Nagselos si Aino nang marinig ito. “Hmph! Akala ko ba ako ang paboritong apo ng Lola ko! Mukhang ang Mommy ko naman pala!” Natawa ang matanda at nagpatuloy sa pagbulong kay Sabrina, “Wala talaga akong sakit. Namiss ko lang talaga kayo ni Aino. Isa pa, may alam akong recipe na siguradong makakatulong sayo na makabuo ng baby.”Gulat na gulat na tumingin si Sabrina kay Sebastian. Sobrang pula ng mukha niya sa sobrang hiya, pero hindi niya ikinakaila na sobrang natouch din siya sa ginawa ng matanda.” “Basta kainin mo yun bago kayo magtalik. Sinisigurado ko sayo na magkakaroon kayo ng maraming anak.” “Hehe. Sige po, Lola. Salamat po.” “Mabait na bata. Dito ba kayo kakain?” Tanong ng matanda na halatang nagpapaawa. Nang makita ni Sabrina ito, sobrang naging emosyunal siya. Halos mag iisang daang taon na ang lola ni Sebastian, pero kailangan pa nitong magpanggap na may sakit para lang bisitahin ng mga apo nito. Habang iniisip yun ni Sabrina, lalo siyang nagiging emosyunal kaya mahi
Maging ang mga ito ay natatawa rin pero nangibabaw sakanila ang takot kay Frost kaya pinigilan nila. Nagmamadaling lumapit si Frost sa salamin, at nang magkita niya ang sarili niya, bigla siyang napatalon. “Waaah! Sino yan! Hindi ako yan!”“Hahahahhaa!” Hindi napigilan ni Aino na tumawa ng malakas. Sa sobrang saya niya, tumulo pa ang laway niya. Tumakbo siya papalapit kay Frost at sumilip sa salamin. Sobrang pangit talaga nito! Para itong matandang pulubi na panot ang ulo! Lalong natawa si Aino, at dahil dito, pati si Sebastian ay nahawa na rin. Galit na galit na sumigaw si Frost. Kanina pa siya nagtitimpi! Nago siya bugbugin ng lalaking sumugod sakanila, sinampal din siya nina Sabrina at Sebastian kanina! Bakit ba sobrang malas niya ngayong araw!“Sean! Sean! Tignan mo sila….”Galit na galit na sigaw ni Rose, na kababalik lang ng malay. Galit na galit na tumayo si Sean. “Sebastian! Nakikita mo ba ang sarili mo?”“Anong nangyari?” Kalamdong tanong ni Sebastian. May kutob na
Nagulat si Sabrina kaya napatingin siya kay Sebastian. “Siya ba yan?” Tanong nito. “Si Uncle Holden ba yan?” Tanong ni Aino. Umiiyak pa rin ito hanggang ngayon. Sobrang talino nitong bata at naintindihan niya kaagad ang buong sitwasyon dahil lang sa pakikinig sa usapan ng mga matatanda, kaya nga ganun ganun niya nalang na natanong ang lolo niya kanina.“Sobrang nakakaawa si Uncle Holden.” Humamagulgol na pagpapatuloy ni Aino. “Mahal na mahal niya ako kaya nga palagi niya akong pinapasan, Gusto ko lang naman ng uncle Holden ko na magkatoion ng tatay eh! Nasan ba ang nanay niya? Huhuhu nakakaawa talaga siya…” Hindi alam ni Sabrina kung anong isasagot niya, habang ang lalaki naman na nasa kabilang linya, ay hindi na napigilang maging emosyunal. “U..umiiyak ba si Aino?”“Holden Payne. I..ikaw ‘to diba? Kami ni Sebastian…yung asa….yung kapatid mo… hinahanap ka namin.:Medyo matagal bago sumagot ang lalaki. “Nagkakamali ka! Hindi ko kilala kung sino ang sinasabi mo. Masama akong ta
Pagkauwi nila, dumiretso si Sebastian sa study room habang si Sabrina at Aino nalang ay naglaro nalang muna hanggang sa mapagod sila at trinulungan nila si Aunt Lewis na magluto ng gabihan. Pagkatapos mag gabihan, naligo si Aino at natulog din ng maaga. “Mommy, sige na. Icomfort mo na si Sebastian.” Nagulat si Sabrina. “Ikaw bata ka…anong sabi mo?” “Sebastian!” Nakangiting sagot ni Aino. “Aba! Bakit tinatawag mo ang daddy mo sa pangalan niya? Gusto mo bang isumbong kita para paluin niya ang pwet mo?” “Hmph!” Inirapan ni Aino si Sabrina. “Madalas daddy ko siya, pero kapag ganyan siya na nagseselos na parang bata, kaibigan ko lang siya kaya alam ko na kailangan ka ng kaibigan ko ngayon.” Patagal ng patagal, lalong nagugulat si Sabrina sa mga naiisip ng anak. “Ahhh… kaya hindi na kita kailangang patulugin?” “Tumpak! Kaya puntahan mo na siya, Mommy. Pagpasensyahan mo na si Sebastian. Mahal na mahal ka lang talaga nun kaya ganun yun.” Kung magsalita si Aino ay para bang kaed
Ang araw ay sumisikat nang maliwanag at ang hangin ay napakapresko. Ang ganitong klase ng panahon ay nagbigay ng masayang kalooban sa mga tao.Kaninang umaga, si Aunt Lewis ay lumabas para kumuha ng mga sariwang ani. Nung siya ay bumalik, may dala siyang isang malaking bouquet na lahat ay kakapitas lang. Nung oras na pumasok si Aunt Lewis sa pinto, nakita niya na bumangon na sa kama si Aino."Aino, nasaan ang daddy at mommy mo?" tanong ni Aunt Lewis."Shh..." Agad na sinenyasan ni Aino si Aunt Lewis para manahimik. Bumulong siya nang napakahina, "Ang daddy at mommy ko ay kinukumpleto ang misyon na binigay sa kanila ng lola ko sa tuhod. Binigyan ng lola ko ang mama ko ng isang sikretong recipe."Ngumiti si Aunt Lewis. "Anong klaseng misyon yan?""Ang misyon na ito ay para hayaan ang mga magulang ko na gawan pa ako ng munting mga kapatid," pagmamalaking sinabi ni Aino.Ang ngiti ni Aunt Lewis ay mas naging mahinahon. Matapos na tumigil, sinabi niya. "Kung ganon hindi sila pwedeng m
Samakatuwid, nung nagmalasakit siya para kay Gloria, wala ring kahit kaunting hindi pagkakasundo. Mas mapagmahal pa nga siya kaysa kay Sabrina.Pagkatapos nila sa kanilang almusal, ang pamilya ay bumili ng isang trunk na puno ng regalo galing sa pamilihan sa malapit, at pagkatapos ay pumunta na sila sa bahay ni Gloria. Nakatayo sa isang tahimik na lugar sa bayan, ang maliit na patyo ay pumangit na talaga dati. Matapos itong ayusin ni Marcus, ang lugar ay mas naging masigla. Masigla at kakaiba.Nung nakaraang linggo, bumili si Sebastian ng labing-walong milyong dolyar na halaga ng mga muwebles para ilagay sa antigong kwarto na ito. Sa mga painting ng mga puno ng mansanas na iniwan ng yumaong Goldie, kahit si Sabrina ay natigilan sa nakita niya."Ma! Ang mga painting ng lola ko ay hindi ko inaasahang maganda pala at masining?"Si Gloria ay ngumiti nang may pagmamalaki. "Ibinuhos ng lola mo ang buong buhay niya sa pagpipinta ng mga puno ng mansanas. Ipininta niya ito buong buhay niya
Ang ekspresyon ni Sebastian ay malayelo ang lamig, pero ang galaw ng kamay niya ay agad na inipit ang babae sa ilalim niya. Ang hininga niya ay nasa mukha na nito. "Ang utos na sabay na ibinigay sa akin ng lola ko at ng nanay mo!"Bago pa makasagot si Sabrina, siya ay naipit na sa ilalim ng lalaki."Hindi, may trabaho pa ako bukas..." Bago pa matapos ni Sabrina ang mga salita niya, ang mga labi niya ay naharangan na ng labi ng lalaki. Nasa punto na sila ng walang balikan, kaya ano pa ba ang magagawa niya?Kinabukasan, si Sebastian ay nagising nang sobrang aga, pero si Sabrina ay talagang miserable. Matapos ang dalawang magkasunod na araw kasama siya, pakiramdam niya talaga ay nawasak ang katawan niya."Kung hindi maganda ang pakiramdam mo, wag ka nang pumasok ngayon!" sabi ni Sebastian."Hindi!" agad na tumanggi si Sabrina. "Masyado na akong maraming liban kamakailan lang. Iisipin ng mga tao sa kumpanya na ako ay arogante at laki sa layaw dahil ako ay pinsan ni Marcus. Hindi ako l
Pagkatapos nun, tinanong ni Sabrina, "Anak, bakit mo naman pinapagawa yun kay mommy?""Dahil po tingin ni Jennifer ay napakabuti ng mommy ko. Ang mommy ko ay mabait at mapagmahal sa akin, pero ang nanay niya ay medyo malamig. Kailanman ay hindi pa siya nahalikan ng nanay niya sa kanyang noo..."Nagbuntong-hininga si Sabrina."Ayos lang po ba yun, mommy?" Tinanong ulit siya ni Aino.Nagbuntong-hininga ulit si Sabrina. "Sige, pinapangako ko sayo na bibigyan ko si Jennifer ng isang halik, pero hindi ko alam kung papayag ba ang nanay niya o hindi. Kapag hindi pumayag ang nanay niya, hindi natin sila pwedeng pilitin, naintindihan mo ba?"Tumango si Aino. "Mm-hmm!"Pagkatapos ng almusal, sabay na bumaba ang mag-ina. Si Kingston ay naghihintay na sa kanila sa baba."Magandang umaga po, Uncle Kingston." Ang munting bata ay napakagalang, at siya ay talagang pamilyar na kay Kingston ngayon.Ngumiti si Kingston. "Magandang umaga, munting prinsesa. Magandang umaga, madam."Si Sabrina ay b