Hello po, Marami pong nagtatanong kung bakit wala pa yung story nina Gigi at Gray. Kagaya po nang nasabi ko, tatapusin ko po muna itong PLANNING HIS WEDDING. Gusto ko pong magconcentrate sa isang story lang, kapag dinagdagan ko pa ay baka ma-sacrifice ang quality ng pagkakasulat. Hindi pa po ako kasing bihasa ng mga beterano at talented writers dito sa GoodNovel na kayang pagsabay sabayin ang pagsusulat ng 2 or more stories.Isa pa, baka po malito ako sa mga characters. Baka po sa SPG, magising na lang na magkatabi sina Miguel at Gray. Dyos ko day! Luluhod ang mga tala! Tapos makikisali pa si Enzo. Naku po wag naman! Diko keri mga momshie!Baka mamaya nyan, ako naman ang sumunod na pasyente ni Dr. Mike. Kaya isa-isa lang po, mahina ang kalaban. Pagkatapos po nito, saka ko isusunod yung kina Gigi. Yun lang po at maraming salamat!KARA NOBELA****Choose your life’s mate carefully. From this one decision will come 90 percent of all your happiness or misery.****
Ella POV “Okay ka na ba? Gusto mo ipagdrive na lang kita?” alok ko kay Macy, kaibigan at boss ko sa trabaho. Umiling ito habang may pag-aalala pa rin sa kanyang mukha. “Okay lang best, kaya ko pa namang magdrive. Basta ikaw nang bahalang sa bagong clients natin ha. Ikaw na rin ang magpaliwanag kung bakit hindi ako makakarating.” anito. Katatanggap lang kasi ni Macy ng tawag na isinugod sa hospital ang ina. Kaya naman kailangan na nitong umalis agad kahit may imi-meet pa sana itong bagong clients. “Relax ka lang, ako nang bahala. Puntahan mo na si tita.” pagbibigay ko ng assurance sa kanya. “Thank you bestie!” anito na mukhang nakahinga nang maluwag at nagmamadaling umalis. “Mag-ingat ka sa pagda-drive.” pahabol kong bilin sa kanya. Hindi na bago sa amin ang mga ganitong eksena na ipapasa ang trabaho sa isa’t isa kapag may mga emergency na kagaya ngayon. Assistant wedding coordinator ako sa ahensya na pag-aari ni Macy, ang BRIDES. Kapag mga bigating kliyente ay siya ang
Ella POV Nakalahad ang palad ni Miguel at para bang kay hirap para sa akin na tanggapin yun. Ganun pa man ay kailangan kong paglabanan kung ano man ang aking nararamdaman. Wala akong makitang kakaibang emosyon sa kanyang mga mata. Natural at tila ba ngayon lang kami unang nagkita. Kabaliktaran naman sa aking nararamdaman. Pakiramdam ko ay mabubuwal ako ano mang oras mula ngayon. “Nice meeting you too Mr. dela Vega.” pilit akong nagsalita nang pormal. Propesyonal akong ngumiti at tumingin sa kanya upang hindi ko maipagkanulo ang totoong nararamdaman ko sa mga oras na ito. Sabay kaming naupo. Nilingon ni Sofia si Miguel na kauupo lang. “Sorry I’m late.” mahinang wika ni Miguel sa nobya nang magsalubong ang kanilang mga mata. “It’s okay Migs, hindi pa kami nagsisimula.” maaliwalas ang mukha ni Sofia na sumagot. Migs? Walang ibang tumatawag ng “Migs” kay Miguel kundi ang malalapit na tao lang para sa lalaki. Kagaya ng magulang at ang dalawang nakababata kapatid nito. Yun din
Ella POV Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa aking sasakyan. Mula sa restaurant hanggang sa maka-upo ako sa driver seat, pakiramdam ko ay nakalutang ako. Hindi ko namalayang basang basa na pala ang aking magkabilang pisngi dahil sa walang humpay na pagpatak ng aking mga luha. Muling rumehistro sa akin ang magandang relasyong namamagitan kina Miguel at Sofia. Ang lalaking dati ay mahal na mahal ako at nagmamakaawang wag ko siyang iwan, ngayon ay wala na akong makitang init sa mga mata kapag nagsasalubong ang aming paningin. Ni galit ay wala rito, ibig sabihin ay wala na nga talaga ako sa buhay niya. Napahagulhol ako ng malakas at napasubsob sa manibela. Ang sakit! Pero hindi ba’t ito naman talaga ang gustong kong mangyari, ang maka-move on siya sa akin…, ang kalimutan at alisin ako sa buhay niya…., pero napakasakit pala! Naalala ko ang nagmamakaawang mukha ni Miguel noong iwan ko siya. Mapait na lang akong napangiti. Mahal na mahal ko si Miguel. Masakit at parang din
Ella POV Isang linggo na ang nakalipas mula nang magkita kaming muli ni Miguel. Wala na akong narinig pang update tungkol sa kasal nito. Alam kong sinasadya ni Macy na wag nang banggitin ang tungkol dito na siyang ipinagpapasalamat ko. Mabuti na rin yun, tanggap ko nang wala talagang pag-asa sa pagitan namin ni Miguel kahit pa mahal na mahal ko pa rin siya. Pilit kong ibinalik sa normal ang aking routine at kinalimutan ang naging pagtatagpo namin. Inabala ko rin ang aking sarili sa mga bagong proyektong ibinigay sa akin ni Macy. “Hulaan mo kung kanino galing to?” masayang sabi ni Dino. Si Dino ay isa sa PR team namin at isang binabae. Bukod sa katrabaho ay naging malapit na kaibigan na rin namin siya ni Macy. Bukod kay Dino ay may walo pa kaming mga katrabaho na narito sa opisina bukod pa sa mga florists at logistic team na mas madalas ay sa venue namin nakikita. Minana ni pa Macy ang kumpanya mula sa kanyang ina na itinayo nitong mag-isa. Kagagaling lang ni Dino sa labas
Ella POV“What?” gulat na sambit ko.“You heard me right. Gusto ni Miguel na ikaw ang maging field assistant nila. Alangan namang tanggapin ko yun. C’mon Ella, hindi ko magagawa sayo yun, kahit pa gipit na gipit na ako, and besides, hindi naman naghihirap ang company natin kaya hindi pa ’ko desperada na tanggapin ang demand niya.” paliwanag ni Macy.Parang ang hirap iprocess sa utak ko ang sinabi niyang gustong mangyari ni Miguel. “Bakit ako? It doesn't make sense at all.” naguguluhan kong tanong. Tanong hindi para kay Macy kundi para sa sarili ko.“I know. Sabi niya, he prefers to work with someone he knows, but i doubt it.” ani Macy. Napaupo na lang ako na pilit iniisip kung ano ba talaga ang nangyayari. “Paano kung may galit pala siya sayo at gusto ka nyang gantihan? Eh di ako pa itong naglagay sayo sa kapahamakan.” mapaklang napatawa si Macy sabay inom ng kape na tinimpla ko.Napabuntong hininga ako. Alam ko naman na kahit magprinsinta akong ituloy ang project ay hindi pa rin
Ella POV Be my field assistant?!?! Tama ba ang narinig ko? Buong pagtataka akong napatingin kay Miguel. Nagbibiro ba siya? Kilala ko ang tingin na yun. Kilalang kilala ko siya at alam kong seryoso talaga siya sa sinasabi nya. Nilingon ko muna Jerald na tahimik lang na nakayuko. Halatang kinakabahan pa rin sa pwedeng mangyari sa kanya. “Jerald, dito ka lang. Mag-uusap lang kami.” wika ko dito at saka muling hinarap si Miguel. “Mr. dela Vega, pwede bang sa labas tayo mag-usap?” tanong ko dito. Hindi ito sumagot bagkus ay tumayo at walang sabi sabing naglakad palabas ng presinto. Tahimik lang akong sumunod sa kanya at nang nasa labas na kami ay agad akong nagsalita “Bakit kailangang ako pa? Si Macy na nga ang may hawak sa wedding plans nyo. Siya mismo ang Senior wedding coordinator at pinakamahusay sa kumpanya namin. We are offering you the best person to take care of your dream wedding.” bungad ko. “Ms. Chavez, I'm the client here so I can make demands without needing
San ba kumukuha ng inspirasyon ang mga writers para sa mga kwentong isinusulat? In my case, mostly ay galing sa mga totoong pangyayari. Yung mga linyahan na binibitawan ng mga characters lalo na sa comedy ay ganun din kung paano ako magsalita sa totoong buhay kaya natural na lumalabas kapag isinulat na. Itong story naman ni Ella ay inspired mula sa totoong pangyayari na naganap ilang taon na ang nakaraan. Kaya naman kung mapapansin ninyo, may mga pangyayari or eksena na medyo outdated lalo na pagdating sa usaping teknolohiya. PALALA: Lahat po ng stories ko ay Rated 18+ bawal ang bata. Pwede itong maglaman ng topic about sekswal, premarital séx, infidelity and violence. Kung adult ka naman na masyadong sensitive at sobrang conservative, please ngayon pa lang itigil mo na po ang pagbabasa ng mga stories ko, madidisappoint lang po kayo. Don't come back to me later and complain. Para good vibes lang kami dito. Sorry po but this is my style of writing. Thousands po ang stories dito sa
Hello po, Marami pong nagtatanong kung bakit wala pa yung story nina Gigi at Gray. Kagaya po nang nasabi ko, tatapusin ko po muna itong PLANNING HIS WEDDING. Gusto ko pong magconcentrate sa isang story lang, kapag dinagdagan ko pa ay baka ma-sacrifice ang quality ng pagkakasulat. Hindi pa po ako kasing bihasa ng mga beterano at talented writers dito sa GoodNovel na kayang pagsabay sabayin ang pagsusulat ng 2 or more stories.Isa pa, baka po malito ako sa mga characters. Baka po sa SPG, magising na lang na magkatabi sina Miguel at Gray. Dyos ko day! Luluhod ang mga tala! Tapos makikisali pa si Enzo. Naku po wag naman! Diko keri mga momshie!Baka mamaya nyan, ako naman ang sumunod na pasyente ni Dr. Mike. Kaya isa-isa lang po, mahina ang kalaban. Pagkatapos po nito, saka ko isusunod yung kina Gigi. Yun lang po at maraming salamat!KARA NOBELA****Choose your life’s mate carefully. From this one decision will come 90 percent of all your happiness or misery.****
Ella POVRamdam ko ang malambot na higaan at ang malambot na kumot na nakabalot sa aking katawan. Naamoy ko ang pamilyar na pabango na dumadampi sa ilong ko. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata, pero mukha agad ni Miguel ang una kong nakita.Ngayon ko lang napagtanto na nasa silid na naman niya ako, at ngayon ay nakahiga sa kama niya. Samantalang siya ay naka-upo sa sa mismong harapan ko pa at mukhang kanina pa yata pinapanood ang pagtulog ko.Napabalikwas ako at napa-upo sa kama. Akma pa sana akong tatayo nang pigilan ako ni Miguel.“Wag ka munang tumayo, magpahinga ka muna.” nag-aalalang anito.“Aalis na ako.” sagot ko kahit pa kutob ko nang hindi ako nito papayagan.Tumayo ako para hanapin ang bag ko. Nakapatong ito sa side table kaya nilapitan ko ito at binuksan.“Pagkatapos kong iwan yung importanteng lakad ko para sayo, iiwan mo lang basta ako?” anito at marahang humahakbang papalapit sa akin.“Kailangan kong balikan yung kaibigan ko, baka hinahanap na niya ako.” sago
Ella POVTanghali pa lang ay nasa bahay na ako nina Ella para paghandaan ang Gala night mamayang gabi. Ano naman kayang aasahan ko sa mga kasama sa bahay, eh puro lalaki ang mga yun. Mas okay dito, matutulungan pa ako ni Macy na mag-ayos. Hindi ko naman kailangan ang bonggang make-up. Wala si tita ngayon dahil nasa Cavite ito para bisitahin ang mga paupahang bahay nila.“Ayan, mas lalo ka pang gumanda.” nakangiting wika ni Macy.Siya ang nagmake-up sa akin. Marunong naman siya kahit paano, nagustuhan ko nga ang resulta. Hindi masyadong makapal pero maganda ang pagkaka-apply.“Maiinlove lalo sayo si dok Enzo kapag nakita ka.” anito.“Sira, pero salamat. Pwede ka nang make-up artist.” nakangiti kong sagot.“Sana balang-araw may lalaki ring maiinlove sa akin at titingnan niya ako na parang ako ang pinakamagandang babae sa mundo.” ani Macy habang inaayos nito ang kanyang make-up kit.Napalingon tuloy ako sa sinabi nito. Parang may hugot kasi yung pagkakasabi niya. Ang bestfriend ko, humo
Ella POVNaglalaro kami ni Jerald ng baraha nang bumalik si kuya June. May dala itong pagkain na binili niya sa night market. Inayos namin ang hapag kainan habang si kuya naman ay nagpapalit ng pambahay. Sabay sabay na kaming kumain ng hapunan. Ako ang pinaka-unang natapos, panay kasi ang kwentuhan ng mag-ama kaya antagal nilang kumain, kaya nagpaalam muna ako at nagdiretso sa banyo para maligo. Pagkatapos kong magsuot ng pangtulog ay humarap ako sa salamin. Bukas na ng gabi ang Gala night at naisip kong kailangan ko nga palang mag make-up bukas. Kaya naman dapat maganda rin ang kutis ko para hindi magaspang ang aking mukha kapag pinatungan na ng make-up. Bumalik ako sa banyo at kinuha sa drawer ang charcoal mask. Kailangan ko ito para naman hindi masyadong oily ang mukha ko bukas, at para na rin malinis ang pores ko. Marahan kong in-apply ang itim na mask sa aking mukha. 15 to 20 minutes pa bago ito matuyo saka ko ito tatanggalin. Habang naghihintay na matuyo ang mask ko ay nais
Ella POVBreak time namin at nagtitimpla ako ng kape ng lumapit sa akin si Macy. Kumuha ito ng tasa at inabot sa akin sabay ngiti. Understood na yun, nagpapatimpla din siya.“Okay ka na ba talaga? Kaya mo nang magtrabaho” tanong ko sa kanya.Tinungo nito ang coffee table at naupo. “Okay na ‘ko. Wala rin naman akong tatrabahuhin sa ngayon. Kasi naman yang ex mo, kinansel ba namang lahat ng sched nila.” anito na nakalukot ang mukha.Speaking of, matapos nang ginawa niya kahapon sa fitting room ay nagmamadali akong nagpaalam kay Ms. Martina dahil sa takot na baka kung anong kapangahasan na naman ang gawin ni Miguel doon. Kanina pa nga sya tawag ng tawag pero hindi ko sinasagot dahil naiinis ako sa ginawa niya.“Akala ko minamadali nila ang kasal pero nakakapagtaka, lahat ng schedule nila pinakansel niya.” naiiling na ani Macy.Nilapitan ko siya para iabot ang kapeng tinimpla ko. Tumayo naman ito at nagsimula na kaming maglakad pabalik sa pwesto namin.“Bakit daw?” tanong ko. Pinakaswal
Ella POVKinabukasan, nalaman kong hindi papasok si Dino dahil may hang-over daw ito dahil naparami ang inom kagabi. Naiiling na lang ako dahil ang usapan kagabi ay walang maglalasing dahil nga may pasok pa ngayon. Si Macy naman ay isang oras na late nang dumating sa opisina. Ngayon lang nangyari sa kanila ito. Mukhang lutang pa si Macy nang dumating. Tumayo ako at nagtimpla ng kape para sa aming dalawa. Kumatok muna ako bago ako pumasok sa silid niya. Kita ko nangangalumata pa siya, dahil nangingitim ang eyebags niya. “Kape.” wika ko sabay abot ng tasa sa kanya. Tipid siyang ngumiti sa akin, puyat pa nga. Natawa tuloy ako sa itsura niya.“Wag mong sabihing nag-inom ka rin?” tanong ko sa kanya.“Konti lang.” anito at saka humigop ng kape.“Kumusta pala si Enzo, nagstay ba siya sa bar pag-alis ko?” tanong ko. “Medyo.” tipid na sagot ni Macy.Natuwa ako sa narinig, ibig sabihin kahit paano ay nag-enjoy ito kasama ang dalawa.“Kasabay nyo ba siyang umuwi?” tanong ko pa. Hindi sumasag
Ella POVHindi ako makagalaw dahil sa higpit ng yakap sa akin ni Miguel habang sinasakop niya ang bibig ko.Matagal bago ako naka-ipon ng lakas para itulak siya at nagtagumpay naman ako. Sapo ko ang aking bibig na namaga yata dahil sa paghalik niya.“Ano ba Miguel?!!” daing ko. Ang sakit kasi ng labi ko. Habang iniinda ko ang diin ng halik niya, siya naman ay marahang hinahagod ang kanyang ibabang labi gamit ang hinlalaki, na parang ninanamnam pa ang halik na nangyari.“Bakit ka ba narito?” tanong ko nang makabawi ako.“Sinusundo ka.” kaswal nitong tugon.“Wag ako ang problemahin mo, umuwi ka na. Hindi ka man lang ba naaawa sa girlfriend mo? Baka hinahanap ka na niya.” Kita ko ang paniningkit ng mga mata nito.“That’s why I’m here, para i-uwi ang girlfriend ko.” anito. Gusto kong matawa sa sinabi niya pero nag-aalala na rin ako dahil baka hinahanap na ako ng mga kasama ko na nasa loob ng bar. Baka nagtataka na ang mga ito kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako bumabalik
3rd Person POVPaglabas nila sa trabaho ay nadatnan nila si Enzo na nag-aabang sa labas. Iniwan na lang ni Ella ang sasakyan sa parking lot at nakisabay kay Enzo papuntang bar. Pinagbigyan na niya ang lalaki na isabay siya nito tutal ay nagse-celebrate ito dahil sa pagka promote. Special day ito ng kaibigan kaya pagbibigyan na niya kahit ngayon lang.Nagtext si Ella sa kapatid na medyo male-late siya nang uwi. Wala naman siyang balak magtagal sa bar. Kakain lang siya, ganun. Nasa biyahe pa lang sila ay nakatanggap na si Enzo ng message mula sa pinsan nitong si Mike na nasa bar na daw ito. Kaya naman pagdating nila doon ay may nakuha na si Mike na table para sa kanilang grupo.Awtomatikong naupo si Enzo sa tabi ni Ella. Syempre, pagkakataon na niya ito para mapalapit at makaporma sa dalaga. Samantalang si Mike naman ay nakay Macy ang atensyon.“Long time no see Macy.” bati ni Mike dito.“Hi Mike, mabuti naman at nakasama ka rin samin finally.” tugon ni Macy habang si Dino ay pasimple
3rd Person POVIsang malaking kumpol ng mga bulaklak ang muling idineliver sa opisina. Nagkataong malapit sa pintuan si Macy kaya siya na ang nagkusang tumanggap ng mga ito.“Hay naku papa Enzo, naiinlove na talaga ako sayo.” malanding ani Dino na may pagtili pa nang makitang bitbit ni Macy ang mga bulaklak. Kahit paano ay napatawa nito si Ella. Simula ng pumasok siya kaninang umaga sa trabaho ay lutang ang diwa nito. Naglalakbay pa rin ang utak niya sa naging pag-uusap nila ni Miguel kagabi. Ipinatong ni Macy ang bulaklak sa table ni Ella at tulong pa sila ni Dino na isinasalin ang mga ito sa iba’t- ibang flower vase. “Kung kasing yummy din lang ni Enzo, okay na sa akin kahit demonyita ang mother-in-law ko.” pabirong sabi ni Dino at sinabayan siya ni Macy ng tawa. Ikinuwento ni Ella sa mga ito ang engkwentrong nangyari sa pagitan nila ng ina ni Enzo at sa Clarisse na kasama nito.“Saang flower shop ba niya ito binili? Parang mas bongga yata ngayon” ani Dino at hinawakan ang m