KERRY POV Nagulat ako sa biglaang sigawan muk sa canteen. Nasa gitna ako ng pagkain nang makita kong tumatakbo ang kaibigan kong si Charm, halos hinihingal habang sinasabi, “Kerry! Si Tara! Nakikipagrambulan na naman!” Parang bumagsak ang puso ko sa kaba. Iniwan ko agad ang kinakain ko at mabilis na tumakbo papunta sa canteen. Pagdating ko doon, nakita ko si Tara sa gitna ng kaguluhan. Nakikipagsagutan siya sa dalawang seniors na babae. Pero ang ikinagulat ko, hindi lang salita ang ginagamit nila halos magkasabunutan na sila. “Tara! Ano ba!” sigaw ko habang pilit siyang hinihila palayo. Halos hindi niya ako pansinin, galit na galit siya habang itinuturo ang isa sa mga senior. “Ikaw ah! Subukan mo ulit akong pagsalitaan ng ganyan, sisigiraduhin kong may kalalagyan ka sakin.!” “Stop it! Ano ba kayo?!” sigaw ng isa sa mga teacher na biglang dumating. Tumigil sila sa sigawan pero kitang-kita ko ang nagbabagang tingin ni Tara sa kaaway niya. Maya-maya, pumasok na rin ang principal
TARA POV “Fvck You all!” Malakas kong sigaw. Wala akong pakielam kahit sino pa ang makarinig sakin. AKO SI TARA! , labing- apat na taong gulang, ang itinuturing na problema ng pamilya namin. Lagi na lang akong ikinukumpara kay Kerry, ang perpekto kong kapatid. “I WANT HER GONE FOR GOOD!” Dahil siya lang ang palaging tama, palaging mabait sa paningin ng lahat, siya ang palaging bida sa mata nila Mama at Papa. At Ako? Ako raw ang “sakit ng ulo” sa pamilya namin. “The hell I care.” Ano pa bang kakaiba sa ganuong tingin sakin ng lahat?! Ultimo sarili kong magulang ganun din ang tingin sakin. Siguro nga immune na ako sa ganoong pagtrato sakin. Nobody likes me, because everybody’s attention is with Kerry. Naalala ko nung isang araw na pinatawag ng principal sila Mama at Papa dahil sa pag cutting classes ko hindi na ako nagulat nang magalit sila sakin. Kahit naman wala akong kasalanan wala ng mababago sa pagtingin nila sakin. Parang palagi nilang inaasahan na may gagawin akong mali. “H
CLAIRE POV Matagal ko nang napapansin ang pagbabago ni Tara. Hindi ko alam kung saan kami nagkamali bilang mga magulang. Dati, siya ang masayahing bata, puno ng pangarap at ambisyon. Pero ngayon, parang ibang tao na siya. Tahimik, matigas ang loob, at laging angil ang boses kapag kinakausap ko. Lagi siyang wala sa bahay. Paulit-ulit ang mga reklamo ng principal sa amin tungkol sa pag-absent niya at sa pagsama sa mga sanggano sa labas ng eskwelahan. Gabi-gabi akong hindi mapakali, iniisip kung saan siya nagpupunta. Kinausap ko si Edward tungkol dito, pilit na iniintindi ang sitwasyon ni Tara. “Edward, hindi na pwedeng ganito. Hindi natin pwedeng hayaan na mas lumala pa ang pagiging rebelde niya. Alam kong galit siya sa atin, pero dapat may magawa tayo bago maging huli na ang lahat.” Napabuntong-hininga siya. “Claire, ginagawa naman natin ang lahat. Pero parang hindi na siya nagpapasakop. Lahat ng pakiusap natin, tinatanggihan niya. Mas lalo siyang nagrerebelde, siguro mas tamang h
After 5 YearsCLAIRE POVCOLLEGE DAYSSimula nang maghiwalay ng landas si Tara at Kerry sa kolehiyo, ramdam ko nang may kakaiba kay Tara. Magkaiba sila ng kurso ni Kerry, at doon nagsimula ang unti-unting paglayo niya sa isa’t isa. Si Kerry ay kumuha ng kurso para maging piloto samantalang si Tara ay kumuha na maging IT.Sa bawat paglipas ng araw, mas naging tahimik siya, mas naging mailap. Hindi na siya ang dating Tara na kilala ko yung masayahin, puno ng ambisyon, at handang harapin ang kahit anong hamon. Minsan naiisip ko mas okay pa yung dating Tara na kilala namin. Ang hirap para sa isang magulang kapag naliligaw sa landas ang anak mo. Hindi naman kami nagkulang sa lahat ng aspeto sa buhay namin. Kung tutuusin mas sagana pa sila kesa sa iabng kabataan na ka edad nila.Lahat ng paraan ginawa namin ni Edward para mapalapit samin , para iparamdam na hindi siya nag-iisa. Pero parang may pader na nakaharang sa pagitan namin, unti-unti niya kaming tinulak palayo. Kahit anong gawin nam
Matapos ang insidente, hindi na naging pareho ang takbo ng buhay ni Tara. Kahit nakaligtas siya mula sa kapahamakan, para bang naiwan siya sa isang bangungot na hindi niya matakasan. Ang pinakamahirap para sa amin ni Edward ay ang hindi namin alam ang buong katotohanan. Sino ang lalaking nakabuntis sa kanya? Ano ang nangyari sa kanila? Bakit niya ito tinago sa amin? Paulit-ulit naming tinanong si Tara, ngunit nanatili siyang tahimik. Hindi namin makuha sa kanya ang kahit na anong sagot. Si Edward bilang ama ay hindi na mapakali. Alam kong galit siya, hindi lang kay Tara kundi pati sa lalaking gumawa nito sa kanya. Isang gabi, nadatnan ko siya sa opisina niya, hawak ang cellphone habang tinatawagan ang isa sa kanyang mga tauhan. “Hindi ako titigil hangga’t hindi ko nalalaman kung sino ang hayop na ‘gumawa nun kay Tara, alam kong may kinalaman siya sa naging desisyon ng anak ko.” sabi niya, mariing mariin ang boses. “Gawin niyo ang lahat. Alamin niyo kung sino siya.” “Edward,” sa
AFTER 1 MONTHEDWARD POVTila dalawang linggong naging maayos si Tara pero ng magluwag na kami sa kaniya ay bumalik siya sa dati niyang mga ginagawa. Hindi ko matitiis ang anak ko kaya naman gumawa na ako ng paraan para matunton ang hayop na wumalanghiya sa anak ko. Sa kabila ng mga pagsisikap naming makipag-usap kay Tara, nanatili siyang mailap na naman sa amin, halos wala na kaming makuhang sagot mula sa kanya sa tuwing tatanungin namin siya. Iniba na naman niya ang statement niya tungkol sa lalaking gumawa sa kaniya ng kahalayan. Alam kong may itinatago siya, pero kung hindi niya kayang sabihin sa amin, ako na mismo ang kikilos para alamin ang katotohanan.Isang buwan na ang nakalipas, at natunton na ng mga tauhan ko ang lalaking sinasabi ni Tara na ama ng kaniyang pinagbuntis kong may kinalaman sa lahat, si Enrique Salvador. Pero lahat ng impormasyong nakuha ko ay taliwas sa mga binibintang ni Tara sa kaniya, ayon sa mga tauhan ko sa Mexico, siya ay isang respetadong bachelo
TARA POV Galit na galit ako kay Enrique. Parang gusto kong magwala, sumigaw, at sabihin sa kanya kung gaano siya kasinungaling ng sabihin niyang hindi niya ako ilalaglag kila Mama, ngayon walang kwenta na naman ang tingin sakin ng lahat ng taong nakakakilala sakin. SI Kerry na naman ang mabait na anak at ako na naman ang salbahing anak. Ang lalaking akala ko ay magiging sandigan ko ay rin pang magsusumbong sakin kita Mama. Siya pa ang nagbigay sa kanila ng mga dahilan para lalo akong husgahan.Nakatayo ako sa gitna ng kwarto ko, nanlilisik ang mga mata. Hindi dahil sa pagmamahal kundi dahil sa matinding galit. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang sinabi ni Papa: “Tara, anak, kung hindi mo mabago ang sarili mo, baka kailangan mo talagang humingi ng tulong. Bigyan mo ng pagkakataon si Enrique. Baka siya ang makapagpabago sa’yo. ” Ano? Siya ang makakapagbago sa akin? Siya na mismong sumira sa buhay ko? Siya na mismong dahilan kung bakit galit ako sa sarili ko at sa lah
KERRY POV Hindi ko pa rin lubos maisip na ako na ngayon si Tara. Naiilang pa irn ako sa tuwing tatawagin nila ang pangalan niya sa akin, ang lahat sa kilos niya ang ginagaya ko, at ang mga iniwan niyang responsibilidad, pati na ang kay Enrique ay kailangang akuin ko. "nakakainis ka Tara!, pati ako dinamay mo pa sa kalokohan mong ito" At ngayon, nandito kami ni Enrique, nakaupo sa isang mesa sa isang mamahaling restaurant na pinili niya mismo para sa gabing ito. Tahimik lang ako habang nagkukwento siya tungkol sa mga plano niya para sa hinaharap. Ako naman, tumatango at ngumingiti, hindi pumapasok sa isip ko ang sinasabi niya kundi pilit kong iniisip kung paano gumalaw na parang si Tara. Pero kahit anong pilit kong maging matatag, nararamdaman ko ang kabog ng puso ko. Hindi ako handa para sa ganitong sitwasyon. Bigla siyang tumigil sa pagsasalita. Tumingin siya nang diretso sa akin, seryoso ang mukha, habang inilabas niya ang isang maliit na kahon mula sa bulsa ng kanyang coat. N
DRAKE SOBEL POV Matapos ang isang matamis na sandaling pinagsaluhan namin ni Maya, malumanay kong inalis ang kaniyang ulo sa pagkakahiga nito sa aking bisig. Tumayo ako at naglakad sa direksyon kung saan ko nilagay ang mga damit kong pinaghubadan. “Saan ka pupunta?” Nagtatakang tanong sakin ni Maya. Tumingin ako at ngumiti lamang sa kaniya. Mula sa gilid ng kama kung saan nakaupo at nakasandal si Maya habang tabing tabing ng comforter ang hubad niyang katawan. Lumuhod ako sa harapan niya, ang mga mata ko ay nakatuon lamang sa kanya. Hawak ko ang kamay niya habang mabagal kong binibigkas ang mga salitang matagal ko nang iniisip. “Maya,” malumanay kong sabi habang pinipisil ang kamay niya, tinititigan ang mga mata niyang malalim at nagtataglay ng kaligayahan na tila abot-langit. “Please… be my wife. Pero hindi lang basta asawa. Gusto ko, sa bawat aspeto ng buhay natin, sa bawat galaw, sa bawat segundo maging akin ka. Gusto kong gawin ng totoo ang kasal natin , Maya. Gusto kong
Habang bumibigat ang aming mga hininga, ang malamig na hangin sa labas ay hindi kayang patamlayin ang init na bumabalot sa loob ng aming silid. Nilingkis ko ang aking mga braso sa leeg ni Drake, at kami’y dahan-dahang bumagsak sa kama, hinahayaang ang sandali ang magdikta ng aming mga kilos. Hindi nagtagal ay hinubad niya ang mga saplot sa kaniyang katawan. Nagulat ako ng makita ko ang kaniyang talong. Napaka-haba at ang taba nito. Malambing niya akong hiniga sa aking kama.Tumitig siya sa aking mga mata, tila humihingi ng permiso sa kaniyang gagawin, tinanguhan ko naman siya bilang pagpayag . Mariin niyang sinipsip ang aking sus* . Tila sanggol niyang pinagpalitan ang pagkain sa aking mabibilog na sus*. Sa una ay banayad hanggang sa nagiging mapusok ang bawat paglamas niya sa mga ito."owh Drake…” napasabunot ako sa kaniyang ulo habang patuloy ito sa pagro-romansa sa akin. Itinaas niya ang isa kong paa dahilan para bumulaga sa kaniya ang aking tahong na mamasa masa. Naramadaman k
MAYA POVHabang nakaupo kami ni Drake sa sofa, lumapit siya sa akin. Nagtagpo ang aming mga mata, at tila isang hindi maipaliwanag na koneksyon ang bumalot sa amin. Walang salitang kailangang bitawan; sa aming mga tingin pa lang, parang alam na namin ang nais naming mangyari.Dahan-dahan, unti-unting naglalapit ang aming mga mukha. Ramdam ko ang init na bumabalot sa aming dalawa, isang kakaibang sensasyon na hindi na namin kayang pigilan. Sa sandaling iyon, nawala ang lahat ng kaba at alinlangan, at ang natira na lamang ay ang tindi ng damdaming nag-uugnay sa amin.Nakatitig si Drake sa akin, puno ng sinseridad ang kanyang mga mata. “I love you, Maya. Lahat ng ipinapakita ko sa’yo, lahat ng sinasabi ko, totoo. Wala kang kailangang ipagduda o ikatakot.”Ang mga salitang iyon ay tila bumura ng lahat ng natitira kong pag-aalinlangan. Tumugon ako, ang boses ko’y puno ng damdamin. “I love you too, Drake. Hindi ko na kailangang hanapin ang dahilan, dahil mahal na kita.”Hindi ko inaasahan
“Maya, hayaan mo akong ipakita sa’yo na walang sinuman, kahit si Stephanie ang kayang sirain ang meron tayo.”Tumango siya, ngunit sa mga mata niya ay bakas pa rin ang kaba. Alam ko, mahaba pa ang laban namin para maibalik ang tiwala niyang nawala. Pero handa akong gawin ang lahat para sa kanya, kahit na ang galit ko kay Stephanie ay tila sumasabog.“Siya ang sumira sa’yo, Maya,” bulong ko, puno ng determinasyon. “At ako ang tatapos sa kanya.”Habang tinutulungan ko si Maya papasok ng kotse, naramdaman ko ang presensya ng mga tauhan ko sa paligid namin. Tahimik silang nakamasid, parang naghihintay kung may ipag-uutos pa ako. Nakita ko ang pagod sa mga mukha nila sa halos magdamag na paghahanap kay Maya, ang bigat ng responsibilidad na dala nila buong gabi.Nang makaupo na si Maya sa kotse, bumaling ako sa mga tauhan ko. Tinignan ko silang isa-isa, at ramdam kong naghihintay sila ng huling utos mula sa akin. Isang senyas ang aking binigay at nagsi-uwian na sila.“Magpahinga na kayo,” m
“Please, Maya... magpakita ka na. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung may masama kang nangyari,” pabulong kong dasal habang nagpapatuloy sa pagmamaneho. Binabaybay ko ang madidilim na kalsada, ang isip ko’y puno ng imahe ni Maya at ang galit ko kay Stephanie. Sigurado akong may kinalaman siya rito—kung ano man ang sinabi niya, ito ang dahilan kung bakit umalis si Maya.Pilit kong pina-kalma ang sarili, pero ang galit ko’y nananatiling buhay. Hindi ako titigil. Hindi ako susuko. Kahit na maubos ang lakas ko, hahanapin ko siya. Tumatagal ang gabi, ngunit wala pa ring tawag o balita mula sa mga tauhan ko. Kaya ako na mismo ang tumawag.“Raymond, nasaan na kayo?!” tanong ko nang may matinding diin sa telepono.“Nasa harap na kami ng isa pang eskinita, boss. Sinusuyod namin ang bawat sulok dito. Medyo magulo lang ang lugar dahil maraming tao,” sagot niya, nanginginig ang boses.“Hindi ko kailangan ang mga paumanhin mo, Raymond,” malamig kong sagot. “Kapag hindi siya nakita sa oras na
"FVCK! Nasaan ka ba, Maya?!" Pasigaw kong tanong habang muling tinatawagan ang numero niya. Pero wala pa ring suma-sagot. Ang bawat segundong lumilipas nang hindi ko siya nakikita ay parang kutsilyong unti-unting tumatarak sa dibdib ko.Galit akong prumeno sa gilid ng kalsada, agad kong pinindot ang speed dial, at binigyan ng istriktong utos ang mga tauhan ko."Raymond!" Sigaw ko sa telepono, halos mabasag ito sa higpit ng hawak ko. "Hanapin niyo si Maya. Ngayon din! Ikutin niyo ang buong lugar. Huwag kayong titigil hangga’t hindi niyo siya nakikita. Halughugin ninyo ang buong paligid. Kahit baliin niyo ang lahat ng pinto sa siyudad, gawin niyo! Huwag kayong babalik sa akin nang wala siya! Sabihan mo si Dave at lahat ng mga tao. Ikukwento ko na rin kung bakit siya umalis sa bahay nila Mommy."Tahimik si Raymond sa kabilang linya, pero dama ko ang kaba ng bawat isa. Alam nilang hindi ako basta nagagalit. Alam nila kung ano ang kaya kong gawin sa ganitong sitwasyon.Makalipas ang ilang
“Wala kang karapatang pumunta dito. Isa kang outsider, Maya. Hindi ka bagay kay Drake. Akala mo lang may lugar ka rito dahil pinili ka niya, pero darating ang araw, magigising din siya. Makikita niya kung gaano kababa ang babaeng pinili niya.” Napatingin ako kay Stephanie, pilit na pinapatatag ang sarili ko. Ngunit kahit anong tapang ang ipakita ko, naramdaman kong hindi ko na mapipigilan ang pamumuo ng luha sa mga mata ko. Aalis na sana ako, ngunit hinigpitan niya ang hawak niya sa braso ko. “Ano? Wala kang sasabihin? Maya, ang ilusyon mo ang nagpapatawa sa akin. Hindi kayang iwan ni Drake ang isang tulad ko. Ikaw? Kinuha ka lang niya para gawing panselos sa akin. Alam niyang dadating ako ngayong araw kaya naman, goodbye ba Maya… Hindi mo deserve si Drake, at alam mo iyon.” Sa sobrang sakit ng mga sinabi niya, tuluyan nang bumagsak ang luha ko. Pilit kong iniwasang magmukhang mahina, pero ramdam kong winasak niya ang natitira kong lakas at tiwala sa sarili. “Stephanie,” bulong
DRAKE SOBEL POV Confident akong pumasok sa loob ng bahay ni Lola. Pagpasok namin ni Maya, agad kong naramdaman ang bigat ng mga alaala at mga matang nakatingin sa amin. Sa gitna ng sala, nakaupo si Lola, nakangiti, pero bakas sa kanyang mukha ang pananabik. “Drake, apo, mabuti naman at nakadalo ka. Akala ko makakalimutan mo na naman ang kaarawan ko,” sabi niya na may halong pagtatampo. “Siyempre hindi na this time, Lola,” sagot ko habang yumuko para humalik sa kanya. Napansin ko si Stephanie, biglang tumayo mula sa kanyang pagkakaupo. May ngiti siyang ibinungad sa akin, pero sa likod nito ay may lungkot na hindi niya maitatago. Ang taong minsan kong minahal nang sobra, heto at muling kaharap ko. Parang bumagal ang oras, at biglang sumikip ang dibdib ko. Hindi ko inasahan na magiging ganito kabigat ang unang pagkikita namin pagkatapos ng ilang taon. Lumapit siya sa akin at nag-beso, sabay bati, “Drake… it’s nice to see you again. It’s been, what, around four years?” Tumingi
Ngumiti si Erika at tila nagbubulong sa sarili, “Minsan, Drake, hindi sa tagal ng pagkakakilala niyo sa isang tao, kundi kung paano niyo sila tingnan.”Maya-maya, bumukas ang kurtina ng dressing room. Dahan-dahang lumabas si Maya, suot ang simpleng gown na pinili ni Erika. Walang sobrang detalye, ngunit elegante ito at tila likha lamang para sa kanya. Napahinto ang paligid—at napahinto rin ako. Hindi ko mapigilan ang ngiti na sumilay sa labi ko. Parang sa unang pagkakataon, nakita ko ang tunay na Maya.Napakaganda niyang pagmasdan. Parang isang obra maestra ang kanyang anyo. Suot niya ang isang strapless gown na gawa sa malambot na chiffon at satin na umaagos sa kanyang katawan. Sa bawat galaw niya, dala nito ang isang eleganteng aura.Ang kanyang buhok ay inayos sa isang simple ngunit classy na bun, na may maliliit na alon na bumabagsak sa gilid ng kanyang mukha. Ang perlas at kristal na hairpin ay nagbigay ng understated na alindog. Ang kanyang make-up ay natural—mascara na nagbigay