JANICE POVAng lakas ng kabog ng puso ko habang nakaupo kami ni Lander sa waiting area ng ospital. Pero higit sa lahat ang matinding galit para kay Edward ankg nangingibabaw sa akin. Hindi ko matanggal sa isip ko ang nakita kong kotse na bumangga kay Claire at hindi ako pwedeng magkamali plate number ni Edward iyon! Wala akong ibang kilalang may ganung sasakyan kundi siya lang, sigurado ako. At kung totoo ngang siya ang gumawa nito kay Claire, siguradong pagsasamantalahan nito ang pagkakataon na mahina si Claire para siguraduhing matatahimik na siya ng tuluyan. Hindi ko alam kung bakit nagawa yun ni Sir Edward.“Fvck Lander kawawa naman ang kaibigan natin , palagi na lang ba siyang makakaranas ng paghihirap sa mga taong mahal niya?!. " inis kong sabi kay Lander“Janice, calm down. Maayos na si Claire, sabi ni Marco,” ani Lander, pilit akong pinapakalma habang hawak ang nanginginig kong kamay.Umiling ako, malalim ang hinga. “Hindi, Lander. Hindi ako tatahimik hangga’t hindi ko nalalam
“Doon sa rest house mo,” mabilis kong sagot. “Gamitin natin ang private plane mo para madala siya roon nang walang makakaalam.” Napaisip si Lander bago tumango. “Tama ka. Ligtas siya roon. Ako na ang bahala sa transportasyon at lahat ng kailangan niya.” Habang pinapanood ko si Claire sa loob ng kwarto niya, hindi ko mapigilan ang galit at lungkot na nararamdaman ko. Wala siyang kamalay-malay sa lahat ng ngyayari sa kaniya, nakaratay siya roon, mahina, buntis, at nasa bingit ng panganib ang buhay. Napakabait niyang tao. Lahat na ng sakripisyo ginawa niya para sa ibang tao, lalo na para kay Edward, pero ito ang igaganti sa kanya? Napakalaki ng utang na loob ko sa kaniya dahil sa ginawa niyang pagtulong sa akin nung panahong walang wala ako. Lumingon ako kay Lander at ang mga kamay ko ay mahigpit na nakatikom. “Lander, hinding-hindi ko mapapatawad si Edward sa ginawa niya sa kaibigan natin. Alam kong wala tayo sa posisyon para pigilan o itago natin si Claire dahil sa huli desisyon pa
EDWARD POV Pagmulat ng mga mata ko, agad akong nakaramdam ng paninikip ng dibdib. Agad na inikot ng mata ko ang paligid ng kwartong iyon. Hindi ito ang bahay namin ni Claire. Nilingon ko ang gilid ng kama, at doon ko nakita si Lexie. Nakahiga siya sa tabi ko, nakangiti na para bang alam niyang naipit ako sa isang sitwasyon na hindi ko matatakasan. Tinignan ko ang sarili ko. Wala akong saplot. Mabilis akong tumayo at dinampot ang mga gamit ko sa sahig. “Good morning, Edward,” malandi niyang bati habang iniunat ang katawan niya sa kama, parang sinasadya niyang ipakita ang hubad niyang katawan. “Anong ginawa mo, Lexie?” sigaw ko habang nagmamadaling isuot ang aking pantalon. “Ano’ng nangyari kagabi?!” Napangisi siya, parang aliw na aliw sa kalituhan ko. “Ano pa nga ba? It was a great night, Edward. You were amazing,” malandi niyang sagot. “Huwag mo akong gawing tanga, Lexie!” Galit kong sigaw habang kinuha ko ang natitirang sapatos ko. “Nilagyan mo ng drugged ang inumin ko kagabi?
Hindi ko alam kung saan pupunta si Claire, pero isang bagay ang sigurado: hindi ko siya kayang mawala. Kailangan kong makita siya, humingi ng tawad, at patunayan sa kanya na handa akong baguhin ang lahat para sa kanya. Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan siya. Isa, dalawa, tatlong beses pero wala akong makuhang response dahil puro promt voice message ang sinasabi. “The number you dialed is currently unreachable.” “F**k!” Napasigaw ako at halos ihagis ang cellphone sa sahig. Nanginginig kong tinawagan si Janice pero hindi siya sumagot. Alam kong kasama ni Claire si Janice. Kung hindi man ay tatawagan ko rin si Lander. Anong oras na hindi pa rin kumokontak sakin si Claire. Hindi niya ito usual na ugali. Madalas pag nagtatampo siya ay umuuwi din siya kagaad. Pero bago ang lahat, kailangang ayusin ko ang sarili ko. Simula ngayon, tatapusin ko na ang mga gulo sa buhay ko. Si Claire lang ang mahalaga sa akin, at hinding-hindi ko hahayaan na tuluyang masira ang relasyon namin
EDWARD POVPagkatapos ng lahat ng nangyari sa amin ni Claire, wala na akong ibang pagpipilian kundi magpatuloy. Pero sa kabila ng pagpapanggap na okay lang ako, araw-araw ay parang binabato ako ng alaala niya lalo na sa opisina, naisipan kong bumalik sa aking opisina para naman kahti papano ay makalimot ako. Buryong buryo na ako sa bahay kakamukmok. Pero hindi ko maiwasan ang sarili ko. Palagi kong tinitingnan ang desk niya, umaasang kahit papaano ay makita ko siyang nakaupo roon muli at abala sa mga trabaho niya. Pero wala na siya, at ang pamilyar na puwang ay napalitan ng ibang tao. Ang pag-alis niya ay nag-iwan ng kakulangan sa buhay ko na hindi ko na maitama. Ano bang nagawa kong mali para basta na lang niya ako iwan ng ganito?! Kaya naman nagpaka subsob ako sa trabaho, tinatambakan ko ang sarili ko ng mga gawain sa pag-asang makakalimutan ko ang sakit ng pagkawala niya. Ngunit kahit ilang oras ang ibuhos ko sa trabaho, palagi pa rin siyang sumasagi sa isip ko. Ang bawat sulok ng
Bahagyang natahimik kami, at unti-unting bumalik ang sakit na pilit kong kinukubli. “Sinubukan kong kalimutan siya, Ricky. Ginawa ko ang lahat para mawala ang alaala niya, pero wala, hindi ko magawa. Kahit ilang oras akong magtrabaho, kahit ilang gabi akong magpakalunod sa alak, palaging may bakas siya sa bawat galaw ko.” Tumango si Ricky, napapangiti nang may halong simpatiya. “Alam mo, Edward, minsan ang kailangan lang natin ay ang tanggapin ang pagkakamali natin. Hindi lahat ng sugat gumagaling nang mabilisan. May mga sakit na kailangan talagang maramdaman para matutunan natin ang aral na dala nito.” Nagpabuntong-hininga ako, ramdam ang kaluwagan sa pag-share ko ng sakit na nararamdaman ko sa isang taong hindi humuhusga. “Oo, Ricky, may mga gabing binabalikan ko ang bawat sandali na kasama siya. Lahat ng oras na tawa siya nang tawa, lahat ng sandaling naramdaman ko ang pagmamahal niya. Pero wala na iyon ngayon. Ako lang ang may kasalanan kung bakit siya nawala.” Pinalakas ni
Sa wakas, nagising siya sa katotohanan. Nanginginig ang kamay niyang kinuha ang bag niya mula sa mesa. “Edward… hindi mo ako kailangang itaboy ng ganito,” mahina niyang sabi, pero hindi ko siya sinagot. Tumalikod ako sa kanya at muling tumingin sa mga papeles sa mesa. “Kung ayaw mong mapahiya pa, umalis ka na,” malamig kong sabi. "tandaan mo ito Edward, ako lang ang para sayo! walang kahit na sino ang makakapalit sakin sa buhay mo Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto. Sa wakas, tahimik na ulit. Bumalik ako sa pagkakaupo at isinubsob ang mukha sa mga kamay ko. “Claire, nasaan ka…” bulong ko sa sarili, habang iniisip kung paano ko haharapin ang gulo ng buhay ko. Wala na akong ibang iniisip kundi ang mahanap siya at ayusin ang lahat. CLAIRE POV Parang lahat ng nangyari sa akin ay isang bangungot na hindi ko kayang matakasan. Isang linggong pagkakaratay, paulit-ulit na bumabalik sa akin ang alaala ng aksidente ang malakas na sigaw ni Janice at Lander, ang pagharurot ng
Bumalik ako sa veranda at tumitig sa mga ulap sa malayo. Ramdam ko ang pag-aalangan nila, pero mas matindi ang tanong sa puso ko. “Sabihin n’yo na,” bulong ko, kahit na alam kong mahirap ang sagot. Tahimik pa rin sila. Ang tanging narinig ko lang ay ang tunog ng hangin na dumadampi sa paligid. Tahimik kaming nakaupo sa veranda, pero ramdam ko ang bigat ng bawat segundo. Kita ko ang kaba sa mukha nina Janice, Lander, at Dok Marco. Wala na silang kawala. Alam kong may itinatago sila, at sa wakas, napagdesisyunan nilang aminin na ang totoo. “Claire…” nagsimula si Janice, hawak-hawak ang kamay ko. “May kailangan kaming sabihin sa’yo, pero sana maintindihan mo na ginawa namin ito para sa’yo.” Tumingin ako kay Marco at Lander. Tumango si Marco, parang binibigyan si Janice ng pahintulot na magpatuloy. “Claire,” sabi ni Lander, malalim ang buntong-hininga. “May sakit ka sa puso. Nalaman namin ito nung naaksidente ka. Napansin ng doktor na may irregularity sa tibok ng puso mo, at l
Sa mga sandaling iyon tila napako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko. Napatingin ako sa kaniya habang unti-unting lumalapit siya sa akin, nararamdaman ko ang bigat ng kanyang presensya, ngunit hindi ko kayang palampasin ang pagkakataong ito. Siguro nga para sa ikatatahimik naming lahat ay kailangan ko ng closure sa ngyari sakin nuon. Kailangan ko siyang tanungin. Kailangan kong ilabas ang lahat ng hinagpis, ang galit at ang lahat ng sakit na pinipigilan kong ipakita. Minsan lang ito mangyari, at kailangan niyang malaman ang lahat. Hindi ko kayang tiisin pa ang mga tanong na gumugulo sa isip ko. Hindi ko kayang dalhin ang bigat ng pagkawala ng anak namin na wala akong kasiguruhan kung sino ba talaga ang may kasalanan. Tumigil ako sa harap niya at tinanong siya ng matalim. Muling nanumbalik ang galit sa puso ko. “Edward, bakit?” Ang tanong ko na puno ng pagkamuhi at sakit. “Bakit mo ako sinagasaan noon?! Bakit?! Ng dahil sa ginawa mong yun ay nawala ang anak ko? Ano bang ginawa ko sa
CLAIRE POV Hindi ko siya sinagot sa tanong niya sa akin. Sa halip, tumitig lang ako sa kanya, tinignan ko siya ng mata sa mata. Habang tinitigan ko siya ay punong-puno ang isip ko ng tanong at matinding galit pero hindi ko siya magawang tanungin. Parang umurong ang dila ko sa lahat ng sama ng loob na nuon ko pa kinikimkim. Ang hangin sa pagitan namin ay tila naging mas mabigat, at kahit ang malalim kong paghinga ay parang hindi sapat para pakalmahin ang dumadagundong kong puso hindi sa kaba kundi sa matinding galit na kinikimkim ko. “Claire…” tawag niya ulit sa akin pero sa pagkakataong ito ay mahinahon na at mas ramdam ko ang desperasyon sa tono niya. Alam kong hinihintay niya ang sagot ko, pero paano ko sasabihin ang totoo? Paano ko aaminin na kahit ilang ulit kong sabihin sa sarili kong tapos na, ang katotohanan ay nasa kanya pa rin ang isang bahagi ng puso ko? Umiling ako, pilit na pinipigilan ang namumuong luha sa mga mata ko. “Edward…” halos bulong ko, tila hindi ko ma
PAOLO POV Kilala ko si Edward. Alam kong siya ang ex ni Claire, ang lalaking minsang naging sentro ng mundo niya, pero ngayon ko lang siya nakilala nang personal. Sa unang tingin, tahimik at kagalang-galang si Edward, pero nang makaharap ko siya kanina, may kung anong pakiramdam ang bumalot sa akin—parang sinasabi ng bawat kilos niya na hindi pa tapos ang kwento nila ni Claire. Habang naglalakad kami palayo, napansin kong tahimik si Claire. Hindi siya umiimik, pero nakikita ko sa mga mata niya ang tensyon, ang bigat ng emosyon na pilit niyang itinatago. “Claire, let’s leave this place,” sabi ko habang hawak hawak ko ang kamay niya. “You don’t need to prove anything to him.” Huminto siya at tumingin sa akin. “Paolo, hindi tayo pwedeng umalis,” sabi niya na may halong desperasyon sa boses niya. “This deal is important. Kapag umalis tayo ngayon, baka isipin ng Lola mo na hindi ko kaya. Ayoko rin na isipin ni Edward na mahina ako.” “Claire,” sagot ko, hinawakan ko ang balikat ni
CLAIRE POV “No everything is fine.” sagot ko kay Paolo, pilit na itinatago ang panginginig ng boses ko. Tila napansin niya ang pagbabago ng ekspresyon sa mukha ko, pero nagpasalamat ako na hindi na niya ako kinulit. Nang maglakad na siya papunta sa dulo ng lobby para saglit na makipag-usap sa isang waiter, naiwan akong kaharap sina Edward at Lexie. “Hindi ko akalaing nandito ka,” malamig na sabi ni Edward, nakatingin siya sa akin ng nakakainsultong tingin. “So totoo pala ang usap usapan tungkol sayo. I know now. Kaya ka ng pala nandito nasa likod mo ang dahilan kung bakit hindi ko na naramdaman ang presensya mo nitong mga nakaraang buwan.” Nakakainsulto siyang tumawa. Hindi ko maintindihan kung bakit niya yun nasasabi sa harapan mismo ni Lexie. At hindi ko din alam kung paano sasagutin iyon. Parang sinampal ako ng salita niya. Napatingin ako kay Lexie, na hawak ang braso ni Edward nang mahigpit. “Hi, Claire,” malamig na pagbati ni Lexie na halatang napipilitan, may ngiting matag
“Eh, chika lang naman ’yan, madam. Pasensya na po. Pero alam mo madam napakaswerte mo kay Sir Paolo. Grabe, jackpot ka talaga sa kanya! Napakadami naming nakalinya sa kaniya. Aba Napaka-gwapo, napaka-yaman, mabit at ang gentlemen pa. Plus napaka bait ng pamilya ni Sir Paolo. Kahit naman lola nun na may pagka bruha pag nagustuhan ka biglang bumabait yun. Alam mo bang hindi siya basta-basta nagdadala ng plus one sa ganitong event? Kaya sigurado akong espesyal ka sa kanya.” Nginitian ko lang siya bilang sagot, pero ang totoo, hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang lahat ng tanong niya sa akin. Lalo na tungkol kay Paolo, ngayon ko napagtanto tama ba na tinanggap ko ang pagkakataong ito, o maling signal ba ang binibigay ko para kay Paolo? Nang matapos ang pag aayos sa akin ay hindi mapigilan ng glam team ang sobrang tuwa nila. “Madam, parang ikaw na ang reyna ng gabi!” sabi ng isa habang kinukunan ako
CLAIRE POV Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil alam kong napakahalaga ng araw na ito. Kailangan kong maghanda, hindi lang para sa event, kundi para sa sarili ko. Pagkatapos kong mag-almusal ng kaunti, dumating na ang glam team na in-arrange ni Paolo para ayusan ako. Tahimik akong naghintay habang inilalabas nila ang kanilang mga gamit. Narinig ko na ang pagkatok ng mga taong mag aayos sa akin. “Good morning, madam! Ready na po ba kayo para maging pinaka-magandang babae ngayong gabi?” bati ng makeup artist habang tinutulungan akong umupo sa kanilang glam chair. Kalog at makulit ang mga ito kaya mabilis ko silang nakapalagayan ng loob. Ngumiti naman ako sa kaniya pabalik. “Good morning din . Medyo kinakabahan ako ngayon kasi unang beses kong mag attend sa mga ganitong eve
"naku edi yung picture na pinakalat ni bruhang Lexie. Ito oh" pinakita nila sakina ng picture namin ni Paolo na minsan kaming magkasama mag lunch sa US, naalala ko ang oras na yun. Dahil ayun ang unang beses na lumabas kami ni Paolo. Napapailing na lang ako sa kakatawa. Pagbalik ni Paolo ay agad nilang iniba ang usapan. "sir Pogi, single ka ba?" walang ano-anung tanong ni James, ang bakla naming kaibigan Tumango naman si Paolo "yes, totally single." "perfect friend" sabay tapik sakin ni Mica. Pinanlakihan ko sila ng mata para itigil nila ang pang aasar nila sa akin. "hahaha joke lang friend ikaw naman. just askin lang naman kay Sir Pogi" natatawa naman si Paolo sa kakulitan ng dalawang ito. Makalipas ang kaunting kamustahan, nagpaalam din sila, at naiwan kaming dalawa ni Paolo. "you can invite them on your flat after the event para mapag catch up kayo. Mukhang miss na miss ka ng mga kaibigan mo. I can join you guys if you want" sagot pa niya sa akin. "naku hindi b
CLAIRE POV Dumating na ang araw ng pag-uwi namin sa Pilipinas. Paglapag namin sa airport, halos ramdam ko na ang bigat ng hangin. Naghalo-halo ang emosyon, maitnding kaba, takot, at ang hindi ko maipaliwanag na pag-asa na sana magawa kong maitawid ang lahat ng ito nang hindi nasasaktan. “Okay ka lang?” tanong ni Paolo habang pinipirmahan niya ang ilang dokumentong dala ng assistant niya. “Okay lang,” sagot ko habang pilit na ngumingiti kahit ang totoo, gusto ko nang sumigaw sa dami ng nararamdaman ko. Sa sasakyan papunta sa hotel, abala si Paolo sa pag-check ng emails sa phone niya. Paminsan-minsang napapatingin siya sa akin, para bang may gusto siyang itanong pero hindi niya magawang sabihin. Alam kong nahihiya siya sa akin. Samantalang ako naman, abala sa pagtitig sa labas ng bintana, sinusubukan kalmahin ang sarili ko sa mga posibleng mangyari. Pagdating sa hotel, magalang akong hinatid ni Paolo sa kwarto ko. “Claire,” sabi niya nang binubuksan ko ang pinto. “Ano ’yon?” tan
Kinahapunan. Tahimik akong nagtatrabaho sa aking opisina nang biglang bumukas ang pinto. Niluwa ng pintuan si Paolo na may dalang bouquet ng pulang rosas, at ang ngiti niya, para bang kaya nitong pawiin ang lahat ng problema sa mundo. “Claire,” bati niya sa akin, “i bring something for you. Alam kong busy ka na naman, pero deserve mo tong bulaklak na to." sagot niya sabay abot ng bulaklak at siomai at sushi na binili niya para sa akin. "alam ko din na hindi ka pa nag snack. Oh pagsaluhan muna natin itong dala ko. " namilog ang mga mata ko sa dala niya para sa akin. Tinanggap ko ang bouquet at ngumiti. “Paolo, hindi mo naman kailangan gawin ’to nakakahiya naman. Baka isipin pa ng iba, nililigawan mo talaga ako. Talagang tataba na ako nito, si Tita panay din ang pagpapadala ng pagkaen sa akin" pag-appreciate kong sabi sa kaniyang mga dala. Napatawa siya nang mahina, pero may kakaibang lalim sa tingin niya. “Claire, wala akong pakialam sa iniisip ng iba. Ang mahalaga, alam mong pina