Share

Kabanata 126

Author: Roxxy Nakpil
last update Huling Na-update: 2024-12-26 22:06:13

After 5 Years

CLAIRE POV

COLLEGE DAYS

Simula nang maghiwalay ng landas si Tara at Kerry sa kolehiyo, ramdam ko nang may kakaiba kay Tara. Magkaiba sila ng kurso ni Kerry, at doon nagsimula ang unti-unting paglayo niya sa isa’t isa. Si Kerry ay kumuha ng kurso para maging piloto samantalang si Tara ay kumuha na maging IT.

Sa bawat paglipas ng araw, mas naging tahimik siya, mas naging mailap. Hindi na siya ang dating Tara na kilala ko yung masayahin, puno ng ambisyon, at handang harapin ang kahit anong hamon. Minsan naiisip ko mas okay pa yung dating Tara na kilala namin. Ang hirap para sa isang magulang kapag naliligaw sa landas ang anak mo. Hindi naman kami nagkulang sa lahat ng aspeto sa buhay namin. Kung tutuusin mas sagana pa sila kesa sa iabng kabataan na ka edad nila.

Lahat ng paraan ginawa namin ni Edward para mapalapit samin , para iparamdam na hindi siya nag-iisa. Pero parang may pader na nakaharang sa pagitan namin, unti-unti niya kaming tinulak palayo. Kahit anong gawin nam
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 127

    Matapos ang insidente, hindi na naging pareho ang takbo ng buhay ni Tara. Kahit nakaligtas siya mula sa kapahamakan, para bang naiwan siya sa isang bangungot na hindi niya matakasan. Ang pinakamahirap para sa amin ni Edward ay ang hindi namin alam ang buong katotohanan. Sino ang lalaking nakabuntis sa kanya? Ano ang nangyari sa kanila? Bakit niya ito tinago sa amin? Paulit-ulit naming tinanong si Tara, ngunit nanatili siyang tahimik. Hindi namin makuha sa kanya ang kahit na anong sagot. Si Edward bilang ama ay hindi na mapakali. Alam kong galit siya, hindi lang kay Tara kundi pati sa lalaking gumawa nito sa kanya. Isang gabi, nadatnan ko siya sa opisina niya, hawak ang cellphone habang tinatawagan ang isa sa kanyang mga tauhan. “Hindi ako titigil hangga’t hindi ko nalalaman kung sino ang hayop na ‘gumawa nun kay Tara, alam kong may kinalaman siya sa naging desisyon ng anak ko.” sabi niya, mariing mariin ang boses. “Gawin niyo ang lahat. Alamin niyo kung sino siya.” “Edward,” sa

    Huling Na-update : 2024-12-26
  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 128

    AFTER 1 MONTHEDWARD POVTila dalawang linggong naging maayos si Tara pero ng magluwag na kami sa kaniya ay bumalik siya sa dati niyang mga ginagawa. Hindi ko matitiis ang anak ko kaya naman gumawa na ako ng paraan para matunton ang hayop na wumalanghiya sa anak ko. Sa kabila ng mga pagsisikap naming makipag-usap kay Tara, nanatili siyang mailap na naman sa amin, halos wala na kaming makuhang sagot mula sa kanya sa tuwing tatanungin namin siya. Iniba na naman niya ang statement niya tungkol sa lalaking gumawa sa kaniya ng kahalayan. Alam kong may itinatago siya, pero kung hindi niya kayang sabihin sa amin, ako na mismo ang kikilos para alamin ang katotohanan.Isang buwan na ang nakalipas, at natunton na ng mga tauhan ko ang lalaking sinasabi ni Tara na ama ng kaniyang pinagbuntis kong may kinalaman sa lahat, si Enrique Salvador. Pero lahat ng impormasyong nakuha ko ay taliwas sa mga binibintang ni Tara sa kaniya, ayon sa mga tauhan ko sa Mexico, siya ay isang respetadong bachelo

    Huling Na-update : 2024-12-27
  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 129

    TARA POV Galit na galit ako kay Enrique. Parang gusto kong magwala, sumigaw, at sabihin sa kanya kung gaano siya kasinungaling ng sabihin niyang hindi niya ako ilalaglag kila Mama, ngayon walang kwenta na naman ang tingin sakin ng lahat ng taong nakakakilala sakin. SI Kerry na naman ang mabait na anak at ako na naman ang salbahing anak. Ang lalaking akala ko ay magiging sandigan ko ay rin pang magsusumbong sakin kita Mama. Siya pa ang nagbigay sa kanila ng mga dahilan para lalo akong husgahan.Nakatayo ako sa gitna ng kwarto ko, nanlilisik ang mga mata. Hindi dahil sa pagmamahal kundi dahil sa matinding galit. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang sinabi ni Papa: “Tara, anak, kung hindi mo mabago ang sarili mo, baka kailangan mo talagang humingi ng tulong. Bigyan mo ng pagkakataon si Enrique. Baka siya ang makapagpabago sa’yo. ” Ano? Siya ang makakapagbago sa akin? Siya na mismong sumira sa buhay ko? Siya na mismong dahilan kung bakit galit ako sa sarili ko at sa lah

    Huling Na-update : 2024-12-27
  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 130

    KERRY POV Hindi ko pa rin lubos maisip na ako na ngayon si Tara. Naiilang pa irn ako sa tuwing tatawagin nila ang pangalan niya sa akin, ang lahat sa kilos niya ang ginagaya ko, at ang mga iniwan niyang responsibilidad, pati na ang kay Enrique ay kailangang akuin ko. "nakakainis ka Tara!, pati ako dinamay mo pa sa kalokohan mong ito" At ngayon, nandito kami ni Enrique, nakaupo sa isang mesa sa isang mamahaling restaurant na pinili niya mismo para sa gabing ito. Tahimik lang ako habang nagkukwento siya tungkol sa mga plano niya para sa hinaharap. Ako naman, tumatango at ngumingiti, hindi pumapasok sa isip ko ang sinasabi niya kundi pilit kong iniisip kung paano gumalaw na parang si Tara. Pero kahit anong pilit kong maging matatag, nararamdaman ko ang kabog ng puso ko. Hindi ako handa para sa ganitong sitwasyon. Bigla siyang tumigil sa pagsasalita. Tumingin siya nang diretso sa akin, seryoso ang mukha, habang inilabas niya ang isang maliit na kahon mula sa bulsa ng kanyang coat. N

    Huling Na-update : 2024-12-29
  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 131

    ENRIQUE POV Habang dumadaan ang mga araw, hindi ko mapigilang mahulog nang mas malalim kay Tara. Ang dating pagiging mainitin ng ulo niya, ang pagiging suwail at palaban lahat ng iyon ay parang unti-unting nawawala. Sa halip, nakikita ko ngayon ang isang bagong Tara. Mas maalaga, mas mapanukso, at mas... misteryoso ang kaharap kong Tara ngayon, naisip ko siguro nga dahil sa lahat ng ngyari sa kaniya ay naisipan na din niyang magbago. Sayang nga lang at hindi ko na nameet ang kakambal niya. Hindi ko maipaliwanag, pero ang pagbabago niya ang siyang lalo pang nagpapalapit sa akin. Isang araw, pagkatapos ng mahabang araw na magkasama kami, kami ay pauwi na. Si Tara ay tahimik lang sa passenger seat, mukhang nag-iisip habang nakatingin sa labas ng bintana. Ako naman ay nakatuon sa kalsada, nagtataka kung ano ang nasa isip niya. Tahimik ang paligid hanggang sa biglang may sumulpot na isang motor sa harapan namin na mabilis ang takbo. “Pakshit!” Malakas ko sigaw kaya bigla akong napa pr

    Huling Na-update : 2024-12-29
  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 132

    “Ahhhh Enrique…” malambing niyang ungol ng maghiwalay ang aming mga labi. Siniil ko siya muli ng halik pero bigla siyang umiwas. “Please don’t do it!” Nakayuko at umiiwas niyang tingin sa akin. “What’s wrong Tara?! Ang tagal na ng huli tayong nag sex. Bakit parang nag iba ka na pagdating sa bagay na to?! Do you love me?!” Tanong ko sa kaniya “Yes I do! Mahal kita Enrique at yun ang isa sa pinakamalaking pagkakamali ko. Ang mahulog ako sayo!” Umiiyak niyang sabi. “Shhhh shhhh shhh, wag ka ng umiyak. I know its hard to admit but we both love each other. At gusto ko ang nagiging pagbabago mo Tara. You Become the very best version of yourself. Listen to me, mahal kita at kahit anong mangyari hinding hindi kita iiwan.” Sabi ko sa kaniya. KERRY POV Hindi ko alam kung pano pa ako aalis sa sitwasyon na ito. Hulog na hulog na ako kay Enrique dahil sa halos magdadalawang buwan naming pagsasama ay nirespeto niya lahat ng kahilingan ko lalo na pagdating sa privacy ko. Hindi ko kayang pigilan

    Huling Na-update : 2024-12-29
  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 133

    Habang nasa sala kami, hindi ko mapigilan ma curious kay Tara. Hindi siya tulad ng dati, na hindi matatapos ang araw ng hindi nakikipagtalo sa akin. Palagi siyang nangangatwiran at pakiramdam niya ay siya na lang ang palaging tama. Dumiretso siya ng upo sa may sofa at nilalaro ang singsing sa kaniyang daliri. "Okay ka lang ba?" tanong ko, habang iniaabot sa kanya ang isang baso ng tubig. Naupo ako sa tabi niya, nagtataka kung ano ang bumabagabag sa isip niya. "Okay lang," sagot niya, pero hindi ako kumbinsido. Napansin ko ang bahagyang panginginig ng kanyang mga daliri, at ang paraan ng pag-iwas niya sa tingin ko. "Tara, kung may problema ka, sabihin mo sa akin. Alam mong nandito ako, 'di ba?! bulyawan mo ko kung gusto mo, magalit ka okay lang, maiintindihan ko. Hindi na kasi ako sanay sa kinikilos mo ngayon. Sobrang nagiging tahimik ka na" Mahina ang boses ko, pero puno ng pag-aalala. Huminga siya nang malalim, at sa wakas, tumingin siya sa akin. "Enrique, paano kung... paano ku

    Huling Na-update : 2024-12-30
  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 134

    Simula nang magdesisyon akong manatili bilang si Tara, unti-unti nang naging natural ang bawat kilos ko. Nagugustuhan ko ng nakakasama araw-araw si Enrique. Maaga akong nagising ngayon, tulad ng dati. Habang nagpiprito ng itlog at nagtitimpla ng kape niya, hindi ko mapigilang mapangiti habang iniisip si Enrique. Natutunan ko nang mahalin ang maliliit na bagay tungkol sa kanya ang paraan ng pagtawa niya, ang pagiging maalalahanin niya, at ang lambing na hindi ko inasahan mula sa isang taong tulad niya.Pagbaba niya mula sa kwarto, suot ang paborito niyang asul na polo, agad akong tumayo para ihain ang pagkain. "Good morning," bati niya, sabay dampi ng halik sa pisngi ko. Ang init ng kanyang presensya ay tila bumabalot sa buong katawan ko, at hindi ko maipaliwanag kung bakit parang gusto kong manatili sa ganitong pakiramdam.Habang kumakain kami, bigla niyang binanggit ang plano niya. "Tara, naisip ko... gusto kong mag-stay na tayo dito sa Pilipinas. Ayoko nang bumalik pa s

    Huling Na-update : 2024-12-30

Pinakabagong kabanata

  • Play Me, I’m Yours   Kabanta 273

    THIRD PERSON POV ilang minutong nagtagal sila Arthur at Atty. Joey sa loob ng study room. At gaya ng inaasahan mabilis siya nagpaalam kay Frances at umalis na. Habang si Frances ay nagtungo sa kanilang kitchen at tumingin sa mga platong hinanda niya sa lamesa, tumingin siya kay Arthur at nagtanong, “kumain ka na ba?” “Hindi pa…” sagot nito sa asawa “Ipagsasandok na kita ng kanin, sabay na tayong kumain” “Okay” Masayang nakamasid si Arthur sa asawa habang nakatalikod ito sa kaniya at nagsasandok ng pagkain. Hindi niya maiwasan ang pasimpleng mapangiti sa kilig sa lalong pagkahumaling na kaniyang nararamdaman. Pagharap nito ay isang simple ngiti ang kaniyang ibinigay habang nilalapag ni Frances ang isang mangkok ng sinigang na kaniyang niluto. Nang magsimula na silang kumain ay naglakas loob na mag suggest si Frances. “um.. Arthur ano kaya kung i save natin ang number ng isa’t isa sa whats*pp para kung may mga importante tayong kailangan sa isa’t-isa ay madali tayong magka-kontak

  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 272

    FRANCES POV Nang makarating ako sa unit na binigay sakin ni Arthur sa Ayala Subd., nakita ko ang kagandahan ng buong paligid. Kaya napag-desisyunan kong libutin ang mga buong lugar at nakita ko ang luntiang paligid ng komunidad. Parang lahat ng mga halaman ay inayos ng mga land scaper sa perpektong pagkakahubog. Nang marating ko na ang 30th floor. Hindi ako makapaniwalang ganito kalaki ang unit na binigay ni Arthur para sa akin, isang unit para sa buong floor!? Para sa isang piloto nabili niya ito sa murang edad niya? Wala akong kahit na isang kapitbahay. Pagbukas ng elevator ay diretso na ito kaagad sa aking unit, maganda ito lalo na sa mga kagaya kong hindi mahilig sa social life. Dahil sa may card key ang elevator hindi naman ito basta-basta mapapasok ng kahit na sino. Pagbukas ko sa malaking pintuan gamit ang electronic card, ay bumungad sa akin ang isang malaking floor-to-ceiling na bintana na tanaw ang ilog, kung saan makikita ang malawak na tubig sa paligid ng penthouse na i

  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 271

    ARTHUR POV Agad kong nilagok ang laman ng basong kapit ko, hindi ko pa rin maiwasang hindi mapangiti at kiligin sa tuwing maalala ko na asawa ko na si Frances. “Hoy, yung ampao niyo! Kailangan ko yan ngayon. Wag kayong kuripot at gagantihan ko kayo, pero kahit konti lang ang ilagay niyo diyan! Para pa lang naman yan sa pagkakakuha namin ng marriage certificate, pero sa kasal namin lalakihan niyo na ang bigay.” Nagkatinginan naman si Lander at Miller “ano na naman ba to Anthony?! Bakit pa kami magbibigay ee hindi ka naman naghihirap sa pera?” Wala na silang magawa ng tignan ko ang sobre at ngumiti sa kanila , bahagyang itinuro ng aking kilay at mata ang sobre sa kanilang mga kamay . “Hayst, kakainis pwersahan? Butasan to ng bulsa. Dalawang beses pa pala kaming magbibigay sayo.” Malakas akong tumawa at nagsabi “ano ba kayo, mga kaibigan ko naman kayo! Kahit na hindi ako kinukulang sa pera, masaya pa rin akong makita sa ibibigay niyo sakin para sa kasal ko.” Hinubad ko ang aking

  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 270

    “Anong sinabi mo?!” hindi makapaniwalang tanong ni Miller “Talaga lang a?” hindi naniniwalang sabi ni Lander Nananatiling mayabang ang pagkakangiti ni Arthur sa mga kaibigan habang patuloy ang mayabang na pagtango. Nanlaki ang mata ni Miller sa sinabi ng kaibigan. Ngayon parang naniniwala na sila sa sinasabi ni Arthur. Naniningkit ang mga mata ni Lander at nagtanong “bakit nakuha niyo na ba ang marriage certificate niyo?” “YES” “Teka nga muna! Paano mangyayari yun? Pumunta ka lang ng Las Vegas nakasal ka na?” Natatawang sabi ni Arthur. “Dun lahat nangyari!. Owww I LOVE LAS VEGAS” Pagkasabi ni Arthur ay bigla niyang nilabas ang kaniyang marriage certificate sa bulsa ng kaniyang suit, binuksan ito sa harapan nilang dalawa at nilatag sa lamesa. Hindi makapaniwala si Miller kaya naman aabutin niya sana ito, pero agad din itong binawi ni Arthur bago pa makuha ni Miller. “Hoy..hoy…hoy…hoy… naghugas ka ba ng kamay mo? Wag mong kapitan tong marriage certificate ko baka

  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 269

    Napabuntong-hininga si Daddy at sa medyo seryosong tono ay sinabi niya sa akin "Tandaan mo ang mga kalaban natin Arthur. Hindi ka man kumapit sa ngayon sa negosyo natin alam kong nasa paligid lang ang mga iyan. Isa pa ang pinsan mong si Marlon, kapag pinakielaman niya ang ari-arian ng ating pamilya, pagsasabihan ko siya. Kailangang maging malinaw sa kaniya kung sino ang namumuno sa pamilya Santiago.” seryoso at galit na sabi ni Daddy. Sa kasalukuyan, ang pamilya namin ay may naka pending na project para sa mga wind mill na itatayo dito sa Rizal. Magandang benepisyo dahil kami ang mamamahala ng magiging eco-friendly na proyektong ito at magiging supply chain upang bumaba ang kuryente sa aming bayan at sa mga kalapit pang probinsya. Kaya lang ang nagiging hadlang ay ang pagsasabwatan ng pinsan kong si Marlon at ni Joyce, kaya naman hinding hindi talaga namin nagustuhan si Joyce. Naghihintay lang kami ng tamang pagkakataon para sa lahat. "Okay Dad, i know… sige po papayag na ak

  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 268

    Habang patuloy na minamaliit ni Katie ang partner ni Frances, lalong nasasaktan ang damdamin ni Frances. Hindi na sumagot si Roy sa pagkakataong ito. Pakiramdam niya ay magulo ang lahat. Sa kanyang pananaw, mas may kakayahan naman talaga si Arthur kaysa kay Andrew, kilala niya ang pamilya Santiago ngunit ang landas na tinahak nito ang nagdulot ng kahihiyan sa kanilang pamilya. Tinalikuran niya ang pagiging tagapag-mana at naging isang piloto at naging professor. At dahil sa hindi matukoy na dahilan ay bigla na naman itong umalis sa pagiging professor at bumalik sa pagiging piloto. Hinagod ni Katie ang balikat ni Leonor"Ngayon, na ang ate mo ay nakapang-asawa na, kailangang galingan mong magpakitang gilas sa pamilya ni Andrew para makuha mo ang loob niya” Tumango si Leonor nang walang kahihiyan. Sa labas ng bahay ng 2nd family ni Frances, pagkapasok pa lamang niya sa kotse ay narinig na niya ang mahina at nahihiyang boses ni Arthur."Pasensya na... Hindi ko pa kayang magbigay ng

  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 267

    Sa totoo lang hindi naman talaga ako nasaktan sa nasaksihan kong kaguluhan ngayon, bagkus ay nakaramdam ako ng matinding tuwa dahil sa tuwing wala si Kuya Frank, matinding pagpapapahirap ang ginagawa sa akin ng mag-inang ito. Hindi ko din maintindihan sa tatay ko kung bakit hindi niya nakikita ang kasamaan ng mga ito. Mali din ako dahil ako ang naghikayat kay kuya na patawarin na si Daddy sa mga nangyari sa nakaraan. Ang nangyari kay Mommy ay matagal ng tapos. Mali pala ako doon. Hindi pala dapat ako nagpakampante. Sana pala ay hindi na lang kami bumalik ng pakikisama sa kanila kaya paano ko ngayon sasabihin kay Kuya ang lahat. Kaya nga kinikimkim ko na lang ang sama ng loob ko. Hindi ko pa rin nakukwento ang nangyari sa pagitan namin ng hayop na Aljur na yun. Hinding hindi ko siya mapapatawad. Siya ang dahilan ng matinding pagbabagong nangyari sa buhay ko. Kaya kahit na natutuwa ako ay hindi ko ito pwedeng ipakita sa kanila ito, kaya bahagya na lang akong tumango sa harapan nilang

  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 266

    THIRD PARTY POVNgayon, alam na ni Frances na gusto lang ni Arthur na ilabas niya ang kaniyang galit na nararamdaman sa kaniyang 2nd family. Kung paano niya nalamang may hinanakita siya? Ayun ang hindi niya alam. Dahil duon ay unti unting nanumbalik ang init ng pagmamahal niya para kay Arthur. Sa mga sandaling ito, nang makita ni Roy ang pagiging malapit ng dalawa, hindi siya makapaniwalang nagkakasundo ang dalawa. May iba silang plano para kay Frances pag-alis ni Frank at hindi nila inaasahang mauunahan sila ni Arthur na mapakasalan siya sa Las Vegas. Dahil sa impluwensya ng aming pamilya , hindi na nagsalita ng masasama sa akin ang Daddy nila Frank. Kaya imbis na magalit ay pilit siyang ngumiti. Isang pilit na ngiti. “ahh Arthur! Kailan kaya… yung pera?… kailan mo ibibigay sa amin?…” “ahmm no worries po, ibibigay ko ngayon din!”Napabuga ng malalim na hininga si Roy at bahagyang tatawa tawa sa kaniyang asawa at anak na si Leonor na buong pagyayabang. Habang nakatingin si Arthur

  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 265

    Sa totoo lang kung titignan ko ang kalagayan ng pamilya ni Frances ay walang wala naman talaga sila kundi lang dahil kay Frank hindi naman sila makakakilala ng malalaking tao. Isa iyan sa sa nakikita kong dahilan kung bakit humingi ng tawad ang Daddynila sa kanila . Malamang ay isa din iyan sa rason kung bakit pinaghihigpitan na ng mga ito si Frances. Dahil mawawalan na sila ng pinaka-malaking mag suporta. Tumingin ako kay Frances at pinalamlam ko ang aking mga mata. “Gusto mo ba nitong mga collection ng labubu ng parents mo?”Alam kong nabighani si Frances sa isa sa mga item, dahil unang tingin pa lang ay tuwang tuwa na siya dito. Napako ang mata niya sa isang painting mula sa likha ng isang sikat na artist sa europe. Sa pagkakaalam ko ay ayundin din ang pinaka mahal na nabili ng pamilya nila noong nag travel sila dahil na din kay Frank. Kaya lang isa sa mga nakakatawa ng mga sandaling tangkain kong hawakan ito na nakalagay sa isang glass cabinet ay agad na nagsalita ang Daddy ni

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status