Share

Kabanata 1679

Natigilan si Hana at tumingin kay Zayn. “Siguro nga totoong mabuti kang tao. Naniniwala naman ako na bukal sa loob mo ang pagtulong sa kapwa mo, pero hindi talaga pwedeng magtrabaho ang tita ko. Fifty seven na siya at marami na rin siyang pinag daanan kaya hindi ko siya hahayaan.”

Pagkatapos magsalita,kinuha ni Hana ang backpack ng babae at naglakad palayo.

“Hana, Hana, hintayin mo ako. Itong batang ‘to talaga! Magiging pahirap nga lang ako sayo!” Naiiyak na sigaw ng tita ni Hana. Sabay na naglakad palayo ang mag tiyahin. Parehong nasaksihan nina Zayn at Aino kung gaano hirap na hirap pasanin ni Hana ang mabigat na backpack ng tiyahin nito, sabay pa ang pag alalay nito rito.

“Uncle Zayn, nakakaawa naman sila.” Malungkot na sabi ni Aino.

Huminga ng malalim si Zayn. “Kaya nga eh.” Kung si Hana na mas malakas ay nakuba noong binuhat nito ang backpack ng babae, paano pa kaya yung tiyahin nito na di hamak na mas matanda?

“Uncle Zayn, ihatid na kaya natin sila?” Tanong ni Aino.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status