Share

Chapter 58

Penulis: Kara Nobela
last update Terakhir Diperbarui: 2025-01-28 00:11:13

3rd Person POV

Isang malaking kumpol ng mga bulaklak ang muling idineliver sa opisina. Nagkataong malapit sa pintuan si Macy kaya siya na ang nagkusang tumanggap ng mga ito.

“Hay naku papa Enzo, naiinlove na talaga ako sayo.” malanding ani Dino na may pagtili pa nang makitang bitbit ni Macy ang mga bulaklak.

Kahit paano ay napatawa nito si Ella. Simula ng pumasok siya kaninang umaga sa trabaho ay lutang ang diwa nito. Naglalakbay pa rin ang utak niya sa naging pag-uusap nila ni Miguel kagabi.

Ipinatong ni Macy ang bulaklak sa table ni Ella at tulong pa sila ni Dino na isinasalin ang mga ito sa iba’t- ibang flower vase.

“Kung kasing yummy din lang ni Enzo, okay na sa akin kahit demonyita ang mother-in-law ko.” pabirong sabi ni Dino at sinabayan siya ni Macy ng tawa.

Ikinuwento ni Ella sa mga ito ang engkwentrong nangyari sa pagitan nila ng ina ni Enzo at sa Clarisse na kasama nito.

“Saang flower shop ba niya ito binili? Parang mas bongga yata ngayon” ani Dino at hinawakan ang m
Bab Terkunci
Lanjutkan Membaca di GoodNovel
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (4)
goodnovel comment avatar
Fei Koh
Sana wala namang gawing di mabuti c Enzo mapasakanya lang c Ella.
goodnovel comment avatar
Decembersix Chua
hayyy Nako pag ibig nga Naman hahahahah . haba Ng hair mo Ella hehheeheh
goodnovel comment avatar
Marie Austria Gatm
hahahaha natakot na SI Enzo pro kahit ano Gawin mo dk mananalo Kay Miguel haha.
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

  • Planning His Wedding   Chapter 59

    3rd Person POV Paglabas nila sa trabaho ay nadatnan nila si Enzo na nag-aabang sa labas. Iniwan na lang ni Ella ang sasakyan sa parking lot at nakisabay kay Enzo papuntang bar. Pinagbigyan na niya ang lalaki na isabay siya nito tutal ay nagse-celebrate ito dahil sa pagka promote. Special day ito ng kaibigan kaya pagbibigyan na niya kahit ngayon lang. Nagtext si Ella sa kapatid na medyo male-late siya nang uwi. Wala naman siyang balak magtagal sa bar. Kakain lang siya, ganun. Nasa biyahe pa lang sila ay nakatanggap na si Enzo ng message mula sa pinsan nitong si Mike na nasa bar na daw ito. Kaya naman pagdating nila doon ay may nakuha na si Mike na table para sa kanilang grupo. Awtomatikong naupo si Enzo sa tabi ni Ella. Syempre, pagkakataon na niya ito para mapalapit at makaporma sa dalaga. Samantalang si Mike naman ay nakay Macy ang atensyon. “Long time no see Macy.” bati ni Mike dito. “Hi Mike, mabuti naman at nakasama ka rin samin finally.” tugon ni Macy habang si Dino a

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-28
  • Planning His Wedding   Chapter 60

    Ella POV Hindi ako makagalaw dahil sa higpit ng yakap sa akin ni Miguel habang sinasakop niya ang bibig ko. Matagal bago ako naka-ipon ng lakas para itulak siya at nagtagumpay naman ako. Sapo ko ang aking bibig na namaga yata dahil sa paghalik niya. “Ano ba Miguel?!!” daing ko. Ang sakit kasi ng labi ko. Habang iniinda ko ang diin ng halik niya, siya naman ay marahang hinahagod ang kanyang ibabang labi gamit ang hinlalaki, na parang ninanamnam pa ang halik na nangyari. “Bakit ka ba narito?” tanong ko nang makabawi ako. “Sinusundo ka.” kaswal nitong tugon. “Wag ako ang problemahin mo, umuwi ka na. Hindi ka man lang ba naaawa sa girlfriend mo? Baka hinahanap ka na niya.” Kita ko ang paniningkit ng mga mata nito. “That’s why I’m here, para i-uwi ang girlfriend ko.” anito. Gusto kong matawa sa sinabi niya pero nag-aalala na rin ako dahil baka hinahanap na ako ng mga kasama ko na nasa loob ng bar. Baka nagtataka na ang mga ito kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa ri

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-29
  • Planning His Wedding   Chapter 61

    Ella POVKinabukasan, nalaman kong hindi papasok si Dino dahil may hang-over daw ito dahil naparami ang inom kagabi. Naiiling na lang ako dahil ang usapan kagabi ay walang maglalasing dahil nga may pasok pa ngayon. Si Macy naman ay isang oras na late nang dumating sa opisina. Ngayon lang nangyari sa kanila ito. Mukhang lutang pa si Macy nang dumating. Tumayo ako at nagtimpla ng kape para sa aming dalawa. Kumatok muna ako bago ako pumasok sa silid niya. Kita ko nangangalumata pa siya, dahil nangingitim ang eyebags niya. “Kape.” wika ko sabay abot ng tasa sa kanya. Tipid siyang ngumiti sa akin, puyat pa nga. Natawa tuloy ako sa itsura niya.“Wag mong sabihing nag-inom ka rin?” tanong ko sa kanya.“Konti lang.” anito at saka humigop ng kape.“Kumusta pala si Enzo, nagstay ba siya sa bar pag-alis ko?” tanong ko. “Medyo.” tipid na sagot ni Macy.Natuwa ako sa narinig, ibig sabihin kahit paano ay nag-enjoy ito kasama ang dalawa.“Kasabay nyo ba siyang umuwi?” tanong ko pa. Hindi sumasago

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-29
  • Planning His Wedding   Chapter 62

    Ella POV Break time namin at nagtitimpla ako ng kape ng lumapit sa akin si Macy. Kumuha ito ng tasa at inabot sa akin sabay ngiti. Understood na yun, nagpapatimpla din siya. “Okay ka na ba talaga? Kaya mo nang magtrabaho” tanong ko sa kanya. Tinungo nito ang coffee table at naupo. “Okay na ‘ko. Wala rin naman akong tatrabahuhin sa ngayon. Kasi naman yang ex mo, kinansel ba namang lahat ng sched nila.” anito na nakalukot ang mukha. Speaking of, matapos nang ginawa niya kahapon sa fitting room ay nagmamadali akong nagpaalam kay Ms. Martina dahil sa takot na baka kung anong kapangahasan na naman ang gawin ni Miguel doon. Kanina pa nga sya tawag ng tawag pero hindi ko sinasagot dahil naiinis ako sa ginawa niya. “Akala ko minamadali nila ang kasal pero nakakapagtaka, lahat ng schedule nila pinakansel niya.” naiiling na ani Macy. Nilapitan ko siya para iabot ang kapeng tinimpla ko. “Bakit daw?” tanong ko. Pinakaswal ko lang ang kilos at salita ko pero ang totoo ay kinakabahan ako

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-30
  • Planning His Wedding   Chapter 63

    Ella POV Naglalaro kami ni Jerald ng baraha nang bumalik si kuya June. May dala itong pagkain na binili niya sa night market. Inayos namin ang hapag kainan habang si kuya naman ay nagpapalit ng pambahay. Sabay sabay na kaming kumain ng hapunan. Ako ang pinaka-unang natapos, panay kasi ang kwentuhan ng mag-ama kaya antagal nilang kumain, kaya nagpaalam muna ako at nagdiretso sa banyo para maligo. Pagkatapos kong magsuot ng pangtulog ay humarap ako sa salamin. Bukas na ng gabi ang Gala night at naisip kong kailangan ko nga palang mag make-up bukas. Kaya naman dapat maganda rin ang kutis ko para hindi magaspang ang aking mukha kapag pinatungan na ng make-up. Bumalik ako sa banyo at kinuha sa drawer ang charcoal mask. Kailangan ko ito para naman hindi masyadong oily ang mukha ko bukas, at para na rin malinis ang pores ko. Marahan kong in-apply ang itim na mask sa aking mukha. 15 to 20 minutes pa bago ito matuyo saka ko ito tatanggalin. Habang naghihintay na matuyo ang mask ko ay

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-30
  • Planning His Wedding   Chapter 64

    Ella POVTanghali pa lang ay nasa bahay na ako nina Ella para paghandaan ang Gala night mamayang gabi. Ano naman kayang aasahan ko sa mga kasama sa bahay, eh puro lalaki ang mga yun. Mas okay dito, matutulungan pa ako ni Macy na mag-ayos. Hindi ko naman kailangan ang bonggang make-up. Wala si tita ngayon dahil nasa Cavite ito para bisitahin ang mga paupahang bahay nila.“Ayan, mas lalo ka pang gumanda.” nakangiting wika ni Macy.Siya ang nagmake-up sa akin. Marunong naman siya kahit paano, nagustuhan ko nga ang resulta. Hindi masyadong makapal pero maganda ang pagkaka-apply.“Maiinlove lalo sayo si dok Enzo kapag nakita ka.” anito.“Sira, pero salamat. Pwede ka nang make-up artist.” nakangiti kong sagot.“Sana balang-araw may lalaki ring maiinlove sa akin at titingnan niya ako na parang ako ang pinakamagandang babae sa mundo.” ani Macy habang inaayos nito ang kanyang make-up kit.Napalingon tuloy ako sa sinabi nito. Parang may hugot kasi yung pagkakasabi niya. Ang bestfriend ko, humo

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-31
  • Planning His Wedding   Chapter 65

    Ella POVRamdam ko ang malambot na higaan at ang malambot na kumot na nakabalot sa aking katawan. Naamoy ko ang pamilyar na pabango na dumadampi sa ilong ko. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata, pero mukha agad ni Miguel ang una kong nakita.Ngayon ko lang napagtanto na nasa silid na naman niya ako, at ngayon ay nakahiga sa kama niya. Samantalang siya ay naka-upo sa sa mismong harapan ko pa at mukhang kanina pa yata pinapanood ang pagtulog ko.Napabalikwas ako at napa-upo sa kama. Akma pa sana akong tatayo nang pigilan ako ni Miguel.“Wag ka munang tumayo, magpahinga ka muna.” nag-aalalang anito.“Aalis na ako.” sagot ko kahit pa kutob ko nang hindi ako nito papayagan.Tumayo ako para hanapin ang bag ko. Nakapatong ito sa side table kaya nilapitan ko ito at binuksan.“Pagkatapos kong iwan yung importanteng lakad ko para sayo, iiwan mo lang basta ako?” anito at marahang humahakbang papalapit sa akin.“Kailangan kong balikan yung kaibigan ko, baka hinahanap na niya ako.” sago

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-31
  • Planning His Wedding   Patalastas Muna....

    Hello po, Marami pong nagtatanong kung bakit wala pa yung story nina Gigi at Gray. Kagaya po nang nasabi ko, tatapusin ko po muna itong PLANNING HIS WEDDING. Gusto ko pong magconcentrate sa isang story lang, kapag dinagdagan ko pa ay baka ma-sacrifice ang quality ng pagkakasulat. Hindi pa po ako kasing bihasa ng mga beterano at talented writers dito sa GoodNovel na kayang pagsabay sabayin ang pagsusulat ng 2 or more stories.Isa pa, baka po malito ako sa mga characters. Baka po sa SPG, magising na lang na magkatabi sina Miguel at Gray. Dyos ko day! Luluhod ang mga tala! Tapos makikisali pa si Enzo. Naku po wag naman! Diko keri mga momshie!Baka mamaya nyan, ako naman ang sumunod na pasyente ni Dr. Mike. Kaya isa-isa lang po, mahina ang kalaban. Pagkatapos po nito, saka ko isusunod yung kina Gigi. Yun lang po at maraming salamat!KARA NOBELA****Choose your life’s mate carefully. From this one decision will come 90 percent of all your happiness or misery.****

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-31

Bab terbaru

  • Planning His Wedding   NOTE

    AUTHOR'S NOTE:Nasabi ko na po dati pa pero uulitin ko na rin, HAPPY ENDING po ito– para sa ibang nagagalit sa akin dahil ipinagpipilitang hindi daw magkakatuluyan si Ella at Miguel, wag po kayong gumawa ng sariling ending na ikasasakit ng ulo nyo, tapos magagalit sakin. Napapaghalata tuloy yung mga readers na malaki ang phobia sa ibang writer, lol... Okay lang po madisappoint sa mga stories, karapatan nyo yan but don’t say bad words. Bad po yun– Minus point sa langit. Lahat po ng isinusulat ko ay pinag-isipan ko, ultimong tuldok at comma. Nakikinig din po ako sa suggestions ng mga readers, dahil minsan mas maganda yung ideas nyo. Kung dati ko na kayong readers, alam ninyong hindi ako nagpapahaba ng kwento. Lahat po nang nangyayari sa kwentong ito ay may dahilan para magtuloy tuloy sa magandang ending. Sa katunayan ay nasa last quarter na po tayo ng story (Bahala na kayong magcompute.) Tatapusin na natin ‘to dahil mukhang umay na kayo sa beauty ko…, Anyway, kahit galit ka, I love

  • Planning His Wedding   Chapter 76

    Ella POVBumalik din si Macy kinabukasan sa Manila. Gustuhin man namin na magtagal siya dito ay hindi pwede dahil kailangan niyang bumalik sa BRIDES at walang makakasama si tita Melby. Hindi niya ito pwedeng iwan ng matagal mag-isa sa bahay nila.Monday na nang bumalik ako sa trabaho. Pagpasok ko sa loob ng spa at bumungad agad sa akin ang banayad na amoy ng lavender. Pagpasok ko ay nadatnan ko sina Lara at Isagani na inaayos ang mga essential oils. Silang dalawa ang naging pinaka close ko simula nang magtrabaho dito sa spa, kahit pa nga mas bata sila sa akin. 21 years olds si Lara, siya ang team leader namin. Ang pagkakaalam ko ay 18 pa lang ito ay nagtatrabaho na siya dito sa Serenity. Si Isagani naman ay 20 anyos, magwa-one year pa lang siya dito.“Ate Ella, dami naming raket kahapon. Buti na lang wala ka, napunta samen lahat.” pabirong ani Isagani, isa siyang binabae pero gupit panlalaki. Ate ang tawag nila sa akin dahil nga mas matanda ako sa kanila.“Pero hindi napunta sayo yu

  • Planning His Wedding   Chapter 75

    Ella POVAng planong magbabakasyon lang at magpapahinga ay hindi nangyari. Naisip ko rin na dagdag income ito at hindi ko pa magagalaw ang ipon ko. Pag nagkaton kasi ay baka ilang buwan din akong hindi susweldo sa BRIDES, kaya mababawasan nang mababawasan ang perang itinatabi ko. Kaya naman next day pagkagaling namin ni Xandro sa Serenity Garden ay napagpasyahan kong bumalik ulit para magpasa ng requirements. Kumpleto naman ako dahil dala ko mga importanteng documents ko dahil nga hindi ko sigurado kung kelan eksaktong balik ko sa Manila. Hindi ko nga sure kung makakabalik agad ako.Ginusto ko na ring magtrabaho sa Serenity dahil napakaganda ng lugar na yun. Killing two birds in one stone kumbaga. May part time na, para pa akong may libreng pabaksayon sa Serenity, libreng access everyday. Magti-three weeks na mula nang dumating ako dito sa Cavite. Hanggang tatlong tao lang ang minamasahe ko sa loob ng isang araw. Hanggang ganun kadami lang ang kaya ko dahil napapagod ako kapag sumob

  • Planning His Wedding   Chapter 74

    Ella POV“Ang ganda dito, sarap sigurong magtrabaho dito.” wala sa sariling nasabi ko habang pinagmamasdan ang paligid. Pagkatapos kasi naming kumain ay nagrequest ako kay Xandro na ilibot nya ako dito sa buong Serenity Garden. May bayad dapat ang paglilibot dito dahil private ang lugar na ito, pero dahil regular na nagdedeliver si Xandro dito, nakakalabas masok siya nang hindi kinakailangang magbayad. Nakita ko ang taniman ng mga sariwang gulay. Ang sabi ni Xandro dito mismo kumukuha ng mga gulay na siyang ginagamit sa mga niluluto nila sa buffet. Lalo na yung pang salad. Isa sa mga nagustuhan ko ay ang floral garden. Ang gaganda ng mga bulaklak. Kagaya ng Tagaytay ay malamig din ang lugar na ito kaya siguro magaganda ang tubo ng mga halaman.“Ano namang aapplyan mo kung magttrabaho ka dito? Hindi ka naman mukhang marunong magtanim.” ani Xandro na parang nang-aasar lang. Hindi ko siya pinansin dahil busy ako sa pag-appreciate sa paligid.“Masahista.” sagot ko. Huminto sa paglala

  • Planning His Wedding   Chapter 73

    Ella POVSunod sunod na doorbell ang nagpagising sa akin. Napabalikwas ako sa pag-aalalang may masamang nangyayari. Baka may sunog o kung ano pa man. Disente naman ang suot kong pantulog, makapal na pajama at ternong long sleeves, tamang tama sa malamig na klima. Nagmamadali akong bumaba at hindi ko na naisip na silipin sa peephole kung sino ang tao sa labas dahil sa pag-aalala. Parang biglang umakyat ang dugo sa ulo ko nang makita si bagyong Xandro. Pinasadahan pa ako nito mula ulo hanggang paa at saka umiling iling.“Bakit di ka pa bihis? Diba sabi ko may pupuntahan tayo ngayon?” Oo nga pala, nakalimutan ko. Napasarap kasi ang tulog ko.“Pasensya na, Sandali magbibihis lang ako.” tugon ko.“Dun ka muna sa tricycle mo baka– “ sasabihin ko sana na wag siyang pumasok dahil hindi maganda na dalawa lang kami dito sa bahay, ngunit naunahan na niya ako. Naitulak na nito ang pinto at nakapasok na agad sa loob ng salas,saka prenteng naupo. Bagsak ang panga kong napatingin sa kanya.“Wag k

  • Planning His Wedding   Chapter 72

    Ella POV “Ikaw ba ang kaibigan ni Macy o girlfriend ng anak ko?” nakangiting tanong ng may edad na babae at tumingin sa tinawag nitong Xandro nakatayo sa tabi ko. Narinig ko ang mahinang pagtawa ng lalaki dahil sa sinabi ng matanda. So,mag-ina sila? Hmmm… di magkamukha. Ang tangkad ni kuya samantalang si nanay ay hindi man lang yata umabot ng 5 foot. Baka sa ama nagmana si kuya. “Ako po si Ella, kaibigan ni Macy.” pagpapakilala ko. “Tawagin mo na lang akong nanay Ope. Ofelia ang tunay na pangalan ko. Halika pasok.” masiglang aya nito. Kukunin ko sana ang maleta kay kuya ngunit nilagpasan niya ako at sumunod kay nanay Ope. Wala akong nagawa kundi ang sumunod na lang sa dalawa. Pagpasok ko ng bahay ay namangha ako sa ganda ng loob, ang cozy. Para tuloy ang sarap magkape. Sayang kung narito lang si Macy, mag-eenjoy sana ako. Napansin ko si Xandro, dire-diretsong paakyat ng hagdan dala ang maleta ko. “Dadalhin niya yan sa silid mo. Hayaan mo na at mukhang mabigat yata ang gamit m

  • Planning His Wedding   Chapter 71

    Ella POV May dalawang oras din ang naging biyahe mula EDSA hanggang Cavite. Nakatulog na lang ako dahil sa haba ng biyahe. Pagbaba namin ng van ay sumakay ako ng tricycle. Kagaya nang bilin ni Macy ay nagtungo ako sa paradahan ng tricycle kaysa sa jeep para diretso na at hindi na ako mag pasalin salin pa ng masasakyan. “Singkwenta hanggang sa bahay na yan.” anang tricycle driver na kausap ko. “Po? Hindi po ba twenty lang?” yun kasi ang bilin ni Macy. Twenty pesos lang daw ang i-bayad ko. Sa tingin ko ay ginugulangan ako ng driver dahil halatang dayo lang ako dahil sa maletang dala ko. “40 na lang sayo.’ trato pa ng driver. Pagod ako sa biyahe at kahit singkwenta pa ang ibayad ko ay ayos lang kaso ang problema ay eksaktong thirty pesos na lang ang barya ko. Hindi kasi ako nakapagpapalit bago umalis dahil biglaan nga. Si Macy pa nga ang nagbayad kanina para sa pamasahe ko sa van. “Manong driver naman, 30 na lang po barya ko dito. Baka pwede na ‘to.” pakiusap ko sa kanya. Ipin

  • Planning His Wedding   Chapter 70

    Ella POVSa halip na dumiretso sa opisina ay umuwi ako sa bahay. Wala sina Jerald at kuya June dahil tanghali pa lang ngayon. Nagtungo ako sa aking silid at kinuha sa loob ng closet ang isang malaking maleta. Isa isa kong isinilid lahat ng mga importanteng gamit ko. Ipinatong ko sa kama ni kuya ang sulat na ginawa ko para sa kanya. Maya-maya pa ay may kumatok. Sigurado akong hindi sina kuya yun dahil may mga sarili silang susi. Tinungo ko ang pintuan at binuksan ito. Iniluwal nun si Macy.“Ready?” tanong nito. Tipid itong ngumiti ngunit walang kasiyahang makikita dun. Mapait akong gumanti ng ngiti sa kanya.“Ready na.” tugon ko.Hila ang aking maleta ay pinasadahan ko ng tingin ang buong kabahayan bago ako tuluyang lumabas ng bahay kasabay ni Macy at naglakad patungo sa sasakyang dala nito.Kahapon ko pa siya nakausap tungkol dito. Matapos kong makita ni Sofia ay ikinuwento ko kay Macy ang aking natuklasan. Maaga kaming nag-out ni Macy sa trabaho para dumiretso sa bahay nila. Kahapo

  • Planning His Wedding   Chapter 69

    Ella POVKatatapos ko lang kausapin ang isang vendor sa telepono at pagkuwa’y itinuwid ko ang aking pagkakaupo. Tiningnan ko ang oras. 11:47 na, malapit nang maglunch. Hinilot ko ang aking sintido, nananalangin na sana ay maging maayos ang araw na ito at wala munang issue na manggagaling mula kay Miguel.Pagkatapos niyang magmadaling umalis kagabi ay hindi na ito bumalik o nagparamdam man lang. Kutob ko ay may nangyaring masama kay Sofia base na rin sa narinig ko. Sana naman ay wala dahil narinig ko pa kagabi na binanggit niya ang salitang “baby.”Habang inaayos ko ang mga folder sa ibabaw ng aking table ay narinig ko ang boses ni Sheryl isa sa mga katrabaho ko.“Ella, may naghahanap sayo.”Nilingon ko siya at agad kong napansin ang katabi nitong may edad at eleganteng babae, si Mrs. dela Vega– ang ina ni Miguel.Buong pagtataka akong napatayo habang nakatingin sa kanya. Kailangan ko bang tawagan si Macy?Nakita kong ngumiti at nagpasalamat ang ginang kay Sheryl. Pagkuwa’y muli itong

Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status