Share

Kabanata 130

"Anong sinabi mo?" Natigilan si Nigel. Nahimasmasan siya agad at tumingin kay Sabrina na parang nagbibiro ito.

Ang mukha ni Sabrina ay kalmado at determinado. Dahil napagdesisyunan niyang ayusin ang pakikitungo niya sa lalaking ito, gusto ni Sabrina na maging tapat sa kanya.

"Alam mo naman na nakulong ako ng dalawang taon. Sobrang gulo sa loob nun, at hindi ko nga rin alam kung sino ang tatay ng anak ko. Pero, Young Master Nigel, patay na ang nanay ko. Si Aunt Grace naman na pinakamalapit sakin, ay kakalibing lang din. Wala na akong ibang karamay sa mundong 'to. Gusto kong mabuhay ang anak ko."

"Alam kong hindi ako karapat-dapat para sayo. Kahit kailan hindi ko inaasam na pakasalan mo ako. Pwede mo akong tanggihan kahit kailan. Ayoko ng kahit anong yaman mo. Malapit ko na rin makuha ang sweldo ko ngayong buwan. Kapag nakuha ko yun, ibabalik ko na sayo yung tatlong libo na pinahiram mo sakin. Gusto ko lang na maging maayos tayo, kaya hindi ako magugulat kung hindi mo ako matatanggap.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status