara sa gitna ng kaguluhan. Nakikipagsagutan siya sa dalawang seniors na babae. Pero ang ikinagulat ko, hindi lang salita ang ginagamit nila halos magkasabunutan na sila. “Tara! Ano ba!” sigaw ko habang pilit siyang hinihila palayo. Halos hindi niya ako pansinin, galit na galit siya habang itinuturo ang isa sa mga senior. “Ikaw ah! Subukan mo ulit akong pagsalitaan ng ganyan, sisigiraduhin kong may kalalagyan ka sakin.!” “Stop it! Ano ba kayo?!” sigaw ng isa sa mga teacher na biglang dumating. Tumigil sila sa sigawan pero kitang-kita ko ang nagbabagang tingin ni Tara sa kaaway niya. Maya-maya, pumasok na rin ang principal
TARA POV “Fvck You all!” Malakas kong sigaw. Wala akong pakielam kahit sino pa ang makarinig sakin. AKO SI TARA! , labing- apat na taong gulang, ang itinuturing na problema ng pamilya namin. Lagi na lang akong ikinukumpara kay Kerry, ang perpekto kong kapatid. “I WANT HER GONE FOR GOOD!” Dahil siya lang ang palaging tama, palaging mabait sa paningin ng lahat, siya ang palaging bida sa mata nila Mama at Papa. At Ako? Ako raw ang “sakit ng ulo” sa pamilya namin. “The hell I care.” Ano pa bang kakaiba sa ganuong tingin sakin ng lahat?! Ultimo sarili kong magulang ganun din ang tingin sakin. Siguro nga immune na ako sa ganoong pagtrato sakin. Nobody likes me, because everybody’s attention is with Kerry. Naalala ko nung isang araw na pinatawag ng principal sila Mama at Papa dahil sa pag cutting classes ko hindi na ako nagulat nang magalit sila sakin. Kahit naman wala akong kasalanan wala ng mababago sa pagtingin nila sakin. Parang palagi nilang inaasahan na may gagawin akong mali. “H
CLAIRE POV Matagal ko nang napapansin ang pagbabago ni Tara. Hindi ko alam kung saan kami nagkamali bilang mga magulang. Dati, siya ang masayahing bata, puno ng pangarap at ambisyon. Pero ngayon, parang ibang tao na siya. Tahimik, matigas ang loob, at laging angil ang boses kapag kinakausap ko. Lagi siyang wala sa bahay. Paulit-ulit ang mga reklamo ng principal sa amin tungkol sa pag-absent niya at sa pagsama sa mga sanggano sa labas ng eskwelahan. Gabi-gabi akong hindi mapakali, iniisip kung saan siya nagpupunta. Kinausap ko si Edward tungkol dito, pilit na iniintindi ang sitwasyon ni Tara. “Edward, hindi na pwedeng ganito. Hindi natin pwedeng hayaan na mas lumala pa ang pagiging rebelde niya. Alam kong galit siya sa atin, pero dapat may magawa tayo bago maging huli na ang lahat.” Napabuntong-hininga siya. “Claire, ginagawa naman natin ang lahat. Pero parang hindi na siya nagpapasakop. Lahat ng pakiusap natin, tinatanggihan niya. Mas lalo siyang nagrerebelde, siguro mas tamang h
After 5 YearsCLAIRE POVCOLLEGE DAYSSimula nang maghiwalay ng landas si Tara at Kerry sa kolehiyo, ramdam ko nang may kakaiba kay Tara. Magkaiba sila ng kurso ni Kerry, at doon nagsimula ang unti-unting paglayo niya sa isa’t isa. Si Kerry ay kumuha ng kurso para maging piloto samantalang si Tara ay kumuha na maging IT.Sa bawat paglipas ng araw, mas naging tahimik siya, mas naging mailap. Hindi na siya ang dating Tara na kilala ko yung masayahin, puno ng ambisyon, at handang harapin ang kahit anong hamon. Minsan naiisip ko mas okay pa yung dating Tara na kilala namin. Ang hirap para sa isang magulang kapag naliligaw sa landas ang anak mo. Hindi naman kami nagkulang sa lahat ng aspeto sa buhay namin. Kung tutuusin mas sagana pa sila kesa sa iabng kabataan na ka edad nila.Lahat ng paraan ginawa namin ni Edward para mapalapit samin , para iparamdam na hindi siya nag-iisa. Pero parang may pader na nakaharang sa pagitan namin, unti-unti niya kaming tinulak palayo. Kahit anong gawin nam
Matapos ang insidente, hindi na naging pareho ang takbo ng buhay ni Tara. Kahit nakaligtas siya mula sa kapahamakan, para bang naiwan siya sa isang bangungot na hindi niya matakasan. Ang pinakamahirap para sa amin ni Edward ay ang hindi namin alam ang buong katotohanan. Sino ang lalaking nakabuntis sa kanya? Ano ang nangyari sa kanila? Bakit niya ito tinago sa amin? Paulit-ulit naming tinanong si Tara, ngunit nanatili siyang tahimik. Hindi namin makuha sa kanya ang kahit na anong sagot. Si Edward bilang ama ay hindi na mapakali. Alam kong galit siya, hindi lang kay Tara kundi pati sa lalaking gumawa nito sa kanya. Isang gabi, nadatnan ko siya sa opisina niya, hawak ang cellphone habang tinatawagan ang isa sa kanyang mga tauhan. “Hindi ako titigil hangga’t hindi ko nalalaman kung sino ang hayop na ‘gumawa nun kay Tara, alam kong may kinalaman siya sa naging desisyon ng anak ko.” sabi niya, mariing mariin ang boses. “Gawin niyo ang lahat. Alamin niyo kung sino siya.” “Edward,” sa
AFTER 1 MONTHEDWARD POVTila dalawang linggong naging maayos si Tara pero ng magluwag na kami sa kaniya ay bumalik siya sa dati niyang mga ginagawa. Hindi ko matitiis ang anak ko kaya naman gumawa na ako ng paraan para matunton ang hayop na wumalanghiya sa anak ko. Sa kabila ng mga pagsisikap naming makipag-usap kay Tara, nanatili siyang mailap na naman sa amin, halos wala na kaming makuhang sagot mula sa kanya sa tuwing tatanungin namin siya. Iniba na naman niya ang statement niya tungkol sa lalaking gumawa sa kaniya ng kahalayan. Alam kong may itinatago siya, pero kung hindi niya kayang sabihin sa amin, ako na mismo ang kikilos para alamin ang katotohanan.Isang buwan na ang nakalipas, at natunton na ng mga tauhan ko ang lalaking sinasabi ni Tara na ama ng kaniyang pinagbuntis kong may kinalaman sa lahat, si Enrique Salvador. Pero lahat ng impormasyong nakuha ko ay taliwas sa mga binibintang ni Tara sa kaniya, ayon sa mga tauhan ko sa Mexico, siya ay isang respetadong bachelo
Nagpatuloy pa sa pagsasalita si Mr. Rivera. “Alam kong biglaan ito, at bibigyan kita ngayong araw upang pag-isipan ang inaalok ko. Ngunit nais kong ipaalala sa’yo na ang ganitong pagkakataon ay hindi palaging dumarating. You have the talent and the experience. I believe in you, Frances.”Tumango siya, ngunit nanatiling tahimik. Naramdaman niyang nakatitig sa kanya ang CEO marahil hinihintay ang kanyang sagot, ngunit kailangan niyang mag-isip.Huminga siya nang malalim at marahang ngumiti. “Maraming salamat po sa tiwalang ibinigay ninyo sa akin Sir. Hindi ko po kayo bibiguin. Pag-iisipan ko po ito ng maiigi.”Sa sandaling iyon, alam niyang isa itong bagong kabanata sa kanyang buhay kung tatanggapin niya, isang hamon na kailangan niyang harapin, kasama man o wala si Arthur sa kanyang tabi.Pagkatapos ng meeting kay Mr. Sandro Rivera, bumalik si Frances sa kanyang opisina na may halong kaba at pananabik. Hindi niya lubos akalain na isang malaking pagbabago ang darating sa kanyang buhay s
After a weekMaagang gumising si Arthur upang maghanda para sa kanyang flight patungong US. Ilang buwan siyang mawawala para sa isang mahalagang training program na kailangan niyang tapusin para sa kanyang trabaho kasama rin niya si Frank sa byahe na ito. Habang tahimik niyang isinusuksok ang kanyang mga gamit sa maleta, lumingon siya sa natutulog na si Frances. Mahimbing ang tulog nito, ngunit hindi maikakaila ang bahagyang kunot sa noo nito, tanda ng pagod mula sa trabaho. Nitong mga nakaraang araw nakikita niya ang dedikasyon ng kaniyang asawa sa trabaho at masaya siya as long as masaya ang asawa niya sa kaniyang ginagawa. Marahang lumapit si Arthur sa kanya at hinaplos ang pisngi nito. Alam niyang mahirap para kay Frances ang mga susunod na buwan, lalo na’t sanay na silang laging magkasama. Pero kailangan niya itong gawin. “Frances,” mahina niyang bulong habang hinahalikan ang noo nito.Dahan-dahang dumilat ang asawa at bahagyang nagulat ngunit agad siyang tinignan. “Anong oras
Bahagyang tumango si Arthur. Hindi lingid sa kanya na may kakayahan siyang humusga ng pagkatao sa unang tingin, at sa tingin niya, si Mia ay isang taong may malinis na intensyon. Walang kasakiman o lihim na agenda sa likod ng kanyang mga salita.At iyon ay isang bagay na bihira niyang makita sa mundo ng mga taong may kapangyarihan."Kilala mo naman na si Frank, hindi ba?”Hindi man lang nag-abala si Mia na itigil ang pagkain at walang pakialam na tumugon."Oo , sus dati ko pa yan nakikita si kuya frank pag pumupunta ako kila frances pero palagi siyang busy ."Isang palaisipan kay Frances kung bakit biglang pinagpapareha din ni Arthur sina Mia at ang Kuya Frank niya. “Well Mia, alam mo namang gwapo si Kuya diba? Bakit kaya hindi na lang kayo ang maging mag dyowa? Para naman maging kapatid na talaga kita. Single na yan. Hahaha. Kuya ligawan mo na si Mia” pangungulit ni Frances sa kapatid niya at sa kaniyang kaibigan.“Hayst Frances—”“Sige na Kuya. Aba para naman lagi tayong double dib
Sa kabila ng kanyang galit at pagkabalisa, unti-unting nabuo sa isipan ni Aljur ang isang posibleng sagot, ang lalaking bumugbog sa kanya sa loob ng box noong gabing iyon! Matindi ang galit niya at handa siyang patayin it pero sa kabila ng dami ng kaniyang koneksyon ay nagtataka siya. Bakit hindi niya makita ang lalaking may gawa noon sa kaniya.Mula sa kabilang linya ng telepono, maririnig ang mahinang tawa ni Nancy."Ang tanga mo talaga! Hindi mo pa ba nakukuha ang ibig kong sabihin? Ang may gawa sayo ng nangyayari ngayon at ang lalaking kinaiinisan ko ay iisa lang.” aniya, puno ng panunuya."Magsalita ka! Sino?! " sigaw ni Aljur, halos sumabog sa galit. "Papatayin ko ang hayop na yun! Sisiguraduhin kong makakaganti ako sa kaniya! At siya pa ang may kakapalan ng mukha na pa imbestigahan ako?!” Pero walang pakielam si Nancy sa kung anong galit ni Aljur, isa lang ang gusto niyang mangyari mapasunod niya si Aljur "Aljur, hay naku walang akong oras sa mga kakaganyan mo! Puro ka salita
Sa sobrang galit ni Nancy, parang ay makikita mo na ang butas ng kaniyang ilong sa laki. Itinaas ni Arthur ang kanyang kamay bilang pagpapa-alam sa mga ito at pumasok na sila sa loob ng restaurant. “Ow mrs. Cervantes baka gusto mong imibitahan ka ng isang hamak na pilot para makapasok sa loob?” pang aasar na sabi ni Arthur“Tse… hay naku Frances tignan mo ang ugali ng asawa mo! Sinasabi ko na sayo itim ang budhi ng lalaking iyan. Kung alam mo lang! Haist!” Biglang napagtanto ni Frances na mukhang napaka-pikunin ng kanyang asawa. Natawa siya at hinila na ang kamay ng kaniyang asawa papasok.“Let’s go na hubby!”Hindi naman na nakipagtalo pa si Arthur sa kaniyang asawa . sumunod na din sa kanila sila Frank at Mia na sa mga oras na yun ay nakangiti din.Pagpasok nila sa Restaurant, nanlaki ang mga mata ni Mia sa ganyan ng interior design ng restaurant na ito. Isa kasi itong art museum restaurant kaya din mahal ang presyo ng mga pagkain sa loob. Sa sobrang tuwa ay panay ang kaniyang p
Dahil sa nangyari halos lumuwa ang mga mata ni Frank at piit na piit na bumalihit ng tawa dahil sa buong buhay niya, sa paninilbihan kay Arthur ay ito ang unang beses na nakita niyang napahiya ito.Lumapit si Frank kay Arthur at bumulong.“Haha.. ano ka ngayon Arthur?! Ilabas mo ang tapang mo sa harapan ng kapatid ko! Tignan natin kung hindi umusok yang pwet mo sa pagpapaliwanag kay Frances pag uwi niyo ng bahay!” natatawang sabi ni Frank sa kaibigan niya. Matalim siyang tinignan ni Arthur at pasimpleng pinandilatan ng mata. “shhh…Frank—”“Hahhaha okay sorry.” sabi ni Frank at halos bumulong sa gilid niya “haha tiklop ka pala pagdating sa kapatid ko pero pag nasa labas naku na lang?! Shu shu shu..” sisipol sipol na sabi ni Frank at pilit na tumitingin sa ibang parte ng mall paiwas sa mga mata ni Arthur!Habang ang lahat ay nagbibigay ng kaniya-kaniyang opinyon. Sinamantala iyon ni Frances para magsalita. "Oo nga, kaya nga sobra akong nagpapasalamat kay Tita Nancy at Joyce dahil kun
"Talaga lang? Pinakawalan mo si Frances ng ganun-ganun lang?" Kumunot ang noo ni Mrs. Cervantes, nadako ang mata niya kay Arthur na noon ay kumapit sa aking mga kamay. "Fuck, Frances, hindi ka naman siguro itinulak sa pilotong ito, 'di ba?"Hindi napigilan ni Frances ang palihim na pagtawa. Nakilala na niya ang asawa ng chairman na ito noon. Direktang magsalita at bukas-palad ang matanda, sinasabi nito kung anumang gusto niyang sabihin ng hindi nag-iisip. Sa sandaling ito, alam din ni Frances na nagsasalita lamang si Mrs. Cervantes para ipagtanggol siya at wala siyang balak kutyain si Arthur. Napansin ni Arthur ang ngiti sa mga labi ni Frances, kaya't medyo nanigas ang kanyang ekspresyon at sumulyap kay Mrs. Cervantes. "Tama, tinulak siya ni Nancy at Joyce sa isang hamak na piloto lang na kagaya ko! May masama ba dun?” malamig na sabi ni Arthur."Fuck! Ano ba yan"Tinitigan ni Mrs. Cervantes si Arthur nang may pag-alipusta, pagkatapos ay humarap kay Frances saka hinawakan muli ang
Sa kalagitnaan ng aming byahe, si Frank, na abalang nagmamaneho, ay napatingin sa akin at biglang nagtanong. "Diba ikaw yung kaibigan ni Frances nung high school pa siya?” tanong niya ng may mapungay na mata“Oo , hehe naalala mo pa pala ako Kuya Frank!” “Oo naman palagi kang kasama ni Frances. Kamusta naman ang trabaho niyo? “ “Okay naman. Kaya lang minsan siyempre hindi maiiwasan ang pressure, hindi sa trabaho kundi sa mga ka trabaho. Haha” sagot ko sa kaniya“Ganyan talaga, pero pag nagtagal naman kayo sa linyang yan magiging komportable na din kayo!” tugon niya sa akin“Kaya nga!” muli niyang binalik ang kaniyang tingin sa unahan ng sasakyan. Hindi naman na din ako nagsalita. Haist inis, bakit ba napaka-manhid ng lalaking ito. Hindi ba niya alam na mula pa noon kung gaano nahuhumaling si Frances kay Arthur ay ganuon din ang pagkabaliw ko sa kaniya. Nakakainis naman. Grrr…pero ang gwapo talaga ni Frank. Maingay na sigaw ng utak ko habang nakatitig sa kaniya. Hindi ko maiwasang
ARTHUR POVNapahinto ako "Bakit?""Hey mister hindi ba sinabi mong masama ang pakiramdam mo dahil sa kumakalat na flu! May flight ka pa kaya magpahinga ka.You need to take care of yourself, hindi ka pwedeng magpalipad ng eroplano at basta ng hindi maayos ang kondisyon mo. I heard na magkakaruon ka ng 1 week straight flight?!”Hindi ako nakikinig sa kaniya, tinutuloy ko lang ang paghalik sa kaniyang tainga at bahagyang bumulong habang tuloy tuloy ang aking paghalik sa kaniya.“Okay lang yan. Matagal pa naman yun! May panahon pa kong makapag pahinga. Para naman ma exercise ko tong muscle ko.” Ibinaba ko ang aking ulo at ipinagpatuloy ang paghalik sa kanya. Hindi na nakatiis si Frances, at mabilis na hinawakan ang kamay ko. "Arthur, please wag muna?"Tumigil ako sa kaniya at nakangiting tumingin kay Frances "Okay, i’m sorry. Okay ka lang ba? Nanginginig ka?"“oka y lang ako, matulog na tayo muna okay?”Pagsabi ko ay niyakap ko siya mula sa likuran at mahina ko siyang binulungan "si