“Doon sa rest house mo,” mabilis kong sagot. “Gamitin natin ang private plane mo para madala siya roon nang walang makakaalam.” Napaisip si Lander bago tumango. “Tama ka. Ligtas siya roon. Ako na ang bahala sa transportasyon at lahat ng kailangan niya.” Habang pinapanood ko si Claire sa loob ng kwarto niya, hindi ko mapigilan ang galit at lungkot na nararamdaman ko. Wala siyang kamalay-malay sa lahat ng ngyayari sa kaniya, nakaratay siya roon, mahina, buntis, at nasa bingit ng panganib ang buhay. Napakabait niyang tao. Lahat na ng sakripisyo ginawa niya para sa ibang tao, lalo na para kay Edward, pero ito ang igaganti sa kanya? Napakalaki ng utang na loob ko sa kaniya dahil sa ginawa niyang pagtulong sa akin nung panahong walang wala ako. Lumingon ako kay Lander at ang mga kamay ko ay mahigpit na nakatikom. “Lander, hinding-hindi ko mapapatawad si Edward sa ginawa niya sa kaibigan natin. Alam kong wala tayo sa posisyon para pigilan o itago natin si Claire dahil sa huli desisyon pa
EDWARD POV Pagmulat ng mga mata ko, agad akong nakaramdam ng paninikip ng dibdib. Agad na inikot ng mata ko ang paligid ng kwartong iyon. Hindi ito ang bahay namin ni Claire. Nilingon ko ang gilid ng kama, at doon ko nakita si Lexie. Nakahiga siya sa tabi ko, nakangiti na para bang alam niyang naipit ako sa isang sitwasyon na hindi ko matatakasan. Tinignan ko ang sarili ko. Wala akong saplot. Mabilis akong tumayo at dinampot ang mga gamit ko sa sahig. “Good morning, Edward,” malandi niyang bati habang iniunat ang katawan niya sa kama, parang sinasadya niyang ipakita ang hubad niyang katawan. “Anong ginawa mo, Lexie?” sigaw ko habang nagmamadaling isuot ang aking pantalon. “Ano’ng nangyari kagabi?!” Napangisi siya, parang aliw na aliw sa kalituhan ko. “Ano pa nga ba? It was a great night, Edward. You were amazing,” malandi niyang sagot. “Huwag mo akong gawing tanga, Lexie!” Galit kong sigaw habang kinuha ko ang natitirang sapatos ko. “Nilagyan mo ng drugged ang inumin ko kagabi?
Hindi ko alam kung saan pupunta si Claire, pero isang bagay ang sigurado: hindi ko siya kayang mawala. Kailangan kong makita siya, humingi ng tawad, at patunayan sa kanya na handa akong baguhin ang lahat para sa kanya. Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan siya. Isa, dalawa, tatlong beses pero wala akong makuhang response dahil puro promt voice message ang sinasabi. “The number you dialed is currently unreachable.” “F**k!” Napasigaw ako at halos ihagis ang cellphone sa sahig. Nanginginig kong tinawagan si Janice pero hindi siya sumagot. Alam kong kasama ni Claire si Janice. Kung hindi man ay tatawagan ko rin si Lander. Anong oras na hindi pa rin kumokontak sakin si Claire. Hindi niya ito usual na ugali. Madalas pag nagtatampo siya ay umuuwi din siya kagaad. Pero bago ang lahat, kailangang ayusin ko ang sarili ko. Simula ngayon, tatapusin ko na ang mga gulo sa buhay ko. Si Claire lang ang mahalaga sa akin, at hinding-hindi ko hahayaan na tuluyang masira ang relasyon namin
EDWARD POVPagkatapos ng lahat ng nangyari sa amin ni Claire, wala na akong ibang pagpipilian kundi magpatuloy. Pero sa kabila ng pagpapanggap na okay lang ako, araw-araw ay parang binabato ako ng alaala niya lalo na sa opisina, naisipan kong bumalik sa aking opisina para naman kahti papano ay makalimot ako. Buryong buryo na ako sa bahay kakamukmok. Pero hindi ko maiwasan ang sarili ko. Palagi kong tinitingnan ang desk niya, umaasang kahit papaano ay makita ko siyang nakaupo roon muli at abala sa mga trabaho niya. Pero wala na siya, at ang pamilyar na puwang ay napalitan ng ibang tao. Ang pag-alis niya ay nag-iwan ng kakulangan sa buhay ko na hindi ko na maitama. Ano bang nagawa kong mali para basta na lang niya ako iwan ng ganito?! Kaya naman nagpaka subsob ako sa trabaho, tinatambakan ko ang sarili ko ng mga gawain sa pag-asang makakalimutan ko ang sakit ng pagkawala niya. Ngunit kahit ilang oras ang ibuhos ko sa trabaho, palagi pa rin siyang sumasagi sa isip ko. Ang bawat sulok ng
Bahagyang natahimik kami, at unti-unting bumalik ang sakit na pilit kong kinukubli. “Sinubukan kong kalimutan siya, Ricky. Ginawa ko ang lahat para mawala ang alaala niya, pero wala, hindi ko magawa. Kahit ilang oras akong magtrabaho, kahit ilang gabi akong magpakalunod sa alak, palaging may bakas siya sa bawat galaw ko.” Tumango si Ricky, napapangiti nang may halong simpatiya. “Alam mo, Edward, minsan ang kailangan lang natin ay ang tanggapin ang pagkakamali natin. Hindi lahat ng sugat gumagaling nang mabilisan. May mga sakit na kailangan talagang maramdaman para matutunan natin ang aral na dala nito.” Nagpabuntong-hininga ako, ramdam ang kaluwagan sa pag-share ko ng sakit na nararamdaman ko sa isang taong hindi humuhusga. “Oo, Ricky, may mga gabing binabalikan ko ang bawat sandali na kasama siya. Lahat ng oras na tawa siya nang tawa, lahat ng sandaling naramdaman ko ang pagmamahal niya. Pero wala na iyon ngayon. Ako lang ang may kasalanan kung bakit siya nawala.” Pinalakas ni
Sa wakas, nagising siya sa katotohanan. Nanginginig ang kamay niyang kinuha ang bag niya mula sa mesa. “Edward… hindi mo ako kailangang itaboy ng ganito,” mahina niyang sabi, pero hindi ko siya sinagot. Tumalikod ako sa kanya at muling tumingin sa mga papeles sa mesa. “Kung ayaw mong mapahiya pa, umalis ka na,” malamig kong sabi. "tandaan mo ito Edward, ako lang ang para sayo! walang kahit na sino ang makakapalit sakin sa buhay mo Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto. Sa wakas, tahimik na ulit. Bumalik ako sa pagkakaupo at isinubsob ang mukha sa mga kamay ko. “Claire, nasaan ka…” bulong ko sa sarili, habang iniisip kung paano ko haharapin ang gulo ng buhay ko. Wala na akong ibang iniisip kundi ang mahanap siya at ayusin ang lahat. CLAIRE POV Parang lahat ng nangyari sa akin ay isang bangungot na hindi ko kayang matakasan. Isang linggong pagkakaratay, paulit-ulit na bumabalik sa akin ang alaala ng aksidente ang malakas na sigaw ni Janice at Lander, ang pagharurot ng
Bumalik ako sa veranda at tumitig sa mga ulap sa malayo. Ramdam ko ang pag-aalangan nila, pero mas matindi ang tanong sa puso ko. “Sabihin n’yo na,” bulong ko, kahit na alam kong mahirap ang sagot. Tahimik pa rin sila. Ang tanging narinig ko lang ay ang tunog ng hangin na dumadampi sa paligid. Tahimik kaming nakaupo sa veranda, pero ramdam ko ang bigat ng bawat segundo. Kita ko ang kaba sa mukha nina Janice, Lander, at Dok Marco. Wala na silang kawala. Alam kong may itinatago sila, at sa wakas, napagdesisyunan nilang aminin na ang totoo. “Claire…” nagsimula si Janice, hawak-hawak ang kamay ko. “May kailangan kaming sabihin sa’yo, pero sana maintindihan mo na ginawa namin ito para sa’yo.” Tumingin ako kay Marco at Lander. Tumango si Marco, parang binibigyan si Janice ng pahintulot na magpatuloy. “Claire,” sabi ni Lander, malalim ang buntong-hininga. “May sakit ka sa puso. Nalaman namin ito nung naaksidente ka. Napansin ng doktor na may irregularity sa tibok ng puso mo, at l
EDWARD POV Ang araw na to ay puno ng kabiguan, galit, at mga alaalang hindi ko kayang kalimutan. Hindi ko pa rin matanggap na si Claire na palaging nandiyan para sa akin ay bigla na lang umalis at iniwan ako. Ang mas masakit dun ay nang makita ko ang mga litrato ni Claire at ng lalaking iyon, parang nawala na ang huling pag-asa sa puso ko. Hindi ako nagpakita ng kahinaaan sa harapan ni Lexie pero hindi ko din kayang itago ang matinding galit na nararamdaman ko. Nagtagal ako sa opisina kahit na nakauwi na ang lahat ng mga tauhan habang hawak-hawak ko ang mga litrato ni Claire na ipinakita sa akin ni Lexie. Pero kahit na anong tago ko ay naningkit ako sa galit habang pinagmamasdan ang mga litratong ito. Si Claire ay masayang kasama ang lalaking iyon at nakangiti na tila walang inaalala. Ilang panahon na din magmula ng huli ko siyang nakita. Wala na ang dating Claire na iniisip kong hindi kayang mabuhay ng wala ako. Hindi ko na siya kilala. “Alam mo ba kung anong klaseng tao siya?”
Ito pala ang plano ni Andrew mula pa noong una, balak pala niyang mag-propose sa akin sa mismong birthday ko.Hayop ka Jackie!, alam mo pala ang plano ng anak mong mag-pakasal sa akin sa pagbabalik niya mula sa business trip niyang ito. Kaya pala ganoon na lang ang pagmamadali niyong mag ina na itulak ako sa kama ng ibang lalaki! Sinong mag aakala na papalpak ang plano niyo at kay Arthur ako mapupunta!“napaka dimonyo mong ina!” Galit na galit ako!Sobrang galit na galit ako kay Jackie!Nagagalit ako dahil pinapatay ako ng kunsensya dahil sa biglaang pagtalikod ko kay Andrew. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko kahit magalit pa ako?Tapos na ang lahat. Hindi ko na maaaring balikan ang nakaraan namin ni Andrew.Sunod-sunod ang pagtawag ni Andrew sa akin.Paulit-ulit kong kinakansel iyon, hanggang sa tuluyan ko ng patayin ang telepono ko at naupo nang mag-isa sa tabi ng park.Tahimik akong nakaupo roon, nakatulala nang matagal, bago ko muling binuksan ang telepono ko at tinawagan ko s
Ang buong restaurant ay napuno ng mga paborito kong bulaklak. Bago pumasok sa loob ng resto, ang mga puno ng sycamore sa magkabilang gilid ay nakasabit ang mga makukulay na ilaw at iba't ibang "birthday wishes" at "love" na mga card. Ang mga makukulay na ilaw ay kumikislap, ang simoy ng hangin sa gabi ay humahaplos sa aking katawan, at ang paligid ay puno ng isang romantikong atmospera. Sumunod ako sa kasamahan ni Andrew papasok sa looban ng resto nang medyo malabo ang iniisip. Hindi ko kagad nagets ang mga nangyayari pero na wiwirduhan ako. Nakita ko ang mga kasamahan ni Andrew sa kaniyang trabaho na may hawak na mga heart-shaped balloons ng iba't ibang kulay, na kusang bumubuo ng isang bilog, na may ngiting may pagpapala sa kanilang mga mukha. Sa gitna ng resto ay may malaking projection screen na kasing taas ng isang tao. Matapos ang dalawang malalakas na tunog, lumitaw ang imahe ni Andrew sa screen. Naka-Formal attite siya, may suot na pulang bow tie, may hawak na isang bu
SA OPISINANakahinga ng maluwag si Ella nang matiyak niyang alam ni Arthur na ngayong araw ay birthday ni Frances. Pagdating ng oras ng tanghalian, hinanap niya si Frances para mag-lunch.FRANCES POVBinuksan ko ang cellphone ko at tiningnan ito, at naalala ko na iniiwasan ako ni Arthur kaninang umaga kahit pa alam kong mag flight siya ngayon, kaya't bigla akong tumango ng malungkot.Pero dahil kilala ako ni Ella, alam niyang may hindi okay na nangyayari sa akin. Kinuha niya ang cellphone ko at tinignan ang mga message ko.Sa huli, nagbiro na lang si Ella sa akin "Baka gusto ka niyang sorpresahin ka. Pinipigilan niya lang ngayon at hindi ka pinapansin, tapos bibigyan ka ng sorpresa pagkatapos ng trabaho. Para maging emosyonal ka at ma touch ka!” Tumingin ako kay Ella at ngumiti "Saan mo na naman natutunan lahat ng 'yan?"Itinaas ni Ella ang kanyang baba nang may kumpiyansa, "Maghintay ka lang!"Pagdating namin sa canteen, tinawagan ko iba pa naming mga kasamahan at trineat ko sila
FRANCES POVKinabukasan, nagising ako ng maaga para magluto ng almusal, gusto ko sanang magka-ayos kami ng aking asawa sa aming alitan nitong nakaraang gabi. Halos hindi kasi niya ako pinapansin, sa di ko malamang dahilan. Masaya naman kami noong nakaraang araw pero biglang nagbago ang mood niya kagabi.Marahan akong kumatok sa pinto ng guest room pero walang Arthur na sumagot mula sa kabilang bahagi ng kwarto kaya naman nagdesisyon na akong pumasok na.Habang naglalakad, hindi maipinta ang mukha ko, kakaibang kalungkutan ang bumabalot sa aking katauhan.Pagdating ko sa pintuan ng Office ko ay biglang nanakbo si , Ella papunta sa akin at sinadya akong banggain, kinuha niya ang isang regalo at inabot sa akin . "Frances, Happy Birthday!"Sandali akong napatigil, at saka ko lang naalala na birthday ko pala ngayong araw. Magmula naman kasi ng mamatay si Mama, kinalimutan ko ng mag celebrate ng birthday. Para sakin ang araw sa buong taon ay normal lang. Kinuha ko ang regalo at walang gan
Sa totoo lang nainis ako sa mga sinabi niya kaya sinagot ko din sila ng nararapat na sagot.“Teka lang huh…Una sa lahat ang obligasyon namin si Papa, at FYI nagbibigay kami ng pang gastos ni Papa.Pangalawa, hindi niyo nga ako tinuring na anak niyo, ngayon kung maka-asta ka akala mo ay talagang ulirang ina ka?At pangatlo, bakit hindi niyo pag-trabahuhin yang si Ate Leonor. Hindi yung aasa lang siya sa binibigay namin kay Papa. Kung tutuusin siya ang pinaka-matanda sa amin pero siya ang pinaka-walang pinagka-katandaan.” agad na napa-ismid si Tita Mylene pero nagmatigas siyang umalis ng kusa.Napaisip ako, ngayon lang ako nakakita na niyawyawan ng kaniyang mapang-aping madrasta sa sarili nitong bahay, pagka bukas na pagkabukas pa lang ng pinto. ANo pa nga bang magagawa ko, kung palalayasin ko sila malamang na gagawan nila ito ng malaking issue kaya naman hinayaan ko na lang silang pumasok. Inalok ko na lang sila ng juice. Alam kong may naglalaro na naman sa isip ng mga ito kaya nand
Kagaya ng hindi ko pagyayabang, bumungad sa kanila ang isang mala mansyong bahay na tinitirahan namin ni Arthur. Hindi ko kailanman flinex sa aking social media account ang aming bahay dahil hindi naman ito sa akin. “Tang in*! Frances, ito ang bahay niyo?!” sigaw ng kasamahan kong bakla na halos ikahulog ko na sa golf cart sa sobrang pagkagulat.Napakamot ako ng ulo at napabuntong-hininga. “Bwisit ka bakla, gulat na gulat ako sayo!, oo ito yung bahay namin.” Ngunit hindi agad sila gumalaw. Nakabuka ang mga bibig nila, tila hindi pa rin makapaniwala sa nakikita nila sa kanilang harapan. Si Kristal, na kanina ay puro kayabangan ngayon ay halatang hindi makasabay sa pangyayari. Kahit na inaatake siya ng pride niya dahil sa dami ng paninirang sinasabi niya sa akin sa opisina ay hindi rin maipagkailang namangha din siya sa bahay na tinutuluyan namin ni Arthur. “Frances… ito ba talaga ang bahay mo?” tanong ng isa na hindi pa rin makapaniwala.“Hindi. Trip ko lang pumasok para sa staycat
FRANCES’ POV Pagdating ng Sabado, maaga akong nagbihis ng komportableng damit at tumungo sa tagpuan kung saan ko sasalubungin ang mga kasama ko sa trabaho. Isa-isa na silang dumating, at agad akong binati ng ilan sa kanila. “Congratulations sa promotion mo, girl!” sigaw ni Mary, sabay tapik sa balikat ko. Ngumiti ako at isa-isang nagpasalamat. Habang naghihintay pa sa iba, naisipan kong bumili ng maiinom sa mini-store sa kanto. Tahimik lang ang paligid nang biglang dumating si Kristal, ang babaeng kilalang mahilig mambara at laging may masasabi tungkol sa iba. “Oh, dito ba ‘yung inyo?” tanong niya, sabay irap sa mumurahing apartment sa harapan namin. “Anong apartment number ‘yung bahay niyo?” Bago pa ako makasagot, sumabat na ang isa pang kasamahan namin na malapit kay Kristal. “Oo nga, Ma’am! Dapat sa susunod lumipat ka na ng mas magandang apartment. Hindi bagay sa isang aviation manager ang nakatira sa ganitong klaseng bahay!” Napataas ang kilay ko at napatingin kay Ella. Hin
[Gusto ko lang magtanong, may boyfriend na nga ba talaga si Miss Frances?] Matapos ang maanghang na akusasyon laban kay Frances , ngayon lahat ay pumabor sa kaniya. Napapangiti naman si Mr. Rivera sa kaniya.Kagaya ng orihinal na dahilan kung bakit nagpunta si Frances sa restaurant ay nagsimula ang kanilang meeting. Ilang discussiona ng naganap sa pagitan nila at hindi din nagtagal ang meeting na iyon. Bumalik siya sa opisina. Nagulat siya ng salubungin siya ng kaniyang mga kasamahan.“Frances, congratulations!”“Frances, treat mo kami this time!”“Tama, Frances, weekends naman sa susunod na araw, mas okay siguro kung sa bahay niyo tayo mag-celebrate. Para makatipid at double celebration na din tayo. Ang pagkaka promote sayo officially at ang kasal mo.”Hindi naman kaagad nakasagot si Frances. Sa kalagitnaan ng pangungulit ng mga kasamahan niya ay biglang tumunog ang kaniyang cellphone. “Hello!”“Love, mukhang pagod ka? Hindi mo ata hiyang ang magpanggabi. Dibale malapit na din n
Pagkatapos sabihin ni Mr. Rivera ay naglakad na sila pabalik sa loob ng restaurant. Ngunit napansin ni Frances na mula sa di kalayuan ay may nagkakagulong mga tao at kumakapal na kamera na nagmumula sa mga vloggers, isang babae ang napansin nilang nagpunta sa isang sulok. Halata ang pagkabalisa sa kanyang mukha, at tila gusto niyang maglaho na lang sa hangin.Pero hindi nagtagal, agad siyang pinalibutan ng mga vloggers."Ikaw ang may pakana ng lahat ng ito! Sabi mo may relasyon si Mr. Rivera at Frances! Ng dahil sayo muntik pa akong makasuhan" singhal ng isang lalaki habang nakatutok ang camera sa kanya.“Oo nga, hayop ka. Mali-mali ang mga impormasyong sinasabi mo samin!”“Kaya nga pahamak ka!” "Ano ang masasabi mo na nalantad na ang totoo?" sigaw naman ng isa pa.Napayuko ang babae at hindi niya alam kung paano ipagtanggol ang kaniyang sarili. Pero wala na siyang lusot. Nalantad na ang katotohanan, ang mga maling ipinakakalat niya dahil sa galit kay Frances ay nalantad na. Si Al