“Siguro mali lang yung tono ng pagkakasabi ko, pero ang gusto kong ipunto ay sobrang naawa ako sayo noong napanuod ko yun at mula nun ay hinangaan kita kahit pa mas matanda ako sayo. Maniwala ka man o hindi, ikaw ang naging inspirasyon ko noon para iwanan si Hector.”Hindi nakapag salita si Sabrina. Hindi niya inakala na ganun pala ang ibig sabihin ni Hana. Bakit ba minasama niya ito kaagad?Nagpatuloy si Hana, “Ayaw ko na sanang sabihin ‘to sayo kasi buntis ka ngayon at baka masisi mo pa ako kapag may nangyaring masama sayo. Isa pa, hindi naman tayo magkakilala talaga pero dahil napag usapan naman na natin ‘to, sasabihin ko na sayo ang lahat. Pinalayas ako noon ni Hector sa bahay niya, pero ilang taon din kaming may contact pa rin sa isa’t-isa kasi kailangan kong magbigay ng sustento sa anak ko. Noong panahong kumalat ang video mo, para akong binuhusan ng malamig na tubig at nagising ako. Nasasaktan at nahihirapan na ako… Ikaw ang naging inspirasyon ko na magdesisyong tuluyang iwan
”Anong problema?” Tanong ni Sabrina.“Gusto ko lang magpasalamat sa anak mo.” Nahihiyang sagot ni Hana. Hindi nakasagot si Sabrina. “Madam Scott, sobrang naiinggit po ako sainyo kasi ang bait bait ng anak niyo. Soibrang gaan din po ng loob ko sakanya kasi sakanya ko lang bukod tanging naramdaman na importante ako at may nag aalala para sa akin. Sa tingin ko, naawa siya sa akin kasi lumaki siya na nakikitang nasa ganitong klase ng ka rin estado noon. Buti ka pa, mahal na mahal ka ng anak mo, samantalang ako…”Hindi na tinuloy ni Hana ang gusto niyang sabihin at natawa nalang siya sa sarili niya, “Sige na Madam Scott, kalimutan niyo na po yung sinasabi ko. Ibababa ko na ‘to.”“Sige.” Sagot ni Sabrina. Pagkatapos ng tawag, nakita ni Sabrina si Aino, na nakasuot pa ng pikachoo na pajama at halatang kagigising lang. “Mommy, ayaw na daw bang bumalik ni Madam Scott dito sa bahay natin?”Hindi alam ni Sabrina kung ano ang isasagot niya kay Aino, pero matalino itong bata. “Okay lang,
”Ikaw bata ka! Anong ginagawa mo dito? Binabantayan mo ba ako?” Naiinis na tanong ni Zayn. Mula pagkapanganak ni Aino, mahal na mahal na ito ni Zayn, at ngayon lang siguro yung pagkakataon na nakita niya ito bilang sakit sa ulo. Mahirap ba ang gusto niyang mangyari? Mahal na mahal niya si Tessa at ito na ang babaeng gusto niyang makasama habambuhay. Nasa tamang edad naman na siya at gustong gusto rin si Tessa ng lahat! Oo, maging ng mga magulang niya, tapos masisira sila nang dahil lang sa isang bata?! ‘Tignan mo naman! Nanlilisik nanaman ang mga mata niya sa akin!’ Gustong gusto ng paluin ni Zayn ang puwet ni Aino pero pinigilan niya ang kanyang sarili.“Sige, saan mo gustong kumain at maglaro? Hindi ko na susunduin ang girlfriend ko kasi kailangan ako ng pamangkin ko. Masaya ka na ba?” Sabi ni Zayn. “Uncle Zayn, may good news ako sayo!” Nakangiting sabi ni Aino. “Ano nanaman yan! Sabihin mo na!”“Hindi na kita pipiliting gawing girlfriend si Madam Sharpe!”“Talaga?!!” Masa
Pag tingin ni Zayn, tumambas sakanya ang isang matandang babae. “May maitutulong po ba ako sainyo? Ako po si Zayn Smith.”Lumapit ang babae kay Zayn at nanginginig ang kanyang buong katawan na nagsalita, “Mi-mister Snith… Mukha lang po akong matanda dahil maputi na po ang buhok ko pero fifty-seven palang po ako.”Sobrang nagulat si Zayn. Sumasang ayon siya sa babae na hindi pa naman talaga ganun katanda ang fifty seven pero base sa itsura nito ay para bang sobrang tanda at pagod na pagod ito. “Ma-ma-malakas pa po ako at pinapangako ko po sainyo na kaya ko pa pong magtrabaho. Nag-nagpunta po ako dito kasi narinig ko na marami na kayong nabigyan ng trabaho. Baka naman po pwede niyo rin akong maipasok kahit kasambahay ang… Kaya ko pong patunayan sainyo na hindi pa po talaga ako ganun katanda.” Habang sinasabi yun ng babae, nanginginig niyang kinuha ang ID niya mula sa kanyang bag at iniabot kay Zayn. Yun nga ang babae at talagang fifty seven years old lang ito!“Si-sige, kumalma ka
Natigilan si Hana at tumingin kay Zayn. “Siguro nga totoong mabuti kang tao. Naniniwala naman ako na bukal sa loob mo ang pagtulong sa kapwa mo, pero hindi talaga pwedeng magtrabaho ang tita ko. Fifty seven na siya at marami na rin siyang pinag daanan kaya hindi ko siya hahayaan.” Pagkatapos magsalita,kinuha ni Hana ang backpack ng babae at naglakad palayo. “Hana, Hana, hintayin mo ako. Itong batang ‘to talaga! Magiging pahirap nga lang ako sayo!” Naiiyak na sigaw ng tita ni Hana. Sabay na naglakad palayo ang mag tiyahin. Parehong nasaksihan nina Zayn at Aino kung gaano hirap na hirap pasanin ni Hana ang mabigat na backpack ng tiyahin nito, sabay pa ang pag alalay nito rito. “Uncle Zayn, nakakaawa naman sila.” Malungkot na sabi ni Aino. Huminga ng malalim si Zayn. “Kaya nga eh.” Kung si Hana na mas malakas ay nakuba noong binuhat nito ang backpack ng babae, paano pa kaya yung tiyahin nito na di hamak na mas matanda?“Uncle Zayn, ihatid na kaya natin sila?” Tanong ni Aino.
Paglingon ni Zayn, tumambad sakanya ang apat na lalaking nakatayo sa may pintuan. Ang lalaking nasa harapan, na mukhang lider ng grupo, ay galit na galit na naka duro sa matandang babae na kauupo lang noong sandaling iyon. Sa takot ni Aino, nagmamadali itong tumakbo papunta sa uncle nito kaya binuhat ito ni Zayn gamit ang isa nitong kamay, habang ang isa naman ay nakaharang kina Hana at sa matandang babae. Pagkatapos, tinignan niya ng masama ang apat na lalaki. Medyo nagulat si Zayn dahil kahit na bastos ang naging panunugod ng apat, mukha namang disente ang mga ito, lalo na ang lider na nakasalamin at naka long sleeves pa! “Sino kayo? Hindi niyo ba alam na trespassing ang ginagawa niyo? Private property ‘to.” Kalmadong sabi ni Zayn. Lumapit siya kay Aino at bumulong, “Baby, kapag napaaway si uncle mamaya, tumakbo ka papunta sa sasakyan ko at humingi ka ng tulong gamit ang smartwatch mo. Naiintindihan mo ba?” “Mhm! Wag po kayong mag alala uncle Zayn!” Tinignan ng lider si Zay
Nagulat si Stefen. “Gusto mong kagatin kita? Bwisit ka!” Galit na galit si Aino. Mahal na mahal niya si Hana kaya paano niya naman magagawang panuurin na inaapi ito ng iba? Kaya bago pa man din makapag react ang kanyang uncle ay galit na galit siyang bumaba sa pagkakabuhat nito at nakapamewang na pinagalitan ang lalaki na para bang ang kaya niya itong labanan. Hindi naman talaga masamang tao si Stefan at nandoon lang talaga siya para kunin ang kanyang fifty thousand dollars. Yun lang! Kaya siyempre hindi niya kayang patulan ang isang maliit na bata kaya nauutal niyang sinabu, “Hu..huy! Buhatin mo yang anak mo! Ayokong patulan yan!” Noong oras na yun, nakahanap si Zayn ng pagkakataon na makasingit, “Mister, alam ko naman na hindi ka masamang tao kaya pwede mo bang sabihin sa akin kung ano talaga ang nangyayari? Sa oras na maklaro mo sa akin ang lahat, ako mismo ang magbabayad ng utang nila sayo.”Muling binuhat ni Zayn si Aino. “Aino, kumalma ka lang, Ako ng bahala dito.” Doon
Nang makita ni Stefan at ng mga kapatid nito na mukhang walang balak ang matandang babae na ibaba ang kutsilyo kaya kumaripas sila ng takbo na halos magkadapa-dapa pa sila sa sobrang takot. Hindi na hinabol ng matanda ang apat na lalaki, at napaupo nalang siya sa sobrang sama ng loob. Umiyak siya ng malakas at humahagulgol na sinabi, “Ano ba ang kasalanang nagawa ko?” Naglakad si Hana papunta sa matanda at dahan-dahang kinuha ang kutsilyong hawak nito. “Tita, wag na po kayong umiyak. Ibigay mo na sa akin yang hawak mong kutsilyo.”Binigay ng matanda kay Hana ang hawak nitong kutsilyo. Pagkatapos, humarap siya kay Zayn, na gulat na gulat pa rin sa mga nangyari, at lumuhod. “Mister Smith, nagmamakaawa po ako sainyo. Alam ko po na mabuti kayong tao. Noong bumisita po yung pamangkin ko, naikwento noiya sa akin na marami na daw kayong natulungan..“Mister Smith, nagmamakaawa ako sainyo… tulungan niyo po ako. Kahit po mahirap ako, hindi ako mukhang pera. Kailangan ko lang po ng trabah