Nagulat si Lori.. Hindi niya alam kung anong isasagot niya hanggang sa bandang huli ay mangiyak-ngiyak niyang sinabi, “Ma…Marcus, anong ibig mong sabihin? Hindi lang naman ikaw ang nakatira dito, diba? Mansyon ‘to ng Lolo ko at gusto rin naming bisitahin si Uncle at si Auntie. Hinintay na nga kita dito, tapos gaganyanin mo lang ako!” Biglang nahimasmasan si Marcus. “Pasensya na. Medyo masama lang ang araw ko.” Pero lalong umiyak si Lori. “Kanina pa ako kinukulit ng anak ko kung gwapo raw ba ang Uncle niya kaya nandito kami sa labas para hintayin ka…”Napatingin si Marcus sa batang babae. “Uncle…” Hindi niya itatanggi, napukaw nito ang loob niya kaya yumuko siya para buhatin ang bata. “Ilang taon ka na?” “Six! Ang pangalan ko po ay Jennifer. Nagpunta po kami dito last week pero wala naman kayo nila lolo. May regalo pa naman ako sainyo!” “Talaga ba? Dala mo ba ang regalo mo?” “Opo.” “Pwede ko bang makita?” “Okay.” Masayang bumaba si Jennifer mula sa pagkakabuhat sakanya
Kung hindi niya lang alam na nasa twenty-five na si Lori, iisipin niya na nasa forties o mas bata pa ang babaeng nasa harapan niya. Sobrang elegante ng ayos nito, na para bang wala itong pinagdaanang hirap sa buhay. Dahil dun, bigla niyang naalala ang Aunt Gloria niya. Ang Aunt Gloria niya ang tunay na tagapag mana ng mga Shaw, pero pinagtabuyan, kinahiya, at inapi ito ng sarili nitong pamilya, kaya ngayon ay mas minatamis nalang nitong magpakalayo. Pareho lang naman ang babaeng ito ang auntie niya na may pangarap na makapag aral, pero kinailangang humito sa pagaaral ng auntie niya dahil sa kahirapan. Bukod dun, pareho ring nakatagpo ang mga ito ng maling lalaki, pero malinaw na ang Jennie na nasa harapan niya, ay nabigyan ng pagkakataon na makabangon, hindi kagaya ng auntie niya. Nabuntisan din naman si Jennie, pero hindi nito kinailangang mag hirap. Samantalang ang Auntie niya ay halos humalik na sa lupa para lang makapagtrabaho mula umaga hanggang gabi. Sa kamalas-malasan pa nit
Abot-tenga ang ngiti ni Jennie. “Oh my, Marcus, medyo maraming best friend ang Auntie mo noon. Sa totoo lang, halos hindi ko na nga mabilang kung ilan sila! Sino bang tinutukoy mo?” Ngumiti si Marcus, “A… wala naman.. Interesado lang akong malaman ang mga nangyari sayo noon!” “Hahaha! Masaya naman ako noon.” Huminga ng malalim si Marcus at pumikit, na para bang pinipilit niyang kumalma. Pagdilat niyam nakita niyang nakatitig sakanyang ang Daddy niya kaya natigilan siya. Buti nalang din at mukhang nakaramdam si Jennie na nang lumalaon ay ito na mismo ang nagkusang nagpaalam na uuwi. Pagkatapos ihatid ang tatlo sa labas, naiiritrang sinabi ni Marcus sakanyang mga magulang, “Hindi pa ba sapat na pinapunta niyo sila dito? Kailabgan ba talagang pauwiin niyo pa ako? Gusto ko lang namang tikman ang ravioli na gawa ng auntie ko, hindi ba pwede yun?”Nang makita kung gaano kagalit ang anak, lumapit ang Mommy ni Marcus para pakalmahin siya. “Wala nama talaga sana kaming intensyon na pau
Pagkababa ng phone, nagpatuloy lang si Jennie sa pag iyak. “Mommy, hindi mo ba nakita kung anong asta satin ni Marcus? Pati si Lolo! Pagkatapos mo silang respetuhin ng sobram gaganunin nila tayo?!” Tumingin si Jennie kay Lori, “Bata ka pa talaga kaya wala inosente ka pa sa mga bagay-bagay.” “Nakalimutan mo na ba kung sino ang nanay ko? Pamangkin lang ako ni Madam Shaw at Gibson ang apelyido ko, hindi Shaw! Oo, gustong gusto nila ako noon, pero matagal na yun at totoo ang kasabihan na kapag nagsawa na sila sayo, balewala ka nalang.” “Eh bakit pinagpipilitan pa natin ang sarili natin sakanila?” “At bakit hindi? Gusto mo bang hintayin na maging mas mahirap pa tayo sa daga? Lahat ng mayroon tayo, mawawala! Mula sa mga branded nating bag, damit, lahat! Kaya nga dapat mag asawa ka ng mayaman para hindi na natin kailangang magmakaawa sakanila, naiintindihan mo ba!”“Opo…”“Ang malaking pagkakamali lang talaga na nagawa ko ay noong umalis ako. Akala ko kasi wala na akong mahahanap
Natawa nalang si Marcus. “Ang talino mo talaga, Sabbie..” “Hindi naman kasi yun big deal. Matagal na kayong nagtuturingan na magkakamag anak kaya normal lang na bisitahin niya kayo kasi kayo na ang pamilya niya.. Pero okay lang ba insan na wag mo ng banggitin ‘to kay Mommy?” “Kahit na sinasabi ni Mommy na wala siyang pakielam sa Lolo at sa Daddy mo, sa tingin ko masasaktan pa rin siya kapag naalala niya na mas minahal pa nila yung hindi nila kaano-ano kaysa sakanya.”“Alam ko…Isa ako sa mga nakakita kung gaano naghirap si Aunt Gloria at para sa akin, siya lang ang Auntie ko… wala ng iba at kahit kailan, hinding hindi ko siya ipagpapalit kahit kanino kaya hindi ko rin siya pipilitin na tanggapin sina Lolo at Daddy.” “Salamat, Insan.”“Tara, tulungan na natin si Auntie na magluto.” “Sige.” Masaya silang kumain ng sabay-sabay at walang humpay ang tawanan at kwentuhan. Pagkatapos, umidlip si Aino, habang si Marcus naman ay inayos ang garden ni Gloria. Tinono rin ni Sebastian an
Masaya si Sabrina para kay Jane. “Dapat lang yun sakanya.” “Oo naman! Haha pagkatapos magpasarap ng babaeng yun sa ibang bansa habang nilulustay ang pera ni Mr. Poole, ang lakas ng loob niya na bumalik dito ng ganun ganun nalang! Anong tingin niya sa mga tao? Tanga? Kaya dapat lang talaga yan sakanya.”Napanatag si Sabrina sa mga nalaman niya kay Marcus at sa loob loob niya ay nagdadasal siya na sana ay nasa maayos na lagay si Jane. ‘Sandali nalang, Jane. Malapit na si Alex at magiging sobrang saya na ng mga susunod mong araw.’Hanggang gabi, hindi talaga maalis sa isip ni Sabrina si Jane kaya hindi siya makatulog. “Kamusta na kaya si Jane at ang baby niya.” Nalulungkot si Sebastian habang pinagmamasdan si Sabrina. Alam niya ang dahilan kung bakit ito nag aalala… Dahil kung ano ang pinag daananan ni Jane ngayon ay yun din mismo ang pinagdaanan nito noon kaya alam nito kung gaano kahirap ang lahat para kay Jane ngayon. Hindi niya rin alam kung anong sasabihin niya kaya niyakap n
Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Sabrina na nanginginig pa ang boses niya, “Je…Jane? Ikaw ba ‘to?” Nanatiling kalmado ang boses ni Jane, “Gusto ko lang sanang sabihin sayo na baka medyo matagalan bago kita mabayaran sa utang ko sayo.” Noong oras na yun, hindi na napigilan ni Sabrina ang sarili niya at tuluyan na siyang umiyak, “Ha..hayaan mo na yun, Jane.” Noong kapanahunan niya, hindi umiiyak si Sabrina, pero ngayong nakikita niya ang sarili niya kay Jane, hindi niya napigilan ang sarili niya. Alam niya kung gaano kahirap ang pinagdadaanan nito ngayon dahil yun eksakto ang ang pinagdaanan niya noon. “A..ayos lang naman ako, Sabrina.” “Jane..umuwi ka na rito… aalagaan kita…”“Sa totoo lang, mas naging tahimik ang buhay ko… sobrang tahimik at ordinaryo…” Totoo ang sinabi ni Jane… Sa kasalukuyan, mas mapayapa na ang buhay niya kasama si Noah. Mula noong Hinayaan sila ni Garrett na makaalis, gumastos sila ng halos tatlong libong dolyar sa byahe nila hanggang sa makarati
Pagkalipas ng isang linggo, natapos ni Noah ang mga pagsasaka at pagtatanim, kaya bumaba na siya sa bayan para maghanap ng trabaho. “Jane, magpahinga ka nalang dito sa bahay. Kapag nainip ka, pwede kayong maglakad-lakad ni Nanay. Alam kong sanay ka sa South City kaya baka manibago ka na wala ka masyadong makikitang tao dito.” Hinawakan ni Jane ang kamay ni Noah, “Hindi ako natatakot na mag isa, Noah.” “Sobrang tagal ko ring nakulong sa bahay kaya sanay na akong mag isa. Ngayon, gusto ko sanang maghanap ng trabaho na malapit sayo, para sa gabi, sabay na tayong uuwi. Gusto ko lang sanang mag ipon lalo na at malapit na akong manganak.” Base sa mga mata ni Jane, alam ni Noah na sobrang seryoso nito kaya hindi niya nalang din ito kinontra, “Sige, sabay tayong maghanap ng trabaho.” “Mhm. Pero bago yun, may kailangan lang akong gawin.” “Ano yun? Gusto mo bang bumili ng damit? Sasamahan kita.”Umiling si Jane. “Hindi. Yung tungkol sa pera na hiniram ko kay Sabrina. Gusto ko sana s