CLAIRE POV Isang araw na naman ang bubunuin ko dito sa bahay. Sa totoo lang inip na inip na talaga ako, kung ano ano na lang ang ginagawa ko hanggang naghihintay kay Edward na umuwi. Hindi ko naman masyadong mabisita si ate Christy ngayon dahil nilipat na siya ng ward dahil sa mas lumalala niyang sitwasyon dahil sa isang bagay na palagi niyang binabanggit. Bata! Baby! Anak niya! Yana ng paulit ulit niyang sinisigaw kaya naman pinagbawalan muna akong dumalaw dahil nananakit na siya ngayon. Habang nag iisip ako ay biglang tumunog ang cellphone ko. Pagtingin ko, pangalan ni Margarette ang lumitaw sa screen. Huminga ako nang malalim bago sagutin ang tawag, dahil alam ko na ang pag-uusapan namin. “Claire, ano ba?! Hanggang kailan mo itatapon ang ganitong oportunidad?!” bungad niya, galit na galit ang boses. “Marge, hindi naman sa itinatapon ko,” sagot ko, pero ramdam ko na ang pagputok ng tensyon. “Huwag mo na naman akong bigyan ng dahilan Claire,” mabilis niyang balik. “Alam kong
Mabilis ding dumating si Janice sa bahay. Hindi niya ako pinagmaneho dahil alam niyang masama ang loob ko. Habang nasa loob kami ng sasakyan niya ay para akong batang humahagulgol habang sinasabi kay Janice ang lahat. “Claire, hindi mo dapat iniinda ’yan, masyado kang nagpapa affected. ” mahinahon niyang sabi. Pero halata sa boses niya ang galit. Hindi nagtagal, tinawagan niya si Lander. Ilang minuto lang, dumating na ito sa bahay niya, mukhang handang-handa akong tulungan. “Tara, Claire. Magpagpag muna tayo. Hindi mo dapat iniiyakan ang mga taong hindi naman deserving sa’yo,” ani Lander, puno ng determinasyon. Nagtagal kami ng tatlong oras sa bahay ni Janice. Sa bawat hikbi ko, may payo silang binibigay, pilit akong binubuo mula sa pagkawasak. Nakikinig ako, pero ang bigat pa rin sa dibdib. Kaya naman nang mag-aya si Lander na lumabas para mag-relax, pumayag na rin ako. Pagdating namin sa bar, sinubukan kong kalimutan ang lahat. Inilabas nila ako sa dancefloor, nagbiro-biruan
JANICE POVAng lakas ng kabog ng puso ko habang nakaupo kami ni Lander sa waiting area ng ospital. Pero higit sa lahat ang matinding galit para kay Edward ankg nangingibabaw sa akin. Hindi ko matanggal sa isip ko ang nakita kong kotse na bumangga kay Claire at hindi ako pwedeng magkamali plate number ni Edward iyon! Wala akong ibang kilalang may ganung sasakyan kundi siya lang, sigurado ako. At kung totoo ngang siya ang gumawa nito kay Claire, siguradong pagsasamantalahan nito ang pagkakataon na mahina si Claire para siguraduhing matatahimik na siya ng tuluyan. Hindi ko alam kung bakit nagawa yun ni Sir Edward.“Fvck Lander kawawa naman ang kaibigan natin , palagi na lang ba siyang makakaranas ng paghihirap sa mga taong mahal niya?!. " inis kong sabi kay Lander“Janice, calm down. Maayos na si Claire, sabi ni Marco,” ani Lander, pilit akong pinapakalma habang hawak ang nanginginig kong kamay.Umiling ako, malalim ang hinga. “Hindi, Lander. Hindi ako tatahimik hangga’t hindi ko nalalam
“Doon sa rest house mo,” mabilis kong sagot. “Gamitin natin ang private plane mo para madala siya roon nang walang makakaalam.” Napaisip si Lander bago tumango. “Tama ka. Ligtas siya roon. Ako na ang bahala sa transportasyon at lahat ng kailangan niya.” Habang pinapanood ko si Claire sa loob ng kwarto niya, hindi ko mapigilan ang galit at lungkot na nararamdaman ko. Wala siyang kamalay-malay sa lahat ng ngyayari sa kaniya, nakaratay siya roon, mahina, buntis, at nasa bingit ng panganib ang buhay. Napakabait niyang tao. Lahat na ng sakripisyo ginawa niya para sa ibang tao, lalo na para kay Edward, pero ito ang igaganti sa kanya? Napakalaki ng utang na loob ko sa kaniya dahil sa ginawa niyang pagtulong sa akin nung panahong walang wala ako. Lumingon ako kay Lander at ang mga kamay ko ay mahigpit na nakatikom. “Lander, hinding-hindi ko mapapatawad si Edward sa ginawa niya sa kaibigan natin. Alam kong wala tayo sa posisyon para pigilan o itago natin si Claire dahil sa huli desisyon pa
EDWARD POV Pagmulat ng mga mata ko, agad akong nakaramdam ng paninikip ng dibdib. Agad na inikot ng mata ko ang paligid ng kwartong iyon. Hindi ito ang bahay namin ni Claire. Nilingon ko ang gilid ng kama, at doon ko nakita si Lexie. Nakahiga siya sa tabi ko, nakangiti na para bang alam niyang naipit ako sa isang sitwasyon na hindi ko matatakasan. Tinignan ko ang sarili ko. Wala akong saplot. Mabilis akong tumayo at dinampot ang mga gamit ko sa sahig. “Good morning, Edward,” malandi niyang bati habang iniunat ang katawan niya sa kama, parang sinasadya niyang ipakita ang hubad niyang katawan. “Anong ginawa mo, Lexie?” sigaw ko habang nagmamadaling isuot ang aking pantalon. “Ano’ng nangyari kagabi?!” Napangisi siya, parang aliw na aliw sa kalituhan ko. “Ano pa nga ba? It was a great night, Edward. You were amazing,” malandi niyang sagot. “Huwag mo akong gawing tanga, Lexie!” Galit kong sigaw habang kinuha ko ang natitirang sapatos ko. “Nilagyan mo ng drugged ang inumin ko kagabi?
Hindi ko alam kung saan pupunta si Claire, pero isang bagay ang sigurado: hindi ko siya kayang mawala. Kailangan kong makita siya, humingi ng tawad, at patunayan sa kanya na handa akong baguhin ang lahat para sa kanya. Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan siya. Isa, dalawa, tatlong beses pero wala akong makuhang response dahil puro promt voice message ang sinasabi. “The number you dialed is currently unreachable.” “F**k!” Napasigaw ako at halos ihagis ang cellphone sa sahig. Nanginginig kong tinawagan si Janice pero hindi siya sumagot. Alam kong kasama ni Claire si Janice. Kung hindi man ay tatawagan ko rin si Lander. Anong oras na hindi pa rin kumokontak sakin si Claire. Hindi niya ito usual na ugali. Madalas pag nagtatampo siya ay umuuwi din siya kagaad. Pero bago ang lahat, kailangang ayusin ko ang sarili ko. Simula ngayon, tatapusin ko na ang mga gulo sa buhay ko. Si Claire lang ang mahalaga sa akin, at hinding-hindi ko hahayaan na tuluyang masira ang relasyon namin
EDWARD POVPagkatapos ng lahat ng nangyari sa amin ni Claire, wala na akong ibang pagpipilian kundi magpatuloy. Pero sa kabila ng pagpapanggap na okay lang ako, araw-araw ay parang binabato ako ng alaala niya lalo na sa opisina, naisipan kong bumalik sa aking opisina para naman kahti papano ay makalimot ako. Buryong buryo na ako sa bahay kakamukmok. Pero hindi ko maiwasan ang sarili ko. Palagi kong tinitingnan ang desk niya, umaasang kahit papaano ay makita ko siyang nakaupo roon muli at abala sa mga trabaho niya. Pero wala na siya, at ang pamilyar na puwang ay napalitan ng ibang tao. Ang pag-alis niya ay nag-iwan ng kakulangan sa buhay ko na hindi ko na maitama. Ano bang nagawa kong mali para basta na lang niya ako iwan ng ganito?! Kaya naman nagpaka subsob ako sa trabaho, tinatambakan ko ang sarili ko ng mga gawain sa pag-asang makakalimutan ko ang sakit ng pagkawala niya. Ngunit kahit ilang oras ang ibuhos ko sa trabaho, palagi pa rin siyang sumasagi sa isip ko. Ang bawat sulok ng
Bahagyang natahimik kami, at unti-unting bumalik ang sakit na pilit kong kinukubli. “Sinubukan kong kalimutan siya, Ricky. Ginawa ko ang lahat para mawala ang alaala niya, pero wala, hindi ko magawa. Kahit ilang oras akong magtrabaho, kahit ilang gabi akong magpakalunod sa alak, palaging may bakas siya sa bawat galaw ko.” Tumango si Ricky, napapangiti nang may halong simpatiya. “Alam mo, Edward, minsan ang kailangan lang natin ay ang tanggapin ang pagkakamali natin. Hindi lahat ng sugat gumagaling nang mabilisan. May mga sakit na kailangan talagang maramdaman para matutunan natin ang aral na dala nito.” Nagpabuntong-hininga ako, ramdam ang kaluwagan sa pag-share ko ng sakit na nararamdaman ko sa isang taong hindi humuhusga. “Oo, Ricky, may mga gabing binabalikan ko ang bawat sandali na kasama siya. Lahat ng oras na tawa siya nang tawa, lahat ng sandaling naramdaman ko ang pagmamahal niya. Pero wala na iyon ngayon. Ako lang ang may kasalanan kung bakit siya nawala.” Pinalakas ni
FRANCES’ POV Pagdating ng Sabado, maaga akong nagbihis ng komportableng damit at tumungo sa tagpuan kung saan ko sasalubungin ang mga kasama ko sa trabaho. Isa-isa na silang dumating, at agad akong binati ng ilan sa kanila. “Congratulations sa promotion mo, girl!” sigaw ni Mary, sabay tapik sa balikat ko. Ngumiti ako at isa-isang nagpasalamat. Habang naghihintay pa sa iba, naisipan kong bumili ng maiinom sa mini-store sa kanto. Tahimik lang ang paligid nang biglang dumating si Kristal, ang babaeng kilalang mahilig mambara at laging may masasabi tungkol sa iba. “Oh, dito ba ‘yung inyo?” tanong niya, sabay irap sa mumurahing apartment sa harapan namin. “Anong apartment number ‘yung bahay niyo?” Bago pa ako makasagot, sumabat na ang isa pang kasamahan namin na malapit kay Kristal. “Oo nga, Ma’am! Dapat sa susunod lumipat ka na ng mas magandang apartment. Hindi bagay sa isang aviation manager ang nakatira sa ganitong klaseng bahay!” Napataas ang kilay ko at napatingin kay Ella. Hin
[Gusto ko lang magtanong, may boyfriend na nga ba talaga si Miss Frances?] Matapos ang maanghang na akusasyon laban kay Frances , ngayon lahat ay pumabor sa kaniya. Napapangiti naman si Mr. Rivera sa kaniya.Kagaya ng orihinal na dahilan kung bakit nagpunta si Frances sa restaurant ay nagsimula ang kanilang meeting. Ilang discussiona ng naganap sa pagitan nila at hindi din nagtagal ang meeting na iyon. Bumalik siya sa opisina. Nagulat siya ng salubungin siya ng kaniyang mga kasamahan.“Frances, congratulations!”“Frances, treat mo kami this time!”“Tama, Frances, weekends naman sa susunod na araw, mas okay siguro kung sa bahay niyo tayo mag-celebrate. Para makatipid at double celebration na din tayo. Ang pagkaka promote sayo officially at ang kasal mo.”Hindi naman kaagad nakasagot si Frances. Sa kalagitnaan ng pangungulit ng mga kasamahan niya ay biglang tumunog ang kaniyang cellphone. “Hello!”“Love, mukhang pagod ka? Hindi mo ata hiyang ang magpanggabi. Dibale malapit na din n
Pagkatapos sabihin ni Mr. Rivera ay naglakad na sila pabalik sa loob ng restaurant. Ngunit napansin ni Frances na mula sa di kalayuan ay may nagkakagulong mga tao at kumakapal na kamera na nagmumula sa mga vloggers, isang babae ang napansin nilang nagpunta sa isang sulok. Halata ang pagkabalisa sa kanyang mukha, at tila gusto niyang maglaho na lang sa hangin.Pero hindi nagtagal, agad siyang pinalibutan ng mga vloggers."Ikaw ang may pakana ng lahat ng ito! Sabi mo may relasyon si Mr. Rivera at Frances! Ng dahil sayo muntik pa akong makasuhan" singhal ng isang lalaki habang nakatutok ang camera sa kanya.“Oo nga, hayop ka. Mali-mali ang mga impormasyong sinasabi mo samin!”“Kaya nga pahamak ka!” "Ano ang masasabi mo na nalantad na ang totoo?" sigaw naman ng isa pa.Napayuko ang babae at hindi niya alam kung paano ipagtanggol ang kaniyang sarili. Pero wala na siyang lusot. Nalantad na ang katotohanan, ang mga maling ipinakakalat niya dahil sa galit kay Frances ay nalantad na. Si Al
“Nakakatawa ka naman, hindi mo pa rin alam ang bigat ng kasong kakaharapin mo ng dahil sa pambibintang mo?” mahinahong sabi ni Mr. Rivera.Lingid sa kaalaman nila na sa mga oras na yun, ay grabe na ang pag-aatake ng mga inggiterang kababaihan laban kay Frances online. [naku naman napakalandi][ano? Ayan na yung babaeng napili ni Mr. Rivera!][grabe naman hindi naman pala maganda si ate girl!][Patawarin nawa ang mga babaeng gagawin ang lahat alang-alang sa posisyon!]Lalong dumami ang mga mini vlogger na dumating sa lugar at nagsimulang mag-live broadcast sa sitwasyon. Nahirapan na din sila Frances basta maka-alis dahil napalibutan na sila ng mga ito. Ayaw naman nilang ipagtabuyana ng mga ito dahil baka lalo lang lumala ang sitwasyon.“Anong klaseng babae ang basta na lamang kakapit sa patalim para lang makuha ang gusto niyang posisyon sa kompanya? Ako si Maris, wag niyong kalimutan i hit ang like, share , comment at i click niyo ang notification bell para updated kayo sa mga latest
Agad siyang sumakay sa isang taxi na nakaparada sa gilid ng kalsada. Ngunit bago pa siya tuluyang makapasok sa sasakyan, napansin siya ng ilang tao mula sa mga grupo ng vloggers na nag-re-repost ng mga videos na kumakalat."Tingnan niyo! Hindi ba siya yung babaeng kasama ni Mr. Rivera?""Oo, siya nga yun!"Agad na lumapit ang ilang vloggers na may hawak na kanilang mga cellphone, parang nakakita ng pagkakataong makakuha ng daan-daang libong views. Nakakairita ang pangungulit ng mga ito para kay Frances."Miss Frances, saan ka papunta ngayon?""Miss Frances, nakita mo na ba yung video na kumakalat?""May kumakalat na balita online na sinadya mo daw lapitan si Mr. rivera para sa posisyon!""Hindi ka ba nahihiyang kaya mo makukuha ang posisyon mo ay dahil sa ginawa mong pang-aakit kay Mr. Rivera?""Alam na ba ito ng boyfriend mo?"Walang pakielam na sunod-sunod na nagtaning kay Frances ng matitinding katanungan ang mga social media influences na ito. Hindi na rin alintana ng mga ito na
Nagpatuloy ito sa pang-aasar. "Haist ewan ko ba naman kasi sayo! Gwapo ka! Mayaman! Edukado! Mula sa kinikilalang pamilya!Kung hindi mo lang sana binaliwala ang anak ko? Hindi naman tayo aabot sa ganito! Isa pa haharang-harang ka sa dadaanan ko!Kailangan mawala ni Frances hindi lang sa landas ko, kundi pati sa landas mo!” Bago pa nito matapos ang sinasabi ay humalakhak na si Arthur!."Too soon para magdiwang!Hindi ko kasalanan kung walang magkagusto sa anak mo!Tumawag lang ako para ipaalam sayo, ang tungkol sa Jackson Pyramiding?”Biglang natigilan si Nancy. Hindi siya nakaimik at nagngitngit sa galit. Ang pyramiding company na iyon ay ang lihim na negosyo ng kaniyang pamilya. Maraming nahikayat ang kumpanyang ito para mag invest pero pagdating sa itaaas ay wala ng nakakarating hanggang sa makapag pay out sila. Dahil dito naging maugong ang balita na mabilis ding napapatay ng kaniyang pamilya ang issue dahil sa pagbabayad ng ibang tao. Hindi maitatagong kinabahan si Nancy dahi
[nakita niyo ba yung vidoe? Nakakadiri noh? Talagang siya pa ang dumidikit kay boss?][tama! Alam mo na kapit sa patalim si ateng! hahaha][Nakakasuka! Hindi dapat yana ng naging aviation manager, mabuti pang si Kristal na lang][Tama! Dapat yun na lang! Yung kapatid ng sekretary][Hayop na babae yan! Mamatay na sana ang malalandi sa mundo!]Malalim na huminga si Frances upang pakalmahin ang sarili. Alam niyang malulupit magsalita ang mga tao, pero hindi niya inaasahan na ganito ito kasama!Kahit pa sabihan siya ng kaniyang mga kaibigan na kung gusto niya ay lumipat na lang siya ng kumpanya tutal ay may ibang offer pa naman siya ay hindi siya nagpatinag. Para sa kaniya hindi dapat tinatakbuhan ang ganuong klaseng iskandalo dahil parang pinapatunayan na lang niya na tama ang mga ito sa kanilang iniisip tungkol sa kaniya. Ang pinakamagandang tugon ay manahimik at hayaan na lang ito sa kamay ng kaniyang asawa. Napasandal na lang si Frances, nagulat siya ng tumunog na naman ang cellpho
Saglit niyang pinasok ang kaniyang daliri sa loob ng manipis na underwear ni Frances at nilaro ang basang-basa nitong pagkababae. Agad ding hinugot ni Arthur ang daliri niya sa loob nito at iniharap si Frances sa kaniya. Sinubo ni Arthur ang daliri niya at tinignan ng mapang-akit si Frances.“Sige na. Ipapahatid na kita sa driver may tatapusin lang kami ni Frank ngayon at uuwi na din ako kaagad pagkatapos namin. Ihanda mo sarili mo mamaya.” pagkasabi noon ay isang matamis ng halik ang binigay sa kanya ni ARthur at pagtalikod niya ay marahan pang hinampas ni Arthur ang kaniyang puwet.”Halos mapatalon naman si Frances ng biglang pumasok ang kaniyang kuya Frank. Halos hindi siya makatingin dito ng maisip niya paano kung biglang pumasok ito kanina at naabutan siya sa ganuong posisyon.“Mauna na ako kuya!” nakayukong sabi ni Frances. Napatingin siya kay Arthur at nagtaas lang ng balikat si ARthur at ngumiti.Nang nakapaglabas na ng sama ng loob si Frances sa kaniyang asawa ay napaisip siy
Mariing umiling si Frances sa kaniyang asawa at mabilis na nagpaliwanag “Pero hindi totoo yun kaya nga ako galit na galit dahil pinaghirapan ko kung bakit ko nakuha ang posisyon na iyon.”Tumango si Arthur at ngumiti kay Frances “wala kang dapat na ipaliwanag sa akin Frances, mula noon ay kilala na kita at alam ko ang kaya at hindi mo kayang gawin. Naniniwala ako sayo. Pag sinabi mong wala edi wala pero kung sinabi mong meron edi meron. At huwag kang makikinig sa mga taong gusto kang siraan. Ginagawa nila yan para mawala ang focus mo sa trabaho at magkamali ka ng sa gayun ay makahanap sila ng dahilan para pabagsakin ka. Nakukuha mo ba ibig kong sabihin?”“Oo naiintindihan ko. Gets ko kung bakit sila ganyan sa akin. Salamat ah.. Ngayon okay na ako” nakangiting sabi ni Frances.“Pasensya na kung biglaan ang pagpunta ko dito, ayoko sanang maka-istorbo sobrang sama lang talaga ng loob ko kaya naisipan kong tumakbo papunta sayo para pagaanin ang nararamdaman ko! Hayaan mo sa susunod tataw