Sakto, may isang retiradong middle school teacher din ang naghahanap ng mapapangasawa noong mga oras na yun. Parehas silang naghahanap ng makakatuwang kaya madali silang nagkasundo at ang pangalan ng matandang lalaking yun ay Neo Dixon. Pero ang lingid sa kaalaman niya ay hindi pala ganun kadali ang lahat…. Hindi nagtagal, lumabas ang tunay na kulay ni Neo. Sobrang higpit nito… “Ang kaya ko lang ibigay sayo ay yung panggatas ng apo mo buwan buwan. Bukod dun, wala na akong kayang itulong at gagawin ko yun dahil naawa ako sayo kaya wag na wag mong susubukang samantalahin ako. Sa oras na makalaya na ang anak mo, kailangang lumayas na din yang apo mo.”Noong mga oras na yun, wala na siyang ibang mapupuntahan kaya walang pagdadalawang isip siyang pumayag dahil noong mga oras na yun, ang pinaka mahalaga lang sakanya ay ang may matuluyan… “Salamat. Maraming maraming salamat sa pagpapatuloy mo sa amin ng apo ko.”Sunod-sunod na tumungo ang babae. “Magaling akong mag linis ng bahay kaya sis
Sobrang nasaktan siya noong araw na yun. Sampung taon silang nagsama! Lahat ng gusto nito ay ginawa niya at mas naalagaan niya pa nga ito kaysa sa sarili niyang apo. Sobra ba ang hinihingi niya? Tuition fee lang para sa apo niya noong taong yun dahil wala siyang sariling pera! Okay na sana kung tumanggi lang ito eh, pero ininsulto pa siya nito at pinagbubugbog sa harapan mismo ng mga kapwa nito retiradong guro. Higit sa lahat, pinalayas siya nito at pinatira sa tinutuluyan ng mga katulong. “Kayong lahat! Pag masdah niyo ang salot na babaeng ito! Mali ba ako? Mula pagkabata ng apo niya, itinira niya na dito! Ni hindi na siya nahiya na hindi naman siya faculty member pero malaya siyang nakakatira dito nang dahil sa akin tapos anong napala ko?” Sa sobrang galit ni Neo, halos hindi ito makahinga. Lahat ng mga kapwa nito guro ay tinignan siya ng may halong pandidiri. “Tss kakaiba ka talaga!”“Para talagang linta yung mga kagaya mong tao! Hindi titigil hanggang hindi nasisimot hanggan
”Oo naman! Sobrang layo niya dun sa una! Kaya nga hindi ako nag lalalapit jan eh!” “Tamaa! Mukhang pera!” “Isipin mo nga! Tama ba yung katwiran na inalagaan niya yung mga apo’t anak ni Neo? Ha ha! Baka nakakalimutan niya na palamunin lang siya jan sa bahay na yan? Anong akala niya? Pwede siyang tumihaya at magpasarap nalang?” “Agree ako jan! Wala eh, ano pa bang expect natin? Galing sa mahirap na lugar eh!”“Kailangang madisiplina ng mga ganyan!” “Tama! Dapat lang na turuan ng leksyon yung mga ganyang klase ng tao para hindi namimihasa!”“Kung hindi ba naman siya kapit sa patalim, bakit talagang pumasok pa siya sa bahay mo para magluto? Paano! Wala kasi siyang mapupuntahan ha ha!Takot niya lang na tumira sa kalsada” “Ang kapal ng mukha niya!” Lahat ng yun ay sinabi ng mga kapitbahay nila na para bang walang pakiramdam si Cecilia. Nanatili siyang kalmado. Noong gabing yun, lahat ng mga anak ni Neo ay kumain sa bahay nito.Pagkatapos niyang linisin ang hapag kainan, hinugasa
Hindi makapaniwala si Neo sa biglaang desisyon ni Cecilia. Sa sobrang gulat niya, nakatitig lang siya dito ng walang kurap kurap. “G*go ka! Sobrang yabamg mo! Tignan lang natin kapag…”Sasaktan palang sana ni Neo si Cecilia, pero pag lingon nito ay may hawak na siyang taga.“Baka nakakalimutan mo kung ano ang trabaho ko bago tayo magkakilala? Sisiw lang sa akin ang pagkatay” Mararamdaman sa pagtingin ni Cecilia na para bang sobrang layo ng loob nito. Gulat na gulat si Neo. Hindi niya inakala na darating ang araw na talagang gagawin ito ni Cecilia. Agad-agad namang pumunta si Cecilia sakanyang kwarto para kunin ang kanyang mga gamit. “Wag kang mag alala, mga damit ko lang ang kinuha ko.” Sabi ni Cecilia. Pagkatapos, walang anu-ano siyang umalis. Natanggap niya na ang kanyang kapalaran.. Hindi man ngayon pero sigurado siya na darating ang araw na malalaman at malalaman din ni Neo ang tungkol sa fifty thousand dollars. Ginawa niya yun para sakanyang apo kaya handa siyang makulong ku
“Sige.” Ngumiti si Cecilia at nagpatuloy, “Gusto mo ba talagang marinig sa akin kung ano ang dahilan ko? Sige! Sampung taon tayong kasal at kitang kita ko kung paano mo gastusan ang mga anak at apo mo, pero ako? Ginawa mo akong katulong na ultimo maliliit na bagay ay nililimos ko sayo. Handa kang maglabas ng libo-libo para sa mga pagkain at luho mo, pero sa tuwing humihingi ako sayo ng pera, palagi kang galit. Inalagaan ko ang mga apo mo, samantalang yun akin? Kunwari ka pang naawa sakanya pero yung hanggang sa pinaka murang gatas lang naman yung binibigay mo sa akin. Ni minsan, hindi nakaranas ang apo ko ng bagong damit at kung hindi pa dahil sa mga may magagandang loob na nagbibigay ng mga pinaglakihan nila, wala siyang magagamit kaya Neo Dixon, sabihin mo nga sa akin ngayonn! Hindi ba sapat na dahilan ito para makipag divorce?”“Hoy babae!” Nang makita ni Neo na maraming nanunuod sakanila, mas nilakasan niya pa ang kanyang boses. “Gusto ko lang klaruhin sa lahat yang mga pinagsasab
Ayaw niyo ba ng amicable divorce? May problema ba kayo sa mga property?“Ayoko!” Walang pagdadalawang isip na sagot ni Neo. “Kahit kailan, hindi siya nagkaroon ng sarili niyang kita kaya lahat ng mga pangangailangan niya ay inasa niya sa akin. Sampung taon siyang nakatira sa bahay ko tapos ganun ganun nalang yun? Pati yung apo niya, ako na rin ang sumalo ng responsibilidad sa pagpapalaki! Kaya hindi ako papayag na wala akong makuha! Kulang pa nga yung two hundred thousand dollars kung tutuusin eh!” Tinignan ng staff si Cecilia, “Ganun ba?” Noong oras na yun, hindi maawat si Cecilia sa kakaiyak. Hindi niya alam kung bakit pakiramdam niya ay walang nakakaintindi sakanya! Kung hindi siya magtatagumpay ngayong araw na makipag divorce kay Neo, buo na ang desisyon niyang iuumpog nalang ang ulo niya sa pader para mamatay na siya! Humahagulgol niyang sinabi. “Nasaan na ba yung mga taong may alam sa batas! Noong mga panahon bang kasal kami, hindi ba pamilya ang tawag sa amin?” Tumungo
“Pero anong nangyari sa sarili kong apo? Pinagtatabuyan nilang lahat na para bang may nakakadiri siyang sakit. Kung papipiliin ako kung yung apo ko o sila, hindi ako magdadalawang isip na piliin yung apo ko! Fifty six palang naman ako at kaya ko pang magtrabaho… Kapag matuloy amng divorce namin, maghahanap ako ng trabaho na may kasama ng tulugan at pagkain. Mag iipon ako para sa apo ko, para sa pag aaral niya! Kaya sabihin niyo sa akin, mali ba ako? Hindi ba ako nagiging risonable?”Hindi alam ng staff ang isasagot niya. “Kaya nag mamakaawa ako na baka pwede niyo namang pakibilisan ang pag proseso ng divorce namin!”Tumungo ang stadd. “Sige po, Ma’am!” Natigilan ang staff at tumingin kay Neo, “Teka lang sir, teacher po kayo, tama?”Tinignan ng masama ni Neo si Cecilia bago siya tumingin sa staff. “Tama! Matalino akong tao kaya madali akong kausap. Sabihin mo sa akin kung anong gusto mong malaman at walang ligoy-ligoy akong sasagot.” “Magkano po ang monthly salary niyo, Sir?”
”Ma’am, sigurado na po ba kayo jan? Karapatan niyo po yun, talaga bang handa niyong isuko nalang yun?” Awang awa ang staff kay Cecilia. Kahit kailan, hindi naging mukhang pera si Cecilia. Alam niya naman na naawa at gusto lang siyang bigyan ng hustisya ng staff kaya nito pinipilit na kunin niya ang four hundred thousand dollars, pero hindi naman siya tanga na kagaya ng palaging sinasabi ni Neo dahil alam niya na matagal pang proseso yun at masaydo ring maraming kakampi si Neo na pwede pang mas makadiin sakanya. Ayaw niya na ng drama at ang gusto niya nalang ay tutukan ang kanyang apo.Isa pa.. Ano ba namang laban niya? Hanggang ngayon ay nakakulong pa rin ang anak niya kaya hindi siya pwedeng magsayang ng panahon. Kailangan niyang makahanap ng disenteng trabaho sa lalo’t madaling panahon para sa kapakanan niya at ng kanyang apo.Mula noong kinuha niya ang fifty thousand pesos kay Neo, ngayon lang siya napanatag. Hindi siya nagsisisi at magandang panimula na rin yun para sakanila