Malalim na sugat ang dala ng pagkamatay ni Grace kay Sebastian.Nalungkot din nang sobra si Sabrina dito na halos maapektuhan na ang pagbubuntis niya. Kahit na gaano kalungkot si Sabrina, hindi niya mahahatid si Aunt Grace sa huling hantungan nito.Ang burol na inayos ni Sebastian para sa nanay niya ay talagang magarbo. Dumalo ang mga mayayaman sa lipunan pero, si Sabrina ay hindi man lang nagkaroon ng pagkakataon na makilamay. Hindi nga rin niya pwedeng malaman kung saan nakalibing si Aunt Grace. Ito ay dahil ang buong Ford family at mga kamag-anak nila ang nagburol sa kanya. Kahit si Nigel ay nandoon rin para makipaglibing sa tita niya.Mag-isang naglalakad si Sabrina sa isang kalye nang may biglang tumigil na itim na limousine sa harap niya. Agad siyang hinila papasok sa loob. Natakot si Sabrina. "Kayo...sino kayong lahat?"Hindi nagsalita ang lalaki sa kotse, nagmaneho lang ito hanggang sa makarating sila sa entrance ng ospital. Saka lang napansin ni Sabrina na ito ang ospital
Naaawa talaga si Kingston kay Sabrina, pero siya pa rin naman ang bodyguard na talagang pinagkakatiwalaan ni Sebastian at kay Sebastian lang siya tapat."Anong nakikita mo?" Hindi nakatingin si Sebastian kay Kingston nung nagtanong ito.Walang nasabi si Kingston."Sabihin mo na!""Para bang si Mrs..." naisip ni Kingston na nagkamali siya, at tinama niya agad ang sarili niya. "Mukhang may nangyari kay Sabrina, at si Young Master Nigel ang pupunta para ayusin ito."Walang nagbago sa mukha ni Sebastian, walang makitang emosyon dito."Naintindihan ko na." Kalmado niyang sinabi.Pagkatapos nito, tinuloy niya ang paglamay para sa nanay niya.Walang may alam kung ano ang iniisip ng lalaking ito na madalas ay marahas at madilim. Walang patid ang pagdating ng mga bisita para makipag lamay. Nandun din si Old Master Shaw. Nang malapit na siya sa entrance, tahimik na sinabihan ni Old Master Shaw ang apo niya, "Marcus, napaka walang hiya mo talaga. Anong klaseng lugar ba 'to? Unahin mo muna
"Hindi po, hindi hindi hindi. Young Master Nigel, wag po kayong magalit. Kasalanan ko ito, nagkamali po ako, okay na po?" nag-panic si Kenton at sinubukan bumangon sa kama, pero aksidente nitong natamaan ang sugat niya."Aray!" hinawakan ni Kenton ang namamaga niyang sugat. bumaluktot ang paa niya, at hindi niya sinadyang mapaluhod sa harap ni Nigel at Sabrina.Aroganteng ngumiti si Nigel. "Hindi na kailangan niyan."Walang nasabi si Kenton. Nakatingin lang siya habang matapang na dinala ni Nigel si Sabrina palabas ng ward, sa sobrang galit ni Kenton sinuntok niya ang bed frame.“Sino nga ba ang kinatatakutan ko!"Hindi na nagtangka pang magsalita ang mga alagad niya.Pinaghirapan ni Kenton kung anong meron siya ngayon, at marami siyang kilalang tao sa kalye. Akala niya walang sino man sa South City ang susubok na hamunin siya kahit pa nasa kadiliman sila o nasa liwanag. Pero, hindi niya inaasahan na mawawala ang kalahati ng yaman niya kay Sebastian, na isang bastardong anak ng F
Nang makita niya ang malamig na reaksyon ni Sebastian, pineke agad ni Selene ang emosyon niya."Young Master, nag-alala lang naman ako kaya hindi ko sinunod ang babala mo samin na wag pumunta dito. Alam kong malaking bagay sayo ang burol ng nanay mo, at hindi naman ako pumunta dito para gumawa ng gulo, pero si Kenton..." tumigil si Selene sa gitna ng sinasabi niya.Nang marinig niyang binanggit ni Selene si Kenton, nanlisik agad ang mga mata ni Sebastian.Si Kenton na naman pala!Bago mamatay ang nanay niya, nakita niya si Sabrina at Kenton na nagiging pisikal sa isa't isa sa labas ng ospital, at ngayon nabanggit na naman ang pangalan ni Kenton."Magsalita ka." halatang malamig ang boses ni Sebastian."Pwede ko bang banggitin si Sabrina?" tanong ni Selene."Oo."Natuwa si Selene. Tama nga ang mga magulang niya, ngayon na pumanaw na ang nanay ni Sebastian, hindi na kailangan ni Sebastian si Sabrina. Kaya ngayon na ang tamang oras para sirain si Sabrina sa mata ni Sebastian.'Sa
Kahit na ba meron ng nangyari sa kanila.Gayunpaman, hindi pwedeng pabayaan ni Sebastian ang sanggol sa tiyan ni Selene. Hindi niya hahayaang matulad sa kanya ang anak niya nung bata pa siya. Para sa sanggol sa tiyan ni Selene, kailangan niya itong pakasalan.Nagulat si Selene sa pagsaway sa kanya ni Sebastian. Nautal siya at sinabi, "Sige, a-alis na ako ngayon.""Umuwi ka na at magpahinga ka! Wag kang pupunta kung di ko naman sinabi! Pupuntahan kita pagkatapos kong ayusin ang mga bagay dito! Bilang isang ina, ang una mo dapat responsibilidad ay alagaan ang bata sa sinapupunan mo!""Na...naiintindihan ko." masiglang ngumiti si Selene bago siya tumalikod at umalisSa tabi niya, lumapit agad si Kingston kay Sebastian. "Young Master, yung mga sinabi ni Miss Lynn... totoo kaya yun?"Hindi sigurado si Kingston kung pwedeng pagkatiwalaan ang mga sinabi ni Selene.Pero, pinigilan niya na lang sabihin ito.Hindi sumagot si Sebastian sa tanong ni Kingston, may iniisip kasi siyang ibang
Sa ilalim ng ulan, nakaluhod si Sabrina sa harap ng puntod ni Grace at may hawak na itim na payong sa ulo niya. Sa harap ng puntod ni Grace ay mayroong isang bungkos ng dilaw at puting bulaklak. Umagos ang luha sa mga mata ni Sabrina habang sinasabi niya kay Grace, "Pasensya na Aunt Grace kung hindi kita naihatid sa huling hantungan mo nung inilibing ka. Alam kong patuloy ka lang sumasabay sa agos ng buhay at alam ko rin na lagi kang naghihirap. Pero, ngayon nasa maayos na kalagayan ka na. Nakalibing ka sa tabi ng mga magulang at kapatid mo. Hindi ka na mag-iisa ngayon sa kabilang buhay."Aunt Grace, naiinggit po ako sayo. Nung namatay ang nanay ko, ikaw na lang ang nag-iisang pamilya ko, pero ngayon nawala ka na rin."Humikbi si Sabrina.Mahina ang pag-iyak ni Sabrina, at kahit sila Kingston at Sebastian ay hindi ito narinig nung lumapit pa sila dito. Si Sabrina ang unang nakarinig ng mga yabag nila. Nakita ang malamig at seryosong si Sebastian, pati na rin si Kingston, na hindi ma
Yung mga sinabi niya ay para bang pangwakas na mga salita na kaya wala ng nasabi si Sebastian."Kung hindi mo ako gusto sa buhay mo sa ngayon, edi aalis na ako. Kung gusto mo naman akong patayin, pwede mo akong hanapin na lang." Lumihis ng tingin si Sabrina at umalis.Hindi na siya tumingin pa ulit."Hoy..." hindi napigilan ni Kingston ang sarili niya at sumigaw ito.Nagpatuloy lang sa paglalakad palayo si Sabrina. Meron siyang payong at hindi siya ganun kabagal maglakad. Pero mas mahaba ang biyas ni Sebastian, at mas matulin ang lakad niya. Hinarang niya agad si Sabrina."Gusto mo na bang kunin ang buhay ko ngayon?" Tanong ni Sabrina.Sinabi ni Sebastian ng walang emosyon. "Hindi pwede ipagwalang bahala na lang ang mga kontratang pinirmahan ko dati. Walang sino man ang mawawalan ng pera kapag nagbayad ako! At saka, walang halaga para sakin ang buhay mo! Masyadong matrabaho sakin para kunin ang buhay mo!"Nakahinga nang malalim si Sabrina. Gusto niya pa rin na bigyan siya ng per
"Anong sinabi mo?" Natigilan si Nigel. Nahimasmasan siya agad at tumingin kay Sabrina na parang nagbibiro ito.Ang mukha ni Sabrina ay kalmado at determinado. Dahil napagdesisyunan niyang ayusin ang pakikitungo niya sa lalaking ito, gusto ni Sabrina na maging tapat sa kanya."Alam mo naman na nakulong ako ng dalawang taon. Sobrang gulo sa loob nun, at hindi ko nga rin alam kung sino ang tatay ng anak ko. Pero, Young Master Nigel, patay na ang nanay ko. Si Aunt Grace naman na pinakamalapit sakin, ay kakalibing lang din. Wala na akong ibang karamay sa mundong 'to. Gusto kong mabuhay ang anak ko.""Alam kong hindi ako karapat-dapat para sayo. Kahit kailan hindi ko inaasam na pakasalan mo ako. Pwede mo akong tanggihan kahit kailan. Ayoko ng kahit anong yaman mo. Malapit ko na rin makuha ang sweldo ko ngayong buwan. Kapag nakuha ko yun, ibabalik ko na sayo yung tatlong libo na pinahiram mo sakin. Gusto ko lang na maging maayos tayo, kaya hindi ako magugulat kung hindi mo ako matatanggap.