Si Sabrina ay naguluhan sa pagalit na sagot ng babae. Kahit si Aino ay napatingin din sa nanay niya nang may matinding kahihiyan. Nung tumingin si Aino sa babaeng yun, meron siyang kaunting mahiyaing ekspresyon.Pero, biglang humingi ng paumanhin ang babae. "Pasensya na, Mrs Ford, hindi...ko nakontrol nang maayos ang emosyon ko..."Tinaas ni Sabrina ang kilay niya. "Bakit? Anong nangyari?Nagbuntong-hininga ang babae. "Mrs Ford, ako ay isang tao lang na galing sa mga manggagawa. Hindi talaga ako maikukumpara sa mga mayamang tao tulad niyong lahat. Tingnan mo, natapakan ng anak ko ang sapatos ng asawa mo nung araw bago kahapon. Tumuwad ako para punasan ang sapatos niya, at kahit ang asawa mo ay kinamuhian ako..."Si Sabrina ay nanatiling kalmado at mahinahon. "Nayamot ka ba dahil dito?"Malamig na sinabi ng babae, "Paano naman yun magiging posible?"Tumigil siya bago nagsalita, "Sinasabi ko lang ang mga katotohanan ng sitwasyon. Ang mayayaman at maluhong mga tao at ang mga taong m
Hindi talaga ganun kagusto ni Sabrina si Mrs Sear, kaya ang tono niya ay medyo naiinip. "Mrs Sear, ako ay medyo mahuhuli na sa trabaho, anong problema?""Mrs Ford, alam ko na hindi mo gusto ang ilan sa amin simula nung insident nung huling beses, pero sinisigurado ko sayo ang karakter ko, hindi na talaga kami gumawa ng kahit anong gulo pagkatapos nun. Sa grupo na meron kami, hindi namin ipinagyayabang ang mga bag o ang yaman namin, pinag-uusapan lang namin ang ilan sa mga karanasan ng pagpapangaral sa mga bata."Si Sabrina ay hindi nagsalita ng kahit ano.Nagpatuloy naman si Mrs Sear, "Kailanman ay hindi ko siya pinilit na sumali sa maliit na grupo namin dahil ito rin naman ay kusang loob. Pero, alam mo ba kung ano ang minsang sinabi ni Susan sa akin nung umuwi siya? Sinabi niya na si Jennifer ay hindi masyadong masaya sa eskwelahan. Gu...gusto lang talaga namin makipag-usap sa nanay ni Jennifer. Totoo nga na siya ay walang asawa, at bilang mga babae tulad natin, gusto lang namin si
"Sigurado ako na dalawa lang ang kamag-anak ni Marcus, ang isa sa kanila ay si Ruth, at ang isa naman ay si Sabrina," sabi ni Ryan nang wala masyadong pag-iisip."Kulit mo!" si Sabrina ay nagkunwaring galit."Tita Sabrina, ako ang nakakataas sayo. Hindi ka pa ba magtatrabaho ngayon? Tanong ni Ryan nang may pag ngisi. Saka lang napagtanto ni Sabrina na late nga pala siya ngayon.Agad siyang pumasok sa elevator. Nung oras na sumaea ang elevator, gusto ulit kumpirmahin ni Sabrina. "Sigurado ka bang walang ibang kamag-anak si Marcus?""Siguradong sigurado!" sabi ni Ryan. Gumaan naman ang loob ni Sabrina. Inisip niya sa sarili niya na nagkataon lang siguro ito. Pagkatapos ng lahat, maraming tao ang may apelyidong Shaw.Matapos na mag-isip sa ganung paraan, hindi na inintindi pa ni Sabrina ang tungkol sa bagay na ito. Nung siya ay nagtatrabaho, siya ay seryoso at masipag pa rin. Pagkatapos ng trabaho, sinundo niya pa rin si Aino. Si Sabrina ay nagmamadaling pumasok sa trabaho nitong mga
“Malinaw ang intensyon ni Holden. Ayaw niyang magpahanap, kaya sa oras na pilitin mo siyang lumabas, hindi siya magdadalawang isip na magpakamatay. Ilang milyong dolyar ang ginastos niya para lang mabili yung bombang suot niya, at alam naman natin kung gaano kakilala ang Keicrekreth pagdating sa mga ganung teknolohiya, diba?” Huminga ng malalim si Sabrina. “Ano ba talagang gusto niyang mangyari?” Malayong malayo ang Holden na nakikita niya ngayon sa nakilala niya noon… Ang Holden na nakilala niya ay rasyonal, marunong kumontrol ng emosyon, at higit sa lahat, may malasakit sa lahat… Pero ngayon? Ganun na ba siya kalungkot na umabot na sa puntong pati pagpapakamatay ay hindi na siya natatakot? Sobrang lungkot ni Sabrina para kay Holden. “A…anong plano mo?” Tanong ni Sabrina kay Sebastian. “Kung wala akong gagawin, hindi niya titigilan ang mga tao dun sa mansyon.” Sagot ni Sebastian. “At dapat lang naman yun sakanila!” “Pero sa oras na saktan niya kayo ni Aino, sisiguraduhin
Si Marcus, na may dalang paso, ay biglang natigilan. “Hmm Sabrina, bakit bigla mo yang natanong? May… may nalaman ka ba?” Inasahan na ni Sabrina ang naging sagot ni Marcus pero nalungkot pa rin siya noong narinig niya talaga ito. “Wala naman. Napansin ko lang na napapadalas ang pagbisita mo sa Mommy ko, kaya naisip ko na baka wala ka ng ibang kamag anak. Haha.” Tumawa ng malakas si Sabrina. Dahil dun, biglang nakahinga ng maluwag si Marcus. “Haay, sa tuwing iniisip ko yung iba kong mga kamag anak, kinikilabutan ako.” Hindi alam ni Sabrina kung anong sasabihin niya kaya medyo matagal bago siya nakasagot, “Ba…Bakit? So may iba ka pa ngang mga kamag anak?” Nagbunting hininga si Marcus at ngumiti, “Oo! At kilala rin siya ng Mommy mo. Magkaklase sila noong kindergarten. Magbest friends sila noon pero mula noong nalaman niya ang tunay na pagkatao ni Aunt Gloria, isa sa siya sa mga nang api sakanya noon. Hindi nakapag salita si Sabrina. Sa tuwing binabalikan nila ng Mommy niya a
Gusto niya sanang ipalaglag ang bata pero hindi niya nagawa. Pagkapanganak ng bata, sinabi ng boyfriend nito, “Kung sa akin ang batang yan, bibigyan kita ng isang daang milyon, pero kukunin ko ang bata dahil hindi ako papayag na palakihin ng isang malanding babaeng kagaya mo ang anak ko! Pero kung hindi sa akin yan, magpakalayo-layo ka na!” Galit na galit si Jennie at umiiyak na sinabi sakanyang boyfriend. “Hindi ba ikaw nagdala sa kaibigan mo para pagsamantalahan ako?! Tapos sasabihin mo sa akin na malandi ako?” Haha! Wala namang problema sa akin kahit gaano ka pa kalandi kasi wala rin naman talaga akong planong seryosohin ka, pero ibang usapan na pagdating sa anak ko!” Hindi nakasagot si Jennie. Sa sobrang pagkainsulto niya, pumayag siyang magpapaternity test. Pero sa kasamaang palad, lumabas nga na hindi ang boyfriend niya ang tatay ng anak niya. Sinubukan niyang hanapin ang tatay ng anak niya, pero simula noong gabing may nangyari sakanila, hindi na ito nagparamdam
Nang makita niya ang reaksyon ni Marcus, nagulat si Sabrina. Pero bandang huli ay ngumiti nalang din siya, “Haha! Ikaw talaga, Marcus! Hinulaan ko lang naman yun. Pwedeng mayroon o walang asawa ang pinsan mo. So tama ang hula ko?” Natawa si Marcus, “Hahaha! Hindi ko inakala na pilya ka rin pala, Sabrina.” Ngumiti si Sabrina. “Matagal na.” “Wag na nga natin siyang pag usapan, Sabrina! Sa totoo lang, hindi ko pa sila nakikita nganak niya, at para sa akin, kayo lang ni Ruth ang mga pinsan ko.” Tumungo si Sabria. “Sige, pumasok na tayo at tulungan mo kaming magluto ng ravioli.”“Mhm! Ay sandali, balita ko plano raw sumali ng auntie ko sa dance party ng mga senior?” “Haha! Oo nga raw eh. Ang alam ko, magaling magpiano ang Mommy ko, pero parang parehong kaliwa ang mga paa niya. Mukhang dinibdib niya ang practice niya!”“Tara, silipin natin.” Pagkapasok nila, nagmamasa si Gloria ng dough. Naihanda na niya ang fillings na ilalagay niya rito. “Mommy, sabi mo nagpractice ka bu
Pinsan pa rin ng daddy niya si Jennie at sa oras na malaman nito na pinagtaasan niya ito ng boses, siguradong may kalalagyan siya kaya pinilit niyang kumalma. “Tumawag ba kayo sa mansyon?” “Haha! Mhm! Pero ayaw sagutin ni Lolo. Ang daddy mo ang sumagot at alam mo naman kung gaano kamahal ni Uncle si Mommy, diba?” Hindi alam ni Marcus kung anong isasagot niya. “Noong nalaman ni Uncle na tumatawag sakanya si Mommy, tumawag siya sa amin at pinapunta niya kami.” “Lori….” Pero bago pa man din matapos ni Marcus ang sasabihin niya, bigla siyang binabaan ni Lori. Gusto niya sanang magtagal sa bahay ng Auntie niya dahil yun din naman ang gustong mangyari ng lolo at daddy niya, pero mukhang kailangan niyang umuwi kaagad. Ang sabi sakanya ng daddy niya, “Marcus, sobrang nasaktan ng lolo mo ang auntie mo, at hindi ko naman ikinakaila na nasaktan ko rin siya noon. Pero siyempre, sa paglipas ng mga panahon, natanggap ko na magkapatid pa rin kami kahit anong mangyari kaya dalasan mo ang p